You are on page 1of 6

Pagsusuri ng Tula : “Ang Matampuhin” by Lope K.

Santos

Inilahad kay Bb. Judilyn B. Ramos

Sa Kagawaran ng Junior High School

Sa Bahagyang Katuparan sa Paksang

Filipino 10 --- Pinagyamang Pluma

Lopez, Jojeanne Dane P.

Redoña, Francis Dane T.

Ugsang, Lianna Deborah I.

Saint Paul’s School of Ormoc Foundation, Inc.

March 01, 2021


I. Paksa ng Tula

“Ang Matumpuhin” ay isang tula na naglalarawan sa taong may sensitibong ugali.

Inihahalintulad ito sa isang makaraniwang bulaklak na nagngangalang makahiya. Makikita dito

ang mga iba’t-ibang katangian ng isang sensitibong tao at ang kanilang mga iba’t-ibang ugali na

parehong-pareho sa mga katangian ng nasabing bulaklak, na kung saan ang mga matampuhing

tao ay walang makakamtan sa buhay kapag nanatili silang matampuhin.

II. Pamagat ng Sinuring Tula

Ang pamagat na “Ang Matampuhin” ay tumutukoy sa mga taong sensitibo ang ugali, at

dito sa tula inilalarawan ang pagkakatulad ng bulaklak at ng mga taong ito. Gumamit ng

metapora ang tula sa pagkakatulad ng kanilang mga katangian at ang nabuong pamagat ay

nakabatay sa pareho nilang katangian na pagkamatampuhin.

III. Ipaliwanag ang bawat saknong

Unang Saknong:

Damong makahiya na munting masanggi’y

nangunguyumpis na’t buong nakikimi,

matalsikan lamang hamog na konti’t

halik ng amiha’y mabigla sa dampi

mga kinaliskis na daho’y tutupi’t

tila na totoong lanta na’t uns’yami.

Paliwanag:
Ang kahulugan nang unang saknong ay ipinaliwanag kung paano mabuhay ang halamang

makahiya. Sinasabi dito na sa kaunting galaw natin na nadadamay sila ay agad-agad silang

titiklop.

Ikalawang Saknong:

Mutyang balintataw ng buwang maningning

sa salang mabiro ng masayang hangi’y

pipikit na agad sa likod ng dilim,

panakaw-nakaw na sa lupa’y titingin,

sa tanaw ng ulap at ng panganorin.

Paliwanag:

Ang pangalawang saknong ay sinasabi dito kung paano namumuhay ang halamang makahiya na

maihahalintulad natin sa isang taong may sensitibong ugali, na kung saan ay kung may tumawag

sa kanilang pansin ay agad-agad silang tumatalikod sa dilim dahil sa pagkamahiyain nila katulad

ng halamang makahiya.

Ikatlong Saknong:

Malinaw na batis ng mahinhing bukal

na napalalabo ng bahagyang ulan,

kahit dahong tuyo na malaglag lamang

ay nagdaramdam nang tila nasugatan;

isang munting batong sa kanya’y magalaw

ay dumaraing na at natitigilan.
Paliwanag:

Ang ikatlong saknong ay tungkol sa pangkalahatan ng mga mahiyain, na kahit isang banayad na

hawak ay siya’y lubhang naglalabis sa kanyang pagtugon. Na kahit isang galaw ay siya’y

sobrang nabigla.

Ikaapat Saknong:

Matingkad na kulay ng mayuming sutlang

kay-sarap damitin at napakagara,

munting mapatakan ng hamog o luha,

ay natulukot na’t agad namumutla;

salang malibangan sa taguang sadya’ y

pinamamahayan ng ipis at tanga.

Paliwanag:

Ang ikaapat na saknong ay tungkol sa lakas na loob ng isang tao na nagbibigay ng malakas na

pagpahalaga sa kaniyang sarili, ngunit sa tuwing mayroong nagbibigay ng nakakatulong na

pagpuna ay siya’y mabilis na madismaya.

Ikalimang Saknong:

Kalapating puting may batik sa pakpak,

munting makalaya’y malayo ang lipad;

habang masagana sa sariling pugad,

ay napakaamo at di lumalayas;

nguni, pag sa palay ay minsang manalat,


sa may-alagad man ay nagmamailap.

Paliwanag:

Ang ikalimang saknong ay tungkol sa batik sa ibon na sumisimbolo ng mga walang katiyakan at

mga bahid ng mahiyain at maalab na tao, at dahil dito ay nagtago siya sa kanyang kaginhawang

lugar at sinubukan niyang lumabas muli pero siya ay naging hindi magiliw sa kapwa.

Ikaanim Saknong:

Oh, Pusong tampuhin! Ang langit ng buhay

ay wala sa pusong laging mapagdamdam;

hindi nagluluwat ang kapayapaang

mamahay sa palad na hubad sa lumbay;

lalo sa pag-irog, ang tampo’y di bagay

kaning maya’t-maya at, nakamamatay!

Paliwanag:

Ang ikaanim na saknong ay naglalahad na ang kariktan ng buhay ay hindi makikita ng mga

pusong matampuhin, dahil ang kapayapaan ay hindi tumatagal sa mga taong laging negatibo ang

nasa isip. Lalo na sa pag-ibig, ang pagiging masalimuot at mahiyain ay hindi patatagalan ang

pag-ibig na ito. Kaya itigil ang pagtatampo at iwanan ang lahat ng balisa na damdamin, kasi

hindi ito nakikinabang.

IV. Pagsusuri sa elemento ng tula

Ang tulang "Ang Matampuhin" ay nagpapakita ng mga simbolismo na maihahalintulad sa

iba’t-ibang uri ng mga taong matampuhin. Nabanggit at nakikita sa tula na mayroong limang uri ng

simbolismo at ito ay nakapaloob sa damong makahiya, buwan, batis, sutlang/tela at kalapati. Ang unang
simbolismo ay ang simbolong damong makahiya na naglalarawan sa isang taong nagtatampo, nanahimik,

o kinkimkim ang dinadamdam. Ang pangalawang simbolismo ay ang simbolo ng buwan na kung saan ay

naglalarawan sa isang taong kung magtampo o nahihiya man ay nag oobserba pa rin at nagmamasid. Ang

pangatlong simbolismo ay ang simbolo ng batis na naglalarawan sa isang tao na kung magtampo, subalit

maayos at maganda ang pinagsamahan, nawawala ito at ang tanging makikita ay ang nagawang

pagkakamali. Ang ikaapat na simbolismo ay ang simbolo ng sutlang/tela na kung saan naglalarawan ito sa

isang taong tila isang damit na manipis ang tela na kung magdadamdam sila ay madali silang madala sa

pangyayari at kapag naranasan na nila ay hindi na muling uulit pa. Ang panglimang simbolismo ay ang

simbolo ng kalapati na naglalarawan sa isang taong tapat sa kanyang mga pinahahalagahan ngunit kapag

sya'y nasaktan at magtampo ay hindi na muling magtitiwala at maaaring lumayo na ang kanyang loob.

Ang huling saknong ay naglalahad ng isang aral tungkol sa mga taong matampuhin. Sinasabing hindi ito

mabuti dahil hindi uunlad ang kanyang buhay at maaari pa itong makaapekto at makasira ng buhay,

maging sa pakikipagrelasyon.

You might also like