You are on page 1of 23

8

Filipino
Ikalawang Markahan
Sariling Linangan Kit 2:
Balagtasan
Filipino 8
Ikalawang Markahan – Sariling Linangan Kit 2: Balagtasan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa SLK na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa SLK na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI


Regional Director: Allan G. Farnazo
Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumuo ng Pagsulat ng Sariling Linangan Kit

Manunulat: Lyn Vincent J. Balatero, Emely L. Fajardo, Hope T. Quebec


Editor: Avelino T. Gapol
Tagasuri: Rene P. Sultan/ Avelino T. Gapol
Tagaguhit: Jemar D. Aliñabo/ Hareld O. Candari
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Mary Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon XI


Department of Education-Division of Davao City
Office Address: Daang E. Quirino, Davao City
Telefax: 224-3274
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph
8

Filipino
Ikalawang Markahan
Sariling Linangan Kit 2:
Balagtasan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang Sariling Linangan
Kit na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa SLK.
Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring
sulatan ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago ka dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung may mga bahagi ng SLK na ito na nahihirapan ka sa pagsagot,
huwag mag-atubiling komunsulta sa inyong guro o tagapagdaloy.
Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan namin na sa
pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa
mga kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

1
Alamin Natin

Sa SLK na ito ay matutuhan mo ang balagtasan at ang mga elemento


nito. Kasabay nito ay lilinangin din ang kasanayang pangwika na hinggil sa
pagpapahayag ng pagsang-ayon at pagsalungat ng opinyon.

Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo


ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
1. nabubuo ang mga makabuluhang tanong batay sa napakinggang palitan
ng katuwiran;
2. naibibigay ang opinyon at katuwiran tungkol sa paksa ng balagtasan;
3. nakapaglalahad sa paraang pasulat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa
isang argumento; at
4. nagagamit ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat sa
paghahayag ng opinyon

Subukin Natin
Panuto: Para sa mga bilang 1-3, isulat ang salitang TAMA kung ang
pangungusap ay nagpapahayag ng kawastuhan, MALI naman kung ito’y
nagpapahayag ng kamalian. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

______ 1. Isang anyo ng panulaan ang balagtasan.


______ 2. Sa paglalahad ng sariling pananaw at saloobin sa anyong pasulat,
mahalagang malaman ang mga salitang magbibigay ng hudyat ng
pagsang-ayon o pagsalungat.
______ 3. Lakandiwa ang tawag sa manunula na magpapahayag ng
oposisyon sa paksa.

Para sa mga bilang 4-5, piliin ang angkop na hudyat ng pagsang-ayon at


pagsalungat.

oo bagaman tama

4. ______ ka, ang mga kabataan ngayon ay higit na mulat sa mga nangyayari
sa kapaligiran.
5. ______ maraming dinaranas na pagsubok ang bayan, lagi silang
umaagapay sa sinomang nangangailangan.

2
Aralin Natin

Basahin ang balagtasan na nasa loob ng kahon.

DAPAT BANG MAY UNIPORME SA PAARALAN


Nina Ruth Bendijo-Casinillo, Fe B. Reponte, at Leodigario Pestolante
(May ilang bahagi ang hindi na isinama sa lathala.)

Lakandiwa:
Nariritong panauhin, tagamasid, at prinsipal,
Mga guro, estudyante, mga treynor, at magulang,
Mga pinagpipitagang lupon nitong inampalan,
Mapagpala at magandang umaga sa inyong tanan.

Labis akong natutuwa ‘pagkat muling nagbabalik


Balagtasan kung tawagin ay palitan ng matuwid.
Dahil dito ay sumigla itong ating pananabik
Na tugunin itong paksang ipupunla’t ihahasik.

Isang mutyang hulog-langit na prinsesa sa bigkasan


‘sang Adonis na makisig na kampeon sa batutian,
Silang dal’wa’y magtatanggol sa panig ng kagustuhan,
Kaya’t sila’y salubungin ng masiglang palakpakan.

3
Bilang inyong Lakandiwa, pinili ko itong paksa,
Mahalaga at seryoso, sa ‘ting utak tumatama,
Dapat bang may uniporme sa iskul na minumutya
‘tong mga estudyanteng labas-masok walang takda?

Uniporme’y hinahanap sa estasyon at pabrika,


Sa gusaling pampubliko’t pambribado’y requirement na;
Ngunit sa ‘ting paaralan, uniporme’y kailangan ba?
Magtatalo’y pumarito kayo’y magpakilala na.

UNANG TINDIG

Mambabalagtas 1 (Dapat)
Maganda’t maaliwalas na umaga itong bati,
Mahal naming Lakandiwa na marapat na itangi,
Ako po si Ivy, mambibigkas na napili
Upang ngayon ay humarap para makipagtunggali.

Ako’y hindi na bagito sa timpalak balagtasan,


Kayrami nang paligsahan itong aking nilahukan,
Sa pag-uwi’y medalya’t korona ang tangan-tangan
Patunay ‘yan na alam ko itong aking pinasukan.

Kaya naman hiling ko, magiting na Lakandiwa,


Mga puntong ilalahad ay suriing may pithaya,
‘pagkat ito ay sa isip at sa puso ko nagmula
Kaya hangad kong magwagi, para sa akin ay biyaya.

Lakandiwa
Sa naririnig na mensahe nitong ating paraluman,
Nadama kong siya’y handa sa pakikipagtagisan,
Kaya aking tinatanggap ang lahat ng ‘yong kahilingan,
Umasa kang bawat punto ay lagi kong pakikinggan.

Katulad mo ay bulaklak na nagsasabog nitong bango,


Kaya naman sumusunod sa landas mo ay paruparo,
Siya lamang ang nangahas makipagtagisan sa ‘yo
Baka naman marahuyo sa ganda mo ang ginoo?

Kung anuman ang layunin, ito ay aking iiwan


‘pagkat itong paruparo’y alumpihit parang tandang;
Kaya’t magpakilala ka’t ikaw’y aming huhusgahan
Kung marapat kang sumabak sa timpalak balagtasan.

4
UNANG TUGON
Mambabalagtas 2 (Hindi Dapat)
Paggalang po Lakandiwa, kapayapaa’y suma’yo
Ang umagang pagkaganda’y iniaalay ko sa iyo
Ngalan ko po’y Rey, taga-Iligan City po ako,
Kampeon sa talumpatian, ang pagbigkas ay yaman ko.

Katalo ko ay maganda at tunay na kaakit-akit


Subalit kung bibigkas na, tayo kaya ay maakit?
Sa timpalak balagtasan ang puhuna’y yaong tinig
Kaya na yaong diwang ipinunla at ihasik.

Kaya naman kung may hiling katunggaliang binibini,


Lingkod ninyo’y may hiling din, Lakandiwang pinupuri,
Kaisipang ilalahad pakasuriing mabuti
‘pagkat ito ang marapat, maging gabay ng marami.

Lakandiwa
Itong pagpapakilala, sa isip ko’y may naiwan
Na bihasa ang dalawa sa pagbigkas na larangan,
Kaya naman Lakandiwa’y abot-abot ang pag-asam,
Pagpapasiya’y maging patas sa pagbigay-kahatulan.

Unang tindig sisimula, lumapit ka paraluman,


Ipagtanggol ang panig mo, iparinig sa ‘ming tanan,
Bawat punto’y susukatin, bawat tindig pupuntusan
Bawat sagot sa katalo’y mataman kong pakikinggan.

IKALAWANG TINDIG

Mambabalagtas 1
Noong aking kamusmusan, kayrami kong mga tanong
Daming bakit at paano, wala pa ring mga tugon,
Pagmulat ng mga mata, uniporme’y sumalubong,
Doktor at nars sa ospital ay may identipikasyon.

Nang lumaki’y ipinasok sa publikong paaralan,


Mga gamit sa eskuwela ay kompletong binibilang;
Pagsuot ng uniporme para sa aki’y isang ritwal
Kaya dapat ipasuot sa lahat ng paaralan.

5
Lakandiwa
Unang tindig, napakinggan at nakayang ipagtanggol
Kung bakit pagsusuot ng uniporme’y di tutol,
Maganda ba’ng pagdadala at sa iyo nauukol
Kaya’t pag-uuniporme ikaw ay sumasang-ayon?

Ngayon naman, ang nais ko ay tutulan ang katalo


Ang panig ng binibining sa uniporme’y saludo.
Mabigat ba ang dahilan ng iyong pagrereklamo
At ang pag-uuniporme’y waring isinusuka mo?

IKALAWANG TUGON
Mambabalagtas 2
Paarala’y may layuning maghasik ng karunungan
Sa lahat ng mag-aaral ng publiko’t pribado man,
Paarala’y sinasabing tagahubog nitong asal
Kaya’t ito ang pandayan ng talino’t kabutihan.

Magsuot ng uniporme ay tiyak bang garantiya


Na ang mga estudyante’y makikilala ng guwardiya?
Uniporme’y dagdag-gastos sa mahirap na pamilya,
Ang pagbili ng pagkain ay siyang dapat inuuna.

Lakandiwa
Unang tindig pa lang ito ngunit tila nag-iinit
Ang dalawang mambibigkas na lagi nang alumpihit,
Paano pa kung ihayag itong ikalawang tindig,
Baka manggalaiti at mawalan ng tinig.

Kaya hayo, hayo kayo’t huwag ipagkakaila,


Panig ninyo’y ipagtanggol pahangain buong madla,
At sa bawat paglalahad hindi dapat ikahiya
Kung sa puso ninyo galing, iya’y dapat ikatuwa.

IKALAWANG TUGON
Mambabalagtas 1
Katalo ko’y katulad kong hanggang ngayo’y nag-aaral,
Pinalaki ng magulang, umandukha’y paaralan,
Simula pa nang magkinder hanggang sa kasalukuyan,
Nakilalang masunurin sa utos ng paaralan.

Kasama sa kasunduang pinirmahan ng magulang,


Uniporme’y nakasuot sa loob ng paaralan,

6
Magsisilbing susi ito ng pagkakakilanlan,
Seguridad ang layunin kaya’t ligtas yaring buhay.

Gusto mo ba ang buhay mo ay laging nasa panganib


Dahil walang uniporme’y labas-masok sa paligid?
O, ibig mong makatapos nang pangarap ay makamit?
Katalo ko, ikaw naman sana ay mag-isip-isip.

IKATLONG TUGON

Mambabalagtas 2
Kayrami nang mag-aaral lagi na lang nahuhuli
Sapagkat bago pumasok pinaplantsa ang uniporme,
Kayrami nang kasong drop-out di malutas, dumarami
Dahil hindi makapasok, uniporme’y sinisisi.

Kaya itong uniporme, pangmayaman, di pangmasa


Sa publikong paaralan pampabutas lang sa bulsa,
Mga aklat, pahayagan, photocopy’y paalam na
Ilalaan ang salapi sa unipormeng pamporma.

Lakandiwa
Bilang inyong Lakandiwa’y marapat lamang pumagitna
Upang palamigin ang init na nagbabadya,
‘pagkat sa ‘king pakiwari tila kayo ang aso’t pusa
Na pagtahol at pagngiyaw ang puhunang sumasala.

Kaya upang madagdagan itong puntong kailangan,


Ang ikatlong tindig naman atin ngayong huhusgahan;
Huling hirit ay ibuhos at ‘wag nang mag-alinlangan,
Panig ninyo ay magaling iya’y dapat patunayan.

REBUTTAL
Mambabalagtas 1
Kayrami nang mga kasong nabigyan ng hustisya
Tulad nitong kidnap-ransom sa estudyanteng maykaya,
Kung hindi sa uniporme ay hindi makilala
Kung saan bang paaralan nag-aaral ang biktima.

Pasasalamat sa media’t mga pulis na nagbantay,


Karaka-rakang natugis ang may kasalanan,
Unipormeng suot-suot ng biktima’y naging daan
Upang hangad na hustisya’y makamit nang buong dangal.

7
Mambabalagtas 2
Hustisya mong hinahangad naging daa’y uniporme?
Mali yata ang konseptong natanim sa binibini,
Katarunga’y nasa batas, nasa taong nagsilbi
Nang may laang katapatan sa bayan mo’t sa sarili.

Uniporme’y di simbolo upang buhay ay umunlad


Pagkatapos na mag-aral sa kolehiyong nililiyag,
Puhunan ng bawat isa ay talino, tiyaga’t sipag
At hindi unipormeng balang araw ay kukupas.

Mambabalagtas 1
Nalimutan ng katalo ika’y di makapag-aral
Kung wala ang unipormeng susuotin araw-araw.

Mambabalagtas 2
Nalimutan mo rin yata uniporme’y hindi batas
Kundi kautusan lamang nitong ating paaralan.

Mambabalagtas 1
O, sa iyo na nanggaling na iyan ay kautusan
Kaya’t dapat mong sundin ‘pagkat ikaw’y mag-aaral.

Mambabalagtas 2
Walang nabibilanggong estudyante na ayaw mag-uniporme
Pero may nakakasuhan sa pamimilit sa estudyante.

Mambabalagtas 1
Pag ikaw ay naaksidente at walang uniporme,
Sino’ng pupuntahan? Sino ang pagtatanungan?

Mambabalagtas 2
May I.D. ako kaya’t di kailangan ang uniporme.

Mambabalagtas 1
Dapat nakauniporme ka!

Mambabalagtas 2
Wala akong pambili!

Mambabalagtas 1
Bagong t-shirt at sapatos, paano ka nakabibili?

8
Mambabalagtas 2
Pamporma ko eh. Di ako makaporma kapag nakauniporme!

Lakandiwa
Tigil, huminahon kayo, itigil na ang iringan
At baka nga kung saan pa mauwi ang usapan,
Ang pagtatalong naganap tinawag na balagtasan,
Hindi ito pag-aaway lalong di pagbabangayan.

Dahil dito ay tapos na ang palitan ng matuwid


Matapos na mailahad ang napili ninyong panig,
Kaya bilang Lakandiwa ang hatol ko ay isang hibik
Ang pasiya ko’y magsisilbing kahatulan nitong langit.

Bawat isa ay may punto, bawat punto’y minarkahan


Nang ayon sa paniwala’t sariling paninindigan,
Ngunit dapat na mabatid sa alinmang balagtasan,
Mahalaga’y kaisipan na sa ami’y maiiwan.

Kahit saan ka tumungo, sa pabrika, sa paaralan,


Sa ospital, munisipyo, pamilihan at terminal,
Sa pribadong institusyon, bahay-pampamahalaan
Mga taong labas-masok, uniporme’y kasuotan.

Mangyari nga silang lahat may pinaniniwalaan,


Mahalaga itong buhay ‘pagkat nag-iisa lamang,
Seguridad at hustisya, kalayaa’t karapatan
Matatamo ng sinomang sa sarili’y nagmamahal.

Dahil dito, napagpasiyahang nararapat magkaroon


Unipormeng isusuot kahit saan ka pumaroon,
Lalo’t higit sa paaralang may magandang nilalayon,
Uniporme ay simbolo ng pag-asang nanghahamon.

Kaya naman ang parangal, aking ‘pinagkaloob


Sa panig ng nararapat uniporme ay isuot,
Bilang inyong Lakandiwa huling hiling na kasunod
Palakpakan natin sila, nang may dangal at lugod.

Mula sa Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan,


Binagong Edisyon 8, ph. 154-162

9
MGA ELEMENTO NG BALAGTASAN
Ang balagtasan, tulad ng ibang akdang pampanitikan ay nagtataglay
ng mahalagang elemento. Ang bawat isa sa mga elementong ito’y nararapat
malinang nang husto sa kabuoan ng akda upang higit itong mapahalagahan
ng mga mambabasa o manonood. Ang mga elemento ng balagtasan ay ang
sumusunod:
• Tauhan
• Pinagkaugalian
• Paksa/Isyung Pagtatalunan
• Mensahe/Mahalagang Kaisipan

A. Mga Tauhan ng Balagtasan


Lakandiwa
Ito ang makatang namamagitan sa dalawang panig na nagtatagisan
ng mga katwiran sa matulain at masining na pamamaraan. Ang lakandiwa
ang kalimitang nagsisimula ng balagtasan sa pamamagitan ng
pagpapakilala sa mga pangkat na magtatalo at gayundin sa paglalahad sa
madla ng paksang pagtatalunan.

Mambabalagtas
Mga makata o mambabalagtas ang tawag sa panig na nagtatalo sa
balagtasan kung saan ang isa ay sang-ayon at ang isa naman ay sa panig
ng di sang-ayon sa paksang pinagtatalunan. Hangarin ng bawat panig na
mapaniwala ang katalo at ang mga tagapakinig sa kaniyang
pangangatwirang inilalahad. Samakatuwid, dapat gumamit ang mga
mambabalagtas ng mga salitang tiyak at malinaw upang ang kanilang mga
pangangatwiran ay ganap na maunawaan. Dapat din silang magbigay ng
mga patunay na makatotohanan kaya’t nararapat na ang bawat panig ay
may sapat na kaalaman sa paksang pinagtatalunan upang maging handa sa
pagtugon sa ano mang pag-uusisa ng kalaban tungkol sa paksang
pinagtatalunan.
Ang balagtasan ay may dalawang panig na nagtatalo at ang bawat
panig ay maaaring gampanan ng isa, dalawa, o tatlong kalahok na
mambabalagtas o makata, depende sa kagustuhan at pagkakasunduan ng
mga naghahanda ng balagtasan. May kani-kaniyang oras ng pagtindig ang
bawat panig kaya may unang tindig sa panig ng pagsang-ayon at di-sang-
ayon, may ikalawa, ikatlo, at ikaapat depende kung gaano kahaba ang
balagtasan.
Narito ang mga kasanayang dapat taglayin ng isang mambabalagtas:
1. Marunong at sanay tumindig sa harap ng madla.
2. May magandang kaasalan sa pakikipagtalo, hindi pikon.
3. May pagsasaalang-alang at pitagan sa kaniyang katalo, sa
lakandiwa, at sa mga nakikinig.
10
Mga Manonood
Ang mga manonood ang mga tagapakinig na minsa’y sila ring
nagbibigay ng hatol sa mga narinig na paglalahad ng mga katwiran ng
magkabilang panig.

B. Pinagkaugalian
Gaya din ng ibang tula, taglay rin ng balagtasan ang mga katangian
ng tulang Pilipino: tugma, sukat, at indayog. Tugma ang tawag sa pag-
iisang tunog ng mga huling pantig sa huling salita ng bawat taludtod ng
balagtasan. Sukat naman ang tawag sa bilang ng pantig sa bawat taludtod.
At indayog naman ang sining ng pagbigkas na siyang nagbibigay-kariktan
sa balagtasan sa siyang umaakit sa mga tagapakinig. Hindi magiging
maganda ang balagtasan kung hindi ito bibigkasin nang may indayog. Ito
ang ikinaiiba nito sa karaniwang pagtatalo o debate.

C. Paksang Pagtatalunan
Ito ang pinakatema o isyung pagtatalunan ng mga mambabalagtas.
Kalimitang ito ay mga napapanahong isyung nagdudulot ng malalaking
katanungan sa mga mamamayan. Kinakailangang ang tema ng balagtasan
ay maging tiyak upang sa gayon ay malimitahan ang sakop at lawak ng
paksang pagtatalunan. Ang kalimitang paksain o isyung pinagtatalunan sa
balagtasan ay mga paksang may kinalaman sa politika, ekonomiya, kultura,
pag-ibig, kalikasan, lipunan, edukasyon, at maging mga karaniwang bagay.
Ilan sa mga halimbawa ng paksa ay ang sumusunod:
• Paksang may kinalaman sa politika
“Sino ba ang higit na nakatutulong sa pag-unlad ng bansa-
mamamayan o pamahalaan?”
• Paksang may kinalaman sa kultura
“Dapat ba o di-dapat uliranin ang mga katangiang Pilipino?”
• Paksang may kinalaman sa ekonomiya/kultura
“Dapat ba o hindi dapat magtrabaho sa ibang bansa ang kababaihan?”
• Paksang may kinalaman sa pag-ibig
“Sino ang lalong karapat-dapat sa kamay ni Gatbini-si Gatpilak o
Gatdunong?”
• Paksang may kinalaman sa kalikasan
“Masama nga ba o mabuti ang bunga ng pag-unlad ng Agham at
Teknolohiya sa mundo?”
• Paksang may kinalaman sa lipunan
“Dapat ba o hindi dapat paluin ang bata?”
• Paksang may kinalaman sa edukasyon
“Dapat nga bang dagdagan pa ng dalawang taon ang hayskul sa
Pilipinas?”

11
D. Mensahe o Mahalagang Kaisipan
Isa pa sa mahahalagang elemento ng balagtasan ang paghahatid nito
ng malinaw na mensahe sa mga nakikinig. Ang balagtasan ay di lamang
isang uri ng libangan kundi ito ay mainam ring paraan upang maipabatid
sa madla ang mga napapanahong isyung dapat pag-isipan ng mga
mamamayan. Upang malinaw na maihatid ang mensaheng nais iwan sa
mga nakikinig o manonood, may mahalagang tungkuling ginagampanan
ang galaw, kumpas, at ekspresyon ng mukha sa pagpaparating ng
damdaming nais ipadama ng mambibigkas sa kaniyang mga tagapakinig.

Mula sa Pinagyamang Pluma, Bagong Baitang 8, ph. 194-196

Pagsang-ayon at Pagsalungat sa Pagpapahayag ng Opinyon

Sa pagpapahayag ng opinyon ay hindi maiiwasan ang pagsalungat o


pagsang-ayon. Bawat isa ay may kani-kaniyang opinyong dapat nating
igalang o irespeto ito man ay pabor sa atin o hindi. Kailangan maging
magalang at malumanay sa pagbibigay ng ating mga opinyon upang
maiwasan ang makapanakit ng damdamin. Pag-aralan sa ibaba ang mga
hudyat na ginagamit sa pagsalungat at pagsang-ayon sa pagpapahayag ng
opinyon.

1. Pahayag sa Pagsang-ayon- ito ay nangangahulugan din ng pagtanggap,


pagpayag, pakikiisa o pakikibagay sa isang pahayag o ideya. Ang ilang
hudyat na salita o pariralang ginagamit sa pagsang-ayon ay kabilang sa
pang-abay ng panang- ayon gaya ng….
• bilib ako sa iyong sinabi na …
• ganoon nga …
• kaisa mo ako sa bahaging iyan …
• maaasahan mo ako riyan …
• iyan din ang palagay ko …
• iyan ay nararapat
• totoong …
• sang-ayon ako …
• sige …
• lubos akong nananalig …
• oo …
• talagang kailangan …
• tama ang sinabi mo …
• tunay na …

12
2. Pahayag sa Pagsalungat- ito ay pahayag na nangangahulugan ng
pagtanggi, pagtaliwas, patutol, pagkontra sa isang pahayag o ideya. Ang
mga pang-abay na pananggi ay ginagamit sa pagpapahayag na ito. Sa
pagsalungat nang lubusan ginagamit ang sumusunod:
• ayaw ko ang pahayag na …
• hindi ako naniniwala riyan …
• hindi ako sang-ayon dahil …
• hindi ko matanggap ang iyong sinabi …
• hindi tayo magkasundo …
• hindi totoong …
• huwag kang …
• ikinalulungkot ko …
• maling-mali talaga ang iyong …
• sumasalungat ako sa …

Mula sa Pinagyamang Pluma, Bagong Baitang 8, ph. 200

Gawin Natin

Panuto: Ilahad ang iyong opinyon sa sumusunod na paksa ng balagtasan


sa pamamagitan ng pagsagot sa talahanayan sa ibaba. Markahan ng tsek
(/) ang kahon kung ikaw ay sang-ayon o hindi sa paksa mula sa balagtasan
at sumulat ng 1-2 pangungusap na iyong opinyon o katwiran sa iyong
sagutang papel. (5 puntos bawat bilang)

Opinyon/
Paksa Sang-ayon Hindi
Katuwiran
1. Ayon sa mambabalagtas 1, ang
pagsusuot ng uniporme ay tulad
ng isang ritwal. Nakikilala kung
sino ang nars, doktor, at iba pang
miyembro ng lipunan batay sa
kaniyang suot.
2. Ayon sa mambabalagtas 2, hindi
uniporme ang sagot sa tamang
identipikasyon o pagkilala sa tao.
Gayundin, dagdag gastos daw ito
sa mahihirap na pamilya.

13
3. Ayon sa mambabalagtas 1, ang
pagsusuot ng uniporme ay
magsisilbing susi sa
pagkakakilanlan kaya’t
nagbibigay ito sa atin ng
seguridad.
4. Ayon sa mambabalagtas 2, ang
pagsusuot ng uniporme ay isa sa
mga dahilan kaya nahuhuli sa
pagpasok sa klase ang ilang
estudyante.

Sanayin Natin

Panuto: Bumuo ng mga makabuluhang tanong hinggil sa napapanahong


isyu o paksang maaaring pagtalunan o gawing paksa ng balagtasan sa
kasalukuyan. Itala ang iyong sagot sa tsart na makikita sa ibaba. Ginawa
na ang unang puwang para sa iyo. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
(3 puntos bawat aytem)

Tema Isyu/ Paksang Maaaring Pagtalunan


Alin ang mas epektibong paraan sa pagkatuto, ang
Edukasyon pumasok sa paaralan o pag-aaral na isinasagawa sa
loob ng bahay?
Kultura

Lipunan

Kalikasan

Pag-ibig

Politika

Tandaan Natin

Isang anyo ng panulaan ang balagtasan. Hinango ang salita sa


pangalan ni Francisco Balagtas bilang pagpaparangal sa dakilang
manunulat. Si Balagtas ay tinaguriang “Ama ng Panulaang Tagalog”.

14
Ang balagtasan ay isang uri ng pagtatalo ng dalawang magkaibang
panig tungkol sa isang paksa. Ipinahahayag ng mga manunula o
mambabalagtas ang mga saloobin o pangangatuwiran sa paraang patula.
Sa anomang lipunan o pangkat, mahalaga ang pagkakaroon ng batas,
polisiya, at mga tuntunin. Kung wala nito, tiyak na magkakaroon ng
maraming gulo at away. Pero may mga tumututol din dito sa iba’t ibang
kadahilanan. Kaya mayroon ding lumalabag sa batas na itinakda ng mga
pinuno. Gayunpaman, likas na mababait ang mga Pilipino-mapagmahal,
mapagbigay, magalang, at masunurin. Katulad ng pinagtalunan sa
binasang balagtasan, kung kailangang mag-uniporme, susundin natin iyon.
Kung kailangang isabit ang ID, isasabit natin iyon. Sapagkat magsisimula
sa pagsunod sa mga simpleng bagay ang pagkakaroon ng disiplina sa sarili.

Suriin Natin

Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang salitang TAMA
kung ito’y nagpapahayag ng katotohanan at MALI kung nagpapahayag ng
kamalian. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

____ 1. Isang anyo ng panulaan ang balagtasan.


____ 2. Sa paglalahad ng sariling pananaw at saloobin sa anyong pasulat,
mahalagang malaman ang mga salitang magbibigay ng hudyat ng
pagsang-ayon o pagsalungat.
____ 3. Lakandiwa ang tawag sa manunula na magpapahayag ng oposisyon
sa paksa.
____ 4. Nararapat na ang isang mambabalagtas ay may sapat na kaalaman
sa paksang pinagtatalunan upang maging handa sa pagtugon sa ano
mang pag-uusisa ng kalaban.
____ 5. Ang sukat ng tula ang siyang nagbibigay-kariktan sa balagtasan at
nagbibigay ito ng kaibahan sa karaniwang debate o pagtatalo.

Panuto: Suriin ang pahayag sa bawat bilang. Isulat ang titik A kung ito’y
nagpapahayag ng pagsang-ayon at titik B kung pagsalungat. Isulat ang
sagot sa iyong sagutang papel.

____ 1. Lubos akong nanalig sa sinabi mong maganda ang buhay rito sa
mundo.
____ 2. Ayaw kong maniwala sa mga taong nagsasabing higit na maganda
ang buhay ngayon kaysa noon.
____ 3. Hindi totoo ang paniniwalang iyan, napakahirap ang mabuhay sa
mundo.

15
____ 4. Talaga palang may mga taong negatibo ang pananaw sa buhay.
____ 5. Maling-mali ang kaniyang tinuran. Walang katotohanan ang
pahayag na iyan.
____ 6. Kaisa ako sa lahat sa mga pagbabagong nais nilang mangyari sa
mundo.
____ 7. Hindi ko matanggap ang mga pagbabagong magdudulot ng kasiraan
sa ating pag-uugali at kultura.
____ 8. Maling-mali talaga ang mga pagbabago kung ito’y hindi makabubuti
sa lahat.
____ 9. Ganoon rin ang nais kong sabihin sa kaniyang sinabi.
____ 10. Totoong kailangan ng pagbabago kaya’t gawin natin ito sa tamang
paraan.

Payabungin Natin

Panuto: Sumulat ng iyong opinyon kaugnay sa inilahad na sitwasyon.


Gamitin ang mga hudyat ng pagsang-ayon at pagsalungat batay sa
hinihingi sa bawat bilang. Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
(2 puntos bawat bilang)
Halimbawa:
Pagpapatupad ng curfew hours sa mga kabataan mula alas 7 ng
gabi hanggang ika-5 ng umaga.
Pahayag na Pagsang-ayon
Sang-ayon ako sa pagpapatupad ng curfew hours upang madisiplina
ang ilang mga kabataan at mapanatili silang ligtas.

1. Pagsasama-sama ng buong pamilya lalo na kapag may mahalagang


okasyon.
Pahayag na Pagsang-ayon
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Pagsakay at pagbaba ng mga pasahero sa tapat mismo ng karatulang “No


Loading and Unloading”.
Pahayag na Pagsalungat
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Pagpapatawag sa magulang kung lumabag ang mag-aaral sa tuntunin ng


paaralan.
Pahayag na Pagsang-ayon
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

16
4. Ugaling ningas-kugon o pagpapabukas ng mga gawaing maaari sanang
gawin o tapusin na ngayon.
Pahayag na Pagsalungat
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

5. Pagpataw ng parusa sa mga taong hindi nagsusuot ng face mask at face


shield sa mga pampublikong lugar.
Pahayag na Pagsang-ayon
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

Pagnilayan Natin

Panuto: Bumuo ng isang talata na may 4-6 pangungusap na maglalahad ng


iyong pagsang-ayon at pagsalungat hinggil sa pahayag na nakasulat sa loob
ng kahon. Gawing batayan sa pagbuo ng talata ang rubrik sa ibaba.

“Ang mabuhay sa daigdig ay hudyat ng pakikipagsapalaran. Bawat


pangyayaring nagaganap ay may kakambal: tagumpay sa kabiguan;
halakhak sa luha; luwalhati sa pagtitiis; ginhawa sa pagpapagod at marami
pang iba. Ang lahat ng iyan ay bahagi ng pagiging nilalang. Sapagkat batas
ng kalikasan sa daigdig na kung may araw ay may gabi, kung may lupa ay
may langit, kung may dagat ay may bundok at kaparangan.”
Bahagi ng akdang “Talinghaga ng Buhay” ni Amado A. Rayos

Rubriks sa Pagsulat ng Talata


Mga Pamantayan 5 4 3 2 1 Puntos
Ang talata ay binubuo ng magkakaugnay at
maayos na mga pangungusap.
Ito ay nagpapahayag ng sariling palagay o
kaisipan tungkol sa paksa.
Naipakita/nakagamit ng hudyat ng pagsang-
ayon o pagsalungat sa pagpapahayag.
Kabuoang Puntos

Interpretasyon:
5 Napakahusay 2 Di-mahusay
4 Mahusay 1 Sadyang Di-mahusay
3 Katamtaman

17
18
Pagnilayan Natin Payabungin Natin Suriin Natin
Gawing batayan sa Markahan ang sagot ng 1. TAMA
pagmamarka ang inilahad mag-aaral batay sa inilahad 2. TAMA
na rubriks sa pagtataya. na pagsasanay. 3. MALI
(2 puntos bawat bilang)
4. TAMA
5. MALI
1. A
2. B
3. B
4. A
5. B
6. A
7. B
8. B
9. A
10. A
Sanayin Natin Gawin Natin Subukin Natin
Markahan ang sagot ng Hayaan ang mag-aaral na 1. TAMA
mag-aaral batay sa inilahad sagutin ang mga 2. TAMA
na pagsasanay. katanungan batay sa 3. MALI
(3 puntos bawat bilang) kanilang opinyon. 4. TAMA
(5 puntos bawat bilang)
5. BAGAMAN
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Julian, Ailene Baisa, Del Rosario, Mary Grace G., Lontoc, Nestor S.
Pinagyamang Pluma, Ang Bagong Baitang 8 Phoenix Publishing
House, Inc. 927 Quezon Ave., Quezon City, 2015

Infantado, Remedios. Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan,


Binagong Edisyon 8 Rex Book Store, Inc. Nicanor Reyes Sr. St., C.M.
Recto Avenue, Manila, Philippines, 2018.

19
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Region XI Davao City Division
DepEd Davao City, Elpidio Quirino Ave., Davao City
Telefax: 224-3274
Email Address: davaocity.division@deped.gov.ph
20

You might also like