You are on page 1of 5

ANG PANITIKAN NG REHIYON II

"Ang panitikan ay nagsisilbing tulay para makita at mabatid natin ang kaugnayan ng ka- salukuyan sa
nakaraan upang sa ganoon maharap natin ang darating na may lakas at talino. "
-Estelita C. Apuntan

Ang rehiyon II ay matatagpuan sa isang malaking lambak sa hilagang-silangang Luzon, sa pagitan ng


kabundukang Cordilleras at ng Sierra Madre. Binabagtas ng Ilog Cagayan, ang pinakamahabang ilog sa
bansa, ang gitna ng rehiyon at dumadaloy patungong Kipot ng Luzon sa hilaga.

            Ang Lambak ng Cagayan – ay matatagpuan sa pagitan ng bulubundukin ng Sierra Madre at


Cordillera Sentral  sa Hilagang-Silangang Luzon.

Mga Lalawigan at Kabisera:

         Batanes – Basco

         Cagayan – Tuguegarao

         Isabela – Ilagan

         Nueva Vizcaya – bayombong

         Quirino – Cabarroguis
Halos lahat ng mga lugar sa Cagayan Valley ay napalilibutan ng bulubundukin na katatagpuan ng mga
kagubatan.

Mga Katutubo sa Rehiyon II:

       Ivatan sa Batanes

         Gaddang at Ibanag sa Cagayan, Isabela, at Nueva Vizcaya

         Dumagat

         Isneg

         Ita

         Igorot

Ang Cagayan Valley –ay  biniyayayaan ng lupang alluvial o lupaing nadeposituhan ng putik at buhangin
dulot ng umaagos na ilog, sapa  at iba pa. Maganda pagtaniman ng tabako, palay, mais, gulay at prutas,
kape, cacao, sibuyas, halamang-ugat, tabla, rattan, at kawayan.

Pagsasaka pa rin ang karaniwang hanapbuhay sa Region II.  Pangunahing produkto rito ang palay, mais,
at tabako.  Masiglang industriya rin rito ang pagtrotroso, paglililok ng kahoy, at paggawa ng mga
produktong yari sa yantok, paghahabi, paggawa ng asin, alak at suka.

EPIKO

            Ang literatura ng Ibanag, tulad ng iba pang literatura sa ibang rehiyon ay nagpapakita ng mga
nararamdaman ng mga Cagayanos. Marahil ito ay tuwa, kalungkutan, pag-asa, takot, pagmamahal o di
kaya'y hinanakit, ito ay napagpasapasahan na nang isang henerasyon tungo sa isa. Ang isa sa pinaka
tanyag na epiko sa Cagayan ay ang kuwento ni Biuag at Malana o "Biuag anni Malana" sa lokal na
dayalekto. Ang epiko ay sinimulang isulat sa mga 'bark' ng mga puno at mga bamboo at kinakanta sa
mga importanteng okasyon tulad ng kasalan, selebrasyon pagkatapos ng mga mahahabang giyera at iba
pa at dahil dito ay napagpasa pasahan na ito, henerasyon sa henerasyon.

SALOMON

             Ito ay isang epikong inaawit kasabay ng “cinco-cinco”  o instrumentong may limang kuwerdas
tuwing Pasko sa harap ng altar. Ito ay kasama sa salu-salo kung saan may alak, kape, tsokolate, at iba pa.
Ang nilalaman nito ay tungkol sa pagkakabuo, pagkapanganak, at buhay ni Jesu Kristo. Sa isang bahagi
nang epikong kanta ay makikita ang mga linyang ito:

Anni i ibini wagi?


(What are you sowing, brother?)

Said the farmer: Batu i paddag gunak ku ibini.

(I am sowing pebbles.)

Said Mary: Batu nga imulam, batu nga emmu gataban.

(Pebbles that you sow, pebbles that you reap.)

VERZO

            Ang verzo ay katumbas ng coplas ng mga Espanyol. Ito ay isang awit na may apat na linya at
tugma. Karaniwang ginagawa o nililikha ng versista ang verso sa mismong okasyon tulad ng kasal at
binyag. Ang verso ay karaniwan ding nagtuturo ng moralidad. Ilang mga halimbawa nito ay ang “ ossse-
osse” at “kilingkingan.”

Mga Halimbawa:

Arri ka mavurung ta

 Kabaddi ku lalung, kuak

Ku mamayappak, kannak

Ku utun, gukak.

(Worry not my being a small cock,

For when i fly to attack)

AWIT

            Ang mga awit ay mga kantang para sa pag-ibig at madalas ang mensaheng dinadala nito ay
pangako, pagtatapat, paninigurado, mga pagtuturo at pag-alalay na maibibigay.

            Ang paglawig ng mga kantang galing sa mga Ibanag at ang kumakanta nito ay umabot sa
pinakamataas nitong antas noong panahon kung saan ang mga lalaki o "babbagitolay" ay nanghaharana
sa mga babae o "magingnganay" na natitipuhan nila.
            Subalit, noong panahon ng malawak na opresyon o Martial Law ay kakaunti na lamang ang
tumatangkilik sa mga awit dahil sa dalawampung taon na pamumuno ng lumang rehimen kung saan ang
kalayaan nang mga mamamayan ay may limitasyon.

 Halimbawa:

PAGAYAYA

      Pagayaya ay a metallugaring

      I pattaradde tam ngamin,

      Pagayaya I palu paggia

      Pangawanan ta zigariga,

      Pare nakuan tu yao nga gayam,

      Makeyawa tam mulamuagang

      Kegafuanan na kapawan

      Na ziga nganufulotan.

      (REJOICING )

      Happiness is the end

      Of our being together

      Happiness is the well-being

      And elimination of suffering.

      May it be that this occasion,

      Bring us satisfaction

      Which will make us forget

      Our hatred and suffering.)

SALAWIKAIN

            Ang mga salawikaing Ibanag o "unoni" sa lokal na dayalekto ay pwedeng isang prosa o maaari rin
itong tula. Ito ay paturo at kinapupulutan ng aral.
Mga Halimbawa:

Awan tu umune ta uton ng ari umuluk ta davvun.

      (Nobody goes up who does not come down)

BUGTONG

            Ang "palavvun" o bugtong ay ginagamit nang mga Ibanag bilang isang anyong pang-kasiyahan o
kung sa ibang kaso, maaari rin itong isang anyo ng tagisan ng talino. Ito ay itinuturing na pang-relaks
kung pagod

You might also like