You are on page 1of 39

6

Pag-aari ng Pamahalaan

HINDI IPINAGBIBILI

NOT

Filipino 11
Ikalawang Markahan – Modyul 4

Paggamit ng Wastong Pang-uri at Pagtukoy sa


Mahahalagang Pangyayari sa Binasang Sanaysay

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Filipino- Grade 6
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Week No 4- Module 1: Paggamit ng Wastong
Pang-uri at Pagtukoy sa Mahahalagang Pangyayari sa Binasang Sanaysay
Unang Edisyon 2020
Paunawa hinggil sa karapatang-sipi.Isinasaad ng Seksiyon 176 ng Batas
Pambansa Bilang 8293: Hindi maaaring magkaroon ng karapatang-sipi sa ano mang
akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man, kailangan muna ang pahintulot ng
pamahalaan o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda upang magamit sa
pagkakakitaan ang nasabing akda. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing
ahensiya o tanggapan ay ang patawan ng bayad na royalty bilang kondisyon.
Ang mga akda / materyales (mga kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan
ng produkto o brand names, tatak o trademarks, palabas sa telebisyon, pelikula atbp.)
na ginamit sa aklat na ito ay sa nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagtibay
sa isang kasunduan ng Kagawaran ng Edukasyon at ang kumakatawan sa paghiling ng
pahintulot sa nagmamay-ari ng mga akdang hiniram at ginamit dito. Hindi inaangkin ng
kinakatawan ng tagapaglathala (publisher) at mga may-akda ang karapatang-aring iyon.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon - Sangay ng Tangub City


Tagapamanihala ng mga Paaralan: Agustines E. Cepe, CESO V

Mga Bumuo sa Pagsulat ng Modyul ng Mag-aaral sa Filipino 6

Manunulat: Laliane S. Taga-an


Reviewers: Analiza R. Solatorio, Sisinia T. Tomarong
Illustrator and Layout Artist: Laliane S. Taga-an

Management Team
Chairperson: Agustines E. Cepe, CESO V
Schools Division Superintendent

Co-Chairperson: Rosemarie T. Macesar


Assistant Schools Division Superintendent

Members
Carmelita A. Jubay, CID Chief
Relita P. Decina, EPS-Filipino
Gina L. Mandawe, LRMS Manager
Marilou S. Galvez, PDO II
Binepie M. Tapao, Librarian II

Inilimbag sa Pilipinas ng: ____________________


Department of Education – Division of Tangub City
Office Address: Anecito St.,Mantic, Tangub City,
Telefax: (088) 395-3372
E-mail Address: www.depedtangub.net
6
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 4
Kayarian ng Pang-uri at Pagsagot sa mga
Tanong tungkol sa Binasang Talaarawan

This instructional material was collaboratively developed and reviewed


by select teachers, school heads and education program supervisors of the
Department of Education – Tangub City Division. We encourage teachers and
other education stakeholders to email their feedback, comments, and
recommendations to the Department of Education – Division of Tangub City@
www.depedtangub.net.

We value your feedback and recommendations.

Kagawaran ng Edukasyon ● Republika ng Pilipinas


Talaan ng Nilalaman

Leksyon 1:
Paggamit ng Wastong Pang-uri sa Iba’t ibang Sitwasyon......................1
Layunin ............................................................................................................................1

Tuklasin ...........................................................................................................................1
Suriin....................................................................................................................................2
Pagyamanin .....................................................................................................................4
Isaisip...................................................................................................................................5
Pagtataya ………………………………………………………………………...5

Leksyon 2:
Pagsagot sa mga Tanong tungkol sa Binasang Talaarawan..............6
Layunin ............................................................................................................................6

Tuklasin ...........................................................................................................................6
Suriin....................................................................................................................................7
Pagyamanin .....................................................................................................................8
Isaisip...................................................................................................................................9
Pagtataya ……………………………………………………………………....10

Leksyon 3:
Pagtukoy sa Mahahalagang Pangyayari sa Nabasang Sanaysay .11
Layunin ............................................................................................................................11

Tuklasin ...........................................................................................................................11
Suriin....................................................................................................................................12
Pagyamanin .....................................................................................................................13
Isaisip...................................................................................................................................14
Pagtataya …………………………………………………………………………15

Gabay sa Pagwawasto..........................................................................................................................…17
Apendiks……………………………………………………………………………………………………. 20
Sanggunian ……………………………………………………………………………………………….. 33
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Filipino 6 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul 1 ukol
sa Paggamit ng Wastong Pang-uri at Pagtukoy sa Mahahalagang Pangyayari sa Binasang
Sanaysay.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto. Ang modyul na ito ay may mga
bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan sa modyul.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipinakikilala sa iyo sa


maraming paraantulad ng kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtatalakay sa aralin.


Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang pagsasanay


upang mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang mh


pangungusap o talata upang maproseso kung anong natutuhan
mo mula sa aralin.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng


pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain


Pagwawasto sa modyul.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
5. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat
ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na
mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang
pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

II
Paggamit ng Wastong
Leksiyon Pang-uri sa Paglalarawan
sa Iba’t ibang Sitwasyon
1
Alamin
Pagkatapos ng leksiyon na ito, inaasahang magagamit mo nang
wasto ang pang-uri sa paglalarawan sa iba’t ibang sitwasyon.

Tuklasin
Gawain 1 (Isulat ang sagot sa Worksheet 1 sa pahina 20)

Bilugan ang salitang naglalarawan sa bawat pangungusap.

1. Mainit ang kape sa tasa.


2. Pumasok kami sa malinis na silid.
3. Mahigpit na niyakap ng ina ang kanyang mga anak.
4. Ang tirahan ng mga hayop sa kagubatan ay mapayapa.
5. Siya ay magalang habang nakikipag-usap sa mga
nakatatanda sa kanya.

Gawain 2 (Sagutin ito sa Worksheet 1 sa pahina 20)

Pansinin ang mga salita sa loob ng kahon. Subukin ninyong


ihiwalay ang mga salitang-ugat na nakakabit sa bawat salita.

nabasa mataas umiyak


marami hinog
taos-puso malusog pula
matangos abot-tanaw

Paano ninyo ihiwalay ang bawat salita? Pinakapayak ba ang


inihiwalay ninyong salita? Anong bahagi ng pananalita ang mga
salitang ito?

1
Suriin
Basahin ang maikling kwento sa ibaba.

Ang Bakuran ni Alvy

Noong Linggo ay buong araw ako sa tahanan ng aking matalik na


kaibigang si Alvy. Sila ay nakatira sa Montalban nakatira. Palibhasa’y nakatira
ako sa masikip at magulong lungsod. Ako’y talagang tuwang-tuwa sa pook
nilang mag-anak.
Katamtaman ang laki ng kanilang bahay ngunit ang bakuran ay
mahabang mahaba. Kalahating ektarya raw iyon. Punong-puno ng mga
punongkahoy ang maluwang na duluhan. Dalawang puno ng mangga ang hitik
sa bunga. Sa gilid ay may matatayog na puno ng niyog. Iba’t-iba pang puno
ang naroon tulad ng bayabas, kaimito, abokado, sampalok at suha. Espesyal
ang bunga ng santol-Bangkok. Malalaki ang bunga at ang lamukot ay makapal
at matamis.
Inaalagaang mabuti ng tatay ni Alvy at ng nagiisang kapatid na lalaki ang
mga punongkahoy. Pinauusukan daw nila ang mga iyon at binobomba ng
gamot upang lumayo ang mga mapanirang kulisap. Sapat din sila sa tubig na
galing sa malalim nilang balon. Sa aking palagay ay marami silang kinikita sa
mga bungangkahoy mula sa sariling bakuran. Masaya akong umuwi sa amin.
Marami akong dalang hinog na prutas.

-Sining sa Wika 6, pahina 126-127


Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa binasang
kuwento. (Gamitin ang Worksheet 1 sa pahina 20-21)
2
1. Sino ang matalik na kaibigan ng nagsasalaysay?
2. Saan nakatira si Alvy?
3. Ano-anong mga punongkahoy ang makikita sa bakuran nina Alvy?
4. Paano inaalagaan ng tatay at nag-iisang kapatid na lalaki ni Alvy
ang mga punongkahoy?
5. Ano-anong mga pang-uri ang nakita mo sa kuwento?
6. Itala ang mga pang-uri na ginamit sa kuwento at gamitin sa
pangungusap ang bawat isa.

Ngayon, ikumpara ang iyong sagot sa pahina 12. Ano ang


natutunan mo sa kuwento? Bilang mag-aaral, paano mo maipakikita
na may pagpapahalaga ka sa mabuting asal at gawain?
Naalala mo pa ba kung ano ang pang-uri? Paano ito ginagamit?
Kung maalala mo, ang pang-uri ay salitang naglalarawan
tungkol sa pangngalan at panghalip. Maraming paraan upang
maglarawan.

Gawain 3 (Sagutin ito sa Worksheet 1 sa pahina 21)

Ngayon, subukin mong ilarawan ang sitwasyon na makikita sa


larawan.

-Laliane S. Taga-an, Villaba ES


Pagyamanin
Sumulat ng isang talata gamit
3 ang wastong pang-uri sa
paglalarawan ng sitawasyon sa mga sumusunod na larawan.
(Sagutin ito sa Worksheet 1 sa pahina 22)

1.

2.

3.
Mga larawang kuha ni Laliane S. Taga-an

Isaisip
4
Ano ang pang-uri? Paano ginagamit nang wasto ang pang-uri sa
paglalarawan ng iba’t ibang sitwasyon?

Gawain 4: Gamitin ang sumusunod na pang-uri sa paglalarawan ng


maaliwalas at magandang paligid. (Sagutin ito sa Worksheet 1 sa
pahina 23)

1. malawak
2. mabangong-mabango
3. sariwa
4. maganda
5. abot-tanaw

Tandaan Mo

Ang pang-uri ay bahagi ng pananalita na nagbibigay


deskripsyon o turing sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pangyayari,
lugar, kilos, oras, at iba pa. Kadalasan, ginagamit ito upang mas
bigyang linaw ang isang pangngalan.

Pagtataya
Sumulat ng isang talata na gumagamit ng angkop na pang-uri
tungkol sa “Kapistahan sa Barangay.” (Sagutin ito sa Worksheet 1 sa
pahina 23)
Pagsagot ng5 mga Tanong
Leksiyon tungkol sa Binasang
Talaarawan
2
Alamin
Pagkatapos ng leksyon na ito, inaasahan na makasasagot ka ng
mga tanong tungkol sa binasang talaarawan.

Tuklasin
Bilugan ang tamang titik ng salita upang mabuo ang
pangungusap. (Sagutin ito sa Worksheet 2 sa pahina 24)

1. Ang talaarawan ay galing sa salitang tala at araw, ang


pinaikling salita ng pagtatala ng mga pangyayari
.

a. kapag may araw


b. araw-araw
c. lingguhan
d. buwanan

2. Sa pagsulat ng talaarawan ay mahalagang mapagsunod-sunod


ang mga .

a. tauhan
b. tagpuan
c. pangyayari
d. usapan

3. Sa pagsulat ng mga pangyayari ay mahalaga ang pagtatala ng


.

a. bagay
b. kulay
c. pangalan
d. petsa

4. Ang mga pangyayaring isinusulat sa talaarawan ay dapat na


.

a. pamalagian 6
b. pansamantala
c. di kapani-paniwala
d. makatotohanan

5. Personal ang talaarawan kaya .

a. dapat ipabasa sa iba


b. ilihim sa iba
c. huwag ipabasa sa iba
d. sa gabi lang sulatan

Anong mahahalagang pangyayari sa iyong buhay ang hindi mo


malilimutan? May pagkakataon bang ninais mong isulat ang bawat
pangyayari sa araw na iyon? Saan mo itinala? Araw-araw ba ang iyong
pagtatala? Ano-anong mga detalye ang isinulat mo?

Suriin
Basahin ang halimbawa ng isang talaarawan.

Mayo 25 – Lunes

Bertday ko. Maaga akong nagsimba. Naghanda si nanay ng pansit,


puto at spaghetti kaya inimbita ko ang ilan sa aking mga kaklase. Binigyan ako
ni nanay ng P500 kaya nagpunta ako sa mall. Bumili ko ng notbuk na
nagkakahalaga ng P180, P 150 naman ang sinturon. Pagkatapos ay nanood
ako ng sine. Idinagdag ko sa baon ko ang natirang pera.

Mayo 26 – Martes

Parang dalawang beses kong sinelebreyt ang bertdey ko. Kasi, nagluto
uli si nanay ng pansit at spaghetti. Nagpaluto rin siya ng puto. Dumating kasi
ang mga pinsan ko mula sa Nueva Ecija.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa binasang sa


talaarawan. (Gawin ito sa Worksheet 2 sa pahina 25)

1. Anong buwan isinulat ang talaarawan?


2. Ano ang ipinagdiriwang ng sumulat nito?
3. Ano-ano ang kanyang handa?
4. Bakit siya nagpunta sa mall?
5. Paano niya nabili ang kaniyang mga bagong gamit?
6. Bakit dalawang beses siyang nagbertday?
Ngayon, ikumpara ang iyong kasagutan sa pahina 12. Nasagot
mo ba lahat? Kung tama lahat ang sagot mo, mahusay ka.

7
Napuna mo ba ang pagkakaugnay ng petsa at mga pangyayari?
Itinala ng nagsasalaysay ang petsa ng kanyang kapanganakan. Sa
petsang ito ay inilahad niya ang mga pangyayaring naganap ayon sa
pagkakasunud-sunod. Alam mo ba ang tawag sa isinulat ng
nagsasalaysay?

Tama ka. Ang tawag dito ay talaarawan. Pansinin mo ang


salitang talaarawan. Napuna mo ba ang pagtatambal ng mga salitang
tala at araw? Kasi, ang talaarawan ay tala ng mga pangyayaring
nagaganap araw-araw.

Paano mo ipakikita ang paggalang sa talaarawan ng iba? Ano


ang natutuhan mo aralin?

Pagyamanin
Basahin ang talaarawan at sagutin ang mga tanong.

Agosto 12 – Sabado

Tanghali na akong gumising dahil alam kong walang pasok. Pagkapos ng


almusal nagdilig ako ng halaman. Naglinis din ako ng bahay at inayos ang mga
kasangkapan sa kusina na dapat linisin. Naghanda na akong magbihis dahil
dadalawin namin ni Inay si Lola na matagal-tagal na naming hindi nabibisita.
Parang reunion ng pamilya ang nangyari sapagkat halos lahat ng anak at apo ni
Lola ay naroroon.

Agosto 13 – Linggo

Maaga pa lamang ay nagtungo na kami ng aking mga kapatid at magulang


sa simbahan upang magbigay-puri sa Panginoon. Namasyal kaming mag-anak
hanggang hapon. Pagdating ng bahay, inihanda ko na ang mga dapat kong dalhin
sa paaralan kinabukasan. Biglang dumating ang aking kamag-aral upang
manghiram ng aklat sa Filipino.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong tungkol sa binasang


talaarawan. (Gawin ito sa Worksheet 2 sa pahina 25-26)

1. Ano-anong araw isinulat ang talaarawan?


2. Sino ang kanilang dadalawin?
3. Saan sila pupunta sa Linggo?
4. Bakit siya naghanda ng kanyang mga gamit?
Isaisip
Narito ang halimbawa isa pang talaarawan. Basahin ito at
sagutin ang mga tanong tungkol8 dito.(Gawin ito sa Worksheet 2 sa
pahina 26)

Setyembre 8

Bukas pa ang pista sa Sto Cristo pero ngayon pa lang ay pupunta


na kami sa probinsya. Tanghali na nang makasakay kami ng bus. Nainis
ako kasi hindi aircon bus ang sinakyan namin. Ang bagal pa ng biyahe.
Mag-aalas-singko na ng hapon nang dumating kami sa Sto. Cristo. Abala
sa pagluluto ang mga kamag- anak namin.

Setyembre 9

Araw ng kapistahan ni Sto. Cristo. Maaga kaming nagsimba.


Maraming naging bisita kaya pati ako napagod sa pag- aasikaso. Gabi na
nang magdaos ng prusisyon.

Setyembre 10

Tanghali na kaming umuwi. Sa sobrang pagod ay nakatulog ako sa


bus.

Mga tanong:

1. Anong pagdiriwang mayroon sa kanilang probinsya?


2. Bakit siya nainis sa kanilang sinakyan na bus?
3. Ano ang kanilang ginawa sa araw ng pista?

Tandaan Mo

Mahalaga ang pagkakaroon ng talaarawan sapagkat dito


maisusulat ang mga mahahalagang nangyari sa iyong buhay na
maaari mong balikan pagdating ng panahon, hingahan ng
problema at mga saloobin.
9
Pagtataya
Basahin nang mabuti ang talaarawan at sagutin ang mga
tanong. (Gawin ito sa Worksheet 2 sa pahina 27)

Enero 5, 2020

Mahal kong Talaarawan,


Maganda at maayos naman ang aking umaga ngayon dahil maaga akong nagpunta sa
paaralan. Pero bago ako pumasok sa paaralan,naligo muna ako, nagbihis ng maayos,
nagsuklay ng buhok, kumain at nagsipilyo ng ngipin. Pagkatapos kong magsipilyo ay
inihinatid ako ng papa ko sa paaralan. Pagdating ko sa paaralan ay bigla nalang sumakit ang
aking ngipin. Kaya uminom agad ako ng gamot upang mawala agad ang sakit.
Sa tanghalian naman ay masaya kaming nagkainan sa karenderya ni Aling Nena at
pagkatapos ng kainan namin ay dumiretso agad kami sa silid-aralan namin. Nag-aaral din ako
sa paksa namin sa Filipino dahil magkakaroon kami ng pagsubok o pagsasanay. At iyan ang
mga ginagawa ko sa araw na ito.
Nagmamahal,
Karen

Mga tanong:

1. Anong petsa isinulat ni Karen ang talaarawan?


2. Ano-ano ang ginawa ni Karen bago pumasok sa paaralan?
3. Bakit siya uminom ng gamot?
4. Saan sila nananghalian?
5. Bakit bumalik agad sa silid-aralan si Karen at ang kanyang mga
kaklase?
10

Pagtukoy sa Mahahalagang
Pangyayari sa Nabasang
Leksiyon Sanaysay
3
Alamin
Pagkatapos ng leksiyon ito, ang mag-aaral ay inaasahang
matutukoy ang mahahalagang pangyayari sa nabasang sanaysay at
maibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di-pamilyar na salita sa
pamamagitan ng kasalungat.

Tuklasin
Marami tayong mapagkukunan ng impormasyon sa mga
mahahalagang pangyayari ng tao, bagay o sitwasyon. Maaaring
magmula ito sa taong nakakaalam, telebisyon, radyo o internet.

Nanonood ba kayo ng telebisyon, nakikinig ng radyo o kaya’y


nagbabasa ng diyaryo? Ano ang pinapanood, pinakikinggan o
nababasa ninyo? Nasisiyahan ba kayong panoorin, pakinggan o
basahin ang mga ito?

Gawain 1

Basahin ninyo ang unang dalawang saknong ng awiting Anak ni


Freddie Aguilar. (Sagutin ito sa Worksheet 3 sa pahina 28)

Nang isilang ka sa mundong ito


Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila
Ang iyong ilaw

At ang nanay at tatay mo'y


Di malaman ang gagawin

11
Minamasdan
Pati pagtulog mo

Mga tanong:
1. Ano ang pamagat ng awit?
2. Sino-sino ang mga binanggit sa awitin?
3. Maaari mo bang ilarawan ang awiting ito?
4. Ano ang mensahe o nais iparating ng awiting ito?

Suriin
Basahin at unawaing mabuti ang kuwento upang matukoy ang
mga mahahalagang pangyayari sa nabasang sanaysay, kuwento o
balita.
Ituon ang iyong buong atensyon sa pagbabasa ng mga sanaysay
sa modyul na ito. Bago iyan, mahalagang malaman ang mga salitang
maaaring di-pamilyar sa iyo na nasa seleksyon.

Gawain 2: Paglinang ng Talasalitaan

Hanapin ang kasalungat ng mga salitang nasa Hanay A sa Hanay B at


pagkonektahin ang mga ito. (Sagutin ito sa Worksheet 3 sa pahina 29)

Hanay A Hanay B

mahinang resistensya marangal

nagsikap laganap

kumurap-kurap mahumaling

paghihimagsik sakitin

dakila pumikit-dumidilat

mahilig itakwil

ibagsak nagtiyaga

malawakan pag-aalsa

pagmamalabis pang-aabuso
Gawain 3: Basahin nang mabuti ang sanaysay at sagutin ang mga
sumusunod na katanungan. (Sagutin ito sa Worksheet 3 sa pahina 29-30)

12 Si Mikrobyo Sipon

Malakas ako. Kaya kong pagkasakitin ang


sinuman. Nagsisimula ako sa ilong at lalamunan.
Sa bandang huli, maaari rin akong bumaba sa
baga. Dala-dala ko ang impeksyon na
magpapasakit ng lalamunan. Tonsilitis daw ang
tawag ditto. Maaaring mauwi ito sa pulmonya kapag
bumaba ang impeksyon sa baga. Madali akong
pumasok sa katawan ng biktima, lalagnatin at
manghihina. May sipon na siya at madali siyang
makahahawa sa iba maging bata man o matanda.
Higit na malubha ang sipon sa mga batang paslit.
Kaya kayong mga bata, mag-ingat kayo sa akin.
Ako, si Mikrobyong Sipon.
Hi! Hi! Hi! Hi! Hi!
-LP in Filipino 5, 2012 p.1
Mga Tanong:

1. Saan nagsisimula ang sipon?


2. May mga sintomas ba ito? Ano-ano ang mga ito?
3. Sino-sino ang maaaring dapuan nito? Bakit?
4. Mayroon bang paraan upang maiwasan ito?

Napakahalaga sa ating pang-araw-araw na pamumuhay ang


wastong pagbabasa o pakikinig upang magkaroon ng kaalaman o
makakuha ng bagong impormasyon.
Ang fishbone at ang spider web ay ilan lamang sa mga graphic
organizer na mainam gamitin sa pagtatala ng mga mahahalagang
impormasyon sa nabasang ulat o sanaysay.

Mga Dapat Isaalang-alang sa Mabisang Pagbasa

 Dapat nasa kundisyon ang mga paningin at kalusugan.


 Umiwas sa mga maingay na lugar para hindi masira ang
konsentrasyon.
 Sikaping pumili ng komportableng upuan.
 Kailangang may tiyak na layunin sa pagbabasa.
 Mahalaga din ang saloobin upang maging mabisa at kawili-wili.
 Malaking tulong din ang malawak na talasalitaan.
 Kailangan ding maabot ang talinghaga sa nasa pagitan ng mga
salita o pangungusap.
 Mahalaga rin ang lubos na kaalaman sa mga bantas.

Gawain 4: Subukin mong ibigay ang mga mahahalagang detalye sa


sanaysay na “Si Mikrobyong Sipon” gamit ang fishbone. (Sagutin ito sa
Worksheet 3 sa pahina 30)
13

Mga Detalye
Mga Detalye

Pamagat

Mga Detalye

Pagyamanin
Basahin nang mabuti ang sanaysay tungkol kay Andres
Bonifacio.

Si Andres Bonifacio ay masikap at


matalinong mag-aaral. Nagsikap siyang matutong
bumasa at sumulat.Tinulungan niya ang kanyang
sarili sa pamamagitan ng pagbabasa ng mga
lathalaing sinulat ng ating manunulat na Pilipino.
Mahilig siyang magbasa ng mga aklat ni Dr. Jose
Rizal, mga aklat tungkol sa digmaan at batas.
Pagkatapos ng kanyang gawain sa maghapon,
saka siya magbabasang mag-isa. Inaabot siya ng
hatinggabi sa pag-aaral na ang tanging tanglaw
ay kumukurap-kurap na ilawang langis.
Bunga ng pang-aalipin, pang-aabuso at
pagmamalabis ng mga Kastila sa mga Pilipino,
itinatag ni Andres Bonifacio ang samahang
Katipunan na ang layunin ay ibagsak ang
pamahalaan ng Kastila.
Noong ika-23 ng Agosto 1896,
nagtipon-tipon ang mga Katipunero sa Pugad
Lawin, isang liblib na baryo sa Caloocan.
Noon nila sinimulan ang balak nilang
paghihimagsik. Pinunit ng lahat ng dumalo ang commons.wikipedia.org
kanilang sedula bilang tanda ng paglaban sa
pamahalaan ng Kastila.
Kahit kulang ang armas at kaalamang pangmilitar ay naitaguyod niya ang
malawakang paghihimagsik ng mga Katipunero laban sa lakas ng mga Kastila. Tiniis
nila ang gutom at pagod. Sa dilim ng gabi sila nagpupulong o naglalakbay. Siya ay
tinawag na Ama ng Katipunan dahil sa dakilang nagawa niya sa bayan.
Gawain 5: Ibigay ang mahahalagang impormasyon tungkol kay Andres
-LP in Filipino 5, 2012 p.2
Bonifacio gamit ang spider web. (Sagutin ito sa Worksheet 3 sa pahina 31)

14

Andres Bonifacio

Isaisip
Upang maging mabisa ang pagbabasa, kinakailangan ang
buong atensyon sa binabasa at higit sa lahat itala ang mahahalagang
detalye o impormasyong nakapaloob sa binasang sanaysay, balita o
artikulo.

Pagtataya

A. Hanapin at bilugan ang titik ng kasalungat na kasingkahulugan ng


salitang may salungguhit sa bawat pangungusap. (Sagutin ito sa
Worksheet 3 sa pahina 31)

1. Kailangan ang determinasyon at pagsusumikap sa buhay.

a. sipag b. tiyaga c. katamaran d. pagpupursigi

2. Mabuting linangin at pagyamanin ang talino ng mga mag-aaral.

a. tamnam b. pabayaan c. paunlarin d. payabungin

3. Dapat mong makamit at makuha ang iyong pangarap sa buhay.


a. mapabayaan b. marating c. maranasan d. maabot

4. Hindi mabilisan at madaliang nagaganap ang mga nais mong


mangyari sa buhay. 15

a. agad-agad b. matagalan c. kagyat d. dagli

5. Nagkakaalitan at nagkakagalit minsan ang pamilya sa tahanan.

a. nagkakasundo b. nagkakaaway c. nakakasira d. nagkakababag

B. Basahin nang mabuti ang sanaysay at sagutin ang mga tanong.


(Gawin ito sa Worksheet 3 sa pahina 19)

Pag-iyak, Nakatutulong sa Kalusugan

Sa isang pag-aaral, pinatunayan na nakakabuti ang pag-iyak sa kalusugan


ng tao. Ayon kay Dr. William Frey, director ng Psychiatry Research Laboratories ng
St. Paul, Minnesota, ang mga lalaki at babae ay nakararamdam ng pagbuti ng
katawan matapos umiyak. Samantalang ang mga batang hindi umiiyak ay higit na
nakararanas ng kabiguan kahit sa maliit na problema. Sila ay pinapawisan,
naglalaway, at nagkakaroon ng galis sa balat.
Napatunayan din sa pag-aaral na ang mga babae ay limang ulit na higit na
madalas ang pag-iyak kaysa mga lalaki. Ang pag-iyak na ito ay nagaganap sa
pagitan ng ikapito at ikasampu ng gabi. Maituturing na ito ang mga oras na
nagaganap ang di-pagkakaunawaan sa pamilya at nakararamdam ng kalungkutan
ang karamihan.

-Landas sa Wika 6, 1999 p.6

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang sanaysay?
2. Sino ang doktor na nakatuklas nito?
3. Ano ang nararamdaman pagkatapos umiyak?
4. Ano ang kadalasang nangyayari sa mga batang hindi umiiyak?
5. Anong oras kadalasang nagaganap ang pag-iyak ng mga babae?
Bakit?
Susi sa Pagwawasto

LEKSYON 1 16

TUKLASIN
Gawain 1

1. mainit
2. malinis
3. mahigpit
4. mapayapa
5. magalang
Gawain 2

basa dami lusog


taas hinog tangos
iyak puso
tanaw pula

SURIIN

A. Kwento: Ang Bakuran ni Alvy

1. Ang matalik na kaibigan ng nagsasalaysay ay si Alvy.


2. Si Alvy ay nakatira sa Montalban.
3. Ang mga punongkahoy na makikita sa bakuran nina Alvy ay manga, niyog, bayabas,
kaimito, abokado, sampalok, suha, at santol.
4. Inaalagaan ng Tatay at kapatid ni Alvy ang mga punongkahoy sa pamamagitan ng
pagpapa-usok nito at pagbubomba ng gamot upang lumayo sa mga mapanirang
kulisap.
5. Ang mga pang-uring makikita sa kwento ay matalik, masikip, magulo, tuwang-tuwa,
katamtaman, mahabang-mahaba, kalahati, punung-puno, maluwang, dalawa, hitik,
matatayog, iba’t iba, malalaki, makapal, matamis, iisang, mapanirang, malalim,
marami, at hinog.
6. (Ipakita mo sa iyong guro ang isinulat mong mga tala. Siya ang magwawasto nito.)

B. Gawain 3
Ipakita mo sa iyong guro ang iyong mga sagot. Siya ang magwawasto nito.

PAGYAMANIN - Ipakita mo sa iyong guro ang iyong mga sagot. Siya ang
magwawasto nito.

ISAISIP - Ipakita mo sa iyong guro ang iyong mga sagot. Siya ang
magwawasto nito.

PAGTATAYA- Ipakita mo sa iyong guro ang iyong mga sagot. Siya ang
magwawasto nito.
17

LEKSYON 2

TUKLASIN
1. b
2. c
3. d
4. d
5. c

SURIIN
1. Isinulat ang talaarawan sa buwan ng Mayo.
2. Ipinagdiriwang ng sumalat nito ang kanyang kaarawan.
3. Ang mga handa niya ay pancit, puto at spaghetti.
4. Pumunta siya ng mall para bumili ng notebook, belt at manuod ng sine.
5. Nakabili siya ng mga bagong gamit sa pamamagitan ng perang ibinigay ng kanyang
Nanay.
6. Dalawang beses siyang nag-birthday dahil dumating ang kanyang mga pinsan mula
Nueva Ecija.

PAGYAMANIN
1. Isinulat ang talaarawan sa araw ng Sabado at Linggo.
2. Dadalawin nila ang kanyang Lola.
3. Pumunta sila sa simbahan.
4. Inihanda niya ang kanyang mga gamit dahil may pasok kinabukasan.

ISAISIP
1. Mayroong pagdiriwang ng pista sa kanilang probinsya.
2. Nainis siya sa bus na kanilang sinakyan dahil hindi ito aircon at mabagal ang takbo.
3. Ang ginawa nila sa araw ng pista ay nagsimba, nag-asikaso sa mga bisita at nagkaroon
ng prusisyon.

PAGTATAYA
1. Isinulat ni Karen ang talaarawan noong ika-5 ng Enero 2020.
2. Bago pumasok sa paaralan si Karen, siya ay nagbihis ng maayos, nagsuklay ng buhok,
kumain at nagsipilyo ng ngipin.
3. Uminom siya ng gamot dahil biglang sumakit ang kanyang ngipin.
4. Nananghalian sila sa kalenderya ni Aling Nena.
5. Bumalik agad sila sa silid-aralan dahil mag-aaral sila para sa kanilng pagsubok o
pagsasanay.
LEKSYON 3

TUKLASIN

Gawain 1 18
1. Ang pamagat ng awit ay Anak.
2. Ang mga binaggit sa awitin ay sina tatay at nanay.
3. (Maaaring magkaiba ang kasagutan.)
4. (Maaaring magkaiba ang kasagutan.)

SURIIN

Gawain 2
mahinang resistensya – di-sakitin
nagsikap- nagtiyaga
kumurap-kurap – pumikit-dumilat
paghihimagsik – pag-aalsa
dakila – marangal
mahilig – mahumaling
ibagsak – itakwil
malawakan – laganap
pagmamalabis – pang-aabuso

Gawain 3
1. Nagsimula ang sipon sa ilong at lalamunan.
2. Ang mga sintomas ng sipon ay pagsakit ng lalamunan, pulmonya, lagnat at panghihina.
3. Maaaring madapuan ng sipon ang mga bata at matanda.
4. Maging maingat upangmaiwasan ang sipon.

Gawain 4 - Ipakita mo sa iyong guro ang iyong mga sagot. Siya ang
magwawasto nito.

PAGYAMANIN

Gawain 5 - Ipakita mo sa iyong guro ang iyong mga sagot. Siya ang
magwawasto nito.

PAGTATAYA

A.
1. c
2. b
3. a
4. b
5. a

B.
1. Ang sanaysay ay tungkol sa pag-iyak.
2. Si Dr. William Frey ang nakatuklas na ang pag-iyak ay nakatutulong sa kalusugan.
3. Nakararamdam ng pagbuti ang katawan pagkatapos umiyak.
4. Ang mga batang hindi umiiyak ay nakararanas ng kabiguan kahit sa maliit na problema.
5. Ang pag-iyak ng mga babae ay nagaganap sa pagitan ng ikapito at ikasampu ng gabi
dahil sa mga oras na ito nagaganap ang di-pagkakaunawaan sa pamilya at
nakararamdam ng kalungkutan .
Apendiks

WORKSHEET 1
19
Wastong Paggamit ng Pang-uri

Layunin: Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan sa iba’t ibang


sitwasyon. (F6OL-IIa-e-4)
Pangalan: Iskor:
Paaralan: Petsa:

TUKLASIN

Gawain 1: Bilugan ang salitang naglalarawan sa bawat pangungusap.

1. Mainit ang kape sa tasa.


2. Pumasok kami sa malinis na silid.
3. Mahigpit na yinakap ng ina ang kanyang mga anak.
4. Ang tirahan ng mga hayop sa kagubatan ay mapayapa.
5. Siya ay magalang habang nakikipag-usap sa mga nakakatanda sa kanya.

Gawain 2: Tukuyin ang mga salitang-ugat ng mga salita sa loob ng kahon.

nabasa mataas umiyak


marami hinog
taos-puso malusog pula
matangos abot-tanaw

1. 6.
2. 7.
3. 8.
4. 9.
5. 10.
SURIIN

Panuto: Basahin nang mabuti ang salaysay at sagutin ang mga sumusunod na
tanong.

Ang Bakuran ni Alvy

Noong Linggo ay buong araw ako sa tahanan ng aking matalik na


kaibigang si Alvy. Sila ay nakatira sa Montalban. Palibhasa’y nakatira ako sa
masikip at magulong lungsod, Ako’y talagang tuwang-tuwa sa pook nilang mag-
anak.
Katamtaman ang laki ng kanilang bahay ngunit ang bakuran ay
mahabang mahaba. Kalahating ektarya raw iyon. Punong-puno ng mga
punongkahoy ang maluwang na duluhan. Dalawang punong magga ang hitik sa
bunga. Sa gilid ay may matatayog na puno ng niyog. Iba’t-iba pang puno ang naroon
tulad ng bayabas, kaimito, abokado, sampalok at suha. Espesyal ang bunga ng
santol-Bangkok. Malalaki ang bunga at ang lamukot ay makapal at matamis.
Inaalagaang mabuti ng tatay20ni Alvy at ng nag-iisang kapatid na lalaki
ang mga punongkahoy. Pinauusukan daw nila ang mga iyon at binobomba ng gamot
upang lumayo ang mga mapanirang kulisap. Sapat din sila sa tubig na galing sa
malalim nilang balon. Sa aking palagay ay marami silang kinikita sa mga
bungangkahoy mula sa sariling bakuran. Masaya akong umuwi sa amin. Marami
akong dalang hinog na prutas.

1. Sino ang matalik na kaibigan ng nagsasalaysay?


________________________________________________________________
2. Saan nakatira si Alvy?
________________________________________________________________
3. Ano-anong mga punongkahoy ang makikita sa bakuran nina Alvy?
________________________________________________________________
4. Paano inaalagaan ng tatay at nag-iisang kapatid na lalaki ni Alvy ang mga
punongkahoy?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
5. Ano-anong mga pang-uri ang nakita ninyo sa kwento?
________________________________________________________________
________________________________________________________________
6. Itala ang mga pang-uri na ginamit sa kuwento at gamitin sa pangungusap ang
bawat isa. (Gamitin ang puwang sa ibaba)

Gawain 3. Ilarawan ang sitwasyon sa larawan gamit ang mga angkop


na pang-uri.

PAGYAMANIN

21
Gawain 4: Sumulat ng isang talata gamit ang wastong pang-uri sa paglalarawan
ng iba’t ibang sitwasyon sa mga sumusunod na larawan.

1.

2.

3.
ISAISIP

Gawain 5: Gamitin ang sumusunod na pang-uri sa paglalarawan ng maaliwalas


at magandang paligid.
22
1. malawak
2. mabangong-mabango
3. sariwa
4. maganda
5. abot-tanaw

_____________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

PAGTATAYA

Panuto: Sumulat ng isang talata gamit ang angkop na pang-uri tungkol sa


Kapistahan sa Barangay.

_______________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
________________________________________________________________.
WORKSHEET 2
Pagsagot sa Tanong tungkol sa Binasang Talaarawan

Layunin: Nasasagot ang mga tanong tungkol


23 sa binasang talaarawan.
(F6RC-IIdf-3.1.1)
Pangalan: Iskor:
Paaralan: Petsa:

TUKLASIN

Panuto: Bilugan ang tamang titik ng salita pangungusap upang mabuo ang
pangungusap.

1. Ang talaarawan ay galing sa salitang tala at araw, ang pinaikling salita ng


pagtatala ng mga pangyayari .

a. kapag may araw


b. araw-araw
c. lingguhan
d. buwanan

2. Sa pagsulat ng talaarawan ay mahalagang mapagsunud-sunod ang mga


.
a. tauhan
b. tagpuan
c. pangyayari
d. usapan

3. Sa pagsulat ng mga pangyayari ay mahalaga ang pagtatala ng


.

a. bagay
b. kulay
c. pangalan
d. petsa

4. Ang mga pangyayaring isinusulat sa talaarawan ay dapat na


.

a. pamalagian
b. pansamantala
c. di kapani-paniwala
d. makatotohanan

5. Personal ang talaarawan kaya .

a. dapat ipabasa sa iba


b. ilihim sa iba
c. huwag ipabasa sa iba
d. sa gabi lang sulatan
SURIIN

Panuto: Basahin ang talaarawan at sagutin ang mga katanungan.


24
Mayo 25 – Lunes

Bertday ko. Maaga akong nagsimba. Naghanda si nanay ng pansit,


puto at spaghetti kaya inimbita ko ang ilan sa aking mga kaklase. Binigyan ako
ni nanay ng P500 kaya nagpunta ako sa mall. Bumibi ako ng notbuk na
nagkakahalaga ng P180, P 150 naman ang sinturon. Pagkatapos ay nanood
ako ng sine. Idinagdag ko sa baon ko ang natirang pera.

Mayo 26 – Martes

Parang dalawang beses kong sinelebreyt ang bertdey ko. Kasi, nagluto
uli si nanay ng pansit at spaghetti. Nagpaluto rin siya ng puto. Dumating kasi
ang mga pinsan ko mula sa Nueva Ecija.

Mga Tanong:
1. Anong buwan isinulat ang talaarawan?
______________________________________________________________
2. Ano ang ipinagdiriwang ng sumulat nito?
______________________________________________________________
3. Ano-ano ang kanyang handa?
______________________________________________________________
4. Bakit siya nagpunta sa mall?
______________________________________________________________
5. Paano niya nabili ang kaniyang mga bagong gamit?
______________________________________________________________
6. Bakit dalawang beses siyang nagbertday?
______________________________________________________________

PAGYAMANIN

Panuto: Basahin ang talaarawan at sagutin ang mga tanong.

Agosto 12 – Sabado

Tanghali na akong gumising dahil alam kong walang pasok. Pagkatapos ng


almusal nagdilig ako ng halaman. Naglinis din ako ng bahay at inayos ang mga
kasangkapan sa kusina na dapat linisin. Naghanda na akong magbihis dahil dadalawin
namin ni Inay si Lola na matagal-tagal na naming hindi nabibisita. Parang reunion ng
pamilya ang nangyari sapagkat halos lahat ng anak at apo ni Lola ay naroroon.

Agosto 13 – Linggo

Maaga pa lamang ay nagtungo na kami ng aking mga kapatid at magulang sa


simbahan upang magbigay-puri sa Panginoon. Namasyal kaming mag-anak hanggang
hapon. Pagdating ng bahay, inihanda ko na ang mga dapat kong dalhin sa paaralan
kinabukasan. Biglang dumating ang isa kong kamag-aral upang manghiram ng aklat sa
Filipino.
Mga Tanong:

1. Ano-anong araw isinulat ang talaarawan?


______________________________________________________________
25
2. Sino ang kanilang dadalawin?
______________________________________________________________
3. Saan sila pumunta sa Linggo?
______________________________________________________________
4. Bakit siya naghanda ng kanyang mga gamit?
______________________________________________________________

ISAISIP

Panuto: Basahin ang talaarawan at sagutin ang mga tanong tungkol dito.

Setyembre 8

Bukas pa ang pista sa Sto Cristo pero ngayon pa lang ay pupunta na kami
sa probinsya. Tanghali na nang makasakay kami ng bus. Nainis ako kasi hindi
aircon bus ang sinakyan namin. Ang bagal pa ng biyahe. Mag-aala-singko na ng
hapon nang dumating kami sa 13 Sto Cristo. Abala sa pagluluto ang mga kamag-
anak namin.

Setyembre 9

Araw ng kapistahan ni Sto. Cristo. Maaga kaming nagsimba. Maraming


naging bisita kaya pati ako napagod sa pag- aasikaso. Gabi na nang magdaos ng
prusisyon.

Setyembre 10

Tanghali na kami umuwi. Sa sobrang pagod ay nakatulog ako sa bus.

Mga tanong:

1. Anong pagdiriwang mayroon sa kanilang probinsya?


___________________________________________________________
2. Bakit siya nainis sa kanilang sinakyan na bus?
___________________________________________________________
3. Anong ang kanilang ginawa sa araw ng pista?
___________________________________________________________
PAGTATAYA

Panuto: Basahin ng mabuti ang talaarawan at sagutin ang mga tanong.


26

Enero 5, 2020

Mahal kong Talaarawan,


Maganda at maayos naman ang aking umaga ngayon dahil maaga akong nagpunta sa
paaralan. Pero bago ako pumasok sa paaralan,naligo muna ako, nagbihis ng maayos,
nagsuklay ng buhok, kumain at nagsipilyo ng ngipin. Pagkatapos kong magsipilyo ay
inihinatid ako ng papa ko sa paaralan. Pagdating ko sa paaralan ay biglang sumakit ang aking
ngipin. Kaya uminom agad ako ng gamot upang mawala ang sakit.
Sa tanghalian ay masaya kaming kumain sa karinderya ni Aling Nena at pagkatapos
dumiretso kami sa silid-aralan. Nag-aral din ako sa paksa namin sa Filipino dahil
magkakaroon kami ng pagsubok. At iyan ang mga ginawa ko sa araw na ito.
Nagmamahal,
Karen

Mga tanong:

1. Anong petsa isinulat ni Karen ang talaarawan?


______________________________________________________________
2. Ano-ano ang ginawa ni Karen bago pumasok sa paaralan?
______________________________________________________________
3. Bakit siya uminom ng gamot?
______________________________________________________________
4. Saan sila nananghalian?
______________________________________________________________
5. Bakit bumalik agad sa silid-aralan si Karen at ang kanyang mga kaklase?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
WORKSHEET 3
Pagtukoy sa Mahahalagang Pangyayari sa Nabasang Sanaysay
27
Layunin:

a. Natutukoy ang mahahalagang pangyayari sa nabasang sanaysay.


(F6PN-IId-18)
b. Naibibigay ang kahulugan ng pamilyar at di-pamilyar na salita sa
pamamagitan ng kasalungat. (F6-IIe-h-1.8)

Pangalan: Iskor:
Paaralan: Petsa:

TUKLASIN

Gawain 1: Basahin ang unang dalawang saknong sa awiting “Anak” at sagutan ang
mga tanong.

Nang isilang ka sa mundong ito


Laking tuwa ng magulang mo
At ang kamay nila
Ang iyong ilaw

At ang nanay at tatay mo’y


Di malaman ang gagawin
Minamasdan
Pati pagtulog mo

Mga tanong:

1. Ano ang pamagat ng awit?


_____________________________________________________________
2. Sino-sino ang mga binanggit sa awitin?
_____________________________________________________________
3. Maaari mo bang ilarawan ang awiting ito?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Ano ang mensahe o nais iparating ng awiting ito?
______________________________________________________________
______________________________________________________________

28
______________________________________________________________
______________________________________________________________
SURIIN
Gawain 2: Hanapin ang kasalungat ng mga salitang nasa Hanay A sa Hanay B at
pagkonektahin ang mga ito.

Hanay A Hanay B
mahinang resistensya marangal

nagsikap laganap

kumurap-kurap mahumaling

paghihimagsik di-sakitin

dakila pumikit-dumidilat

mahilig itakwil

ibagsak nagtiyaga

malawakan pag-aalsa

pagmamalabis pang-aabuso

Gawain 3: Basahin nang mabuti ang sanaysay at sagutin ang mga sumusunod na
katanungan.

Si Mikrobyo Sipon

Malakas ako. Kaya kong pagkasakitin ang sinuman. Nagsisimul ako sa


ilong at lalamunan. Sa bandang huli, maaari rin akong bumaba sab aga.
Dala-dala ko ang impeksyon na magpapasakit ng lalamunan. Tonsilitis daw
ang tawag ditto. Maaaring mauwi ito sa pulmonya kapag bumaba ang
impeksyon sab aga. Madali akong pumasok sa katawan ng biktima, lalagnatin
at manghihina. May sipin na siya at madali siyang makahahawa sa iba
maging bata man o matanda. Higit na malubha ang sipin sa mga batang
paslit. Kaya kayong mga bata, mag-ingat kayo sa akin. Ako, si Mikrobyong
Sipon.
Hi! Hi! Hi! Hi! Hi!

Mga Tanong:

1. Saan nagsisimula ang sipon?


___________________________________________________________
___________________________________________________________
2. May mga sintomas ba ito? Ano-ano ang mga ito?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
29
3. Sino-sino ang maaaring dapuan nito? Bakit?
___________________________________________________________
___________________________________________________________
4. Mayroon bang paraan upang maiwasan ito?
___________________________________________________________
___________________________________________________________

Gawain 4: Ibigay ang mahahalagang detalye sa sanaysay na si “Mikrobyong Sipon”


gamit ang fishbone.

Mga Detalye
Mga Detalye

Pamagat

Mga Detalye

PAGYAMANIN
Basahin nang mabuti ang sanaysay at sagutan ang mga tanong.

Si Andres Bonifacio ay masikap at matalinong mag-aaral. Nagsikap siyang


matutong bumasa at sumulat.Tinulungan niya ang kanyang sarili sa pamamagitan ng
pagbabasa ng mga lathalaing sinulat ng ating manunulat na Pilipino. Mahilig siyang
magbasa ng mga aklat ni Dr. Jose Rizal, mga aklat tungkol sa digmaan at batas.
Pagkatapos ng kanyang gawain sa maghapon, saka siya magbabasang mag-isa.
Inaabot siya ng hatinggabi sa pag-aaral na ang tanging tanglaw ay kumukurap-kurap na
ilawang langis.
Bunga ng pang-aalipin, pang-aabuso at pagmamalabis ng mga Kastila sa mga
Pilipino, itinatag ni Andres Bonifacio ang samahang Katipunan na ang layunin ay
ibagsak ang pamahalaan ng Kastila.
Noong ika-23 ng Agosto 1896, nagtipon-tipon ang mga Katipunero sa Pugad
Lawin, isang liblib na baryo sa Caloocan. Noon nila sinimulan ang balak nilang
paghihimagsik. Pinunit ng lahat ng dumalo ang kanilang sedula bilang tanda ng
paglaban sa pamahalaan ng Kastila.
Kahit kulang ang armas at kaalamang pangmilitar ay naitaguyod niya ang
malawakang paghihimagsik ng mga Katepunero laban sa lakas ng mga Kastila. Tiniis
nila ang gutom at pagod. Sa dilim ng gabi sila nagpupulong o naglalakbay. Siya ay
tinawag na Ama ng Katipunan dahil sa dakilang nagawa niya sa bayan.
Gawain 5: Ibigay ang mahahalagang impormasyon tungkol kay Andres
Bonifacio gamit ang spider web.
30

Andres Bonifacio

PAGTATAYA

A. Hanapin at bilugan ang titik ng kasalungat na magkasingkahulugan ng


salitang may salungguhit sa pangungusap.

1. Kailangan ang determinasyon at pagsusumikap sa buhay.

b. sipag b. tiyaga c. katamaran d. pagpupursigi

2. Mabuting linangin at pagyamanin ang talino ng mga mag-aaral.

b. tamnam b. pabayaan c. paunlarin d. payabungin

3. Dapat mong makamit at makuha ang iyong pangarap sa buhay.

b. mapabayaan b. marating c. maranasan d. maabot

4. Hindi mabilisan at madaliang nagaganap ang mga nais mong mangyari sa


buhay.

b. agad-agad b. matagalan c. kagyat d. dagli

5. Nagkakaalitan at nagkakagalit minsan ang pamilya sa tahanan.


b. nagkakasundo b. nagkakaaway c. nakakasira d. nagkakababag

C. Basahin nang mabuti ang sanaysay at sagutin ang mga tanong.


31
Pag-iyak, Nakatutulong sa Kalusugan

Sa isang pag-aaral, pinatunayan na nakakabuti ang pag-iyak sa kalusugan


ng tao. Ayon kay Dr. William Frey, director ng Psychiatry Research Laboratories ng
St. Paul, Minnesota, ang mga lalaki at babae ay nakararamdam ng pagbuti ng
katawan matapos umiyak. Samantalang ang mga bata na hindi umiiyak ay higit na
nakararanas ng kabiguan kahit sa maliit na problema. Sila ay pinapawisan,
naglalaway, at nagkakaroon ng galis sa balat.
Napatunayan din sa pag-aaral na ang mga babae ay limang ulit na higit na
madalas ang pag-iyak kaysa mga lalaki. Ang pag-iyak na ito ay nagaganap sa
pagitan ng ikapito at ikasampu ng gabi. Maituturing na ito ang mga oras na
nagaganap ang di-pagkakaunawaan sa pamilya at nakararamdam ng kalungkutan
ang karamihan.

Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang sanaysay?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
2. Sino ang doctor na nakatuklas nito?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
3. Ano ang nararamdaman pagkatapos umiyak?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
4. Ano ang kadalasang nagyayari sa mga batang hindi umiiyak?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
5. Anong oras kadalasang nagaganap ang pag-iyak ng mga babae? Bakit?
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Sanggunian
Hiyas sa Wika 6, pp. 123-126
32

LP in Filipino 6, p.200

LP in Filipino 5, 2012 p.1 & 2

Landas sa Wika 6, 1999 p.6

Sining sa Wika 6, pahina 126-127

http://ladybegood.net/diaries/full/Toner_Diary1.jpg

https://kapitolyohs.files.wordpress.com/2011/09/modyul-20.pdf

https://lrmds.deped.gov.ph/detail/14832
33

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:


Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon 10
Zone 1, DepEd Building Masterson Avenue, Upper Balulang
Cagayan de Oro City, 9000
Telefax: (008) 880 7072
Email Address: region10@deped.gov.ph

You might also like