You are on page 1of 5

ISO 9001:2015 CERTIFIED

Republic of the Philippines


BULACAN STATE UNIVERSITY
Graduate School
Guinhawa, City of Malolos,
Bulacan
NAME : Larah D. Liwanag
MAJOR : MaEd- FILIPINO
COURSE TITLE : Computer Education (B1)
COURSE CODE : E 321
PROFESSOR : Dr. Joseline Santos

ASSIGNMENT:

Conceptualize an online activity that will cater to the 4Cs of 21st-century learning.
Identify the Subject, Topic, and Grade Level. Describe the activity and provide the complete
instruction for the students to follow. Explain where are the 4Cs exist in the activity.

ASIGNATURA : Filipino

PAKSA : Mga Popular na Babasahin (Komiks)

BAITANG : Walo (8)

GAWAIN : Pagbuo ng isang Digital Comics

Panimula

Kapansin-pansin sa kasalukuyan ang kawilihan ng kabataan sa mga babasahin gaya ng


komiks, magasin, at iba pa. Kung susuriing mabuti, naiiba lamang sa estilo, pamamaraan, at
kaalamanng teknikal ang panitikang popular.

Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay ginagamit
upang ihatid ang mga salaysay o kuwento. Kadalawang naglalaman ang komiks ng kaunting
diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o higit pang larawan.

Ang pagiging malikhain ng isang gumagawa ng komiks ang nagpapagalaw maging sa


mga bagay na walang buhay. Nakikta nila ang mga bagay na hindi nakikita ng iba. Maraming
ISO 9001:2015 CERTIFIED
Republic of the Philippines
BULACAN STATE UNIVERSITY
Graduate School
Guinhawa, City of Malolos,
Bulacan
napaliligaya ang komiks, maraming binibigyang pag-asa, at marami rin ang napaiibig dahil sa
mga mensaheng hatid nito sa mga mambabasa.

Layunin

Isa ang komiks sa mga paksang tatalakayin sa Ikatlong Markahan ng baitang walo, kaya
naman marapat na matalakay ang kaalaman, esensya, at kasanayan makatutulong upang
makabuo ang mga mag-aaral ng isang makabuluhang digital comics na naglalaman ng
napapanahong isyu sa bansa. Masusukat ang kanilang kritikal na pag-iisip (critical thinking) sa
pagpaplano at pag-uugnay ng kanilang bubuoing komiks sa kasalukuyang sitwasyon ng bansa.
Gayundin, mabibigyang-halaga maging ang pakikipagtulungan (collaboration) ng bawat
miyembro upang makapagbigay-konsepto sa bubuoing gawain na maghahantong sa isang tiyak
na desisyon. Layunin din nito na mabigyang-husay ang mga mag-aaral sa pagpili ng salitang
kanilang gagamitin sa diyalogo ng kanilang tauhan sa komiks sa pamamagitan ng kanilang husay
sa komunikasyon. Hindi lamang sa pagpili ng salita na lalamanin ng kanilang komiks, maging sa
pagpapalitan ng ideya ay masusukat ang kanilang pakikipagtalastasan (communication).
Panghuli, susukatin ang kanilang pagkamalikhain (creativity) sa mabubuong produkto. Ang
kaakmaan ng larawan, salita, kulay, at mensahe bilang kabuoan.

Pamamaraan

Sa araw ng online class, matututuhan ng mga mag-aaral ang kaalaman tungkol sa


komiks. Ang kahulugan nito, kahalagahan, maging ang iba’t ibang bahagi. Pagkatapos nito,
ipakikilala ng guro ang pamantayan sa pagbuo.

Pamantayan sa Pagbuo ng Digital Comics:

1. Ang paksa ay alinman sa mga sumusunod:


a. Pagtuturo ng wastong paghuhugas ng kamay.
b. Ang sakit na dulot ng COVID-19.
c. Ang pagharap ng mga Pilipino sa pandemyang dumating.
ISO 9001:2015 CERTIFIED
Republic of the Philippines
BULACAN STATE UNIVERSITY
Graduate School
Guinhawa, City of Malolos,
Bulacan
d. Pagsunod sa health protocols.
e. Ang mga “superhero” ngayong pandemya.
2. Kailangang bumuo ng story line nang sa gayon ay may gabay ang mga mag-aaral sa
daloy ng kanilang komiks.
3. Paggamit ng Powerpoint presentation, IbisPaint X, at iba pang kaugnay nito sa pagbuo ng
komiks.
4. Ang digital comics ay kailangang kakitaan ng limang elemento o bahagi ng komiks:
Pamagat, kahon ng Salaysay, larawan ng tauhan, kuwadro, at lobo ng usapan.

Pagsasagawa:

1. Pagkatapos matalakay ng guro ang mga mahahalagang konsepto ng komiks, tatalakayin


naman niya ang pamantayan sa pagbuo ng digital comics.
2. Mula sa nabuong pangkat, itatalaga sa bawat grupo ang paksang dapat nilang gawan ng
konsepto at plano. Pagkatapos nito, pupunta ang bawat grupo sa isang Breakout Room
upang talakayin ang mga sumusunod nang may subaybay pa rin ng guro:
Critical Thinking and Communication
a. Pagpapalitan ng plano, ideya, disenyo, lalamanin ng kanilang komiks. Sa
madaling salita, ito ang panahon ng kanilang konseptuwalisasyon. Ang bawat
mag-aaral ay marapat na makapagbahagi nang kanilang nalalaman habang
inaanalisa ang mga mahahalagang bahagi ng kaniyang sinabi.
b. Marapat na maitala ang mga mahahalagang impormasyon at ihiwalay muna ang
mga pansuportang impormasyon. (Brainstorming)
c. Ang layuning mapakinggan at makapagbahagi ay nasa bahaging ito. Walang mali
sa bawat sasabihin, bagkus ay pipiliin lamang ang mga esensyal na impormasyon.
Collaboration
a. Maaaring magbigay ng tiyak na gawain ang pinuno ng bawat pangkat tungkol sa
magiging trabaho o gawain ng bawat isa. Maaaring gawing by-partner ang
alinmang bahagi na maaaring maitulong ng bawat isa. Halimbawa, mayroon
ISO 9001:2015 CERTIFIED
Republic of the Philippines
BULACAN STATE UNIVERSITY
Graduate School
Guinhawa, City of Malolos,
Bulacan
dalawang tagaguhit, dalawang tagakulay, dalawang, tagalagay ng diyalogo, at ang
iba ay maaaring sila ang magsama-sama ng mga ito. Mayroon mang iba’t ibang
gawain, iisa lamang ang kanilang layuning buuin nang sa gayon ay mas mapadali
ang kanilang paggawa.
b. Ayon nga sa isang kasabihan, two heads and better than one, mas mainam na sa
bawat desisyon at kilos na gagawin ay nagagabayan din ng isa pang miyembro.
c. Ang daloy ng kwento na kinapapalooban ng aral na magagamit nila sa buhay
bilang mamamayan at mag-aaral.

Creativity

a. Tiyak na masusukat ang pagkamalikhain ng mga mag-aaral sa pagbuo ng digital


comics. Mula sa pinagsama-samang ideya at konsepto na ginabayan ng guro at
bawat miyembro, mabubuo ang isang proyekto.
b. Maipakikita nila ang galaw ng bawat tauhan sa pamamagitan ng kanilang iginuhit,
idinisenyo, at maging sa pagpili nila ng angkop na salitang gagamitin bilang
diyalogo.
c. Dahil tayo ay nasa bagong normal, ang paggamit ng makabagong teknolohiya,
lalo na ang mga bagong application sa paggawa nito, tiyak na matutuwa ang mga
mag-aaral.
ISO 9001:2015 CERTIFIED
Republic of the Philippines
BULACAN STATE UNIVERSITY
Graduate School
Guinhawa, City of Malolos,
Bulacan
Pamantayan sa Pagmamarka:

RUBRIK SA PAGGAWA NG KOMIKS ISTRIP


Pamantayan 5 4 3 2 Puntos
Kinakitaan ng
Buo ang kulang na
Nilalaman, kaisipan o diwa kaisipan o diwa Nakalilito ang Hindi buo ang
aral, at ng komiks. Ito ng komiks kaisipan o diwa diwa o kaisipan
kaisipan ay nakaaaliw at ngunit ng komiks. ng komiks.
may aral. nakapaghahatid
ng aral.
May isa o May marami- Halos mali lahat
Natutukoy ang
dalawang mali raming mali sa ang ginawang
Wastong lahat ng tamang
sa pagtukoy sa pagtukoy sa pagtukoy sa
Gamit ng gamit ng wika
gamit ng wika gamit ng wika gamit ng wika
Salita sa usapan ng
sa usapan ng sa usapan ng sa usapan ng
komiks.
komiks. komiks. komiks.
Guhit
(Angkop na Napakahusay
Hindi gaanong May malabong
paggamit ng sa pagpapakita Ang komiks ay
mahusay ang bahagi. Hindi
Editing ng daloy ng kaakit-akit
Applications;
ilustrayon ng malinaw ang
kwento batay tingnan.
Kulay, itsura, komiks. ilustrayon.
sa ilustrasyon.
kalinisan)
4 Cs of
Kinakitaan ang
Education Kinakitaan ang Kinakitaan ang
pangkat ng 4 Cs
ng bawat Kinakitaan ang pangkat ng 4 Cs pangkat ng 4 Cs
sa pagbuo ng
pangkat pangkat ng 4Cs sa pagbuo ng sa pagbuo ng
komiks ngunit
(Superbisyon sa pagbuo ng komiks ngunit komiks ngunit
kinulang ng
ng guro sa komiks. kinulang ng kinulang ng
dalawang
Breakout isang bahagi. tatlong bahagi.
bahagi.
room)

You might also like