You are on page 1of 23

8

Filipino 8
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Ikaapat na Linggo- Sanaysay
Filipino – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Sanaysay
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Larah D. Liwanag, T1, Bagbaguin NHS
Editor: Name
Tagasuri: Name
Tagaguhit: Name
Tagalapat: Name
Tagapamahala: Name of Regional Director
Name of CLMD Chief
Name of Regional EPS In Charge of LRMS
Name of Regional ADM Coordinator
Name of CID Chief
Name of Division EPS In Charge of LRMS
Name of Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – Region (Ex. Department of Education-Region III)


Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
8
Filipino 8
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Ikaapat na Linggo – Sanaysay
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang (Filipino 8) ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul para sa araling Sanaysay !

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa FILIPINO 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM)


Modyul ukol sa (Sanaysay) !

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa


pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:


Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

iv
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

Ikaapat na Linggo: Sanaysay

ALAMIN

Ang modyul na ito ay idinisenyo at isinulat para sa iyong kaalaman. Ito ay upang
makatulong sa pagpapaunlad ng iyong kaalaman at kasanayan sa pagsulat ng talata. Ang mga
araling nakapaloob dito ay isinaayos alinsunod sa pamantayan ng K to 12 Curriculum.

Ang modyul na ito ay nakapokus sa iisang aralin:

 Aralin 4 – Sanaysay - Ikaapat na Linggo: Pagsulat ng Sanaysay

Matapos matalakay at masagutan ang modyul, ikaw ay inaasahan na:


1. Mabigyang-kahulugan ang dalawang uri ng sanaysay
2. Malaman ang bahagi ng sanaysay (simula, gitna, at wakas)
3. Maiugnay ang tema ng nabasang sanaysay sa mga napanuod na programang
pantelebisyon
4. Magamit ang iba’t ibang uri ng pagpapahayag sa pagsulat ng sanaysay
5. Makasulat ng sanaysay na may simula, gitna, at wakas na ginamitan ng iba’t ibang uri
ng pagpapahayag

Pagtuunan mo ng pansin ang kasanayang iyong lilinangin sa buong araling ito. Kung may mga
bahaging malabo, magtanong sa magulang o mas nakatatanda sa iyo at sa guro.

MELC
 1: SANAYSAY
Naiuugnay ang tema ng napanood na programang pantelebisyon sa akdang

tinalakay

(F8PD-IIf-g-26)

v
SUBUKIN

I. A. Panuto: Basahin at unawain ang bawat bilang. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong/pahayag. Isulat sa papel ang iyong sagot.

_____1. Uri ng akdang pampanitikan naglalahad ng matalinong pagkukuro, makatwirang


paghahanay ng kaisipan at damdamin ng sumulat ayon sa kaniyang karanasan, kaalaman,
at haka-haka.
a. Maikling Kwento b. Tula c. Sanaysay d. Dula
_____2. Mula sa salitang Pranses na “essai” ang na nangangahulugang “magtangka” o
“___________.”
a. sumubok b. sumulat c. magsalaysay d. magbigay
_____3. Bahagi ng sanaysay na dapat nakapupukaw ng atensyon upang ipagpatuloy ng
mambabasa ang pagbasa sa akda.
a. Simula b. Katawan o Gitna c. Wakas d. Mensahe
_____4. Sa bahaging ito ng sanaysay ay makikita ang pagtalakay sa mahahalagang puntos
ukol sa tema at nilalaman nito.
a. Simula b. Katawan o Gitna c. Wakas d. Mensahe
_____5. Sa bahaging ito nahahamon ang pag-iisip ng mambabasa na maisakatuparan ang
mga tinalakay ng sanaysay.
a. Simula b. Katawan o Gitna c. Wakas d. Mensahe

B. Panuto: Isulat ang letra ng sagot na tinutukoy na paraan ng pagpapahayag sa bawat


bilang.

A. Pagsusuri
B. Pahahambing at Pagsasalungatan
C. Pag-iisa-isa
D. Sanhi at Bunga

_____6. Ang taong makabayan ay yaman ng bansa samantalang problema ang mga
mamamayang walang pakialam.
_____7. Kung ang lahat ng mga Pilipino ay magiging makabayan, mabilis na uunlad ang
bansa.
_____8. Ang pagkamakabayan ay pagpapahalagang nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.
_____9. Ang taong makabayan ay may katangiang kagaya ng mga sumusunod:

vi
-Tumatangilik ng sariling produkto
-Gumagamit ng sariling wika
-Gumagawa para sa bayan
_____10. Marahil, nalilibang ang mga kabataan sa paglalaro ng computer games kaya hindi
na nila namamalayan ang oras.

C. Panuto: Ibigay ang mga hinihinging impormasyon sa bawat bilang.

Ang 11. ______________ ay nagpapaliwanag, nagbibigay-kaalaman o pakahulugan, at


nagsusuri upang lubos na maipaunawa ang diwang inilalahad o nais ipaabot ng
nagsasalita sa manunulat.
Apat na Paraan Kaugnay ng sagot sa bilang 11.
12. ______________________
13. ______________________
14. ______________________
15. ______________________

vii
Aralin
Sanaysay
4 Pagsulat ng Sanaysay
Isa sa mahalagang kasanayan na dapat matutuhan ng mag-aaral ay ang pagsulat. Sa
kasanayang ito napatitibay ang kaisipan at damdamin na nais ipahayag ng mag-aaral gamit
ang pinakamabisang midyum ng paghahatid ng mensahe, ang wika. Dahil ito ay isang
pambihirang gawaing pisikal at mental, sa pamamagitan nito, nakapagpapahayag tayo. Sa
kaparaanang paglilipat ng kaalaman sa papel o anumang kagamitang maaaring pagsulatan.
Kaya naman, sa kasanayang ito, mainam na malaman natin ang mahahalagang paksa na
maiuugnay natin sa mga nababasa at sa mga napanunuod. Sa pagsasama-sama ng mga pangungusap,
pagkakaugnay ng mga ideya, at maayos na paglalahad ng paksa, tiyak na magiging mabisa ang
pagpapahayag.

Sa modyul na ito, ating pag-aaralan ang sanaysay, ang iba't ibang paraan ng
pagpapahayag na naglalahad, maging ang bahagi ng sanaysay: simula, gitna at wakas, nang
sa gayon ay makapagsulat ka ng isang sanaysay nagpapahayag ng sariling palagay o kaisipan
tungkol sa paksang nakapaloob dito.

BALIKAN

Panuto: Ibigay ang denotasyon at konotasyong kahulugan ng mga sumusunod na larawan.


 Denotasyon: ito ay pagbibigay- kahulugan sa isang salita gamit ang diksyunaryo o sa
paggamit sa pinakakaraniwan at simpleng pahayag.
 Konotasyon- ito ay may taglay na ibang kahulugan o maaring pansariling kahulugan
ng isang tao o pangkat na iba kaysa karaniwang pakahulugan.

Denotasyon Larawan Konotasyon

viii
Magaling! Iyong nasagutan ang balik-aral ng pagpapakahulugan na denotasyon at
konotasyon. Ngayon, tuklasin ang iba pang mahahalagang aralin na nakapaloob sa
modyul na ito.

TUKLASIN

Basahin at unawain ang isang halimbawa ng sanaysay. Sagutin ang mga sumusunod na
tanong.
Naghugas Kamay si Juan
Bb. Larah D. Liwanag

Sa panahon natin ngayon, sino nga ba ang mag-aakala na ang mga hayop gaya ng daga,
paniki, at maging ang mga maliliit na garapata ay maaaring magdala ng mga sakit, na kayang
kumitil ng buhay ng milyong-milyong katao. Kaya kung hindi mag-iingat ang isang tao, baka ito
na ang maging mitsa ng kaniyang buhay.
Sa hindi inaasahang pagkakataon, muli na namang nagkaroon ng pagsiklab ng isang
pandemya na tumama sa kalakhang bahagi ng mundo. Una itong lumitaw noong Disyembre
2019. Ang virus ay kumalat sa karamihan ng mga bansa sa mundo, kabilang na ang Pilipinas.
Ang virus na ito ay kalauna’y kinilala bilang Corona Virus Disease 2019 o mas kilala bilang
COVID-19.
Dahil bago itong COVID-19, ang mga awtoridad at mga eksperto na namamahala sa
kalusugan ay patuloy pa ring pinag-aaralan ang tungkol sa virus na ito, kung ano ang kalikasan
nito, kung paano ito nagsimula, kumalat, nang sa gayon ay makahanap ng bakuna para sa
pandemyang ito. Dahil dito, mabilis na nagbabago ang sitwasyon dito sa Pilipinas kaya naging
limitado ang paggalaw ng tao.

Maraming sanhi ng Coronavirus ang natural na nakahahawa sa mga hayop. Ngunit napag-
alaman din, na ang ilan ay maaari ring makahawa sa mga tao. Ang Coronavirus, ayon sa pag-
aaral ay maaaring makuha sa pamamagitan ng mga sumusunod ang pag-ubo o pagbahing na
maaaring kumalat sa hangin, malapitang pakikipag-ugnay, o kaya naman ay sa paghawak ng mga
kontaminadong bagay na pagkatapos ay ihahawak sa bibig, ilong, o mata.

Kaya naman, ang pinakamainam sa mga paraan upang protektahan ang iyong sarili mula
sa COVID-19 ay gawin ang parehong mga bagay na iyong ginagawa, upang protektahan ang
ix
iyong sarili mula sa sipon at trangkaso. Unang-una at ang pinakaepektibo riyan ay ang palagiang
paghugas ng mga kamay gamit ang sabon at tubig. Kung ikaw ay may sakit, dapat lamang na
manatili sa bahay. Magtakip ng bibig kapag uubo. Linisin at disimpektahin ang madalas na
Panuto: Lagyan ng bilang isa (1) hanggang apat (4) ang bawat larawan na tumutukoy sa
pagkakasunod-sunod ng impormasyon mula sa nabasang sanaysay.

SURIIN

ANG SANAYSAY
Mula sa salitang Pranses na “essai” ang salitang sanaysay na nangangahulugang
“magtangka” o “sumubok.”
Ang sanaysay ay isang akdang pampanitikan na naglalahad ng matalinong pagkukuro,
makatwirang paghahanay ng kaisipan at damdamin ng sumulat ayon sa kaniyang karanasan,
kaalaman, at haka-haka. Sa sanaysay ay maaaring paksain ang ano mang bagay na nais pag-
ukulan ng sariling palagay at pagpansin.
May dalawang uri ng sanaysay – ang pormal (maanyo) at di-pormal (malaya o
pamilyar).

x
Pormal
Maingat sa pagtalakay sa paksa kaya’t ang paglalahad ay mabisa. May
sinusunod na balangkas, lohikal o makaagham na paglalahad ng mga
impormasyon tungo sa malinaw na pagtalakay ng paksa. Angkop na mga
salita at ang paksa ay napag-uukulan ng pag-aaral, pagmamasid, at
pagsusuri.

Di-Pormal
Waring nakikipag-usap, pansarili ang himig, at may kalayaan sa pag-
aayos ng paglalahad. Layunin nito ay ang magpakilala ng mahalagang
kaalaman tungkol sa mga bagay sa halip na bigyang-patotoo ang isang
paninindigan. Ang pamamaraan sa paglalahad nito ay sinasabing masaya
at masigla.

Mga Bahagi ng Sanaysay

1
Simula – Dito karaniwang naglalagay ng pang-akit-atensyon ang manunulat ng
isang sanaysay. Dito rin makapag-iisip ang mambabasa kung magpapatuloy pa sa
pagpabasa. Kaya kadalasang isinusulat dito ang mga nakapupukaw-interes na mga
salita upang makuha ang atensyon at ganahan sa pagbasa hanggang sa matapos ito.

Katawan o Gitna – Sa bahaging ito nakatala ang mga mahahalagang katotohanan

2
ng isang paksa.  Sinasagot din dito ang mga ibinangong tanong sa panimula.
 Nagtatawid din ito ng mga mahahalagang impormasyon para talakayin ang
problemang bumabangon sa paksa.

Wakas – Ito ang pansarang bahagi ng sanaysay. Dito maaring magsulat ng


konklusyon, buod ng sanaysay, o mensaheng habilin ng manunulat sa mambabasa.
Maaari ding maglagay ng sulat na makakapag-hamon sa pag-iisip ng mga nagbabasa

3
ng akda.

xi
Pagyamanin

Sa pagkakataong ito, pagyayamanin natin ang iyong kaunawaan sa sanaysay


sa pamamagitan ng nabasang sanaysay at ang iba pang impormasyon kaugnay rito.
Umpisahan mo na!

GAWAIN 1
Panuto: Tukuyin kung anong uri ng sanaysay batay sa mga halimbawang pamagat. Kulayan
ang kahon ng pula kung ang halimbawang pamagat ay Pormal at bughaw naman kung ito ay
Di-Pormal.

1. Ang Aking Sarili


2. Datos ng Tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas
3. Mga Paalala ng DOH sa Paghuhugas ng Kamay
4. Ang Personal na Karanasan ng Isang COVID-19 Survivor
5. Friendzone: Magmamahal na nga lang, sa Kaibigan Pa

GAWAIN 2
Panuto: Mula sa nabasang sanaysay, iugnay ang tema nito sa ilang programang
pantelebisyon na iyong napanunuod sa kasalukuyan.

xii
GAWAIN 3

Panuto: Magtala ng ilang mga anunsyong nabasa, komersyal na napanuod, o iba pang kauri
nito na may kaugnayan sa binasang sanaysay.

GAWAIN 4
Panuto: Upang subukin ang iyong kaalaman tungkol sa bahagi ng sanaysay, mula sa
sanaysay na “Naghugas Kamay si Juan”, isulat ang simula, gitna, at wakas nito.

xiii
Isaisip

Panuto: Sumulat ng isang sanaysay. Sundin ang mga paalala.


Paalala:
1. Paksa: Napapanahong paksa (Iugnay ang iyong mga napanuod, nabasa, at
narinig)
a. Covid-19: Kalikasan at Epekto
b. Pangangalaga sa Kalusugan
c. Ekonomiya ng bansa sa panahon ng pandemya
d. Edukasyon sa gitna ng COVID-19
e. Kahalagahan ng impormasyon mula sa Social Media, Telebisyon,
Radyo, mga nakapaskil na anunsyo, at iba pa.
2. Malayang pumili sa uri ng sanaysay: Pormal o Di-Pormal.
3. Binubuo ng 3 hanggang limang talata.
4. Gumamit ng mga pahayag na naglalahad ng pag-iisa-isa at paghahambing at
pagsasalungatan. Bilugan ito.
5. Sundin ang tatlong bahagi ng pagsulat ng isang sanaysay.

_____________________________________________________

ni: _______________________________________

xiv
Pamantayan sa Pagmamarka: Puntos

a. Kaugnayan sa Paksa 25% _____


b. Maayos na pagkakalahad
ng sanaysay (Bahagi ng Sanaysay) 20% _____
c. Paggamit ng pahayag na naglalahad
ng pag-iisa-isa, paghahambing, pagsusuri,
at sanhi at bunga. 25% _____
d. Pag-uugnay ng paksang napanuod,
nabasa, napakinggan. 20% _____
e. Katangian ng Sanaysay 10% _____

Isagawa

Panuto: Mula sa iyong sariling likhang sanaysay, subukang markahan ang


sanaysay na ito gamit ang talahanayan. Lagyan ng bituin ang tapat na tumukoy sa iyong
pagmamarka.

Layunin 1 2 3 4
Walang Kinakitaan Kinakitaan Nagpakita
napansin ngunit hindi ang ng

xv
karamihang
malinaw kabihasaan
bahagi
1. Nagsimula sa isang
nakapupukaw na panimula.
2. May tamang pagkakasunod
ng paglalahad.
3. Naipaliwanag nang
malinaw ang paksa.
4. Wastong paggamit ng
bantas.
5. Hindi lumalayo sa paksang
tinatalakay.
6. Walang nalimutang linya o
naputol na paliwanag.
7. Wastong indensyon sa
pagsulat.
8. Gumamit ng pahayag sa
paglalahad.

Tayahin

A. Panuto: Isulat ang letra ng hinihinging sagot sa bawat bilang.

_____1. Uri ng sanaysay na waring nakikipag-usap, pansarili ang himig, at may kalayaan sa
pag-aayos ng paglalahad.
a. Pormal b. Di-Pormal c. Pag-iisa-isa d. Paghahambing
_____2. Uri ng sanaysay maingat sapagkat pinipili ang angkop na mga salita at ang paksa ay
napag-uukulan ng pag-aaral, pagmamasid, at pagsusuri.
a. Pormal b. Di-Pormal c. Pag-iisa-isa d. Paghahambing
_____3. Anong uri ng pagpapahayag ito? “Kahit mayaman ka, kung may malubha kang sakit,
maaaring maubos ang lahat ng iyong kayamanan sa pagpapagamot.”
a. Pag-iisa-isa b. Paghahambing c. Sanhi at Bunga d. Pagsusuri
_____4. Ilang krisis sa ekonomiya ngayon ay ang mga sumusunod: bagsak ang turismo, ang
stock market, kakaunti ang tao sa mga malls, maraming bakante sa mga hotel, kanselado ang
maraming biyahe ng mga eroplano sa iba’t ibang bansa. Ito ay uri ng pagpapahayag na
___________________.
a. Pag-iisa-isa b. Paghahambing c. Sanhi at Bunga d. Pagsusuri

xvi
_____5. “Mas maraming mahalaga kaysa kayamanan, tulad ng kalusugan.” Ang
pangungusap na ito ay nagpapahayag ng _______________.
a. Pag-iisa-isa b. Paghahambing c. Sanhi at Bunga d. Pagsusuri

B. Panuto: Isulat ang salitang tinutukoy sa bawat bilang.

A. Dalawang Uri ng Sanaysay (2 puntos)


6. ______________________
7. ______________________

B. Bahagi ng Sanaysay (2 puntos)


8. ______________________
9. ______________________
10. ______________________

Karagdagang Gawain

GAWAIN 1
Panuto: Kaugnay ng mga impormasyong lumalabas ngayong panahon ng pandemya, magtala
ng mga “FAKE NEWS” na iyong narinig o nabasa gayundin ay magtala ng “GOOD News”
kaugnay rito.

FAKE
NEWS GOOD
☹ NEWS
😊

GAWAIN 2
Panuto: Sagutin ang mga tanong. Ilahad ang iyong kaisipan, pananaw, opinyon, at saloobin
tungkol sa mga nabasa at inunawang kada.

xvii
1. Bilang isang kabataang Pilipino, ano-ano ang magagawa mo upang makaharap sa
tinatawag natin “new normal?” Gumamit ng paraan ng pagpapahayag na
paghahambing at pagsasalungatan.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
2. Para sa iyo, gaano kahalaga ang pagsasaalang-alang sa mga sangkap o elemento ng
sanaysay sa pagsulat o pagbuo nito? Paano nakatutulong sa iyong buhay ang
mahahalagang kaisipang hatid ng sanaysay na binasa? Gumamit ng paraan ng
pagpapahayag na pag-iisa-isa.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________
3. Bakit mahalagang matutuhan ang iba’t ibang paraan ng pagpapahayag ng mga
kaisipan o impormasyon? Gumamit ng paraan ng pagpapahayag na pagsusuri.
_____________________________________________________________________
_____________________________________________________________________

SUSI SA PAGWAWASTO

ISAISIP BALIKAN
Gawing batayan ang  Malaya ang guro sa SUBUKIN
pamantayan sa pagwawasto
pagmamarka 1. C
2. A
ISAGAWA TUKLASIN 3. A
 Malaya ang guro sa Daga at paniki – 1 4. B
pagwawasto 5. C
Coronavirus – 2 6. B
TAYAHIN 7. D
Pagbahing – 3 8. A
1. B Paghuhugas ng kamay – 4 9. C
2. A 10. D
3. C 11. Nagpapahayag
4. A 12. Pag-iisa-isa
5. D PAGYAMANIN 13. Paghahambing at
6. Pormal Gawain 1 pagsasalingatan
7. Di-Pormal 14. Pagsusuri
8. Simula 1. Bughaw 15. Sanhi at bunga
9. Gitna 2. Pula
10. Wakas 3. Pulaxviii
4. Bughaw
5. Bughaw
KARAGDAGANG
Sanggunian

 Kinuha sa https://www.google.com/search?q=paraan+ng+pagpapahayag+na+pag-iisa-
isa&oq=&aqs=chrome.0.35i39l8.110394247j0j7&sourceid=chrome&ie=UTF-8,
Kinuha noong Hunyo 11, 2020
 Kinuha sa https://philnews.ph/2019/07/16/sanaysay-kahulugan-uri-bahagi/, Kinuha
noong Hunyo 12, 2020
 Kinuha sa https://brainly.ph/question/361695 , Kinuha noong Hunyo 12, 2020
 Aral ng COVID-19: Ang Kalusugan ay Kayamanan, Sanaysay ni Pastor Joey Umali,
Marso 14, 2020, Kinuka noong Hunyo 14, 2020

xix
xx
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

You might also like