You are on page 1of 20

8

Filipino
Unang Markahan
Sariling Linangan Kit 1:
Karunungang-Bayan
Filipino – Ikawalong Taon
Unang Markahan – Sariling Linangan Kit 1: Karunungang-Bayan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa Sariling Linangan Kit
na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga
ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
SLK na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon – Rehiyon XI

Regional Director: Allan G. Farnazo


Assistant Regional Director: Maria Ines C. Asuncion

Bumubuo sa Pagsusulat ng Sariling Linangan Kit


Manunulat: Lyn Vincent J. Balatero, Emely L. Fajardo, Hope T. Quebec
Editor: Avelino T. Gapol
Tagasuri: Rene P. Sultan/ Avelino T. Gapol
Tagaguhit: Jemar D. Aliñabo/ Hareld O. Candari
Tagalapat:
Tagagawa ng Template: Neil Edward D. Diaz
Tagapamahala:
Allan G. Farnazo Reynaldo M. Guillena
Mary Jeane B. Aldeguer Alma C. Cifra
Analiza C. Almazan Aris B. Juanillo
Ma. Cielo D. Estrada Mary Ann M. Jumuad
Mary Jane M. Mejorada Rene P. Sultan

Inilimbag sa Pilipinas ng ng Kagawaran ng Edukasyon XI

Department of Education-Division of Davao City


Office Address: Daang E. Quirino, Davao City
Telefax: 224-3274
E-mail Address: davaocity.division@deped.gov.ph
8

Filipino
Unang Markahan
Sariling Linangan Kit 1:
Karunungang-Bayan
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang
kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang Sariling Linangan Kit
na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin
at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing
nakapaloob sa SLK.
Para sa mag-aaral:
Ang Sariling Linangan Kit na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong
pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral
habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan
ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang sumusunod ay mga paalala kung paano gagamitin ang SLK:
1. Gamitin ang SLK nang may pag-iingat. Huwag susulatan ang
bawat pahina nito. Gumamit ng ibang papel na maaaring sulatan
ng mga kasagutan mula sa iba’t ibang kasanayan.
2. Huwag kalimutang sagutan and Subukin Natin bago dumako sa
susunod na gawain.
3. Basahin at unawaing mabuti ang mga panuto bago isagawa ang
mga gawain.
4. Inaasahan ang inyong katapatan at integridad sa pagsagawa,
pagsagot at pagwawasto ng mga gawain.
5. Tapusin muna ang kahingian ng bawat bahagi bago pa dumako
sa susunod na gawain.
6. Isauli/ Ipasa ang SLK sa inyong guro o tagapagdaloy pagkatapos
ng mga gawain.
Kung may mga bahagi ng SLK na ito na nahihirapan ka sa
pagsagot, huwag mag-atubiling komunsulta sa iyong guro o
tagapagdaloy. Tandaan na hindi ka nag-iisa sa gawaing ito. Inaasahan
namin na sa pamamagitan ng SLK na ito, ay mararanasan mo ang isang
makabuluhan, masining at malalim na pagkatuto at pag-unawa sa mga
kasanayang pampagkatuto. Kaya mo yan!

ii
Alamin Natin

Ang tulang iyong pag-aaralan sa aralin na ito ay pinamagatang “


Karunungan ng Buhay”. Ito ay naglalaman ng iilang mga paalaala o tuntunin
ng buhay na maaaring gawing gabay upang makapamuhay nang marangal.
Pagkatapos mong pag-aralan ang araling ito, inaasahang matatamo
ang sumusunod na kasanayang pampagkatuto:
1. naiuugnay ang mahahalagang kaisipang nakapaloob sa mga
karunungang-bayan sa mga pangyayari sa tunay na buhay sa
kasalukuyan;
2. nabibigyang-kahulugan ang mga talinghagang ginamit sa tula;
3. naisusulat ang sariling bugtong, salawikain o kasabihan na angkop sa
kasalukuyang kalagayan; at
4. nagagamit ang paghahambing sa pagbuo sa alinman sa bugtong,
salawikain, sawikain o kasabihan (eupemistikong pahayag).

Subukin Natin
Panuto: Narito ang ilan pa sa karunungang-bayang ipinamana sa atin ng
ating mga ninuno. Basahin ang mga ito at tukuyin kung anong mahalagang
kaisipan ang nais ipahiwatig nito. Isulat ang titik ng iyong tamang sagot sa
sagutang papel.

1. Pag may isinuksok, may madudukot.


A. Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok.
B. Madalas ay inilalagay ng mga Pilipino ang pera sa alkansiya para pag
dumating ang oras ng pangangailangan ay may magagasta.
C. Umuunlad ang mga bangko dahil sa mga perang iniipon ng mga tao.

2. Kung anong taas ng paglipad, siyang lakas ng pagbagsak.


A. Madalas bumagsak sa buhay ang taong sobrang taas ng pangarap.
B. Ang taong mapagmataas ay kadalasang siyang nakararanas ng
matinding pagbagsak.
C. Hindi masamang mangarap nang mataas, huwag lamang sa paraang
pag-isipan ng masama ang kapwa.

3. Ngayon kakahigin, ngayon tutukain.


A. Maagang magtrabaho upang buhay ay umasenso.
B. Kung kailan lamang kailangan ang isang bagay ay doon lamang kikilos
upang makamit ito.
C. Kailangang magtrabaho upang may makain.

1
4. Ang mahirap kunin ay masarap kainin.
A. Mas masarap lasapin at makamtan ang isang bagay na pinaghirapan.
B. Masarap kumain ng isang pagkaing mamahalin at mahirap kunin.
C. Ang masarap na kanin ay mahirap kunin.

5. Kapag maaga ang lusong ay maaga ang ahon.


A. Lumusong nang maaga upang makaahon sa buhay at matamo ang
tagumpay.
B. Matutong umahon sa anumang pagsubok na iyong nilusong.
C. Kapag maagang nagsimula tiyak na maaga ring matapos.

Aralin Natin

Basahin at unawain ang tula.

KARUNUNGAN NG BUHAY

Sa buhay ng tao ay may mga karanasan


Na kailangang iwasan at dapat ayusin.
Tamang tandaan, at sa tuwina’y pakaisipan
Mahalagang ingatan tulad ng kayamanan.

Iwasan:
Pag nagtanim ng hangin
Bagyo ang aanihin.
Ubos-ubos na biyaya
Bukas nakatunganga.

2
Ayusin:
Ang lumalakad nang matulin
Kung matinik ay malalim.
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
Di makararating sa paroroonan.

Pakaisipin:
Sa anumang lalakarin
Makapito munang isipin.
Nasa Diyos ang awa
Nasa tao ang gawa.

Tandaan:
Kung hindi ukol
Hindi bubukol.
Kung ano ang bukambibig
Siyang laman ng dibdib.

Ingatan:
Anak na di paluhain
Ina ang patatangisin.
Ang kayamanan
Ay kalusugan.

Tularan:
Daig nang maagap
Ang masipag.
Lakas ng katawan
Daig ng paraan.

Nabanggit ni Lolo mga karunungan sa buhay


Na maaaring maging gabay sa aking palagay
Ito ang mga bagay na dapat mong isabuhay.
Nang maging huwaran ng mahal sa buhay.

Pinagyamang Pluma, Ang Bagong Baitang 8 pp. 11-12

3
Ngayon ay ihanda mo ng iyong sarili sa gawaing pagsusuri ng araling
kababasa pa lamang. Sa pamamagitan nito matutulungan kang maunawaan
ang bagong konsepto at mga kasanayan gamit ang katanungan sa ibaba.

Panuto: Ibigay ang kahulugan ng sumusunod na talinghaga o masining na


pahayag mula sa binasang tula. Isulat ang titik na may tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Ang hindi lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa


paroroonan.
A. pagbayad sa mga utang C. pagmamalasakit sa kapwa
B. paglingon sa nakaraan D. pagtanaw ng utang na loob

2. Iwasan natin ang pagtanim ng hangin upang hindi tayo aani ng bagyo.
A. pagiging madamot C. pagiging masama
B. pagiging mapanglait D. pagiging mayabang

3. Sa anumang lalakarin, makapito munang isipin.


A. Pag-isipang mabuti ang pupuntahan na mga lugar.
B. Isipin mo nang makapitong ulit ang desisyong gagawin.
C. Suriin at isiping nang makailang beses ang gagawin na desisyon.
D. Makapitong isipin kung ano ang mga dapat na lugar na pupuntahan.

4. Kung hindi ukol, hindi bubukol.


A. Ibinigay ay huwag mong kukunin.
B. Kung hindi ka magtatanim ay wala kang aanihin.
C. Ang bagay na hindi para sa iyo ay hindi talaga mapupunta sa iyo.
D. Kapag hindi ka magtitiyaga ay wala kang makukuhang pagpapala.

5. Anak na di paluhain, ina ang patatangisin.


A. Paiiyakin ang anak upang maging matatag ang kalooban.
B. Didisiplinahin ang anak upang hindi iiyak ang mga magulang.
C. Paiiyakin ang anak upang hindi maging pabigat sa dibdib ng mga
magulang.
D. Disiplinahin ang anak habang maaga pa upang hindi maging sakit
sa ulo ng mga magulang.

4
Basahin mo ang sumumunod upang madagdagan pa ang iyong
kaalaman tungkol sa karunungang-bayan.

MGA AKDANG LUMAGANAP


BAGO DUMATING ANG MGA ESPANYOL

Sinasabing ang mga sinaunang Pilipino ay may sarili ng panitikang


nagtataglay ng kasaysayan ng lahi bago pa man dumating ang mga
Espanyol at iba pang mga dayuhan sa bansa. Ito ay mga akdang
pampanitikang lumaganap sa Panahon ng mga Katutubo tulad ng mga
karunungang-bayan (salawikain, sawikain/kawikaan, at kasabihan),
kuwentong-bayan, alamat at epiko na sumasalamin sa kinagisnan,
kalinangan, at kultura ng lahing Pilipino.
Mababakas din sa mga nakasulat at maging sa mga pasalitang
panitikan ang kultura, tradisyon, paniniwala, at maging ang mga
panlipunan at panlahing kaugalian ng ating mga ninuno.

1. Karunungang-Bayan→ Ito ay tinatawag ding kaalamang-bayan na


binubuo ng mga salawikain, sawikain, bugtong, palaisipan, kasabihan, at
bulong. Karaniwan ang mga ito ay nagmula sa mga Tagalog at hinango sa
mahahabang tula.
a. Salawikain→ Ito ay nakaugalian nang sabihin at sundin bilang
tuntunin ng kagandahang asal ng ating mga ninuno na naglalayong
mangaral at akayin ang kabataan tungo sa kabutihang asal.
Halimbawa:
Aanhin pa ang damo,
kung patay na ang kabayo.

Ang hindi lumingon sa pinanggalingan


Di makararating sa paroroonan.
b. Sawikain o Idyoma→ Ang mga sawikain o idyoma ay mga salita
o pahayag na nagtataglay ng talinghaga. Hindi tiyak ang kahulugang

5
ibinibigay nito sapagkat may natatago pa itong kahulugan patungkol sa
iba’t ibang bagay.
Halimbawa:
bagong tao – binata
bulang-gugo – gastador
c. Kasabihan→ Ang mga kasabihan noong unang panahon ay yaong
mga tugmang sinasambit ng mga bata at matatanda na katumbas ng mga
tinatawag na Mother Goose Rhymes. Ang kasabihan ay karaniwang
ginagamit sa panunukso o pagpuna sa kilos ng isang tao.
Halimbawa:
Putak, putak Tiririt ng ibon,
Batang duwag Tiririt ng maya
Matapang ka’t Kaya lingon nang lingon
Nasa pugad. Hanap ay asawa.

2. Kuwentong-Bayan→ Bago pa man lumaganap ang panitikang pasulat


ay laganap na sa Pilipinas ang kuwentong-bayan. Ito ay isang tuluyang
kuwentong nagsasalaysay ng mga tradisyong Pilipino. Karamihan ng mga
kuwentong-bayan ng mga Pilipino ay tungkol sa kanilang mga diyos at mga
espiritu na siyang nagtatakda ng kapalaran ng tao.
Ang mga kuwentong-bayang ito ay naglalarawan ng mga kaugalian,
pananampalataya, at mga suliraning panlipunan ng panahon iyon. Kahit
na ang mga kuwentong ito’y mga kababalaghan at di-kapani-paniwalang
mga pangyayari, marami sa mga ito ang nagbibigay ng aral.

Bawat rehiyon ng Pilipinas ay may kani-kaniyang kuwentong-bayan.


Ang mga sumusunod ay kuwentong-bayan ng iba’t ibang lalawigan.
1. Kuwentong-Bayan ng mga Tagalog
a. Mariang Makiling
b. Si Malakas at Maganda
2. Kuwentong-Bayan ng mga Kapampangan
a. Bundok ng Arayat
b. Sinukuan

6
3. Kuwentong-Bayan ng mga Bisaya
a. Ang Bundok Kanlaon
b. Pinagmulan ng Lahi

Pinagyamang Pluma, Ang Bagong Baitang 8 pp. 16-18

Ang iyong nabasa ang nagsisilbing patunay na ang ating bayang


Pilipinas ay mayaman sa mga akda na sinasabing mahalaga para sa pag-
aaral ng ating kultura bilang Pilipino. May malaking kaugnayan ang mga ito
sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Makatutulong ito sa iyo nang
mapalawak mo ang iyong sariling kaalaman hinggil dito.

Ngayon naman ay pag-aaralan mo ang tungkol sa paghahambing.


Basahin ang nasa loob ng kahon.

PAGHAHAMBING

Ang paghahambing ay isang paraan ng paglalahad. Ito ay


nakatutulong sa pagbibigay-linaw sa isang paksa sa pamamagitan ng
paglalahad ng pagkakatulad at pagkakaiba ng dalawang bagay na
pinaghahambing.
Hindi natin namamalayan, ngunit kung papansinin, ang
paghahambing ay bahagi na ng ating pang-araw-araw na buhay. Sa pagpili
ng mga bagay na ating gagamitin, sa pagkain na ating kakainin, sa
sasakyang ating sasakyan, o sa lugar na ating pupuntahan, kadalasan ang
mga ito ay naisasagawa natin kung mayroon tayong paghahambingan.
Isang mahalagang sangkap sa uri ng paglalahad na ito ay ang
hambingan ng pang-uri. Ito ay ang paglalarawan ng tao, bagay, lugar, pook,
o pangyayari na nakatuon sa dalawa o higit pa. May dalawang uri ng
paghahambing:
1. Pahambing na Magkatulad→ Sa magkatulad na katangian ay
ginagamit ang mga panlaping gaya ng magka-, sing-, sim-, sin-, magsing-,
magsim-, magsin-, ga-, pareho, kapwa.
Halimbawa: Magkasimbait sina Fe at Bernard.
2. Pahambing na Di-magkatulad
a. Palamang→ Nakahihigit sa katangian ang isa sa dalawang
pinaghahambing. Ginagamit ang higit, lalo, mas, di-hamak.
Halimbawa:
Di-hamak na mas matangkad si Julie kaysa kay Ed.
b. Pasahol→ Kulang sa katangian ang isa sa dalawang
pinaghahambing. Ginagamit ang di-gaano, di-gasino, di-masyado.

7
Halimbawa:
Di-gaanong matao ang simbahan ngayon kaysa noong nakaraang
kapistahan.

Pinagyamang Pluma, Ang Bagong Baitang 8 pp. 21-22

Gawin Natin

Panuto: Basahin ang talata at tukuyin ang angkop na kasabihan o


salawikaing maiuugnay sa nilalaman ng binasang talata. Titik lamang ang
isulat sa sagutang papel.

Para sa bilang 1.
Magkababata sina Lucio at Juan. Maykaya ang pamilyang
kinalakihan ni Lucio kaya’t anuman ang naising luho ay nakukuha niya
agad samantalang ang mga magulang ni Juan naman ay pawang
magsasaka lamang. Masasabing napakalayo ng agwat nila sa pamumuhay
ngunit hindi ito naging hadlang sa magkaibigan.
Ngunit sa di-inaasahang pangyayari ay nagkasakit nang sabay ang
mga magulang ni Juan. Wala itong ibang malalapitan kundi ang matalik na
kaibigan lamang. Gumuho ang mundo ni Juan nang siya ay talikuran ni
Lucio dahil ayon sa kaniya, wala siyang magagawa.
Huli na nang matanto ni Luciong hindi niya pala kayang iwan ang
kaibigan. Binalikan niya ang kababata ngunit patay na ang mga magulang
nito at umalis na rin si Juan. Nanlumo si Lucio sapagkat nawalan siya ng
tunay at tapat na kaibigan.
1. Alin sa sumusunod na salawikain ang angkop para sa binasang talata?
A. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
B. Anhin pa ang damo, kung patay na ang kabayo.
C. Ang lubid ay nalalagot kung saang dako marupok.
D. Ang kaginhawaan ay nasa kasiyahan at wala sa kayamanan.

Para sa bilang 2.
Matagal ng nanliligaw si Armando kay Ofelia. Labis ang paghanga
nito sa dalaga sapagkat bukod sa maganda at mabait ito, nagtataglay din
ang dalaga ng napakalamyos na boses na sadyang kahali-halina. Di-
naglaon, nagbunga rin ang pagtitiyaga at pagpupunyagi ng binata. Animo’y
pista ang kasalang Armando at Ofelia sa dami ng mga dumalo.
2. Alin sa sumusunod na kasabihan ang angkop sa sitwasyong nabasa?
A. Pagkahaba-haba man ng prusisyon, sa simbahan pa rin ang tuloy.
B. Ubos-ubos biyaya, maya-maya nakatunganga.
C. Matutong mamaluktot habang maikli ang kumot.
D. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.

8
Para sa bilang 3.
Pinagkakatiwalaan nang lubos ni Mario ang kaibigang si Damian sa
pagpapatakbo ng kaniyang negosyo. Sa di inaasahan, nalaman niyang unti-
unti pala siyang niloloko ng kaibigan. Dahil sa kailangan ng katuwang,
kumuha si Mario ng isang kamag-anak upang pangalagaan ang kaniyang
munting negosyo. Ang akala niya’y magiging tapat ito. Ngunit, nanlumo si
Mario nang matantong ninakaw ng kaniyang kamag-anak ang kinita ng
kaniyang tindahan sa buong maghapon. Mula noon, mag-isang tinaguyod
ni Mario ang kaniyang negosyo hanggang sa unti-unti siyang nakabawi
mula sa pagkakalugi.
3. Alin sa sumusunod na kasabihan ang angkop sa binasang talata?
A. Saan mang gubat ay may ahas.
B. Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan, walang
patutunguhan.
C. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
D. Kung ano ang puno ay siya ang bunga.

Para sa bilang 4.
Ang kandila ay may napakaraming gamit sa tao. At isa sa
pinakamahalagang silbi nito ay kung wala tayong kuryente. Sa murang
halaga, magkakailaw ka na at napapakinabangan mo pa ito sa mahabang
oras. Sa isang pirasong kandila, kapag iyong sinindihan, magkakailaw na
ang buong kabahayan at hindi ka na mangangapa sa dilim.
4. Alin sa sumusunod na bugtong ang angkop para sa inilarawang
paksa?
A. Heto na si Lelong, bubulong-bulong.
B. Nagtago si Pedro, nakalitaw ang ulo.
C. Isang balong malalim, punong-puno ng patalim.
D. Isang butil ng palay, sakop ang buong bahay.

Para sa bilang 5.
Malinis sa katawan ang mga Pilipino. Kaya’t di maikakaila na
madalas din silang nagpapalit ng damit. At bunga nito, nagkakaroon ng
maraming labahin. At upang mapadali ang pagpapatuyo ng labahin,
isinasampay natin ang mga nilabhang damit sa sampayan upang patuyuin
sa ilalim ng init ng araw. Upang sa gayon, muli nating maisusuot ang
paborito nating damit.
5. Alin sa mga sumusunod na bugtong ang angkop para sa inilalarawang
paksa?
A. Hindi pari, hindi hari, ang damit ay sari-sari.
B. Isang munting prinsesa, nakaupo sa tasa.
C. Baboy ko sa Acapulco, balahibo’y pako.
D. Nagtago si Pedro, nakalitaw ang ulo.

9
Sanayin Natin

Panuto: Mula sa araling tinalakay, bumuo ng isa sa alinmang karunungang-


bayan na bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan gamit ang mga
pahambing. Gawing batayan ang pamantayan sa pagbuo ng sariling akda.

Mga Pamantayan sa Paggamit ng Paghahambing sa Pagbuo ng Alinmang


Bugtong/Salawikain/ Kasabihan
Puntos

Nagamit nang tama ang mga salitang paghahambing.

Orihinal ang binuong bugtong/ salawikain/ kasabihan.

Malinaw ang mensaheng inilahad sa binuong bugtong/ salawikain/


kasabihan.
Kabuoang Puntos

5 - Napakahusay 2 - Di-Mahusay
4 - Mahusay 1 - Sadyang Di-mahusay
3 - Katamtaman

Tandaan Natin

Sinasabing salamin ng kultura ang mga tekstong pampanitikan.


Nababasa rito ang karanasang pantao mula sa kaniyang pagkabalisa
hanggang sa kanyang pagsisikap na masakyan ang pagkabalisang ito kahit
pa dumaan siya sa hirap. Sa pagtatamo ng karunungan sa naukit na alaala
ng karanasang ito, maaaring lumikha siya ng salawikain.
Ayon kay Fr. Roque Ferriols, S.J., ang salawikain ay binhi ng
pagpipilosopiya na minana natin sa ating mga ninuno. Dagdag pa niya, ang
binhing ito ay siksik sa koleksiyon ng buhay at bisa ng nakaraang salinlahi
na inihasik, itinanim, tumubo, nahitik, nagbutil, at napakinabangan…siksik
na tinipon sa salawikain ang ilan sa mga nauunawaan ng ating mga ninuno.
At kung pagmumuni-munihan ito, uusbong din sa kasalukuyan ang kanilang
karunungan at magiging liwanag sa ating mga karanasan ngayon.
Malaki ang naitulong ng kaalamang-bayan sa kasalukuyang panahon.
Sinabi ni Dr. Pablo Cuasay na sa kaalamang-bayan masisinag ang kauna-
unahang paghahanap sa katotohanan at pagtuklas ng sagot sa mga
suliraning pang-agham at moralidad na pinagdaanan ng ating mga ninuno.

Baybayin, Wika at Panitikan, Binagong Edisyon 8 pp. 18-19

10
Suriin Natin

Panuto: Basahin ang bawat pahayag at piliin ang angkop na kahulugan nito
mula sa pagpipilian. Titik lamang ang isulat sa sagutang papel.

1. Kapag maaga ang lusong ay maaga ang ahon.


A. Lumusong nang maaga upang makaahon sa buhay at matamo ang
tagumpay.
B. Matutong umahon sa anumang pagsubok na iyong nilusong.
C. Kapag maagang nagsimula tiyak na maaga ring matapos.
D. Kapag maaga kang lulusong, marami kang mahuhuli.

2. Pag may isinuksok, may madudukot.


A. Tiyak na may magagastos ang taong marunong mag-impok.
B. Madalas ay inilalagay ng mga Pilipino ang pera sa alkansiya para
pag dumating ang oras ng pangangailangan ay may magagasta.
C. Umuunlad ang mga bangko dahil sa mga perang iniipon ng mga tao.
D. Ang mahilig mandukot ay magaling magsuksok.

3. Ang mahirap kunin ay masarap kainin.


A. Mas masarap lasapin at makamtan ang isang bagay na
pinaghirapan.
B. Masarap kumain ng isang pagkaing mamahalin at mahirap kunin.
C. Ang masarap na kanin ay mahirap kunin.
D. Mahirap magsaing ng kanin.

4. Kung anong taas ng paglipad, siyang lakas ng pagbagsak.


A. Madalas bumagsak sa buhay ang taong sobrang taas ng pangarap.
B. Ang taong mapagmataas ay kadalasang siyang nakararanas ng
matinding pagbagsak.
C. Hindi masamang mangarap nang mataas, huwag lamang sa
paraang pag-isipan ng masama ang kapwa.
E. Huwag lumipad nang mataas kung hindi kaya.

5. Ngayon kakahigin, ngayon tutukain.


A. Maagang magtrabaho upang buhay ay umasenso.
B. Kung kailan lamang kailangan ang isang bagay ay doon lamang
kikilos upang makamit ito.
C. Kailangang magtrabaho upang may makain.
D. Kahig nang kahig upang maging malinis ang paligid.

11
Panuto: Tukuyin ang kahulugan ng mga ginamit na talinghaga sa bawat
pangungusap. Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa pagpipilian.

A. laging kasama D. nagbibingi-bingihan


B. matanda na E. makupad sa gawain
C. gastador

(6) Ahas na tulog ang tawag kay Omeng. Kahit kailan ay hindi mo
talaga siya maaasahan sa anumang gawain. Lagi naman niyang (7)
kabungguang balikat si Ontoy na pareho din niyang walang ibang alam
sa buhay kundi ang matulog. (8) Alog na ang baba ng dalawa ngunit wala
pa ring pagbabago sa kanilang buhay. Patuloy pa rin sila sa (9)
pagtataingang-kawali sa sinumang nagbibigay sa kanila ng payo. Kung
magkakapera naman ay kapuwa sila mga (10) bulanggugo. Kawawa ang
ganitong uri ng mga tao sa lipunan. Talagang walang mararating sa
buhay.

Payabungin Natin

Panuto: Sumulat ng isang sariling katha. Maaari kang pumili ng isa sa mga
akda kung anong gusto mong buuin, maaaring bugtong, salawikain, sawikain
o kasabihan kaya na naaayon sa kasalukuyang kalagayan o may
katotohanan sa pang-araw-araw na buhay. Sundin ang pamantayan sa
pagmamarka.
Mga Pamantayan sa Pagsulat ng Sariling Bugtong/
Salawikain/ Kasabihan

Napakahusay Mahusay Kailangan pa ng Puntos


(3) (2) Pagsasanay (1)

Orihinal ang May mababakas na Kinopya lamang ang


bugtong/salawikain/ panggagaya mula sa bugtong/salawikain/
kasabihan. ibang kasabihan kaya hindi
bugtong/salawikain/ na kailangang
kasabihan. ipagpatuloy ang
pagmamarka.
Angkop na angkop Angkop ang Hindi angkop ang
ang bugtong/salawikain/ bugtong/salawikain/
bugtong/salawikain/ kasabihan sa kasabihan sa
kasabihan sa kasalukuyang kasalukuyang
kasalukuyang kalagayan. kalagayan.
kalagayan.

12
Piling-pili ang mga May isang salitang May dalawa o higit
salitang ginamit. hindi gaanong bagay sa pang salitang hindi
nabuong bagay sa nabuong
bugtong/salawikain/ bugtong/salawikain/
kasabihan. kasabihan.
Maikli, napakadaling Maikli, madaling Hindi makabaluhan
tandaan, at tandaan ngunit hindi ang
nakatatawag ng gaanong nakatatawag bugtong/salawikain/
pansin ang ng pansin ang kasabihan kaya hindi
bugtong/salawikain/ bugtong/salawikain/ nakatatawag ng
kasabihan. kasabihan. pansin.

9-12 - Napakahusay
5-8 - Mahusay
1-4 - Kailangan pa ng Pagsasanay

Pagnilayan Natin

Panuto: Balikan ang mga napag-aralan tungkol sa mga karunugang-bayan.


Punan ang talaan upang matukoy ang pagkakaiba nila sa isa’t isa. Gumamit
ng mga salitang naghahambing.

Karunungang-bayan Pagkakabuo Halagang naidudulot


nito
Bugtong
Salawikain
Sawikain/Kasabihan

13
14
Pagnilayan Payabungin Suriin
Natin Natin Natin
Markahan Markahan ang 1. A
ang sagot ng binuong sagot ng 2. A
mag-aaral mag-aaral batay 3. A
batay sa sa pamantayang
inilahad na 4. B
inilahad sa
pagsasanay. rubrics. 5. B
6. E
7. A
8. B
9. D
10.C
Sanayin Natin Gawin Aralin Subukin
Natin Natin Natin
Markahan ang
binuong sagot ng 1. B 1. A
mag-aaral batay 1.D
sa pamantayang 2. A 2. B
inilahad sa 2. D
rubrics. 3. A 3. B
3. B
4. D 4. A
4. C
5. A 5. A
5. D
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Infantado, Remedios, Baybayin, Paglalayag sa Wika at Panitikan,


Binagong Edisyon 8 (2018), Rex Book Store, Inc., Nicanor Reyes Sr. St.,
C.M. Recto Avenue, Manila, Philippines

Julian, Ailene Baisa, Del Rosario, Mary Grace G., Lontoc, Nestor S.
Pinagyamang Pluma, Ang Bagong Baitang 8, (2015), Phoenix Publishing
House, Inc. Philippine Education Publisher Association, 927 Quezon
Ave., Quezon City

15
For inquiries or feedback, please write or call:

Department of Education – Region XI


F. Torres St., Davao City
Telefax:
Email Address: lrms.regionxi@deped.gov.ph

You might also like