You are on page 1of 6

Aralin Panlipunan

Ang Dimaang Pilipino Amerikano


Pasimula ng Digmaan
 Ipinag-utos ng pinunong Amerikano na huwag magpapaputok kung hindi sa
lumalabn lamang na mga Pilipino.
 Pebrero 4, 1899- nagpaputok ang isang kawal na amerikano na nagngangalang
William Grayson ng makita ang isang Pilipino sa kalye Silencio at Sociego Sta. Mesa
Maynila.
 Sinigawan ang Pilipino upang huminto ngunit hindi ito huminto at ito ay binaril
gayun din ang mga kasama nito.
 Nagsimula ang palitan ng putukan pati na din ang digmaan Pilipino Amerikano.
 Lumaban ang mga Pilipino sa mga amerikano sa loob ng tatlong taon kahit higit na
makabago at marami ang sandanta ng mga amerikano.
Labanan sa Maynila
 Walang lubay na sinalakay ng mga amerikano ang mga Pilipino ng buong
magdamag ng Pebrero 4,1899.
Heneral Antonio Luna- pinuno ng hukbong Pilipino sa Kalookan .Buong tapang at buong
gilas niyang hinadlangan ang mga Amerikano ngunit natalo sila ng mga kalaban.
 Nakapasok sila sa Pulo, Bulacan at inuutos na sunugin ang mga bahay upang
hindi ito mapakinabangan ng mga amerikano.
 Nakapasok din sila sa Daang Azcarraga (ngayon ay Claro M. Recto) ngunit muli
silang natalo.
 Dahil sa galling ng sandatahang lakas ng mga Amerikano sunod sunod na
nabihag ang ibang lugar sa paligid ng Maynila tulad ng Marikina, Pateros,
Guadalupe at Kalookan.
“ And so, by these providences of God- and the phrase of government’s not mine-we
are the world power” –Mark Twain ,sarcastically condemning the American war crimes
in the Philipines.
Kasunduang Bates- nagtatakda na kinikilala ng sulta ang kapangyarihan ng United States
sa buong kapuluan ng Sulu, igagalang ng United States ang mga karapatan at karangalan

1
ng Sultan at kanyang mga datu at hindi makikialam ang United States sa relihiyon ng
mga Moro.
Heneral John C. Bates – kinatawang ng United States at lumagda sa Kasunduan ng
Bates.
Pagbagsak ng Malolos
 Puspusan ang pananalakay ng mga Amerikano sa mga lalawigan ng Pilipinas
Heneral MacArthur- namuno sa pagsalakay sa Guiguinto, Bulacan at nagtuloy sa
Malolos Bulacan na noon ay kabisera ng Republica ng Pilipinas.
Marso 31, 1899- nabihag ng mga Amerikano ang Malolos Bulacan.Umurong si
Aguinaldo at inilipat ang pamahalaan sa San Isidro Nueva Ecija.
 Naiwan ni Aguinaldo ang ilang libong piso at mga dokumentong pampamahalaan .
 Inatasan niya si Heneral Luna na hadlangan ang mga Amerikano sa Calumpit
Bulacan.
Antonio Luna- siya ay isa sa pinakamahusay na heneral noon.
 Siya ay mahigpit magdisiplina kung kaya’t kinamuhian ng ilang mga sundalo.
 Noong Hunyo 1899 nakatanggap sya ng telegram na nagpapapunta sa kanya sa
Cabanatuan, Nueva Ecija upang makipagpulong kay Aguinaldo.
 Ngunit ng makarating siya duon wala si Aguinaldo at sa halip nakita niya ang
nakaalitang kawal ng Samahang Kawit
 Pinaslang siya ng kapwa Pilipino sa pamamagitan ng pagsaksak at pagbaril ng mga
sundalo ng Samahang Kawit.
 Hunyo 5, 1899 namatay si Antonio Luna , nawalan ng isang mahusay na pinuno ng
himagsikan.
Ang Simbahang Filipina Indepediente
 Dahil sa digmaan naging magulo ang simbahan.
 Oktubre 1899 iminungkahi ng mga paring Pilipino na magtatag ng simbahang
pambansa ito ay dahil napabayaan na ng mga paring espanyol ang simbahan.
 Padre Gregorio Aglipay – humiling sa Papa sa Roma nag awing Pilipino ang
simbahang katoliko sa Pilipinas.

2
 Oktubre 23, 1899 – nagkaroon ng kumbensyon sa tarlac upang ayusin ang
kaguluhang panrelihiyon at kilalanin ang paring Pilipino at gawing Pilipino ang
Simbahang Katoliko Romano.
 Hindi ito pinayagan ng Papa.
 Subalit sa demokratikong pananaw ng mga amerikano, nabigyan ng Kalayaan sa
pagsamba ang mga Pilipino.
 Naging bukas ang mga amerikano sa iba’t ibang relihiyon sa bansa.
Padre Gregorio Aglipay- napiling maging kataas taasang Obispo ng Iglesia Filipina
Independiente o Malayang Simbahang Pilipino.
Iglesia Filipina Indepediente- nagpapakilala sa pagiging makabayan ng mga paring
Pilipino.
 Bagama’t hindi ito kinikilala ng Papa sa Roma, may pagkakahawig ito sa
Simbahang Katoliko
 Mayroon din pagdiriwang ng pista para sa mga santo.
 Lumawak at nagkaroon ng mga kasapi ang relihiyong ito.
Labanan Tirad Pass
 Lumaban si Aguinaldo at ang kanyang mga gabinete , kawal at sundalo.
 Upang makaiwas sa mga amerikano dumaan sila sa Pasong Tirad at ditto humimpil
kasama si Heneral Gregorio Del Pilar at 60 na mga kawal.
 Napatay si Del Pilar kasama ang 54 na mga Pilipinong sundalo noong Disyembre 2,
1899
Heneral Gregorio Del Pilar- pinakabatang heneral sa gulang na 24.
 Tinagurian siyang “Bayani ng Pasong Tirad”
 Pamangkin siya ni Marcelo H. Del Pilar.
 Ang kanyang kagitingan ay hinangaan ng mga Amerikano at inilibing siyang may
parangal.
 Ang kampo ng Philippine Military Academy ang pambansang paaralan ng mga
sundalo.Tinawag itong “Fort Gregorio Del Pilar” bilang parangal sa magiting na
bayani.

Pagdakip kay Aguinaldo

3
 Nabunyag ang pinagtataguan ni Aguinaldo ng mahuli ng mga amerikano ang
mensaherong si Cecilio Segismundo.
 Dinala si Aguinaldo sa Maynila.
 Sumuko siya rito at kinilala ang kapangyarihan ng United States sa Pilipinas.
 Pinakumbinsi ng mga amerikano na sumuko na din ang iba pang mga pilipinong
nakikipaglaban.
 Ito ang nagging dahilan ng pagkasira ng loob ng mga Pilipino sa pakikipagdigma sa
mga amerikano.
Mga Pilipinong nagpatuloy sa pakikipaglaban sa mga Amerikano
1. Apolinario Mabini
2. Artemio Ricarte
3. At ilang mga Irreconcilable
 Bunga nito ipinatapon sila sa Guam noong Enero 1901.
Partido Nacionalista – itinatag ng mga Pilipino sa pamumuno ni Pascual Poblete noong
1901.
 Layunin nito maibalik ang kalayaan ng Pilipinas.
 Mga miyembro nito
1. Cecilio Apostol
2. Macario Sakay
3. Santiago Alvarez
Flag Law- pagbabawal ng mga amerikano ng paglalaladlad ng watawat ng Pilipinas.
 Ito ay upang masupil ang damdaming makabayan ng mga Pilipino.
 Nagkaroon ng pagpapataw ng parusa na maaring kamatayan o pagkabilanggo.
 Namundok ang mga Pilipino at nagging gerilya upang ipagpatuloy ang
pakikiaglaban sa mga amerikano.
 Ipinagpatuloy ni Sakay ang gawaing panggerilya hanggang noong 1907
 Sumuko lamang siya dahil sa pangakong amnestiya subalit siya ay binitay sahalip
na patawarin.
Balangiga Massacre
 Setyembre 8, 1901- patuloy na lumaban ang mga rebolusyonariong Pilipino ang
pananakop ng mga amerikano sa pamumuno ni Heneral Vicente Lukban

4
 Sinuportahan ito ng bayan ng Balangiga.
 Naghiganti ang mga amerikano at ipinapatay ang mga taga Samar pati mga
lalaking may 10 taong gulang na lumikha ng eskandalo sa Amerika.
 Bumagsak sa mga kamay ng amerikano ang Leyte, Samar at Negros.
 Oktubre 1901 hanggang Enero 1902 – mahigit 15,000 mga mamamayan sa
samara ng walang awang pinatay at marami ding kababaihan ang nilapastangan ng
mga amerikano.
Paglaban ng mga manunulat
 Sumulat ng iba’g ibang uri ng panitikan ang mga Pilipino upang maipahayag ang
kanilang damdamin sa paglaya at pagtutol sa patakaran at pamamalakad ng mga
amerikano.
 Gumamit sila ng talinhaga, nagdaos ng sarswela at duladulaan.
 Ilang manunulat ang ibinilanggo
Rafael Palma- itinatag niya noong 1901 ang pahayagang “Muling Pagsilang”
 Ito ay bumabatikos sa katiwaliang ginagawa ng mga amerikano noon
 Dahil dito isinakdal siya at nahatulang mabilanggo.
Resulta ng Labanan
1. Masmagastos at masmarami ang namatay sa digmaang Pilipino-Amerikano kaysa
digmaaang Pilipino-Espanyol
2. Nasa humigt kumulang na 126,000 na sundalo ang lumaban sa digmaan
3. 4,234 na amerikano ang namatay at 16,000 sundalong Pilipino ang nagging gerilya
4. Tinatayang sa pagitan ng 250,000 at 1,000,000 ang namatay sa gutom at sakit.
5. Genocide ang tawag sa ginawa ng mga amerikano sa mga Pilipino sa walang
awang pagpatay sa mga sibilyan, kababaihan at batang Pilipino.
6. Hindi patas ang labanang Pilipino- amerikano dahil sa mas makabago at malakas
ang mga armas ng mga amerikano.
7. Nagkaroon ng 2,800 sagupaan ang dalawang panig.
8. Mahigit 20,000 mga sundalong Pilipino ang namatay
9. 200,000 sibilyan ang namatay
10. 4,390 na sundalo ang namatay
11. $600,000,000 anim na raang milyong dolyar ang ginasta.

5
“During the Philippine –American war of 1899-1902 american soldiers, sailors and
marines committed genocides for 200,000 Philippine men, women and children”

You might also like