You are on page 1of 133

1

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8
QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST I: Piliin ang titik ng tamang sagot tungkol sa mga karunungang bayan.

1. Habang maigsi ang kumot


Magtiis kang mamaluktot.
a. Pag-aaral b. pagtitipid c. pagsisikap d. pagtataguyod
2. Ang hipong nakakatulog
Tinatangay ng agos.
a. Pabaya b. palahingi c. antukin d. pagod
3. Kung ano ang nasabi na
Hindi na maaaring bawiin pa.
a. Kawalang-ingat c.kawalang-awa
b. kawalang-silbi d.kawalang-tiwala
4. Sugat sa kalingkingan
Dama ng buong katawan.
a.relasyon ng pamilya c. relasyon ng magkakaibigan
b.relasyon ng magpinsan d. relasyon ng guro at estudyante
5. Ubos-ubos biyaya,
Bukas nama’y tunganga
a. waldas b. matipid c. kuripot d. maagap
6. Daig ng maagap
Ang masipag
a. masigasig b. mapamaraan c. pursigido d. tamad
7. Kung tubig ay magalaw
Ang ilog ay mababaw
a. mapagmataas b. matabil c. palahingi d. masikap
8. Kapag tinawag na utang
Sapilitang babayaran
a.kagipitan b. kasakiman c. utos d. obligasyon
9. Ano ang ipinapakahulugan ng salawikaing “Ano man ang tibay ng piling
abaka ay wala ring lakas kapag nag- iisa? “
a. Pakikisama b. pagtitiis c. pagkakaisa d. pakikipagkapwa
10. Ang salita nati’y tulad din sa iba na may alpabeto at sariling letra. Ano
ang nais ipahiwatig ng pahayag?

a. Hindi pahuhuli ang Wikang Filipino


b. Nakaangat ang wikain ng mga banyaga
c. Nagbabagu-bago ang ating alpabeto
d. Ang wikang sarili’y kailangang pagyamanin pa

TEST II: Ibigay ang kahulugan ng mga sumusunod na mga kaisipan.


2

1. Ang mahirap kunin ay masarap kainin.


2. Pag may isinuksok, may madudukot.
3. Kung anong taas ng lipad siyang lakas ng pagbagsak.
4. Ngayon kakahigin, ngayon tutukain.
5. Kapag maaga ang lusong ay maaga rin ang ahon.

Susi sa pagwawasto:

TEST I:
1. 1. b
2. 2. a
3. 3. a
4. 4. a
5. 5. a
6. 6. a
7. 7. b
8. 8. d
9. 9. C
10.a

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

QUARTER: UNANG MARKAHAN


3

TEST I: A. Basahin at unawain ang kaisipang nakapaloob sa pahayag na


nasa Ibaba na pinamagatang “ Karunungan ng Buhay”

KARUNUNGAN NG BUHAY
Sa buhay ng tao ay may mga karanasan
Na kailangang iwasan at dapat ayusin
Tamang tandaan, at sa tuwina’y pakaisipin
Mahalagang ingatan tulad ng kayamanan.

Iwasan:
Pag nagtanim ng hangin
Bagyo ang aanihin.
Ubos-ubos na biyaya
Bukas na nakatunganga.

Ayusin:
Ang lumalakad nang matulin
Kung matinik ay malalim
Ang hindi lumingon sa pinanggalingan
Di makararating sa paroroonan.

Pakaisipin:
Sa anumang lalakarin
Makapito munang isipin.
Nasa Diyos ang awa
Nasa tao ang gawa

Tandaan:
Kung hindi ukol
Hindi bubukol
Kung ano ang bukambibig
Siyang laman ng dibdib.

Ingatan:
Anak na di paluhain
Ina ang patatangisin.
Ang kayamanan
Ay kalusugan.

Tularan:
Daig ng maagap
Ang masipag.
Lakas ng katawan
Daig ng paraan.
4

Panuto : Bilang pagpapahalaga ay iugnay sa iyong sariling buhay ang mga gintong
aral na iyong natutuhan sa binasa sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga talaan
ng iyong mga gawi o kilos na dapat mong iwasan, ayusin, pakaisipin, tandaan, ingatan, at
tularan sa iyong buhay. Itala ang iyong sagot sa ibaba. (2 pts. bawat bilang.)

Ang aking mga gawi o kilos na dapat kong….

Iwasan _________________________________________________
_______________________________________________________
_______________________________________________________.

Ayusin _________________________________________________
_______________________________________________________

Pakaisipin ________________________________________________
________________________________________________________

Tandaan _________________________________________________
_________________________________________________________

Ingatan __________________________________________________
_________________________________________________________

Tularan __________________________________________________
_________________________________________________________

TEST II: 3 pts.

Bilang kabataan, naniniwala ka bang dapat pahalagahan ng kabataan sa kasalukuyan ang


mga karunungang- baying ipinamana sa atin ng ating mga Ninuno? Bakit?

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST I: Ibigay ang kahulugan ng mga matalinghagang salita na nakatala


sa ibaba mula sa tulang “ Karunungan ng Buhay”

1. Bukambibig

2. Patatangisin
5

3. Maagap

4. Hindi bubukol

5. Makapitong isipin

6. Bagyo

7. Nakatunganga

8. Matinik

9.Hangin

10. Lumakad ng matulin

TEST II: Isulat ang kahulugan ng talinghagang ginamit

1. Para akong natuka ng ahas nang makita ko siya ng personal.


2. Iwasan mong maging kaibigan ang mga mahahaba ang kamay.
3. Huwag kang mag-alala, malayo sa bituka ang kanyang tama.
4. Itaga mo sa bato ako’y babalik at kukunin kita.
5. Nakatali na kami sa isat-isa.

Susi sa pagwawasto:

TEST II:
1. Natulala
2. Magnanakaw
3. Hindi malubha
4. Tandaan
5. Kasal na

DIVISION: CALBAYOG CITY


SUBJECT AREA: FILIPINO
GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

TEST I: Panuto: Manood ng pelikula o programang pantelebisyon na kung saan may mga
bugtong, salawikain, sawikain o kasabihan na nabanggit. Magtala ng 4 na bugtong, 4 na
salawikain, 4 na sawikain at 3 kasabihan mula sa inyong napanood.
6

TEST II: Manood ng makabagong pelikulang pambata ngayon at magtala ng bugtong,


salawikain, kasabihan na nabanggit sa pinanood.

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST I: Basahin ang kuwentong “Mina ng Ginto”. Mula sa mga pangyayari sabihin kung
makatotohanan, di-makatotohanan o kathang isip lamang ito.
1. Ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng baboy.
2. Nakita nila ang baboy ay napalitan ng pagkatanda-tandang lalaki.
3. Sa pagdiriwang sa mga parangal sa mga anito ay nagkakantahan at nagsasayawan ang mga
tao. Sa nayon ng Baguio ay naninirahan ang mga Igorot. Nakita nila ang punong kahoy na
kumislap. Pinagtataga ang punong kahoy at nabuwal. Ang ginto ay makukuha sa
pamamagitan ng paghuhukay ng lupa. Tinitigan siya ng ibon at tumango ng tatlong beses.
4. Ginawang pinuno ang bata ang pinakamalakas at pinakamatapang sa lahat. Ang mga Igorot
ay naniniwala sa mgaAnito.

TEST II: Panuto: Suriin ang mga karunungang-bayang makikita sa talahanayan


Sa ibaba. Ilahad ang iyong sariling kuro-kuro kung ito ay may katotohanan o may
Batayan o walang katotohanan o kathang – isip lamang. Lagyan ang tsek ( / ) ang
Iyong napiling sagot at saka ito ipaliwanag. (3 pts. bawat bilang )

May Walang
Karunungang Bayan katotohanan/ Katotohanan/Walang Paliwanag
May Batayan Batayan
7

1. Pung, pung kasili,


ipinanganak sa kabibe.
Ano ang anak? Babae
2. Ang maniwala sa
sabi-sabi ay walang
bait sa sarili.
3. Bata, bata, pantay-
lupa, asawa ng palaka.
4. Kung anong
bukambibig, siyang
laman ng dibdib.
5. Kung ano ang
itinanim, Siya ring
Aanihin.
Mina ng Ginto
Alamat ng Baguio

Sa isang nayon sa Baguio na kung tawagin ay Suyuk, naninirahan ang mga Igorot na
pinamumunuan ni Kunto. Si Kunto ay bata pa ngunit siya ang pinakamalakas at
pinakamatapang sa kanilang nayon kaya siya ang ginawang puno ng matatandang pantas.
Ang mga naninirahan sa nayong ito ay namumuhay nang tahimik . Maibigin sila sa
kapwa at may takot sila sa kanilang bathala. Taun-taon ay nagdaraos sila ng caᾗao bilang
parangal sa kanilang mga anito. Noong panahong iyon, ang mga Igorot ay naniniwala sa iba’t
ibang anito.
Kung nagdaraos sila ng cañao ay lingguhan ang kanilang handa. Nagpapatay sila ng
baboy na iniaalay sa kanilang bathala. Nagsasayawan at nagkakantahan sila.
Isang araw ay nagtungo si Kunto sa gubat upang mamana. Hindi pa siya lubhang
nakalalayo nang nakakita siya ng isang uwak. Nakatayo ito sa isang landas na kanyang
tinutunton. Karaniwang ang mga ibon sa gubat ay maiilap ngunit ang ibong ito ay kaiba.
Lumakad si Kunto palapit sa ibon ngunit hindi ito tuminag sa pagkakatayo sa gitna ng
landas. Nang may iisang dipa na lamang siya mula sa ibon, bigla siyang napatigil.

Tinitigan siyang mainam ng ibon at saka tumango nang tatlong ulit bago lumipad.
Matagal na natigilan si Kunto. Bagamat siya’y malakas at matapang, sinagilahan siya ng
takot. Hindi niya mawari kung ano ang ibig sabihin ng kanyang nakita.
Hindi na niya ipinagpatuloy ang kanyang pamamana. Siya’y bumalik sa nayon at
nakipagkita sa matatandang pantas. Anang isang matanda, “ Marahil ang ibong iyon ay ang
sugo ng ating bathala. Ipinaaalaala sa atin na dapat tayong magdaos ng caᾗao.”
8

Kung gayon, ngayon din ay magdaraos tayo ng caᾗao,” ang pasiya ni Kunto.
Ipinagbigay-alam sa lahat ang caᾗao na gagawin. Lahat ng mamamayan ay kumilos
upang ipagdiwang ito sa isang altar sa isang bundok-bundukan. Ang mga babae naman ay
naghanda ng masasarap na pagkain.
Nang ang lahat ay nakahanda na, ang mga lalaki ay humuli ng isang baboy. Ang
baboy na ito ay siyang iaalay sa kanilang bathala upang mapawi ang galit, kung ito man ay
nagagalit sa kanila.
Inilagay ang baboy sa altar na ginawa nila sa itaas ng bundok-bundukan. Anong laking
himala ang nangyari! Nakita nilang ang baboy ay napalitan ng isang pagkatanda-tandang
lalaki! Ang mukha ay kulay- lupa na sa katandaan at halos hindi na siya makaupo sa
kahinaan.Ang mga tao ay natigilan. Nanlaki ang mga mata sa kanilang nakita. Sila’y natakot.
Maya-maya’y nagsalita ang matanda at nagwika nang ganito: “Mga anak magsilapit
kayo. Huwag kayong matakot. Dahil sa kayo’y mabuti at may loob sa inyong bathala,
gagantimpalaan ko ang inyong kabutihan. Lamang ay sundin ninyo ang lahat ng aking
ipagbilin.
“Kumuha kayo ng isang tasang kanin at ilagay ninyo rito sa aking tabi. Pagkatapos
sukluban ninyo ako ng isang malaking palayok. Ipagpatuloy ninyo ang inyong caᾗao.
Pagkalipas ng tatlong araw, bumalik kayo rito sa pook na ito.
Makikita niyo ang isang punungkahoy, na kahit minsan sa buhay ninyo ay hindi pa
ninyo nakikita o makikita magpakailanman. Ang bunga, dahon, at sanga ay maaari ninyong
kunin ngunit ang katawan ay huwag ninyong gagalawin. Huwag na huwag ninyong tatagain
ang katawan nito.”
Tinupad naman ng mga tao ang ipinagbilin ng matanda.Ipinagpatuloy nila ang
kanilang pista. Pagkaraan ng tatlong araw, bumalik sila sa pook na pinag-iwanan sa matanda.
Itinaas nila ang palayok at gaya ng sinabi ng matanda, nakita nila ang isang punungkahoy na
maliit. Kumikislap ito sa liwanag ng araw-lantay na ginto mula sa ugat hanggang sa kaliit-
liitang dahon.
Nagsigawan ang mga tao sa laki ng galak. Si Kunto ang kauna-unahang lumapit sa
punungkahoy at pumitas ng isang dahon. Pagkapitas sa dahon ay nagkaroon kaagad ng
kapalit ito kayat nag-ibayo ang tuwa sa mga tao. Bawat isa ay pumitas ng dahon.
Sa loob ng maikling panahon, yumaman ang mga taga-Suyuk.Ang dati nilang
matahimik na pamumuhay ay napalitan ng pag-iimbutan at inggitan. Ang punungkahoy
9

naman ay patuloy sa pagtaas hanggang sa ang mga dulo nito’y hindi na maabot ng tingin ng
mga tao.
Isang araw, anang isang mamamayan, “kay taas-taas na at hindi na natin maabot ang
bunga o dahon ng punong-ginto. Mabuti pa ay pagputul-putulin na natin ang mga sanga at
dahon nito. Ang puno ay paghahati-hatian natin.”
Kinuha ng mga lalaki ang kanilang mga itak at palakol. Ang iba ay kumuha ng mga
sibat. Tinaga nila nang tinaga ang puno at binungkal ang lupa upang lumuwag ang mga
ugat.Nang malapit nang mabuwal ang punungkahoy ay kumidlat nang ubod-talim. Kumulog
nang ubos-lakas at parang pinagsaklob ang lupa at langit.
Ang punungkahoy ay nabuwal. Nayanig ang lupa at bumuka sa lugar na kinabagsakan
ng puno. Isang tinig ang narinig ng mga tao. “Kayo ay binigyan ng gantimpala sa inyong
kabutihan. Ang punong-ginto upang maging mariwasa ang inyong pamumuhay. Sa halip na
kayo’y higit na mag-ibigan, kasakiman ang naghari sa inyong mga puso. Hindi ninyo sinunod
ang aking ipinagbilin na huwag ninyong sasaktan ang puno. Sa tuwi-tuwina ay inyong
nanaisin ang gintong iyan.”
At pagkasabi ng mga katagang ito, sa harap ng mga tao sa Suyuk, ang puno ay nilulon
na ng lupang kinabuwalan. Mula nga noon, nagkaroon na ng minang ginto sa Baguio at
nakukuha lamang ito sa pamamagitan ng paghukay sa lupa.
SUBJECT AREA: FILIPINO
GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST I: Bumuo ng karununungang bayang inyong mapipili na angkop sa kasalukuyang


panahon. Pagsama-samahin ninyo ang karunungang- bayan at gawin itong parang isang
mini-brochure na maaring maipamigay sa mga mag-aaral, guro, at iba pang kawani sa
paaralan.

Pangkat Bugtong Pangkat Salawikain Pangkat Kasabihan

Ang karunungang bayang bubuoin ay dapat makasunod sa rubric na ito.

Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos


Ang nabuong likha ay akma sa karunungang-
bayang napili. 4 puntos
Ang mga karunungang-bayang nabuo ay
akma o angkop sa kasulukuyang panahon
10

4 puntos
Nakagamit ng paghahambing sa pag-buo
4 puntos
Maganda, malinis, at kaakit-akit ang
pagkakalagay/pagkakabuo ng brochure. 3 puntos
KABUOANG PUNTOS 15 puntos
4- Napakahusay
3- Mahusay
2- Katamtaman
1- Di-mahusay

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST I: Itala ang pagkakatulad at pagkakaiba ng salawikain, sawikain at kasabihan sa


tulong ng mga salita/pahayag na ginagamit sa paghahambing.

TEST II: Paghambingin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng salawikain, sawikain at


kasabihan. Gamitin ang sumusunod na mga salita:

1. 1. Pareho
2. 2. Magkasing
3. 3. Lalo
4. 4. Di-totoo
5. 5. Labis
6. 6. Higit
7. 7. Di-hamak
8. 8. Magsing
11

9. 9. Pareho
10.Di-gaano

Alamat Ng Durian

Sa isang bayan sa Mindanao ay may matandang babae na lalong kilala sa tawag na


Tandang During. Nakatira siya sa paanan ng bundok. Ang maliit niyang kubo ay nakatayo sa
gitna ng malawak niyang bakuran na naliligid ng mga puno.
Si Tandang During ay karaniwan nang ginagawang katatakutan ng mga ina sa kanilang
malilikot na mga anak. Sabi nila ay lahi ito ng mangkukulam kung kaya dapat iwasan.
Si Tandang During ay nasanay nang mamuhay na nag-iisa. Mula nang mamatay ang
asawa at mga anak ay hindi na siya umalis sa paanan ng bundok. Tahimik siyang tao at dahil
matanda na ay mas ibig pa niyang asikasuhin na lang ang mga tanim na halaman.

Masungit si Tandang During kaya iniiwasan ng mga tao. Noong kamamatay palang
ng mga mahal niya sa buhay ay marami ang nag-alok ng tulong ngunit tinanggihan niya. Sa
gayon ay unti-unti na ring lumayo sa kanya ang mga tao hanggang maging panakot na
lamang siya sa makukulit na mga bata.
Ilang taon ang nagdaan. Ang dati ay makukulit na mga bata ay malalaki na ngunit si
Tandang During ay gayon parin. Nag-iisa sa kubo sa paanan ng bundok at hindi naki-
salamuha sa mga tao.
Isang gabi ay itinaboy ng hanging amihan ang isang kakaibang amoy sa komunidad.
Hindi nila alam kung ano ang amoy na iyon at kung saan galing. Nanatili ang amoy nang
sumunod pang mga araw at patindi nang patindi. Nagpasya ang mga tao na hanapin ang
pinanggalingan ng amoy.
Nagkaisa silang puntahan ang kubo ni Tandang During nang matiyak na doon
nanggagaling ang amoy. Hinanap nila ang matanda ngunit hindi nila ito nakita. Sa halip ay
nabaling ang pansin nila sa isang puno na ang mga bunga ay may matitigas na balat at
matatalim na tinik. Dahil sobrang hinog ay nagsisimula nang bumuka ang mga prutas. Isang
12

lalaki ang umakyat ng puno para kumuha ng bunga. Nagtakip sila ng ilong nang buksan ang
prutas pero pare-pareho ring nasarapan sa lasa ng prutas na iyon. Nagsipitas sila ng mga
bunga at iniuwi sa kani-kanilang bahay.
Nang may makasalubong silang isang matanda na tagaibang lugar at itinanong kung
ano ang dala nilang prutas ay iisa ang sagot nila. "Bunga ng tanim ni Tandang During 'yan",
sabi nila.
During yan ang pagkakaintindi sa kanila ng matanda. Kaya nang bigyan nila ito ng
bunga at itanong ng mga kakilala kung ano iyon ay sinabi nitong ang pangalan ng prutas ay
during yan. Kalaunan ay nagiging durian.

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST I: Basahinat unawain ang “Alamat ng Durian” at sagutin ang sumusunod na mga
katanungan.

1. Sino-sino ang mga pangunahing tauhan sa binsang akda? Ilarawan ang bawat isa.
2. Bakit kinatatakutan si Tandang During ng mga ina at bata?
3. Sa iyong palagay totoo ba ang mga paratang ng mga tao kay Tandang During? Ipaliwanag.
4. Ilarawan ang bagay na nakita ng mga tao sa pagtunton nila sa pinagmulan ng masamang
amoy?
5. Makatotohanan ba ang mga pangyayari sa binasang akda? Anong aral ang iyong napulot
mula dito?

TEST II: Panuto: Mula sa binasang alamat na pinamagatang “Alamat ng Durian”, Isulat
ang M sa kahon kung may katotohanan o nangyayari sa tunay na buhay ang pahayag at
MK kung hindi makatotohanan o likhang isip lamang. Sa mga patlang ay isulat ang iyong
paliwanag para sa iyong napiling sagot. (3 puntos bawat bilang)
1 1. May mga taong tulad ni Daria na tamad maglinis ng katawan.
Paliwanag: _________________________________________

2. Iba’t ibang sakit ang nararanasan ng mga tao dahil sa hindi


pagkain ng wasto at hindi pagiging malinis sa katawan.
Paliwanag: _________________________________________

3. Mahal na mahal ng ina si Daria kaya’t nananalangin siyang


huwag pababayaang mag-isa ang anak.
Paliwanag: _________________________________________

4. Naging punong may mabahong bunga si Daria.


Paliwanag: _________________________________________
13

5. Ang amoy at itsura ng durian ay nagmula kay Daria at ang


masarap na laman nito ay mula sa matamis at wagas na pag-ibig
ng ina.
Paliwanag: _________________________________________
SUBJECT AREA: FILIPINO

GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST I: Panuto: Gamit ang Story Mountain Organizer ay suriin angpagkakabuo o


pagkakabalangkas ng mga pangyayari ng binasang “ Alamat ng Durian” batay sa elemento
ng banghay nito sa pamamagitan ng pagtatala ng mahahalagang pangyayaring naganap sa
akda. Pagkatapos ay sagutin mo rin ang mga tanong na makikita sa ibaba.
(15 puntos )
Gitna

Simula Alamat ng
Wakas
Durian

TEST II: Sagutin ang sumusunod na mga katanungan:


Masasabi mo bang naging maayos ang simula ng alamat?
Ipaliwanag:

Saang bahagi ng alamat makikita ang kasukdulan? Naging


kapana-panabik ba ito tulad ng dapat asahan? Ipaliwanag:

Ano ang napuna mo sa naging daloy ng wakas? Kapani-


paniwala ba ang ganitong uri ng wakas? Ipaliwanag.

May saysay pa ba o halaga ang alamat bilang mga


akdang pampanitikan sa kasaluluyan? Bakit?
Ipaliwanag:
14

SUBJECT AREA: FILIPINO

GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST I: Panuto: Punan ang patlang nang tamang kahulugan batay sa mga
matatalinghagang salitang nakasalungguhit na ginamit sa pangungusap.

_____________1. Bagama’t siya ay batang may kaya ay hindi siya nasanay


na mag-asal mayaman.
_____________2. Mahina na ang tuhod ng ina kaya labis ang kaniyang
pag-aalala sa anak dahil alam niyang wala pa itong
alam sa buhay.
_____________3. Ang kanyang ulirang asawa ay itinuturing niyang kapilas
ng kanyang buhay.
_____________4. Napakabilis ng mga pangyayari sa sakuna kaya naman
simbilis ng kidlat na tumugon ang mga pulis upang iligtas
ang mga biktima.
_____________5. Naghihingalo na ang matanda nang ito’y isinugod sa
hospital at sa kasamaang-palad ay hindi na rin siya
nailigtas ng mga doctor sa kanyang pag-aagaw buhay.
_____________6. Dahil sa pagkamatay ng ina ay nagtungo sa kanilang
tahana ang taumbayang nakakita sa bangkay ni Aling
Rosa.
_____________7. Sa pagbungad pa lamang sa bakuran ay nasamyo na
niya ang isang pamilyar na amoy.
_____________8. Ang puno ay hindi napitasan kahit isa.
_____________9. Ang durian ay isang uri ng prutas na may masangsang na
amoy.
_____________10. Sa katagalan ay nagpasalin-salin ang kuwento sa bibig
ng mga tao at ito ay tinawag na Durian.
_____________11. Habang naghihingalo si Aling Rosa ay nasa bakuran
Nam an si Daria at nagpapahinga.
_____________12. Nasasalamin sa kanyang mukha ang pagnanais na
makahingi ng tawad.
_____________13. Mahangin ang kanyang ulo kaya ayaw
nilang makipagkwentuhan sa kanya.
_____________14. Magandang kapalaran ang dumatal sa kanyang buhay
pagkatapon ng mahabang panahon.
_____________15. Ang tumanghod sa kumakain ay hindi magandang asal.

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8
QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST I: Panuto: Gamit ang Venn Diagram paghambingin ang mga katangian ng banghay
ng “Alamat ng Durian” at “Mina ng Ginto”. “ (15 puntos )
15

Ang Alamat ng Durian Mina ng Ginto

Pagkakatulad Pagkakaiba Pagkakatulad

TEST II: Manood ng dalawa pang alamat at ibigay ang pagkakapareho at pagkakaiba nito.

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8
QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST I: Panuto: Bumuo ng angkop na pagpapasya kung paano mo pangangalagaan


ang iyong kalusugan sa pamamagitan ng pagbuo ng akrostik mula sa mga ng salitang
KALUSUGAN. Isulat ang inyong sagot sa patlang. Ginawa na ang unang titik para sa iyo.
( 15 puntos )

K – Kumain ng wasto at tama sa oras


16

A - _________________________________
L - _________________________________
U - _________________________________
S - _________________________________
U - __________________________________
G - __________________________________
A - __________________________________
N - __________________________________

TEST II: Gumawa ng talumpati tungkol sa kahalagahan ng teknolohiya. Ipaliwanag ang


iyong pamantayang pansarili at pamantayang itinakda.

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8
QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST I: Panuto: Sumulat ng isang simpleng alamat na may kaugnayan sa mga bagay na
maaari mong ihambing sa iyong sarili.

Ang alamat na bubuoin ay dapat makasunod sa rubric na ito.

Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos


Ang pagkakabuo ng alamat ay nakabatay sa mga 4 puntos
elemento nito.
Maganda at kapupulutan ng gintong aral ang alamat na 4 puntos
nabuo.
Nagamit nang wasto ang kaalaman sa uri ng pang-abay 4 puntos
na natalakay sa pagsulat.
17

Ang alamat na nabuo ay masasabing tungkol sa mga 3 puntos


bagay na maaaring ihambing sa sarili.
KABUOANG PUNTOS 15 puntos

4- Napakahusay
3- Mahusay
2- Katamtaman
1- Di mahusay

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8
QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST I: Panuto: Sumulat ng sariling alamat gamit ang mga uri ng pang-abay tungkol sa
mga kaalaman o aral na nalaman mo tungkol sa alamat o mga alamat na iyong nabasa. (15
puntos )

TEST II: Gumawa ng sarili mong pagbubuod tungkol sa Alamat ng Durian. Bilugan ang
18

pang-abay na pamanahon at ikahon ang pang-abay na panlunan.

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8
QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST II: Pakinggan ang “Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko” at sagutin ang sumusunod
na mga tanong.
1. Ano ang epiko?
2. Ipaliwanag ang pinagmulan ng salitang epiko?
3. Ano-ano ang mahahalagang katangian ng epiko?
4. Ano ang layunin sa pagsulat ng epiko?
5. Ano-ano ang patunay kung bakit popular ang epiko sa Pilipinas?
6. Ibigay ang iba’t ibang epiko sa Luzon.
7. Ibigay ang iba’t ibang epiko sa Mindanao.
8. Ibigay ang iba’t ibang epiko sa Bisayas..
9. Paano naiiba ang epiko sa iba pang akdang pampanitikan?
10. Bakit mahalaga sa sinaunang panahon ang epikong bayan?

TEST II: Panuto: Pakinggan ang babasahing epiko na pinamagatang “Bidasari, “at sagutin
ang mga sumusunod na katanungan.

1. Ilahad ang dahilan kung bakit nawalay ang sanggol sa piling ng tunay niyang
magulang na sultan at sultana ng Kembayat?
2. Sino ang nakakuha sa sanggol? Ilarawan kung paano nila inuring tunay na anak si
Bidasari.
3. Kailan nagsimulang magbago ang magandang buhay ni Bidasari?
4. Makatarungan ba ang ginawang pagtrato ni Lila Sari kay Bidasari nang ito ay
19

patirahin niya sa palasyo?


5. Isa sa mga negatibong pag-uugali ni Lila Sari ay ang kawalan nito ng
tiwala sasarili kung kaya siya ay nainggit kay Bidasari. Sa iyong palagay, ano ang
kadalasang nangyayari sa mga taong may ganitong kahinaan? Bakit?
6. Bakit hindi nakabubuti ang pagiging mainggitin? Paano ito
makahahadlang sa pagtatagumpay?

Ang Kaligirang Pangkasaysayan ng Epiko

Ang epiko ay isang uri ng panitikan na nagsasalaysay tungkol


sa kabayanihan at pakikipagtunggali ng pangunahing tauhan laban sa
mga kaaway na halos hindi mapaniwalaan dahil ang mga tagpuan ay
pawang kababalaghan at di-kapani-paniwala. Isang kuwento ito na
punong-puno ng kagila-gilalas na mga pangyayari. Bawat pangkatin ng
mga Pilipino ay may maipagmamalaking epiko.
Ang salitang epiko ay mula sa salitang Griyegong "epos" na nangangahulugang
salawikain o awit. Isa itong mahabang salaysay na
anyong patula na maaaring awitin o isatono. Hango ito sa pasalin-dilang tradisyon tungkol sa
mga pangyayaring mahiwaga o kabayanihan ng mga tauhan. Layunin nitong pukawin ang
isipan ng mga mambabasa sa pamamagitan ng nakapaloob na mga paniniwala, kaugalian at
mithiin ng mga tauhan. May nagsasabing ang epiko daw ay hango sa pangalang Kur, isang
lalaki na kinuhang manunulat ng
mga Español sa kanilang kapanahunan dahil sa kaniyang likas na pagiging malikhain at
matalino. Lahat ng kaniyang isinulat ay tinawag niyang epikus, na di kalaunan ay tinawag ng
mga Español na epiko na ang ibig sabihin ay “dakilang likha”.
Ang epiko ay mahabang salaysay. Ito ay karaniwang inaawit o binibigkas nang patula.
Kadalasan itong salaysay tungkol sa mahiwagang pangyayari o kabayanihang
kinapapalooban ng mga paniniwala, mga kaugalian, at mga huwaran sa buhay ng mga
sinaunang mamamayan ng isang bayan.
Sa Pilipinas, popular ang tinatawag na epikong bayan o folk epic. Ayon sa mga
mananaliksik ng katutubong panitikan, may kani-kaniyang matatanda at mahahabang
salaysay na patula ang iba’t ibang pangkating etniko sa Pilipinas. Sa labas ng Katagalugan,
mayroong mga popular na tulang pambayan, o mga tulang epiko, bago pa man dumating sa
bansa ang mga banyaga.
Kilala sa mga Iloko ang epikong Biag ni Lam-ang (Buhay ni Lam-ang). Ito ay isinulat
ng makatang si Pedro Bukaneg na sininop at pinag-aaralan pa rin hanggang sa kasalukuyan.
Sa Bicol naman ay tanyag ang epikong Ibalon na ang orihinal na sipi sa wikang Bicolano ay
iningatan ni Padre Jose Castaño noong ika-19 dantaon. Gayundin ang epikong Handiong ng
mga Bicolano na batay naman sa mga
20

bagong pananaliksik ay likha ng isang paring Español at hindi sa


bibig ng mga katutubo.
Sa Visayas naman nagmula ang epikong Maragtas, at sa Mindanao ang
pinakamahabang epiko sa Pilipinas na Darangan. Nakapaloob sa Darangan ang kilalang mga
epikong Prinsipe Bantugan, Indarapatra at Sulayman at Bidasari. Ang mga kapatid naman
natin sa CAR (CordileraAdministrativeRegion) partikular sa
Ifugao ay may ipinagmamalaki namang Hudhud at Alim.

Sa nakaraang ikadalawampung siglo, isa-isang naitala ng mga


mananaliksik at dalubhasa ang marami pang epikong- bayan mula sa iba’t ibang dako ng
bansa. Ayon sa kanila, nauuri ang epikong
nasusulat ayon sa kasaysayan ng lugar na kinatagpuan nito.

Halimbawa, nasa pangkating Kristiyanong epiko ang Lam-ang at


Handiong, samantala, nasa pangkating Muslim naman ang mga epikong Bantugan,
Indarapatra at Sulayman, Parang Sabil at Silungan. Ibinilang naman sa pangkating Lumad
(di-Kristiyano at Muslim) ang Ullalim ng Kalinga, Hudhud at Alim ng Ifugao, Labaw
Donggon ng Hiligaynon, Hinilawod at Agyu ng Mindanao, Kudaman ng
Palawan, Tuwaang ng mga Bagobo, Ulod, Sambila, at Guman ng Bukidnon, at marami pang
iba. Mahalaga sa mga sinaunang pamayanan ang epikong-bayan.
Bukod sa nagiging aliwan ang epiko, ito ay nagsisilbing pagkakakilanlang panrehiyon at
pangkultura. Ginagamit ito sa mga ritwal at pagdiriwang upang maitanim at mapanatili sa
isipan ng mga mamamayan ang mga kinagisnang ugali at paniniwala, gayundin ang mga
tuntunin sa buhay na pamana ng ating mga ninuno.

Ang Bidasari ay maromansang epiko ng mga Malay na tungkol sa matadang


paniniwalang ang buhay ay napatatagal kung ang kaluluwa ng isang tao ay ipaloloob o
paiingatan sa isang hayop, isda, punong-kahoy o bato. Ang Bidasari ay laganap sa pook ng
mga Muslim subalit ito ay hindi kathang Muslim kundi hiram lamang dahil ang original na
katha nito ay nasusulat sa Malay. Itinuturing itong kawili-wiling tula sa buong panitikang
Malay.

Buod ng Bidasari:
Awit I. Bago pa lamang nalaman ng Sultan ng Kembayat na ang Sultana ay
nagdadalang-tao at siya'y maligaya. Ngunit ang salot na Ibong Garuda ay lumusob sa
kanyang kaharian at namuksa ng mga tao. Ang buong kaharian ay napilitang umalis at
nagtago sa namumuksang ibon. Napahiwalay sa mga kasama ang Sultana at ang Sultan at sa
kanilang paglalakad ay inabot ng panganganak ang Sultana sa tabi ng ilog. Sa malaking takot
sa Ibong Garuda, iniwan nila ang sanggol sa isang bangkang nakita sa tabing-ilog at
nagpatuloy ang dalawa sa pagtatago. Bagama't halos madurog ang puso ng Sultana, napilitan
nilang iwan ang sanggol.
21

Awit II. Nang ang pinakamayaman na mangangalakal sa buong bayan ng Indrapura


na si Diyuhara ay nagpapasyal sa tabing ilog na kasama niya ang kanyang asawa, nakarinig
siya ng iyak ng sanggol. Pagkakita nila sa sanggol na babaing pagkaganda-ganda, dinala nila
agad ito sa bahay at binigyan ng apat na tagapag-alaga at higaang may kalupkop ng tunay na
ginto. Bidasari ang kanilang ibinigay na pangalan. Habang lumalaki, si Bidasari ay lalong
gumaganda.

Basahin ang isang awit na hango sa Bidasari:


Pakinggan ang isang awit ko para sa isang hari.
Na nagkaanak ng isang babae, tulad ng isang bulaklak,
Higit ang ganda sa isang istatwang ginto.

Kamukha siya ni Mindondari at pinangalanang Bidasari.


Habang ang magandang Bidasari ay lumalaki,
ang maganda niyang mukha'y lalong gumaganda.
Ang kanyang malasutlang kutis ay maputi at
madilaw at siya ang pinakamaganda.

Ang kanyang hikaw at pulseras ay nagbigay


sa kanya ng pambihirang yamang nakatago sa isang salamin.
Walang katulad ang kanyang ganda, at ang
kanyang mukha'y tulad ng isang nimpang makalangit.
Ang kanyang damit ay lubhang marami, kasindami
ng prinsesa ng Java. Walang pangalawang Bidasari
sa ibabaw ng lupa.

Prinsesa siyang higit na maputi kaysa araw,


Tulad ng anghel kaysa sa isang makasalanan,
Walang babaing nasa lupa ang makatutulad niya.
Ang buhok niya'y kulot, tulad ng bukang bulaklak,
Ang kilay niya'y tulad ng buwang isang araw ang gulang,
Siya ay anaki isang singsing na gawa sa Peylon.

Wika ng mga lalaki: ang mga mata ni Bidasari ay malamlam.


Matamis ang ngiti, ang kutis ay tila luntiang Tjempaka
at ang magandang anyo'y tulad ng isang ginawang mahal na estatwa.
Ang mga pisngi niya'y tulad ng mga tuka ng isang ibon.
Nais naming malasin ang kanyang leeg. Ang ilong niya'y
tulad ng bukong Jasmine. Ang maganda niyang mukha
ay tulad ng pula ng itlog. Ang diwa niya'y kasimputi ng kristal.
Ang buhok niya'y nakalugay.

Ang kanyang labi'y tulad ng isang kininis na kahon.


Ang suot niyang bulaklak ay nagpapaaliwalas sa kanyang anyo.
Ah, ang puso niya'y tulad ng kanyang mukha...
22

Ang Sultan Mogindra ng Indrapura ay dalawang taon ng kasal kay Lila Sari ngunit
natatakot ang babae na baka ang sinabi sa kanya ng Sultan na siya ay mahal na mahal at hindi
nya nais na mapahiwalay ay hindi mangyayari. Natatakot si Lila Sari na ang kanyang asawa
ay makakita ng isang higit na maganda kaysa sa kanya at siya ay iwanan. ''Kung may makita
kang lalong maganda kaysa sa akin, malimutan mo kaya ako?'' At pabirong isinagot ng
Sultan, ''kung may lalong maganda kaysa sa iyo, ngunit ikaw ang pinakamaganda sa lahat!''
Kaya, kinabukasan, ang Sultana ay nagdala sa lahat ng dako ng mga batyaw upang alamin
kung may makikitang higit na maganda kaysa sa kanya. At nakita ng mga batyaw si Bidasari.

Sa pagkukunwaring gagawing dama ng Sultana, si Bidasari ay nadala sa palasyo at


ipinakulong ni Lila Sari. Pinapasok ni Lila Sari si Bidasari sa kulungan nito sa tuwing aalis
ang Sultan at doon ay pinapalo, sinasampal at minumura hanggang sa hindi na nakatiis si
Bidasari. Sinabi ni Bidasari, ''kung ibig ninyo akong mamatay, kunin ninyo ang isdang ginto
sa hardin ng aking ama. Kapag araw, ito'y kwintasin ninyo at kapag gabi ay ibalik ninyo sa
tubig, sa gayo'y hindi maglalaon at ako ay mamamatay.'' Ipinakuha ni Lila Sari ang isda at
pinahintulutang makabalik si Bidasari sa kanyang mga magulang.

Nangyari ang mga sinabi ni Bidasari. Sa araw, kapag ikinukwintas ng Sultana ang
isda, si Bidasari ay nakaburol sa kanilang bahay at sa gabi lamang nabubuhay siyang muli. Sa
takot ni Diyuhara na baka tuluyang patayin ng Sultana si Bidasari, nagpatayo siya ng isang
magandang palasyo sa isang gubat na malayo sa Indrapura at doon itinirang mag-isa si
Bidasari. Laging sarado ang palasyo.

Awit III. Palagay ang kalooban ng Sultana sa paniniwalang si Bidasari ay namatay.


Nguni't isang araw, nang walang maraming ginagawa ang Sultan, naisipan nitong mangaso sa
gubat. Sa paghahanap niya ng usa, nakasapit ito sa palasyo ni Bidasari. Saradong-sarado ang
palasyo. Kaya lalong pinagnasaan niyang mapasok ito. Natagpuan niyang walang katau-tao.
Pinasok nya ang lahat ng silid at sa wakas ay nakita niya ang kwartong kinabuburulan ni
Bidasari. Nagtaka siya. Ngunit hindi niya ginising si Bidasari. Kinabukasan ay nagbalik siya't
naghintay hanggang sumapit ang gabi. Nabuhay na muli si Bidasari na lubhang hinangaan ng
Sultan ang kagandahan nito. Sinabi ni Bidasari ang katotohanan. Galit na galit ang Sultan.
Pinakasalan agad nito si Bidasari at siyang pinaupo sa trono na katabi niya samantalang si
Lila Sari ay natirang nag-iisa sa kanyang palasyo.
Awit IV. Pagkalipas ng maraming taon, ang mga tao sa Kembayat ay nagbalikan na.
Ang mga magulang ni Bidasari ay nagkaroon pa ng isang anak na pinangalanang Sinapati. Sa
Kembayat ay dumating ang isang anak na lalaki ni Diyuhara, na inaakala ni Bidasari na tunay
na kapatid. Nang makita niya si Sinapati ay nagulat siya sapagkat kamukhang-kamukha ito ni
Bidasari. Kinaibigan niya si Sinapati at ibinalita na siya'y may kapatid na kamukhang-
kamukha ni Sinapati. Dahil dito'y itinanong ni Sinapati sa mga magulang kung siya'y may
nawawalang kapatid. Pinasama ng ama si Sinapati sa Indrapura sa pagbabakasakaling si
Bidasari ang nawawalang anak. Gayon na lamang ang pagtataka ng lahat dahil sa pagiging
magkamukha ng dalawa. Nang sabihin ni Sinapati na siya'y naghahanap ng kapatid na
naiwan sa bangka ay nabatid na niyang si Bidasari ay tunay niyang kapatid dahil sa
pagtatapat ni Diyuhara.

Si Sinapati'y iniharap kay Sultan Mogindra at naging maligaya ang lahat nang
magkakilala ang magkapatid sapagkat si Bidasari pala'y isang tunay na prinsesa.
23

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8
QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST I: Panuto: Basahing mabuti ang bawat katanungan. Piliin ang litik ng tamang sagot at isulat ito sa
patlang bago ang bilang.
 _____ 1. Tama ba ang ginawang pag-iwan ng sultana sa sanggol sa bangka na nasa tabing
ilog para makaiwas higanteng ibon? Pangatwiran ang sagot.
a. Hindi, dahil kawawa ang sanggol at wala itong kasama.
b. Hindi, dahil nagpapakita ito na hindi niya mahal ang kanyang anak.
c. Oo, dahil maaaring mamatay ang sanggol kung isasama sa
pagtakas.
d. Pwedi, sapagkat maraming dala-dala ang sultana
______ 2. Makatwiran ba ang ginawang pagtrato ni Lila Sari kay Bidasari nang
patirahin niya ito sa palasyo?
a. Oo, dahil ibinigay nito ang lahat niyang pangangailangan
b. Oo, sapagkat may mga bantay siya sa kanyang tirahan
c. Hindi, dahil inagaw niya ang kanyang minamahal
d. Hindi, dahil ikinulong niya ito upang hindi makita ng sultan
______ 3. Bakit inggit na inggit si Lila Sari kay Bidasari?
24

a.dahil siya ay maganda


b. dahil marikit si Bidasari
c.dahil wala siyang tiwala sa kangyang sarili
d. dahil nais siyang palitan ng kanyang asawa

______ 4. Ano sa palagay mo ang kadalasang nangyayari sa taong mainggitin?


a. nagpupursigi para mapantayan ang taong kinaiinggitan
b. nagtatanim ng sama ng loob sa taong kinaiinggitan
c. nawawalan ng pag-asang gumanda ang buhay
d. napapahamak dahil sa maling paraan ng plano sa buhay
________ 5. Paano ipinakita ni Bidasari ang kanyang kababaang loob kahit nakaranas siya
ng pagmamalupit mula kay Lila Sari?
a. Hindi siya naghiganti o kaya ay nagtanim ng sama ng loob
b. Ipinaubaya ang lahat sa sultan.
b. c. Nagpatuloy sa paggawa ng mabuti.
c. d. Magalang siyang sumagot.

TEST II: Panuto: Bumuo ng paghihinuha na maaaring kahinatnan ng mga pangyayari sa


kuwento kung naganap ang sumusunod na pagbabago sa akda. Isulat ang iyong
sagot sa patlang. ( 3 puntos bawat bilang )

1. Kung nakaligtas ang sultan at sultana sa pamumuksa ng higanteng


ibong si Garuda kasama ang kanilang bagong silang na anak.

Hinuha sa Maaaring Kahinatnan: ________________________________________


_________________________________________________________________
2. Kung nakita at inalagaan ng mahirap na mag-asawang mangingisda ang sanggol na
anak ng sultan at sultana sa tabing ilog.

Hinuha sa Maaaring Kahinatnan: _______________________________________


_________________________________________________________________
3. Kung naging mabait si Lila Sari kay Bidasari at inatasan niya itong maging dama
Kanyang kaharian.

Hinuha sa Maaaring Kahinatnan: ______________________________________


________________________________________________________________
4. Kung natakot si Bidasari na ipagtapat kay Sultan Mogindra ang pang-aapi at pag
mamaltratong ginagawa sa kanya ni Lila Sari.

Hinuha sa Maaaring Kahinatnan: ______________________________________


________________________________________________________________
5. Kung hindi nakilala ng anak ni Diyuhara si Sinapati na anak ng sultan at sultana
ng Kembayat.
25

Hinuha sa Maaaring Kahinatnan: _____________________________________


_______________________________________________________________
Susi sa pagwawasto:

TEST I:

1. b
2. d
3. b
4. d
5. a

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8
QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST I.A: Piliin ang kasalungat ng mga salitang nakasulat ng pahilig ayon sa
pagkakagamit sa pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. Lubhang hinangaan ng sultan ang kagandahan at kabutihang loob ng dalaga.


a. binalewala c. pinag-ukulan ng pansin
b. pinahalagahan d. pinuri
2. Natalos ng dalaga na ang paninibugho ay walang mabuting maidudulot sa isang
samahan.
a. nabatid c. nalaman
b. nakalimutan d. naintindihan
3. Ang kawangis ng dalaga ay isang nimpang marikit.
a. kaakit-akit c. maganda
b. kahanga-hanga d. pangit
4. Ang masamang ugali ay itinuturing na salot sa isang masayang samahan.
a. hadlang c. sumpa
b. malas d. suwerte
5. Maituturing na isang pambihirang katangian ang pagkakaroon ng pusong
mapagpakumbaba.
a. di-pangkaraniwan c. kamangha-mangha
b. kahanga-hanga d. pangkaraniwan

TEST II.B: Panuto: Salungguhitan ang salita o mga salita sa loob ng pangungusap na
kasingkahulugan ng salitang nasa loob ng panaklong.
( kawal ) 1. Ang sultana ay nagpadala sa lahat ng dako ng mga batyaw
upang malaman kung may babaeng nakahihigit ng ganda sa
kanya.
( pinag-interesan) 2. Pinagnasaang pasukin ng sultan ang palasyong
nakatayo sa loob ng kagubatan.
26

( nagtagal ) 3. Hindi naglaon, ang madilim na balak ng asawa ay


natuklasan ng sultan.
( layunin ) 4. Ibinahagi ng mag-asawa ang kanilang pakay sa mahal na
hari.
( kinamulatan ) 5. Ang bata ay lubos na minahal at inaruga ng kanyang
mga kinagisnang magulang

TEST II. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat ito sa patlang bago ang bilang.

_____ 1. Ito ay mula sa salitang Latin na legendus na nangangahulugang “upang mabasa”.


a. a. Epiko b. Alamat c. Kwentong-Bayan d. Bugtong

_____ 2. Ang _______ ay mga pahayag na may sukat at tugma na kalimitang


ginagamit sa pangkulam
a. a. Palaisipan b. Alamat c. Bugtong d. Kasabihan

_____ 3. Ang akdang ito ay karaniwang ginagamit sa panunukso sa kilos ng isang tao.
a. a. Kasabihan b. Bugtong c. Palaisipan d. Sawikain

_____ 4. Ito ay nasa anyong tuluyan na kalimitang gumigising sa isipan ng mga tao.
a. a. Palaisipan b. Alamat c. Bulong d. Kasabihan

 _____ 5. Ang akdang ito ay pahulaan sa pamamagitan ng paglalarawan.


a. Palaisipan b. Bugtong c. Kasabihan d. Sawikain

Susi sa pagwawasto:
TEST I.A: TEST II:
1. Batyaw 1. a
2. Pinagnasaan 2. a
3. Naglao 3. a
4. Pakay 4. b
5. Kinagisnan 5. b

TEST I.B
1. a
2. b
3. d
4. d
5. d
27

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8
QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST I: Panuto: Manood ng isang balita sa telebisyon at punan ang talataan sa ibaba. (3
puntos bawat bilang.)

Suliranin Sanhi Epekto Solusyon


( Problem ) ( Cause ) ( Effect ) ( Solution )
Paglaganap ng crab
mentality sa bansa.
Pagmamalupit o
pagmamaltrato sa
kapwa ng mga nasa
kapangyaarihan
Labis na
pagpapahalaga sa
kayamanan at
kapangyarihan ng
ilang mga taong nasa
katungkulan.

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8
QUARTER: UNANG MARKAHAN
28

TEST I: Sumulat ng isang mabisang talata na dapat taglay ang mga bahagi nito. Nararapat
ding nakasunod ito sa rubric na nasa ibaba. (15 puntos )

Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos


Ang talata ay binubuo ng magkakaugnay at maayos na 4 na
mga pangungusap. puntos
Ito ay nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan
tungkol sa magandang epekto ng sinaunang panitikang 4 na
Pilipino mula noon hanggang ngayon. puntos
Nagpapakita ng simula, gitna, at wakas sa kabuoan ng 4 na
talata. puntos
Taglay nito ang lahat ng katangian ng isang mabu- 3 puntos
ting talata.
Kabuuang Puntos 15 puntos
4- Napakahusay
3- Mahusay
2- Katamtaman
1-Di-mahusay

TEST II: Pagsunud-sunurin ang pangyayari sa epiko ng Bidasari sa tulong ng story mountain.

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8
QUARTER: UNANG MARKAHAN
29

TEST I: Lagyan ng hudyat ng sanhi at bunga (dahil, sapagkat, kaya, bunga nito, upang, nang)
upang mabuo ang pangungusap).

1. 1. Labis ang kaligayahan ng Sultan ______ malaman niya na nagdadalantao ang Sultana.
2.
3. 2. Ang buong kaharian ay napilitang umalis _____ sa biglang pagsalakay ni Ibong Garuda.
4.
5. 3. Dahil sa takot kay Garuda _______ napilitang iwan ng Sultan ang sanggol.
6.
7. 4. Sa takot na makita ng Sultan, si Bidasari ______ ikinulong ito ni Lila Sari.
8.
9. 5. Pinakuha ni Bidasari ang isdang ginto kay Lila Sari _________ ay nakaburol siya sa araw
at nabubuhay kung gabi.

6. Bumalik sa palasyo ni Bidasari si Sultan Mogindra _______ nabighani siya sa ganda nito.

7. Naging masaya ang lahat _______ tunay palang prinsesa si Bidasari.

8. Nagtaka ang lahat kay Sinapati at Bidasari _______ sila’y magkamukha.

9. Saradong-sarado ang palasyo _______ lalong pinagnasaan niyang mapasok ito.

10. Maligayang-maligaya siya ___________ mapagmahal ang kinagisnan niyang magulang.

TEST II: Panuto: Bumuo ng mga pangungusap gamit ang mga sanhi at bunga na makikita sa
bawat bilang. (3 puntos bawat bilang )

1. Dahil sa kasamaan ni Lila Sari ay ___________________________________


___________________________________________________________________

Bunga ng pagmamalupit ni Sari Lila si Bidasari ay _____________________


____________________________________________________________

2. Sapagkat si Sultan Mogindra ay lalong nagnasang mapasok ang palasyo


30

________________________________________________________________________
__________________________________________________________________

Ba

1. Kinatatakutan si tandang During dahil sa


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

2. Dahil sa biglang pagkawala ng matanda kay ang prutas ay


_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Bunga ng pagmamalupit ni Sari Lila si Bidasari ay _____________________


_____________________________________________________________________
Susi sa pagwawasto:
TEST I:
1. 1. nang
2. 2. dahil
3. 3. kaya
4. 4. bunga nito
5. 5. ngunit
6. 6. ngunit
7. 7. sapagkat
8. 8. dahil
9. 9. kaya
10.sapagkat

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8
QUARTER: UNANG MARKAHAN
31

TEST I: Panuto: Ibahagi ang inyong opinion o pananaw batay sa isang

Ayon sa Kagawaran ng Pananaliksik ng ilang mga unibersidad at pamantasan


sa bansa, masasabing halos mababa ang antas ng pananaliksik sa Pilipinas.
Ang ilang pananaliksik na naisagawa ay masasabing hilaw sa wikang Ingles
ay na tinatawag na “mediocre.” Isa sa pinakamalaking dahilan marahil ng
problemang ito ay ang kakulangan sa pondo at suporta ng pamahalaan.

II. Makinig sa ulat tunkol sa hakbang ng pamahalaan laban sa droga. Ibigay ang opinion o
pananaw mo tungkol dito.

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8
QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST I: Panuto: Isa-isang ipaliwanag ang hakbang sa pagsasagawa ng pananaliksik ayon sa


tinalakay sa Alamin Natin. Isulat ang sagot sa graphic organizer sa ibaba. (3 puntos bawat
hakbang)
32

Unang Hakbang

Ikalawang Hakbang

Ikatlong Hakbang

Ikaapat na Hakbang

Ikalimang Hakbang

Mga hakbang sa pananaliksik

Unang Hakbang
•Pumili at maglimita ng paksa
•Ang paksa ay dapat na alam mo, nakawiwili, mapagkukunan ng datos, may sanggunian, may
kabuluhan at magagawan ng kongklusyon.

Ikalawang Hakbang
• Magsagawa ng pansamantalang balangkas.
I. Ilahad sa isang pangungusap ang nais pag-aralan sa paksa.
II. Ilahad ang layunin.
III. Itala o ilista ang mga tanong.
IV. Pangatwiranan ang kahalagahan ng paksa.

Ikatlong Hakbang
33

•Magtala ng sanggunian
•Huwag takdaan ang bilang ng maksimum na bilang ng sanggunian ngunit gawin itong
minimum sa pitong sanggunian.

Ikaapat na Hakbang
• Mangalap ng datos
• Importante ang dating kaalaman sa mga nabasa na. Ideya lamang ng nabasa ay sapat na.
• Makatutulong ang paggamit ng index card sa pagtatala ng mga sanggunian

Ikalimang Hakbang
• Bumuo ng konseptong papel
• Ginagawa kapag sigurado ka na sa paksang sasaliksikin.
• Kasama rito ang balangkas/framework ng daloy ng laman ng pananaliksik na magbibigay-
linaw sa isusulat.

Ikaanim na Hakbang
•Gumawa ng dokumentasyon
•Sinupin ang mga datos, gumamit ng parentetikal na paglalahad ng sanggunian at obserbahan
ang paggamit ng wastong pagbabantas.

Ikapitong Hakbang
•Isulat ang pinal na kopya ng pananaliksik.

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8
QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST I: Panuto: Isulat sa angkop na hanay ang mga bagong salita o salitang hindi mo
maunawaan kaugnay ng mga hakbang sa pananaliksik. Puntahan ang iyong kapareha at
hanapin ninyo ang kahulugan upang lubos na maunawaan at maging handa sa pagsasaliksik
na isasagawa
34

Mga Salitang Di Maunawaan Kahulugan ng mga Salita

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
11.
12.
13.
14.
15.

TEST II: Gamitin sa pangungusap ang mga salitang di-maunawaan ayon na rin sa kahulugan
nito.

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8
QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST I: Panuto: Manood sa youtube o telebisyon ng mga hakbang tungkol sa pananaliksik at


unawain ang mga nasabing hakbang. Isulat ang pagkasunod-sunod ng hakbang sa
pananaliksik ayon sa napanood.
35

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8
QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST I: Kung ikaw ay aatasan na magsagawa ng pananaliksik tungkol sa isang ritwal na


isinasagawa sa isang liblib na lugar sa inyong lungsod, ano-anong hakbang ang iyong
gagawin? Sabihin ito nang pagkasunud-sunod at ipaliwanag ang bawat detalye.
36

TEST II: Inatasan kayo ng iyong guro na magsaliksik ng mga pangyayari noong ikalawang
pandigmaang pandaigdig, ano-anong hakbang ang gagawin mo? Ipaliwanag ito ayon sa
pagkasunud-sunod.

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8
QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST I: Magsaliksik tungkol sa mga pagpapahalaga ng mga Pilipino sa kasalukuyang


Kulturang Pilipno.

Mga kraytirya:

Sistematiko o maparaan (5 puntos)


Organisado o nakaayos (5 puntos)
Makatotohanan (5 puntos)
Kabuuan (15 puntos)
37

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8
QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST I: Magsaliksik sa mga impluwensiyang nakuha ng mga Pilipino sa mga bansang


sumakop sa atin. Gumamit ng mga pahayag sa pag-aayos ng datos tulad ng (una, sunod, isa
pa at iba pa.)

Mga kraytirya:

Organisado o nakaayos (5 puntos)


Tamang gamiw ng mga pahayag (5 puntos)
Makatotohanan (5 puntos)
Kabuuan (15 puntos)
38

SUBJECT AREA: FILIPINO


GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8
QUARTER: UNANG MARKAHAN

TEST I: Panuto: Magsagawa ng isang sistematikong pananaliksik ayon sa paksang nais ninyo
basta’t patungkol sa kulturang Pilipino. Ang matatapos na pananaliksik kasama ang iba pang
natapos na Gawain para sa kabanatang ito ay iyong ilalathala sa pamamagitan ng mini-
newsletter na ilalabas ng inyong kapangkat sa inyong paaralan o klase. Galingan ninyo ang
paggawa upang maraming sumali o sumuport sa adbokasiya ng inyong pangkat.

Gamitin ang pamantayan sa ibaba bilang gabay sa inyong Gawain.

Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos


Nagagamit nang maayos ang mga pahayag sa pag-aayos 15 puntos
ng mga datos.
Nakagagawa ng sariling hakbang sa pananaliksik nang 15 puntos
naaayon sa lugar at panahon ng pananaliksik.
Nagagamit sa pagsulat ng resulta ng pananaliksik ang 15 puntos
awtentikong datos na nagpapakita ng pagpapahalaga sa
katutubong kulturang Pilipino.
39

SUBJECT AREA: FILIPINO

GRADE/YEAR LEVEL:GRADE 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN

TEST I: Sagutin ang mga sumusunod na katanungan base sa napakinggang tula. “Pag-ibig sa
Tinubuang Lupa” ni: Andres Bonifacio. (2 puntos bawat bilang.)

1. Batay sa nabasang tula ano ang nais ipahayag ng nagsasalita?


2. Sino ang nagsasalita sa tula at ano ang nais niyang mabatid ng mga mambabasa?
3. Batay sa iyong sariling karanasan,ihambing ang iyong sariling saloobin at damdamin sa
saloobin at damdamin ng nagsasalita.
4. Ano ang damdaming ipinahahayag ng tula?
5. Kung mabibigyan ka ng pagkakataon, ano ang iyong maaring idagdag sa tula upang ito
ay makapagpamalas ng masidhing damdaminpara sa mga mambabasa.

TEST II. PAGSULAT NG TULA (5 puntos)

Sumulat ng isang tula na maaring maihambing sa damdamin at saloobin ng nabasang


tula.

Pag-ibig sa Tinubuang Lupa

Ni Andres Bonifacio
1
Aling pag-ibig pa ang hihigit kaya
Sa pagkadalisay at pagkadakila
40

Gaya ng pag-ibig sa tinub’ang lupa?


Aling pag-ibig pa? Wala na nga, wala.

2
Ulit-ulitin mang basahin ng isip
At isa-isahing talastasing pilit
Ang salita’t buhay na limbag at titik
Ng sangkatauhan ito’y namamasid.
3
Banal na Pag-ibig! Pag ikaw ang nukal
Sa tapat na puso ng sino’t alinman,
Imbi’t taong-gubat, maralita’t mangmang,
Nagiging dakila at iginagalang.
4
Pagpupuring lubos ang palaging hangad
Sa bayan ng taong may dangal na ingat;
Umawit, tumula, kumatha’t sumulat,
Kalakhan din niya’y isinisiwalat.
5
Walang mahalagang hindi inihandog
Ng may pusong mahal sa Bayang nagkupkop:
Dugo, yaman, dunong, katiisa’t pagod,
Buhay ma’y abuting magkalagot-lagot.
6
Bakit? Alin ito na sakdal nang laki
Na hinahandugan ng buong pagkasi?
Na sa lalong mahal nakapangyayari
At ginugugulan ng buhay na iwi?
7
Ay! Ito’y ang Inang Bayang tinubuan,
Siya’y ina’t tangi na kinamulatan
Ng kawili-wiling liwanag ng araw
Na nagbigay-init sa lunong katawan.
8
Sa kaniya’y utang ang unang pagtanggap
Ng simoy ng hanging nagbibigay-lunas
Sa inis na puso na sisinghap-singhap
Sa balong malalim ng siphayo’t hirap.
9
Kalakip din nito’y pag-ibig sa Bayan
Ang lahat ng lalong sa gunita’y mahal
Mula sa masaya’t gasong kasanggulan
Hanggang sa katawa’y mapasalibingan.
10
Ang nangakaraang panahon ng aliw,
Ang inaasahang araw na darating
Ng pagkatimawa ng mga alipin,
Liban pa sa Bayan saan tatanghalin?
11
41

At ang balang kahoy at ang balang sanga


Ng parang n’ya’t gubat na kaaya-aya,
Sukat ang makita’t sasaalaala
Ang ina’t ang giliw, lumipas na saya.
12
Tubig n’yang malinaw na anaki’y bubog,
Bukal sa batisang nagkalat sa bundok,
Malambot na huni ng matuling agos,
Na nakaaaliw sa pusong may lungkot.
13
Sa aba ng abang mawalay sa Bayan!
Gunita ma’y laging sakbibi ng lumbay,
Walang alaala’t inaasam-asam
Kundi ang makita’y lupang tinubuan.
14
Pati ng magdusa’t sampung kamatayan
Wari ay masarap kung dahil sa Bayan
At lalong maghirap, O! himalang bagay,
Lalong pag-irog pa ang sa kanya’y alay.
15
Kung ang Bayang ito’y nasasapanganib
At siya ay dapat na ipagtangkilik,
Ang anak, asawa, magulang, kapatid
Isang tawag niya’y tatalikdang pilit.
16
Dapwat kung ang bayan ng Katagalugan
Ay nilapastangan at niyuyurakan
Katuwiran, puri niya’t kamahalan
Ng sama ng lilong taga-ibang bayan.
17
Di gaano kaya ang paghihinagpis
Ng pusong Tagalog sa puring nilait?
Aling kalooban na lalong tahimik
Ang di pupukawin sa paghihimagsik?
18
Saan magbubuhat ang paghinay-hinay
Sa paghihiganti’t gumugol ng buhay
Kung wala ding iba na kasasadlakan
Kundi ang lugami sa kaalipinan?

19
Kung ang pagkabaon n’ya’t pagkabusabos
Sa lusak ng saya’t tunay na pag-ayop,
Supil ng panghampas, tanikalang gapos
At luha na lamang ang pinaaagos?

20
Sa kaniyang anyo’y sino ang tutunghay
Na di aakayin sa gawang magdamdam?
42

Pusong naglilipak sa pagkasukaban


Ang hindi gumugol ng dugo at buhay.

21
Mangyayari kaya na ito’y masulyap
Ng mga Tagalog at hindi lumingap
Sa naghihingalong Inang nasa yapak
Na kasuklam-suklam sa Kastilang hamak?
22
Nasaan ang dangal ng mga Tagalog?
Nasaan ang dugong dapat na ibuhos?
Baya’y inaapi, bakit di kumilos
At natitilihang ito’y mapanuod?

23
Hayo na nga kayo, kayong nangabuhay
Sa pag-asang lubos na kaginhawahan
At walang tinamo kundi kapaitan
Hayo na’t ibigin ang naabang Bayan.
24
Kayong natuy’an na sa kapapasakit
Ng dakilang hangad sa batis ng dibdib,
Muling pabalungi’t tunay na pag-ibig
Kusang ibulalas sa Bayang piniit.

25
Kayong nalagasan ng bunga’t bulaklak,
Kahoy nyaring buhay na nilanta’t sukat
Ng bala-balaki’t makapal na hirap,
Muling manariwa’t sa Baya’y lumiyag.

26
Kayong mga pusong kusang napapagal
Ng daya at bagsik ng ganid na asal,
Ngayon ay magbango’t Bayan ay itanghal
Agawin sa kuko ng mga sukaban.

27
Kayong mga dukhang walang tanging lasap
Kundi ang mabuhay sa dalita’t hirap,
Ampunin ang Bayan kung nasa ay lunas
Pagkat ang ginhawa niya ay sa lahat.

28
Ipaghandog-handog ang buong pag-ibig,
At hanggang may dugo’y ubusang itigis
Kung sa pagtatanggol, buhay ay mapatid
Ito’y kapalaran at tunay na langit
43
44

Mahusay na Angkop at Angkop at Angkop at Angkop ang


nalapatan ng maayos ang maayos ang maayos ang paglalapat ng
angkop na paglalapat ng paglalapat ng paglalapat ng damdamin sa
damdamin damdamin sa damdamin sa damdamin sa karamihan ng
ang pagbigkas ng kabuuang karamihan ng bahagi ng
pagbigkas ng tula. pagbigkas ng bahagi ng binigkas na tula.
tula. tula. binigkas na Ngunit hindi
tula. maayos ang
pagkakabigkas sa
ilang bahagi.

TEST II. SANAYSAY (Limang Puntos)

Sumulat ng isang sanaysay na naglalayong maipabatid ang mga mahahalagang punto


na dapat isaalang-alang upang maging mahusay at maayos ang pagtatanghal o pagbigkas
ng isang tula.

SUBJECT AREA: FILIPINO


45

GRADE/YEAR LEVEL:GRADE 8

QUARTER: IKALAWANG MARKAHAN

TEST I. Ang sumusunod na mga taludtod ay nagmula sa tulang BAYAN KO ni Jose


Corazon De Jesus. Tukuyin kung alin sa mga taludtod ang pangunahing kaisipan at mga
pantulong na kaisipan.Isulat ang salitang PANGUNAHIN kung ang taludtod ay isang
pangunahing kaisipan at PANTULONG kung ang taludtod ay pantulong na kaisipan
lamang.

______________1. Ang bayan kung Pilipinas, lupain ng ginto’t bulaklak.

______________2. Sa kanyang yumi at ganda, dayuhan ay nahalina.

______________3. Ibon mang may layang lumipad, kulungin mo at umiiyak!

______________4. Pilipinas kong minumutya pugad ng luha ko’t dalita.

______________5.Pag-ibig ang sa kanyang palad, nag-alay ng ganda’t dilag.

______________6. Bayan ko, binihag ka, nasadlak sa dusa.

______________7. Bayan pa kayang sakdal dilag, Ang di magnasang makaalpas?

______________8. Aking adhika ; Makita kang sakdal laya!

Para sa aytem 9-10. Ano ang pangunahing paksa ng tula?

TEST II. Sanaysay (limang puntos)

Ipaliwanag ano ang kahalagahan at pagkakaiba ng mga pangunahing kaisipan at


ng mga pantulong na kaisipan sa isang tula o akda.

Susi sa pagwawasto:

1. PANGUNAHIN 6. PANTULONG
2. PANGUNAHIN 7. PANTULONG
3. PANGUNAHIN 8. PANTULONG
4. PANGUNAHIN
5. PANTULONG

SUBJECT AREA: FILIPINO

GRADE/YEAR LEVEL:GRADE 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN


46

TEST I. SUMULAT ng isang tradisyonal na tula na may angkop na mga salitang gamit
upang higit na maunawaan ng mga mambabasa ang nais ipabatid na mensahe ng tula.

MGA KAPUGAY MAGA UMUUN NAGSISI MARKA


PAMANTA PUGAY LING LAD MULA
YAN 4 3 2 1
Nakapag- Nakasulat ng Nakasulat Nakasulat ng Nakasulat ng
sulat ng tula mabuting tula ng mabuting mabuting mabuting tula
na may na may tamang tula na may tula na may Ngunit hindi
tamang anyo, anyo, sukat at tamang tamang anyo. angkop ang
sukat at tugma. anyo, at anyo, tugma
tugma tugma at sukat.

Masining at Natatangi ang Masining at Masining at Masining na


maingat na paggamit ng maingat na maingat na nagamit ang
paggamit ng wika ng naggamit nagamit ang wika ng
wika kabataan nang ang wika ng wika ng kabataan sa
higit pa sa kabataan sa kabataan sa karamihan ng
inaasahan. kabuuang karamihan ng pahayag sa
pagpapahay pahayag sa tula. Ngunit
ag ng tula. tula. hindi maingat

Mahusay na Angkop at Angkop at Angkop at Angkop ang


nalapatan ng maayos ang maayos ang maayos ang paglalapat ng
angkop na paglalapat ng paglalapat paglalapat ng damdamin sa
damdamin damdamin ang ng damdamin sa karamihan ng
ang nasulat nasulat na tula. damdamin karamihan ng bahagi ng
na tula. ang nasulat bahagi ng binigkas na
na tula. nasulat na tula. Ngunit
tula. hindi maayos
ang
pagkasulaat
ng ilang
bahagi.

TEST II. SANAYSAY

Batay sa inyong mga nabasa, ano ang mga pinakamahalagang elemento ng isang tula
na nakakapagbigay damdamin at buhay sa tula? Bakit?(5 puntos.
47

SUBJECT AREA: FILIPINO

SUBJECT: FILIPINO 8

GRADE/YEAR LEVEL:GRADE 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN

TEST I. Mula sa iyong mga nabasa o nasaliksik sa internet magbigay ng limang katangian
ng tulang TRADISYONAL at limang katangian ng tulang MODERNISTA.

TULANG TRADISYONAL TULANG MODERNISTA

TEST II. SANAYSAY


48

Mula sa inyong mga pananaliksik sa internet magbigay ng tigtatlong pamagat ng


Tradisyonal at modernistang tula at isulat ang mga paksag diwa ng mga tulang inyong
nasaliksik at nabasa. (5 puntos)

SUBJECT AREA: FILIPINO

GRADE/YEAR LEVEL:GRADE 8

QUARTER ; IKALAWANG MARKAHAN

TEST I. 1-10

Batay sa iyong narinig at nasaksihang balagtasan, sumulat ng sampung makabuluhang


katanungang nabuo sa iyong isipan. Pagkatapos ay magpalitan kayo ng papel ng iyong
katabing kaklase at batay sa inyong paguunawa sagutin ang mga katanungan na
nakasaad sa papel ng iyong kaklase.

TEST II. SANAYSAY (5 puntos)

Batay sa narinig at nasaksihang balagtasan, para sa iyo ano ang isang BALAGTASAN?
Ano ang nilalaman nito?
49

Bulaklak ng Lahing Kalinis-linisan

(Balagtasan)

- Jose Corazon de Jesus

LAKAN-DIWA:

Yamang ako’y siyang Haring inihalal

Binubuksan ko na itong Balagtasan,

Lahat ng makata’y inaanyayahang

Sa gawang pagtula ay makipaglaban.

Ang makasasali’y batikang makata

At ang bibigkasi’y magagandang tula,

Magandang kumilos, may gata sa dila

At kung hindi ay mapapahiya.

Itong Balagtasa'y galing kay Balagtas

Na Hari ng mga Manunulang lahat,

Ito’y dating Duplong tinatawag-tawag

Balagtasan ngayon ang ipinamagat.


50

At sa gabing ito’y sa harap ng bayan

Binubuksan ko na itong Balagtasan

Saka ang ibig kong dito’y pag-sapan:

BULAKLAK NG LAHING KALINISLINISAN.

Tinatawagan ko ang mga makata,

Ang lalong kilabot sa gawang pagtula,

Lumitaw na kayo’t dito’y pumagitna

At magbalagtasan sa Sariling Wika.

PARU-PARO:

Magandang gabi sa kanilang lahat

Mga nalilimping kawal ni Balagtas,

Ako’y paru-parong may itim na pakpak

At nagbabalita ng masamang oras.

Nananawagan po, bunying Lakan-Diwa,

Ang uod na dating ngayo’y nagmakata,

Naging paru-paro sa gitna ng tula

At isang bulaklak ang pinipithaya.

Sa ulilang harding pinanggalingan ko

Laon nang panahong nagtampo ang bango,

Nguni’t aywan baga’t sa sandaling ito

Ay may kabanguhang binubuhay ako.

May ilang taon nang nagtampo sa akin


51

Ang bango ng mga bulaklak sa hardin,

Luksang Paruparo kung ako’y tawagin,

mata ko’y luhaan, ang pakpak ko’y itim.

Bunying Lakan-Diwa, dakilang Gat-Payo,

Yaring kasawia’y pagpayuhan, ninyo,

At si Laka-ILaw ang gagamitin ko

Upang matalunton ang naglahong bango.

LAKAN-DIWA

Sa kapangyarihan na taglay ko na rin

Ikinagagalak na kayo’y tanggapin,

Magtuloy po kayo at dito sa hardin,

Tingnan sa kanila kung sino at alin.

PARU-PARO:

Sa aking paglanghap ay laon nang patay

Ang bango ng mga bulaklak sa parang,

Nguni’t ang puso ko’y may napanagimpang

Bulaklak ng lahing kalinis-linisan.

Ang bulaklak ko pong pinakaiirog


Ubod na ng ganda’t puti ang talulot,
Bulaklak poi to ng lupang Tagalog,
Kapatak na luhang pangala’y kampupot.

Kung kaya po naman di ko masansala


Ang taghoy ng dibdib na kanyang  dinaya,
Matapos na siya’y diligan ng luha
52

Nang siya’y umunlad, nagtago…nawala!

Isang dapit-hapong palubog ang Araw


Sa loob ng hardin, kami’y nagtaguan,
- Paruparo, anya kita’y tatalian,
Ako’y hanapin mo’t kung makita’y hagkan.
Isang panyong puting myay dagta ng lason
Ang sa aking mata’y itinakip noon,

At ang Bulaklak ko’y bumaba sa dahon,

Nagtago pa mandin at aking hinabol.

Hinabul-habol ko ang bango at samyo

Hanggang makarating ako sa malayo,

At nang alisin na ang takip na panyo

Wala si Kampupot, wala yaring puso.

Ang taguang biro’y naging totohanan

Hanggang tunay na ngang mawala sa tanaw,

At ang hinagpis ko noong ako’y iwan,

Baliw na mistula sa pagsisintahan.

Sa lahat ng sulok at lahat ng panig

Ay siya ang laging laman niring isip,

Matulog man ako’y napapanaginip,

Mistulang nalimbag sa sugatang dibdib.

Sa apat na sulok ng mundong payapa


53

Ang aking anino’y tulang nabandila,

Paruparo akong sa mata’y may luha,

Ang mga pakpak ko’y may patak na luksa.

Ang sakdal kong ito, Lakan-Diwang mahal,

Ibalik sa akin, puso kong ninakaw,

At kung si Kampupot ay ayw po naman,

Ay ang puso niya sa aki’y ibigay.

BUBUYOG:

Hindi mangyayari at ang puso niya’y

Karugtong ng aking pusong nagdurusa,

Puso ni Bulaklak pag iyong kinuha

Ang lalagutin mo’y dalawang hininga.

Pusong pinagtali ng isang pag-ibig

Pag pinaghiwalay kapanga-panganib,

Daga’t ma’t hatiin ang agos ng tubig,

Sa ngalan ng Diyos, ay maghihimagsik.

Ang dalawang ibon na magkasintahan,

Papaglayuin mo’t kapwa mamamatay,

Kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay,

Bangkay ang umalis, patay ang nilisan,


54

Paruparong sawing may pakpak na itim

Waring ang mata mo’y nagtatakipsilim,

At sa dahil sa diwang baliw sa paggiliw

Di man Kampupot mo’y iyong inaangkin.

Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo

At sa kasawia’y magkauri tayo,

Ako ma’y mayroong nawawalang bango

Ng isang bulaklak kaya naparito.

Buhat pa kanginang ikaw’y nangungusap

Bawat salita mo’y matulis na sibat,

Saka ang hanap mong mabangong bulaklak,

Luksang paruparo, siya ko ring hanap.

Ipahintulot mo, Paruparong luksa,

Dalitin ko yaring matinding dalita.

Itulot mo rin po, Hukom na dakila,

Bubuyog sa sawi’y makapagsalita.

PARUPARO:

Di ko pinipigil ang pagsasalaysay

Lalo’t magniningning ang isang katwiran,

Nguni’t tantuin mo na sa daigdigan

Ang bawa’t maganda’y pinag-aagawan.

LAKAN-DIWA:

Magsalita kayo at ipaliwanang


55

Ang ubod ng lungkot na inyong dinanas,

Paano at saan ninyo napagmalas

Na ito ang siya ninyong hinhanap?

BUBUYOG:

Sa isang malungkot at ulilang hardin

Ang binhi ng isang halama’y sumupling,

Sa butas ng bakod na tahanan naming

Ay kasabay akong isinisilang din.

Nang iyang halama’y lumaki, umunlad,

Lumaki ako’t tumibay ang pakpak,

At nang sa butas ko ako’y makalipad

Ang unang hinagka’y katabing bulaklak.

Sa kanyang talulot unang isinangla

Ang tamis ng aking halik na sariwa,

At sa aking bulong na matalinghaga

Napamukadkad ko ang kanyang sanghaya.

Nang mamukadkad na ang aking kampupot

Sa araw at gabi ako’y nagtatanod,

Langgam at tutubing dumapo sa ubod

Sa panibugho ko’y aking tinatapos.

Ngayon, tanda ko ngang kayo’y nagtaguan

Habang ako’y kanlong sa isang halaman,


56

Luksang paruparo nang ikaw’y maligaw

Ang aking halakhak ay nakabulahaw.

Ang inyong taguan, akala ko’y biro,

Kaya ang tawa ko’y abot sa malayo,

Ngani’t nang ang saya’y tumagos sa puso

Sa akin man pala ay nakapagtago.

Lumubog ang araw hanggang sa dumilim

Giliw kong bulaklak dir in dumarating,

Nang kinabukasa’t muling nangulimlim

Ay hinanap ko na ang nawalang giliw.

Nilipad ko halos ang taas ng langit

At tinalunton ko ang bakas ng ibig,

Ang kawikaan ko sa aking pag-alis

Kung dimakita’y din a magbabalik.

Sa malaong araw na nilipad-lipad

Dito ko natunton ang aking bulaklak,

Bukong sa halik kokaya namukadkad

Di ko papayagang mapaibang palad.

Luksang Paruparo, kampupot na iyan,

Iyan ang langit ko, pag-asa at buhay,

Ang unang balik kong katamis-tamisan

Sa talulot niya ay nakalarawan.


57

PARUPARO:

Hindi mangyayaring sa isang bulaklak

Kapwa mapaloob ang dalawang palad.

Kung ikaw at ako’y kanyang tinatanggap

Nagkasagi sana ang kanitang pakpak.

Ikaw ay Bubuyog, sa urang sumilang

Nang makalabas ka’y saka mo hinagkan:

Ako ay lumabas sa kanya ring tangkay,

Sino ang malapit sa pagliligawan?

Una muna akong nag-uod sa sanga

Na ballot ng sapot ng pagkaulila,

Nang buksan ng Diyos yaring mga mata

Bulo’t dahon naming ay magkasama na.

Sa ugoy ng hanginsa madaling-araw

Nagduruyan kaming dalawa sa tangkay,

At kung bumabagyo’t malakas ang ulan,

Ang kanya ring dahon ang aking balabal.

Sa kanyang talulot kung may dumadaloy

Na patak ng hamog, aking iniinom;

Sa dahon ding iyon ako nagkakanlong

Sa init ng Araw sa buong maghapon.


58

Paano ngang siya ay pagkakamalan

Sa kami’y lumaki sa iisang tangkay,

Kaya nga kung ako’y sa kanya nabuhay

Ibig ko rin namang sa kanya mamatay.

BUBUYOG:

Huwag kang matuwa sapagka’t kaniig

Niyaring bulaklak na inaaring langit,

Pagka’t tantuin mo sa ngalang pag-ibig

Malayo ma’t ibig, daig ang malapit.

Saka ang sabi mong sa mutyang kampupot

Nakikiinom ka ng patak ng hamog,

Kaunting biyaya na bigay ng Diyos,

Tapang ng hiya mong ikaw ang lumagok.

Ikaw’y isang uod, may bulo kang taglay;

Sa isang bulaklak laso’t kamatayan,

At akong bubuyog ang dala ko’y buhay

Bulong ng hiningang katamis-tamisan.

PARUPARO:

Akong malapit na’y napipintasan mo,

Ikaw na malayo naman kaya’y pa’no?

Dalaw ka nang dalaw, di mo naiino,

Ay ubos na pala ang tamis sa bao.


59

Bubuyog na laging may ungol at bulong

Ay nakayayamot saanman pumaroon,

At ang katawan mo’y mayrong karayom

Pano kang lalapit, di naduro tuloy?

Di ka humahalik sa mga bulaklak,

Talbos ng kamote ang siya mong liyag,

Ang mga bintana’y iyong binubutas,

Doon ang bahay mo, bubuyog na sukab.

Ikaw ay bubuyog, ako’y paruparo,

Iyong mgabulong ay naririnig ko;

Kung dinig ng lahat ang panambitan mo

Hiya ni Kampupot, ayaw na sa iyo.

BUBUYOG:

Kundi iniibig ang nakikiusap

Lalo na ang tahimik na  tatapat-tapat,

Kung ang magsalita’y di-magtamong-palad

Lalo na ang dungong di makapangusap.

Lilipad-lipad ka na payao’t ditto

Pasagilang-bingit, at patanaw-tao,

Pagligaw-matandang sa panahong ito

Pagtatawanan ka ng liligawan mo.

Ikaw’y paruparo, ako ay bubuyog

Nilang ka sa tangkay, ako ay sa bakod,


60

Nguni’t saang panig nitong sansinukob

Nakakatuwaan ang paris mong uod?

Saka, Paruparo, dapat mong malamang

Sa mula’t mula pa’y di ka minamahal,

Ang panyong panali nang ikaw ay takpan

Ikaw ang may sabing may lason pang taglay.

PARUPARO:

Ganyan ang hinalangnamugad sa dibdib,

Pagka’t napaligaw ang aking pangmasid,

Hindi pala laso’t dagta ng pag-ibig

Ang sa aking panyo’y kanyang idinilig.

BUBUYOG:

Dadayain ka nga’t taksil kang talaga

At sa mga daho’y nagtatago ka pa.

PARUPARO:

Kung ako’y dinaya’t ikaw ang tatawa

Sa taglay kong bulo nilason na kita.

BUBUYOG:

Pagka’t ikaw’y taksil, akin si Kampupot.


61

BUBUYOG:

Siya’y bulaklak ko sa tabi ng bakod.

PARUPARO:

Bulaklak nga siy’t ako’y kanyang uod.

LAKANDIWA:

Tigil na Bubuyog, tigil Paruparo,

Inyo nang wakasan iyang pagtatalo;

Yamang di-malan ang may-ari nito,

Kampupot na iya’y paghatian ninyo.

BUBUYOG:

Kapag hahatiin ang aking bulaklak

Sa kay Paruparo’y ibigay nang lahat;

Ibig ko pang ako’y magtiis ng hirap

Kaya ang talulot niya ang malagas.

PARUPARO:

Kung hahatiin po’y ayoko rin naman

Pagka’t pati ako’y kusang mamamatay;

Kabyak na kampupot, aanhin ko iyan

O buo wala nguni’t akin lamang.

LAKAN-DIWA:

Maging si Solomong kilabot sa dunong

Dito’y masisira sa gawang paghatol;


62

Kapwa nagnanasa, kapwa naghahabol,

Nguni’t kung hatii’y kapwa tumututol.

Ipahintulot pong sa mutyang narito

Na siyang kampupot sabihin kung sino,

Kung sino ang kanyang binigyan ng oo,

O kung si Bubuyog, o kung si Paruparo.

KAMPUPOT:

Ang kasintahan ko’y ang luha ng langit,

Ang Araw, ang Buwan sa gabing tahimik,

At si Bubuyog po’t paruparong bukid,

Ay kapwa hindi ko sila iniibig.

PARUPARO:

Matanong nga kita, sinta kong bulaklak,

Limot mo na baga ang aking pagliyag?

Limot mo na bagang sa buong magdamag

Pinapayungan ka ng dalawang pakpak?

KAMPUPOT:

Tila nga, tila nga sa aki’y mayroong

Sa hamog ng gabi ay may nagkakanlong,

Ngunit akala ko’y dahon lang ng kahoy

At di inakala na sinuman yaon.


63

BUBUYOG:

At ako ba, Mutya, hindi mo na batid

Ang mga bulong ko’t daing ng pag-ibig,

Ang akin bang samo at mga paghibik

Na bulong sa iyo’y di mo ba narinig?

KAMPUPOT:

Tila nga, tila nga ako’y may napansing

Daing at panaghoy na kung saan galing,

Nguni’t akala ko’y paspas lang ng hangin

At di inakala na sinuma’t alin.

BUBUYOG:

Sa minsang ligaya’y tali ang kasunod,

Makapitong lumbay o hanggang matapos.

PARUPARO:

Dito natunayan yaong kawikaan

Na ang paglililo’y nasa kagandahan.

SABAY: BUBYOG AT PARUPARO:

Ang isang sanglang naiwan sa akin

Ay di mananakaw magpahanggang libing.

LAKANDIWA:

Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibang


64

Nabaliw nang hindi kinababaliwan:

Yamang ang panahon ay inyong sinayang

Kaya’t nararapat na maparusahan.

Ikaw ay tumula ngayon, Paru-paro,

Ang iyong tulain ay “Pagbabalik” mo,

At ang “Pasalubong” sa babaing lilo,

Bubuyog, tulain, ito ang hatol ko.

(Pagkatapos makatula ni Paruparo)

LAKAN-DIWA:

Sang-ayon sa aking inilagdang hatol,

Ay ikaw Bubuyog ang tumula ngayon;

Ang iyong tulain ay ang “Pasalubong”

Ng kabuhayan mong tigib ng linggatong.

(Pagkatapos makatula ni Bubuyog)

Minamahal nami’t sinisintang bayan,

Sa ngayo’y tapos na itong Balagtasan;

At kung ibig ninyong sila ay hatulan,

Hatulan na ninyo pagdating ng bahay,


65

TEST I. Batay sa napanood na balagtasan, ibigay ang iyong sariling katuwiran at opinion
sa mga sumusunod na saknong mula sa balagtasang iyong napanood.(2puntos)

1. (22)“Ang dalawang ibon na magkasintahan, papaglayuin mo’t kapwa


mamamatay,kambal na pag-ibig pag pinaghiwalay , bangkay ang umalis, patay
ang nilisan.”
2. (26)“Dinaramdam ko rin ang dinaranas mo, at sa kasawia’y magkauri tayo,ako
ma’y mayroong nawawalang bango ng isang bulaklak kaya naparito.”
3. (15) “Isang dapit-hapong palubog ang araw sa loob ng hardin, kami’y
nagtaguan,paru-paro, an’ya kita’y talian, ako’y hanapin mo’t kung makita’y
hagkan.”
4. (31)” BUBUYOG: Sa isang malungkot at ulilang hardin, ang binhi ng isang
halama’y supling,sa butas ng bakod na tahanan namain, ay kasabay akong
isinisilang din.”
5. (76) “LAKANDIWA: Ang hatol ko’y ito sa dalawang hibang, nabaliw nang
hindi kinbabaliwan:Yamang ang panahon ay inyong sinayang, Kaya’t narapat na
maparusahan.”

TEST II. SANAYSAY (5puntos)

1. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong maging si lakandiwa, ano ang iyong


magiging hatol? Sino ang mananalo sa balagtasan? Sino ang nararapat piliin ni
Kampupot?
66

SUBJECT AREA: FILIPINO

GRADE/YEAR LEVEL:GRADE 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN

TEST I.
Ang mga sumusunod ay mga pahayag mula sa Balagtasang napanood, Piliin ang titik
ng pinakatamang sagot sa mga sumusunod na mga katanungan. Isulat ang tititk sa patlang
bago ang bilang.

1.Alin sa mga sumusunod ang maituturing na eupimistikong pahayag.


a. Hindi ko pinipigil ang pagsasalaysay.
b.Pusong pinagtali ng isang pag-ibig pag pinaghiwalay kapangapanganib.
c. Sa isang malungkot at ulilang hardin ang binhi ng isang halaman ay sumupling
d. nang iyang halama’y lumaki at umunlad.
2.“Ang bango ng mga bulaklak sa parang”. Ano ang ibig ipakahulugan
ng masining na salitang parang?
a. napanaginipan b. hardin
c. malawak na kapatagan d. kagubatan
3.Ako’y hanapin mo at kung makita’y hagkan. Ang ibig ipakahulugan ng salitang hagkan.
a. kainin b. mahalin
c. halikan d. yapusin
4. ”Ang uod na dating ngayo’y namakata, naging paru-paro sa gitna ng tula at isang
bulaklak ang pinipithaya. Ano ang nais ipabatid ng salitang pinipithaya?
a. panaginip b. inaasam
c. minamahal d. inaalagaan
5.Ang makasasali’y batikang makata. Sa sumusunod na mga salita alin ang
kasingkahulugan ng salitang batikan?
a.nais b. subok
c. May kaalaman d.mahal

6-10 Salungguhitan ang mga masisining na mga salita na nakapaloob sa saknong na ito:
“Sa ugoy ng hangin sa madaling-araw, nagduruyan kaming dalawa sa tangkay, at kung
bumabagyo’ malakas ang ulan, ang kanya ring dahon ang aking balabal.”
67

TEST II.
Gumawa ng sanaysay ukol sa iyong mga obserbasyon tungkol sa
balagtasang natalakay. Gumamit ng kasiningan at eupimistikong pahayag
tungkol dito (5 puntos)
Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos
Ang nabuong likha ay akma sa obserbasyon
tungkol sa natalakay 4 puntos
Nakakawili at nagpapakita ng kaalaman ang
sanaysay
4 puntos
Nakagamit ng eupimistikong pahayag sa
pag- buo ng akda 4 puntos
Makasining ang pagkakagawa ng sanaysay
3 puntos
KABUOANG PUNTOS 15 puntos
4- Napakahusay
3- Mahusay
2- Katamtaman
1- Di-mahusay

Susi sa pagwawasto:
TEST I:
1. d
2. c
3. c
4. c
5. b
6-10
Ugoy ng hangin
Nagduruyan
Tangkay
Bumabagyo
Malakas ang ulan
Balabal

SUBJECT AREA: FILIPINO

GRADE/YEAR LEVEL:GRADE 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN


68

TEST I. 1-10 PAG-IISAISA


Isa-isahin ang mga tauhan sa akdang BULAKLAK NG LAHING KALINISLINISAN
at ibigay ang kanilang mga ginagampanan na nagbigay kulay sa balagtasan na napanood.
(sampung puntos)

TEST II. SANAYSAY


Ano ang kahalagahan ng isang lakandiwa sa isang balagtasan? Ano ang maaring mangyari
kung walang lakandiwa. Ipaliwanag (5 puntos)

SUBJECT AREA: FILIPINO

GRADE/YEAR LEVEL:GRADE 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN


69

TEST I.
Pangatwiranan ang mga sumusunod; Mangatwiran sa pamamagitan ng iyong sariling
opinyon at pangangatwiran.

1. Ang pag-ibig ay tulad ng isang bulaklak, diligan at alagaan mo ay lalong


mamumukadkad at kapag iyong pabayaan ay matutuyo at malalanta. Ano ang nais ipahiwatig
ng saknong na ito,Pangatwiranan.(5puntos)

2. Ang buhay ay bigay sa atin ng may kapal, maraming pagsubok na tiyak na malalampasan,
paghihirap na tiyak ring gagaan.tama nga ba?Ano ang nais ipahiwatig ng saknong na
ito,Pangatwiranan.(5puntos)

TEST II. SANAYSAY (5puntos)

1. Bakit mahalaga ang pangangatuwiran? Paano mo maipapahayag ang iyong


pangangatuwiran sa Balagtasan?

SUBJECT AREA: FILIPINO

GRADE/YEAR LEVEL:GRADE 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN


70

TEST I.1-10
Ilahad ang iyong damdamin tungkol sa kaugaliang pagtanaw ng utang na loob. Ipakita ang
panig mong sumasang-ayon at sumasalungat sa kaugaliang ito. (10 puntos)
Mga kraytirya
Nilalaman (5 puntos)
Kaugnayan sa Tema (5 puntos)
Pangangatwiran/Paggamit ng Salita (5 puntos)
Kabuuan (15 puntos)

TEST II. Gumawa ng sarili mong balagtasan tungkol sa topikong: Babae dapat bang
manligaw? Ipahayag ng maayos ay iyong pagsang-ayon at pagsalungat.

SUBJECT AREA: FILIPINO

GRADE/YEAR LEVEL:GRADE 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN


71

TEST I.1-10
Sa pamamagitan ng mga salitang panghudyat sa baba, gamitin ang mga ito upang ihayag ang
iyong mga opinyon sa mga sumusunod na isyu.
OO WALANG PANUBALI

AAYON MAARI

HINDI SAPAGKAT

SANG-AYON HINDI MAARI

NGUNIT

1. Kasabay ng pagtindig ni Gina Lopez para sa kalikasan, kailangang paigtingin ng bayan


ang laban kontra sa malalaking kompanya ng mina. Sasang-ayon ka ba o sasalungat?
Pangatwiranan.
2. May mga dapat tuparin ang gobyernong Duterte sa mga komitment nito sa usapang
pangkapayapaan. Sa kabila nito, may nakamit na mga tagumpay ang ikatlong round ng
negosasyon sa Roma, Italya.Sasang-ayon ka ba o sasalungat? Pangatwiranan.
3. Nagpabaya sina Bautista at hindi pinrotektahan ang impormasyon ng mga botante na
pinagkatiwala sa kanila.Sasang-ayon ka ba o sasalungat? Pangatwiranan.

TEST II. SANAYSAY


Ano ang kahalagahan ng mga pahayag na panang-ayon at panalungat sa pang araw-araw
nating pamumuhay. (5puntos)

SUBJECT AREA: FILIPINO 8

GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN

TEST I:
72

PANUTO: Bigyang-kahulugan ang mga sumusunod na pahayag batay sa pagkagamit sa akda.


Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot. (10 puntos)

1. May buhay pusa si Kapitan Inggo.


2. Ang kamay pong namamatay ng kapwa ay hindi dapat hagkan.
3. Ang kaluluwa ko’y inihain ko na kay Bathala.
4. May Diyos na totoo na nakakakita lahat ng gawa ng prayleng kuhila.
Tumugtog na ang oras ng pananawagan ng naaaping Ina.
5. Ikaw irog ko’y aking itatago sa loob ng dibdib sa tabi ng puso nang di malubos ang
pagkasiphayo.
6. Mangulimlim na ang sa matang ilaw.
7. Ang mga kabanalang ginawa ng mga tao noong araw ay pawang pakunwari at
pakitang-tao lamang alinsunod sa malaking takot sa mga prayle.
8. Nakalulunos ang kamangmangan.
9. Tumugtog na ang oras ng panawagan ng naaaping Ina.
10. Magliliwayway ulit dilim ay mapapawi.

A. B. C.

Ikaw, Mahal ay laging nasa Nakakaawa ang mga Mawawala na ang ligaya sa
puso upang di makadama ng mangmang. aking mga mata.
kalungkutan.

D. E. F.

Mahaba ang buhay ni Di dapat igalang ang Matatapos na ang


Kapitan Inggo. mamamatay-tao. kasalipinan at makalaya
nang muli.

G. H. I.

Ibinigay ko na sa Diyos ang Ang mga tao ay nagsisimba Ang puso’y nakadarama ng
aking buhay. at nagbibigay ng tulong sa kalungkutan na maaaring
simbahan dahil sa takot sa ikamatay.
mga prayle.
73

J. K.

May Diyos na nakakikita sa Panahon na para ipagtanggol


mga kataksilan at kasamaang ang Pilipinas mula sa
ginagawa ng mga prayle. pagkakaalipin.

TEST II.

PANUTO: Ibuod mo ang Sarsuwela sa tulong ng sumusunod na story board. Piliin mo ang
kasunod na mga pangyayari. Isulat ang tamang letra sa loob ng kahon ayon sa pagkasunod-
sunod. Gawin sa papel. Gayahin ang pormat. (5 puntos)

a. Sugatang dumating si Tenyong sa kasal.


b. Naisipan ni Julia na tumakas at pumunta sa kinaroroonan ni Tenyong.
c. Binuburdahan ni Julia ang panyong ibibigay kay Tenyong.
d. Ipinagkasundo ni Juana si Julia kay Miguel.
e. Namatay si Kapitan Inggo dahil sa sobrang palo na dinanas.

WALANG SUGAT
74

Answer’s Key:

1. D 4. J 7.H 10. F

2. E 5. A 8. B

3.G 6. C 9. C

Walang Sugat
Severino Reyes (1898)
                                                                                                                  

Unang Yugto

  1.   Nagburda ng mga panyolito si Julia. Darating si Teñong. Magkakayayaang magpakasal


ang dalawa.
  2.  Darating si Lucas at ibabalitang dinakip ang ama ng binata. Magpapaalam ang binata
para sundan ang ama. Sasama si Julia at ang inang nitong si Juana.
  3.  Maraming dumadalaw sa mga dinakip. Inaalipusta sila ng mga kura.Tinatawag
silang filibusterismo at mason. May hindi na makakain sa dinanas na hirap. May namatay na.
  4.  Naroon si Kapitana Puten, ang ina Teñong, na ibig Makita ang asawang Kapitan Inggo
bugbog na sa palo.
   5.  Darating si Teñong. Hindi siya hahalik sa kamay ng kura. Kagagalitan ito ng ina. Sinabi
ng binatang “ang mga kamay na pumapatay sa kapwa ay hindi dapat hagkan.”
   6.  Isusumpa ni Teñong na papatay siya ng mga kura kapag namatay si Kap.
Inggomamamatay nga ang matanda. Magyayaya si Teñong ng mga kasama na magsikuha  ng
baril at gulok. Makikiusap si Julia na wag ituloy ni Teñong ang balak dahil nag-iisa na ang
ina ng binata. Sasalakayin pa rin nina Teñong ang mga kura.

  Ikalawang Yugto
75

    7. May manliligaw si Julia na Miguel ang pangalan. Mayaman. Bugtong na anak.


    8.Nag-usap na ang ina ni Julia at mga ama ni Miguel tungkol sa pagpapakasal ng
dalawa. Hindi alam ni Juana ang tungkol kay Julia at Teñong. Magpapadala ang dalaga ng
liham  kay Teñong sa tulong ni Lucas.
    9. Si Teñong ay kapitan ng mga maghihimagsik. Walang takot sa labanan. Matatagpuan
din ni Lucas ang kuta nina Teñong. Ibibgay ang sulat ng dalaga. Isinasaad doon ang araw ng
kasal nila ni Miguel.
    10. Sasagutin sana ni teñong ang sulat ngunit nagkaroon ng labanan. Maghahandang
lumaban ang mga Katipunero. 

  Ikatlong Yugto

    11. Sinabi ni Lucas kay Julia kung bakit hindi natugunan ni Teñong ang kaniyang liham.
Nagbilin lamang ito na uuwi sa araw ng kasal. 
    12. Habang nanliligaw si Miguel kay Julia, si  Teñong pa rin ang nasa isip ng dalaga.
Ayaw niyang makipag-usap sa manliligaw kahit kagalitan siya ng ina.
    13. Si Tadeo na ama ni Miguel ay nanligaw naman kay Juana.
    14. Kinabukasa’y ikakasal na si Julia kay Miguel. Nagpapatulong si Julia kay Lucas
na tumakas upang pumunta kay Teñong. Ngunit di alam ni Lucas kung nasaan na sina
Teñong kaya walang nalalabi kay Julia kundi ang magpakasal o magpatiwakal.

    15. Pinayuhan ni Lucas si Julia na kapag itatanong na ng pari kung iniibig nito si Miguel
ay buong lakas nitong isigaw ang “Hindi po!” Ngunit tumutol ang dalaga dahil mamamatay
naman sa sama ng loob ang kanyang ina.
    16. Sa simbahan, ikakasal na si Julia kay Miguel nang dumating si Teñong na sugatan,
nasa punto ng kamatayan. Ipinatawag ng Heneral ng mga Katipunero ang pari para
makapangumpisal si Teñong.
    17. Pinakinggan ng kura ang kumpisal ni Teñong. May huling kahilingan ang binate na sila
ni Julia ay makasal bago siya mamatay. Galit man si Juana ay pumayag ito. Pumayag din si
Tadeo dahil sandali na lamang at puwede na uling ikasal si Julia at ang kaniyang anak.
Gayundin si Miguel.
    18. Ikinasal sina Julia at Teñon. Babangon si Teñong mula sa pagkakahiga at … “Walang
sugat!” sigaw ni Miguel. At gayundin ang isisigaw ng lahat. Gawa-gawa lamang ng  Heneral
at ni Teñong ang buong eksena.
76

SUBJECT AREA: FILIPINO 8

GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN

TESTI: Hanapin mo sa mga nakatala ang mga kaisipang nakapaloob na nagpapahiwatig ng


mga suliranin sa akda. Isulat mo lamang ang bilang sa loob ng dayagram. Pagkatapos,
ipaliwanag mo ang mga suliraning pangyayari na sumusuporta sa kaisipang ito. (2 puntos sa
bawat bilang)

Kaisipan

Kaisipan Kaisipan

Walang

Sugat

Kaisipan Kaisipan

1. Handang ibuwis ang buhay makamit lamang ang kalayaan.


2. Nasa pagkakaisa ang lakas upang maisagawa ang layuning mahango ang kaalipinan
ng bayan.
3. Pag-ibig pag pumasok sa puso ninuman, hahamakin ang lahat masunod ka lamang.
77

4. Isakripisyo ang sarili nang dahil sa pagmamahal sa magulang.


5. Tuso man ang matsing, napaglalalangan din.

6. Daig ng maagap ang masipag.


7. Tinalikuran ang mga mahal sa buhay nang dahil sa pag-ibig sa bayan.
8. Sa larangan ng digmaan, nakikilala ang matapang.
9. Panlilinlang upang makamit ang tagumpay.
10. Pagpapakasal sa taong hindi mo naman mahal.

TEST II.Bigyang katuwiran ang ginawi ng mga tauhan sa akda. (2 puntos sa bawat bilang)

1. Bakit hindi agad inamin ni Julia na kay Tenyong ang panyong kaniyang
binurdahan? Ano ang gagawin mo sakaling mangyari sa iyo ang pangyayaring
naranasan ng babae sa kwento?

2. Anong nangyari sa tatay ni Tenyong na si Kapitan Inggo? Ano-anong pagpapahirap


ang naranasan niya sa kamay ng mga prayle? Makatarungan ba ang ginawa sa
kanya? Bakit?

3. Tama ba ang ginawa ng ina ni Julia na ipagkasundo nito ang anak sa isang lalaking
mayaman? Kung ikaw ang nasa sitwasyon ni Julia, papaya ka bas a pasiya ng iyong
ina? Bakit?

4. Tama ba na magtanim ng galit si Tenyong sa mga pari? Ipaliwanag.

5. Angkop ba ang pamagat na Walang Sugat sa akda? Bakit?


78

SUBJECT AREA: FILIPINO 8

GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN

TEST I:PANUTO: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Ang kaluluwa ko’y inihain kay Bathala. Ang pahayag na ito’y nangangahulugang
______.
a. Ang nagsasalita’y patay na.
b. Ayaw pa niyang mamatay.
c. Ibinigay na niya kay Bathala ang kanyang buhay.
d. Nangako siya kay Bathala na magbubuwis siya ng buhay.
2. Ang nagbunsod kay Tenyong upang maghimagsik ay _____.
a. pakamatay ng ama
b. sobrang pagpapahirap ng mga prayle
c. pagpapakasal ni Julia
d. pang-aabuso ng mga prayle
3. Para ka Juana, sa pagpili ng mangingibig kailangang paghariin ang _____.
a. Puso
b. Isip
c. Mata
d. Lahat ng nabanggit
4. Nakahahambal ang ayos ng mga bilanggo. Ang kahulugan ng nasasalunnguhitang salita
ay _____.
a. nakasusuka b. nakaaawa c. nakadidiri d. nakagagalit
5. Ang mga ito’y gawa ng mga kurang sukaban. Ang ibig sabihin ng salitang sukaban ay
_____.
a. Malupit b. taksil c. bastos d. hunghang
6. Sinulatan ni Julia si Tenyong at ibinalitang ______________.
a. namatay ang inang si Kapitan Putin nang araw na umalis ito
b. ikakasal siya kay Miguel
c. a & b
d. wala sa nabanggit
7. Sa akdang “Walang Sugat” inilarawan ang _______.
a. kagalingan ng pamamahala ng mga Kastila sa Pilipinas
b. kahinaan ng pamamahala ng mga Kastila
c. kalupitan ng mga Kastila sa pagpaparusa sa mga Pilipinong wala namang
pagkakasala
d. kabaitan ng mga Kastila sa mga Pilipino

8. Ipinakita rin dito ang paghahari ng _________.


a. dominanteng uri/mayayaman
b. aping uri/mahihirap
c. mga maghihimagsik
d. wala sa nabanggit
79

9. Nakasal si Julia kay Tenyong sa tulong ng Heneral ng mga Katipunero. Sa pangyayaring


ito, napatunayan ang kasabihang ____________.
a. Kapag may tiyaga, may nilaga
b. Tuso man ang ating matsing napaglalangan din
c. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa
d. Walang imposible sa daigdig
10. Iniwan ni Tenyong ang mga mahal sa buhay upang tugunin ang panawagan ng Inang
Bayan. Sa ginawang ito ni Tenyong, masasabing siya’y __________.
a. makaina
b. uwaran
c. mabuting mamamayan
d. makabayan

TEST II: Hanapin mo sa Hanay B ang kasingkahulugan ng mga nasasalungguhitang salita sa


Hanay A. Titik lamang ang iyong iulat sa patlang bago ang bilang.

HANAY A HANAY B

_____1. huwag aglahiin a. nakakaawa

_____2. kurang sukaban b. hamakin

_____3. nakahahambal c.tanga/tunggak

_____4. mga tampalasan d. malupit

_____5. taong hunghang e. taksil

Susi sa pagwawasto:

TEST I: TEST II:

1. c 1. b

2. c 2. d

3. b 3. a
80

4. b 4. e

5. a 5. c

6. c

7. c

8. a

9. b

10. d

SUBJECT AREA: FILIPINO 8

GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN

TEST I: Piliin mo sa mga sumusunod ang mga paraan ng pagpapakita ng pag-ibig sa bayan. Titik
lamang ang isulat mo sa iyong sagutang papel.

A. Pagbubuwis ng buhay para sa kalayaan ng bansa.


81

B. Pananatili sa Pilipinas kahit malaki ang kikitain sa ibang bansa.


C. Pagbabayad ng buwis.
D. Pagtangkilik sa mga produkto ng bansa.
E. Pagsunod sa batas.
F. Pagtulong sa kapwa.
G. Matapat na pagtupad sa tungkulin.
H. Paggalang sa watawat.
I. Pangngangalaga sa mga likas na kayamanan ng bansa.
J. Pagsunod sa mga magulang.

TEST II.

PANUTO: Balikan ang mga tanong na sumasalamin sa sarsuwela, ang kulturang Pilipino gamit
ang pinasidhing anyo ng pang-uri. Patunayan. Isulat sa salamin (mirror graphic organizer) ang
iyong sagot.

= =

SUBJECT AREA: FILIPINO 8

GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN

TEST I: Ang mga mag-aaral ay makikibahagi sa pagtatanghal ng dula mua sa orihinal na iskrip
na naglalarawan ng ilang pangyayari sa buhay ng isang tao o mga tao sa kasalukuyan.

Dahil sa lumalalang isyung panlipunan na may kinalaman sa estado ng ating


pamayanan tungkol sa kultura, gawi, kugalian ng pamilya, ang NCCA kasama ang Lokal na
82

Pamahalaang Panturismo at DSWD ay maglulunsad ng isang patimpalak sa dulang pantanghalan


na magtatampok sa mga pamilya na hanggang sa kasalukuyan ay makikita pa ang mga kultura,
gawi sa makabagong panahon. Ang timpalak ay naglalayon na mahikayat ang bawat pamilya na
magsilbing inspirasyon sa komunidad.

Ikaw bilang pangulo ng Samahang Kabataan (SK) ang napiling mamahala ng


inyong punong bayan sa patimpalak na ito upang mangalap ng mga pamilya na naangkop sa
ganitong kategorya. Ang magwawaging lahok ay tatanggap ng salapi, tropeo at sertipiko at
mailalathala sa local na pahayagan sa bayan. Inaasahan na ang dula ay dapat na makatotohanan,
may angkop na kasuotan, naaangkop sa tema, may angkop na tunog, ilaw at tagpuan, mahusay
ang iskrip at sumasalamin sa kultura at paniniwala ng pamilyang Pilipino.

RUBRICS

PANGKATANG PRESENTASYON

EKSPERTO BINASA DI-


LUBOS
PAMANTA
YAN (5) (4) (3) (2 (1) BI IS
GA KO
T R

KONSEPT Orihinal Orihinal Orihinal Pangkaran Pangkara 4


O at ang istorya ang istorya ang istorya iwan ang niwan ang
NILALAM ng ng ng istorya ng kabuuang
AN ng pagsasadul pagsasadul pagsasadul pagsasadul konsepto
PAGSASAD a; a; a; a; ng
83

ULA Malinaw Malinaw Malinaw Malinaw pagsasadu


(ISTORYA, na na na na la;
KAISAHAN naipapakit naipapakit naipapakit naipapakit Naipapaki
) a ang lahat a ang a ang 4-5 a ang 2-3 ta ang 1
ng mga karamihan konsepton konsepton konsepto
konsepton ng mga g ukol sa g ukol sa ng
g ukol sa konsepton suliraning suliraning pagsasadu
suliraning g ukol sa pangkapali pangkapali la ngunit
pangkapali suliraning giran sa giran sa kulang sa
giran sa pangkapali pamamagit pamamagit konkreton
pamamagit giran sa an ng an ng g
an ng pamamagi konkreton konkreton halimbaw
konkreton tan ng g g a.
g konkreton halimbawa halimbawa
halimbawa g . .
. halimbawa
.

DALOY NG
PAGSASAD
ULA
(KAAYUSA
N,
PAGKAMA
LIKHAIN)

PAGSUNO
D SA
MEKANIK
S

KOOPERA
SYON NG
PANGKAT

(Tignan
Implementat
ion Matrix)

KABUUANG ISKOR 15 PUNTOS


84

IMPLEMENTATION MATRIX

PANGALAN PAMANTAYAN
NG
MIYEMBRO

Pagdala ng Pagbibigay- Pakilahok sa Karagdagang


materyales para ideya sa pagbuo pagsasadula Komento
sa pagsasadula ng istorya ng
pagsasadula

1.

2.

3.

4.

5.

SUBJECT AREA: FILIPINO 8

GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN

TEST I: Sagutin ang mga tanong na may kaugnayan sa binasang akda upang masukat natin
kung naunawaan mo ang nilalaman nito. (2 puntos sa bawat bilang)

1. Ano ang sarsuwela?


2. Bakit ito kinagigiliwan ng mga Pilipino noong Panahon ng Amerikano?
3. May sarsuwela pa ba sa kasalukuyan? Paano ito naiiba sa ibang akdang
pampanitikan?
4. Bakit dapat pahalagahan at palaganapin ang Sarsuwela bilang bahagi ng panitikang
Pilipino?
5. Suriin ang kultura o kalagayang panlipunang masasalamin sa akdang Walang
Sugat.

TEST II.

PANUTO: Gamit ang Venn Diagram, ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ni Julia sa
85

kababaihan sa kasalukuyan. Isulat sa papel ang sagot. Gayahin ang pormat. (5 puntos)

JULIA PAGKAKATULAD KABABAIHAN SA

KASALUKUYAN

PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA

SUBJECT AREA: FILIPINO 8

GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN

TEST I. PANUTO: Balikan ang dula at ihanay ang mga pandiwang nakapaloob ditto ayon sa
mga aspekto nila.

ASPEKTO NG PANDIWA

Aspektong Aspektong Aspektong Aspektong


Perpektibo Perpektibong Imperpektibo Kontemplatibo
Katatapos

1.

2.

3.

4.

5.

6.
86

7.

8.

9.

10.

SUBJECT AREA:FILIPINO 8

GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN

TEST I:Magsaliksik tungkol sa mga sarsuwelistang sina Severino Reyes, Pedro Paterno,
Aurelio Tolentino, Juan Abad, Juan Crisostomo, Soto Amando at Navarette Osorio. Gumawa
ng maikling talambuhay tungkol sa kanila at itala ang mga sarsuwelang kanilang isinulat. (15
puntos)

RUBRIC SA PAGMAMARKA

Kraytirya Napakahusay Mahusay Nalilinang Nagsisimula

15 10 8 5

Nilalaman Kompleto at May May kakulangan Maraming


komprehensibo kaunting at may maling kulang at may
kakulangan impormasyon maraming mali
na
impormasyon

Organisasyon Organisado, Malinaw at Maayos ngunit Hindi maayos


malinaw at lohikal maayos may hindi at hindi
masyadong malinaw
malinaw

Partisipasyong Komprehensibong May Hindi gaanong Hindi


paglahad nailalahad ang kakulangan nailahad ang maunawaan
talambuhay ng may- sa paglalahad talambuhay ng
87

akda ng may-akda at may ang nilalaman


talambuhay kahirapang
ng may-akda maisakatuparan

KABUUAN:

SUBJECT AREA: FILIPINO 8

GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN

TEST I: Ibigay ang magkaibang katangian ng dalawang uri ng sanaysay. (Para sa bilang 1-
4).

SANAYSAY

Pormal Pamilyar

Magkaibang Katangian:

________________________________________
_____________________________.

Ikalawang Bahagi

PANUTO: Basahin at unawain ang sumusunod na bahagi ng teksto.


88

Ang matandang babae ay ‘di nakasagot. Babae palibhasa at ina ng nagtatanong na


dalaginding ay natarok na kapagkaraka ang lagay ng kalooban ng kaniyang anak. Si
Irene ay hindi nga sasalang ginugulo noon ng mga suliranin ng puso. Umiibig, di
sasalang siya’y umiibig.

“Hindi,” ang tiyak na sagot.

“Nang makilala mo ba si Tatang,” ang patuloy na tanong, “ay may naramdaman


ka bang pintig sa loob ng dibdib?”

SUBJECT AREA: FILIPINO 8

GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN

TEST I. PANUTO: Basahin at unawain.

Wikang Pambansa
ni Manuel L. Quezon
Hindi ko naisa na Kastila o Ingles ang maging wika ng pamahalaan. Kailangang
magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga
katutubong wika.

Nagmula ang mga karamihan ng mga suliranin pagkukulang na kasalukuyang


nararanasan ditto sa kawalan n gating sariling wikang pambansa. Ang pagnanais gayahin
ang lahat ng kilos banyaga kahit hindi alam kung ito’y mabuti o masama ay dahil sa isang
kahinaan--- ang kakulangan ng isang tunay na pambansang kamalayan. Hindi magkaroon
ng pambansang kamalayan kung saan walang wikang ginamit ng lahat.

Naunawaan ko lamang kung gaano kahirap ang kakulangan ng wikang pambansa


noong nagging Pangulo ako. Ako ang Pangulo ng Pilipinas; ako ang kumakatawan sa
baying Pilipinas at sa mga Pilipino.

Ngunit kapag ako’y naglalakbay sa mga lalawigan at kinakausap ang aking mga
kapwa mamamayan, kailangan ko ng tagapagsalin. Nakakahiya hindi ba?

Sang-ayon ako sa patuloy na pagtuturo sa Ingles sa mga paaralan at itataguyod ko


rin ang pagpapatuloy ng Kastila. Subalit dumating na ang panahon upang magkaroon tayo
ng isang wikang pambansa.

Ang suliranin ay gusto ng mga Ilokano ang wikang pambansa; ang mga Tagalog,
Tagalog; ang mga Bisaya, Bisaya. Ako ay Tagalog. Kung sasabihin ng mga dalubhasa sa
iba’t-ibang wikang Pilipino na Mangyan ang katutubong wikang pinakamainam gamitin,
Mangyan ang tatangkilikin ko higit sa ibang wika. Tagalong ang giangamit naming sa
89

pamilya. Pero handa akong mag-aral ng Ilokano, Bisayao anupamang ibang katutubong
wika para lamang magkaroontayo ng wikang ginagamit ng lahat.
90

Sagutin ang mga tanong at Gawain sa isang sagutang papel. (10 puntos)

1. Sa iyong palagay, bakit kailangang magkaroon ng wikang pambansa ang Pilipinas?


2. Bigyang interpretasyon ang pahayag na nakasulat nang pahilig; “Kailangang
magkaroon ng sariling wika ang Pilipinas, isang wikang nakabatay sa isa sa mga
katutubong wika.”
3. Kung ikaw ay nasa katayuan ni dating Pangulong Quezon, tulad din ban g kaniyang
desisyon ang iyong gagawin upang magkaroon tayo ng isang wikang pambansa?
Bakit?
4. Sa kasalukuyan, makikita bang Malaya ang mga Pilipino sa paggamit ng wikang
pambansa? Magbigay ng sitwasyon batay sa sariling karanasan o ng ibang taong
nakapaligid sa iyo.
5. Bilang isang kabataan, paano mo maipapakita ang pagpapahalaga sa wikang
pambansa?

Panuto: Tukuyin ang pagkakatulad at kaibahan ng sanaysay sa iba pang uri ng akdang
pampanitikan. (5 puntos)

Sanaysay Iba pang panitikan

Paano nagkatulad

______________________________________
______________________________________
______________________________________

Paano nagkaiba sa..

Uri___________________________________K
atangian______________________________P
agkakalahad___________________________I
ba pang
pagpapaliwanag______________________
91

UBJECT AREA: FILIPINO 8

GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN

TEST I: Ayon sa binasang sanaysay na pinamagatang “Wikang Pambansa” ni Manuel L.


Quezon, pumili ng isang salita sa akda. Ilagay ito sa pinakagitnang kasunod na grapiko.
Ibigay ang kahulugan, ang katangian, ang bahagi ng pananalita at mga halimbawang
pangungusap. (10 PUNTOS)

FRAYER MODEL

KAHULUGAN KATANGIAN

SALITA

BAHAGI NG HALIMBAWA NG
PANANALITA PANGUNGUSAP
92

TEST II: Narito ang mga salitang ginamit sa sanaysay na Wikang Pambansa. Ayusin ito
ayon sa kasidhian ng salita gamit ang clining.

1.

__________________ kultura
__________________ tatak
__________________ kamalayan
__________________ pagkakakilanlan

2.

__________________ pagdarahop

__________________ kawalan

__________________ kakulanagn

__________________ paghihirap

3.

_________________ gusto

_________________ nais

_________________ kailangan

_________________ nasa

4.

_________________ mahalin
93

_________________ gamitin

_________________ tangkilikin

_________________ itaguyod

5.

_________________ suliranin

_________________ di-pagkakaunawaan

_________________ problema

_________________ sigalot

SUBJECT AREA: FILIPINO 8

GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN


94

TEST I. PANUTO: Pansinin ang kasunod na mga pangungusap na may salungguhit.


Ipaliwanag ang layunin ng mga pangungusap. (10 puntos)

1. Matagal na panahon na rin simula nang ako ay ipaglaban ni dating Pangulong Manuel
L. Quezon
____________________________________________________________

2. Sa paglipas ng panahon ay mabilis na naging modern na ang ating bansa.


___________________________________________________________

3. Pakiramdam ko ay binihisan ako upang sumabay sa makabagong panahon.


____________________________________________________________

4. Sa makabagong panahon, gamitin mo ako kung sa paraan na iyong wika ang ibig mo,
piliin lamang sa tamang panahon at tamang sitwasyon. Tiyak na ang aking patuloy na
pag-unlad.
____________________________________________________________

TEST II. Panuto: Ibigay ang sariling opinyon tungkol sa kahalagahan ng opinyon at
katuwiran sa isang Sanaysay noong Panahon ng Komonwelt.

_____________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
_

SUBJECT AREA:FILIPINO 8

GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN


95

TEST I: Sumulat ng sariling pagpapahayag tungkol sa isang bagay na itinuturing mong sarili
mong yaman na maaaring sa paraan ng paglalahad, paglalarawan pagsasalaysay at
pangangatuwiran. (15 puntos)

Ang Aking Yaman

________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
___________________________________________.

PAMANTAYAN:

A. Kalinawan - 20%
B. Wastong gamit ng gramatika - 20%
C. Wastong gamit ng bantas -10%
D. Kaisahan ng salita, pangungusap at talata -30%
E. Makatotohanan - 20%
Kabuuan: 100%

TEST II: Sumulat ng isang sanaysay tungkol sa paksang “Ang kabataan Noon at Ngayon.”
Gamitin ang pamantayan sa unang gawain.

DIVISION: CALBAYOG

SUBJECT AREA: FILIPINO 8

GRADE/YEAR LEVEL: GRADE 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN

TEST I. Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag. Maari kang magpanukala,
96

pumuna, sumang-ayon, sumalungat, maghambing o manindigan tungkol sa bawat isa.


Isulat sa patlang ang iyong pananaw o kaisipan. (2 puntos sa bawat bilang)

1. Pagsunod ng mag-aaral ng uniporme sa paaralan.


____________________________________________

____________________________________________

2. Pagbibgay ng iyong magulang ng mga tuntuning dapat sundin sa tahanan.


____________________________________________
____________________________________________

3. Pagbibigay ng angkop na kaparusahan kapag hindi nasunod ang mga tuntunin sa


bahay man o sa paaralan.
____________________________________________

____________________________________________

4. Pagkakaroon ng mga bata ng walang haggang kalayaang gawin ang lahat ng gusto
nilang gawin kailanman o saanman.
____________________________________________

___________________________________________

5. Pananakit nang pisikal sa mga batang sumusuway sa mg autos o tuntunin.


____________________________________________
____________________________________________
TEST II: Nakaranas ka na bang maapektuhan ng welga ng mga pampasaherong sasakyan? Isulat
ang mga bagay na iyong naranasan dahil sa pangyayaring ito. Kung hindi ka pa nakakaranas ay
maaring isulat ang mga bagay na napakinggan mo mula sa mga kakilala mong naapektuhan na ng
welga o kaya’y mga pangyayaring nabasa mo kaugnay nito. (5 puntos)

Sa Pula, Sa Puti
Ni Francisco “Soc” Rodrigo

Kulas: A…hem! E, kumusta ka ngayong umaga, Celing.


Celing: Mabuti naman, Kulas. Salamat at naalala mo akong kamustahin.
Kulas: Si Celing naman, bakit naman ganyan ang sagot mo sa akin?
Celing: Sapagkat pagkidlat ng mata mo sa umaga, wala ka ng iniisip kamustahin at
himasin kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo ang tinali mo kaysa sa akin.
Kulas: Ano ka ba naman, Celing, wala ng mas mahal pa sa akin sa buhay na ito kundi
ang asawa.
97

(Ilalagay ang kamay sa balikat ni Celing).


Celing: Siya nga ba? Ngunit kung nakikita kong hinihimas mo ang iyong tinali, ibig
ko ng kung minsang mainggit at magselos.
Kulas: Ngunit Celing, alam mo namang kaya ko lamang inaalagaang mabuti ang mga
tinaling ito ay para sa atin din. Sila ang magdadala sa atin ng grasya.
Celing: Grasya ba o disgrasya, gaya ng karaniwang nangyayari?
Kulas: Huwag mo sanang ungkatin ang nakaraan. Oo, ako nga'y napagtalo noong mga
nakaraang araw, sapagkat noon ay hindi pa ako bihasa sa pagpili at paghimas ng
manok. Ngunit ngayon ay marami na akong natutuhan, mga bagong sistema.
Celing: At noong nakaraang Linggo, noong matalo ang iyong talisain, hindi mo pa ba
alam ang mga bagong sistema.
Kulas: Iyon ay disgrasya lamang, Celing, makinig ka. Alam mo, kagabi ay nanaginip
ako. Napanaginipan kong ako'y hinahabol ng isang kalabaw na puti. Kalabaw na puti,
Celing!
Celing: E ano kung puti?
Kulas: Ang pilak ay puti, samakatwid ang ibig sabihin ay pilak. At ako'y hinahabol…
Hinahabol ako ng pilak…ng kuwarta!
Celing: Ngunit ngayon ay wala nang kuwartang pilak.
Kulas: Mayroon pa, nakabaon lang. kaya walang duda, Celing. Bigyan mo lamang
ako ng limang piso ngayon ay walang salang magkakuwarta tayo.
Celing: Ngunit, Kulas, hindi ka pa ba nadadala sa mga panaginip mong iyan? Noong
isang buwan, nanaginip ka ng ahas na numero 8. Ang pintakasi noon ay nation sa a-8
ng Pebrero at sabi mo'y kuwarta na ngunit natalo ka ng anim na piso.
Kulas: Oo nga, ngunit ang batayan ko ngayon ay hindi lamang panaginip. Pinag-
aralan kong mabuti ang kaliskis at ang tainga ng manok na ito. Ito'y walang
pagkatalo, Celing. Ipinapangako ko sa iyo, walang sala tayo ay mananalo.
Celing: Kulas, natatandaan mo bang ganyan-ganyan din ang sabi mo sa akin noong
isang Linggo tungkol sa manok mong talisain? At ano ang nangyari? Nagkaulam tayo
ng pakang na manok.
Kulas: Sinabi ko nang iyon ay disgrasya!
(Maririnig uli ang sigawan sa sabungan. Maiinip si Kulas).
Sige na, Celing. Ito na lamang. Pag natalo pa ang manok na ito, hindi na ako
magsasabong.
Celing: Totoong-totoo?
Kulas: Totoo. Sige na, madali ka at nagsusultada na. sige na, may katrato ako sa
susunod na sultada. Pag hindi ako dumating ay kahiya-hiya.
(Titingnan ni Celing ang pagkakabalisa ni Kulas at maisip na walang saysay ang
pakikipagtalo pa, iiling-iling na dudukot ng salapi sa kanyang bulsa).

Celing: O, Buweno, kung sa bagay, ay tatago lamang ako ng pera. O, heto. Huwag mo sana
akong sisihan kung mauubos ang kaunting pinagbilhan ng ating palay.
Kulas:
98

(Kukunin ang salapi)


Huwag kang mag-alala, Celing, ito'y kuwarta na. seguradong-segurado! O, Buweno, diyan ka
muna.
(Magmamadaling lalabas si Kulas, ngunit masasalubong si Sioning sa may pintuan.)
Sioning: Kumusta ka, Kulas?
Kulas:
(Nagmamadali)
Kumusta…e…eh…Sioning didispensahin mo ako. Ako lang ay nagmamadali. Eh…este…
nandiyan si Celing! Heto si Sioning. Buwena-diyan ka na.
(Lalabas si Kulas).
Sioning: Celing, ano ba ang nangyayari sa iyong asawa? Tila pupunta sa sunog.
Celing: Ay, Sioning, masahol pa sa sunog ang pupuntahan. Pupunta na naman sa sabungan.
Sioning: Celing, talaga bang…
Celing: Sandali lang ha, Sioning.
(Sisigaw sa gawing kusina).
Teban! Teban! Teban!
Teban:
(Masunurin ngunit may kahinaan ang ulo).
Ano po iyon Aling Celing?
Celing:
(Kukuha ng limang piso sa bulsa at ibibigay kay Tebang).
O heto, Teban, limang piso…Nagpunta na naman ang amo mo sa sabungan. Madali, ipusta
mo ito. Madali ka at baka mahuli!
Teban:
(Nagmamadaling itinulak ni Celing sa labas).
Sioning: Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba'y naging sabungera na rin?
Celing: Si Sioning naman. Hindi ako sabungera! Ngunit sa tuwing magsasabong si Kulas ay
pumupusta rin ako.
Sioning: A…Hindi ka sabungera, ngunit pumupusta ka lamang sa sabong? Hoy, Celing, ano
ba ang pinagsasabi mo?
Celing: O, Buweno, Sioning, maupo ka't ipaliliwanag ko sa iyo. Ngunit huwag mo namang
ipaalam kaninuman.
Sioning: Oo, huwag kang mag-alala sa akin.
Celing: Alam mo, Sioning, ako'y pumupusta sa sabong upang huwag kaming matalo.
Sioning: Ah, pumupusta ka sa sabong upang huwag kayong matalo. Celing pinaglalaruan mo
yata ako.
Celing: Hindi. Alam mo'y marami kaming nawawalang kuwarta sa kasasabong ni Kulas.
Nag-aalaala akong darating ang araw na magdidildil na lamang kami ng asin. Pinilit kong
siya'y pigilin. Ngunit madalas kaming magkagalit. Upang huwag kaming magkagalit at
huwag maubos ang aming kuwarta, ay umisip ako ng paraan. May isang buwan na ngayon,
na tuwing pupusta si Kulas sa kaniyang manok ay pinupusta ko si Teban sa sabungan upang
pumusta sa manok na kalaban.
Sioning: (May kahinaan din ang ulo). Sa anong dahilan?
99

Celing: Puwes, kung matalo ang manok ni Kulas ay nanalo ako. At kung ako nama'y matalo
at nanalo si Kulas, kaya't anuman ang mangyari ay hindi nababawasan ang aming
kuwarta.Sioning. A siya nga. Siya nga pala naman.
(Mag-uumpisang Maririnig ang sigawan buhat sa sabungan).
Celing: Hayan, nagsusultada na marahil. Naku, sumasakit ang ulo ko sa sigawang iyan.
Sioning: Ikaw kasi, eh. Sukat ka bang pumili ng bahay sa tapat ng sabungan.
Celing: Ano bang ako ang pumili ng bahay na ito. Ang gusto kong bahay ay sa tabi ng
simbahan, ngunit ang gusto ni Kulas ay sa tabi ng sabungan.
Sioning:
(Lalong lalakas ang sigawan).
Ah, siya nga pala, Celing naparito ako upang ibalita sa iyo na dumating na ang rasyon ng
sabon sa tindahan ni Aling Kikay. Baka tayo maubusan.
Celing: Hindi, siyempre ipagtitira tayo ni Aling Kikay. Sayang lamang ang pagkukumare
namin.
(Dudungaw)
O heto na nga si Teban. Tumatakbo.
(Papasok si Teban na may hawak na dalawang lilimahin).
Teban:
(Tuwang-tuwa)
Nanalo tayo, Aling Celing, nanalo tayo!
(Ibibigay ang salapi kay Aling Celing. Agad-agad namang itatago ito.)
Celing: Mabuti Teban, o magpunta ka na sa kusina. Baka dumating na si Kulas ay mahalaga
ang ating ginagawa.
(Magmamadaling lalabas si Teban).
Sioning: O, Buweno, lumakad na tayo, Celing.
(Kukunin ni Celing ang tapis niyang nakasampay sa isang silya. Aalis na sila. Papasok si
Kulas na tila walang kasigla-sigla).
Celing: Ano ba, Kulas, tila hindi ka inabutan ng kalabaw na puti.
Kulas:
(Mainit ang ulo)
Huwag mo ngang banggitin iyan. Talagang ako'y malas. Celing, uyo'y disgrasya kamang.
Ang aking manok ay nananalo hanggang sa huling sandali. Talagang wala akong suwerte!
Celing: Iyan ang hirap sa sugal, Kulas, walang pinaghahawakan kundi suwerte!
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na ang sabong! Ni ayaw ko nang Makita
ang anino ng sabungang iyan.
Celing: Nawa'y magkatotoo na sana iyan, Kulas.
Kulas: Oo, Celing, ipinapangako ko sa iyo, hindi na ako magsasabong kailanman.
Celing: Buweno, magpalamig ka muna ng ulo. Pupunta lang kami kay Kumareng Kikay
upang bumili ng sabon.
(Lalabas sina Celing at Sioning. Sisindihan ang natitirang kalahati ng sigarilyo, hihithit at
pagkatapos ay ihahagis sa sahig at papadyakan. Pupunta sa isang silya at uupong may
kalumbayan.)
Castor: Hoy, Kulas kumusta na?
100

Kulas: Ay, Castor…at lagi na lamang akong natatalo. Talagang ako'y malas! Akalain mo
bang kanina'y natalo pa ako? Tingnan mo lang,
Castor. Noong magsagupaan ang mga manok ay lumundag agad ang manok ko at pinalo nang
pailalim ang kalaban. Nagbuwelta pareho, at naggirian na parang buksingero. Biglang sabay
na lumundag at nagsugapaan (nagsagupaan?) sa hangin. Palo diyan, palo dini ang ginawa ng
aking manok. Madalas tamaan ang kalaban, ngunit namortalan. Sige ang batalya nila sa
hangin, at tumaas ang balahibo.

Unang lumagapak ang kalaban., patihaya. Lundag ang aking manok. Walang sugat at patayo,
ngunit alam mo kung saan lumagpak?
Castor: O saan?
Kulas: Sa tari ng kalaban. Talagang ayaw ko na ng sabong.
Castor: Bakit naman? Wala pa namang maraming natatalo sa iyo.
Kulas: Ano bang walang marami? Halos, tutong na laang ang natitira sa aming natitipon.
Castor: Ngunit hindi tamang katwiran ang huwag ka nang magsabong.
Kulas: Ano bang hindi tama?
Castor: Sapagkat pag hindi ka na nagsabong ay Talagang patuluyan nang perdida ang
kuwartang natalo sa iyo. Samantalang kung ikaw ay magsasabong pa maaaring makabawi!
Kulas: Hindi Castor, lalo lang akong mababaon. Tama si Celing. Ang sugal ay suwerte-
suwerte lamang, at masama ang aking suwerte.
Castor: Ano bang suwerte-suwerte? Iyan ay hindi totoo. Tingnan mo ako, Kulas, ako'u hindi
natatalo sa sabong.
Kulas: Mano nga lang magtigil ka Castor. Kung hindi sana nakikita na ang lahat ng manok
mo ay laging nakabitin kung iuwi.
Castor: Ito si Kulas, nabastos ka na nga pala sa huwego. Oo, natatalo nga ang aking manok
ngunit nananalo ako sa pustahan!
Kulas: Ngunit paano iyan?
Castor: Taong ito…pumupusta ako, hindi sa aking manok, kundi sa kalaban.
Kulas: Eh, kung magkataong ang manok mo ang manalo?
Castor: Hindi maaaring manalo ang aking manok. Ginagawan ko ng paraan.
Kulas: Hoy, Castor, maano nga lang huwag mo akong biruin. Masama ang ulo ko ngayon.
Castor: Ano bang biro ang sinasabi mo? Ito'y totoo. At kung di lamang kita kaibigan, ay hindi
ko sasabihin sa iyo.
Kulas: Ngunit, Castor, paano mangyayari iyan?
Castor: Talaga bang gusto mo malaman?
Kulas: Aba, oo. Sige na.
Castor: O, Buweno, kunin mo ang isa sa iyong mga tinali at ipapaliwanag ko sa iyo.
Kulas: Kahit ba alin sa aking tinali?
Castor: Oo, kahit alin, sige, kunin mo.
(Lalabas si Kulas patungo sa kusina. Babalik na may dalang tinali.)
Kulas:
(Ibibigay ang tinali kay Castor).
O heto, Castor.
101

Castor: Ngayon, kumuha ng isang karayom.


Kulas: Karayom?
Castor: Oo, karayom. Iyong ipinanahi!
Kulas: Ah…
(Pupunta sa kahong kunalalagyan ng panahi ni Celing at kukuha ng isang karayom.)
O heto ang karayom.
Castor:
(Hawak ang tinali sa kaliwa at ang karayom sa kanan.)
O halika rito at magmasid ka. Ang lahat ng manok ay may litid sa paa na kapag iyong dinuro
ay hihina ang paa. Tingnan mo…(Anyong duduruin ni Castro ang hita ng tinali.)
Hayan! (Ibababa ang tinali.)

Tingnan mo. Matuwid pang lumakad ang tinaling iyan. Walang sinumang makahahalata sa
ating ginawa, ngunit mahina na ang paang ating dinuro, at ang manok na iyan ay hindi
makapapalo.
Kulas: Samakatuwid ay hindi na nga maaaring manalo ang manok na iyan…Siguradong
matatalo.
Castor: Natural, ngayon, ang dapat na lamang gawin ay magpunta sa sabungan…ilaban ang
manok na iyan…at pumunta nang palihim sa kalaban.
Kulas: Siya nga pala. Magaling na paraan!
Castor: Nakita mo na? Ang hirap sa iyo ay hindi mo ginagamit ang ulo mo.
Kulas:
(Balisa)
Ngunit, Castor, hindi ba iya'y pandaraya?
Castor: Oo, pandaraya…ngunit po Diyos! Sino bang tao ang nagkakuwarta sa sugal na hindi
gum,agamit ng daya? At bukod diyan, ay marami nang kuwartang natalo sa iyo. Ito'y
gagawin mo lamang upang makabawi. Ano ang sama niyan?
Kulas: Siya nga, Castor, kung sa bagay, malaki na ang natatalo sa akin.
Castor: At akala mo kay, sa mga pagkatalo mong iyan ay hindi ka dinaya.
Kulas: Kung sa bagay…
Castor: Nakita mo na. Hindi ka mandaraya, Kulas. Gaganti ka lamang.
Kulas: Siya nga, may katwiran ka.
Castor: O…eh…ano pa ang inaantay mo? Tayo na.
Kulas: Este…Castor…eh…hintayin lamang natin si Celing, ang aking asawa.
Castor: Bakit, ano pa ang kailangan?
Kulas: Alam mo na ang aking asawa ang may hawak ng supot sa bahay na ito.
Castor: Naku, itong si Kulas! Talunan na sa sabungan ay dehado pa sa bahay…Buweno,
hintayin mo siya, ngunit laki-lakihan mo ang iyong hihingin, ha? At nang makaitpak tayo ng
malaki-laki.
Kulas: Oo…Este…Castor…
Castor: O, ano na naman?
Kulas: Eh…malapit na segurong dumating si Celing…alam mo'y ayaw kong Makita ka niya
rito. Huwag ka sanang magagalit kung maaari lang ay umalis ka na.
102

Castor:
(Tatawa)
Oo…aalis na ako. Mabuti nga at nang makahanap na ako ng kareto ng manok mo. Sumunod
ka agad, ha? Pagdating mo roon malalaban agad iyan.
Kulas: Buweno, diyan ka na. Laki-lakihan mo lang ang tipak ha?
(Lalabas si Castor. Ngingiti si Kulas, hihimas-himasin ang kanyang tinali, at hahangaan ang
nadurong hita ng tinali. Papasok sina Celing at Sioning.)
Celing: Ano ba yan, Kulas? At akala ko ba'y Isinusumpa mo na ang sabungan?
Kulas:
(Lulundag na palapit.)
Celing, ngayon na lamang. Walang salang tayo ay makababawi.
Celing: Naku, itong si Kulas, parang presyo ng asukal. Oras-oras ay nagbabago.
Kulas: Celing Talagang ngayon na lamang! Pag natalo pa ako ay patayin mo na ang lahat ng
aking tinali. Ipinangangako ko sa iyo.
Celing: Ngunit baka pangako na naman ng napapako.
Kulas: Hindi, Celing! Hayan si Sioning, siya ang testigo.

Sioning:
(Kikindatan si Celing)
Siya nga naman. Celing, bigyan mo na, ako ang testigo.
Celing: O buweno, ngunit tandaan mo, ito na lamang ha?
Kulas: Oo, Celing, itaga mo sa bato!
Celing: Magkano ba ang kailangan mo?
Kulas: Eh…dalawampung piso lamang.
Celing: Dalawampung piso?
Sioning: Susmaryosep!
Kulas: Oo, Celing. Dalawampung piso, upang tayo ay makabawi.
(Mag-aatubili si Celing).
Sioning: Sige na, Celing. Tutal ito naman ay kahuli-hulihan.
Celing: O buweno, heto.
(Bibigyan ng dalawampung piso si Kulas. Kukunin ang salapi sa baul)
Kulas:
(Kukunin ang salapi)
Ay, salamat sa iyo, Celing. Ito'y kuwarta na. Hindi ka magsisisi. O buweno, diyan na muna kayo,
hane?
(Magmamadaling lalabas si Kulas na dala ang kanyang tinali).
Celing:
(Susundan ng tingin si Kulas hanggang nasa malayo na)
Teban! Teban!
Sioning: Teban, madali ka!
(Papasok si Teban buhat sa kusina)
Teban: Opo, opo, Aling Celing.
Celing: O heta ang pera. Nasa sabungan na naman ang iyong amo.
103

Sioning: Madali ka. Teban, ipusta mo iyan sa manok ng kalaban.


Teban:
(Magugulat sa dami ng salapi).
Dalawampung piso ito a…
Celing: Oo, dalawampung piso. Sige, madali ka na.
Teban:
(Hindi maintindihan)
ito ba'y itotodo ko?
Sioning: Oo, todo.
Teban: Opo, naku! Malaking halaga ito…
(lalabas si Teban).
Celing: Ikaw naman, Sioning, bakit inayunan mo pa si Kulas?
Sioning: Hindi bale. Tutal, wala naman kayo sa pagkatalo.
Celing: Kung sa bagay. Ngunit hindi lamang ang kuwarta ang aking ipinagdaramdam.
Sioning: Eh ano pa?
Celing: Ang iba pang masasamang bunga ng bisyo…Sioning, alam mo namang ang bisyo ay
nagbubuntot. Karaniwang kasama ng bisyo a ng pandaraya, pagnanakaw…at kung anu-ano
pa.
Sioning: Ngunit nangako naman si Kulas na ito na ang huli.
Celing: Oo nga, ngunit isulat mo sa tubig ang pangakong iyan.
(Lalong lalakas ang sigawan)

Sioning: Ang hirap sa iyo, Celing, e…hindi mo tigasan ang loob mo. Tingnan mo ako. Noong
ang aking asawa ay hindi makatkat sa monte, pinuntahan ko siya isang araw sa kanilang klub
at sa harap ng lahat minura ko siya mula ulo hanggang talampakan. E, di mula noo'y hindi na
siya nakalitaw sa klub.
Celing: Ngunit natatandaan mo ba Sioning na ikaw nama'y hindi nakalabas ng bahay nang
may limang araw, hindi ba dahil sa nangingitim ang buong mukha mo?
Sioning: Oo nga, ngunit iyon ay sandali lamang. Pagkaraan niyon ay esta bien, tsokolate na
naman kami.
Celing: Hindi ko yata magagawa iyon. Magaan pa sa akin ang magtiis lamang.
(Agad huhupa ang sigawan).
Sioning: Ayan, tila tapos na ang sultada. Sino kaya ang nanalo?
Celing: Malalaman natin pagdating ni Teban. Siya'y umuwi agad, upang huwag silang mag-
abot ni Kulas.
Sioning: Celing, mag-iingat ka naman sa pagtitiwala ng pera kay Teban.
Celing: Huwag mong alalahanin si Teban. Siya'y mapagkakatiwalaan.
Sioning: Siya nga, ngunit tandaan mong ang kuwarta ay Mainit kapag nasa palad na ng tao.
Celing: Huwag kang mag-alala…
(Papasok si Teban)
Teban:
(Walang sigla)
104

Aling Celing, natalo po tao.


Celing: A, natalo. O hindi bale. Tutal nanalo naman si Kulas. Buweno, Teban, magpunta ka
na sa kusina at baka dumating ang iyong amo.
(Lalabas si Teban)
Sioning: Talagang magaan ang paraan mong iyan, Celing.
Celing:
(Nalulungkot)
Siya nga.
Sioning: O, Celing bakit ka malungkot?
Celing: Dahil sa nanalo si Kulas.
Sioning: O, e ano ngayon. Kay nanalo si Kulas, kay manalo ka, hindi naman mababawasan
ang iyong kuwarta. At ikaw pa rin lamang ang maghahawak ng supot.
Celing: Oo nga, ngunit ang alaala ko'y…Ngayong manalo si Kulas, lalo siyang maninikit sa
sabungan.
(Papasok si Kulas na nalulumbay).
Kulas: Ay, Celing, Talagang napakasama ng aking suwerte! Hindi na ako magsasabong
kailanman.
Sioning: Ha?
Celing: Ano kamo?
Kulas: Talagang buwisit ang sabong! Isinusumpa ko na!
Celing: Ngunit, Kulas hindi ba't nanalo ka?
Kulas: Hindi, natalo na naman ako! At natodas ang dalawampung piso!
Celing:
(May hinala)
Kulas, huwag mo sana akong ululin. Alam kong nanalo ka.
Kulas: Sino ba ang may sabi sa iyong ako'y nanalo? Bakit ba ako nakinig sa buwisit na si
Castor.
Celing: Kulas, hindi mo ako makukuha sa drama. Isauli mo rito ang dalawampung piso.

Kulas: Diyos na maawain, saan ako kukuha?


Celing:
(Lalo pang maghihinala)
Teka, baka kaya ikaw Kulas, ay mayroon nang kulasisi…at ipinatuka ang dalawampung piso.
Kulas: Celing, ano bang kaululan ito? Isinusumpa kong natalo ang dalawampung piso. Sino
baga ang nagkwento sa iyo na ako'y nanalo.
Celing: Si Teban. Nanggaling siya sa sabungan.
Sioning:
(Magliliwanag ang mukha)
A teka, Celing, baka si Teban ang kumupit ng kuwarta.
Celing: Siya nga pala.
Sioning: Sinabi ko na sa iyo, huwag kang masyadong magtitiwala.
(Pupunta si Celing sa pintuan ng kusina).
Celing: Teban! Teban!
105

(Lalabas si Teban)
Teban: Ano po iyon?
Celing: Teban, hindi ko akalain na ikaw ay magnanakaw.
Teban: Magnanakaw? Ako? Bakit po?
Celing: At bakit pala? Isauli mo rito ang pera.
Teban: Alin pong pera?
Celing: Ang dalawampung pisong dala mo sa sabungan kanina.
Teban: Aba e, natalo po, e.
Celing: Sinungaling! Ano bang natalo! Kung natalo ka, nanalo sana si Kulas. Ngunit natalo
sa Kulas, samakatuwid nanalo ka.
Teban:
(Hindi maintindihan)
Ha? Ano po? Kung ako'y natalo…ay…
Kulas: 'Tay kayo. Tila gumugulo ang salitaan. Teban, ikaw ba'y pumusta sa sabong kanina?
Teban: Opo.
Kulas: Saan ka nagnakaw ng kuwarta?
Teban: Kay Aling Celing po.
Kulas: Ha? Nagnakaw ka kay Aling Celing?
Teban: E…hindi po. Pinapusta po ako ni Aling Celing.
Kulas: A, ganoon! Hoy, Celing pinipigilan mo ako sa pagsabong, ha? Ikaw pala'y
sabungerang pailalim.
Sioning: Hindi, Kulas, pumupusta lamang si Celing sa kalaban ng manok mo.
Kulas:
(kay Celing)
A…at ako pala'y kinakalaban mo pa, ha?
Celing: Huwag kang magalit, Kulas. Ako'y pumupusta sa manok na kalaban para kahit ikaw
ay manalo o matalo ay hindi tayo
awawalan.
Kulas: Samakatuwid, kahit pala manalo ang aking manok ay bale wala rin.
Sioning: Siya nga at kahit naman matalo ay bale mayroon din.
Kulas: E, sayang lamang ang kahihimas at kabubuga ko ng usok sa manok. Ako pala'y parang
ulol na…

Celing: Teka muna. Ang liwanagin muna natin ay ang dalawampung piso. Teban, saan mo
dinala ang pera?
Kulas: Celing, ako man ay natalo sa pinupustahan sapagkat sa manok ng kalaban din ako
pumusta.
Sioning: Naku, at lalong nag-block out.
Celing:
(Kay Kulas)
Pumusta ka sa kalaban ng manok mo?
Kulas: Oo, alam mo'y pinilayan ko ang aking tinali upang seguradong matalo at pumusta ako
sa manok ng kalaban. Ngunit, kabibitiw pa lamang ay tumakbo na ang diyaskeng manok ng
106

kalaban at nanalo ang aking manok.


Celing: A…gusto mong maniyope? Ikaw ngayon ang matitiyope
(Tatawa)
Kulas: Aba, at nagtawa pa.
Sioning: Siyanga. Bakit ka nagtatawa, Celing?
Celing:
(Tumatawa pa)
Sapagkat ako'y tuwang-tuwa, Sioning, dito ka maghapunan mamayang gabi. At anyayahon
mo sina Kumareng Kikay at ang iba pang kaibigan. Ako'y maghahanda.
Kulas: Ha! Maghahanda?
Celing: Oo, Teban, ihanda mo ang mga palayok, ha? At hiramin mo ang kaserola ni Ate
Nena.
Teban: Opo, opo.
(Lalabas sa pintuan ng kusina)
Kulas: Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay natalunan tayo ng mahigpit
apatnapung piso.
Celing: Hindi bale. Ibig kong ipagdiwang ang iyong huling paalam sa sabungan.
Kulas: Huling paalam?
Celing: Oo, sapagkat ikaw ay nangako at nanumpa at bukod diyan hindi na tayo kailangang
bumili pa ng ulam.
Kulas: Bakit?
Celing: Mayroon pang anim na tinali sa kulungan. Aadobohin ko ang tatlo at ang tatlo ay
sasabawan.
(Tatawa sina Sioning at Celing. Hindi tatawa si Kulas ngunit pagkailang saglit ay tatawa rin
siya. Mag-uumpisa na naman ang sigawan sa sabungan ngunit makikita sa kilos ni Kulas na
kailanman ay hindi na siya magsasabong.)

Subject Area:Filipino
Grade/year Level:Baitang 8
QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN
Test I. 10 puntos

Inihalintulad ng may-akda ang buhay sa isang saranggola. Maraming itinurong


mabubuting bagay ang ama sa kanyang anak ngunit ang higit na nakaapekto sa kanyang
107

pagkatao ay ang kaisipang sa pagpapalipad ng saranggola, tunay na wala sa laki ang


pagpapatagal nito sa itaas kundi nasa husay, tiyaga, at ingat iyon.

Bilang pag-uugnay sa iyong sarili ng mga kaisipang binigyang-diin sa akda, bumuo ka ng


akrostik mula sa salitang SARANGGOLA na nagsasaad ng mga prinsipyo o alintuntuning
dapat mong gawin bilang isang anak upang ikaw ay magtagumpay sa buhay. Ginawa na
ang unang titik para sa iyo.

S- Sundin ang payo at pangaral ng magulang.

A–

R–

A–

N–

G–

G–

O–

L–

A-

TEST II. Sagutin ang mga sumusunod na tanong. (5 puntos)

Ano-ano ang mga naranasan ng pangunahing tauhan nang siya ay tumuntong na sa


hayskul?

Saranggola
Ni Efren R. Abueg

Rading, Paquito, Nelson… pakinggan ninyo ang kwentong ito. May isang lalaki,
walong taong gulang. Humiling siya sa kanyang ama ng isang guryon.
“Anak, ibibili kita ng kawayan at papel. Gumawa ka na lamang ng saranggola,” wika ng ama.
“Hindi ako marunong, Tatay,” anang batang lalaki.
“Madali ‘yan. Tuturuan kita,” sabi ng ama at tinapik sa balikat ang anak.
Bumili nga ito ng papel at kawayan at tinuruang gumawa ng saranggola ang anak.
108

“Tatay… ibili mo ako ng guryon,” sabi uli ng bata sa ama.


“Anak, pag-aralan mo na lamang mapalipad ang saranggola nang mataas. Madadaig mo ang
taas at tagal ng lipad ng guryon!”
Nainis ang bata sa kanyang ama.
“Kinakantyawan ako sa bukid, Tatay,” anang bata. “Anak daw ako ng may-ari ng kaisa-isang
istasyon ng gasolina sa bayan… bakit daw kay liit ng saranggola ko!”
Nagtawa ang ama at tinapik na naman sa balikat ang anak.

Tinuruan nga ng ama ang bata ng higit na mataas na pagpapalipad ng saranggola, pati
na ang pagpapatagal niyon sa kalawakan. Nalagpasan nga ng saranggola niya ang ilang
guryon. Ang iba namang guryon na lumipad nang pagkataas-taas ay nalagutan ng tali at
nagsibagsak, bali-bali ang mga tadyang, wasak-wasak. Minsan sa pagpapataas ng lipad ng
kanyang saranggola, napatid ang tali niyon. Umalagwa ang saranggola. Hinabol nilang mag-
ama iyon at nakita nilang nakasampid sa isang balag. “Tingnan mo…hindi nasira,”
nagmamalaking wika ng ama. “Kung guryon ‘yan, nawasak na dahil sa laki. Kaya tandaan
mo, ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat at tiyaga. Ang
malaki ay madali ngang tumaas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon at kung
bumagsak, laging nawawasak.”

Nakalimutan na ng batang iyon ang tungkol sa saranggola nang maging katorse anyos
siya. May iba na siyang hilig; damit, sapatos, malaking baon sa eskwela, pagsama-sama sa
mga kaibigan.“Anak… dalawang sapatos lamang ang gagamitin mo sa pasukang ito. Kung
masira, saka na papalitan. Magtitipid ka rin sa damit at huwag kang gasta nang gasta. Hindi
madaling kitain ang salapi,” pagunita ng kanyang ama.
“Kawawa nga ako, Tatay,” katwiran ng bata. “Anak ako ng tanging may-ari ng istasyon ng
gasoline at machine shop sa bayan natin, pero ang itsura ko… parang anak ng pobre.”
“Disente ka naman, a. Malinis ang damit mo, husto ka sa mga gamit sa eskwela at husto ka
rin sa pagkain. Hindi dapat sobra sa mga pangangailangan ang isang kabataang tulad mo.
Hindi natututuhan ang pagtitipid.”

Hindi naunawaan ng bata ang paliwanag ng ama at nagkaroon siya ng hinanakit dito.
Tinipid siya sa lahat ng bagay, hinigpitan sa pagsama-sama sa mga kabarkada at madalas,
pinatatao sa istasyon ng gasolina at pinatutulong sa machine shop kung araw na walang
klase.“Pinahihirapan talaga ako ng Tatay,” puno ng hinanakit ang tinig na pagsusumbong ng
bata sa ina. “Kaisa-isa pa naman akong anak, ang turing niya sa akin… parang ampon!”

“Hindi totoo ang sinabi mo, anak,” malumanay na sansala ng kanyang ina sa
paghihinanakit niya sa ama. Alam mo mataas ang pangarap niya para sa iyo.”“Bakit? Ano
109

ang gusto niya para sa akin?”“Ibig niyang maging mahusay kang inhinyero.”
Hindi na kumibo ang bata at hindi rin napawi ang hinanakit niya sa ama. Gayunman, hindi
siya makapaghimagsik dito. Iginagalang niya ito at pati ang kanyang ina.
Nang labingwalo na siya napagkaisahan ng kanyang mga barkada na kumuha sila ng
commerce. “Mabuti ‘yon. Magsama-sama tayo sa isang unibersidad,” mungkahi ng isa sa
limang magkakaibigan. Pumayag siya. Ngunit nang kausapin niya ang ama, tumutol ito.

“Inoobserbahan kita, anak. Hindi mo hilig ang commerce. Palagay ko mechanical


engineering ang bagay sa iyo. Tanungin mo ang iyong ina.” Masama man ang loob,
sumangguni pa rin siya sa ina. “Hindi sa kinakampihan ko ang iyong ama, anak. Pero sa
tingin ko…engineering nga ang bagay sa iyo. May machine shop tayo…sino ba ang
magmamana niyon kundi ikaw?” Nasunod ang kanyang ama at napilitan siyang tumiwalag sa
kanyang barkada. Napag-isa siya sa pag-aaral sa lunsod at ngayong binata na siya, hindi na
hinanakit kundi paghihimagsik sa ama ang kanyang nadarama.
“Ayoko nang mag-aral, Inay,” sabi niya sa kanyang ina nang dalawin siya nito sa dormitoryo.
“Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito. Bakit ako ginaganoon ni Itay?
Gusto ba niya akong pahirapan?” Pinayapa ng kanyang ina ang kanyang kalooban.
“Magtiwala ka sa amin, anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi makabubuti sa
iyong hinaharap.”

“Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?”


“Makabubuting matuto kang magtiis. Pagkatapos mo naman ng pag-aaral at magtagumpay ka
sa hanapbuhay, magiging magaan sa iyo ang lahat.”“Bakit kailangan ko pang magtagumpay?
Hindi ba’t ipamamana ninyo sa akin ni Itay ang ating kabuhayan?”
“Totoo iyan, anak…pero paano mo mapauunlad ang ating kabuhayan kung hindi mo alam
ang mga hirap sa pagtatayo niyan?”
Hindi maintindihan ng binata ang sinabi ng kanyang ina, subalit naisip niyang makapagtitiis
pa siya. Isinubsob na lamang niya ang ulo sa pag-aaral.

Nakatapos naman ng inhinyerya ang binata. Hindi siya pangunahin sa klase, ngunit sa
pagsusulit sa gobyerno, nakabilang siya sa nangungunang unang dalawampu.“Ngayon
anak…bibigyan kita ng limampung libong piso. Gamitin mo sa paghahanapbuhay,” sabi ng
kanyang ama nang makuha na niya ang lisensiya bilang mechanical engineer.
Namangha siya.“Akala ko…ako na ang hahawak ng ating machine shop pagkatapos ko ng
pag-aaral,” nawika niya sa ama.“Bata pa ako, anak. Kaya ko pang mag-asikaso ng
hanapbuhay na iyan. Saka ibig ko, magpundar ka ng sariling negosyo.”
“Bakit pa, Itay? Mayroon na tayong negosyo.”“Mabuti na ‘yong makatindig ka sa sarili mong
mga paa.”Tinanggap niya ang halagang ipinagkaloob ng ama. Humiwalay na rin siya ng
tirahan sa mga magulang.“Alam kong malaki ang hinanakit mo sa iyong ama. Gayunman,
ibig kong isaisip mong, ang kinabukasan mo ang lagi niyang inaalala.”
Ngunit may lason na sa kanyang isip. Hindi na siya nanininwala sa sinabi ng kanyang ina.
110

Naging lubos ang paghihimagsik niya sa kanyang ama.

Nagtayo siya ng isang machine shop sa dulo ng kanilang bayan. Agad-agad siyang
pinagsadya ng kanyang ama. “Bakit hindi pa sa ikatlong bayan ka nagtayo ng machine shop?
Magkukumpetensiya pa tayo rito.” “Akala ko ba’y bahala na ako sa buhay ko, Itay?”
Natigilan ang kanyang ama. Saka napapailing, nag-iwan pa ito ng salita bago lumisan.
“Kung sa bagay…mabuting magturo ang karanasan!”

May isang taon ding nagtiyaga ang binata sa pamamahala ng kanyang maliit na
machine shop sa dulong bayan. Kakaunti ang kanyang parokyano dahil higit na malaki ang
machine shop ng kanyang ama at mahusay ang mga tauhan nito. Nagkautang tuloy siya ng
labindalawang libo sa mga kinukunan niya ng materyales. Nang hindi siya makabayad, inilit
ang mga makinang kanyang ginagamit. “Nabigyan na kita ng pang-umpisang puhunan. Hindi
ka sumunod sa mungkahi ko na umiwas sa kumpetisyon. Subukin mo namang maghanap ng
puhunan sa sarili mong pagsisikap.” Noon nagsiklab ang binata. Nakalimutan niya ang
paggalang sa mga magulang. Dumabog siya sa harap ng ama.

“Ano kayong klaseng ama? Bakit ninyo natitiis ang inyong anak? Kasiyahan ba
ninyong makitang nahihirapan ako?”“Ibig kong matutuhan mo ang lahat ng nangyayari sa
buhay na ito. Hindi madali ang mabuhay sa mundo, anak.”“Hindi ba kaya may mga
magulang ay para gumaan ang buhay ng mga anak?”“Ang ikagagaan ng buhay ng mga anak
ay wala sa mga magulang kundi nasa mga  itinuturo nila sa mga ito.”
Nagkahiwalay ng landas ang mag-ama. Naglayas ang binata nang hindi man lamang
nagpaalam kahit sa ina. Nagpalipat-lipat sa kung saan-saang trabaho hanggang pagkaraan ng
limang taon, nakaipon siya ng sampung libong piso at nakabili ng maliit na machine shop.
Kumuntrata siya ng paggawa ng tambutso sa isang auto assembler at kumita siya nang
malaki. Sa loob ng tatlong taon, gumawa na rin ang machine shop niya ng mga partes ng
kotse.

Ang dugo ay dugo, anang kasabihan, kaya dinadalaw ang lalaki ng kanyang may edad
nang ina. Isang araw, dumating ito sa kanilang bahay, gaya ng dati may pasalubong sa tatlong
apong lalaki.“Ibig ng Itay mong makita ang kanyang mga apo, pero hindi siya makadalaw
dahil sa hinanakit mo,” sabi ng kanyang ina.“Kinalimutan ko na, Inay, na nagakaroon ako ng
ama!”Umiyak ang kanyang ina.“Kung gayon… baka hindi na kayo magkita, anak!” nawika
nito bago umalis.

Sa tindi ng hinanakit, hindi pa rin niya binigyang-halaga ang bulalas na iyon ng


kanyang ina. Nagpakagumon siya sa trabaho, naghanap pa ng mga bagong kontrata hanggang
sa loob pa ng dalawang taon, kilala na ang kanyang machine shop sa Pasay. Isang araw, hindi
111

niya dinatnan ang kanyang asawa at tatlong anak sa bahay.


“Nasaan sila?” usig niya sa katulong.
“Umuwi ho uli sa probinsya. Patawirin daw ho ang inyong ama!”
“Umuwi uli? Bakit, lagi ba sila roon?”
Tumango ang tinanong na katulong.
“May dalawang ulit na hong regular silang nagpupunta roon. Dinadalaw ang inyong
matanda.”

May poot na sumiklab sa kanyang dibdib. Nanlambot siya sa galit. Ngunit sa pagkaunawang
patawirin ang kanyang ama, nagbalik sa kanyang isip ang masasayang sandali sa piling nito.
Nagunita niya ang pagpapalipad nila ng saranggola.
“Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas, nasa husay,
tiyaga at ingat iyan!”
Magdamag siyang hindi mapalagay. Lagi niyang naiisip ang sinabing iyon ng kanyang ama.
Kinabukasan, sakay ng kanyang kotse, nagbalik siya sa bayang sinilangan.

“Patay na siya!” bulalas ng kanyang asawang umiyak sa kanyang dibdib.


May nabugnos na moog sa kanyang puso. Nahalinhan ng pagsisisi ang hinanakit. Nilapitan
niya ang ina at sa pagkakayakap dito, umiyak siya nang marahan, kasamang nagdadalamhati
ang lahat ng himaymay ng kanyang laman.
“Huwag kang umiyak… namatay siyang walang hinanakit sa iyo.” Anas ng kanyang ina.
“Wa-walang hinanakit?

“Oo, anak… dahil natupad na ang pangarap niya. Nasa itaas ka na. At sabi niya sa akin,
pati sa asawa mo… nakatitiyak siya na makapananatili ka roon.”

Nang lapitan niya ang kabaong ng ama at tunghayan ang mga labi nito, parang lumundag ang
kanyang puso at humalik sa pisngi ng yumao. Kasunod niyon, nagunita na naman niya ang
pagpapalipad nila ng saranggola.
“Wala sa laki ng saranggola ang pagpapalipad at pagpapatagal niyon sa itaas. Hayaan mo…
tuturuan kita!” paliwanag na ama.

           Rading, Paquito, Nelson…tandaan ninyo ang kwentong iyan. Kwento ‘yan namin ng
inyong namatay na lolo. Kwento naming dalawa.
112

Subject Area:Filipino
Grade/year Level:Baitang 8
QUARTER : IKALAWAWANG MARKAHAN
Test I. 1-10 – Tukuyin at bilugan ang titik ng kahulugan ng sumusunod na simbolo at
pahiwatig na nakasulat nang madiin na ginamit sa akda.

1. “Makabubuti ba sa akin ang magmukhang basahan at magdildil ng asin?”

a. Maging marumi at mag-ulam ng asin.

b. Makaranas ng matinding hirap at kakulangan sa buhay.

c. Maghirap sa buhay at magtinda ng asin.

2. “Mabuti na ‘yong makatindig ka sa sarili mong paa.”

a. Matutong magsarili sa buhay

b. Lumakad o magbiyaheng mag-isa

c. Maging matatag sa buhay


113

3. Ngunit may lason na sa kanyang isip. Hindi na siya naniniwala sa sinasabi ng ina.

a. May nabuo ng maling kaisipan o paniniwala sa kanyang isipan.

b. May masamang plano nang nabuo sa kanyang isip.

c. Naging negatibo na ang kanyang mga pananaw sa maraming bagay.

4. “Nasa itaas ka na. At sabi niya sa akin, pati sa asawa mo… nakatitiyak siya na
makapananatili ka roon.”

a. Nakamit na niya ang tagumpay.

b. Naging mapagmataas na siya.

c. Mataas na ang kanyang katungkulan sa buhay.

5. Ang iba namang guryon na lumipad nang pagkataas-taas ay nalagutan ng tali at


nagsibagsak, bali-bali ang mga tadyang, wasak-wasak.

a. Ang mapagmataas ay agad ibinabagsak ng Diyos.

b. Ang buhay ng tao ay tulad ng guryon na minsan ay nasa itaas at minsan naman ay
nasa ibaba.

c. May matataas o kilalang tao na agad na nagtagumpay ngunit hindi nanatili sa


kanilang kalagayan.

6. Lagi ko siyang iuugnay sa kariktan ng buhay. Saan man may kagandahan: sa isang
tanawin, sa isang isipan o sa isang tunog kaya, nakikita ko siya at ako ay lumiligaya.

a. Ang positibong pananaw ni Mabuti sa buhay ay nagpapakitang maaaring maging


maganda at masaya pa rin ang buhay sa kabila ng mga problema at pagsubok na
dumarating.

b. Ang pagtatagpo nila sa isang sulok ng silid-aklatan ang nagbigay-daan upang kanyang
masilayan ang pisikal na kagandahan ni Mabuti.

c. Ang kariktan ni Mabuti ay maihahalintulad sa kagandahan ng kalikasan o anumang


magagaandang tanawing ating mamamalas sa ating paligid.

7. “Mabuti may tao pala rito,” ang wika niyang ikinukubli ang pag-aagam-agam sa tinig.
“Tila may suliranin ka. . . mabuti sana kung may maitutulong ako.”

a. Sinubukan niyang panghimasukan ang buhay ng mag-aaral sap ag-aakalang


makatutulong siya rito.
114

b. Sa kabila ng pagkakaroon niya ng sariling suliraning higit na malubha ay nakalaan pa


rin siyang tumulong sa iba.

c. May pang-uyam na inusisa ng guro ang suliraning kinahaharap ng bata.

8. At sapagkat natuklasan ko ang katotohanang iyon tungkol sa kanya, nagsimula akong


magmasid, naghintay sa mga bakas ng kapaitan sa kanyang mga sinasabi. Ngunit sa
tuwina, kasayahan, pananalig, pag-asa ang taglay niya sa sa aming silid-aralan.

a. Lubhang napektuhan ang pagtuturo ni Mabuti dahil sa mabigat na pagsubok na


kanyang pinagdaraanan.

b. Hindi naitago ni Mabuti sa kanyang mga mag-aaral ang sakit ng damdaming kanyang
nararanasan.

c. Hindi naging hadlang ang mga problema at pagsubok na hinaharap niya upang hindi
siya makapagdulot ng inspirasyon sa buhay ng kanyang mga mag-aarl.

9. Bawat aralin naming sa Panitikan ay naging isang pagtighaw sa kauhawan namin sa


kagandahan. At ako’y humanga.

a. Ang positibong pananaw ni Mabuti sa buhay ay naging daan upang ang bawat akdang
pampanitikang kanilang tinatalakay ay magpaunawa sa kanila sa kagandahan ng buhay.

b. Nalunasan ang kanilang kauhawang alamin ang kahulugan ng kagandahan ng buhay


sa pamamagitan ng mg aralin sa Panitikan.

c. Ang pag-aaral ng Panitikan ay mahalaga upang lubos na maunawaan ang kagandahan


ng buhay.

10. Marahil ang pananalig niyang iyon ang nagpakita sa kanya ng kagandahan sa mga
bagay na karaniwan lamang sa amin.

a. Nangunguna sa katauhan ni Mabuti ang matibay na pananalig sa Diyos kaya’t ano


man ang nangyari sa kanya ay positibo pa rin ang naging pananaw niya sa buhay.

b. Nakita ni Mabuti ang kagandahan ng buhay sa pamamagitan ng pagbabasa niya ng


Banal na Kasulatan.

c. Ang mga karaniwang bagay o pangyayari sa ating paligid ay nagiging maganda kung
tayo ay magsisimba.
115

Subject Area:Filipino
Grade/year Level:Baitang 8
QUARTER : IKALAWAWANG MARKAHAN
LEARNING CONTENT: Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga akdang
pampanitikang lumaganap sa Panahon ng Amerikano Komonwelt at sa kasalukuyan.
Competency:Nasusuri ang katangian ng tauhan batay sa itinanghal na monologo na
nakabatay sa ilang bahagi ng maikling kuwento

Code: F8PD-IIg-h-27 (Panonood)


Test I. 1-10 – Suriin ang katangian ng tauhan batay sa paraan ng kanilang pananalita o
binitiwang pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot.

1. “Kinakantiyawan ako sa bukid., Tatay. Anak daw ako ng may-ari ng kaisa-isang


estasyon ng gasolina sa bayan. . . bakit daw kayliit ng saranggola ko.” Ang anak ay:

a. magagalitin b. puno ng hinanakit c. mapanumbat d. mapagmalaki

2. “Anak dalawang sapatos lamang ang gagamitin mo sa pasukang ito. Kung masira, saka
na papalitan. Magtitipid ka rin sa damit at huwag kang gasta nang gasta. Hindi
madaling kitain ang salapi.” Ang ama sa pagkakataong iyon ay maituturing na:

a. palasumbat b. mapagbintang c. puno ng hinanakit d. mapagpaalala

3. “Pinahihirapan talaga ako ni Tatay. Kaisa-isa pa naman akong anak, ang turing niya sa
akin ay parang ampon.” Ang anak ay may damdaming:

a. mapagmataas b. mapagbintang c. mapagmalaki d. mapangarapin

4. “Ayoko nang mag-aral, Inay. Tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito.
Bakit ako ginaganoon ni Itay? Gusto ba niya akong pahirapan?” Ang anak ay:

a. puno ng galit b. mapagbintang c. mapagmalaki d. maunawain

5. “Magtiwala ka sa amin, anak. Wala kaming gagawin ng iyong ama kundi makabubuti
sa iyong hinaharap.” Ang ina ay:

a. maawain b. magagalitin c. selosa d. malupit

6. “Hmp. Pagkadilat ng mata mo sa umaga, wala ka nang naisip na kumustahin at himasin


116

kundi ang iyong tinali. Tila mahal mo pa ang mga tinali mo kaysa akin.”

a. paglilihi b. pagkatakot c. pagseselos d. pagdurusa

7. “O, bweno. Wag mo kong sisihin kung maubos ang kaunting pinagbilhan ng ating mga
palay.”

a. paalala b. pakiusap c. pagkagulat d. pagtatanong

8. “Ipusta ang limang piso! Ano ba ito, Celing, ikaw man ba’y naging sabungera na rin.”

a. pagmamagaling b. pagkagulat c. pagkatuwa d. pagmamaktol

9. ”Nakita mo na? Ang hirap kasi sa yo di mo ginagamit ang ulo mo hindi katulad ko,
mautak.”

a. pagkatuwa b. pagmamagaling c. pagpapakumbaba d. pagtulong

10. “Ngunit paano tayo maghahanda? Ngayon lang ay talunan tayo ng mahigit apatnapung
piso.”

a. pagkatuwa b. pananabik c. pagmamagaling d. pagtataka

Test II. Maikling Kuwento (5 Puntos)

Bakit gayon na lamang ang pagsisisi ng anak nang datnan niyang wala nang buhay ang
kaniyang ama?

Susi sa pagwaawsto:

TEST I:

1. b

2. d

3. a

4. a

5. a
117

6. c

7. a

8. d

9. b

10. d

Subject Area:Filipino
Grade/year Level:Baitang 8
QURTER ; IKALAWANG MARKAHAN
Test 1-10. Walang magulang na nagnanais na ang kanyang anak ay mapahamak. Bawat
magulang ay nagnanais na ang kanilang supling ay mapalaki nila nang maayos, malayo sa
masamang bisyo, at may takot sa Diyos. Bahagi na ng pagpapalaki sa anak ang
pagdidisiplina sa kanila, ‘ika nga, ang mga bata ay kinakailangang hubugin habang sila ay
mga musmos pa lamang.

Panunto: Sa Gawain A sa ibaba ay itala ang mga pamamaraang ginagamit ng iyong


magulang sa pagtutuwid o pagdidisiplina sa iyo at sa Gawain B ay ipaliwanag kung paano
ito tinatanggap sa iyong buhay bilang isang anak.
118

A. Mga pamamaraan ng pagdidisiplina sa akin ng aking magulang.

1._______________________________________________________________
2._______________________________________________________________
3._______________________________________________________________
4._______________________________________________________________
5._______________________________________________________________

B. Ang aking reaksiyon kung paano ko tinatanggap ang pagdidisiplina nila sa akin.
1. ________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________
3. ________________________________________________________________
4. ________________________________________________________________
5. ________________________________________________________________

Test II. Maikling Kuwento (5 puntos)

Sa iyong palagay, ano ang nais ipaunawa ng ama sa kanyang anak nang sabihin niyang
“ang taas at tagal ng pagpapalipad ng saranggola ay nasa husay, ingat, at tiyaga. Ang
Malaki ay madali ngang tumataas, pero kapag nasa itaas na, mahirap patagalin doon, at
kung bumagsak laging nawawasak.”

Subject Area:Filipino
Grade/year Level:Baitang 8
QUARTER ; IKALAWANG MARKAHAN
119

Test I. 10 puntos

Panuto: Kung bibigyan ka ng pagkakataong bigyan ng wakas ang kuwentong


“Saranggola.” Bagama’t ito’y may wakas na, paano mo ito wawakasan? Gamitin ang mga
bagay na naobserbahan sa totoong buhay o iyong napanood na halos may katulad na
sitwasyon upang magawan mo ito ng magandang wakas. Gawin mo ito sa isang kahon sa
ibaba…

Subject Area:Filipino
Grade/year Level:Baitang 8
120

QUARTER ; IKALAWANG MARKAHAN


Test 1-10: Bumuo ng mga pangungusap na may pang-uring lantay, pahambing, at pasukdol
tungkol sa mga tauhang kabilang sa kuwentong natalakay.

Lantay

1. __________________________________________________________________
2. _________________________________________________________________
3. __________________________________________________________________

Pahambing
1. __________________________________________________________________
2.________________________________________________________________
3. __________________________________________________________________

Pasukdol
1.________________________________________________________________
2. ________________________________________________________________
3.________________________________________________________________
4.________________________________________________________________

Test II. Maikling Kuwento (5 puntos)

Sumulat ng pangungusap na nagbibigay ng katangian sa pangunahing tauhan sa maikling


kuwento gamit ang mga kaantasan ng pang-uri.

Subject Area:Filipino
Grade/year Level:Baitang 8
QUARTER ; IKALAWANG MARKAHAN
Test 1. 10 puntos

Makipagpangkat sa lima mo pang kaklase. Maghanda at magsagawa ng pakikipanayam sa


121

ilang eksperto tulad ng mga guro, counselor at mga nakatatanda sa inyong lugar tungkol sa
kanilang malawak na kaalaman at karanasan sa pagiging mabuting magulang. Bumuo muna
ng mga epektibong tanong upang matiyak na magiging maayos ang gagawing
pakikipanayam at saka humandang ilahad ang resulta ng pakikipanayam sa masining na
paraan.

Mga Pamantayan Puntos Aking Puntos

Nakapaghanda ng magkakaugnay at epektibong tanong 5 puntos


nang maaga

Narinig at naunawaang mabuti ang sinasabi ng 5 puntos

Kausap

Naipokus ang panayam sa paksang dapat pag- 5 puntos

Usapan

Masining na nailahad ang resulta ng panayam 5 puntos

Kabuuang Puntos 20 puntos

5- Napakahusay 2- Di-mahusay

4 – Mahusay 1- Sadyang Di-mahusay

3- Katamtaman

Test II. Magsagawa ng pakikipanayam sa ilang eksperto o nakatatanda sa inyong lugar


tungkol sa kanilang malawak na kaalaman at karanasan sa pagiging mabuting magulang. 5
puntos

Subject Area:Filipino
Grade/year Level:Baitang 8
QUARTER ; IKALAWANG MARKAHAN
Test I. Basahin at suriin ang ilang taludtod na hango sa tulang binasa. Sa iyong sariling
pananaw, ipaliwanag ang kahulugan ng sumusunod. Isulat ang sagot sa nakalaang espasyo.
2 puntos.

1. Heben, mulang ikosa Mo ako.


sa pagkakaklase ba.
Pero nang magdisaper Ka,
nagkawatak –watak lahat
Kasalanan Ko!
122

2. Ang laki ng naging kapalit


sa binalewala kong pakikisama Mo,
nasugapa lalo ang buhay ko,
nasira pati ulo ko.

3. Alam kong di-mapipiyansahan ang


mga atraso ko sa ‘Yo
Alam ko ring walang duda
matutukso pa ako dahil di-mabunot-bunot
ang mga damo
na tumubo at sumakal sa kalooban
ko sa mundo ko.

4. Kung gusto Mo, para mabawasan


ang galit Mo,
pulbusin Mo ang dibdib ko
nang maisuka ko na rin
ang lason sa katawang ito.

5. Maawa ka na, Manong!


Tulungan Mo ako!
Pagalingin Mo ako
Baguhin Mo ako!
Ang toyo’t talangka sa ulo ko pakialis Mo!
Kahit paano makalakad uli ako nang diretso.

Test II. Pangwakas na Gawain: Pumili ng saknong sa tulang napakinggan at ibigay ang
iyong sariling interpretasyon.

Tula: Sandalangin
ni Joey A. Arrogante

Wow! Pare
dyahi talaga.

Ang bigat!

ng atraso ko Sayo.

Alaws kasing bread

pang-score ng damo
123

kaya nadodobol-kros Kita.

Nagdurog ako,

Nang dumaan Ka, kasama ng mga sikyo,

bumahag ang buntot ko

baka kasi mahalata nila

na magkakosa tayo

pati ako isalvage nila

kaya inisnab Kita.

Sori Boss!

Patawad!

Heben, mulang ikosa Mo ako,


sa pagkaklase ba.
Pero nang magdisaper Ka,
nagkawatak-watak lahat
Kasalanan ko!
Sinira ng pagwawala ko
ang pagtitiwala Mo
Pati ng barkada
kaya sising-alipin ako.

Ang laki ng naging kapalit


sa binalewala kong pakikisama Mo,
nasugapa lalo ang buhay ko,
nasira pati ulo ko
sa kamalasan,sa problema;
naging demonyo ako,
kaaway ng lahat-ng bahay, ng gobyerno, ng simbahan.
Ayoko na!

Hindi na kaya

ng aking konsiyensiya.
Ang hirap palang wala Ka!
124

Sori Among!
Patawad!

Alam kong di- mapipiyansahan ang mga atraso


ko sa 'Yo.
Alam ko ring walang duda matutukso pa ako
dahil di-mabunot-bunot ang sukal
na tumubo sa mundo ko
na nagpapadilim sa tinatakbuhan ko,
kaya nagbabalik-luhod ako Sayo
kahit basag na ang pula ko,
kahit basa na ang papel ko.

Isang pakiusap
pakinggan Mo sana:
pabawiin Mo naman ako,
minsang tsansa na lang ba?

itong-ito na lang!

kailangang-kailangan ko kasi

at wala na akong matatakbuhang iba

na makikinig,

na makakaintindi.

Ikaw lamang.

Sige na naman!

pagbigyan Mo na ako

para naman mahulug-hulugan ko

ang mga atraso ko Sayo

at sa kanilang lahat.

Kung gusto Mo,

para mabawasan ang galit Mo,

pulbusin Mo ang dibdib ko

nang maisuka ko na rin

ang lason sa katawan kong ito.


125

Maawa Ka na, Manong!

tulungan Mo ako!

pagalingin Mo ako!

baguhin Mo ako!

ang toyo’t talangka sa ulo ko

pakialis Mo!

kahit papaano

makalakad lang uli ako nang diretso.

Maawa Ka na, Manong!

Tanggapn Mo uli ako kahit di nakakosa,

Maski kakilala na lang basta.

Sige na naman!

Ibigay mo na sa ‘kin ang adres Mo

at hahanapin ko ang bahay Mo

at oras na makita ko

ipinangangako ko Sayo:

Sasambahin ang ngalan Mo,

Susundin ang loob Mo,

Dito sa lupa…para…

Patawad Diyos ko!


126

Subject Area:Filipino
Grade/year Level:Baitang 8
QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN
127

Ang Guryon
Ildefonso Santos

Tanggapin mo, anak itong munting guryon


na yari sa patpat at papel de Hapon;
magandang laruang pula, puti, asul,
na may pangalan mong sa gitna naroon.
Ang hiling ko lamang, bago paliparin
Ang guryon mong ito ay pakatimbangin;
Ang solo’t paulo’y sukating magaling
nang hindi mag-ikit o kaya’y magkiling.
Saka, pag umihip ang hangin, ilabas
At sa papawiri’y bayaang lumipad;
Datapwa’t ang pisi’y tibayan mo, anak,
At baka lagutin ng hanging malakas.

Paghahambing ng Tulang “Sandalangin” at “Ang Guryon”

Mga
Paksa Uri Kayarian Halimbaw Mga
Tula o Suka ng Ng a Halimbawa ng
Tema t Tugm Taludturan ng Simbolismo
a Larawang-
Diwa
Sandalangi
n

Ang
Guryon

Test II. Pangwakas na Gawain(5 puntos)

Paano naiiba ang tula sa iba pang anyo ng panitikan?


128

Subject Area:Filipino
Grade/year Level:Baitang 8
QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN
Test 1.

Panuto: ang matatalinghagang salita sa kahon ay iyong mababasa sa tula. Tukuyin at isulat
ang titik ng kahulugan ng nakahilig na salita o mga salita ayon sa pagkakagamit nito sa
pangungusap.

a. sising-alipin f. pulbusin ang dibdib


129

b. sira-ulo g. basa ang papel

c. nagbabalik-luhod g. libingan

d. mapagpasensiya i. matanda na

e. maramdamin j. namatay

_____ 1. Kapag sira ang reputasyon ng isang tao ay wala nang magtitiwala sa
kanya
_____ 2. Huwag mo na siyang bugbugin o saktang mabuti para lamang magbago.
Kausapin mo muna.
_____ 3. Lubha siyang nagsisi o sising-sisi siy sa lahat ng kanyang kasalanan.
_____ 4. Tila baliw siya sa sari-saring kasamaang kanyang pinasok.
_____ 5. Magsisi at magbalik-loob sa Diyos ang tangi niyang layunin.
_____ 6. Alog na ang baba ni Mang Domeng subalit malakas pa rin ang katawan niya.

_____ 7. Ang pagiging balat-sibuyas ay hindi makatutulong sa pagkamit ng mga pangarap


sa buhay.
_____ 8. Si Jose Rizal ay kahanga-hanga dahil sa kanyang mahabang pisi.
_____ 9. Marami ang nalungkot nang binawian ng buhay si Pepe.
_____ 10. Ang mga Pilipino ay nalungkot nang siya’y ihatid sa kanyang huling hantungan.

Test II. Pangwakas na Gawain. 5 puntos

Pumili ng saknong na matalinghaga at ibigay ang kahulugan nito.

Subject Area:Filipino
Grade/year Level:Baitang 8
QUARTER ; IKALAWANG MARKAHAN
Test 1. 10 puntos

Panuto: Gamit ang iyong sariling pananaw at pagsusuri, magtala ng mga bagay na
hinihiling o idinadalangin ng may-akda kay Among. Isulat ang iyong sagot sa mga kahon sa
ibaba at pagkatapos ay iyong sagutin ang mga tanong kaugnay nito.

Mga Kahilingan
ng May-akda
130

Subject Area:Filipino

Grade/year Level:Baitang 8

QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN

Test I. 10 puntos

Bukod sa pagsulat ng tula ay kailangang bigkasin mo rin ang tulang iyong nabuo upang
higit mong maipadama sa mga tagapakinig at sa mga hurado gung gaano kabisa at
kaganda ang nabuo mong tula. Ito ay bahagi pa rin ng pagpili sa mananalong tula para sa
paligsahang nabanggit sa naunang Gawain. Ito na ang pinakahuling pagmamarka na
gagawin ng mga hurado sa iyo kaya’t kailangang galingan mo ang pagbigkas. Gamitin ang
rubric sa ibaba para magabayan ka ng mga pamantayan sa iyong pagbigkas.

Mga Pamantayan Laang Puntos


131

Puntos

Maliwanag na nabigkas at nalapatan ng wastong himig 5


ang tula

Naiangkop ang lakas at paghina ng tinig sa damdamin 5


at diwa ng tula

Angkop ang bawat kilos at ekspresyon ng mukha sa 5


tula, kumpas ng kamay, galaw ng mata, labi at iba pa.

Naging kawili-wili at nahikayat ang lahat na makinig 5

Kabuuang Puntos 20

Test II. 5 puntos

Pumili ng isang madamdaming tula at bigkasin sa harap ng klase

Subject Area:Filipino
Grade/year Level:Baitang 8
QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN
Test I. Pangwakas na Gawain.

10 puntos

May inilunsad na paligsahan sa pagsulat ng tulang may temang pagmamahal sa bayan.Isa ka


sa napiling kalahok. Gamitin moa ng lahat ng natutuhan mo tungkol sa tula upang makabuo ng
isang magandandang tulang iyong isasali sa paligsahan. Gamitin ang rubric sa ibaba para
magabayan ka ng mga pamantayan sa iyong bubuoin.

Mga Pamantayan Laang Puntos Punto


s

Orihinalidad 5

Hindi bababa sa limang saknong 5

Nagagamit nang wasto ang masining na antas ng wika 5

Wasto ang paggamit ng gramatika/retorika 5

Kabuuang 20
132

Puntos

Test II. 5 puntos

Sumulat ng isang tula na may apat o higit pang saknong sa alinmang tulang tinalakay.

Subject Area:Filipino
Grade/year Level:Baitang 8
QUARTER : IKALAWANG MARKAHAN
Test I. Pangwakas na Gawain

10 puntos

May inilunsad na paligsahan sa pagsulat ng tulang may temang pagmamahal sa bayan. Isa ka
sa napiling kalahok. Gamitin moa ng lahat ng natutuhan mo tungkol sa tula upang makabuo
ng isang magandandang tulang iyong isasali sa paligsahan. Gamitin ang rubric sa ibaba para
magabayan ka ng mga pamantayan sa iyong bubuoin.

Mga Pamantayan Laang Puntos Puntos

Orihinalidad 5

Hindi bababa sa limang saknong 5

Nagagamit nang wasto ang masining na antas ng wika 5

Wasto ang paggamit ng gramatika/retorika 5

Kabu 20
uang Puntos
133

Test II. 5 puntos

Sumulat ng maikling tula na gamit ang masining na antas ng wika.

You might also like