You are on page 1of 116

FILIPINO

Baitang 5
Kagamitan ng Mag-aaral

Kagamitan ng Mag-aaral – Baitang Lima


Unang Edisyon 2016
DepEd-Sangay ng Lungsod ng Antipolo
Paalaala tungkol sa karapatang sipi na nakasaad sa Seksiyon 176 ng
Batas Pambansa Bilang 8293 na hindi maaring magkaroon ng karapatang sipi
sa ano mang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas. Ang pahintulot ng may akda
o tanggapan kung saan ginawa ang isang akda.

MGA BUMUBUO SA PAGSUSULAT NG KAGAMITAN NG MAG-AARAL SA FILIPINO 5

Mga Manunulat:
Purification A. Abad Agnes V. Bermudo
Aniano Iglopas Jr. Jonalyn B. Catague
Rachelle F. Morante Maribel B. Cristobal
Lilibeth M. Tabuyo Realor E. Caronan
Anely P. Cotoner Elaine Morales
Sally T. Samalague Stephanie Toralde
Roxanne L. Caalaman Girlie Joy Lomigo
Mirriam Gutierrez Sarah Jane Dagooc
Marie Rose Nuñez Dulce DS. Barrios
Dinia R. Carpio Floriza M. Mendoza
Ruby Brizuela Lea V. Virginio

Konsultant: Reynaldo M. Andrade, Jr.

Tagasuri/Editor: Ma. Teresa P. Barcelo

Tagaguhit: John Albert Rico

Mga Tagapamahala: Dr. Rommel C. Bautista, Doris DJ. Estalilla, Dr. Luisito F. Diego,
Priscilla V. Salo, Maria Florabel M. Tolentino

2
Aralin 1 Pag-unawa at Pagpapahalaga
sa Sarili at Kapaligiran
Panimula

Ang Aralin 1 ay tungkol sa isang usapan sa paghahanda sa nalalapit


na pasukan. Tatalakayin din ang mga uri ng pangngalan na makatutulong din
upang mabuo mo ang inaasahang pagganap sa araling ito.

Narito ang mga gawain na makatutulong sa iyo upang masagot mo


ang mga sumusunod na mahahalagang tanong:

 Sa paanong paraan mo naipapahayag ang sarili mong opinyon o


reaksyon sa isang kuwento o isang balitang napakinggan?
 Paano makatutulong ang mga uri ng pangngalan sa pagbuo ng
isang pangungusap o patalastas?

GAWAIN 1. Salita’y Iugnay Mo!

Basahin mo ang mga salitang nasa loob ng bilog. Magsalaysay ka ng


sariling karanasang may kinalaman at kaugnayan sa isa o higit pang salitang
nasa loob ng bilog.

UNANG
BRIGADA ARAW NG
ESKWELA PASUKAN

KARANASAN

PAGGISING PAGPUNTA
NG MAAGA SA MALL

3
GAWAIN 2. Reaksyon Mo!

Basahin ang sumusunod na pangungusap. Ibigay ang iyong reaksyon


ukol dito. Sikaping makasagot at isulat ang iyong reaksyon sa sagutang
papel.
1. Ang aksyon ng atng lokal na pamahalaan laban sa kontra-
droga.
2. Nagpadala ang pamahalaan ng karagdagang 5,000 sundalo
upang tugisin ang mga terorista.
3. Pagbabawal ng China sa mga Pilipino na pumaloat sa South
China Sea.
4. Sama-samang paglilinis ng mga mamamayanan sa mga estero
at kanal sa Lungsod ng Antipolo.
5. Pitaka na naglalaman ng Php 5,000 ay isinauli sa may-ari ng
isang guwardyang nakapulot nito

Inaasahan ko na nakapagpahayag ka ng iyong reaksyon o opinyon


mula sa mga salitang binigyang kahulugan. Nagamit mo rin ang mga
salita sa pagsasalaysay ng iyong karanasan. Maari mo nang
ipagpatuloy ang pag-aaral

Alamin mo sa babasahing usapan kung magkatulad kayo ng mga


tauhan sa ginawa niyang paghahanda bago ang pasukan.

Pasukan na Naman

Araw ng Sabado, maagang ginising ni Aling Celia ang kanyang mga anak.

Aling Celia : Annie, gumising ka na diyan. Maaga tayong pupunta sa


Antipolo Mall.
Annie : Talaga, Inay. Pupunta tayo ng mall. Isasama ba natin si Kuya?
Aling Celia : Oo, gisingin mo na siya at kayo ay kumain na dyan.
Annie : Kuya Rico, gumising ka na sabi ni Inay. Pupunta tayo ng mall.
Kuya Rico : Sige, sandali lang at magbibihis na ako.

4
(Habang sila ay kumakain may narinig silang balita sa radyo.)

Tagapagbalita:

Ang Kagawaran ng Edukasyon ay naghahanda na sa darating na


pasukan. Ito ang taunang BRIGADA ESKWELA na kung saan
inihahanda ng mga guro sa tulong ng mga magulang, mag-aaral at iba
pang stakeholder ang buong paaralan. Karaniwang ginagawa ang
pagsasaayos, paglilinis at pagkukumpuni ng mga mga sirang upuan,
mesa, pisara, bintana at iba pang mga kagamitang pansilid-aralan.
Sama-samang nagtutulong-tulong ang lahat upang maisakatuparan ang
mithiin ng palatuntunan. Dito malinaw na naipapakita ang tunay na diwa
ng pagbabayanihan.

Aling Celia: Mga anak! Paano kaya tayo makatutulong sa darating na


pasukan?
Annie: Inay, pwede po kayong makiisa sa darating na Brigada Eskwela.
Pwede po tayong boluntaryong magbigay-tulong sa abot ng
ating makakaya.
Aling Celia: O, sige mga anak sisikapin nating makatulong tayo sa inyong
paaralan.

Pagkatapos nilang kumain ay naghanda na sila ng kanilang mga sarili


para makapunta sa mall. Nakarating ang mag-iina sa Antipolo Mall at
nagtungo sila sa Department Store.

Kuya Rico: Inay, kung bibili po tayo ng sapatos at bag gusto ko po ‘yung
branded dahil mas masasabi natin ito’y de-kalidad.
Aling Celia: Anak, pasensiya ka na, hindi sapat ang ating pera. Saka na lang
kapag natanggap na ng tatay mo ang kanyang bonus.
Annie: O, kuya narinig mo ang sabi ni Inay. Hindi sapat ang ating pera.
May mga de-kalidad na sapatos at bag na pwede na nating
mabili sa murang halaga.
Kuya Rico: Sige po Inay, sa susunod na lang po.
Aling Celia: Salamat anak sa pang-unawa mo.
Kuya Rico: Walang anuman po ‘yun, Inay.

5
Pagkatapos mong mabasa ang usapan, sikapin mong sagutin ang
sumusunod na tanong:

 Ano ang naging paksa sa usapan?


 Ano ang nais bilhin ng anak sa mall? Sinang-ayunan ba ito ng ina?
Bakit?
 Anong mahalagang kaisipan ang nais iparating ng usapan?
 Paano naipakita sa usapan ang kultura ng ating bansa?

Matapos mong maunawaan ang mga hakbang sa paghahanda


sa araw ng pasukan. Dagdagan pa natin ang iyong kaalaman.

GAWAIN 4. Pag-unlad ng Talasalitaan

Ang sumusunod na salita na may salungguhit ay ginamit sa usapang


iyong binasa. Subukin mong magbigay ng sariling kahulugan sa mga salita.
Isulat mo ang sagot sa sagutang papel.

1. Sama-sama ang mga guro, magulang at stakeholder upang mag-


brigada sa mga paaralan.
2. Ang Kagawaran ng Edukasyon ay nagsagawa ng bagong programa
para sa lahat ng mag-aaral.
3. Nagpunta kami sa department store dahil bibili kami ng Tubag at
sapatos.
4. Tuwang-tuwa si Sally dahil mamasyal sila sa mall.
5. Maraming nabiling pasalubong ang Tatay dahil natanggap na niya ang
kanyang bonus.

6
GAWAIN 5. Pag-unawa sa Binasa

Sagutin ang mga tanong. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel o
kuwaderno.
1. Saan pupunta sina Aling Celia at ang kanyang mga anak?
2. Ano ang gagawin nila sa mall?
3. Paano pinaghandaan ni Annie ang nalalapit na araw ng pasukan?
4. Kung ikaw si Annie, gagawin mo rin ba ang kanyang ginawa?
5. Bilang isang mag-aaral, paano ka makatutulong sa paghahanda sa
iyong paaralan sa pagbubukas ng klase?

Binabati kita sa ipinamalas mong husay sa pagpapahayag ng iyong


usapan at pagsagot ng mga tanong kaugnay sa nilalaman ng binasang
reaksyon.

GAWAIN 6. Panoorin Mo!

Pumili ng isang patalastas mula telebisyon o youtube at


sagutin ang sumusunod na tanong. Maaaring gamitin ang link sa ibaba.
(https://www.youtube.com/watch?v=_RtjH5wZdjA)

1. Ano ang mga nakita mo sa isang patalastas?


2. Ano ang nais iparating ng patalastas?
3. Saan maaaring gamitin ang patalastas?

Alam mo ba?
Ang pagpapatalastas o pag-aanunsiyo (Ingles: advertising) ay
isang uri o anyo ng komunikasyon o pakikipagtalastasan para sa
pagmemerkado o pagmamarket (marketing) at ginagamit upang
mahikayat o mahimok ang mga madla (mga manonood, mga
mambabasa, o mga tagapakinig; na kung minsan ay isang tiyak na
pangkat. Ito rin ay pagbibigay impormasyon ng isang bagay o ideya,
purihin ang isang bagay o serbisyo sa publikong pamamaraan dyaryo,
telebisyon, magasin.
Sanggunian:
7
Isipin Mo!

Ngayong nalaman mo na ang kahulugan ng patalastas, maaari mo ng


kilalanin ang mga pangngalang ginamit sa pagsagot sa tanong. Ano-anong
mga pangngalang nabanggit? Ano-ano ang mga uri nito?

Ang pangngalan ay tumutukoy sa ngalan ng tao, bagay, hayop, pook o


pangyayari.

URI NG PANGNGALAN
1. Ang pangngalang pantangi ay tanging ngalan ng tao, bagay,
pook, hayop o pangyayari. Ito ay nagsisimula sa malaking titik.
Halimbawa:
lugar - Antipolo City
tao - Mayor Jun Ynares
bagay – Mongol
pangyayari - Sumakah Festival
hayop - Labrador
2. Ang pangngalang pambalana ay karaniwang ngalan ng tao,
bagay, pook, hayop o pangyayari.
Halimbawa:
lugar - mall
tao - mayor
bagay-lapis
pangyayari - fiesta
hayop - aso

Maaring uriin ang pangngalang pambalana sa tatlo:


a. Ang kongkreto ay pangngalang nakikita at nahahawakan
Halimbawa: damit prutas sasakyan
b. Ang di-kongreto ay pangngalang abstrak. Hindi ito nakikita at
nahahawakan.
Halimbawa: pagmamahal kalinisan pagmamalasakit
c. Ang lansakan ay nauukol sa pangkat, dami o bilang ng mga
pangngalang walang katiyakan.
Halimbawa: pulutong tribu hukbo

8
Subukin Mo!

Pagsasanay A

Isulat ang sumusunod na pangungusap sa sagutang papel o


kuwaderno. Salungguhitan ang mga pangngalan na ginamit sa
pangungusap at isulat sa patlang ang uri nito kung pangngalang
pantangi o pangngalang pambalana.

_____1. Nagtungo ang aming klase sa Hinulugang Taktak.


_____2. Ibig niyang marating ang popular na Puting Krus na kilala sa
tawag na Pinagmisahan
_____3. Kilala si Don Juan Sumulong bilang lokal na bayani.
_____4. Masipag at mabait ang aming Punong Lungsod
_____5. Patuloy pa ring dinarayo ng mananampalataya ang Birhen ng
Antipolo
_____6. Sa bangko sila nagbayad.
_____7. Nakarating ka na ba sa Mystical Cave sa lungsod ng Antipolo?
_____8. Namasyal sila sa lungsod.
_____9. Ang mga bata ay naliligo.
_____10. Nabasa ko ang matulaing alamat ng Hinulugang Taktak?

Pagsasanay B

Bilugan ang uri ng pambalana sa bawat pangungusap.

1. Ang langkay ng ibon ay kay gandang pagmasdan.


2. Masarap pakinggan ang mga huni ng mga pulutong na ibon sa
parang.
3. Magkano ang isang bungkos ng sitaw?
4. Nagpapastol sila sa kawan ng mga tupa.
5. Ang pangkat ng mag-aaral na nag-uusap sa silid- aralan.
6. Nakita mo ba ang mga bunton ng labada?
7. Ang mga lipon ng pulis sa Antipolo ay tumulong sa isang
paaralan para sa Brigada Eskwela.
8. Nagkaroon ng pasasanay ang mga koponan ng mga atleta sa
paghahanda para sa Palarong Pambansa.
9. Maraming piling ng saging ang nakita ko sa likod n gaming
paaralan.
10. Isang batalyon ng sundalo ang tumulong sa pagsagip sa
gumuhong lupa sa Antipolo.

9
Pagsasanay C

Magbigay ng mga limang (5) halimbawa ng kongkreto at


di-kongkretong pangngalan kaugnay ng balitang narinig sa
bahaging BASAHIN MO. Pagkatapos, sumulat ng isang maikling
balita tungkol din sa BRIGADA ESKWELA sa inyong paaralan.
Isaalaang-alang ang mga pangngalang itinala sa pagsulat ng
balita.

Kongkretong Pangngalan Di-kongkretong Pangngalan


1. 1.
2. 2.
3. 3.
4. 4.
5. 5.

Sa tulong ng graphic organizer, bumuo ka ng mahalagang


konseptong natutuhan mo sa araling tinalakay.

10
Isa kang journalist ng isang kilalang pahayagan. Naatasan kang sumulat
ng pahayagan ng isang patalastas tungkol sa magaganap na OPLAN: Balik
Eskwela na gaganapin sa mga paaralan sa inyong lungsod. Tatayain ang
iyong isinulat na patalastas ayon sa sumusunod na kraytirya:
a. angkop sa paksa
b. nilalaman
c. orihinal
d. malikhain

5 4 3 2 1
Nakasulat ng Nakasulat ng Nakasulat ng Nakasulat ng Walang taglay
patalastas isang isang isang na anuman
taglay ang patalastas na patalastas na patalastas na kraytirya sa
lahat ng may isang may may tatlo o pagsulat ng
kraytirya . kulang na dalawang higit pang patalastas.
kraytirya. kulang na kulang na
kraytirya. kraytirya.

Binabati kita sa matiyaga mong pagsasagawa ng mga gawain sa araling


ito. Natitiyak kong nakapagpahayag ka ng sarili mong opinyon o reaksiyon sa
mga kuwento at balitang narinig. Gayundin, nagkaroon ka ng kaalaman sa
wastong gamit ng mga uri ng pangngalan upang makabuo ng isang
patalastas.
Marahil ay nakahanda ka nang alamin ang susunod na aralin.

11
Aralin 2 Pagpapakita ng Kagandahang
Loob sa Kapwa
Panimula
Ang Aralin 2 ay tungkol sa isang kuwento na nagpapakita ng
kagandahang loob. Tatalakayin din ang mga kailanan ng pangngalan na
makatutulong din upang mabuo mo ang inaasahang pagganap sa araling ito
Narito ang mga gawain na makatutulong sa iyo upang masagot mo ang mga
sumusunod na mahahalagang tanong:

 Sa paanong paraan naipakikita ang kagandahang loob sa kapuwa?


 Paano makatutulong ang paggamit ng kailanan ng pangngalan sa
pagsasagawa ng talakayan?

GAWAIN 1. Tula Ko...Basahin Mo!

Narito ang isang tula na naglalaman ng kabutihang asal sa modernong


panahon.
Asal ng Langit

Mabuting asal, ang aking dapat gawin


Wala sa iba, sa mundo hahanapin
Hindi sa magalit, hindi pinipilit
Ngunit, gamitin ang pusong mainit

Kabutihang asal, nasaan ka na ba?


Ang loob ko’y patuloy na tinitira
Magpakita ka na rin sa mga iba
Mga naghahanap ng asal, na maganda

Mayaman o mahirap, basta mabuti


Magandang asal, sila ang magwawagi
Sinusunod nila, ang bawat layunin
Pati sa bansa, iginagampanan din
Kagandahang Asal, merong mga uri

12
Ilan kaya? Siyam? Walo? Pito? O Anim?
At ilan kaya ang inyong gagamitin?
Hay! Ang mahalaga - hindi wawalain.

Tanong:
1. Tungkol saan ang binasang tula?
2. Ano-anong mga kabutihang asal ang dapat taglayin ng isang
batang katulad mo?

GAWAIN 2. Salita’y Iugnay Mo!

Ayusin mo ang mga pinaghalong letra na nasa loob ng kahon upang


mabuo ang kahulugang hinihingi sa pangungusap. Pagkatapos, gamitin ang
nabuong salita sa sariling pangungusap. Isulat mo ang iyong sagot sa
sagutang papel.

l s a a 1. katangian dapat taglayin ng isang


bata
n p t i i i l 2. ayaw niyang sundin pero kailangan
niyang gawin
y l a n n u i 3. kailangang taglayin ng isang mag-
aaral
g m a w g i a
4. inaasam ng bawat manlalaro
5. importanteng bagay
h g m l a a a a

GAWAIN 3. Isyu…Reaksyon Mo!

Basahin mo ang mga isyung nakasulat sa ibaba. Ibigay ang iyong


reaksyon. Isulat ito sa inyong kuwaderno.
1. Maagang pag-aasawa at pagdadalantao ng mga kabataan sa
kasalukuyan.
2. Dumaraming kaso ng dengue sa Lungsod ng Antipolo.
3. Pagtaas na presyo ng petrolyo.
4. Pagbabago ng klima ay bunga ng Global Warming.
5. Walang awang pambobomba ng mga terorista sa mga inosenteng
mamamayanan sa mga pampublikong lugar.

Inaasahan ko na maipamamalas mo ang kagandahang loob


pagkatapos mong basahin at talakayin ang kuwento. Sana makilala
mo rin ang mga pangngalan na tatalakayin sa aralin. Maaari munang
ipagpatuloy ang pag-aaral.

13
Nakita mo na ba ang iyong sariling anino? Basahin at unawain mo ang
kuwentong ito.

Isang araw, isang aso ang nakahukay ng buto sa lupa. Tuwang-


tuwa ang aso at dali-daling hinawakan ang buto sa pamamagitan ng
kanyang bibig. Dinala ang buto upang iuwi sa kanyang tirahan, ngunit
nang malapit na, napadaan ang aso sa isang ilog. Pinagmasdan ang ilog
at doo'y nakita ang sariling anino. Sa pag-aakalang ibang aso iyon na
may hawak-hawak ring buto sa bibig, tinahulan iyon nang tinahulan
upang maangkin din ang butong pag-aari nito. Dahil dito, humalagpos
mula sa kanyang bibig ang butong hawak-hawak at nahulog sa
ilog. Tinangay ng agos ang buto at hindi na nakuha pa nang sakim na
aso.

Marahil ay may ideya ka na kung paano ipinakikita ang kagandahang


loob sa kapuwa. Subukin mong sagutin ang sumusunod na tanong:

 Ano ang nahukay ng aso sa lupa?


 Saan nakita ng aso ang kanyang sariling anino?
 Anong mabuting aral ang natutunan mo sa kuwentong nabasa?

Matapos mong mabasa ang kuwento, tiyak na nalaman mo


kung paano ipinakikita ang kagandahang loob sa buhay.

Ngayon, alam kong handa ka nang isagawa ang mga gawain


na makatutulong sa iyo upang maisabuhay ang pagpapakita ng
kagandahang asal.

14
GAWAIN 4. Pag-unlad ng Talasalitaan

Narito ang ilang mga salitang pamilyar at di-pamilyar. Ibigay ang


kahulugan ng mga salita gamit ang linya upang mapag-ugnay ang salita sa
Hanay A patungo sa Hanay B.
HANAY A HANAY B
1. anino A. makuha
2. humalagpos B. dinala
3. tinangay C. ganid
D. kumawala mula sa pumipigil sa
4. sakim
puwersa
E. repleksyon kapag nasinagan
5. maangkin
ng liwanag

GAWAIN 5. Pag-unawa sa Binasa


5.1 Pagsunud-sunurin Mo!

Ang sumusunod na larawan ay mula sa kuwentong iyong


binasa. Subukin mong pagsunod-sunurin sa pamamagitan ng
paglalagay ng bilang o letra.

15
5.2 Punan Mo...Impormasyon!
Gamit ang graphic organizer, itala mo ang mahahalagang
impormasyon mula sa iyong binasang kuwento. Kopyahin mo ang
pormat sa sagutang papel.

TAGPUAN

PROBLEMA SOLUSYON

TAUHAN

ARAL NG KWENTO

Ngayong, naisa-isa mo at natalakay ang mga detalye ng


kuwento. Maaari mo nang ipagpatuloy ang susunod na gawain.

16
Basahin mo ang kasunod na usapan at kilalanin ang pangngalan.

Stephanie: Anely, nakita mo ba si Elaine?


Anely: Oo, nagkita kami sa simbahan kahapon.
Sally: Bakit? Nanghihiram ba siya ng mga aklat?
Anely: Hindi, sinamahan lamang niya sina Realor. Maghahanap
daw sila ng mga kagamitan na gagamitin sa kanilang
proyekto.
Stephanie: Bakit hindi na lamang sila magpunta sa Antipolo Bookstore.
Doon matatagpuan ang kumpletong kagamitan na kailangan
nilang bilhin.
Anely: Oo nga pala, ano? Sige, sabay-sabay na tayong pumunta
doon.

GAWAIN 6. Panoorin Mo!

Gamit ang Youtube sa internet, panoorin mo ang isang video tungkol


sa “Mabuting Samaritano” https://www.youtube.com/watch?v=BpQ1kDCF6iI

Ngayon ay basahin mo naman ang kasunod na paliwanag tungkol sa


kailanan ng panghalip na makatutulong sa pagbuo ng isang
patalastas.

17
Isipin Mo!

KAILANAN NG PANGNGALAN

Ang kailanan ay tumutukoy sa dami o bilang. Maaaring ang kailanan ng


pangngalan ay ang sumusunod:
 Isahan- tumutukoy sa isang pangngalan lamang. Gumagamit ng
pantukoy na si at ang.
Mga Halimbawa:
a. Si Ana ay darating bukas.
b. Ang simbahan ay lugar panalanginan.
 Dalawahan – tumutukoy sa dalawang pangngalang binabanggit.
Gumagamit ng panlaping mag- at pang-uring pamilang
Mga Halimbawa:
a. Ang magkaibigan ay dapat na laging magkakasundo.
b. Kailangan ko ng dalawang pares ng sapatos.
 Maramihan- tumutukoy sa mga pangngalang tatlo o higit pa. Ito’y
may pantukoy na mga, sina at kina.
Mga Halimbawa:
a. Sina Arnel at Romel ay namamasyal sa Dimasalang Park sa
Antipolo.
b. Ang dapat sumali ay mga lalaki lamang.

Maaring matukoy ang kailanan ng pangngalan sa pamamagitan ng


paggamit ng sumusunod:

1. Pananda
Mga Halimbawa:
Isahan – si, ang, ni, kay
Maramihan – sina, ang mga, nina, kina
2. Pang-uring Panlarawan
Mga Halimbawa:
Isahan – maliit na kulisap
Maramihan – maliliit na kulisap
3. Pang-uring Pamilang
Mga Halimbawa:
Isahan – isang Samaritano
Dalawahan – dalawang guro
Maramihan – tatlong prutas, kawan, pulutong, pumpon,atbp.

Marasigan, Emily V. Pluma 6, 2006. Phoenix Publishing Co.


Quezon City pp. 128 - 129

18
Subukin Mo!
Pagsasanay A

Isulat mo kung nasa anong kailanan ng pangngalan ang sumusunod


na salitang may salungguhit.
_______1. Ang mga magkakaibigan ay nag-usap-usap tungkol sa
gaganaping piyesta sa kabilang bayan.
_______2. Si Ellaine ang nahirang na pangulo ng samahan.
_______3. Sina Carlo ay may mag-eensayo sa pagsayaw para sa
nalalapit nilang programa sa paaralan.
_______4. Ang mga magpipinsan ay naglalaro sa parke.
_______5. Kinuha ni Sally ang balik-bayan box kina Aling Nena at Mang
Rudy.
_______6. Sa silid aklatan makikita ang mga babasahin.
_______7. Ang magkakapatid ay nagbabakasyon sa probinsya.

_______8. Narito sina Ana at Robin kanina para kunin ang hinihiram
nilang modyul sa Filipino.
_______9. Inanyayahan naming ang mag-ina sa pulong.

_______10. Ang mga gulay sa bakuran ni Aling Marta ay malalago at


matataba
Pagsasanay B

Tukuyin ang pangngalang ginamit sa pangungusap at kailanan nito.


Isulat sa unang hanay ang pangngalan at sa ikalawang hanay ang
kailanan. Kopyahin ang porma at isulat ang sagot sa kuwarderno.
Pangngalan kailananan
________ ________ 1. Maingay na naglalaro ang mga bata.

________ ________ 2. Ang bayang ito ay nais kong paglingkuran.


________ ________ 3. Ang kababaihan ngayon ay may nagawang
tanging sila lamang ang maaring
makagawa.
_______ ________ 4. Ang mga kaibigan ni Diego ay naghanda
para sa kanilang salo-salo.

_______ ________ 5. Iginagalang ng mamamayan ang


nagagawang kabutihan ng iba.

19
Pagsasanay C

Punan ng angkop na pananda ang sumusunod na


pangungusap batay sa pangngalang may salungguhit.
1. _________ mag-asawang Cruz ay nalulungkot dahil sa hindi
mabigyan ng anak.
2. _________ bayan sa Rizal ay marami kaysa sa Antipolo
3. _________ G. Rodrigo Duterte ay iprinoklama na bagong
pangulo ng bansa.
4. Naghanda sa bahay ________ Daphnie, Aleckzia at Allysa para
sa isang salo-salo.
5. “Hindi ako papayag na masakop tayo habambuhay _______
Kastila,” ang sabi ni Diego.

Pagsasanay D

Gamitin mo sa pangungusap ang sumusunod na salita. Isulat


mo ang sagot sa sagutang papel.

1. Magkakaibigan
2. Ana at Iza
3. Kalapati
4. Magkasintahan
5. Bulaklak
6. Ang mga guro
7. Gusali
8. Kompyuter
9. Magkapatid
10. Silid-akalatan

Pagsasanay E
Sumulat ng isang patalastas na nakikilahok sa gawaing
pangkapaligiran o pangkapayapaan sa inyong paaralan. Sikaping
gumamit ng mga pananda na magpapakilala sa dami ng
pangngalan.

20
Gamit ang grapikong presentasyon, bumuo ka ng mahalagang
konseptong natutunan mo sa paksang tinalakay. Magbigay ng mga
halimbawa isulat sa mga bunga ang iyong sagot.

21
Ang round table ay isang pag-uusap na kung saan ang bawat
miyembro ay nagbibigay ng palagay o opinyon ukol sa isang isyu.

Ang inyong pangkat ay naatasan na tumalakay ng isang isyung o


balitang napapanahon gamit ang paraang round table. Isulat ang inyong
mga kuro-kuro sa isang manila paper. Humandang ipaliwanag sa klase.
Itataya ang isinagawang round table batay sa sumusunod na
pamantayan:

a. Nilalarawan ………………………….. 5
b. angkop sa paksa …………………... 4
c. malikhain ………………………….. 3
d. kahandaan ………………………….. 2
Kabuuan puntos ………….. 15

RUBRIKS PARA SA ROUND TABLE

5 4 3 2 1

Naisagawa Naisagawa Naisagawa Naisagawa Naisagawa


ang gawain at ang gawain ang gawain ang gawain ang gawain
naipapama- at at at ngunit
las ang lahat naipapama- naipapama- naipapama- walang
ng las ang las ang las ang pamantaya
pamantayan. pamantayan pamantayan pamantayan ng nagawa.
ngunit ngunit ngunit
kulang ng kulang ng kulang ng
isa. dalawa. tatlo.

22
Aralin 3 Katapatan at Malasakit
sa Kapwa
Panimula

Ang Aralin 3 ay tungkol sa isang pabula na nagpapakita ng katapatan


ng isang kaibigan ay nasusukat sa panahon ng pangangailangan. Tatalakayin
din sa araling ito ang mga gamit ng pangngalan na makatutulong din upang
mabuo mo ang inaasahang pagganap.
Narito ang mga gawain na makatutulong sa iyo upang masagot mo
ang mga sumusunod na mahahalagang tanong:

1. Sa paanong paraan mo maipakikita ang katapatan at malasakit


sa kapuwa?
2. Paano ginagamit ang pangngalan sa pangungusap?

GAWAIN 1. Makinig at Sagutin Mo!

Pakinggan mong mabuti ang kuwentong babasahin ng iyong kamag-aral.


Pagkatapos, sagutin mo ang mga tanong sa iyong kuwaderno.

Sukli ng Katapatan
Lumaki sa isang mahirap na pamilya si Nene. Isang kahig
isang tuka lamang ang hanapbuhay ng kanyang mga magulang.
Ngunit hindi maipagkakaila na siya ay pinalaki na may magandang
asal ng kanyang mga magulang sa kabila ng
kanilang sitwasyon sa buhay.
Isang umaga habang si Nene ay
naglalakad sa kanilang bakuran siya ay
nakapulot ng kaluping berde at binuksan niya
ito.
Sa gulat sa kaniyang nakita siya ay
napasigaw, “Pera!”sigaw ni Nene.

23
”Kanino kaya ang kaluping ito?”,tanong niya sa sarili. Sa di
kalayuan ay may nakita siyang babae na tila balisa at parang may
hinahanap-hanap sa may daanan. Nanginginig si Nene dahil hindi
siya sanay na makakita ng ganoong kalaking halaga ng pera. Hindi
niya namalayan na nasa likod na niya ang babae.
“Ne, wala ka bang nakitang pitaka na kulay berde habang
naglalakad ka dito sa daan?” Nakilala niya ang boses ni Aling Anita
na kanilang kapitbahay.
“Ah! Ito po ba iyon?”, sabay abot ng bata ng pitaka. Binuksan
agad ni Aling Anita ang pitaka niya, “Aba, napakabait mong bata ka,”
aniya.
Kumuha si Aling Anita ng dalawang daan pisobilang ganti sa
katapatan ng bata. Ngunit hindi ito tinanggap ng bata dahil iyon ang
turo ng kaniyang mga magulang. Ang kabutihang nagawa sa kapwa
ay walang katumbas na salapi.
Mula noon nagpakita nang malasakit si Aling Anita sa kanyang
kapitbahay na si Nene sa pamamagitan ng pag-aabot ng mga
pagkain bilang sukli sa kabaitan at katapatan ng pamilya ni Nene.

(Likhang Kuwento ni Aniano B. Iglopas Jr.)

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang paksa ng kwento?


2. Paano ipinakita ng bata sa kuwento ang pagiging matapat sa
kanyang kapwa?
3. Kung ikaw ang bata sa kuwento, gagawin mo rin ba ang kanyang
ginawa? Bakit?

24
GAWAIN 2. Kahulugan... Ibigay Mo!

Basahin mo ang sumusunod na pangungusap. Ibigay ng


kahulugan ng salitang may salungguhit ayon sa pagkakagamit nito.
Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Si Nene ay nakapulot ng kaluping kulay berde.
2. Pinalaki si Nene ng kanyang mga magulang na may
magandang asal.
3. Si Aling Anita ay balisa na parang may hinahanap-hanap sa
daanan.
4. Binigyan ni Aling Anita ng dalawang daang piso bilang sukli sa
katapatan ni Nene.
5. Ang kabutihang nagawa sa kapwa ay walang katumbas na
kapalit.

GAWAIN 3. Tukuyin mo...Ang Pangngalan!

Basahin mo ang sumusunod na pangungusap. Salungguhitan


mo ang pangngalan mababasa sa bawat pangungusap at isulat sa
iyong sagutang papel.
1. Natatangay ang mga pakpak ni Paruparo.
2. Ano kaya ang mabuting gawin upang makaiwas sa bagyo?
3. Nagsasayawan ang mga puno at mga halaman.
4. Nagkaroon ng malakas na pagbuhos ng ulan.
5. Si Tipaklong ay isang mabuting kaibigan.

Inihanda ang mga pangungusap na ito upang lubos mong maunawaan


ang babasahing pabula.

Alam mo ba?
Ang pabula ay isang uri ng panitikan kung saan ang mga tauhan ay
mga hayop na kumikilos at nag-aasal na parang tao. Ito ay nagbibigay
ng aral sa mga batang mambabasa.

25
Basahin mo ngayon ang isang pabula na pinamagatang “Ang
Tipaklong at ang Paruparo”. Alamin mo kung bakit nakatulong sa isang
paruparo ang makulay nitong pakpak at ano ang paraan para maipakita ang
pagmamalasakit sa kapuwa.

Ang Tipaklong at ang Paruparo


Ang katapatan ng isang kaibigan ay masusukat sa panahon
ng pangangailangan.
Kaylakas ng ulan! Kaylakas din
ng hangin! May bagyo nang umagang
iyon. Nagsasayawan ang mga puno
maging ang mga halaman at bulaklak.

“Ginaw na ginaw na ako,” ang


sabi ni Tipaklong kay Paruparo.
“Nakalabas pa kasi ako sa aking
pinagtataguang kahoy”.
“Tiyak na giginawin ka rin kahit
nakatago ka na sa kahoy. Wala
namang tumatakip sa katawan mo, a.
Bakit sisisihin mo ang paglabas mo sa
iyong pinagtataguan?” ang tanong ng kanyang kaibigang Paruparo.

Ano sa palagay mo ang mangyayari matapos ginawin si


Tipaklong?
“Hindi nga ako mababasa kung ako ay nakakubli,” ang
malumanay na sagot ni Tipaklong.
“Hindi mo naman makikita ang ganda ng paligid kung hindi
ka lumabas sa pinagtaguan mo. Ang lamig ng hangin ay hindi mo
madarama. Hindi mo maaamoy ang halimuyak ng mga
nababasang bulaklak. Ang dulas ng mga dahon at halaman ay
hindi mo mahahawakan,” ang sagot ni Paruparo.
“Oo nga, ano?” ang sagot ni Tipaklong na may pagsang-
ayon.

26
“Bakit mo naman nasabi iyan?” ang tanong ni Tipaklong.
Bakit kaya nasabi ni Paruparo na higit na mapalad si Tipaklong
kaysa sa kanya?
“Ang katawan mo ay mahaba. Matibay pa. Bakit giniginaw ka pa?
Samantalang ako, ang nipis-nipis ng aking katawan. Kapag nagpatuloy
ang pag-ihip ng malakas na hangin at pagbagsak ng malalaking tipak ng
ulan, ang pakpak ko ay matatangay,” ang sabi ni Paruparo.
“Makukulay ang mga pakpak mo ngunit may kanipisan. Hindi ba’t
takot ang ulan sa nakasisilaw mong kulay? Huwag kang mag-alala. Ang
mga pakpak mo ay hindi liliparin ng hangin,” ang sabi ni Tipaklong.
“Saka, e ano kung liparin ang mga pakpak mo? Ang mahalaga’y buhay
ka.”
“Kung wala na akong ganda, aanhin ko pa ang buhay? Paano na
ako makakalapit kay Bulaklak kung wala na akong mga pakpak?” ang
malungkot na tanong ni Paruparo.
“Higit kang mapalad kaysa sa akin kaibigang Tipaklong,” ang
sabi ni Paruparo.
Kung sabagay, tama ang sinasabi mo, kaibigang Paruparo. Ako
man ay natatakot na kapag hindi tumigil ang bagyo, dahil sa sobrang
ginaw mababali ang aking mga paa na kahit anong pagpigil ay ayaw
huminto sa panginginig,” ang sabi ni Tipaklong.
“Upang makaiwas tayo sa bagyong ito, ano kaya ang mabuti
nating gawin para maligtas ang ating buhay?” ang tanong ni Paruparo.

“Alam ko na, may paraan akong naisip”, ang sabi ni Tipaklong.


“Paano?” ang tanong ni Paruparo.
“Sa ilalim ka ng mga bulaklak magtago,” ang mungkahi ni
Tipaklong.
“At ikaw naman, paano ka?” ang tanong ni Paruparo.
“Habang nakakapit ako at nagtatago sa sanga ng puno ay
babantayan ko ang bulaklak na pagtataguan mo para hindi malaglag,”
ang sagot ni Tipaklong.
At sabay na kumapit sa bulaklak ang magkaibigang si Paruparo at
si Tipaklong.
( Hango sa aklat ng “ Hiyas sa Pagbasa” pp.163-165; www.lrmds.gov.ph)

27
Pagkatapos mong mabasa ang kuwento, sagutin ang sumusunod
na tanong:
1. Tungkol saan ang binasang kuwento?
2. Anong mahalagang kaisipan ang nais iparating ng akda?
3. Paano ipinakita sa akda ang pagmamahal sa wika?

GAWAIN 4. Pag-unlad ng Talasalitaan

Ang salitang pamilyar ay mga salita na kadalasan nating nababasa


o ginagamit sa pang-araw-araw na pakikipag-usap.Samantalang ang
salitang di-pamilyar ay mga salitang bihirang ginagamit sa pakikipag-
usap o nababasa. Ngayon, sipiin mo ang mga salitang pamilyar at di
pamilyar sa kuwentong iyong binasa at gamitin sa pangungusap na
magpapahayag ng tono at damdamin. Kopyahin ang pormat sa
sagutang papel.

A. Salitang Pamilyar B. Salitang Di-pamilyar

1.___________________ 1.___________________

2.___________________ 2.___________________

3.___________________ 3.___________________

4.___________________ 4.___________________

5.___________________ 5.___________________

GAWAIN 5. Pag-unawa sa Binasa

Ngayon naman, sagutin mo sa buong pangungusap ang


sumusunod na tanong batay sa iyong binasang pabula. Isulat ang
iyong sagot sa sagutang papel.
1. Saan naganap ang mga pangyayari sa akda?
2. Sino-sino ang tauhan sa kuwento?
3. Gamit ang Venn Diagram, ilarawan ang Paruparo at Tipaklong.
4. Ilahad ang iyong naging damdamin matapos mong mabasa
ang aklat.
5. Anong aral ang natutunan mo sa kwento?

28
Ngayon pa lamang ay binabati kita sa ipinakita mo. Sa pagpapatuloy
mo ng pag-aaral inaasahan na maisasagawa mong lahat ang mga
gawain.

Narito ang sumusunod na pangungusap na naging sagot mo sa


GAWAIN 5. Suriin mo ang mga sinalungguhitang bahagi sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga tanong:

A. Si Tipaklong ay nakatago sa isang kahoy.


B. Ang paruparo ay may maninipis at makukulay na pakpak.

Tanong:
1. Ano ang pinag-uusapan sa pangungusap A? sa pangungusap B?
2. Ano ang sinasabi tungkol sa pinag-uusapan sa pangungusap A? sa
pangungusap B?

Mahusay! Nalaman mo sa mga pangungusap ay may bahaging pinag-


uusapan at ang sinasabi tungkol sa pinag-uusapan. Ang tawag sa dalawang
bahagi ng pangungusap ay simuno o paksa at panaguri. Simuno o paksa
ang bahaging pinag-uusapan sa pangungusap. Samantalang panaguri ay
ang mga salita na tumutukoy o may sinasabi tungkol sa simuno.

Ngayong alam mo na ang dalawang bahagi ng pangungusap na


simuno at panaguri, makatutulong ito upang matukoy mo ang gamit ng
pangngalan sa loob ng pangungusap.

29
Isipin Mo!

GAMIT NG PANGNGALAN
1. Bilang Simuno - ang pangngalan ay ginagamit bilang paksa o
pinag-uusapan sa pangungusap.
Halimbawa:
Si Aling Linda ay masipag at matulungin sa kapwa.
(Ang simuno sa pangungusap ay Aling Linda)
2. Kaganapang Pansimuno (panaguring pangngalan)- ang
pangngalan ay tumutukoy sa isang tao, bagay o lugar at ang
pangngalang kasunod ay gumagamit ng panandang ay.
Halimbawa:
Siya ay inang ng aming tahanan.
(Ang gamit ng pangngalang ina sa pangungusap ay
kaganapang pansimuno. Siya, ang simuno at ang inang na
nasa panaguri ay iisa lamang.)

Subukin Mo!
Pagsasanay A

Tukuyin mo ang gamit ng pangngalan na may salungguhit sa


bawat pangungusap. Isulat ang letrang S kung simuno o paksa) at KP
kung kaganapang pansimuno. Isulat ang sagot sa sagutang papel.
1. Ang Mayor ay nagbigay ng tulong sa mga biktima ng bagyo.
2. Si Gng. Santos ay napakabait sa mga mahihirap.
3. Si Beth, ang doktor ng aming paaralan ay aking kapatid.
4. Si Mang Juan, ang aming punong barangay ay tapat na
naglilingkod sa kanyang nasasakupan.
5. Ang batang nanalo sa patimpalak ay si Kiesha.

Magaling! Lubos mo na itong naunawaan. Handa ka na para sa


susunod na pagsasanay.

30
Pagsasanay B

Basahin ang maikling talata sa kahon. Piliin ang pangngalang


ginamit sa talata at tukuyin kung ang pangngalan ginamit ay Simuno o
Kagapanapang Pansimuno. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Si Maria Makiling

Si Maria Makiling ay ang diwatang kilala sa bundok ng Makiling. Ang


Bundok Makiling ay matatagpuan sa Los Banos, Laguna. Mailalarawan si
Maria Makiling, isang magandang-magandang dalaga. Siya ay nagtataglay
ng mahabang buhok at may kulay na kayumangging kaligatan.
Bukod sa pagiging maganda, maraming kuwento ay nagsasaad ng
kanyang kabutihan at maging ng kanyang kalupitan. Ang kuwento ay luya
na nagiging ginto. May kuwento rin tungkol sa tatlong manliligaw, si Kapitan
Lara ay isang kastilang kawal, si Joselito, isang Kastilang mestizo at si
Juan, isang magsasaka.
Si Maria ay matulungin sa mga tao, nagbibigay ng masaganang ani
at huli ng isda. Nagbibigay siya ng ginto sa magustuhan niyang tao na may
angking kabataitan.
Talagang mahiwagang babae si Maria Makiling.

Halaw sa aklat ni Barcelo, Teresa P. Filipino Yaman ng Wika, 2015.


Sunshine Publishing House.,Inc. Quezon City.

Pagsasanay C

Manood ka nang isang maikling pelikula na pinamagatang


“Sipatin ang Pangarap” (isang dokumentaryong palabas sa Filipino
ng mga mag-aaral sa sekundarya) o anomang dokumentaryong
palabas sa internet o telebisyon, at itala ang mga pangungusap na may
mga pangngalang maririnig. Isulat sa kuwaderno ang mga
pangungusap at suriin ang gamit ng pangngalan.

Natitiyak kong naunawaan mo na ang mahahalagang konsepto


tungkol sa katapatan at malasakit sa kapwa at kung paano maaaring
gamitin ang pangngalan sa pangungusap. Sukatin kung tama ito at
sagutin ang kasunod na mga tanong sa susunod na bahagi.

31
1. Paano maipapakita
ang katapatan at
pagmamalasakit sa
kapuwa?

2. Paano makatutulong
ang gamit ng
pangngalan sa pagbuo
ng pangngusap o
pakikipag-usap?

Natitiyak kong malaki ang naitulong ng mga gawain sa iyong


pag-unawa sa aralin. Pagkakataon mo nang ilapat ang iyong mga
natutuhan sa pamamagitan ng susunod na gawain.

32
Bumaha sa inyong lugar at marami sa iyong mga kapitbahay ang
naapektuhan. Nais mong makatulong sa pamamagitan ng pamamahagi ng
mga pagkain, damit at personal na kagamitan. Ikaw ay susulat ng isang
maikling talata sa naging karanasan sa naganap na kalamidad. Pagkatapos,
ibabahagi mo ito sa social media na maaaring Twitter/Instagram o sa
blog.com. Itataya ang iyong isinulat na talata batay sa sumusunod na
pamantayan:

a. nilalaman ........ 5
b. paglalahad ng paraan ng pagtulong ........ 2
c. organisasyon ......... 3

d. mekaniks ( bantas, baybay ng salita,


dami ng pangungusap/salita .......... 5
Kabuuan 15

Binabati kita sa matiyaga mong pag-aaral. Natitiyak kong nasagot mo


na kung bakit mahalaga ang katapatan at pagmamalasakit sa kapuwa.
Gayundin kung paano makatutulong ang kaalaman sa gamit ng pangngalan.
Marahil ay nakahanda ka nang alamin ang kahalagahan ng pakikinig sa
tagubilin at pagsunod sa magulang.

33
ARALIN 4 Pakikinig saTagubilin at
Pagsunod sa Magulang
Panimula
Ang Aralin 4 ay tungkol sa isang anekdota na nagpapakita ng
kahalagahan ng pagsunod sa tagubilin ng magulang.Tatalakayin din sa
araling ito ang iba pang gamit ng pangngalan na makatutulong din upang
mabuo mo ang inaasahang pagganap.
Narito ang mga gawain na makatutulong sa iyo upang masagot mo
ang mga sumusunod na mahahalagang tanong:

1. Bakit kailangang sumunod sa mga tagubilin ng iyongmagulang?


2. Sa paanong paraan makatutulong ang kaalaman sa paggamit ng
pangngalan sa pagbuo ng tagubilin o panuto?

GAWAIN 1: Makinig at Sagutin Mo!


Pakinggan mong mabuti ang kuwentong babasahin ng iyong
kamag-aral. Pagkatapos, sagutin mo ang mga tanong. Isulat mo sa
iyong kuwaderno ang sagot.

34
Habilin
Magkakaroon ng outing kinabukasan ang pamilyang Gutierrez
kung kaya’t gabi pa lang ay tinagubilinan na ni Gng. Gutierrez ang
kanyang tatlong anak na sina Bong, Gary at Nick na ihanda ang kanilang
susuoting damit at mga personal nagamit sa kani-kanilang bag na
dadalhin.
Kinabukasan ay maaga silang nagising. Sakay ng isang SUV ang
mag-anak na minamaneho ni G. Gutierrez. Nang makarating sila sa resort
na kanilang pag-ooutingan ay agad na sinabihan ni Gng. Gutierrez ang
mga anak na magpalit nang damit upang makapag-swimming.
Nagmamadaling sumunod sina Bong at Gary at tanging si Nick lang ang
naiwan sa SUV. Agad na dinaluhan ni Gng. Gutierrez si Nick. Napag-
alaman niyang walang dalang damit na pampaligo si Nick. Nalungkot si
Nick dahil hindi siya makakapag-swimming kasama ang kanyang pamilya.

(Likhang Kuwento ni: Purificacion A. Abad)


Guro I, Juan Sumulong Elementary School

Sagutin ang mga tanong:


1. Ano ang paksa ng kuwento?
2. Sino ang magkakaroon ng outing kinabukasan?
3. Saang lugar nagpunta ang mag-anak?
4. Kailan binigyan ng tagubilin ni Gng. Gutierrez ang kanyang
tatlong anak?
5. Nakasunod bang lahat ang kanyang mga anak? Bakit?
6. Sa iyong palagay, bakit kaya nakalimutan ni Nick na magdala ng
damit na pampaligo?
7. Naranasan mo na rin ba ang nangyari kay Nick? Ipaliwanag.

GAWAIN 2: Hanapin at Bigyang Kahulugan!

Ang mababasa mong kwento ay isang anekdota na tutulong sa


iyo upang mapahalagahan ang tagubilin ng isang magulang. Gamit
ang iyong diksyunaryo hanapin ang katumbas na kahulugan ng
sumusunod na salita. Isulat sa iyong kuwaderno ang sagot.

35
Mga Salita Kahulugan

tinghoy

gamugamo

ningas

panganib

Tungkulin ng ating mga magulang na tayo ay gabayan at bigyan ng


mga tagubilin, ano naman ang mga dapat nating gawin bilang mga anak? Ano
ang posibleng mangyari kung atin itong susuwayin? Nais mo bang malaman
kung ano ang nangyari sa isang sumuway sa tagubilin ng kanyang ina? Narito
at basahin mo ang isang anekdota at iyong alamin.

Ang Mga Gamugamo at Si Jose Rizal

Ang ina ni Rizal na si


DonyaTeodora ang unang nagturo sa
kanya ng pagbasa. Kung sila ay
inaabot ng gabi at si Rizal ay pagod na
sa pag-aaral ng pagbasa, si Donya
Teodora naman ang bumabasa at ang
anak ang nakikinig. Isang gabi silang
dalawa na lamang ang naiwang gising
sa kanilang bahay. Sa kanilang
pagbasa ay wala nang ilaw na may
sindi maliban sa isang tinghoy. Si
Rizal ay inaantok at pagod na sa pagbasa ng librong kanyang pinag-
aaralan. Kaya ang ina naman ang bumasa at si Rizal ay nakinig na
lamang.
Hindi rin nagtagal at ang bata ay napagod sa pakikinig. Siya ay
nalibang ng mabuti sa mga gamugamo na naglalaro sa ilaw. Minsan,
si Rizal ay naghikab at napansin ng ina na hindi na ito nakikinig.
Huminto ito ng pagbasa at saka nagwika. "Ngayon ay babasahin ko sa
iyo ang isang marikit na kwento. Makinig kang mabuti". Nang marinig

36
ni Rizal ang salitang "kwento," nandilat ang kanyang mga mata at
tumingin sa Ina. Dagling nawala ang kanyang antok.
Pinagmasdan niya ang kanyang ina habang binubuksang isa-
isa ang mga dahoon ng libro sa paghanap ng kwentong babasahin.
Maya maya'y nagsimula ang ina ng pagbasa. Mayroon daw dalawang
gamugamo, isang matanda at isang bata. Maibigin silang maglaro sa
tabing ilaw ng kandila. Isang gabi ang batang gamugamo ay lumipad
nang lubhang malapit sa ningas ng kandila. "Mag-ingat ka!" ang tawag
ng matandang gamugamo. "Baka masunog ang pakpak mo at hindi ka
na makalipad."
"Hindi ako natatakot," ang mayabang na sagot ng batang
gamugamo. At nagpatuloy siyang paglipad sa paligid-ligid ng
magandang ningas. Minsan, sa kanyang paglipad ay nadikit sa ningas
ang kanyang pakpak at siya ay nalaglag sa mesa.
"Sinabi ko nanga ba sa iyo," ang sabi ng matandang
gamugamo. "Ngayon ay hindi ka na makalilipad muli”. Samantalang
nakikinig si Rizal sa kwento nalilibang naman siya sa maliliit na
gamugamong naglalaro sa kanilang ilaw.

Napansin niya ang malaking hangad ng maliliit na kulisap na


makalapit sa ilaw sa paghanap ng liwanag kahit na mapanganib. At
nang masunog ang pakpak at malaglagsa mesa ang batang
gamugamo sa kwento ay siya ring pagkasunog ng pakpak at
pagkalaglag ng isang tunay na gamugamo sa langis ng tinghoy.
Dahil sa pagkalibang sa mga gamugamo hindi na niya
napansing tapos na sa pagbasa ang kanyang ina. Isang mahalagang
bagay ang kanyang natutuhan. Isang dakilang aral ang kanyang
nakuha sa mga gamugamo. Ang maliit na kulisap pala ay marunong
ding magbigay ng pangaral na tulad ng kanyang ina. At ang mga
gamugamo pala ay hindi natatakot mamatay
sa paghanapngliwanag.
Nang sila ay matutulog na nang gabing
iyon, sinabi ni Rizal sa kanyang ina, "Huwag
mong paparisan ang ginawa ng batang
gamugamo. Makikinig ka sa pangaral upang
ikaw ay hindi mapahamak."
Ang pangyayaring ito ay namalagi sa
alaala ni Rizal hanggang siya ay tumanda. At
sa wakas ay nakita natin siyang namatay sa
paghanap ng ilaw at liwanag para sa kanyang bayan.
http://www.joserizal.ph/ge08.html

37
Pagkatapos mong mapakinggan/mabasa ang anekdota, sagutin ang
sumusunod na tanong.

 Tungkol saan ang binasang kuwento?


 Anong mahalagang kaisipan ang nais iparating ng akda?
 Paano ipinakita sa akda ang kaugaliang Pilipino ng ating bansa?

Marahil ay nabatid mo ang sinisimbolo ng batang


gamugamo. Nagkaroon ka rin ba ng karanasang tulad ng
gamugamo? Ipagpatuloy mo pa ang pag-aaral..

Gawain 3: Pag-unlad ng Talasalitaan


Balikan mo ang binasang anekdota. Sa iyong kuwaderno,
magtala ka ng mga salitang pamilyar at salitang di-pamilyar. Kopyahin
mo ang pormat sa iyong kuwaderno at isulat ang iyongsagot.

Pamilyar Di-Pamilyar

38
GAWAIN 4: Pag-unawa sa binasa

Sagutin ng buong pangungusap ang mga sumunod na tanong


batay sa iyong binasang anekdota. Isulat sa isang malinis na papel
ang iyong sagot.
1. Saan nangyari ang kwento?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kwento?
3. Ano ang pagkakatulad ng kuwentong binabasa ng ina ni
Rizal at ang kanyang tinitignang gamugamo?
4. Ano ang nangyari sa gamugamo? Bakit kaya siya
napahamak?
5. Ano ang kinaaliwan ni Rizal na tingnan habang nagbabasa
ang ina?
6. Ilahad ang iyong nagging damdamin matapos mong mabasa
ang akda.
7. Kung ikaw si Rizal, ano ang iyong gagawin habang
nagbabasa ang iyong ina?
8. Bakit kailangang sumunod sa mga tagubilin ng magulang?
Pangatwiranan.
9. Ano ang sinisimbolo ng gamugamo sa ating lipunan?
10. Paano mo pahahalagahan ang mga tagubilin ng iyong
ina/magulang?

Ngayon pa lamang ay binabati na kita sa husay mo. Sa


pagpapatuloy mong pag-aaralin aasahan na maisasagawa
mong lahat ang mga gawain.

Naalala mo pa ba ang dalawang gamit ng pangngalan? May iba pang


gamit ang pangngalan. Narito ang isang pagsasanay upang masubok ang
iyong nalalaman.

39
GAWAIN 5: Gamit Ko, Tukuyin Mo!

Tukuyin kung anong gamit ng pangngalang may salungguhit.


Isulat sa patlang angTL kung tuwirang layon at P kung
pinaglalaanan o patutunguhan.

_____1. Ang inang si Donya Teodora ang unang nagturo


kayJose Rizal ng pagbasa.
_____2. Si Rizal ay inaantok at pagod na sa pagbabasa ng
librong kanyang pinag-aaralan.
_____3. Pinagmasdan niya ang kanyang ina habang
binubuksang isa-isa ang mga dahoon ng libro sa
paghahanap ng kuwentong babasahin.
_____4. Ang maliit na kulisap pala ay marunong ding
magbigay ng pangaral na tulad ng kanyang ina.
_____5. Ang pangyayaring ito ay namalagi sa alaala ni Rizal
hanggang siya ay tumanda.

Magaling! Upang lubos mo pang maunawaan ang


dalawa pang gamit ng pangngalan, basahin ang kahulugan
nito.

Isipin Mo!

GAMIT NG PANGNGALAN
1. Tuwirang Layon – pangngalang tumatanggap sa kilos na
ipinahihiwatig ng pandiwa; sumasagot ito sa tanong na ano.

Halimbawa: Ang nanay ay nagbigay ng tagubilin sa akin.

tuwirang layon
2. Pinaglalaanan-pinatutunguhan kilos. Sumasagot sa tanong
na kanino o nino?
Halimbawa: Sinabi ko kay tatay ang tagubilin ni nanay.

pinaglalaanan

40
Ngayon, upang matiyak ang iyong kaalaman sa isinagawang
gawain, halina’t manood ng isang pelikula. Sikapin mong
makapagtala ng mga pangngalan at alamin kung paano ito ginamit.

GAWAIN 6: Manood Ka!

Manood ng isang maikling pelikulang Tagalog sa youtube na


nagpapakita ng pagsunod sa tagubilin. Ibigay ang tagpuan at mga tauhan
nito.

Subukin Mo!

Pagsasanay A
Basahin ang sumusunod na
pangungusap. Isulat sa kuwaderno ang
gamit ng pangngalang may salungguhit sa
bawat pangungusap.
1. Pinaalalahanan ng guro ang mga mag-
aaral bago umuwi na magdala ng gamit
sa sining.
2. Kinabukasan, maagang sinimulan ng
guro ang gawain.
3. Inihanda ng guro ang silid para sa mga
mag-aaral na nagdala ng kagamitan.
4. Hindi binigyan ng marka ang mga mag-aaral na walang dalang
kagamitan.
5. Napagtanto nilang mahalagang makinig sa tagubilin ng guro.
6. Nagkaroon ng paligsahan sa pagguhit pagkalipas ng isanglinggo.
7. Lahat ng mga mag-aaral na may magandang likhang sining ang
nanapili ng guro na lumahok sa paligsahan.
8. Masayang ibinalita ng guro sa mga mag-aaral ang nasabing
paligsahan.
9. Tuwang-tuwa ang mga mag-aaral kung kaya’t nagsanay sila sa
pagguhit sa tulong at gabay ng kanilang guro.
10. Matapos ang paligsahan, isa sa mga mag-aaral ng kanilang klase
ang nagwagi ng unang puwesto.

41
Pagsasanay B

Punan ng angkop na pangngalan batay sa gamit na nakasulat


bago ang bilang. Isulat sa kuwaderno ang iyong sagot.

(Tuwirang Layon) 1. Nagpatawag ng ________________________ ang


punongguro.
(Tuwirang Layon) 2. Binigyan niya ng ________________________ ang
pinuno ng bawat baitang
(Pinaglalaanan) 3. Napag-usapan nila ang pagpaparangal para sa
mga_________.
(Tuwirang Layon) 4. Sa quadrangle ng _______________ gaganapin
ang pagpaparangal.
(Pinaglalaanan) 5. Pangungunahan itong _______________________.
(Tuwirang Layon) 6. Nagtipon-tiponsaharapng _____________ ang mga
guro at mga mag-aaral.
(Tuwirang Layon) 7. Pinasimulan ang palatuntunan ng _____________.
(Pinaglalaanan) 8. Nagbigay ng ____________ ang punongguro.

(Tuwirang Layon) 9. Umakyat ng ____________________ ang lahat ng


pinarangalan.
(Pinaglalaanan) 10. Walang tigil ang palakpakan ng mga ___________.

Pagsasanay C

Sumulat ng isang tagubilin o panuto sa isang sitwasyon na


gumagamit ng pangngalan. Sikaping matukoy ang gamit ay nasa
PINAGLALAANAN at TUWIRANG LAYON.

42
Sa tulong ng Concept Map, bumuo ng mahalagang konseptong
natutuhan mo sa paksang tinalakay.

ARALIN
4

43
Umalis ang inyong guro upang dumalo sa isang pagpupulong sa
inyong barangay. Bilang isa sa mga pinagbilinan ng punongguro, inutusan
kaniyang bumuo ng isang tagubilin na dapat malaman ng klase Itataya ang
iyong produkto batay sa sumusunod na pamantayan:

a. nagpapakitangkagandahangasal …...…….. 8
b. orihinal at malikhain …………………. 8
c. kawili-wili ………………………..……….. 7
d. masining ………………………………..… 7
Kabuuan …………………………. 30

Binabati kita sa matiyaga mong pag-aaral. Natitiyak kong


nasagot mo na kung bakit mahalaga ang pagsunod sa mga tagubilin
ng magulang. Gayundin kung paano makatutulong ang kaalaman sa
gamit ng pangngalan.

44
Aralin 5 Isip Hasain, Pagbabasa Ugaliin
Panimula
Kung sa nakaraang aralin ay napag-aralan mo ang tungkol sa
anekdota, sa Aralin 5 ay matututunan mo naman ang pagsulat ng talaarawan
gayon din ang pagsulat ng tula at ang pagbigkas nito nang may tamang tono,
diin, antala at damdamin. Dagdag dito ay bibigyang kahulugan mo din ang
iba’t ibang mga halimbawa ng sawikain.

Narito ang mga gawain na makatutulong sa iyo upang masagot ang


mga mahahalagang tanong.

1. Bakit mahalaga ang pagbabasa sa ating buhay?


2. Sa paanong paraan makatutulong ang kaalaman sa gamit ng
kayarian ng pangngalan sa pagsulat ng tula?

GAWAIN 1: Sawikain ko, Bigyang kahulugan Mo!

Narito ang usapan ng dalawang mag-aaral, basahin at unawain


mo upang malaman kung ano ang kahulugan ng sawikain.

Magandang Araw! Ako si Bel, Ako naman si Aaron. Tutulungan


nakasanayan ko ang pagbabasa kitang maunawaan ang kahulugan
ng iba’t ibang uri ng babasahin at ng iba’t ibang sawikaing aking
ngayon ay susubukan kong sasabihin. Handa ka na ba? Halika
tuklasin ang kahulugan ng mga na! Tiyak matutuwa ka. Halina at
mababasa kong sawikain. May buksan mo ang isip sa aking
alam ka bang sawikain? babasahin.

“Pagbabasa ay
ugaliin upang
Sa palagay mo, pwede rin mapalawak ang
ba ito? Ang batang makapal kaisipan natin.”
ang palad, kaisipan ay
laging napapaunlad.”
Tama. Ngayon,
alam mo na kung
ano ang sawikain.

45
Alam mo ba?
Ang sawikain ay lipon ng mga salitang patalinghaga ang gamit at
hindi nagbibigay ng tuwirang kahulugan. Naging bukambibig ito ng ating
mga ninuno at nagsasaad ng mga karanasan ng ating lahi. Ang
karunungang ito ay nagpasalin-salin sa bibig mula pa noong unang
panahon hanggang sa kasalukuyan.

Llorando, Liza R. Et.al. Bandila.2010. Sunrise


Publication Hauz, Inc. Sta. Mesa, Manila.

Ngayon, makaririnig/makababasa ka ng halimbawa ng isang sawikain,


subukin mong alamin ang ipinahihiwatig nito. Hanapin ang kahulugan sa
Hanay B ng mga halimbawa sa sawikain sa Hanay A. Isulat ang sagot sa
sagutang papel.

Sagot Hanay A Hanay B

1. Nasa Diyos ang awa, A. Ang lahat ng iyong


nasa tao ang gawa. ginagawa sa Diyos ialay
upang hindi mapahamak.

2. Ang magpunla ng hangin B. Matutong mag-ipon


bagyo ang aanihin. upang sa panahon ng
pangangailangan may
mapagkukuhaan.

3. Kapag may isinuksok, C. Ang lahat ng ginagawa


may madudukot. natin tanging Diyos
lamang ang magbibigay
pala.

4. Sa Diyos manalig D. Kung ano ang


nang di manganib. magandang ginawa mo
sa kapuwa ay gayundin
ang gagawin sa iyo.

5. Kung matibay ang walis E. Nasa pagkakaisa ang


ay sapagkat nabibigkis. lakas.

46
GAWAIN 2: Aklat Mo... Pahalagahan Ko!
Ang diksiyonaryo o talahulugan ay isang aklat na naglalaman
ng mga salitang nakaayos nang paalpabeto. Basahin ang mga salita
sa loob ng aklat at ihanay sa talahanayan ayon sa kayarian ng
pangngalan.

Inaasahan ko na nalaman mo ang ilang halimbawa ng sawikain


at kahulugan at kung nabubuo ang ilang pangngalang matatagpuan
natin sa diksiyonaryo. Magagamit mo ang bagong kaalaman ito sa
susunod na gawain. Maaari mo nang ipagpatuloy ang pag-aaral.

Alam mo kung ano ang talaarawan? Nakahiligan mo ba ang magtala


ng mahahalagang pangyayari sa mga nagdaang araw? Kung mahilig ka,
ayusin mo lamang ang pagtatala at mabubuo mo ang isang maayos at
malinaw na talaarawan.
Ang talaarawan ay isang pang-araw araw na tala, lalo na ng mga
personal na karanasan, saloobin, obserbasyon at pananaw.
Basahin at unawain mong mabuti ang isang halimbawa ng
talaarawan.Tandaan mo ang mahahalagang detalye at sikapin mong sagutin
ang mga tanong tungkol dito para lubos ang iyong pagkatuto.

47
Talaarawan ng Mag-aaral sa Ikalimang Baitang tungkol sa
Mahahalagang Pangyayari sa Buwan ng Wika sa
Paaralang Elementarya ng Peace Village

Maaga kaming pumasok sa paaralan dahil may


maikling programa bilang simula ng pagdiriwang ng
Buwan ng Wika. Hindi ko malilimutan ang sinabi ng
Agosto 1
aming punongguro tungkol sa kahalagahan ng wika at
magandang naidudulot ng pagbabasa.

Pinapasok kami ng maaga, isang oras bago ang


simula ng klase ng aming guro sa Filipino, si Gng.
Agosto 2 Asuncion at nagbasa kami ng Alamat ng Hinulugang
Taktak.

Sa aming asignaturang Filipino, tandang tanda ko pa


na ipinabasa sa amin ang talambuhay ni Don Juan
Sumulong, ang bayani ng Antipolo. Swak ang aking
Agosto 3
binasa para sa takdang aralin namin sa Araling
Panlipunan.

Muli ay pinapasok kami ng maaga. Sa araw na iyon ay


nagbasa kami ng iba’t ibang mga salawikain.
Agosto 4 Pagkatapos, binigyan namin ng kahulugan at
idinagdag din ang pagsagot ng mga bugtong.

Gamit ang mga babasahing ibinigay sa amin mula


Lunes hanggang Huwebes, tinalakay ng aming guro
ang iba’t ibang uri ng pampanitikang babasahin at ang
Agosto 5 kahalagahan ng pagbabasa nito. Nasabi ko tuloy sa
katabi ko sa upuan, maganda ang naidudulot ng
pagbabasa.

48
GAWAIN 3. Pag-unlad ng Talasalitaan

Mula sa talaarawang iyong binasa, may mga salita bang pamilyar at di-
pamilyar sa iyo? Isa-isahin ang mga pamilyar at di-pamilyar at gamitin sa
pangungusap. Kopyahin ang pormat sa sagutang papel.

Pamilyar Di - Pamilyar

1. _________________________________________________
2. _________________________________________________
3. _________________________________________________
4. _________________________________________________
5. _________________________________________________

GAWAIN 4. Pag-unawa sa Binasa

Sagutin ang sumusunod na tanong.

 Ano ang ipinagdiriwang tuwing buwan ng Agosto?


 Kaninong talaarawan ang inyong binasa?
 Anong uri ng babasahin ang ipinabasa sa kanila sa
ikalawang araw?
 Kailan ipinabasa sa mga mag-aaral ang salawikain at
bugtong?
 Kaninong talambuhay ang ipinabasa sa kanila ng ikatlong
araw?
 Bakit mahalaga ang pagtatala ng pangyayari? Patunayan.

Matapos mong maunawaan ang babasahing talaarawan,


magbabasa ka naman ng isang tula. Alam mo ba kung paano
ang wastong pagbigkas nito?

49
Alam mo ba?
Ang tula ay akdang may mga taludtod at natatangi sa paggamit
ng masidhing salita at ritmo upang ipahayag ang malikhaing pagtingin
sa isang paksa. Ang mga salita ay nabubuo sa pamamagitan ng
makabuluhang tunog na tinatawag na ponemang suprasegmental. Ang
ponemang suprasegmental ay binubuo ng sumusunod:
 Tono - tumutukoy sa pagtaas at pagbaba ng pantig ng isang
salita.
 Diin - tumutukoy sa lakas ng pagbigkas sa patinig ng pantig
na maaaring makapag-iba ng kahulugan ng mga salita.
 Antala - tumutukoy sa saglit na pagtigil ng pagsasalita upang
higit na maging malinaw ang mensaheng ipinahahayag.

GAWAIN 5: Tula Ko! Unawain Mo!

Pakinggan mo ang babasahing tula ng iyong guro. Pagkatapos,


subukan mo naman itong bigkasin ng may wastong tono, diin, antala at
damdamin.

Libro
ni Lilibeth Mimban Tabuyo

Sa binasang libro aking napagtanto.


Natatagong kuwento ng Antipolo
Dahil dito’y umuunlad kaisipan ko
Sambit ni lolo pinatotohanan nito.

Nang dahil sa libro ay aking nalaman,


Kadakilaan ng bayani ng bayan.
Nasa Antipolo siya ay huwaran
Kasarinlan ng Rizal ipinaglaban.

Pagbabasa ay sadyang malaking tulong


Upang hasain ang natatagong dunong
Kaalaman sa kasaysayan yayabong
Kaisipa’y uunlad ito’y susulong.

50
Sagutin ang mga tanong:

1. Tungkol saan ang iyong binasa?


2. Anong nalaman ng may-akda sa pagbabasa ng libro?
3. Para sa iyo, ano ang naitulong sa iyo ng pagbabasa ng libro?
4. Paano mo mahihikayat ang kapuwa mo mag-aaral na magbasa
ng libro?

GAWAIN 6: Salita...Suriin Mo!

Naaalala mo pa ba ang talaarawan na iyong binasa? Basahing


muli ito. Napansin mo ba ang mga salitang may salungguhit? Ano-ano
ang mga ito? Isulat sa mga sinag ng araw ang salitang-ugat ng bawat
salitang sinalungguhitan. Kopyahin sa sagutang papel.

Ano ang napansin ninyo sa mga salita? Mayroon bang


idinagdag sa salitang-ugat? Mayroon bang inuulit? Ano ang tawag
natin sa mga salitang ito?

51
Isipin Mo!

KAYARIAN NG PANGNGALAN
May apat na kayarian ang pangngalan. Ito ay ang mga
sumusunod:

1. Payak - ang pangngalan ay binubuo lamang ng salitang-ugat.


Mga halimbawa:
oras libro bayan

2. Maylapi – ang pangngalan ay binubuo ng salitang-ugat at


panlaping unlapi, gitlapi o hulapi.
Mga halimbawa:
kabataan - bata ( salitang-ugat) + ka – an ( panlapi)
kapayaan - payapa ( salitang-ugat + ka – an ( panlapi)
upuan - upo ( salitang-ugat + -an ( panlapi)

3. Inuulit – ang pangngalan ay inuulit ang unang pantig ng


salitang-ugat.
Mga halimbawa:
a. Manggagamot – gamut (salitang-ugat) + ga (unang pantig
ng gamot) + mang (panlapi)
b. pagbabasa – basa (salitang-ugat ) + ba (unang pantig ng
salitang basa) + pag (panlapi)

4. Tambalan – ang pangngalan ay binubuo ng dalawang


magkaibang salita na pinagsama o pinagtatambal upang
makabuo ng bagong kahulugan.
Mga halimbawa:
halamang-gamot – halaman + gamot
takdang- aralin – takda + aralin

52
Pagsasanay A

Isulat ang kayarian ng sumusunod na pangngalan. Isulat


ang sagot sa sagutang papel.
_____ 1. bungangkahoy ______ 6. kultura
_____ 2. gawain ______7. minahan

_____ 3. pala-palagay ______8. magkakapatid


_____ 4. talambuhay ______9. dalampasigan
_____ 5. alaala ______10. bansa

Pagsasanay B

Bumuo ng pangngalan sa anyong maylapi buhat sa


ibinigay na salitang- ugat. Gamitin ang angkop na kayarian ayon
sa diwang sinasabi ng pangungusap.
Salitang-ugat : gawa

1. Tinaasan ang sahod ng mga ______.


2. Ang mga ______ ay nararapat sumunod sa mga patakaran
ukol sa polusyon.
Salitang-ugat : aral

3. Ang aral ______ ay ikalawang tahanan ng mga batang mag-


aaral.
4. Kawili-wili ang mga ______ sa Agham.
Salitang-ugat : sulat

5. Nakahanda na ang mga ______ ukol sa pagbibigay ng mana


sa bawat anak.
6. Si Dr. Jose Rizal ay mahusay na ______.
Salitang-ugat : lupa

7. Hahanap tayo ng bagong ______na magiging tirahan natin.


8. Ang _______ ay kasingkahulugan ng palaboy.
Salitang-ugat : anak

9. Matapang ang lahat kanilang _________.


10. Ang _________ na Cruz ay madalas mamasyal sa lungsod
ng Antipolo.
53
Pagsasanay C

Bumuo ng ibang pangngalan mula sa ibinigay na salitang-ugat.


Sundin ang nakasaad na anyo na nasa loob ng panaklong ( ). Isulat
ang sagot sa sagutang papel.
1. araw

_____ a. (tambalan)
_____ b. (inuulit)
_____ c. (maylapi)

2. bahay
_____ a. (inuulit)
_____ b. (tambalan)

Pagsasanay D
Sumulat ng isang maikling tula na binubuo ng dalawang
saknong na may tig-aapat na taludtod gamit ang ilang mga pangngalan
na nasa iba’t ibang kayarian sa Pagsasanay A at Pagsasanay B.
Isulat sa isang malinis na papel ang iyong sagot.

1. Bakit mahalaga ang pagbabasa sa ating buhay? Isulat ito sa talulot ng


bulaklak na nakaguhit sa ibaba.

54
2. Sa paanong paraan makatutulong ang kaalaman sa gamit ng
kayarian ng pangngalan sa pagsulat ng tula? Isulat ang mga ito
sa bawat lapis na nasa loob ng pencil organizer.

Magaling! Nasagot mong lahat ang mahahalagang tanong sa


araling ito. Ngayon ay handa ka nang ilapat ito sa iyong pang araw-
araw na gawain.

Isang Talent Show ang isasagawa sa inyong klase sa Filipino na


dadaluhan ng inyong punongguro at mga guro sa Filipino. Ikaw ay naatasang
sumulat ng sariling tula tungkol sa kahalagahan ng pagbabasa at bigkasin ito
sa nasabing palabas. Itataya ang sinulat na tula batay sa sumusunod na
pamantayan.
a. may limang saknong
b. may paksang kahalagahan ng pagbabasa
c. may sukat at tugma
d. gamit ang kayarian ng pangngalan

55
Puntos Pamantayan

Nakasulat ng limang saknong na tula na angkop sa tema,


may wastong sukat at tugma, at ginamit ang apat na
10
kayarian ng pangngalan.

Nakasulat ng apat saknong na tula na angkop sa tema,


may wastong sukat at tugma, at ginamit ang apat na
9-8
kayarian ng pangngalan

Nakasulat ng tatlong saknong na tula na angkop sa tema,


may wastong sukat ngunit hindi gumamit ng
7-5
magkakatugmang salita at tatlo lamang sa apat na kayarian
ng pangngalan ang ginamit.

Nakasulat ng dalawang saknong na tula ngunit hindi


angkop sa tema, magkakaiba ang sukat sa bawat taludtod
4-2
at dalawa lamang sa apat na kayarian ng pangngalan ang
ginamit.

Nakasulat lamang ng isang saknong na tula ngunit hindi


angkop sa tula magkakaiba ang sukat sa bawat taludtod at
1
isa lamang sa pat na kayarian ng pangngalan ang ginamit.

Binabati kita sa matiyaga mong pagsasagawa ng mga gawain sa


araling ito. Natitiyak kong natutunan mo ang pagsulat ng talaarawan at
angkop na pagbigkas nang may tamang tono, diin at antala. Gayundin,
nagkaroon ka ng kaalaman sa mga kayarian ng pangngalan upang makasulat
ng tula.
Marahil ay nakahanda ka nang alamin ang susunod na aralin.

56
Aralin 6 Wikang Filipino, Paunlarin at
Pagyamanin
Panimula
Kung sa nakaraang aralin ay napag-aralan mo ang tungkol sa talaarawan at
tula, sa Aralin 6 ay matututunan mo ang isang talambuhay gayon din kung
paano makatutulong ang panghalip panao sa pagsasalaysay.
Narito ang mga gawain na makatutulong sa iyo upang masagot ang
mga mahahalagang tanong.

1. Sa paanong paraan mo maipakikita ang pagmamahal sa


wikang Filipino?
2. Paano makatutulong ang panghalip panao sa pagsasalaysay?

GAWAIN 1. Ibigay mo...Kahalagahan ng Wika Natin!

Makinig sa kuwento na babasahin ng iyong guro. Upang lubos


mo itong maunawaan subukan mong ibigay ang kahalagahan ng
wikang Filipino. Isulat ang iyong sagot sa bawat bunga ng punong
kasoy. Iguhit ang larawan sa sagutang papel at isulat ang sagot.

57
GAWAIN 2. Diksiyonaryo, Gamitin Mo!

Kunin ang inyong diksyunaryo at ibigay ang kahulugan ng mga salitang


may salungguhit.

1. Inatasan ni Gng. Cruz na lumikha si Rene ng lathalain.


2. Dinatnan ni Gng. Reyes ang kaniyang anak na nagbabasa ng
kanilang aralin sa araw na iyon.
3. Masayang pinagmamasdan ni Aling Luz ang kanyang mga anak.
4. Pinagtuunan niya ng pansin ang pagmamahal at pagpapahalaga
sa sariling wika.
5. Nais ni Manuel L. Quezon na mabatid ng mga kabataan ang
kahalagahan ng wika.

Tandaan mo ang mga salitang binigyang kahulugan habang nakikinig


sa talambuhay na babasahin ng iyong guro o kamag-aral. Magagamit mo ang
mga salitang ito sa bagong kaalaman sa susunod na gawain.

Ang pagkakaroon ng sariling wika ay maituturing na yaman ng bansa,


Sino ang kilala mo na nagmalasakit na magkaroon tayo ng wikang pambansa
na magbubuklod sa sambayanang Pilipino?

Alamin natin ito sa pamamagitan ng talambuhay na babasahin ng guro


o kamag-aral.

Alam mo ba?
Ang talambuhay ay kuwento ng buhay ng isang tao na maaaring
buhay o patay na. Maaaring saklaw ng talambuhay ang buong buhay
ng taong pinapaksa o bahagi lamang na pinakatampok at
pinakamakulay na bahagi ng buhay ng isang tao.

Llorando, Liza R. Et.al. Bandila.2010. Sunrise


Publication Hauz, Inc. Sta. Mesa, Manila.

58
Talambuhay ni Manuel Luis Quezon
Likhang Kuwento ni: Lilibeth M. Tabuyo

“ Mabuhay si Manuel Luis Quezon”, ito ang malakas na maririnig


mula sa mga mag-aaral ng Paaralang Elementarya ng Peace Village
habang ipinagdiriwang ang Buwan ng Wika.
Sa isang umpukan ng mga bata malapit sa opisina ng punongguro,
tahimik na nagmamasid ang magkaibigang Roy at Ben, kapwa nasa
ikalimang baiting.
“Sino ba si Manuel Luis Quezon?”, tanong ni Roy.
“ Ayon sa napag-aralan naming kay Gng. Cristobal, siya ay kilala
bilang Ama ng Wikang Pambansa”, sagot ni Ben.
“ Bakit siya tinawag na Ama ng Wikang Filipino?”, muling tanong
ni Roy.
“Sa taong 1937, itinayo ni Quezon ang Surian ng Wikang
Pambansa na naglalayong lumikha ng isang pangkalahatang wika para
sa mga Pilipino”, tugon ni Ben.
“Alam na alam mo a”, pabirong pahayag ni Roy.
“ Oo naman, mataas kaya ang grado ko sa graded recitation at
nagresearch talaga ako, kung paano niya pinahalagahan ang Wikang
Filipino.”
“Noong Nobyembre 1937, inirekomenda ng Surian na gawing
pambansang wika ang Tagalog. Kaya noong Ika-30 ng Disyembre 1939,
idineklara ni Quezon na Tagalog ang magiging pambansang wika ng
Filipino. Noong Hunyo,1940 naman, iniutos ni Pangulong Quezon na ituro
ang pambansang wika bilang isa sa mga asignatura sa mga paaralan”,
walang kagatol-gatol na pagpapaliwanag ni Ben.
“ Ah,ganun ba! Siya pala ang unang taong nagsulong ng paglikha
ng isang pambansang wika. Nararapat nga lamang na tawagin siyang
Ama ng Wikang Pambansa”, pagtatapos ni Roy.
“Tara na, tapos na ang programa”, pagyayaya ni Ben.
Ang magkaibigan ay dali-daling pumanhik sa kanilang silid –aralan.

Sanggunian: fil.wikipilipinas.org

59
Naunawaan mo ba ang napakinggang kuwento sa buhay ni
Pangulong Quezon? Subukang sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Sino ang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa?
2. Kailan idineklara ni Manuel L. Quezon na ang Tagalog ang
magiging Pambansang Wika ng Pilipinas?
3. Nararapat bang tawagin siyang Ama ng Wikang Pambansa?
Bakit?
4. Paano niya pinahalagahan ang pambansang wika?
5. Nais mo ba siyang tularan? Bakit?

GAWAIN 3: Sagutin Mo!

Matapos mong mapakinggan ang kuwento mula sa iyong guro,


mayroon ka bang narinig na mga salitang hindi pamilyar sa iyo? Ano-ano ang
mga ito? Isulat ang mga salita sa iyong kuwaderno at subukang ibigay ang
mga kahulugan sa tulong ng diksiyonaryo. Kopyahin ang talahanayan sa
sagutang papel at isulat ang sagot.

Natukoy ba ninyo ang mga salitang pamilyar at di-pamilyar sa kwento


na inyong napakinggan, subukan mong ibigay ang kahulugan ng mga ito.

Di Pamilyar na Salita Kahulugan mula sa Diksyonaryo


1.

2.

3.
4.

5.

60
GAWAIN 4: Pag-unawa sa Binasa

Isa-isahin ang mahahalagang pangyayari sa binasang kuwento o


talambuhay ni Manuel Luis Quezon. Gamitin ang graphic organizer sa
pagsagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

3
Mga
mahahalagang 4
impormasyon sa
akda 5

GAWAIN 5. Usapan...Unawain Mo!


Basahin ang usapan ng mga bata mula sa ikalimang baitang.
Pagkatapos, sagutin ang mga tanong.

61
Maagang tumawag si Mar sa kanyang kaibigang si Roy upang
tanungin tungkol sa kanilang takdang aralin.
Mar: Magandang umaga po. Puwede po bang makausap si Rody?
Rody: Magandang umaga naman. Ako si Rody. Mar, ikaw na ba iyan?
Mar: Oo, ako nga. Natapos mo na ba ang ating takdang-aralin?
Rody: Iyon bang mga paraan kung paano maipakikita ang pagmamahal sa
wikang pambansa na sinabi ng guro natin na tatanungin sa ating mga
magulang o kaya sa mga nakatatanda sa atin?
Mar: Oo, di ba sabi ni ma’am, maliban kay Manuel L. Quezon na Ama ng
Wikang Pambansa, marami daw mga Pilipino ang mapagmahal sa
wikang Filipino. Paano nga ba natin makikilala kung sino-sino sila?
Rody: Ayon kay nanay, sila daw ‘yong mga Pilipinong lumalahok sa mga
aktibidad at proyekto ng pamahalaan na may kinalaman sa
pagpapahalaga ng wikang pambansa, mga Pilipinong tumatangkilik
sa OPM na kanta, mga Pilipinong mahilig magbasa ng mga aklat o
babasahin na gumagamit ng wikang Filipino at mga Pilipinong hindi
gumagamit ng conyo o jejemon na salita. Sila ang mga Pilipinong
gumagamit ng wikang Filipino sa pang-araw araw na
pamumuhay.
Mar: Marami akong kakilala na ganiyang Pilipino.
Rody: Itala na natin ang mga ito sa ating kuwaderno at iwawasto daw ni
Mam bukas.
Mar: O, sige maraming salamat sa tulong mo. Pupunta rin dito si Ana
mamaya. Siya ay magbibigay din ng kaniyang ideya tungkol sa ating
aralin.
Rody: O, hala sige, magkita na lamang tayo sa iskul bukas .
Mar: Sige, bye.
Rody: Bye.

Sagutin ang mga tanong:

1. Tungkol saan ang usapan ng dalawang bata?


2. Ano ang paglalarawan ng mag-aaral tungkol kay Manuel L.
Quezon?
3. Paano inilarawan sa usapan ang mga paraan sa pagmamahal o
pagpapahalaga sa wika?
4. Sang-ayon ka ba sa naging usapan ng mga bata sa ikalimang
baitang? Pangatwiranan.

62
GAWAIN 6. Pangngalan, Paulit-ulit...Palitan Mo!

Napansin mo ba ang mga salitang may salungguhit sa usapan nina


Mar at Rody? Ano kaya ang gamit ng mga ito sa pangungusap? Ano kaya
ang tawag sa mga ito? Alamin natin sa tulong ng mga pangungusap mula sa
dayalogo.
Sa pangungusap na, Siya ang tinaguriang Ama ng Wikang
Pambansa.
 Sino ang tinutukoy o pinag-uusapan sa pangungusap na ito? Sa
pangungusap na, Pupunta rin dito si Ana mamaya. Siya ay
magbibigay din kaniyang ideya tungkol sa ating aralin.
 Ano naman ang salitang inihalili sa pangalan ni Ana sa pangungusap
na ito? Anong bahagi ng pananalita ang pinalitan ng salitang
siya?

Isipin Mo!

Panghalip Panao
Ang mga salitang siya, niya, mo at ako ay tinatawag na panghalip
panao. Ito ay ginagamit na pamalit sa ngalan ng tao upang maiwasan
ang madalas na pag-uulit na pagbanggit nito.

Pagkatapos mong malaman kung ano ang panghalip panao, subukin


mong sagutin ang sumusunod na mga gawain.

Pagsasanay A
Piliin ang panghalip panao sa bawat pangungusap. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel. Kopyahin ang talahanayan.

1. Nangako siyang hindi na mahihiyang gamitin ang Wikang Filipino.


2. Magtulungan tayo upang lalo pang mapaunlad ang ating Wika.
3. Tayo ay magsikap upang ang ating wika ay tangkilikin ng bawat
Pilipino.
4. Si Manuel L. Quezon ay isa sa mga tanyag na bayani ng Pilipinas.
Siya ang tinaguriang Ama ng Wikang Pambansa.
5. Ating ipagmalaki ang sariling wika natin.
6. Bakit siya tinawag na Ama ng Wikang Pambansa?
7. Kita ay magkita sa paradahan ng dyip.
8. Kanilang pinaghandaan ang ulat kahapon.
9. Sabay-sabay na nagmasid kami sa magaganap na pagtatanghal.
10. Sa amin ipinagkaloob ang unang puwesto sa patimpalak
talumpatian.
63
Pagsasanay B

Kopyahin mo ang usapan sa kuwaderno at punan ng angkop na


panghalip ang patlang. Piliin sa loob ng panaklong ang iyong sagot.

Renchie: Ate, saan ___ (ka, kami) pupunta?


Lizette: Pupunta___(ako, atin) sa paaralan. Magpapalista ___
(tayo, ako) sa Paligsahan ng Pagbigkas ng Tula para sa
pagdiriwang ng Buwan ng Wika.
Renchie: Puwede rin ba ___ (ako, kita) sumali?
Lizette: Itanong ___ (namin, ko) kay Gng. Morante kung maaari
ka ring sumali. Handa ka ba?
Renchie: Syempre naman.

Pagsasanay C

Mahal mo ba ang Wika Filipino? Paano mo mahihikayat ang


iyong mga kaibigan na tangkilikin ang ating sariling wika? Sumulat ng
talata sa anyong pasalaysay at salungguhitan ang mga panghalip
panao na iyong ginamit. Isulat ang iyong talata sa sagutang papel.

Ang talata ay binubuo ng pangungusap na magkakaugnay at


sama-samang naghahatid ng diwa o mensahe. Maaaring ang talata
ay nasa sumusunod na anyo:
a. Nagsasalaysay – kung ang mga pangungusap ay tungkol sa
mga pangyayari.
b. Naglalahad – kung ang mga pangungusap na magkakaugnay
ay nagbibigay kabatiran o impormasyon.
c. Nangangatwiran – kung ang mga pangungusap ay
nagpapahayag na katwiran o opinyon.
d. Naglalarawan – kung ang mga pangungusap ay nagbibigay-
katangian sa isang tao, bagay, lugar at pangyayari.

64
GAWAIN 7. Grap Ko...Bigyang kahulugan!

Mahalaga ang kaalaman sa paggamit ng grap. Ang grap ay larawang


guhit na naglalahad ng dami o bilang na nagpapakita ng mga impormasyon o
datos na nasa anyong paguhit. Maaaring paguhit na grap (line grap), pabilog
na grap (pie graph) at iba pa.

Ang mga mag-aaral sa Paaralang Elementarya ng Peace Village ay


nagsagawa ng sarbey hinggil sa mga gawaing nagpapakita ng pagmamahal
sa Wikang Filipino. Tinanong ang limampung mag-aaral mula sa iba’t ibang
baitang. Pag-aralan ang kinalabasan ng sarbey batay sa pabilog na grap na
kanilang ginawa.

Pagbasa ng
babasahin ng
Pagtangkilik sa
gumagamit ng
OPM na kanta
wikang Filipino
20%
15%

Pagsali sa mga
proyektong may
kinalaman sa wika
15%

Paggamit ng Wikang
Filipino sa pakikipag-usap
50%

Sagutin ang mga tanong.


1. Ayon sa sarbey, ilang bahagdan sa 50 mag-aaral ang
patuloy na gumagamit ng Wikang Filipino sa pakikipag-
usap?
2. Aling gawain ang may pinakamababang bahagdan?
3. Anong gawain ang nakakuha ng parehong bahagdan?

4. Sa inyong palagay, bakit kaya nakakuha ng


pinakamababang bahagdan ang gawain na pagbasa ng
babasahing na gumagamit ng wikang Filipino?

65
Sagutin ang mga tanong:

A.

Sa paanong paraan maipakita ang pagmamahal sa sarling


wika?

B. Paano makatutulong ang panghalip panao sa pagsasalaysay? Ilagay


ang sagot sa bawat bahagi ng tren.

66
Magkakaroon ng paligsahan sa inyong paaralan sa pagsulat ng
sanaysay na may temang “Wikang Filipino: Paunlarin at Pagyamanin”. Bilang
pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika, ang mga magulang, mga mag-
aaral at mga guro sa Filipino ay inaasahang dumalo sa nasabing paligsahan.
Ikaw ay isa sa mga kalahok sa paligsahan sa pagsulat ng sanaysay tungkol
sa paano mo mapauunlad at mapagyayaman ang wikang Filipino. Itataya ang
iyong pagsulat batay sa sumusunod na pamantayan.

a. kaugnay ng paksa
b. nilalaman
c. magkakasunod-sunod na mga ideya/organisasyon
d. pagkagamit ng mga panghalip na panao
e. tamang pagbabaybay at wastong bantas
Pamantayan

Iskor Pamantayan

Nasunod lahat ng pamantayan na hinihingi sa pagsulat ng


5
talata.

May isang pamantayan ang hindi lubos na ginamit sa


4
pagsulat ng talata.

May dalawang pamantayan ang hindi gaanong ginamit sa


3
pagsulat ng talata.

May tatlong pamantayan ang hindi gaanong ginamit sa


2
pagsulat ng talata.

1 Nangangailangan pa ng kasanayan sa pagsulat ng talata.

Binabati kita sa matiyaga mong pagsasagawa ng mga gawain sa


araling ito. Natitiyak kong natutunan mo ang pagsulat ng talatang
nagsasalaysay na inilahad mo ang mga paraan upang maipakita ang
pagmamahal sa wika. Gayundin, nagkaroon ka ng kaalaman sa panghalip
panao upang mabigyan ng kahulugan ang grap.
Marahil ay nakahanda ka nang alamin ang susunod na aralin.

67
Aralin 7 Paggalang at Pakikiisa mga
Tungkulin sa Kapuwa at
Pamayanan
Panimula
Kung sa nakaraang aralin ay napag-aralan mo ang tungkol sa
talambuhay at pagsulat ng talata, sa Aralin 7 ay matututunan mo ang isang
kuwento gayundin kung paano makatutulong ang iba pang uri ng panghalip
tulad ng panghalip panulad, panghalip panaklaw at panghalip pamatlig sa
pagbuo ng usapan at pagsasabi ng sariling karanasan.
Narito ang mga gawain na makatutulong sa iyo upang masagot ang
mga mahahalagang tanong.

1. Paano mo maipapakita ang iyong paggalang, pakiisa sa kapuwa at


pamayanan?
2. Paano makatutulong ang paggamit ng iba’t ibang uri ng panghalip
sa usapan o pagsasabi ng sariling karanasan?

GAWAIN 1. Pamagat ...Tukuyin Mo!

Basahin ang bawat talata at isulat ang angkop na pamagat. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1. Ang mga sinaunang tao sa Pilipinas ay binubuo ng Ita, Indones at


Malay. Sila ang mga unang mamamayan ng bansa.
Pamagat: _________________________________________

2. Ati-atihan, Sinulog, Pahiyas at Sumakah ay ilan lamang sa mga


makukulay na pista sa Pilipinas. Kinapapalooban ito ng isang
linggong pagdaraos at mga kalinangang palabas tulad ng sayaw,
prusisyon at iba pa. Ilan sa mga ito ay isinasagawa bilang parangal
sa patron, pagpapahalaga at pasasalamat sa masaganang taon sa
buhay ng mamamayan.
Pamagat: __________________________________________
3. Ang pamahalaan ay naglunsad ng programa para sa pagsugpo ng
droga. Ang mga mamamayanan at awtoridad ay nagtutulungan
upang malutas ang suliraning ito. Sapagkat alam ng lahat na

68
maraming mamamayan, babae man o lalaki, bata man o matanda
ay nalululong sa droga.
Pamagat: ___________________________________________

4. Ang wika ay isa sa pinakadakilang biyayang handog ng Diyos sa


tao. Sa pamamagitan ng wika nagkaroon ng pagkakaunawaan at
nagkalapit-lapit ang tao sa iba’t ibang bahagi ng daigdig. Ang wika
ay naging instrumento upang maipadama at maipahayag ng tao sa
kanyang kapuwa ang anumang kanyang iniisip, nadarama o
nakikita sa kanyang paligid.

Halaw sa aklat ni Llorando, Liza R. et.al. Bandila.2010.


Sunrise Publication Hauz,Inc.Sta. Mesa, Manila

Pamagat: ___________________________________________

5. Bawat nilalang ay may kaniya-kaniyang kakayahan at abilidad.


Nararapat lamang na pagyamanin ang handog na ito ng Diyos sa
atin upang maibahagi natin sa kapuwa nating nangangailangan.
Ang bawat manggagawa ay may iisang mithiin na kumita nang
sapat at maibsan ang kahirapang nararanasan nang maiwasan ang
gutom. Bagama’t may mga uri ng hanapbuhay na mataas ang
antas, ang pinakamahalaga ay kung paano natin ipinamamalas ang
ating makakaya at nalalaman sa ating kapuwa.
Halaw sa aklat ni Marasigan, Emily V. Pluma. 2007.
Phoenix Publishing House, Inc. Quezon Ave. Quezon City.

Pamagat: _____________________________________________

GAWAIN 2. Magagalang na Pananalita...Gamitin Mo!


Basahin ang mga sitwasyon sa ibaba. Punan ang patlang ng mga
magagalang na pananalita na angkop sa bawat sitwasyon. Isulat ang iyong
sagot sa sagutang papel.

A. Abala kang naglalaro nang hindi sinasadyang nasanggi mo ang bag


ng iyong kaklase. Nagdamdam siya. Ano ang nararapat mong
sabihin upang mawala ang kanyang pagdaramdam.
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

B. Mayroong pangkatang gawain ang inyong klase, napagkasunduan


na ang inyong grupo ay sasayaw ngunit ikaw ay hindi sumang-ayon
dito sapagkat nalalaman mong mas marami kayong magaling
umawit. Paano ka tututol sa ideyang ito?
69
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

C. Nagpupulong ang mga miyembro ng organisasyong SPG sa inyong


paaralan. Nagkasundo ang sa isang proyektong nangangailangan
ng malaking pondo ang grupo subalit may naisip kang mas
magandang ideya. Paano mo ito sasabihin sa inyong pangulo?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

D. Magsasagawa ng kampanya para sa kalinisan ang inyong paaralan


sa Barangay San Roque. Gagawin ito sa araw ng Sabado. Paano
mo sasabihin ito sa mga magulang?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

E. May magaganap na Pampaaralang Palaro sa darating na Biyernes,


ika-15 ng Setyembre. Ang klase ninyo ay napiling mamahala sa
gagawing pambungad na palatuntunan. Marami sa iyong mga
kaklase ang ayaw lumahok sa gawaing itinakda. Paano mo sila
kakausapin?
______________________________________________________
______________________________________________________
______________________________________________________

Inaasahan ko na nagamit mo ang mga magagalang na pananalita


sa iba’t ibang sitwasyon at nakabuo ka ng mga angkop na pamagat batay
sa mga ideyang inilahad. Nasubukan mo rin ba na magamit ang mga
panghalip sa pagsasabi ng iyong karanasan. Maari mo nang ipagpatuloy
ang pag-aaral.

70
Ang kuwento na iyong babasahin ay tungkol sa sikreto ng isang
batang si Daniel. Gusto mo bang malaman ito kung ano ang sikreto ng batang
ito at ano ang naging sanhi at bunga nito? Sige, simulan mo na itong basahin.

Sikreto ni Daniel

Lunes ng umaga, masayang binati ng guro ang mag-aaral niya sa


ikalimang baitang.
“Magandang umaga, mga bata”, bati ni Gng. Realor Caronan.
“Magandang umaga rin po, Gng. Realor Caronan.

Bago magsimula ng klase ang kanilang guro ay nag-anunsyo


tungkol sa Buwan ng Nutrisyon. Ang mag-aaral sa baitang lima ay
magkakaroon ng paligsahan sa pagluluto.
“Sinuman sa inyo ay puwedeng lumahok”, pahayag ni Gng.
Coronan.
Nang marinig ni Daniel ang sinabi ng kanilang guro siya’y natuwa at
nanabik. Agad siyang lumapit sa kanyang guro.
“Ma’am, mahilig po akong magluto dahil palagi akong tinuturuan ni
nanay. Puwede po bang akong sumali sa paligsahan?”, ang sabi ni
Daniel.
Natuwa ang guro sa sinabi ni Daniel dahil batid niyang isang
mahusay at responsableng mag-aaral si Daniel kaya sinang-ayunan
niya ito.
Pag-uwi ni Daniel ay masayang ibinalita niya ito sa kaniyang nanay.

“Inay, ako po ay boluntaryong sumali sa paligsahan sa pagluluto.


Magagamit ko na rin po ang mga kaalamang itinuro ninyo po sa akin.”
sabi ni Daniel .

“Talaga, anak. Ano ba ang plano mong lutuin? Siyempre, ‘yong


paborito kong pagkain na palagi ninyong niluluto sa amin, ang tortang
kalabasa na may malunggay”, masayang sabi ni Daniel.

Dumating na ang araw ng paligsahan. Handang-handa na si


Daniel. Makikita rin ang kasiyahan sa bawat kalahok. Sa pagsisimula
71
ng paligsahan ay ipinakilala ang mga kalahok at ibinigay ang
panuntunan sa pagpili ng mananalo sa paligsahan.

Sinimulan na ng mga kalahok ang kanilang pagluluto. Mababakas


mo ang determinasyon nilang manalo at makamit ang premyo. Ilan sa
kanila ay gumamit ng artipisyal na pampalasa sa kanilang niluluto.
Bukod tanging si Daniel lamang ang hindi gumamit nito. Tanging mga
sariwang gulay ang kanyang ginamit sa pagluluto.
Matapos tikman ng mga hurado ang kanilang niluto, dumating na
ang oras na pinakahihintay ng lahat, ang pag-aanunsyo ng mga
nanalo sa paligsahan.
Biglang narinig ni Daniel ang kanyang pangalan at gulat na gulat
siya sapagkat siya ang itinanghal na panalo sa paligsahan. Tuwang-
tuwa si Daniel sa kanyang pagkapanalo.
Habang iniaabot sa kanya ang sertipiko at medalya ay tinanong
siya ng isa sa mga hurado na kung ano ang kakaibang sangkap na
ginamit niya na pumukaw sa kanilang atensiyon. Buong
pagmamalaking sinagot ni Daniel, “Sariwang gulay, dedikasyon at higit
sa lahat ay pagmamahal natin sa anumang ating ginagawa ang
tanging naging sikreto ko upang manalo.”

Pagkatapos ninyong mapakinggan/mabasa ang kuwento, sagutin ang


mga tanong:
1. Tungkol saan ang binasang kuwento?
2. Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento? Ilarawan ang katangian ng
bawat isa.
3. Bakit tuwang-tuwa si Daniel nang umuwi sa kanilang bahay?
4. Kung ikaw si Daniel, sasali ka rin ba sa ganitong paligsahan?
Bakit?
5. Ano-anong dapat mong gawin upang manalo sa paligsahan?

72
GAWAIN 3. Pag-unlad ng Talasalitaan

Pag-aralan at suriin ang mapa ng Antipolo. Sagutin ang sumusunod


na tanong. Isulat ang inyong sagot sa sagutang papel o kuwaderno.

Sagutin ang sumusunod na tanong. Isulat ang inyong sagot sa sagutang


papel o kuwaderno.

1. Anong kalye matatagpuan ang simbahan ng Antipolo?


______________________________________________________
2. Ano ang pinakamalapit na daan na iyong tatahakin kung ikaw ay
pupunta sa munisipyo galing ng Kapitolyo?
_____________________________________________________
3. Anong direksyon ang dapat mong sundin upang ikaw ay makarating
sa paaralang Juan Sumulong Elementary School?
_____________________________________________________

4. Sa hilagang bahagi ng mapa, anong mga lugar ang makikita?


______________________________________________________
5. Magbigay ng mga panandang lugar na makikita sa timog na bahagi
ng mapa.

Alam mo ba?
Ang pagbibigay ng angkop na pamagat ay isang kasanayan sa pag-
unawa sa binasa na mahalaga na dapat na malinang sa mag-aaral.
Nakabatay sa mga detalyeng nakalahad ang pagbuo ng pamagat. Ang
detalye ay ang maliliit na ideya o pangyayari sa kuwento na sumusuporta
sa pangunahing ideya o pangyayari. 73

Hango sa aklat ni Barcelo, Teresa P. Filipino, Yaman ng Lahi, Baitang 4.2015.


Sunshine Publishing House, Inc. Tomas Morato, Quezon City.
GAWAIN 4. Pag-unawa sa Binasa

Basahin ang bawat talata at isulat ang angkop na pamagat. Isulat ang
sagot sa sagutang papel.

1. Noong unang panahon, ang mga kulisap ay sagana sa lahat ng


bagay kahit sa panahon ng taghirap. Maraming pagkain at may
magandang klima kaya ang palay, tubo at mais ay kusang
tumutubo. Nang dahil sa ganitong sitwasyon, ang mga kulisap ay
nagpapasasa sa kanilang buhay sapagkat nasusunod anuman ang
kanilang maibigan.
Ngunit kaiba sa lahat ng kulisap ang langgam, abala siya sa
pangunguha ng pagkain. Iniipon niya ang lahat ng pagkaing
kanyang nakukuha. Maingat niyang itinatago sa mataas na lungga.
Ang ginagawa ng langgam ay di alam ng kanyang kapuwa kulisap
kaya’t siya’y tampulan ng tukso.
Halaw sa aklat ni Llorando, Liza R. et.al. Bandila.2010.
Sunrise Publication Hauz,Inc.Sta. Mesa, Manila

Pamagat: ____________________________________________

2. Ang malnutrisyon ay madalas na nakikita sa mga bata. Minsan ang


pagiging mataba ay di nangangahulugan ng pagiging malusog. May
dalawang uri ng malnutrisyon. Una, ang marasmus o pagiging
buto’t balat. Ang palatandaan nito ay ang pagtanda ng itsura, laging
gutom, magaan ang timbang, malaking tiyan at payat na payat.
Ikalawa, ang kwashiorkor o ang pagiging manas. Ang
palatandaan nito ay pamamanas ng paa, kamay at mukha.
Kalimitan mapapansin ang madalas na pagtatae o may impeksyon
sa parte ng katawan.
Halaw sa aklat ni Llorando, Liza R. et.al. Bandila.2010.
Sunrise Publication Hauz,Inc.Sta. Mesa, Manila

Pamagat: ____________________________________________

3. Maraming kabataan ngayon ang nahuhumaling sa text. Hindi


lamang mga kabataan kundi lahat ng uri ng tao tulad ng mga guro,
abogado, doktor, manggagawa at iba pa.

74
Si Joseph ay isang mag-aaral sa San Roque Elementary
School. Sa limang magkakaibigan, siya na lamang ang wala pang
cellphone. Subalit hindi niya pansin dahil likas sa kanya ang di
mainggitin.
Halaw sa aklat ni Manlapaz, Carolina D. Wika Ko, Wika Mo.Filipino. 2003.
The Library Publishing House Co.Quezon Ave. Quezon City.

Pamagat: ____________________________________________

4. Isang magandang dalaga na kilala sa tawag na Princess ang


napiling reyna ng gabi. Dahil sa angkin niyang kagandahan,
maraming kabinataan ang naakit at humahanga sa kaniya.
Gayundin, masipag din siyang mag-aral kaya madalas siyang
makatanggap ng medalya at sertipiko. Labis ang katuwaan ng
kaniyang mga magulang sa tinatamo niyang karangalan subalit
tulad ng inaasahah marami ang naiinggit sa kaniya.
Halaw sa aklat ni Manlapaz, Carolina D. Wika Ko, Wika Mo.Filipino. 2003.
The Library Publishing House Co.Quezon Ave. Quezon City.

Pamagat: ____________________________________________

5. “Fashion Repeats Itself” ang pinakaangkop na paglalarawan para


sa kasalukuyang moda maging ito ay sa paraan ng pananamit, istilo
ng gupit ng buhok, mga palamuti at marami pang iba. Kung
mapapansin, karamihan sa mga kasuotan ngayon ay matitingkad
na kulay tulad ng dilaw, liha, dalandan at iba pa. Pamoso din ang
malalaking larawan at mga letra sa harapan ng mga damit na mga
istilong naging patok na noong panahon ng mga nanay at tatay
natin.
Hango sa Gabay sa Pagsulat ng Masining na Komposisyon,
Eferza Academic Publication. 2003. Lipa City, Batangas.
Pamagat: ____________________________________________

75
GAWAIN 5: Panoorin Mo!

Manonood ang mga mag-aaral ng isang maikling video-clip. Ipalarawan


sa kanila ang tagpuan at tauhan sa napanood na video.
(https://www.youtube.com/watch?v=FCDmQIpO3GQ)
Sanggunian: google video o youtube

Matapos mong panoorin ang video at mailarawan ang tauhan at


tagpuan, handa ka nang malaman ang mga uri ng panghalip.

Isipin Mo!

MGA URI NG PANGHALIP


1. Ang panghalip na panaklaw ay uri ng panghalip na may sinasaklaw
na kaisahan, bilang, dami o kalahatan. Maaring ito ay tiyakan o
di-tiyakan.
 Ang tiyakan ay:
a. Nagsasaad ng kaisahan
Mga halimbawa:
isa bawat isa tungkol
bawat baling
b. Nagsasaad ng dami o kalahatan
Mga halimbawa:
dila ilan balana
Kaunti lahat marami
Tanan madla iba

 Ang mga di-tiyakan ay mga panghalip na panananong na


kinakabitan ng man na nangangahulugan nang hindi katiyakan
ang pinag uusapan.
Mga halimbawa:
ano man saan man kanino man kailan man
magkano man sino man nino man

2. Ang panghalip na pamatlig ay uri ng panghalip na ginagamit na


panghalili sa pagtuturo ng tao, hayop, bagay, pook, gawa at
pangyayari.
Mga halimbawa:

76
malapit sa nagsasalita: ito, ire, niri, nito, ganito, ganire
malapit sa kinakausap: iyan niya ayan hayan diyan
malayo sa nag-uusap: ayun, hayun, iyon, yaon, niyon,
noon, doon

3. Ang panghalip na pananong ay salitang ginagamit sa pagtatanong.


Ito ay ang sumusunod:

Isahang Anyo Maramihang


Anyo
Ano Ano-ano Tumutukoy sa bagay, gawain at
katangian
sino Sino-sino Tumutukoy sa tao
Alin Alin-alin Tumutukoy sa tiyak na tao o bagay
Kanino Kani-kanino Nagpapahayag ng pagmamay-ari
ilan Tumutukoysa mga salita o
pangngalan ng bilang
magkano Magka- Tumutukoy sa mga bagayna may
magkano halaga o binibili/ipagbibili
saan Saan-saan Tumutukoy sa pook
Kalian Kai-kailan Tumutukoy sa panahon
Gaano Gaa-gaano Tumutukoy sa bagay na nasusukat
o natitimbang
Sanggunian: Likha 5, 2009

Ipapanood muli ng guro ang video. Pagkatapos, isa-isahin ng mga mag-


aaral mga uri ng panghalip na nabanggit sa video.

Subukin Mo!

Pagsasanay A

Basahin at unawain ang sumusunod na pangungusap. Kopyahin sa


sagutang papel at ikahon ang panghalip na panaklaw sa pangungusap.

1. Ang ilan ay hindi nakinig sa sinasabi ng lider ng samahan.


2. Saan ka man makarating ay huwag mo kaming kakalimutan.
3. Nananabik ang bawat isa sa sa nalalapit na piyesta ng Antipolo.
4. Ang madla ay nagpahayag ng suporta sa bagong halal na pangulo.
5. Ang ilan sa mga bayani ay hindi man lamang nabanggit sa
kasaysayan.

77
6. Sa kasalukuyang kalagayan ng bansa, ang bawat isa ay dapat na
mag-ingat.
7. Ilan lamang ang dumalo sa pulong kahapon.
8. Magkanoman ang abutin ng kinain natin ay handa akong
magbayad.
9. Nasiyahan ang madla sa napanood na dulang pantanghalan.
10. Balana ay humingi ng tulong sa ating pangulo sa naganap na
trahedya.

Pagsasanay B

Kopyahin ang sumusunod na pangungusap sa sagutang papel


at salungguhitan ang angkop na panghalip na pamatlig sa
pangungusap.

1. (Dito, Niyan, Ganoon) ang sayaw na nais gayahin ni Leny.


2. (Diyan, Heto, Ganire) na ang hinihintay mong pagkakataon ang
makasali sa patimpalak ng pagandahan.
3. (Ganito, Doon, Diyan) sa malayaong lugar ko nakita ang duguang
lalaki.
4. (Hayan, Diyan, Nito) malapit na akong matapos sa aking proyekto
sa Filipino.
5. (Ito, Heto, Ganito) ang tamang proseso sa pagluluto ng lumpiang
kalabasa.

Pagsasanay C

Bumuo ng tanong gamit ang panghalip pananong batay sa mga


salitang may salungguhit. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Dito nagsama-sama ang kabataan para sa isang pulong.

2. Si Aleckzia ay may bagong cellphone.


3. Sa darating na Enero isasagawa ang Lakbay Aral ng paaralang
San Roque National High School.

4. Bibigyan ng baong isang daan piso si Allysa sa kanyang pag-alis.


5. Sina Alexis, Jenine, Aira at Joseph ay lalahok sa paligsahan sa
pagsulat ng lathalain.

6. Ipinagbigay alam ng mag-aaral ang naganap na aksidente sa


pulis.
7. Bumagsak siya sa pagsusulit na ibinigay ng guro dahil sa
paglalaro ng DOTA.
78
8. Kay Jocelyn ang perang nasa ibabaw ng mesa.
9. Ako ay nakatira sa Lores Country Homes, Brgy. San Roque.
10. Nais kong bumili ng tatlong aklat sa bookstore.
Pagsasanay D

Sumulat ng isang paglalarawan ng tagpuan at tauhan sa isang


napanood na pelikula. Sikaping gumamit ng mga panghalip panaklaw,
panghalip pamatlig at panghalip pananong. Isulat sa sagutang papel.

Natitiyak ko na naunawaan mo na ang kahalagahan ng paggalang at


pagtupad sa tungkulin sa kapuwa at pamayanan. Gayundin ang paggamit ng
panghalip panaklaw, panghalip pananong at panghalip pamatlig sa
paglalarawan o pagsasabi ng sariling karanasan. Malaki ang maitutulong nito
upang maisagawa ang gawain.
Gamit ang grapikong presentasyon, bumuo ng mahahalagang
konseptong natutuhan sa araling tinalakay.

URI NG
PANGHALIP

Mahusay! Malaki ang naitulong ng mga gawain sa iyong pag-unawa sa


aralin. Pagkakataon mo nang ilapat ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng
kasunod na gawain.

79
Ang inyong barangay ay labis na nagpapasalamat sa tulong na ibinigay
ng pamahalaang lungsod bilang parangal sa mga Pilipinong dangal ng bayan.
Ikaw, bilang Punong Barangay kasama ang mga kagawad ng barangay ay
maglulunsad ng paligsahan sa pagtatanghal sa pagbigkas ng talumpati
tungkol sa kakayahan ng mga Pilipino sa sining, isports, teknolohiya at iba pa.
Pangangatwiranan din sa talumpati kung nakatutulong ba sa bansa at
pamilya ang mahuhusay na Pinoy ang kanyang talino at galing. Itataya ang
pagbigkas ng talumpati batay sa sumusunod na pamantayan:
a. kaangkupan sa paksa
b. orihinalidad
c. paggamit ng magagalang na salita o
d. paraan ng pagpapahayag o pagsasalita
e. ekspresyon ng mukha, tinig o boses
f. tindig
g. pagkumpas
h. hikayat sa madla

15 14-12 11-9 8-6 5-1

Nakasulat ng Nakasulat ng Nakasulat ng Nakasulat ng Nakasulat ng


talumpati at talumpati at talumpati at talumpati at talumpati
nakapagtang nakapagtang nakapagtang nakapagtang ngunit hindi
hal ng buong hal ng hal ng hal ng nakapagtang
husay ayon napakahusay mahusay mahusay hal ng sa
sa lahat ng ngunit may ngunit may husay ngunit pagbigkas
pamantayang 1-2 3-4 na may 5-6 na ayon sa lahat
hinihingi. pamantayan pamantayan pamantayang ng
ang hindi ang hindi hindi pamantayang
nasunod. nasunod. nasunod. hinihingi.

Binabati kita sa matiyaga mong pagsasagawa ng mga gawain sa araling


ito. Natitiyak kong napatunayan mo ang kahalagahan ng pagiging magalang
at pagtupad sa tungkulin sa bayan at pamayanan. Gayundin, nagkaroon ka
ng kaalaman sa wastong gamit ng mga panghalip panaklaw, panghalip
pamatlig at panghalip pananong upang makapagsalaysay ng sariling
karanasan sa pamamagitan ng isang talumpati.
Marahil ay nakahanda ka nang alamin ang susunod na aralin.
Aralin 8 Paggalang sa Ideya, Damdamin
at Kultura ng mga Antipoleño

80
Panimula
Alam mo ba na ang bawat lugar dito sa Pilipinas ay may iba’t ibang
kultura na nagbubuklod at napagkakakilanlan sa bawat mamamayan upang
mapaunlad nila ito.

Sa Antipolo, ang mga Antipoleño ay may mga katangiang nagpapakita


ng paggalang sa ideya, damdamin, yaman
Narito ang mga gawain na makatutulong sa iyo upang masagot ang
mga mahahalagang tanong.

1. Paano mo maipapakita ang iyong paggalang, pakiisa sa kapuwa


at pamayanan?
2. Paano makatutulong ang paggamit ng iba’t ibang uri ng
panghalip sa usapan o pagsasabi ng sariling karanasan?

GAWAIN 1. Larawan Ko, Hulaan Mo!

A. Makikita mo sa larawang ito ang iba’t ibang produktong kilala at


dinarayo sa Antipolo. Gamitin mo ang larawang ito upang tukuyin ang
popular na pagdiriwang sa lungsod ng Antipolo tuwing buwan ng Mayo.

ANTIPOLO
CITY HALL

Tanong:
1. Ano ang nabuo mong pamagat?
2. Bakit ito ipinagdiriwang tuwing buwan ng Mayo?

81
B. Isa sa mga tanyag na bayani na naging bahagi ng kasaysayan ng
Pilipinas ay kilalang nagmula sa Antipolo. Gamit ang mga hiwatig na
larawan sa ibaba. Kilalanin mo kung sino siya? Ano ang angkop na
pamagat?

GAWAIN 2. Sino Ako?

Bago mo basahin ang talambuhay ni Don Juan Sumulong, alamin mo


muna ang salitang tinutukoy o inilalarawan sa pangungusap. Punan ng
tamang letra ang bawat kahon upang mabuo ang hinahanap na sagot. Isulat
ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ito ang tawag sa pinuno ng isang bayan.

k l
a e
2. Siya ang may-ari ng bahay na iyong inuupahan.
k
s r a

3. Ang tawag sa pagpapakadalubhasa sa pagtatanggol sa karapatang


pantao.
a b
g a y a
4. Ang tawag sa tagapagbalita sa mga pangyayaring nagaganap sa
paligid.

h
m m m y g
82
5. Siya ay kaagaw sa posisyong pampolitika.

k t l
g g a

Alam mo ba?
Ang talambuhay ay mula sa salitang “tala” at “buhay” na may diwang
“tala ng buhay”. Ito rin ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng
kasaysayan ng buhay ng isang tao hango sa mga tunay na tala,
pangyayari at impormasyon.

Antipoleño ka ba? Siguro kilala mo si Don Juan Sumulong. Kung hindi


pa, halika kilala natin ang Antipolenyong naging bahagi ng ating kasaysayan.

Talambuhay ni Don Juan Sumulong

Ipinanganak sa Antipolo, Rizal noong ika-27


ng Disyembre, 1875 si Juan Sumulong.
Siya ay anak ng magsasakang si G.
Policarpio Sumulong na naging Alkalde ng
Antipolo at ni Gng. Arcadia Marquez.
Nagtapos ng Bachelor of Arts sa Colegio de
San Juan de Letran sa kabila ng kahirapan at
sakripisyo. Naglako ng tabako pagkatapos ng klase sa umaga, tumulong sa
kasera sa paghahanda ng almusal upang matugunan ang upa sa tinitirhan at
nagtiis magsuot ng sapin sa paang yari sa kahoy kung tag-ulan upang hindi
kaagad masira ang kaisa-isang pares ng sapatos. Nagpatuloy sa pag-aaral
hanggang sa makapagtapos ng Abogasiya sa Unibersidad ng Santos Tomas.
Nang sumiklab ang rebolusyon laban sa mga Espanyol, sumapi
siya sa mga rebolusyonaryong nakahimpil sa Lalawigan ng Morong.
Nagsilbi bilang pribadong kalihim ng gobernador sibil sa Morong na
nakahimpil sa Antipolo. Matapos ang naging pagpupulong upang
83
magsanib ang Lalawigan ng Morong at Lalawigan ng Maynila, na
sinang-ayunan ni Konsehal Sumulong, tinawag itong Lalawigan ng
Rizal. Siya rin ay naging mamamahayag sa La Patria, naging tagasuri
ng kalagayang pampulitikal ng La Democracia, isang lathalain ng
Federal Party, kung saan siya ay nagsilbi bilang patnugot ng mahabang
panahon.
Matapos makapasa ng pagsusulit pang-abogasiya noong 1901,
nagsilbi bilang mambabatas habang nagtuturo sa Escuela de Derecho.
Napagtagumpayan ang usaping hangganan ng Antipolo at Cainta.
Noong 1925, nahalal bilang Senador ng anim na termino sa
ikaapat na distrito na binubuo ng Maynila, Rizal, Laguna at Bataan.

Naging kasapi ng Philippines Independence Mission sa


Estados Unidos noong 1930 hanggang 1931.
Kumandidato bilang katunggali ni Manuel L. Quezon sa
pagkapangulo ng Pilipinas noong 1941, ngunit dalawang linggo bago
ang eleksyon, naratay sa banig ng karamdaman hanggang sa
pumanaw noong ika-9 ng Enero, 1942.

Si Maria Salome Sumulong, ang kanyang nakaisang dibdib.


Nagkaroon ng 11 anak, ngunit apat sa kanila ay namatay. Sina Lumen,
Dimetria, Lorenzo, Paz, Juan Jr., Belen at Francisco ang natirang
buhay. Si Dimetria Sumulong ay ikinasal kay Jose Chichioko Cojuanco
mula sa Tarlac. Ang kanilang ikaapat na anak (apo ni Juan Sumulong)
ay si Corazon C. Aquino, ang ikalabindalawang pangulo ng Pilipinas
(1986-1992) na ina ng ikalabinlimang pangulo ng Pilipinas na si
Benigno Aquino III.

Taglay ni Don Juan Sumulong ang katangian ng isang tunay na


Antipolenyo, ang pagiging maka-Diyos, matulungin, magiliw sa
pagtanggap ng mga panauhin, masayahin at mapagmahal sa kapwa at
sa pamilya.
Ipinangalan sa kanya ang ilan sa mga pribadong paaralang
pansekondarya, ang Juan Sumulong Memorial School System.

Ang Sumulong Highway na nabuo noong 1960, ang daan


nagdudugtong sa Lalawigan ng Rizal, Metro Manila at Marikina ay
ipinangalan din sa kanya.
www.senate.gov.ph/senators/former_senators/juan_sumulong.html

Pagkatapos mong basahin ang talambuhay, sagutin ang mga tanong.

1. Sino si Juan Sumulong?


2. Paano niya tinupad ang kanyang mga pangarap?

84
3. Ano-anong mga tungkulin ang kanyang ginampanan na nagpakita
ng katangian ng isang Antipoleño?

4. Sang-ayon ka ba na ipangalan sa kanya ng ilang pribadong


paaralan at ang pangunahing lansangan sa Antipolo? Bakit?
5. Bilang isang mag-aaral sa ikalimang baitang, paano mo
maipamamalas ang pagpapahalaga sa mga katulad ni Don Juan
Sumulong na isang bayani ng lungsod ng Antipolo o kulturang
Antipoleño?

GAWAIN 3. Pag-unlad ng Talasalitaan

Alamin mo ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa


pamamagitan ng pagtukoy sa kasalungat na kahulugan. Isulat ang sagot sa
sagutang papel o kuwaderno.

1. Naging rebolusyonaryo si Juan Sumulong nang sumiklab ang


rebolusyon laban sa mga Espanyol.
2. Kumandidato siya bilang katunggali ni Manuel Quezon sa
pagkapangulo.
3. Nabuo ang Lalawigan ng Rizal nang magsanib ang dalawang
lalawigan, ang Morong at Maynila.
4. Siya ay pumanaw noong ika-9 ng Enero, 1942, dalawang linggo
bago ang eleksyon.
5. Sinang-ayunan ni Konsehal Sumulong ang pagsasanib ng
dalawang lalawigan.

Alam mo ba?
Ang pagbalangkas ay maayos na paghahati-hati ng mga kaisipan ayon sa
pagkakasunod-sunod. 85

May tatlong kategorya ng balangkas


Dibisyon – Ito ay gumagamit ng mga panandang Bilang Romano
GAWAIN 4. Pag-unawa sa Binasa

Punan mo ang balangkas ng paglalarawan sa pangunahing tauhan at


mahahalagang pangyayari sa talambuhay na binasa.

_______________________________
Pangunahing Tauhan

I. Personal na Impormasyon 86
A. Ipinanganak noong _______________sa ______________
B. Ang kaniyang mga magulang ay sina _________ at _____.
87
A. Nakatikim ka na ba ng suman ng Antipolo? Alam mo ba na isa ito
sa mga pagkaing dinarayo ng mga dayuhan dito sa Antipolo? Ano-
ano nga ba ang mga hakbang na sinusunod sa paggawa nito?
Isulat mo sa iyong kuwaderno. Pagkatapos, basahin mo ito sa
klase.

Hakbang sa Pagluluto ng Suman

1. _______________________________________
2. _______________________________________

3. _______________________________________
4. _______________________________________
5. _______________________________________

B. Basahin mo ang usapan. Pagkatapos, ayusin mo ang mga titik na


may salungguhit upang mabuo ang pangungusap na sinasabi
tungkol kay Don Juan Sumulong. Isulat sa kabilang speech balloon
ang iyong sagot.

Aok ay tutulad sa __________________________


katapangan ni Don Juan __________________________
Sumulong.

Ang nanungkulan ng __________________________


limang termino sa senado __________________________
ay isya.

Ang nyangka pangarap ay


__________________________
natupad sa kabila ng
__________________________
kanyang sakripisyo at
kasipagan.
Tanong:
1. Ano ang tawag sa mga salitang may salungguhit sa speech
balloon?

88
2. Anong uri ng panghalip ito?

Isipin Mo!

Kaukulan at Gamit ng Panghalip Panao


Ang panghalip panao ay may tatlong kaukulan. Makikita ito sa
pamamagitan ng pagkakagamit ng panghalip sa pangungusap.
A. Kaukulang Palagyo- Ito ang kaukulan ng panghalip kung ang
panghalip ay ginagamit bilang :
1. Simuno ng Pangungusap
Halimbawa:
Tayo ay mamamayan ng Antipolo.
2. Kaganapang Pansimuno
Halimbawa:
Ang dapat nating ipagmalaki ay siya.

B. Kaukulang Paukol o Palayon – Ito ang kaukulan ng panghalip


kung ang panghalip ay ginamit bilang:
1. Layon ng Pandiwa
Halimbawa:
Subukan mong tularan ang kanyang ginagawa.
2. Layon ng Pang-ukol
Halimbawa:
Ang kanyang naging pagpapagal ay para sa atin.

C. Kaukulang Paari – Ito ang kaukulan ng panghalip na nagsasaad


ng pagmamay-ari.
Halimbawa:
Ang kanyang pangarap para sa lungsod ng Antipolo
ay unti-unti ng natutupad.

Subukin Mo!

Pagsasanay A

89
Isulat mo sa iyong sagutang papel o kuwaderno kung ang gamit
ng panghalip panaong may salungguhit sa bawat bilang ay simuno,
kaganapang pansimuno, layon ng pandiwa, o layon ng pang-ukol.

1. Kami ay tutulad kay Don Juan Sumulong.

2. Handa kitang tulungang makamit ang iyong pangarap.


3. Ako ay masaya sa kanyang tagumpay.
4. Ikaw ba ay tutulad din sa katapangang taglay ni Juan Sumulong?

5. Ukol bas a iyong kapakanan ang kanyang nagawa sa bayan?


6. Ang mahalaga ay ikaw.
7. Ang nais ko ay maipagpatuloy ang nasimulang katapangan ni Juan
Sumulong na ipaglaban ang mamamayan ng Antipolo.
8. Mangako tayonghindi kalilimutan ang kanyang magagandang gawi.
9. Aalisin ko ang aking pagiging makasarili.
10. Nais kong maging isang makabagong bayaning tulad ni Juan
Sumulong.
Pagsasanay B

Sipiin mo ang bawat pangungusap sa iyong sagutang papel o


kuwaderno. Ikahon mo ang panghalip panao, isulat kung palagyo,
paari o paukol ang kaukulan nito.
1. Siya ang Antipoleñong nagpamalas ng katapangan.
2. Atin ang karangalang maging isang Antipoleñong tulad niya.
3. Sila ay sumang-ayon sa pagsasanib ng lalawigan ng Morong at
Maynila.
4. Tunay na kanya ang karangalang ito.
5. Para sa atin, mga Antipoleño, ang pagtatanggol na kanyang
ipinamalas.
6. Tiniis niya ang hirap at sakripisyo upang matupad ang kanyang
mga pangarap.
7. Kanilang sinubok ang katalinuhan ni Juan Sumulong.
8. Nais raw niyang masiguro ang hangganan ng Antipolo at Cainta.
9. Labing isa ang kanyang naging anak.
10. Iaalay ko ang karangalang ito sa lahat ng mga Antipoleño.

Pagsasanay C

90
Gamitin mo ang sumusunod na panghalip ayon sa hinihinging
gamit o kaukulan sa pagbuo ng pangungusap sa usapan tungkol sa
isang karanasan mo sa pamamasyal sa Lungsod ng Antipolo.
1. akin – palagyo
___________________________________________________

2. iyo – paukol
___________________________________________________
3. atin – paari

____________________________________________________
4. kayo – palagyo
____________________________________________________

5. kanya – paukol
____________________________________________________

Natitiyak ko na naunawaan mo na ang kahalagahan ng paggamit ng


paggalang sa ideya, damdamin at kultura ng Antipoleño. Gayundin ang
kasanayan sa paggamit ng kaukulan ng panghalip sa pagsasalaysay ng
sariling karanasan. Malaki ang maitutulong nito upang maisagawa ang
gawain.

91
Mahusay! Malaki ang naitulong ng mga gawain sa iyong pag-unawa sa
aralin. Pagkakataon mo nang ilapat ang iyong natutuhan sa pamamagitan ng
kasunod na gawain.

Ipagdiriwang ng Lungsod ng Antipolo ang SUMAKAH Festival. Ikaw at


inyong pangkat ay inataasan ng Punong Lungsod na bumuo ng pagpaplano o
balangkas ng gawain sa isasagawang paligsahan ng pagtatanghal ng sayaw
o street dancing. Punan ang pormat sa balangkas ng gawain. Tatayain ang
isasagawang balangkas batay sa:
a. Nilalaman ..................... 5
b. Kaangkupan ..................... 5

c. Pagkakabalangkas .................... 5
d. Bilis ng Paggawa ..................... 5

Programa/ Layunin Pamamaraan Tauhang Oras/


Proyekto o Kasangkot Panahon
Istratehiya

Binabati kita sa matiyaga mong pagsasagawa ng mga gawain sa araling


ito. Natitiyak kong napatunayan mo ang kahalagahan ng pagpapahayag na
may paggalang sa ideya, damdamin at kultura. Gayundin, nagkaroon ka ng
kaalaman sa wastong gamit ng kaukulan ng panghalip upang makabuo ng
balangkas na gawain.
Marahil ay nakahanda ka nang alamin ang susunod na aralin.

92
Aralin 9 Sariling Bayan, Mahalin Natin
Panimula
Ang Aralin 9 ay tungkol sa isang tula na nagpapahalaga sa ating wika.
Tatalakayin din ang panghalip pananong na makatutulong din upang mabuo
mo ang inaasahang pagganap sa araling ito.

Narito ang mga gawain na makatutulong sa iyo upang masagot mo ang mga
sumusunod na mahahalagang tanong:

1. Sa paanong paraan mo ipinamamalas ang pagpapahalaga sa ating


wika?
2. Paano makatutulong ang paggamit ng panghalip pananong sa
usapan? sa pagsasabi tungkol sa sariling karanasan?

GAWAIN 1: Bigkasin Mo!

 Naranasan mo na bang tumula sa harapan ng buong klase?


 Ano ang naramdaman mo sa iyong pagbigkas ng tula?
 Sa anong wika mo ito binigkas? Tama ba ang iyong ginawang
pagbigkas ng tula?
 Bigkasin mo nang tama ang isang saknong ng tula na nasa ibaba.

Ang wikang pambansa, nagsisilbing ilaw


Gabay sa landas ng pagkakaunawaang tunay
May dulot na alab at lakas ng pagkakaugnay
Sa anumang sigalot, lahat ay mapaparam.

93
Tanong:
Batay sa tulang binasa at binigkas, ano ang bagong natuklasan mong
kaalaman? Isulat ang sagot sa grapikong presentasyon.

GAWAIN 2. Isyu...Reaksiyon Mo!

Ipahayag ang sariling reaksiyon batay isang isyung nakalahad sa


paraang patula sa pamamagitan ng pagsagot sa mga tanong.

Ang Boto ng Bayan!

Maka-Diyos, maka-tao at maka-kalikasan,


Opisyal na tunguhin at responsibilidad.
Kaibigang tunay at laging malalapitan,
Kabutihang panlahat ang tinitignan.
Kaya’t sa eleksyon, boto ng bayan,
Ilaan kay Wowee Congressman!

Sanggunian: Barcelo, Teresa P. et.al. Filipino Yaman ng Salinlahi Baitang 6. 2015. Sunshine
Publishing House, Inc. Tomas Morato , Quezon City.

94
Tanong:
a. Tungkol saan ang binasang tula?
b. Ano ang nais iparating ng tula sa tagapakinig o
mambabasa ?
c. Batay sa binasa, ilarawan ang katangian ng isang
kandidato. Sang-ayon ka ba dito ? Bakit ?
d. Kung ikaw ay isang botante, pipiliin mo ba siya ? Bakit ?

Nasagot mo ba lahat ang mga mga katanungan sa itaas? Magaling!


Ngayon naman ay subukin mo ang kakayahan mo sa lawak ng iyong
bokabularyo.

GAWAIN 3. Bokabularyo Ko...Palawakin Natin!

Sa ibaba ay nakasulat ang mga mahahabang salita na mababasa mo


sa tulang “Iba-ibang Wika, Iisang Diwa.” Sipiin mo ito sa sagutang papel at
bumuo ka ng panibagong mga salita mula mula dito.

sinasalita pamahalaan adhikain

batayan kalakalan

95
Inaasahan ko na nakapagpahayag ka ng iyong reaksyon o opinyon
mula sa tulang binasa. Nakabuo ka rin ng mga bagong salita na magagamit
sa pagbasa ng bagong tula. Maaari mo nang ipagpatuloy ang pag-aaral.

Sinasabing “Ang wika ay salamin ng lahi.” Naniniwala ka ba rito?


Kung gayon, basahin mo ang tula upang mapatunayan mo ito.

Iba-ibang Wika, Iisang Diwa

Luzon, Visayas at Mindanao, bumubuo sa bansa


May kanya-kanyang taglay, iba’t ibang wika:
Nariyan ang Tagalog, Cebuanong sinasalita
Bikolano, Pampango’t iba pang nakatala.

Bawat isa’y mahalaga, walang tulak-kabigin.


Wikang nagisnan at lagi mong gamitin
Magkaiba man sa kahulugan sa bigkas ay iba rin.
Suriing mabuti, di nagkakalayo sa tunguhin.

Wika ng rehiyon, wikang pinag-ugatan


Niyong mga adhikain pangarap ng mga mamamayan
Sa talastasa’y tulay napagkakaunawaan
Anumang pagkakalayo’y tiyak na mag-uugnay.

Ang mga wikang ito’y siyang yaman ng bayan


Unang ginamit at nakamulatan
Umunlad ang rehiyon maitatanging batayan
Niyong wikaing sa salita ng bayan.

Ang sentro ng kalakala’t ahensiya ng pamahalaan


Wikang pangrehiyon ginamit na tunay
Nagiging madali ang pag-uugnayan
Malaking ambag sa kaunlaran ng bayan.

Halaw sa aklat ni Vico, Lorelie L. 2010. Talindaw,


Aklat sa Wika at Pagbasa, pahina 141-142.

96
Nabasa mo ba ng mahusay ang tula? Magaling! Binabati kita! Marunong
ka na ngayong bumasa nang tula ng tama.
Ngayon sa iyong pagbabasa ng tula, ano ang natuklasan mo tungkol sa
wika? Isagawa mo ang mga kasunod na gawain.

GAWAIN 4. Pag-unlad ng Talasalitaan

A. Bago mo binasa ang tula, may mga mahahabang salita na iyong


sinagutan sa Gawain 3. Isulat mo ang mga maiikling salitang-ugat
mula rito. Ngayon naman, ibigay mo ang kasalungat na kahulugan ng
mga salitang ito. Isa-isahin mo at isulat sa iyong kuwaderno.
1. sinasalita
2. pamahalaan
3. adhikain
4. batayan
5. kalakalan

B. Ngayon naman, ibigay mo ang kasalungat na kahulugan ng mga


salitang pamilyar sa Hanay A sa pamamagitan ng pagpili sa Hanay B
ng kasalungat na kahulugan
Hanay A Hanay B
1. mabuti A. bumagsak
2. umunlad B. peke
3. madali C. maliit
4. tunay D. masama
5. malaki E. mahirap

GAWAIN 5. Pag-unawa sa Binasa

A. Ngayon, subukin mo ang kakayahan mo sa pagsagot sa mga tanong


tungkol sa iyong binasang tula.

97
Ako at ang Aklat
1. Ano ang tatlong pulo sa
“Ang sagot ay makikita sa aklat o bansa?
kaya’y isipin mo muna bago 2. Paano nagkakaunawaan
hanapin.” ang mga tao sa bawat
rehiyon?
3. Ano ang nagagawa ng
wika?
Ako at ang may-akda
1. Bakit nagiging madali ang
“Ang sagot ay nasa awtor at sa iyo pag-uugnayan ng bawat
o kaya’y nasa isipan mo.” rehiyon?
2. Bakit kailangan mong
gamitin ang sariling wika sa
pakikipag-ugnayan sa
iyong mga kaklase?
kalaro? kaibigan?

B. Matapos mong sagutin ang mga katanungan tungkol sa tula,


subukin mo namang magbigay ng limang mga bagong kaalaman na
natuklasan mo mula sa tulang iyong binasa.
1. _________________________________________
2. _________________________________________
3. _________________________________________
4. _________________________________________
5. _________________________________________

Naisulat mo bang lahat ang mga bago mong kaalaman na


natuklasan? Binabati kita!

98
Matapos mong mabasa at maunawaan ang tula ngayon naman ay
babasa ka ng isang usapan.

Sino ang magiging Bakit kailangan kong


Ano kaya ako
gabay ko sa aking mag-aral na mabuti?
paglaki ko?
pag-aaral?

Gaano kaya tatagal Kani-kanino


Paano ako ang aking
makararating iaalay ang
paglalakbay sa pagtatagumpay
sa ibang pagtamo ng aking
bansa? na ito?
pangarap?

Naunawaan mo ba ang dayalogo? Ano-anong mga salita ang may


salungguhit? Ano ang tawag sa mga salitang ito? Nakatutulong ba ito sa
pagsasalaysay ng karanasan?

99
Isipin Mo!

Panghalip Pananong
Ang panghalip pananong ay mga salitang ginagamit na pamalit sa
ngalan ng tao, bagay, lugar at iba sa paraang patanong. Maaari itong
isahan o maramihan.
Isahang Anyo Maramihang Anyo
Ano ano-ano – tumutukoy sa bagay, gawain at katangian
Sino sino-sino – tumutukoy sa tao
Alin alin-alin – tumutukoy sa tiyak na tao o bagay
Kanino kani-kanino – nagpapahayag ng pagmamay-ari
Ilan ilan-ilan – tumutukoy sa mga salita o ilang ng
pangngalan
Magkano magka-magkano – tumutukoy sa mga bagay na may
halaga o binibili/pagbibili
Saan saan-saan – tumutukoy sa pook
Kailan kai-kailan – tumutukoy sa panahon
Gaano gaa-gaano – tumutukoy sa bagay na nasusukat o
natitimbang

Pagsasanay A

Basahin ang sumusunod na pangungusap. Kopyahin sa


sagutang papel ang pangungusap at bilugan ang ginamit na
panghalip pananong.
1. Saan kayo magpipiknik bukas?
2. Kani-kanino ang mga gamit na iyan?
3. Gaano karami ang taong dumalo sa pagtitipon?
4. Kailan ka magdaraos ng iyong kaarawan?
5. Ilan ang binili mong suman?
6. Sino-sino ang mga kaibigan mo?
7. Saan-saan kayo pupunta sa lakbay-aral?
8. Magkano ang pinamili mo?
9. Ano ang ginagawa mo?
10. Kanino ka pupuntang guro?

Mahusay ka kung nasagot mong lahat ang mga hinihinging


panghalip pananong sa pangungusap. Kung hindi mo naman
nasagot ay ipagpatuloy mo pa ang pagsagot sa susunod na
pagsasanay.
100
Pagsasanay B

Punan ng angkop na panghalip na pananong ang patlang upang


mabuo ang diwa ng pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.
1. ___________ ka pupunta?
2. ___________ mga lugar ang napuntahan mo na?
3. ___________ ang pangalan ng iyong guro?
4. ___________ ang mga kaibigan mo sa loob ng silid-aralan?
5. ___________ ang perang baon mo ngayon?
6. ___________ang paborito mong pagkain?
7. ___________ang baon mong pera?
8. ___________ ang dadalhin mo sa lakbay-aral?
9. ___________ ang kasama mo?
10. ___________ taon ka na?

Mahusay! Napili mong mabuti ang mga panghalip pananong

Pagsasanay C

Ngayon naman ay subuking ibigay ang panghalip-pananong na


angkop sa mga sumusunod na larawan. Isulat sa kahon ang iyong
sagot.
1.

2.

3.

4.

5.

Wow! Mahusay ka talaga. Dagdagan mo pa ang sipag. Subukin mo


namang gawin ang pagsasanay na pasulat sa ibaba.
101
Pagsasanay D

Basahin ang talata sa ibaba at bumuo ng mga tanong mula rito.

Matatagpuan ang kilalang Hinulugang Taktak sa Lungsod ng


Antipolo. Ito ay naging isang National Park na pinagtibay noong
Setyembre 18, 1990 sa ilalim ng batas o ng Republic Act 6964 ni
Congressman Francisco “Komong” Sumulong. Bukod sa mga taga-
Antipolo marami na rin ang mga taong galing sa iba’t ibang lugar ang
dumarayo dito. Kaya ito ay isa na sa mga pangunahing lugar na puntahan
ng mga turista sa lungsod ng Antipolo.
Rizal: Noon, Ngayon at Bukas
Tinipon nina: Dolores M. Orlina
Concepcion U. San Antonio
Sinaliksik, tinipon at sinulat ni Ben M. Alarcon

Mga Tanong:

1. __________________________________________________
2. __________________________________________________
3. __________________________________________________
4. __________________________________________________
5. __________________________________________________

Alam mo ba ang iba’t ibang uri ng pormularyo? Nakaranas ka na


bang magsagot nito? Alam mo ba kung saan ito ginagamit?

Pagsasanay E

Ngayon naman ay subukin mong masagutan ang mga hinihinging


datos sa Personal Data Sheet na isang halimbawa ng pormularyo sa ibaba.

Personal Data Sheet

Pangalan: _________________ Edad: _______ Kaarawan: ________


Baitang at Pangkat:______________
Tirahan: _________________________________________________
Timbang:____________________ Taas:____________________
Pangalan ng Magulang
Ama:_______________________ Trabaho: ________________
Ina:__________________________ Trabaho: _______________
Mga Paborito
Asignatura:____________________ Awit:___________________
Sayaw:_______________________ Pagkain: _______________
Guro: ________________________ Artista:__________________

102
Isa ka sa mga kasapi ng Student Government Council (SGC).
Nagsagawa kayo sarbey at ang naging resulta na suliranin ng mag-aaral sa
kasalukuyan ay ang bullying. Bilang kasapi ng SGC, ikaw ay inaasahang
bubuo ng batas o alituntunin para sa maiwasan ang pagtaas ng kaso ng
bullying sa paaralan. Ang batas o alituntunin ay ipapaskil sa loob ng silid-
aralan upang maipaalam sa lahat ng mag-aaral. Itataya ang iyong batas o
alituntunin na binuo batay sa sumusunod na pamantayan:

a. nilalaman ................. 5
b. kaugnayan sa paksa ..... 5
c. orihinal ……................ 5
d. gamit ng salita ............... 5
e. malikhain ….................. 5
Kabuuan ........... 25

Binabati kita sa matiyaga mong pagsasagawa ng mga gawain sa araling


ito. Natitiyak kong nakapagpahayag ka ng sarili mong opinyon o reaksiyon sa
tulang binasa. Gayundin, nagkaroon ka ng kaalaman sa wastong gamit ng
panghalip pananong.
Marahil ay nakahanda ka nang alamin ang susunod na aralin.

103
Aralin 10 Pangangalaga sa
Likas na Yaman
Panimula

Ang Aralin 10 ay tungkol sa likas na yaman ng ating kapaligiran na


Malaki ang maitutulong sa ating pang-araw-araw na pamumuhay kung kaya’t
dapat natin itong pahalagahan at ingatan. Tatalakayin din ang uri ng
panghalip na makatutulong din upang mabuo mo ang inaasahang pagganap
sa araling ito.
Narito ang mga gawain na makatutulong sa iyo upang masagot mo ang
mga sumusunod na mahahalagang tanong:

A. Sa paanong paraan mo mapangangalagaan ang likas na yaman


sa inyong kapaligiran?
B. Paano makatutulong ang mga uri ng panghalip sa pagsulat ng
liham pangkaibigan?

GAWAIN 1. Panuto ...Sundin Mo!

Makinig kang mabuti sa ibibigay na panuto ng inyong guro o babasahin


ng iyong kamag-aral. Isagawa ito sa isang malinis na papel.

1. Gumuhit ka ng isang malaking hugis ulap.


2. Sa ibaba nito ay gumuhit ka ng dalawang linyang patayo na
magkalayo.
3. Isulat ang iyong pangalan sa loob ng hugis ulap.
Nasunod mo ba ang mga panuto? Ano ang iyong nabuo? Isang puno
ba? Mahalaga ba ang puno sa atin? Paano mo mapahahalagahan o
maalagaan ang mga puno?
Madalas tayong makarinig ng mga panuto sa tahanan, paaralan at iba
pang lugar na ating pinupuntahan. Ang panuto ay nagtataglay ng
sumusunod na mga katangian:
a. malinaw
b. madaling maunawaan
c. maikli

104
GAWAIN 2. Paksa ng Talata...Ibigay Mo!

Basahin ang talata at ibigay ang paksa. Isulat sa sagutang papel ang
iyong sagot.
1. Magdiriwang ng ika-50 anibersaryo ng kasal sina Nana Tikya at Tata
Berong. Nilalagyan ng dekorasyon ng mga kababaihan ang kanilang
bahay. Tumulong sa pagluluto ang mga kamag-anak nila. Ang mga
kaibigan ni Tata Berong ay tumulong sa pagkakatay ng mga manok
at baboy. Sa paghahanda ng mesa, ang mga anak na dalaga at
kaibigan ay namahala.
Paksa: __________________________________________

2. Ang bawat bansa ay napapaloob sa isang pamahalaan. Iba-iba man


ang uri ng pamahalaan sa mundo ang mahalaga ay kinikilala at
tinutupad ito ng mga mamamayan upang maging maayos ang
bansa.

Paksa: __________________________________________

3. Ang mga kabataan sa barangay Bagong Nayon ay nagkaroon ng


proyekto hinggil sa kalinisan ng barangay. Ang bawat kabataan ay
sama-samang nagtulungan. May naglinis ng mga kanal,naggamas
ng mga damo, nagwalis ng kalsada at nagtapon ng basura. Lahat
sila ay masayang nakiisa na walang hinihintay na kapalit o
kabayaran.
Paksa: __________________________________________

4. Isang dakilang bayani si Apolinario Mabini. Kinikilala siya ng lahat ng


tao sa Pilipinas. Ginamit niya ang kaniyang talino sa pakikipaglaban
sa mga Kastila upang maging malaya ang ating bansa. Sa kabila ng
kahinaan ng kanyang katawan ngunit matalas ang kanyang isipan.
Hango: Luang, Milagros O. Filipino sa Bagong Kurikulum. 2003.
Cultural Publisher Del Monte Avenue, Quezon City

Paksa: __________________________________________

5. Totoong masarap maging bata. Di nga ba’t ang bata ay walang


ibang hinahangad kundi kaligayahan, pag-aaruga, pagmamahal at
pag-unawa ng kanilang mga magulang? Sabi nga ng isang ina, ngiti
pa lang ng kanyang bunso, tanggal na ang lahat ng kanyang pagod.
Anghel kung ituring sila sa loob ng tahanan.
Hango: Llorando, Liza R. et.al. Bandila. 2010.
Sunrise Publication Hauz, Inc. Sta. Mesa, Manila
Paksa: __________________________________________

105
Inaasahan ko na nakasunod sa mga panuto at nakilala mo ang
paksang binasa mong talata. Maari mo nang ipagpatuloy ang pag-aaral

Alamin mo ngayon sa babasahing kuwento kung ano ang paksa nito.

Bayanihan Para sa Kalikasan


“O, Celia, ano ba? Dali-dalian mo ang paghahanda.
Tatanghaliin na tayo,” ang nagmamadaling tawag ni Mang Ben sa
asawa.
“Oo, andiyan na,” ang sagot ni Aling Celia. “Aba’y bilisan mo na.
Mahuhuli na tayo sa pagpupulong na ipinatawag ni Kapitan,” ang wika
pa niya.
“Itay, saan po ba kayo pupunta?”, tanong ng bunsong anak na si
Rodel.
“Anak, doon sa barangay hall. May pagpupulong ang lahat ng
mag-aasawa dito sa baryo natin. Pagkatapos daw ay pupunta kami sa
tabi ng ilog upang linisin ito,” tugon ni Mang Ben.

“Itay, maaari po ba akong sumama?”, tanong ni Rodel.


“Dumito ka na lamang anak, mag-aral ka ng iyong liksyon,”
tugon ni Mang Ben.

106
“Sige po, Itay. Magpapaturo po ako kay Ate,” ang wika ni Rodel.
“Malou, huwag mong kalilimutan ang pagwawalis ng bakuran,
ha. Ang bagong walis ang ipangwalis mo,” ang paalala ni Aling Celis.
Naroroon na ang lahat nang dumating ang mag-asawa.
“Ako’y lubhang nagagalak at nakadalo kayong lahat sa
ipinatawag kong pulong,” pasimula ni Kapitan Cruz.
“Marahil ay hindi kaila sa inyo ang proyektong “Sagip Kalikasan”
na inilunsad dito sa ating baryo sa ilalim ng aking pamumuno. Ang
tanging adhikain ng proyekyong ito ay ang makatulong sa
panunumbalik ng dating hitsura ng ating kapaligiran.”
“Una nating sasagipin ang ilog na patungo sa karagatan.
Lubhang maaapektuhan ang karagatan kung hindi natin unang lilinisin
ang ilog at ang pampang nito,” dagdag pa niya.
“Kapitan, sabihin na po ninyo ang aming gagawin,” wika ni Mang
Kadyo.
“Ang mga kalalakihan ay siyang maglilinis ng ilog at ang
pampang nito. Ang mga kababaihan naman ang magtatanim ng puno
at mga halamang namumulaklak,” paliwanag pa niya.
“Cely, ikaw na ang pamamahalain ko riyan. Kunin ninyo sa likod
ng barangay hall ang mga hiningi kong halaman sa “Punlaan ng
Bayan,” wika ni Kapitan Cruz.
“Opo Kapitan, bahala na po ako roon, sagot ni Aling Cely.
“Kapitan, saan po kami magsisimulang maglinis?” tanong ni
Mang Nestor.
“Doon sa pinakabukana ng ilog. Ang bahagi ng ilog na
pinagtatapunan ng basura ng ing mga tambak ng basura,” ang tugon ni
Kapitan.
“Huwag kayong mag-alala, ipaghahanda kayo ng meryenda ng
mga opisyales ng sangguniang kabataan ng ating barangay,” dagdag
pa niya.
“Salamat po Kapitan,” sabi ng lahat.
“Sana’y magtagumpay ang ating gagawing bayanihan. Alam
n’yo namang walang pondo ang ating barangay para tustusan ang
proyektong ito. Nananangan lang ako sa inyong pakikiisa sa gawaing
ito. Maaasahan ko ba ito?”, tanong ni Kapitan.
“Aba’y opo. Hindi lang naman ito para sa ating sarili kundi sa
susunod pang henerasyon, di ba mga kasama?”, ang tugon ni Mang
Berto sa mga kasama.
“Oo naman. Siya, halina kayo, habang hindi pa tirik ang araw,”
wika ni Mang Jose.
Makaraan ang isang buwang paglilinis at pag-aayos ng paligid
ay bumisita ang alkalde na siyang naging panauhing pandangal sa
pasinaya ng bagong linis na pook.

107
“Ako’y labis na natutuwa sa pamamagitan ng pagbabayanihan
ng mga tao dito’y muling gumanda ang pook at ang ilog na ito. Noong
araw, pinagliliguan namin ni Kapitan Cruz na aking kababata ito.
Marami ring mga maybahay ang dito’y naglalaba. Piknikan din ng mga
kabataan at tagpuan ng magsing-irog,” sabi niya. Sana’y di
panandalian lamang ang proyekto ninyong ito. Pag-ibayuhin ninyo pa
ang inyong kampanya sa pagsagip sa ating yamang-tubig at yamang-
lupa.
“Opo, Mayor. Makakaasa po kayo riyan,” sang-ayon ng mga tao.
“Babantayan namin ang lugar na ito. Ang sinumang
mamiminsala ay may hihintaying kaparusahan,” ang pahayag naman ni
Mang Louie.
Masayang nag-uwian ang mga tao. Sa bahay nila Mang Ben ay
naghihintay naman ang magkapatid na Rodel at Lily sa pagdating nina
Mang Ben at Aling Celia.
“Mano po Itay, Inay!” ang salubong ng magkapatid.
“Itay, pwede po ba ninyo akong turuan sa aking takdang-aralin?
Kahit medyo pagod po kayo?” ang tanong ni Rodel sa ama.
“Aba, oo anak, ano ba iyon?”
Tungkol po ito sa pagsulat ng liham sa isang kaibigan,”sagot ni
Rodel.
“Aba’y madali lamang iyan anak, kumuha ka ng isang malinis na
papel. Dapat mong tandaan na sa pagsulat ng liham kinakailangang
buo ang diwa at malinaw. Dapat din nating gamitin ang wastong bantas
at gamit ng malalaking titik,” dagdag pa nito.
“Salamat po, Itay, wika ni Rodel.
“O siya magpahinga ka na pagkatapos mo riyan at maaga pa
ang pasok mo bukas,”wika ni Mang Ben.
“Opo, Itay,” sagot ni Rodel.

Hango sa : Lirio, Josefina C. at Cleta R. Fetalvero .FILIPINO,


Yaman ng Lahing Kayumanggi 5 . 2010. St. Bernadette Publications, Inc.pp. 188-190

Tingnan naman natin kung naunawaan ninyo ang inyong binasa.


Sagutin ang sumusunod na tanong.
1. Tungkol saan ang kuwento?
2. Ano ang proyektong inilunsad sa kanilang lugar?
3. Anong reaksyon ang maibibigay mo tungkol sa ginawang
bayanihan ng mga tao?
4. Ikaw, naranasan mo na bang makilahok sa bayanihan? Ipahayag
ang sariling karanasan sa pakikipagbayanihan.

108
GAWAIN 3. Pag-unlad ng Talasalitaan

Basahin mo ang mga salitang di-pamilyar na may salungguhit sa bawat


pangungusap. Ibigay mo ang kahulugan ng mga ito ayon sa pagkakagamit sa
pangungusap. Piliin mo ang sagot sa loob ng kahon.

1. Ang aking tanging adhikain ay maibalik ang dating ganda ng


kapaligiran natin.
2. Kailangang tustusan ng pamahalaan ang sinimulan nilang proyekto
upang ito’y matapos kaagad.
3. Walang pondo ang ating samahan kung kaya’t tayo’y mag-ambag
ng ating makakayanan.
4. Dapat nilang pamarisan ang ginawang pagtutulungan sa baryong
iyon.
5. Nilinis ng mga kalalakihan ang pinakabukana ng daan.

bungad mithiin
gastusan salapi tularan

GAWAIN 4. Pag-unawa sa Binasa

Basahin at unawain mo ang bawat talata. Pagkatapos, ibigay


mo ang paksa nito. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ang ina ay sinasabing ilaw ng tahanan. Siya ang nag-alaga sa atin


mula sa pagsilang hanggang sa ating paglaki. Malaki ang naging
papel niya sa paghubog sa ating pagkatao upang lumaki ng isang
mabuting bata. Sinisikap niyang ibigay ang lahat ng ating
pangangailangan. Pinag-aral niya tayo upang maging maganda ang
ating kinabukasan.
Halaw sa aklat ni Manlapaz, Carolina D.
Filipino, Wika Ko, Wika Mo.2003. The Library Publishing House Co. Quezon Ave.
Quezon City.

Paksa: _________________________________

109
2. Ang bawat nilalang, maging tao man, hayop o bagay ay may
kani-kaniyang katangian. Taglay nito ang sariling kakayahan
na magpakilala sa kanyang pagiging isang tao, gayundin sa
ibang bagay. Tulad sa wika, tayo ay binigyan ng sari-sariling
wika kung saan ang bawat isa ay magkakaunawaan. Kaya
ang ating wika ay maaaring ihambing sa iba sapagkat ito
man ay may pagkakaiba.
Halaw sa aklat ni Manlapaz, Carolina D. Filipino, Wika Ko, WikaMo.2003.
The Library Publishing House Co. Quezon Ave. Quezon City.

Paksa: _________________________________

3. Naalala ko pa noong ako ay naninirahan pa sa aming


probinsiya. Doon ay tahimik, sariwa ang hangin, maraming
mga magagandang halaman at bulaklak. Makikita rin ang
mga punong ginagawang tirahan ng mga ibong nag-aawitan.
Hindi ko rin malilimutan ang madalas na paliligo sa
napakalinaw at napakalinis na ilog kasama ang aking mga
kaibigan at kalaro. Ang mga larawang ito ay naging daaan
upang hangaan ko at pahalagahan ang ganda ng kalikasan.
Hango: Llorando, Liza R. et.al. Bandila. 2010.
Sunrise Publication Hauz, Inc. Sta. Mesa, Manila

Paksa: _________________________________

4. Teknolohiya, isa sa mga kalakasan ng kasalukuyang


panahon. Marami ang naniniwala na ang teknolohiya tulad
ng radyo, telebisyon at maging kompyuter ay mahalaga para
sa kaunlaran ng ating bayan. Nagpapakita ng
pagbabago ang mga imbensyon na ito dahil sa teknolohiya.
Hango: Barcelo, Ma. Teresa P. Filipino, Yaman ng Lahi . 2015.
Sunshine Publishing House., Inc. Tomas Morato, Quezon City .

Paksa: _________________________________

5. Sa isang pagtatanghal, walang kuwento ang maisasadula


kung walang iskrip. Hindi matatawag na dula ang isang
katha kung ito’y itatanghal na walang magsisilbing iskrip.
Nagsisilbing gabay ng mga tauhan upang makapagsadula o
makapagtanghal. Sa iskrip nakapaloob ang diyalogo ng
mga aktor sa pagtatanghal ng bawat tagpo o eksena.

Paksa: _________________________________

110
Basahin mo at unawain ang mga pangungusap na hinango sa kuwento.

1. Itay, saan po ba kayo pupunta?


2. Doon sa pinaka bukana ng ilog tayo magsisimula.
3. May pagpupulong ang lahat ng mag-aasawa dito sa baryo.
4. Sino-sino po ang mga kasama sa pulong?

Sagutin ang mga tanong.


1. Ano ang panghalip na ginamit sa bilang 1?
2. Bilang 2?
3. Bilang 3?
4. Bilang 4?

Isipin Mo!

Batay sa iyong napag-aralan ano-anong mga uri ng panghalip?


Maibibigay mo ba ang kahulugan ng bawat isa?

Uri ng Panghalip
1. Panghalip panao ay inihahalili sa ngalan ng taong nagsasalita, sa
taong kausap at sa taong pinag-uusapan.
2. Panghalip pananong ay ipinapalit o inihahalili sa pangalan sa
paraang patanong.
3. Panghalip panaklaw ay isang uri ng panghalip na sumasaklaw sa
bilang o dami, kaisahan kalahatan.

Pagsasanay A

Isulat mo sa patlang kung anong panghalip pamatlig ang angkop


sa pangungusap.
1. ________ tayo sa pinakabukana ng ilog magsimula.
2. Ilagay mo _________ sa tabi ko ang mga pagkain.
3. ________ sa likod ng barangay hall nakalagay ang mga
pala at kalaykay.

111
4. ________ang gamitin mo sa pagtatanim.
5. ________ sa likod ng pinto ang bagong walis.
6. ________ ang bahay ni Gng. Santos.
7. ________ ang gusto kong yari ng bahay.
8. ________ mo ipatong sa tabi ko ang aking mga libro.
9. Dalhin mo sa ________ silid-aklatan ang mga librong
ating hiniram.
10. _________ ang bag na gusto kagaya sa iyo.

ito naroon doon ganyan


dito nariyan ganito
ayun ganire heto

Pagsasanay B
Punan ng angkop na panghalip panaklaw ang patlang sa
sumusunod na mga pangungusap upang mabuo ang diwa ng
pangungusap. Piliin ang sagot sa loob ng bilog at isulat sa sagutang
papel.
1. _____________ ng mga mag-aasawa sa baryo ay sumama
sa bayanihan.
2. Ang _______________ lumapastangan ay may hihintaying
kaparusahan.
3. _____________ ay inaanyayahang makiisa sa proyekto.
4. ____________ ang Alkalde sa mga natuwa sa kinalabasan
ng proyekto
5. _______________ ang katayuan sa buhay ng mga nakatira
sa baryo ay nakiisa.
6. Ang ______________ ay inaanyayahang making sa
gaganaping pagpupulong.
7. _______________ ang kalagayan mo sa buhay ay nararapat
sumunod sa batas.
8. Kahit na ____________________ lamang ang nakarating sa
pagpupulong ito ay nagging matagumpay.
9. _________ tayo magpunta dapat ay taglay natin ang disiplina.
10. __________ hindi mananaig ang kasamaan kaysa kabutihan.

Lahat anuman kailanman


Madla Balana isa
Kaunti Sinumang Saanman
Anoman

112
Pagsasanay C

Basahin mo ang usapan ng dalawang mag-aaral sa ikalimang


baitang tungkol sa kanilang piknik at ekskarsyon nila sa isang resort.
Salungguhitan mo ang panghalip na ginamit sa pangungusap at
sabihin mo kung anong uri ng panghalip.
Jazmin: Alam mo bang sabik na sabik na ako sa
ekskarsyon natin bukas?
Rej: Ano kayang pagkain ang dadalahin ko?
Jazmin: Magdala ka ng nilagang mani at prutas. Saan nga
pala tayo sasakay?
Rej: Sa dyip nina Mang Obeth at Mang Louie. Ilan ba
tayong magkakasama?
Jazmin: Apatnapu. Sino-sino ba ang mga gurong kasama
natin?
Rej: Sina Gng. Bautista at Gng. Brizuela. Sige magkita
kita na lang tayo bukas sa terminal.

Alam mo ba?
Ang bawat talata ay kinapapalooban ng paksang diwa. Ito ay
maaring matagpuan sa una, sa gitna o sa hulihang pangungusap.

Pagsasanay D

Basahin mo ang bawat talata at ibigay mo ang paksa nito. Isulat


ang sagot sa sagutang papel.
1. Isa sa mga katangiang maipagmamalaki nating mga Pilipino ay ang
mabuti nating pagtanggap sa mga panauhin. Kapag ang isang
pamilya ay may inaasahang panauhin, bawat isa ay abala sa
paghahanda. Sila’y naglilinis at nag-aayos ng kabahayan. Nagluluto
ang pamilya ng masarap na pagkain at naghahanda ng maraming
prutas at inumin. Pinagkakaabalahan din nila kung ano ang
maipauuwing pasalubong ng panauhin.
Paksang diwa:______________________________________

2. Hindi na mabilang ang mga kababayan nating nanguna sa larangan


ng pag-awit, pagpipinta at pag-ukit. Hinahangaan ng mga dayuhan
ang mga produkto nating gawang kamay na tulad ng binurdahan at
nililok. Tunay na ang mga Pilipino ay malikhain sa iba’t ibang
larangan.
Paksang diwa:______________________________________

113
3. Sa pagbabayanihan ng mga tao ang kanilang pook ay muling
gumanda. Muling napaliguan ng mga kabataan ang kanilang ilog,
marami ring mga may bahay ang dito’y naglalaba at naging
tagpuan ng mga magsing-irog.
Paksang diwa:____________________________________

4. Isa sa mga tradisyon nating mga Pilipino ay ang kapistahan. Ang


bawat lugar sa ating bansa ay may kapistahang ipinagdiriwang
bilang pasasalamat sa kanilang patron. Isa pang kilalang tradisyon
natin ay ang bayanihan. Ang bayanihan ay ang pagtutulungan ng
mga tao para sa isang gawain. May mga kababayan pa rin tayong
sumusunod sa ganitong tradisyon lalo na sa mga lalawigan.
Paksang diwa: ______________________________________

5. Ang pamilyang Pilipino ay isang napakahalagang institusyon. Sa


gitna ng maraming suliranin, dapat umiral ang
pagmamahalan, pagkakaisa at pagtutulungan upang lalong
tumibay ang pagsasamahan ng isa’t isa. Ano mang problema ang
dumating, kailangang mapanatiling buo at matatag ang
pamilya. Bukod dito biyaya ng Diyos ang ating pamilya
kaya’t patuloy mong ingatan.
Paksang diwa: ____________________________________

Pagsasanay E

Ngayon ay manonood ka ng isang maikling pelikula o video ni


“Si Pilandok ang Bantay Gubat” Pagkatapos mong mapanood ang
maikling pelikula, pagsunud-sunurin ang mga pangyayari sa sarili
mong pangungusap. Isulat mo ito sa sagutang papel.
Sikaping gumamit ng iba’t ibang uri ng panghalip. _______________
(https://www.youtube.com/watch?v=cs31OwvrSJ0).

114
Natitiyak ko na naunawaan mo na ang kahalagahan ng paggamit ng mga
uri ng panghalip sa pagsusunud-sunod ng mga pangyayari maging sa
pagkilala ng paksa sa isang talata. Upang matiyak ko na naunawaan mo ang
kahalagahan ng konseptong nakapaloob sa araling ito, sagutin ang kasunod
na mga tanong.

1. Sa paanong paraan mo mapangangalagaan ang likas na yaman sa


inyong kapaligiran?

2. Paano makatutulong ang mga uri ng panghalip sa pagsusunod-


sunod ng mga pangyayari o pagkilala sa paksa ng talata?

Alam mo ba?
Ang pagsulat at pagpapadala ng liham ay isang paraan ng komunikasyon
o pakikipag-usap. Isang uri ng liham ay ang liham pangkaibigan. Ito ay
isinusulat para sa isang kaibigan o kakilala.
Mga Bahagi ng Liham
1. Pamuhatan – Naglalaman ng lugar na pinagmulan ng liham.
Nakasulat dito ang address o tirahan ng sumulat.
2. Bating Pambungad- Ito ang pinakasimulang bahagi ng liham na
kalimitang ginagamit ang sumusunod:
 Mahal kong kaibigan,
 Mahal kong ate, at iba pa.

115
3. Katawan ng Liham – Ito ang bahaging nagtataglay ng mga bagay na
nais sabihin ng sumulat.
4. Bating Pangwakas – Ito ang bahaging nagtataglay ng pamahalaan
ng sumulat sa sinusulatan kalimitan na ginagamit dito ay :
 Nagmamahal mong kaibigan,
 Nagpapasalamat,
 Hanggang dito na lamang,
 Ang iyong kaibigan,
5. Lagda – Ito ay ang bahaging nakalagay ang pangalan ng taong
sumulat.

Ang inyong paaralan ay napili na lumahok sa paligsahang ipinalabas


ng Philippine Post sa pagsulat ng liham pangkaibigan. Ikaw ang napiling
lumahok sa inyong paaralan. Sa pamamagitan ng liham isusulat mo sa
iyong kaibigan ang mga bagay na iyong ginagawa sa inyong lugar upang
mapanatili ang kalinisan at hikayatin mo rin siya na makilahok sa mga
gawaing pangkalinisan sa kanilang lugar. Gamitin mo ang wastong
pamamaraan sa pagsulat ng liham pangkaibigan. Itataya ang iyong liham na
isinulat batay sa sumusunod na pamantayan:

RUBRICS SA PAGSULAT NG LIHAM

Puntos Pamantayan
Naisulat lahat ang bahagi ng liham.
Nagamit nang wasto ang malaki at maliliit na titik at bantas sa liham.
5 Wasto lahat ang pagkakabaybay ng mga salita sa liham.
May isang bahagi ng liham ang hindi naisulat.
May isa hanggang sa dalawang pagkakamali sa paggamit ng
4 malalaki at maliliit na titik at bantas sa liham.
May isang salita na mali angpagkakabaybay.
May dalawang bahagi ng liham ang hindi naisulat.
May tatlo hanggang sa apat pagkakamali sa paggamit ng malalaki at
3 maliliit na titik at bantas sa liham.
May dalawang salita na mali ang pagkakabaybay.
May tatlong bahagi ng liham ang hindi naisulat.
May limang pagkakamali sa paggamit ng malalaki at maliliit na titik at
2 bantas sa liham.
May tatlong salita na mali ang pagkakabaybay
0 Walang naisulat na liham.

Binabati kita! Matagumpay mong natapos ang modyul na ito.Batid ko


na naunawaan mong mabuti ang ating aralin. Ihanda mo ang iyong sarili para
sa susunod na modyul.

116

You might also like