You are on page 1of 17

Filipino 8

1
Filipino – Ikawalong Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Aralin - Pagsusuri sa mga Popular na
Babasahin

Unang Edisyon, 2020


Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na
naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang malikom
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin
ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.
Komite sa Pagsulat ng Modyul
Manunulat: MARIANNE L. LUCAS
Editor: ADELA S. CRUZ, MT I
Tagasuri: PAUL JOHN S. ARELLANO AT JOSEFINA T. SALANGSANG, HT III
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera EdD
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)

Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon


Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig

2
Filipino 8
Ikatlong Markahan
Modyul 2 para sa Sariling Pagkatuto

Pagsusuri sa mga Popular na Babasahin


Manunulat: MARIANNE L. LUCAS
Tagasuri:ADELA S. CRUZ, MT I
Editor: PAUL JOHN S. ARELLANO AT JOSEFINA T. SALANGSANG, HT III

3
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang FILIPINO 8, Modyul 2 para sa
Aralin PAGSUSUSURI SA MGA POPULAR NA BABASAHIN !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa Lokal
na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg. Victor
Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

4
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Filipino 8, Modyul 2 ukol sa Aralin


PAGSUSUSURI SA MGA POPULAR NA BABASAHIN!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral

5
MGA INAASAHAN
Matapos mong mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahang matatamo mo
ang sumusunod:

Kasanayang Pampagkatuto:
 Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa: paksa,
layon, tono, pananaw, paraan ng pagkakasulat, pagbuo ng salita, pagbuo ng
talata, pagbuo ng pangungusap.
 Nagagamit sa iba’t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit sa impor- mal
na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga)

Layuning Pampagkatuto:
1. Naipaliliwanag ang kaligirang kasaysayan ng mga popular na babasahin sa
Pilipinas noong panahon ng kontemporaryo (Komiks, magasin, tabloid, at
dagli)
2. Nasusuri ang anyo, istruktura, nilalaman, at layon ng mga popular na
basahin batay sa paksa, layon, tono, pananaw, paraan ng pagkakasulat,
pagbuo ng salita, pagbuo ng talata, pagbuo ng pangungusap.
3. Nakapabibigay ng mga halimbawang salita na ginagamit sa impormal na
komunikasyon (Balbal, kolokyal, banyaga)

PAUNANG PAGSUBOK
Panuto: Piliin ang pinakatamang sagot sa sumusunod na tanong. Isulat ang
Fact kung may katotohanan ang pangungusap, Bluff naman kung hindi maka-
totohanan.

1. Ang tabloid at broadsheet ay mga impormal na pahayagan na pareho ang


sukat at nilalaman.
2. Ang magasin ay may iba’t ibang kategorya at ang target na mambabasa ay
nakabatay sa nilalaman nito.
3. Ang komiks ay maaaring maglaman ng kakaunti o walang salita at binubuo
ng isa o higit pang mga larawan.
4. Maituturing na mas maikli sa maikling kuwento ang dagli bagaman walang
katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas.
5. Nahahati sa tatlong kategorya ang antas ng wika, ito ay ang pormal, di
pormal at balbal.
6. Lalawiganin ang tawag sa pagpapaikli ng salita na ginagamit ng manunulat
sa mga pormal na sulatin

6
BALIK-ARAL
Panuto: Punan ng angkop na sagot ang bawat patlang upang mabuo ang
diwa ng talata.

Ang panitikang Pilipino ay dumaan sa iba’t ibang panahon. Matapos


tayong sakupin ng mga Kastila ay sinundan naman ng pananakop ng mga
Amerikano. Dito umiral ang batas na kumontrol sa mga manunulat. Sinundan
ito ng pananakop ng mga Hapon kung saan namayagpag ang panitinang
Pilipino kung kaya’t itinuring itong panahon sa dami ng mga
akdang nailathala. Sa panahong ito sumikat ang magasing na
kinahumalingang basahin ng mga Pilipino. Di naglaon, nagsulputan na ang
iba’t ibang print media kasabay ng paggamit ng makabagong teknolohiya. Hindi
lamang sa anyo ng pagsulat ang pan- itikan kung hindi napapakinggan at
napapanood din sa at .

ARALIN

Mga Popular na Babasahin

Narito ang mga halimbawa ng Popular na Babasahin na ating susuriin. Tingnan at


basahing mabuti ang mga bahaging ito ng popular na babasahin na
iyong gagamitin sa pagsusuri sa mga pagsasanay.

1. Komiks

7
2. Tabloid

3. Magazine

8
4.Dagli
Si Ma'am Kasi
ni Eros Atalia

Final exam ng mga graduating. Make or break. Terorista ang prof nila sa major
subject na ito. Walang pakialam kung graduating ka o hindi. Kung bagsak, bagsak.
Parang barangay tanod ang prof. Ikot nang ikot sa buong classroom. Lahat ng
kahina-hinalang kilos, lingon o titig ng mga estudyante, sinisita nito.
May nag-vibrate na cellphone na nakapatong sa armchair. "Turn it off! Or keep
it away!" bulyaw ng prof.
Pinagtinginan ng lahat ang estudyanteng nagpupumilit na mai-off o itago ang
cellphone.
Balik uli ang lahat sa pagsasagot.
Maya-maya, yung estudyanteng yun ay tumingin uli sa phone at pagkatapos ay
sa prof.
Nagduda na ang prof.
Gawain kasi ng ibang estudyante na ilagay ang sagot sa cellphone. Lumalapit
pa lang ang prof sa may hawak ng cellphone ay umiyak na ang
estudyante.
"Give me your phone, you're cheating."
Pagkaabot ng estudyante ng cellphone sa teacher, dinampot na nito ang bag, at
saka bumira ng takbo papalabas ng classroom. Iniwan ang test paper.
"Class, you're all my witnesses, your classmate is cheating. Will you read kung
anong nakalagay sa message?"
Tumayo ang estudyanteng inutusan. Binasa ang phone.
"Y di u sagot tawag namin? Wala na si Dad. D niya na-survive ang operation.
D2 kami hospital."

Mga Sangkap na Kailangang Isaalang-alang sa Pagsusuri

1. Tono (tone) - Tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang


isinulat. Ito ay maaaring mapagbiro, masaya o malungkot.
2. Layon (objective) - tumutukoy sa kung ano ang nais mangyari ng isang
manunulat o awtor sa kanyang mambabasa. Ito ay maaaring manghikayat,
mang-impluwensiya, mangaral, magtanggol, mang-aliw, manlibang, magbigay
ng impormasyon, magbahagi ng isang paniniwala o prinsipyo, magturo ng
kabutihang asal at iba pa. Ang isang teksto ay maaaring may dalawa o higit
pang layunin depende sa hangarin ng manunulat.
3. Paksa (topic)- tumutukoy sa kabuuang ideya, kaisipan o nilalaman nito.
4. Pananaw (point of view)- Ito ay nangangahulugan ng paraan ng
pagsasaalang- alang o pagsusuri sa isang bagay suliranin o pangyayari. Sa
pamamagitan ng pananaw, nakikilala ng mambabasa ang nilikha ng naglalahad
at ng pangyayaring inilalahad, at kung gaano ang nalalaman ng naglalahad.
5. Pagkakabuo ng salita- tumutukoy sa mga salitang pinili ng may-akda.
Maaaring pang-araw-araw na salita matalinghaga, o malalim na mauunawaan
ng mga mambabasa.

9
6. Pagkakabuo ng pangungusap/talata- tumutukoy sa paraan na ginamit ng
may- akda sa pagbuo ng pangungusap o talata. Maaaring sa paraan ng
pagbibigay ng tanong, pakronolohikal, pagbibigay ng pahayag o tuwirang sabi.

Basahin ang pagsusuri na ito sa isang halimbawa


ng Front Page ng isang Tabloid
BABASAHIN PAKSA LAYON TONO
Tungkol ito sa Layunin nito na Ang tono ng may-
pandemya ng Covid magpabatid ng akda nito ay seryoso
19 kaalaman sa dahil ito ay may
mamamayan sa katotohanan.
bantang panganib ng
Covid19
TABLOID

PANANAW PAGKAKABUO NG SALITA


Makikita ang pananaw ng may- Ang pagbuo ng mga salita ay
akda na dapat mag-ingat at simple o hindi malalim para
magtulungan ang lahat sa maintindihan ng masa.
panahon ng krisis na ito

PAGKAKABUO NG PAGKAKABUO NG TALATA


PANGUNGUSAP
Nauuna ang simunoo kung ANO Mapapansin sa talata ng mga
ang pinag- uusapan sa paksa o balita na nauuna ang pinaka-
topic na susundan ng kung ano importanteng impormasyon
ang nangyari.

10
Ngayon ay natutuhan mo ang iba’t ibang popular na babasahin at kung paano
suriin ang mga ito. Unti-unti mong nauunawaan ang daloy sa ating aralin. Batid
ko na handa ka na para sa susunod na paksa.

Impormal na Komunikasyon
A. Di-Pormal – ito’y mga pang-araw araw na salitang ginamit sa
mga pagkakataong impormal. Gumagamit ng mga simpleng bokabularyo
na mabilis maunawaan ng mga tao.
1. Lalawiganin – ito ang mga salitang kilala sa isang munting pook
lamang at hindi gaanong kilala ng nakararami sa bumabasa o nakikinig.
Hal. nakain ka na? (kumain ka na?) ; dako (malaki) ; kabsat (kapatid)
2. Kolokyal- tawag sa pagpapaikli ng isang salita na ginagamit sa
pang- araw-araw na komunikasyon
Hal. lika (halika), meron (mayroon), nasan (nasaan), kelan (kailan)
3. Balbal – ito ang mga salitang oo nga’t ginagamit sa kasalukuyan
ngu- nit panlasangan naman. Ang mga salitang ito ay nahango
lamang sa pagbabago ng panahon. Ito ay ginagamit sa mga biruan,
umpukan at sa usapan ng mga taga-lansangan.
Hal. lespu, ermat, parak, toma, senglot, juding, gurang, yosi
4. Banyaga- Mga salitang mula sa ibang wika na walang salin sa Filipino.
Hal. tisoy, tisay (Espanyol na meztiso, meztisa) ,
Kosa (Russian Mafia: Cosa Nostra)

Gamit ng mga Impormal na Komunikasyon sa Iba’t ibang Sitwasyon

Ang wika ay daynamiko at nagtataglay ng maraming varayti dahil


nakadepende ito sa kultura, asal, antas ng pamumuhay, lugar, edad, kasarian,
at marami pang iba. Hindi natin ito kikilalanin bilang sagabal sa komunikasyon
bagkus ito ay yaman ng ating wika sapagkat nagagamit ang mga ito upang
magkaintindihan at matukoy ang pagkakakilanlan ng isang tao. Gaya nga ng
binanggit ng manunulat na si Virgilio Almario, “Kung ano ang wika mo, iyon ang
pagkatao mo.”

Narito ang mga halimbawa ng impormal na komunikasyon na


madalas gamitin sa iba’t ibang sitwasyon:
IMPORMAL NA SALITA SITWASYON KOMUNIKASYON
bogus (banyaga) Online selling sa facebook “PM na lang po sa mga
PM (kolokyal) interesado. ‘yung sure
-hindi totoo, peke buyer po at hindi yung
bogus.”
teluk (balbal) Sa paaralan “Teluk mo ‘tol sabi na
-makulit nga ni mam na
sasagutan lahat!”

11
SKL (kolokyal/balbal) Sa messenger “Uy! SKL, mataas nakuha
-share ko lang ko doon sa test
natin kay Sir!”
meron (Kolokyal) Sa trabaho “Meron pa po tayong
-mayroon dapat ipasa na report kay
boss sa Lunes.”
buang (lalawiganin) Sa bahay “Nabuang na sa katatawa
-baliw ang kapatid mo dahil sa
mga memes na ‘yan.”
kosa (banyaga) Sa estasyon ng pulis “Nakakatuwa dahil ‘yung
-kasama sa bilangguan ka-kosa nung mga
nandito pa sa loob e
nagbagong-buhay na
talaga.”

Binabati kita sa matiyaga mong pagpupunyagi na maunawaan ang


aralin! Ngayon ay mayroon ka nang sapat na pag-unawa tungkol sa panitikang
popular at antas ng wika.
Alam kong kayang-kaya mo nang sagutan ang mga pagsasanay na
inihanda ko para sa iyo.

MGA PAGSASANAY

PAGSASANAY 1: Hanapin sa kahon ng pagpipilian ang inilalarawan


sa bawat aytem. Isulat ang iyong sagot sa patlang bago ang bilang.
1. Tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang isinulat. Ito
ay maaaring mapagbiro, masaya o malungkot.
2. Tumutukoy sa kung ano ang nais mangyari ng isang manunulat o
awtor sa kanyang mambabasa.
3. Tawag sa pagpapaikli ng isang salita na ginagamit sa pang-
araw-araw na komunikasyon.
4. Mga salita mula sa ibang wika na walang salin sa Filipino.
5. Ito ang mga salitang kilala sa isang munting pook lamang at hindi
gaanong kilala ng nakararami sa bumabasa o nakikinig.
6. Ito ang mga salitang oo nga’t ginagamit sa kasalukuyan ngunit
panlasangan naman.

Lalawiganin Layon Kolokyal Balbal


Banyaga Pormal Tono May-akda

12
PAGSASANAY 2: Punan ng angkop na pagsusuri ang talahanayang ito
tungkol sa Paksa, Layon, Tono, at Pananaw ng mga halimbawang Popular
na Babasahin na nasa bahagi ng Aralin ng modyul na ito. (Gawin ang
gawaing ito sa isang buong papel at mas palakihin ang talahanayan
upang magkasya ang iyong mga isasagot).

Babashin Paksa Layon Pananaw Tono


Komiks
Tabloid
Magasin
Dagli

PAGSASANAY 3: Punan ng angkop na pagsusuri ang talahanayang


ito tungkol sa Pagbuo ng Salita, Pangungusap, at Talata ng mga
halimbawang Popular na Babasahin na nasa bahagi ng Aralin ng modyul
na ito. (Gawin ang gawaing ito sa isang buong papel at mas palakihin
ang talahanayan upang magkasya ang iyong mga isasagot).

Babashin Pagbuo ng salita Pagbuo ng Pagbuo ng talata


pangungusap
Komiks
Tabloid

Magasin
Dagli

PAGLALAHAT

Alam kong marami kang natutuhan sa pagtatapos ng araling


ito. Nais kong itala mo ang mga bago mong kaalaman tungkol sa
kaligirang kasaysayan ng Kon- temporaryong Panitikan.

13
PAGPAPAHALAGA

Sa pagbabago ng henerasyon, nakita natin kung paano sinubok


ng panahon at nagkaroon ng pagbabago sa ating panitikan. Tandaan natin,
yumabong man ang ating kaalaman kaalinsabay ng paglipas ng panahon ang
pagkatuto ng bawat henerasyon ay nakasalalay sa mga kamay ng responsableng
mamamayan na magpapatuloy ng lalo pang mabuti at may kalidad na mga akdang
babasahin.

Bilang kabataan, paano mo gagamitin ang multimedia sa responsableng


pamama- hayag o komunikasyon? Itala ang iyong sagot

PANAPOS NA PAGSUSULIT
PANUTO: Hanapin at salungguhitan sa puzzle na nasa ibaba ang salitang hinihingi
sa bawat aytem.

B R O A D S H E E T N
A T F O I E L M B I A
Y D M A G A S I N W K
U K O L O K Y A L P I
L R P K Y X G E I Q T
T A B L O I D H K G I
P H U E W T A Y A O N
F N B A Q U G E J K A
W P L S B A L B A L P
X A C K O M I K S W M
L D M J E T V Z H G A
Z V I A S N A B M A P

1. Uri ng babasahin na naglalarawan ng pang-araw-araw na pangyayari,


kadalasan ay tungkol sa karanasan.
2. Naglalaman ng mga artikulo, kuwento, larawan o anunsyo na pinopondohan.
3. Grapikong midyum na ang salita at larawan ay ginagamit sa isang kuwento.
4. Pormal na uri ng pahayagan na naglalaman ng mmga internasyunal na
kaganapan.
5. Anyong pampanitikan na maituturing na mas maikli pa sa maikling kwento.
6. Salitang nabuo o nalikha sa impormal na paraan. Salitang kanto o kalye.
7. Tawag sa pagpapalaki ng isa, dalawa o higit pang salita.
8. Wikang ginagamit sa mga paaralan at sa pamahalaan.
9. Ginagamit ng mga malikhaing manunulat, karaniwang malalim, makulay at
masining.
10. Wikang ginagamit sa isang particular na lugar o pook.

14
SUSI SA PAGWAWASTO

PAGSASANAY 2

15
16
PANAPOS
NA
PAGSUSULIT
PAGSASANAY 3
Sanggunian
Tumangan, Sr. Alcomtiser P. et al. Panitikan ng Pilipinas Para sa Kolehiyo.
Quezon City: National Book Store, Inc., 1990

mula sa internet

https://bit.ly/2WjcXZN https://bit.ly/3ewcvh0 https://bit.ly/3fxkLi8


https://bit.ly/32hQYWL https://bit.ly/3gVKwcg https://bit.ly/32eM250
https://bit.ly/3fqUamM https://bit.ly/2Wk0kxx https://bit.ly/3eryFks
https://bit.ly/2OnBOav https://bit.ly/2WjT7gZ https://bit.ly/3etT3Bq
https://bit.ly/2WjBVIp https://bit.ly/2Wif3ZW https://bit.ly/3iY5J7c
https://bit.ly/2Wk1IjJ https://bit.ly/2OoMoOo https://bit.ly/3gWCMXp
https://bit.ly/2DB0TfP
https://pinoypanitik.weebly.com/panahon-ng-amerikano.html
https://www.academia.edu/32295684/Ang_Panitikan_sa_Panahon_ng_Republika
https://www.academia.edu/40489230/Panahon_ng_bagong_lipunan_fil
https://www.alamy.com/stock-photo-1960s-magazine-advert-advertising-coca-
cola-170426259.html

https://www.behance.net/gallery/13288673/Garnier-Print-Ads
https://www.magzter.com/PH/Philstar-Daily-Inc./Pilipino-Star-
Ngayon/Newspaper/482912 https://www.wattpad.com/6452181-si-ma%27am-
kasi-ni-eros-atalia

17

You might also like