You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Masusing Banghay Aralin Sa Filipino 8

I. LAYUNIN: Sa isang oras na talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang;

A. Pamantayang Pangnilalaman:
 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa kaugnayan ng panitikang popular sa
kulturang Pilipino.

B. Pamantayan sa Pagganap:
 Nakabubuo ng tungo sa panlipunang kamalayan sa pamamagitan ng multimedia.

C. Kasanayan ng Pagkatuto
 Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa paksa, layon, tono,
pananaw, paraan ng pagkakasulat, pagbuo ng talata, pagbuo pangungusap.(F8PB-IIIa-c-
29)

II. Paksang-Aralin
A. PAKSA: Popular na babasahin Pahayagan, Komiks, Magasin, Kontemporaryong Dagli

B. KAGAMITANG PANTURO: laptop, Power point presentation

C. SANGGUNIAN: Learning Activity Sheets

Filipino 8 Ikalawang Markahan pp.
III. Pamamaraan
Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

Magsitayo ang lahat para sa panalangin. (Sabay-sabay na tumayo at

nanalangin)

Magandang Umaga klas! Magandang Umaga din po

ma’am

Mayroon bang lumiban sa klase? Wala po, ma’am

Sasabihin ng guro ang mga kailangang sundin na alituntunin ng mga

magaaral sa klase.

A. PAGGANYAK
Bago tayo dumako sa ating talakayan mayroon akong inihandang gawain
na makapagbibigay o malalaman ninyo kung ano ang ating tatalakayin sa
araw na ito?

“GUEST THE LOGO / ZOOM IT IN!”

Tignan nang maige ang bawat naka “zoom” na larawan at kilalanin ang
mga ito.

1.

Address: Bagay Road, San Gabriel, Tuguegarao City, 3500

Telephone Nos.:(078) 844-1232; (078) 844-7768
Email Address:cnhs.tuguegarao@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL

2.

3.

4.

5.

Isa ka ba sa mga kabataang nahuhumaling sa mga aplikasyon na ito?

Ano ang pinaka paborito mo sa mga ito? At bakit?

B. PAGLALAHAD

Ano sa tingin niyo ang ating paksang tatalakayin ngayong araw?

Magaling!

TALASALITAAN
Panuto: Mula sa Hanay A, hanapin sa Hanay B ang tinutukoy. Isulat ang
letra ng tamang sagot.
Mga tamang sagot:
Hanay A Hanay B
1. D

1. Grapikong midyum kung A. Tabloid

2. A
saan mga salita at larawan
ay ginagamit upang ihatid
ang isang salaysay o kuwento
3. B
2. Babasahing binibigyang-diin ang B. Dagli
Karahasan kaya’t tinaguriang
Sensationalized journalism
4. C
3. Ang tabloid, komiks, magasin C. Magasin
Internet,radio at telebisyon
Ay tinaguriang
4. Isa ring uri ng babasahin D. Komiks
popular na kinahuhumalingan
ng mga Pilipino dahil sa aliw.

C. PAGTALAKAY SA PAKSA
ANO ANG KONTEMPORARYONG PANITIKAN?

Address: Bagay Road, San Gabriel, Tuguegarao City, 3500

Telephone Nos.:(078) 844-1232; (078) 844-7768
Email Address:cnhs.tuguegarao@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL

HIMAYIN NATIN!

Kotemporaryo- ay kasalukuyan o ang ngayon. Ito ay maaari ring

nangangahulugang modern, uso o napapanahon.
Panitikan- ang panitikan ay ang kahit anong nasusulat na gawa ng tao.
Kabilang na dito ang mga libro, nobela, tula at iba pang komposiyong
mayroong halaga sa lipunan. Ito ay ginagamit ng mga tao upang
magpahayag ng kanilang mga nararamdaman , mga naiisip, mga
karanasan, at mga hangarin sa pamamagitan ng pagsulat.

Kontemporaryong Panitikan- Ito ay tumutukoy sa panitikang modern o

makabago.

ANO-ANO ANG MGA ANYO NG KONTEMPORARYONG PANITIKAN?

PAHAYAGAN (Tabloid)
-ay isang anyo ng kontemporaryong panitikan na nasa anyong
print media.
-ito ay mas abot-kaya ng masa kaysa sa broadsheet na doble ang
presyo
-kahit ang mga balita o impormasyon sa pahayagan ay naipalabas
na sa telebesiyon o napakinggan na sa radio ito ay patuloy pa ring
tinatangkilik.

KOMIKS
-ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan ay
ginagamit upang ihatid ang isang sanaysay o kuwento.
-ang kultura ng komiks ay binubuo ng mga manunulat at
dibuhista na may napakalawak na imahinasyon.
-maaaring maglaman ang komiks ng kaunting diyalogo sapagkat
binubuo ito ng isa o higit pang mga larawan na maaaring
maglalarawan o maghambing ng pagkakaiba ng teksto upang higit
na umepekto nang may lalim.

MAGASIN
-ay peryodikong publikasyon na naglalaman ng maraming
artikulo, kuwento, larawan, anunsyo at iba pa. Ito ay kalimitang
pinopondohan ng mga patatastas.
-ito ay nagbibigay ng impormasyon sa mga mambabasa. Ito ay
may sukat na mas malaki kaysa sa aklat ngunit mas maliit kaysa sa
pahayagan. Maaaring ito ay naglalaman ng mga larawan ng mga
produkto na inindorso ng mga sikat na tao sa bansa.
-hindi mawawala ang liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa
Pilipinas. Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-
sunod na mga nobela. Dahil dito, naging paraan ito para
mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino. Dinal anito ang
panitikan sa mga kabahayan ng pamilyang Pilipino.

DAGLI
-isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling kuwento.
-wala ring nakatitiyak sa angkop nah aba para masabing dagli ang
isang akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang
hindi ito aabot sa haba ng isang maikling kuwento.
-walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas, sinasabing
lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga
Amerikano.
Address: Bagay Road, San Gabriel, Tuguegarao City, 3500
Telephone Nos.:(078) 844-1232; (078) 844-7768
Email Address:cnhs.tuguegarao@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Alamin natin!
Damdamin- tumutukoy sa saloobing nalilikha ng mambabasa sa
teksto.

Tono- tumutukoy sa saloobin ng may-akda sa paksang kanyang

isinulat. May mga may-akda na nagagawang magaan ang
paglalahad sa isang seryosong paksa.

Layunin- tumutukoy sa kung ano ang nais mangyari ng isang

manunulat o awtor sa kanyang mambabasa.

Pananaw- ito ay tinatawag ding punto de vista. Sa maluwag sa

pagtuturing, masasabing ito ay paraan ng pagtanaw ng
manunulat sa kanyang akda.

Ang mga pananaw ay awtor ay makikita sa pamamagitan ng mga

panghalip na ginagamit sa teksto.

Unang panauhang pananaw- ako, ko, akin, atin, natin, tayo, kami

Ikalawang panauhang pananaw(tagamasid)- ikaw, mo, ka,

iyo,kanila, kita, kayo, inyo, ninyo

Ikatlong panauhang pananaw- siya, niya, kanya, sila, nila, kanila Unang Pangkat
Going Bulilit!
Paghambingin ang tabloid at
D. PANGKATANG GAWAIN broadsheet sangiayon sa
nilalaman nitong
impormasyon,layunin at paraan
ng pagkasulat.

Ikalawang Pangkat
Game show
Suriin ang nilalaman ng komiks at
magasin.

Ikatlong Pangkat
Talk show
Suriin ang nilalaman ng komiks at
magasin.

Ikaapat na Pangkat
The Voice/Tawag ng Tanghalan
Sa pamamagitan ng awit, ibigay
ang tono/damdamin ng mga
babasahing popular.

Address: Bagay Road, San Gabriel, Tuguegarao City, 3500

Telephone Nos.:(078) 844-1232; (078) 844-7768
Email Address:cnhs.tuguegarao@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL

E. PRESENTASYON NG AWTPUT
Pamantayan sa Pangkatang Gawain

Mga batayan Napakahusay Mahusay Di-gaanong

(10) (9) Mahusay
(8)
Nilalaman
Magkaugnay ay Magkaugnay Di magkaugnay
ang nilalaman ngunit may ang nilalaman
ng takdang kahuugan ang ng ipinakita sa
paksa nilalaman na takdang paksa
ipinakita sa
takdang paksa
Presentasyon
Napakahusay at Mahusayang Di gaaong
naipaliwanag presentasyon at mahusay at
ang pangkatang naipaliwanag maayos ang
gawain ang pangkatang ginawang
gawain presentasyon

Kooperasyon
Naipapamalas Naipapamalas Naipapamalas
ng buong ng halos lahat ang pagkakaisa
miyembro ang ng miyembro ng iilang
pagkakaisa sa ang pagkakaisa miyembro sa
paggawa ng sa paggawa ng paggawa ng
pangkatang pangkatang pangkatang
gawain gawain gawain

F. PAGPAPAHALAGA
Ano ng aba ang kahalagahan ng pahayagan, komiks, magasin at dagli sa
ating lipunan? isa isahing ipaliwanag.

G. SINTHESIS
Bilang isang mag-aaral bakit kailangang pagtuunan ng pansin na pag-
aralan ang pahayagan, komiks, magasin at dagli? isa isahing ipaliwanag.

IV. PAGTATAYA

Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng pagbasa ng panitikang popular (pahayagan, komiks, magasin).

Bakit kailangang magbasa ng panitikang popular?

PAHAYAGAN

Address: Bagay Road, San Gabriel, Tuguegarao City, 3500

Telephone Nos.:(078) 844-1232; (078) 844-7768
Email Address:cnhs.tuguegarao@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL

________________________________________________________

K0MIKS

_________________________________________________________

V. TAKDANG ARALIN

1. Bakit malaki ang hatak ng pahayagan lalo na ang tabloid sa panlasa ng nakararaming mambabasang
Pilipino sa kabila ng malaganap nap ag-unlad ng internet?

2. Sa iyong palagay, alin sa mga babasahing popular ang higit na nakaiimpluwensya sa buhay, pag-uugali,
at pag-iisip ng mga Pilipino? Bakit?

VI. TALA:
VII. PAGNINILAY

Address: Bagay Road, San Gabriel, Tuguegarao City, 3500

Telephone Nos.:(078) 844-1232; (078) 844-7768
Email Address:cnhs.tuguegarao@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Address: Bagay Road, San Gabriel, Tuguegarao City, 3500

Telephone Nos.:(078) 844-1232; (078) 844-7768
Email Address:cnhs.tuguegarao@deped.gov.ph
Republic of the Philippines
Department of Education
Region II – Cagayan Valley
SCHOOLS DIVISION OF TUGUEGARAO CITY
CAGAYAN NATIONAL HIGH SCHOOL

Address: Bagay Road, San Gabriel, Tuguegarao City, 3500

Telephone Nos.:(078) 844-1232; (078) 844-7768
Email Address:cnhs.tuguegarao@deped.gov.ph

You might also like