You are on page 1of 7

TALAMBUHAY

ANO ANG TALAMBUHAY?


Ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng
kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga
tunay na tala, pangyayari at impormasyon.

URI NG TALAMBUHAY AYON SA PAKSA AT


MAY-AKDA
1) Talambuhay na pang-iba- isang paglalahad ng
mga kaganapan ng isang tao na isinulat ng
ibang tao.
2) Talambuhay na pansarili- isang paglalahad
tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo
ang may akda.
3) Talambuhay pangkayo- isang paglalahad
tungkol sa buhay ng isang hayop na naging
sikat sa isang bansa, lalawigan, bayan, o kahit
sa isang maliit na pamayanan o grupo ng mga
tao dahil sa angking galing ng mga tao.

URI NG TALAMBUHAY AYON SA


NILALAMAN
1) Talambuhay na Karaniwan- isang paglalahad
tungkol sa buhay ng isang tao mula sa
pagsilang hanggang sa kanyang pagkamatay.
2) Talambuhay na Di-Karaniwan o Palahad- hindi
gaanong binibigyan-diin dito ang mahahalagang
detalye tungkol sa buhay ng tao maliban kung
itoy may kaugnayan sa simulain ng paksa.

PAYAK PARAAN NG PAGSULAT NG


TALAMBUHAY
Unang linya- pangalan
Ikalawang linya- 2-4 na panguri na naglalarawan
sa sarili o sa taong inilalahad.
Ikatlong linya- mga magulang
Ikaapat na linya- mga kapatid
Ikalimang linya- mga hilig at gusto
Ikaanim na linya- mga kinatatakutan
Ikapitong linya- mga pangarap
Ikawalong linya- tirahan
Ikasiyam na linya- apelyido

KONTROBERSYAL NA PARAAN NG
PAGSULAT NG TALAMBUHAY
Unang talata- pangalan, araw ng kapanganakan,
lugar ng kapanganakan, tirahan, magulang,
kapatid.
Ikalawang talata- mga katangian, mga hilig,
paborito, libangan, mga bagay na natuklasan sa
sarili.
Ikatlong talata- mga pananaw sa mga bagaybagay, pangarap, ambisyon, inaasan sa darating
na panahon, mga gawain upang makamit ang
tagumpay.

SALAMAT SA PAKIKINIG

You might also like