You are on page 1of 29

• Pinakamatandang labi ng tao na

nahukay sa Pilipinas ay mula sa


Taong Callao.
• Natagpuan noong 2007 sa kuweba
ng Callao sa Penablanca, Cagayan.
• Tinatayang namuhay 67000 taon na
ang nakaraan na sinasabig kabilang
sa Homo sapiens.
• Buto mula sa bahagi ng paa.
• Ang nahukay na labi ng Taog Tabon
ay binubuo ng skull cap, kapirasong
panga, at ilang ngipin.
• Natagpuan ito noong 1962 sa Kuweba
ng Tabon sa Lipuun Point sa bayan ng
Quezon sa Palawan ng mga tauhan
ng Pambansang Museo ng Pilipinas sa
Pangunguna ni Dr. Robert Fox.
• Inuri ito bilang Homo sapiens.
• Nabuhay ang Taong Tabon sa
Panahong Paleolitiko o Panahon ng
Lumang Bato.
• Ang mga kagamitan ay gawa sa
mgamagagaspang na bato, kahoy, at
kawayan.
• Pangangaso, pangingisda, at
pangangalap ng pagkain ang
ikinabubuhay nila.
• Natagpuan din sa kuweba ang mga labi
ng malalaki at maliliit na hayop tulad ng
elepante, malalaking pawikan, paniki,
at ibon
• Pinaniniwalaang mas naunang tao
na namuhay sa Pilipinas.
• Walang labi na natagpuan sa
Cagayan Valley sa naging
paghuhukay at pag-aaral na
naganap sa lugar na ito.
• Taong 1950-1970
• Kagamitang nahukay yari sa bato
• Labi ng mga hayop tulad ng
stegodon, rhinoceros, buwaya,
higanteng pagong, baboy, at usa
na pianiniwalaang may namuhay
nga sa lugar na ito 500,000 taon
na ang nakararaan.
• Pinaniniwalaang Homo erectus
na sa ngayon ay
pinakamatandang tao na
nagsimulang manirahan sa
Pilipinas.
• Bagama’t hindi matibay ang
ebidensiyang namuhay nga ang
mga ito dahil mga kagamitang
bato lamang ang naging
patunay at walag natagpuang
labi o buto mula sa taong ito.
• Nananatiling ang Taong Callao
ang direktang katibayan ng
unang paninirahan ng tao sa
Pilipinas dahil sa natagpuang labi
o buto mula rito.
• H. Otley Beyer ang
nagpanukala
• Ayon sa kaniya ang
pagkakaroon ng tao sa bansa
ay dahil sa pagdating ng mga
migranteng grupo ng tao.
• Mayroong mga wave ng
pagdating ng mga tao sa
Pilipinas.
• Dawnmen o mga taong
naninirahan sa mga
kuweba.
• Nakarating sila sa Pilipinas
gamit ang
upang makahanap ng
lugar na pagkukunan nila
ng pagkain.
ay mula sa Malaya,
Borneo, at Australia. Nakarating
sila sa Pilipinas, partikular sa
Palawan, Mindoro, at Mindanao
sa pamamagitan ng tulay na
lupa. Nanatili sila sa kapuluuan
dahil tumaas ang lebel ng tubig
dahil sa pagtunaw ng yelo kaya’t
nawala ang mga tulay na lupa.
ay magalingsa
paglalakbay sa dagat at
iyon ang kanilang naging
paraan upang
makapunta sa Pilipinas.
ang huling
dumating sa Pilipinas ayon
sa teoryang ito.
• Bagama’t ang teorya ni
Beyer ay ang isa sa mga
pinakatanyag na teorya
tungkol sa pagkakaroon ng
tao Pilipinas, sa
kasalukuyan ay hindi na ito
kinikilala at pinaniniwalaan
ng maraming mga iskolar.
• Binatikos ang Wave Migration
Theory ni Beyer dahil sa
kakulangan ng ebidensiya na
susuporta rito.
• Maraming iskolar ang nagsabi
na hindi katanggap-tanggap
ang ideya ni Beyer na ang
mga Malay ang pangunahing
pinagmulan ng kultursng
Pilipino.
• Isa si Felipe Landa Jocano,
isang antropologo, sa mga
iskolar na tumuligsa sa Wave
Migration Theory ni Beyer.
• Para kay Jocano hindi
lamang mga dayuhang
grupo ang nagbunsod ng
pagkakaroon ng tao sa
Pilipinas.
• Nakakiling ang Core
Population Theory ni Jocano
sa teorya ng ebolusyon kung
saan mayroong core
population na sa rehiyon at
ito ay nahaluan ng ibang
grupo ng taong nagpunta sa
rehiyon na nagresulta naman
sa pagkakaroon ng bagong
populasyon
• Na siyang mga
kontemporaryong taga-
Timog-silangang Asya.
• Hindi siya naniniwala na
mayroong ispesipikong mga
wave ng migrasyon at hindi
siya sang-ayon na ang mga
Pilipino ay mula sa mga ito.
• Aniya, bago pa man
dumating ang mga Malay
• Ay maroon nang naninirahan
sa Java, Borneo, New Guinea,
at Australia.
• Naniniwala siya na ang mga
unang tao sa Timog-silangang
Asya kung saan kabilang ang
Pilipinas ay mula sa
mahabang proseso ng
ebolusyon at migrasyon.
• Dagdag pa ni Jocano na ang
labi ng Taong Tabon at Taong
Callao ay alinsunod sa
kinayang teorya na may
naninirahan na sa Pilipinas
bago pa man dumating ang
tinutukoy ni Beyer na
dominenteng kultura ng mga
Malay.
• Ang Out-of-Taiwan o
Mainland Origin Hypothesis ay
ipinanukala ni Peter Bellwood,
isang dalubhasa sa
arkeolohiya.
• Pangunahing basehan niya
ang linguistic o ang pag-aaral
ng mga wika at diyalekto.
• Ayon sa teoryang ito ang
mga Proto-Austronesian ay
nagpunta sa Taiwan mula sa
Timog China.
• Dahil sa pagtaas ng
populasyon at limitadong
lupaing agrikultural, ang mga
Austronesian sa Taiwan ay
naglakbay pa-timog
patungong Pilipinas,
Indonesia, at hanggang sa
Borneo at Moluccas.
• Narating din nila ang
Madagascar sa kanluran at sa
Easter Island ng silangan.
• Nanatili sila sa Pilipinas na
sinasabing piagmulan ng mga
Pilipino.
• Ang iba ay nagpatuloy
manglakbay at bumuo ng
Ibang kultura ngunit kahawig o
malapit parin sa kultura at
wikang Austronesian.
• Ayon sa mga linguist, ang
Taiwan ang unang naging
tahanan ng mga
Austronesyano.
• Isapang basehan ng teorya ni
Bellwood ay ang paggamit ng
carbon na ginamit nila.
• Teorya ni Wilhelm Solheim II
bilang Island origin Hypothesis.
• Siya ay isang antropologo at
arkeologo.
• Ang Nusantao ay mula sa
salitang Austronesian na Nusa
na nangangahulugang
“Timog” at Tau/Tao na
nangangahulugang “Tao”
Nusantao ay nangangahulgang
“tao mula sa mga isla sa timog”
• Pangunahing batayan ni
Solheim ang arkeolohikal na
ebidensiya kaysa sa linguistics.
• Ayon sa kanya ang kulturang
Pre-Austronesian ay nagsimula
sa Bismarck Islands malapit sa
Papua New Guinea.
• Nagkaroon ng masalimuot na
ugnayan ang mga pulo sa
buong Pacific Ocean at mula
sa isla sa timog ang mga
sinaunang tao sa Timog-
silangang Asya.
• Naniniwala siya na kung ang
mga elemento ng kultura ay
naikalat sa pamamagitan ng
migrasyon, ang pagkalat ay
Dapat na iisang direksiyon
lamang.
• Ang tanging lohikal na
paliwanag ay kumalat ang
kultura sa pamamagitan ng
isang masalimuot na network
ng kalakalan.
• Dagdagpa biya ang pagkalat
ng wikang Austronesian sa
Timog-silangang Asya ay
bunsod ng pagtanggap at
paggamit nito ng mga non-
Austronesian na mga grupo
ng tao upang sila ay
magkaintindihan at makapag-
usap para sa patuloy ang
kalakalan.

You might also like