You are on page 1of 17

Araling Panlipunan

Unang Kwarter – Ikatlong Linggo


Pinagmulan ng Pilipino
Araling Panlipunan – Grade 5
Most Essential Learning Competency (MELC) – Based Exemplar
Unang Kwarter – Ikatlong Linggo: Pinagmulan ng Filipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o
tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng


produkto o brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula,
atbp.) na ginamit sa exemplar na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng
mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa exemplar na ito ay kinakailangan ng pahintulot
mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Development and Quality Assurance Teams

Writer: Marjie C. Sombrio


Illustrator: Aileen D. Gemino
Layout Artist: Junry M. Pormiento
Language Editor: Anatolia B. Caparos
Content Evaluator: Dr. Franklin P. Oranza, Ph.D
Layout Evaluator: Ariel Paler, MA
Management Team: PSDS/DIC
Myrna E. Mozo, Ph.D

1
Rationale

Ang proyektong PPE (Portfolio Predicated on Exemplar) ay angkop na


tugon ng Sangay ng mga Paaralan ng Surigao del Sur sa paghahatid ng
mga pampagkatutong pangangailangan ng mga mag-aaral na kahanay
sa pagsusumikap ng mga nakatataas na tanggapan sa Kagawaran. Ang
gamit nitong lesson exemplar ay may kaaya-ayang format para sa guro at
mag-aaral na pinaigsi bilang bagong pamamaraan sa gitna ng
pangkalusugang krisis dulot ng COVID-19. Ang mga exemplar na ito ay
sasamahan ng portfolio na tugma sa pansariling kakayahan ng mga mag-
aaral.

Bilang koleksiyon ng mga gawain, ang isang portfolio ay nagbibigay


diin sa pagsisikap ng isang mag-aaral. Nagpapakita ito ng kaniyang pag-
unlad, kakayahang mapagnilayan ang sariling gawa, at kakayahang
makabuo ng mga mithiin para sa hinaharap na pagkatuto.

Pambungad na Mensahe

Para sa Guro:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan – Grade


5-Quarter 1 Exemplar para sa araling Pinagmulan ng Filipino.

Ang exemplar na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilikha at sinuri ng


mga edukador mula sa iba’t ibang paaralan ng Division upang tulungan
ang mga mag-aaral na makamit ang mga inaasahang layunin na
nakaangkla sa Most Essential Learning Competencies (MELC) na itinakda ng
Kagawaran habang patuloy na nilulutas ang mga suliranin sa pag-aaral na
dulot ng pandemikong COVID-19.

Bilang isang kagamitang pampagkatuto, nais nitong dalhin ang mga


mag-aaral sa mga gawain kung saan sila ay ginagabayan at hinahayaang
tapusin ang mga gawain nang naaayon sa sariling bilis at oras. Dagdag pa
rito, layunin din nitong matulungan ang mga mag-aaral na mapaunlad ang
kanilang pang-21 siglong kakayahan habang isinasaalang-alang ang
kanilang pangangailangan at kapakanan.

Bilang guro, inaasahan mula sa iyo ang paggabay sa mga mag-aaral


kung paano gamitin ang exemplar na ito. Kailangan mo ring subaybayan
ang kanilang pag-unlad habang hinahayaan silang pangasiwaan ang
sariling pagkatuto sa pamamagitan ng pagtatasa ng portfolio.

2
Para sa Mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan-Grade 5-Quarter 1


Exemplar para sa araling Pinagmulan ng Filipino!

Ang exemplar na ito ay dinisenyo upang bigyan ka ng nakatutuwa at


makabuluhang oportunidad sa pagkatuto kung saan ikaw ay ginagabayan
at hinahayaang tapusin ang mga gawain nang naaayon sa iyong sariling
bilis at oras. Bilang aktibong mag-aaral, ipoproseso mo ang mga nilalaman
nitong pampagkatutong kagamitan, maging ikaw ay nasa tahanan o nasa
paaralan. Upang tulungan kang maisagawa ito, ang exemplar na ito ay may
Lingguhang Pagtatasa ng Portfolio. Ibibigay ng iyong guro ang template nito
upang mabigyan ka ng pagkakataong makagawa ng portfolio ayon sa
iyong malikhaing pamamaraan.

Ang exemplar na ito ay naglalaman ng mga bahagi at kaukulang icon:

Ito ay magbibigay sa iyo ng ideya kung anong


Alamin kompetensi ang inaasahan mong matutuhan
sa exemplar na ito at ang mga layuning
dapat mong matamo.
Nakapaloob sa bahaging ito ang isang
Nalalaman
gawain na susubok sa iyong kaalaman sa
araling iyong tatahakin.
Ang seksyong ito ay magbibigay ng maikling
Suriin diskusyon sa aralin. Tutulungan ka nitong
matuklasan at lubos na maunawaan ang mga
bagong konsepto at kasanayan.
Sa seksyong ito nakapaloob ang mga gawain
Isagawa na tutulong sa iyo upang mailipat ang iyong
(1,2 & 3) bagong kaalaman at kasanayan tungo sa
panibagong sitwasyon o hamon ng buhay.
Layunin ng gawaing ito ang tayain ang iyong
Isaisip
antas ng kasanayan sa pagkamit ng mga
pampagkatutong layunin.
Naglalaman ito ng mga sagot sa lahat ng
Susi sa
gawaing nakapaloob sa exemplar na ito.
Pagwawasto

3
Dito ay mayroong instruksyon tungkol sa
Pagtatakda ng
pagtatala ng iyong positibo at
Mithiin sa
Portfolio makatotohanang mithiin bago ipagpatuloy
ang paggamit ng exemplar.
Mayroon itong mga instruksyon tungkol sa
Pagsagawa ng
pagsasagawa ng mga bahagi ng portfolio.
Portfolio –
Pahiwatig ng Mayroon din itong rubric na gagabay sa iyo
Pag-unlad! kung paano tatayain ang iyong portfolio.

Makikita mo rin sa huling bahagi ng exemplar ang:

Sanggunian Ito ay tala ng mga pinagkukunang


konsepto o impormasyon na ginamit sa
paglikha ng exemplar na ito.

4
Alamin

Sa exemplar na ito, masusuri mo ang pinagmulan ng unang pangkat


ng tao sa Pilipinas ayon sa Teorya ng Core Population at sa Teorya ng Wave
Migration. Saklaw nito ang mga gawain na magpapaunlad sa iyong
kaalaman tungkol sa ating kasaysayan at kung saan nangmula ang ating
mga ninuno. Ang mga gawain ay inayos upang iyong masundan ang
wastong pagkakasunod-sunod ng kursong ito.

Most Essential Learning Competency:


Natatalakay ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas a.
Teoryang (Autronesyano) b. Mito (Luzon, Visayas, Mindanao) c. Relihiyon
AP5PLP-Id-4

Sub-Competency
Natatalakay ang pinagmulan ng unang pangkat ng tao sa Pilipinas ayon sa
Teorya ng Core Papulation at Teorya ng Wave Migration.

Layunin
Pagkatapos mong maisagawa ang mga gawaing nakapaloob sa exemplar
na ito, ikaw ay inaasahang:

A. Kaalaman: Nasusuri ang Teoryang Core Population at Wave


Migration bilang paliwanag sa pinagmulan ng mga unang tao
sa Pilipinas.

B. Kasanayan: Naipaliliwanag ang mga teoryang pinagmulan


ng unang pangkat ng taong dumating sa Pilipinas

C. Pandamdamin:Nabibigyang halaga ang pinagmulan ng


unang pangkat ng tao sa Pilipinas.

P
Pagtatakda ng Mithiin sa Portfolio

Gamit ang Portfolio Assessment Template na ibinigay sa iyo ng iyong


guro kasama ng exemplar na ito, tatapusin mo ang lingguhang pagtatakda
ng mithiin. Gawing patnubay ang mga layunin sa itaas. Mag-isip ng mga
positibo at makatotohanang mithiin na maari mong makamit sa exemplar na
ito. Itala ang mga ito bilang iyong mga plano.
Tandaan: Huwag ipagpatuloy ang pagsagot sa exemplar na ito kung hindi
mo pa naisagawa ang pagtatakda ng mga mithiin.

5
Nalalaman

Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang Tama kung totoo ang
sinasabi nito at Mali kung hindi.

_____ 1. Sa teorya ni H. Otley Beyer ang mga Pilipino ay nagmula sa tatlong


pangkat ng taong dumating sa Pilipinas.
_____ 2. Ayon kay Beyer , sa mga pangkat ng taong dumating sa bansa,
ang mga Indones ang may pinakamaunlad na paraan ng
pamumuhay.
_____ 3. Pinakatanggap na teorya sa pinag mulan ng mga Pilipino ang
Teorya ng Wave Migration ni Beyer.
_____ 4. Ang ikalawang pangkat na dumating sa Pilipinas ay ang Indones
sakay ng tren buhat sa ibang bahagi ng Asya.
_____ 5. Ayon sa Teorya ng Core Population, nagmula ang mga Pilipino sa
isang malaking pangkat ng mga tao sa Timog-Silangang Asya

6
Suriin

TEORYA NG CORE POPULATION


Ayon kay Felipe Landa Jocano isang Pilipinong Antropologo na
ang mga unang Pilipino ay nagmula sa isang malaking pangkat ng mga
sinaunang tao sa Timog-silangan Asya. Ito ay batay sa pagkakatulad ng
mga labi ng Tabon Man, isang Homo sapiens, sa iba pang natagpuang labi
sa iba’t-ibang parte ng rehiyon ng Timog-silangang Asya.

Tabon Man

Ginawang batayan ni Jocano sa kaniyang teorya ang mga nahukay


na labi ng tao ng grupong pinangunahan ng antropologo na si Dr. Robert
Fox sa Tabon Cave sa Lipuun Point sa Palawan noong 1962. Kung saan
nahukay sa yungib ang ilang bahagi ng bungo, panga, at ngipin ng may
tatlong magkakaibang tao. Kinilala ito bilang Tabon Man. Tinatayang nasa
22 000 hanggang 23 000 taon na ang mga nahukay na labi. Kasamang
natagpuan dito ang iba’t-ibang uri ng kasangkapang bato na ginamit sa
paghuli ng ibon, paniki, at iba pang maliliit na hayop. Ilang halimbawa nito
ay nakita sa Guri Cave, doon din sa Lipuun Point.

7
Callao Man

Noong 2007, ay nahukay ang isang maliit na buto ng paa ng tao sa


Callao Cave sa Peňalanca, Cagayan sa pangunguna ni Armand
Salvador Mijares. Ito ay nagsilbing katunayan na may naninirahan na sa
Pilipinas 67 000 taon na ang nakalipas na mas maaga pa kaysa sa Tabon
Man ang Callao Man.
IBA PANG PATUNAY NG SINAUNANG TAO SA PILIPINAS
Nakahukay ng kasangkapang bato at labi ng malalaking hayop ang
mga arkeologo na napag-alamang nasa 750 000 taon na ang naklilipas,
kasabay nito ang Java man ng Indonesia, nang pinakinabangan ito ng mga
tinaguriang Cagayan Man. Subalit hindi pa rin napapatunayan na nabuhay
ang Cagayan Man noong panahong iyon.

8
TEORYA NG WAVE

Negrito Indonese Malay

MIGRATION
Ang unang pag-aaral ng mga unang tao sa Pilipinas ay ang Teorya ng
Wave Migration ni Henry Otley Beyer.
Ayon sa Teorya ng Wave Migration, pangkat-pangkat na dumating
ang mga tao sa Pilipinas mula sa iba’t-ibang bahagi ng Asya. Ang Negrito
ang naunang dumating sa pamamagitan ng paglalakad mula sa Borneo
gamit ang tulay na lupa na nagdurugtong noon sa Pilipinas at Asya. Ang
ikalawang pangkat naman ay ang Indones sakay ng mga Bangka mula
Timog China at Indochina, habang ikatlo naming dumating ang mga Malay.
Bunsod ng kakulangan ng mga patunay ay pinabulaanan ng mga
antropologo at historyador ang teorya ni Beyer.

9
Isagawa 1 - A

Panuto: Isulat ang titik a kung ang dalawang pangungusap


ay wasto; titik b kung ang isa sa mga pangungusap ay hindi wasto; at
titik c kung parehong mali ang dalawang pangungusap.

_____ 1. Ang mga Negrito ay ang pinakamatanda o sinaunang mga


nabubuhay sa Pilipinas.
Nakarating sila sa Pilipinas sa pamamagitan ng paglalakad mula
sa Borneo gamit ang tulay na lupa.

_____ 2. Ayon sa Teorya ng Migrasyon, ang mga Pilipino ay nagmula sa


tatlong pangkat ng tao na dumating sa Pilipinas.
Sila ay mula sa iba’t-ibang panig ng hilagang Amerika.

_____ 3. Si Henry Otley Beyer ang naghain ng Teorya ng Core Population


na nkatuklas sa Tabon Man.
Ayon kay H. Beyer pangkat-pangkat na dumating ang mga
unang tao sa Pilipinas.

_____ 4. Ang Tabon Man ang pinakaunang tao sa Pilipinas.


Natagpuan ang labi ng mga Tabon Man sa Callao Cave sa
Cagayan.

____ 5. Ang ebidenysa ng unang tao sa Pilipinas ay nahukay sa Cagayan


Valley.
Nahukay ang kanyang mga buto at tinawag silang mga Homo
erectus philippinenis.

10
Isagawa 1 – B

Panuto: Piliin ang tamang sagot sa bawat tanong.


_____ 1. Pinangunahan ng mga arkeologo at antropologo ang pananaliksik
tungkol sa pinagmulan ng mga sinaunang Pilipino. Ayon sa teoryang
Wave Migration, paano nakarating dito ang mga sinaunang Pilipino?
A. Dinala sila dito ng mga banyagang sasakyan.
B. Sakay sila ng mga sasakyang panghimpapawid
C. Sakay sila ng malalaking bangka.
D. Tumawid sila sa makikitid na lupang tulay na nagdugtong sa
Pilipinas at kalupaang Asya
_____2. Ayon kay Propesor H. Otley Beyer saan nagmula ang lahing Pilipino?
A. Dumating ang tatlong pangkat ng tao mula sa iba‟t ibang panig ng
Asya.
B. Dumating ang mga pangkat ng tao galing sa iba‟t ibang lupalop ng
Europa
C. Galing sila sa South China sea, naglakbay at nakakita ng mga
produkto na pwede nilang ipagbili sa ibang bansa.
D. Naniniwala sila na ang mga unang tao ay mismong katutubo ng
Pilipinas.
_____3. Ayon sa teorya ni Beyer, sino ang unang pangkat na dumating sa
Pilipinas na galing sa Borneo at naglakad sa mga tulay na lupa?
A. Austronesian C .Malay
B. Indones D. Negrito o Ita
_____4. Ayon sa teorya ni F. Landa Jocano, ano ang patunay na maraming
pangkat ng tao ang dumating sa Pilipinas noong sinaunang panahon?
A. May nakausap silang mga katutubo na nagpapatunay nito
B. Mula sa iba pang kalapit ng iba pang kalapit bansa ang mga
unang Pilipino.
C. May nahukay na mga bungo o kalansay sa Kwebang Tabon sa
Palawan na pinaniniwalaang may 21,000 o 22,000 taon na ang
nakararaan
D. Nakakakita ng maraming kagamitan na naiwan ng mga taong
naglakbay dito at hanggang sa kasalukuyan ay patuloy nilang
ginagamit.
_____5. Batay sa ginawang pag-aaral ng ilang Antropologo, saan pa
nagmula ang lahing Pilipino?
A. Ang lahing Pilipino ay mula sa Austronesian na galing sa South
China.
B. Galing sa South China Sea na may maunlad na kaalaman sa mga
gawaing pang Pilipino.
C. Galing sa mga lugar na kung saan may mga kagamitang ginamit
ng mga unang Pilipino na matatagpuan sa mga bansang malapit
sa Pilipinas
D. Nagmula sa kontinente ng Asya dahil kasama ang Pilipinas dito.

11
Isagawa 2

Panuto: Sa pamamagitan ng pagbuo sa graphic organizer, ipaliwanag ang


mga teorya ng pinagmulan ng unang pangkat ng tao na dumating sa
Pilipinas.

Mga Teorya Tungkol sa


Pinagmualn ng Filipino

Teorya ng Core Teorya ng Wave


Population Migration

Isagawa 3

Pasulat ng Journal
Panuto: Sumulat ng journal, sagutin ang mahalagang tanong sa baba.
1. Anu-ano ang mga teorya na pinagmulan ng lahing Pilipino ang iyong
natutunan?
2. Bakit mahalagang malaman natin kung sinu-sino ang mga unang pangkat
ng tao ang dumating sa PIlipinas?

12
Isaisip

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ano ang teorya na nagpapaliwanag na ang mga ninuno ng mga Pilipino


ay galing sa pangkat ng mga Negrito, Indones at Malay?
a. Teorya ng Austronesian
b. Teorya ng Core Population
c. Teorya ng Evolution
d. Teorya ng Wave Migration

2. Sino ang nagsabi na ang mga Pilipino ay may sariling ninuno at ang
ebidensiya nito ay ang natagpuang labi ng Taong Tabon sa Palawan?
a. Charles Darwin
b. F Landa Jocano
c. H. Otley Beyer
d. Peter Bellwood

3. Anong teorya ang nagsasabing mayroong mga taong naninirahan sa


Pilipinas ilang libong taon na ang lumipas subalit hindi matukoy kung saang
lahi ito nabibilang?
a. Teorya ng Austronesian
b. Teorya ng Core Population
c. Teorya ng Evolution
d. Teorya ng Wave Migration

4. Ano ang ebidensya ng Teoryang Core Population na nahukay sa


Palawan?
a. Taong Callao
b. Taong Malay
c. Taong Negrito
d. Taong Tabon

5. Sino ang lumikha ng Teorya ng Wave Migration?


a. Charles Darwin
b. F Landa Jocano
c. H. Otley Beyer
d. Peter Bellwood

13
14
Isagawa 3 (Rubric para sa Isagawa 2
Journal) Mga Teorya
Isaisip
Tungkol sa
Pamantayan Laang Aking
Pinagmualn ng
1. d Puntos Puntos
Filipino
2. b Maayos at 5
kompleto ang
3. d journal ayon sa
katanungang
4. d ibinigay
Nakikita sa 5 Teorya ng Teorya ng
5. c nabuong journal Wave Core
ang kalinawanat Migration Population
pagkakaisa ng
*Dumating sa *Ang mga unang
mga talata at Pilipinas ang Filipino ay mula sa
kaisipan. pangkat-pangkat ng isang malaking
mga tao mula sa
Nabakas sa 5 pangkat ng mga
iba’t-ibang bahagi ng
sinaunang tao sa
journal ang mga Asya.
*Unang dumating Timog-silangang
kaalaman tunkol Asya.
ang mga Negrito na
sa pinagmulan ng naglakad galing sa
lahing Filipino. Borneo gamit ang *Natuklasan ang
tulay na lupa. Tabon Man.
*Ikalawang
Kabuoang Puntos 15 dumating ang
*Nakahanap ng
Indones sakay ng
mga Bangka mula ebidensiya na
5- Napakahusay 4-Mahusay mayroon pa palang
Timog China at
3-Katamtaman 2- Di-gaanong mahusay Indochina. mas naunang taong
1-Sadyang di mahusay *Pangatlo ang mga nanirahan bukod sa
Malay Tabon Man-ang
Callao Man.
Isagawa 1 - B Isagawa 1 - A Nalalaman
1. D 1. A 1. TAMA
2. C
2. A 3. B 2. MALI
3. D 4. C
3. MALI
5. C
4. C 4. TAMA
5. C 5. TAMA
Susi sa Pagwawasto
Pagsagawa ng Portfolio – Pahiwatig ng
Pag-unlad!

Balikan mo ang iyong portfolio at gawin ang mga bahagi na


sumusunod sa iyong itinakdang mithiin. Tandaan na ang iyong portfolio ay
koleksiyon ng iyong gawa sa tulong ng exemplar. Binibigyang diin nito ang
iyong kakayahang makita at mapagnilayan ang iyong pag-unlad, saka sa
natamo mong kakayahang maisagawa ang mga mithiin. Bilang pagtatapos
nitong portfolio, gawing patnubay ang rubric sa ibaba.

Rubric para sa Pagtatasa ng Portfolio

Magaling Pagbutihin
Napaka-husay
Krayterya din pa Kabuu-an
5 pts. 3 pts. 1 pt.
Katapatan at
kawastuhan ng
sagot
Pagkamalikha-in
sa paggawa
Kalinisan at
kaayusan ng
awtput
Kabuuan

Sanggunian

Araling Panlipunan: Pilipinas Bilang Isang Bansa. Batayang Aklat Ikalimang


Baitang. Aralin 4: Mga Teorya Tungkol sa Pinagmulan ng Filipino. Lakbay
ng Lahing Pilipino 5.

15
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

DepEd Surigao del Sur Division – Schools District of Barobo I

Address: _______________________________________________
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Contact Number:
Email Address:

16

You might also like