You are on page 1of 39

ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL

Luna Street, La Paz, Iloilo City


(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

Republic of the Philippines Department of Education


Division of Iloilo
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna, Street, La Paz, Iloilo City

Junior High School


Grade 8

LEARNING MODULE SA FILIPINO 8

Mga Akdang Pampanitikan, Repleksiyon


ng Kasalukuyan Tungo sa Kinabukasan

IKATLONG MARKAHAN
Taong Panuruan 2022-2023

Hukbong Tagapagbuo ng Self-Learning Kit sa Filipino 8

Mga Manunulat:
Gerylle Marie C. Vigo
Beatriz S. Saragena
Alita T. Albay
Ma. Annie A. Losbañes
Cynthia Q. Pardorla
Kenneth S. Lim

Editor: Beatriz S. Saragena


Master Teacher I

Tagapagpatunay
ng Nilalaman at Wika: Rhubilenn G. Idei
Department Head, Filipino

Tagasuri: Dr. Sherry H. Tampani


Assistant Principal II for Academics, JHS

Tagapagpatupad: Delorah Cecilia L. Fantillo


OIC- Principal IV, INHS

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 1
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

Ikatlong Markahan - Unang Linggo

Pagkatapos ng aralin, ako bilang mag-aaral ay inaasahang:

F8PB-IIIa-c-29 1. Naihahambing ang tekstong binasa sa iba pang teksto batay sa:
-paksa, layon, tono, pananaw, paraan ng pagkakasulat, pagbuo ng salita, pagbuo ng talata,
pagbuo ng pangungusap.
F8PT-IIIa-c-30 2. Nabibigyang-kahulugan ang mga linggo/termino na ginagamit sa mundo ng
multimedia.
F8PS-IIIa-c-30 3. Naiuulat nang maayos at mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik.
F8PU-IIIa-c-30 4. Nagagamit ang iba‘t ibang estratehiya sa pangangalap ng datos sa
pananaliksik.

Konsepto/Kaalaman:

PAHAYAGAN (tabloid)
Mula noon hanggang ngayon, malaki ang ginagampanang papel ng mga
balita sa pang-araw-araw nating pamumuhay. Magmula sa pagbalikwas sa higaan
hanggang bago matulog ay nakatutok tayong mga Pilipino sa nangyayari sa ating
paligid. Isa na ang pahayagan bilang isang uri ng print media ang kailanma‘y hindi
mamamatay at bahagi na ng ating kultura. Pansinin ang pagsusuring isinagawa ni
William Rodriguez mula sa kaniyang blog sa Sanib-Isip tungkol sa tabloid.
Tabloid: Isang Pagsusuri
William Rodriguez II
―Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Tagalog ito nakasulat
bagama't ilan dito ay Ingles ang midyum.‖

Buhay na buhay pa rin ang industriya ng diyaryo sa bansa dahil sa abot-kaya lang
ang presyo. Ang katibayan nito ay ang dami ng mga tabloid na makikita sa mga
bangketa. Bumebenta pa rin, kahit ang mga balita ay unang lumalabas sa telebisyon
at naiulat na rin sa radyo.May sariling hatak ang nasa print media dahil lahat ay 'di
naman naibabalita sa TV at radyo. Isa pa, hangga't naitatabi ang diyaryo ay may
epekto pa rin sa mambabasa ang mga nilalaman nito.
Iba't iba ang dahilan ng mga tao kung bakit nagbabasa ng diyaryo.
Mayroong hanap talaga ay balita, magbasa ng tsismis, sports, literatura o 'di
kaya'y sumagot ng palaisipan. Pinagsama-sama na yata ang lahat sa diyaryo para
magustuhan ng mga tao. Mainam itong pampalipas-oras kapag walang ginagawa.
Sinasabing ang tabloid ay pang masa dahil sa Filipino ito nakasulat bagama't ilan
dito ay Ingles ang midyum. Hindi katulad sa broadsheet na ang target readers ay
Class A at B. "Yun nga lang sa tabloid ay masyadong binibigyang-diin ang tungkol
sa sex at karahasan kaya't tinagurian itong 'sensationalized journalism.' Bihira
lamang maibalita ang magagandang kaganapan sa ating bansa. Ito kaya ay dahil
sa itinuturo ng aklat ng dyornalismo, na ang katangian ng magandang balita ay
nasa masamang balita?

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 2
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

Sa kasalukuyan ay mayroong humigit sa dalawampung national daily tabloid ang


nagsi-circulate sa bansa.

KOMIKS
Ang komiks ay isang grapikong midyum na ang mga salita at larawan
ay ginagamit upang ihatid ang isang salaysay o kuwento. Maaaring
maglaman ang komiks ng kaunting diyalogo sapagkat binubuo ito ng isa o
higit pang mga larawan, na maaaring maglarawan o maghambing ng
pagkakaiba ng teksto upang higit na makaapekto nang may lalim. Bagaman
palagiang paksang katatawanan ang komiks, sa kasaysayan, lumawak na ang
sakop ng anyo ng sining na ito na kinabibilangan ng lahat ng mga uri (genre),
hinahayaan ang mga artistang tuklasin ang kanilang sariling ekspresyon.

Narito ang isang halimbawa ng komiks at ang mga bahagi nito.

Kuwadro- Naglalaman
ng isang tagpo sa Pamagat ng
kuwento (frame) kuwento

Kahon ng Salaysay- Larawang guhit ng


Pinagsusulatan ng mga tauhan sa
maikling salaysay kuwento
tungkol sa tagpo
Lobo ng usapan-
Isinulat ni Carlo J. Pinagsusulatan ng usapan ng
Caparas. Mula sa mga tauhan; may iba’t ibang
Komiklopedia.wordpress. anyo ito batay sa
com. inilalarawan ng dibuhista.

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 3
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

Sinasabing ang komiks ay inilarawan bilang isang makulay at popular na babasahin na


nagbigay-aliw sa mambabasa, nagturo ng iba't ibang kaalaman at nagsulong ng kulturang
Pilipino. Ang kultura ng komiks ay binubuo ng mga manunulat at dibuhista na napakalawak ng
imahinasyon.

Ang pagiging malikhain ng mga tagakomiks ang nagpagalaw maging sa mga bagay na
walang buhay. Ipinakita nila ang hindi nakikita ng iba.

Lumikha sila ng mga bagay mula sa wala. Gumawa ng mahika. Pinagkabit- kabit ang mga
elemento. At kahit walang teleskopyo ay ginalugad nila ultimong tuldok sa kalawakan, ipinakita
na bukod sa ating mundo ay may iba pang mundo, at may iba pa palang uri ng mga nilalang.
Maraming bata ang lumaki kasabay ng komiks at baon nila ang tapang ng mga super karakter na
lumalaban sa mga hamon ng buhay. Maraming pinaligaya ang komiks,
maraming binigyan ng pag-asa, maraming pina -ibig.

Sa Pilipinas, Sinasabing ang bayaning si Jose Rizal ang kauna- unahang Pilipino na
gumawa ng komiks. Noong 1884 ay inilathala sa magasing "Trubner's Record" sa Europa
ang komiks strip niya na "Pagong at Matsing". Ito ay halaw ng bayani mula sa isang
popular na pabula sa Asya.
Makulay ang pinagdaanan ng komiks sa Pilipinas magmula nang lumabas ito sa mga
magasin bilang page filler sa entertainment section nito noong 1920. Magmula dito,
nagsulputan na ang mga regular na serye ng Halakhak Komiks noong 1946, Pilipino Komiks,
Tagalog Klasiks noong 1949, at Silangan Komiks noong 1950.

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 4
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

Sinasabing sa pagpasok ng dekada otsenta unti-unting humina ang benta ng komiks dahil
sa ipinatanggal ang ilan sa nilalaman at ipinag-utos angpaggamit ng murang papel. Naapektuhan
nito ang kalidad at itsura ng komiks. Nagresulta ito nang pag-alis ng mga dibuhista ng komiks sa
Pilipinas para magtrabaho sa Amerika sa parehong industriya, ang komiks. Kabilang dito sina
Alfredo Alcala, Mar Amongo, Alex Niño at iba pa.

Pagkatapos ng Martial Law muling namuhunan ang industriya ng komiks. Sa panahong ito
sumikat ang manunulat na sina Pablo S. Gomez, Elena Patron at Nerissa Cabral. Ang pagbabalik
ng interes ng mambabasa sa komiks ay tumagal lamang hanggang simula ng 1990 dahil
nahumaling na ang mga tao sa iba‘t ibang anyo ng paglilibang.

Sa kasalukuyan, marami pa rin ang nagnanais na muling buhayin ang industriya sa bansa.
Isa na rito ay ang kilalang direktor na si Carlo J. Caparas. Noong taong 2007 tinangka niyang
buhayin at pasiglahin ang tradisyunal na komiks sa sirkulasyon sa pamamagitan ng mga ginawa
nilang komiks caravan sa iba‘t ibang bahagi ng Pilipinas.

Hindi lamang sa Pilipinas nakilala ang galing at husay ng mga manlilikha ng komiks kundi
maging sa ibang bansa. Ayon sa blog ni Fermin Salvador, 'world-class' ang kakayahan ng mga
Pilipino sa paglikha ng komiks.

Kinilala ang galing at husay ng mga Pinoy sa larangan ng sining at malikhaing pagsulat sa
lokal man at internasyonal na komunidad. Kabilang sa mga komikerong Pilipino na kilala sa labas
ng Pilipinas sina Gerry Alanguilan, Whilce Portacio, Philip Tan, Alfredo Alcantara, at marami pang
iba.
Tunay na hanggang sa ngayon ay popular na babasahin pa rin ang komiks. Ayon nga kay
Prof. Joey Baquiran ng UP, sa PASKO SA KOMIKS. ―Hindi mamamatay ang komiks dahil may
kakanyahan ito. Ang katangiang biswal at teksto. Isang kakanyahang hinding-hindi mamamatay
sa kulturangPilipino hangga't ang mga Pilipino ay may mga mata para makakita at bibig
para makabasa-- magpapatuloy ang eksistensiya ng komiks.‖

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 5
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

MAGASIN

Hindi mawawala ang Liwayway kung pag-uusapan ang magasin sa Pilipinas.


Naglalaman ito ng mga maikling kuwento at sunod-sunod na mga nobela. Dahil dito, naging
paraan ito para mapalago ang kamalayan ng mga Pilipino. Dinala nito ang panitikan sa mga
kabahayan ng pamilyang Pilipino. Bago pa man ang Digmaang Pasipiko, ang araw ng
pagrarasyon ng magasin na ito ay talaga namang inaabangan ng mga miyembro ng pamilya
at nagiging dahilan rin ng kanilang pagtitipon upang mabasa lamang lalo na ang mga nobela.

Bunsod nang mabilis na pagbabago ng panahon, unti-unting humina ang


produksiyon ng Liwayway. Nag-iba ang panlasa ng mga Pilipino mula nang magpasukan
ang iba‘t ibang magasin mula sa ibang bansa. Sa kasalukuyan, naririto ang nangungunang
mga magasin na tinatangkilik sa bansa.
1. FHM (For Him Magazine) - Ang magasing ito ay tumatayo bilang
mapagkakatiwalaan at puno ng mga impormasyon na nagiging instrumento
upang mapag-usapan ng kalalakihan ang maraming bagay tulad ng buhay, pag-ibig,
at iba pa nang walang pag-aalinlangan.
2. Cosmopolitan – Magasing pangkababaihan. Ang mga artikulo dito ay
nagsisilbing gabay upang maliwanagan ang kababaihan tungkol sa mga
pinakamainit na isyu sa kalusugan, kagandahan, kultura at aliwan.
3. Good Housekeeping - Isang magasin para sa mga abalang ina. Ang mga
artikulong nakasulat sa dito ay tumutulong sa kanila upang gawin ang kanilang mga
responsibilidad at maging mabuting maybahay.
4. Yes! - Ang magasin tungkol sa balitang showbiz. Ang nilalaman nito ay palaging
bago, puno ng mga nakaw-atensyon na larawan at malalaman na detalye tungkol
sa mga pinakasikat na artista sa bansa.
5. Metro - Magasin tungkol sa fashion, mga pangyayari, shopping at mga isyu
hinggil sa kagandahan ang nilalaman ng Metro.
6. Candy - Binibigyan ng pansin ang mga kagustuhan at suliranin ng kabataan. Ito
ay gawa ng mga batang manunulat na mas nakauunawa sa sitwasyon ng mga
mambabasa.
7. Men’s Health – Magasin na nakatutulong sa kalalakihan tungkol sa mga isyu ng
kalusugan. Mga pamamaraan sa pag-ehersisyo, pagbabawas ng timbang, mga
pagsusuri sa pisikal at mental na kalusugan ang nilalaman nito, kung kaya ito ay
naging paborito ng maraming kalalakihan.
8. T3 - Isang magasin para lamang sa mga gadget. Ipinakikita rito ang mga
pinakahuling pagbabago sa teknolohiya at kagamitan nito. Ito rin ay may mga
napapanahong balita at gabay tungkol sa pag- aalaga ng mga gadget.
9. Entrepreneur – Magasin para sa mga taong may negosyo o nais magtayo ng
negosyo.

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 6
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

KONTEMPORARYONG DAGLI
Ang dagli ay isang anyong pampanitikan na maituturing na maikling
maikling kuwento. Bagamat walang katiyakan ang pinagmulan nito sa Pilipinas,
sinasabing lumaganap ito sa unang dekada ng pananakop ng mga Amerikano.
Wala ring nakatitiyak sa angkop na haba para masabing dagli ang isang
akdang pampanitikan. Subalit sinasabing kinakailangang hindi ito aabot sa haba
ng isang maikling kuwento. Kabilang sa kilalang mga manunulat ng dagli
sina Iñigo Ed. Regalado na may talipanpang Tengkeleng, Jose Corazon de
Jesus, Rosauro Almario (Ric. A. Clarin), Patricio Mariano, Francisco Laksamana,
at Lope K. Santos.
Sa pananaliksik ni Rolando Tolentino, sinabi ni Teodoro Agoncillo na
sumulpot ang dagli noong 1902, kasabay ng pagkakalathala ng pahayagang
Muling Pagsilang na pinamahalaan ni Lope K. Santos, at nagpatuloy hanggang
1930.
Ayon naman kay E. Arsenio Manuel, nag-ugat ang dagli sa panahon ng
pananakop ng mga Kastila. Naging tampok ang mga ito sa mga pahayagang
Espanyol at tinawag na Instantaneas. Gayunman, hindi malinaw kung hinango
nga ng mga manunulat sa Tagalog ang ganitong anyo mula sa mga Español
dahil
hindi pa malinaw noon kung anong uri ang itatawag sa akdang anyong prosa
ngunit patula ang himig.

Nagkaroon lamang ng linaw ang anyong prosang gaya ng maikling


kuwento at nobela pagsapit ng 1920, at mula rito'y lalong sumigla ang
pagpapalathala ng dagling nasa ilalim ng sagisag-panulat
Ayon kay Aristotle Atienza, malaking bilang ng mga dagli na nakalap nila
ni Tolentino para sa antolohiyang ―Ang Dagling Tagalog: 1903-1936‖ ang
tumatalakay sa karanasan ng mga lalaki sa isang patriyarkal na lipunang
kanilang ginagalawan. Karaniwan ding iniaalay ang dagli sa isang babaeng
napupusuan subalit may ilan ding ginamit ito upang ipahayag ang kanilang mga
damdaming makabayan at kaisipang lumalaban sa mananakop na Amerikano.
Sa obserbasyon ni Tolentino, nagpapalit-palit ang anyo ng dagli mula
sa harap na pahina ng mga pahayagan hanggang sa maging nakakahong
kuwento sa mga tabloid o tampok na kuwento (feature story) sa mga
kolum, pangunahing balita (headline) sa pahayagan, at telebisyon. Aniya, ―na-
transform na ang dagli, hindi na ito tinawag na dagli at nagkaroon na ng ibang
lehitimong pangalan at katawagan—anekdota, slice-of-life, day-in- the-life, at iba
pa at lehitimasyon (pagpasok ng ganitong uri ng kwento sa media).‖

ANG DAGLI SA KASALUKUYAN

Karaniwang napagkakamalang katumbas ng flash fiction o sudden fiction


sa Ingles ang dagli. Nguni't ayon sa panayam kay Dr. Reuel Molina Aguila,
naunang nagkaroon ng dagli sa Pilipinas (1900s) bago pa man nagkaroon ng

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 7
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

katawagang flash fiction na umusbong noong 1990. Maaari itong nagmula sa


anyong pasingaw at diga ng magbabarkada kung kaya't masasabing marami sa
mga probinsya at malalayong lugar ang nagkaroon ng ganitong paraan ng
kuwentuhan.
Noong 2007, lumabas ang antolohiyang ―Mga Kwentong Paspasan‖ na
pinamatnugutan ni Vicente Garcia Groyon. Taong 2011 naman nang mailathala
ang ―Wag Lang Di Makaraos (100 Dagli Mga Kwentong Pasaway, Paaway at
Pamatay)‖ ni Eros Atalia kung saan, ayon sa blogger na si William Rodriguez,
tinatalakay ang ―samu‘t saring pangyayari sa lipunan sa paraang madaling
unawain dahil simple lang ang paggamit ng wika.‖ Inilathala naman nitong Mayo
2012 ang koleksiyon ng mga dagli ni Jack Alvarez na may pamagat na "Ang
Autobiografia ng Ibang Lady Gaga" na ayon kay Aguila: "Naiangat ni Jack
Alvarez ang dagli sa isang sining ng paglikha ng malaking daigdig mula sa maliit
at partikular na karanasan… Isang makabuluhang kontribusyon ito sa panitikan
ng bansa.
Sa kasalukuyang panahon, ang dagli ay halos ihambing din sa tulang
tuluyan, pasingaw, at proto-fiction o micro-fiction sa Ingles.
Narito ang isang halimbawa ng dagli na isinulat ni Salvador R. Barros
"Tungkol sa mga bagay na pumapasok sa pandinig, ang lalaki, babae,at
reporter ay may malaking ipinagkakaiba.‖
"Ang pumapasok sa isang tainga ng lalaki ay lumalabas sa kabila.‖

"Ang pumapasok sa dalawang tainga ng babae ay lumalabas sa bibig.‖


"At ang pumapasok sa dalawang tainga ng reporter ay lumalabas sa
pahayagan."
(Sampagita, 8 Nobyembre 1932)

Sa pagdaan ng panahon, maraming katawagang nagsulputan na hinango


sa flash fiction. Batay sa naging karanasan ni Abdon Balde Jr., isang manunulat,
mula sa isang pulong ng lupon ng manunulat sa Pilipinas ay pinagtatalunan din
kung ano ang itatawag sa higit na pinaikling maikling kuwento. Lumabas ang
―Mga Kuwentong Paspasan,‖ na inedit ni Vicente Groyon noong 2007; ang mga
kuwento ay walang sukat at karamihan ay lampas ng 150 salita. Si Vim Nadera
ay nagpanukala na ang dapat itawag ay Kagyat. Sabi ni Virgilio S. Almario,
Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan ay maigi ang pangalang malapit sa
Flash Fiction. Nang magpanukala si Michael Coroza ng Iglap ay saka naisip ni
Abdon Balde Jr. ang Kislap, Kuwentong ISang igLAP. Kung kaya ang naging
bunga ng pag- uusap ay naisulat at nailathala ang aklat na ―Kislap‖ ng
manunulat na si Abdon M. Balde Jr. Ang aklat na ito, ayon sa manunulat ay
kalipunan ng mga kuwentong maaaring umabot, maaaring hindi, ngunit hindi
hihigit sa 150 salita.
Dahil ang mga sumusunod ay karaniwang nasa makabagong anyo
(kasabay ng pagbabago ng paraan ng pagsulat) kaalinsabay ng madalas
na paggamit ng multimedia, lumilikha rin ang mga manunulat (kasama
ang kabataang tulad mo) ng mga bagong terminolohiyang sumasabay sa
pagbabagong ito sa kasalukuyan.

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 8
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

Ang mga salitang nabasa mo ay ginagamit sa impormal na


komunikasyon. Ito ay maaaring mapabilang sa balbal (salitang kalye o
imbento), kolokyal (mga pinaikli o pagpapaikli ng salita) o banyaga
(salita mula sa ibang wika).
Ang mga balitang araw-araw na nababasa sa mga
pahayagan, napapanood sa telebisyon (maging sa social media) at
napakikinggan sa radyo, kung ito‘y nakasulat o nasa anyong e-balita
(digitized), kabilang din sa mga popular na babasahin. Kaya
naman, ang balita ay isa sa pinakapopular na babasahin.

HALIMBAWA NG DAGLI
Holdap
―Holdap ‗ to!‖ hiyaw na lamanmg ng lalaking nakaupo sa dulo ng jeep.
Napasigaw ang babaeng kolehiyo na katabi ng holdaper. Na napakalaki nitong
pagkakamali. Ayaw yata ng holdaper ng maiingay. Tinakpan agad nito ng kamay
ang bibig ng kolehiyala at itnutok ang baril na hawak sa sentido nito.

―Ilabas niyo ang mga pera niyo!‖ sigaw sa‘min ng holdaper. Bata pa. Wala pang
beinte-singko. ―pati mga cellphone, alahas, lahat! Kundi papatayin ko ‗to!‖

Tumalima agad sila. Nagsilabas ang mga pera, cellphone at alahas. Walang
tunutol.Walang nanlaban. Matatalinong tao, sa isip-isip ko.

Habang nangyayari ‗to‘y walang kamalay-malay na natutulog ang isang ale sa


likod ng drayber (Teka, bakit hindi humihinto ang drayber? Walang karea-
reaksyon! Tatandaan ko ang palte number mo, loko!)

―Gisingin mo!‖ singhal sa ‗kin ng holdaper.


Tinapik niya nang makakatlong beses ang ale bago ito maalimpungatan.
Napatingin ito sa akin saka sa holdaper.

―Benedict?‖ hindi makapaniwala ang tinig ng ale. ―Ikaw na ba ‗yan?‖

Natigilan ang holdaper. Nanlaki ang mga mata. Namutla. Nabitawan ang baril.

―Para na!‖ sigaw nito at daling huminto ang jeep.

Tumingin muna ang holdaper sa ale. Punong-puno ng hiya ang mukha nito. Para
ngang maiiyak pa.

―Sorry po, Ma‘am!‖


At saka ito bumaba.
Halaw sa: Gantimpala 8 ni Carolina Dizon-
Manlapaz et al .

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 9
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

Gawain 1A.Panuto: Hanapin ang magkasingkahulugan na mga salita o lipon ng


mga salita sa loob ng kahon. Isulat ang magkapares na salita sa talahanayang nasa
ibaba.

Salakam, pre ,malakas, 2ll , LF , mismo, anyways , nangangahulugang


walang halong biro , Mamshie, Omsim, No cap Leg8, looking for, Erp,
Gobas , utol o pare o kaputol
Legit, sabog, utol o pare o kaputol, N e wazeee, tumutukoy sa
kaibigan, malapit na tao o maging nakatatanda ngunit nasa
malapit na edad

Salita Kasingkahulugan
1. sakalam malakas
2. leg8 legit
3. omsim mismo
4. LF looking for
5. N e wazeee anyways
6. gobas sabog
7. erp pre
8. 2ll utol o pare o kaputol
9. Mamshie tumutukoy sa kaibigan, malapit na tao o
maging nakatatanda ngunit nasa malapit
na edad
10. No cap nangangahulugang walang halong biro

Gawain 1B. Panuto: Sagutin ang mga tanong sa ibaba.

1. Sa kabila ng pagpasok ng modernong teknolohiya, lalo na ang paglaganap ng


internet, bakit marami pa rin ang bumubili at nagbabasa ng mga pahayagan?

2. Mabisa bang midyum ang komiks upang mailarawan ang kultura, tradisyon at ang
kasalukuyang kalagayan ng isang lipunan? Pangatwiranan.

3. Sa iyong palagay, paano nakatulong ang mga babasahing ito sa pag-unladng


iyong pagkatao at sa lipunang iyong ginagalawan? Punan ang flowchart. Kopyahin
ang flowchart sa sagutang papel.

Paano nakatutulong ang mga babasahing popular sa aking sarili?

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 10
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

Gawain 1C. Panuto: Sa pamamagitan ng Tahanayan ng Paghahambing at


pagtutulad,suriin ang nilalaman ng bawat dagli sa ibaba gamit ang comparison
tsart. Gawin ito sa hiwalay na piraso ng papel.

Diklap ni Ms. Anne


Dalawang Patong na (Pang-masa)
Ihambing ayon sa: Hollow Blocks Halaw sa Gantimpala 8
ni: Gerwin L. Cortez ni: Carolina DIzon-
Manlapaz, et al.
a. paksa
b. layon
c. tono
d. pananaw
e. paraan ng pagkasulat
f. pagbuo ng salita
g. pagbuo ng pangungusap

Dagli A

Dalawang Patong na Hollow Blocks


Ni Gerwin L. Cortez
Kaparehong araw rin kagaya
nito. Medyo umuulan-ulan lang
noon. May badya ang langit na
masungit.
Naghalo na sila ng semento.
Inihanda ko ang aking mga
kagamitan para magdiwang ng
aming Christmas Party sa bahay
ng isa sa mga matalik kong
kaibigan.
Naipatong na ang unang hollow
block.
Masaya. Di magkasya ang kasayahan sa ikatlong palapag.
Tawanan. Mga repleksyon sa buhay. Mga plano. Mensahe ng
pasasalamat. Kaunting iyakan. PUNO NG PAGMAMAHALAN.
Naipatong na ang ikalawang hollow block. Krrrrengggg! Krrrrenggg!
"Umuwi ka na. Pupunta kaming pagamutan."
Hindi ko alintana ang lahat. May kaunting pagmamadali para
umuwi. Nakita ko ang malungkot na mukha ni Sta. Rosa sa daan.
"O, bakit ngayon ka lang? Anong oras kang dumating?" malamig

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 11
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

na malamig na tinig. Malamig na malamig ding katawan. Tagaktak


ang pawis sa lamig.
Natibag ang dalawang patong na hollow blocks.
Bisperas iyon ng Pasko. Tila may reunion. Kasama namin lahat
ng kamag-anak na nagmula sa karatig at malalayong lugar.

Dagli B . Diklap ni Ms. Anne (Pang-masa)


Isang makipot na tulay ang daraanan ng mag-ama. Mataas ang tulay at nasa
ilalim nito ay mabatong ilog. Bago tumulay ay sinabihan ng ama ang kanyang
dalagitang anak.
― Leslie kumapit kang mabuti sa aking mga kamay ―
― No, Daddy ,ang kamay mo po ang ikapit mo sa akin ―
―No Dad,its different . Kung ako ang njakahawak sa iyong kamay at nadulas ako,
malaki ang tsansa na makabitaw ako sa iyo.Pero kung ikaw ang nakahawak sa
aking kamay,may contrl ka sa akin kaya hindi kaagad ako babagsak.‖
*Leksiyon ito sa mga anak na matitigas ang ulo at ayaw sumunod sa payo ng mga
magulang

Gawain 1D. Panuto: Pangkatin sa apat ang klase. Batay sa tekstong


binasa sa itaas, ipakita ang pagkakatulad at pagkakaiba ng napiling uri ng
mga popular na babasahin sa Pilipinas.

Popular na Babasahin Pagkakatulad Pagkakaiba


1. Komiks
2. Magazine
3. Tabloid
4. Dagli

Gawain 1E. Lingguhang awtput


TRATOK GO MIDYA
TRAvel through TikTOK LinGO‘s in MIDYA
Panuto: Magsaliksik ng mga lingo o salitang ginagamit sa mundo ng multimedia o
print media gamit ang iba‘t ibang estratehiya sa pangangalap ng datos sa pananaliksik na
napag-aralan mo noong unang markahan. Bigyan ng kahulugan ang bawat lingo/termino na
ginagamit sa Print Media/Multimedia. Halimbawa: Broadsheet, Print media, internet at iba
pa. Pagkatapos ay iulat nang maayos at mabisa ang nalikom na datos Iulat nang maayos at
mabisa ang nalikom na datos sa pananaliksik sa pamamagitan ng Tiktok (2-3 mins.). Ilakbay
mo ang mga tagapanood sa mundo ng multimedia. (Travel Vlog) Indibidwal o Pangkatan
depende sa guro – Research-based.

Pamantayan Bahagdan
Nilalaman (Mga nakalap na lingo‘s ng midya) 15
Nakagagamit ng mga estratehiya sa pangangalap ng datos
10
sa pananaliksik
Naiuulat nang maayos at mabisa ang nalikom na datos 10
Pagkamalikhain 10
Gumamit ng background (music, effects, graphics, 5

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 12
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8
transitions) sa tiktok
KABUUAN 50

Ikatlong Markahan - Ikalawang Linggo

Pagkatapos ng aralin, ako bilang mag-aaral ay inaasahang:


F8WG-IIa-c-30 1. Nagagamit sa iba‘t ibang sitwasyon ang mga salitang ginagamit
sa impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga)
F8PN-IIId-e-29 2. Napag-iiba ang katotohanan (facts) sa hinuha (inferences),
opinyon at personal na interpretasyon ng kausap.
F8PD-IIId-e-30 3. Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan
F8PB-IIId-e-30 4. Naiisa-isa ang mga positibo at negatibong pahayag.

Konsepto/Kaalaman:
Antas ng Wikang Di-Pormal
Di- Pormal- Wikang ginagamit ng karamihang tao sa araw-araw. Simple lang din
ang bokabularyo nito at ang mga pangungusap nito ay maiiksi lamang. Tinatanggap
ditto ang tonong conventional at ang paggamit ng mga panghalip na ―ako‖ at ―mo‖.
Hindi ito mahigpit sa tamang paggamit ng din-rin, daw-raw, kaunti- konti, atbp. Ang
mga artikulo at kolum sa diyaryo na parang nakikipag-usap lamang sa mambabasa
ay kadalasang gumagamit ng wikang di-pormal. Ito rin ang mga wikang ginagamit
sa pagsulat sa mga kaibigan.
Mga uri ng Wikang Di-Pormal
1. Balbal (Slang)-Noong una ay hindi tinatanggap ng matatanda at mga may
pinag-aralan ang antas na itodahil hindi raw magandang pakinggan. Kilala rin
ito sa salitang kanto o salitang kalye
Mga halimbawa: erpat, ermat, sikyo, yosi, tsikot, lispu, praning, tom-guts
Paano nabubuo ang mga salitang balbal?
a. Paghango sa mga salitang katutubo
Mga Halimbawa:
 Gurang- magulang/matanda
 Utol- kapatid
 Buwang – luko-luko
 Hawot- tuyo (pagkain)
b. Pagbabaliktad ng buong salita
Mga Halimbawa:
 Etneb- beinte
 Todits- ditto
 Ngetpa – panget
 Tsekot- Kotse
 Lespu- Pulis
c. Nilikha (Coined Words)
Mga Halimbawa:
 Paeklat- maeklat- overacting
 Espi- esposo- husband
 Hanep- papuri- praise
 Bonsai- maliit- very small

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 13
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

d. Pinaghalo-halo (Mixed category)


Mga Halimbawa:
 Obedient- masunurin- bow lang ng bow
 Following the trends- naayon/uso- in-na-in
 Crush- paghanga- kilig to the bones
 Dislike- pag-ayaw/pagtanggi-kadiri
e. Iningles (Englisized category)
Mga Halimbawa:
 Approved- totoo- yes, yes, yo
 Hopeless/frustrated- kawalang pag-asa- bad trip
 Rare/unusual- pambihira- weird
 Bad luck- malas- jinx

f. Dinaglat (Abbreviated category)


Mga Halimbawa:
 Laughing out loud- LOL
 Got-to go- GTG
 Style mo bulok- SMB
 Kulang sa pansin- KSP

g. Pagsasalarawan o Pagsasakatangian ng isang bagay


Mga Halimbawa:
 Lagay/tong
 Boga/baril
 Durog/bangag

2. Kolokyal (Colloquial)- Mga salitang ginagamit sa pang-araw-araw na


pakikipagtalasan ngunit may kagaspangan at pagkabulgar, bagama‘t may
anyong repinado at malinis ayon sa kung sino ang nagsasabi.
Mga Halimbawa:
Aywan- ewan saan ba?-san ba
Piyesta-pista Sa inyo- senyo
Nasaan- nasan na ako- nako
3. Banyaga- pinaikli o pinaghihiram kung ito‘y hiram, binabago ang anyo nito
upang maiakma sa paggamit.
Mga Halimbawa:
 Orig – original
 Hi-tech- high technology
 Tisoy- mestizo
 Tisay- mestizo
 Tsimay- muchacha
 Tsimoy- muchacho
 Toma-tomar
 Sikyo-security gaurd

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 14
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

Positibo at Negatibong Pahayag


Positibong Pahayag- Ito ay mabubuting pahayag/pananaw/damdamin/sinasabi
ng isang tao.
Halimbawa: ―Ako‘y nagagalak na nakilala kita‖
Negatibong Pahayag- Hindi kaaya-ayang pananaw/di magandang opinyon ng
isang tao.
Halimbawa: ―Nakakalungkot isiping hindi na talaga maibabalik sa dati ang aming
pagsasamahan‖.

Katotohanan, Opinyon, Hinuha, at Personal na Interpretasyon.


Ang Katotohanan ay mga pahayag na may kongkretong ebidensya. Ang
Opinyon ay kuro-kuro o palagay batay sa pananaw ng isang tao. Samantalang ang
Hinuha ay pahayag na inaakalang mangyayari batay sa isang sitwasyon o
kondisyon at ang Personal na Interpretasyon ay batay sa sariling kaisipan o
pananaw lamang.

ISANG GABI SA PILING NG MAYNILA


Jayson Alvar Cruz

Sabik na sabik na lumuwas ng Maynila si Boyet. Nais niyang maranasan ang


kaniyang mga nababasa sa komiks tungkol sa kaunlaran ng Maynila. Ibig niyang
makita ang nagtatayugang mga gusali. Gusto niyang malakaran ang naglalakihang
mall. Gabi na nang makarating sa Maynila si Boyet. Sinundo siya
sa terminal ng kaniyang tiyuhin. Laking gulat ni Boyet sa larawang tumambad sa
kaniya. Nanikip ang kaniyang dibdib matapos makababa ng bus.
BOYET: ―Ganito ba karumi ang Maynila Tiyo? Napakausok at lubhang
napakarami ng kalat.‖
TIYO: ―Masanay ka na Boyet. Hindi ba gusto mong maranasan ang buhay dito sa
Maynila? Halika‘t ipapasyal muna kita bago tayo umuwi ng bahay.‖ Sa
kanilang paglalakad, narinig ni Boyet ang usapan ng isang pangkat ng mga
kabataan.
BINATILYO 1: ―Wow tropa, lakas ng amats ng dubi! Panalo!‖
BINATILYO 2: ―Nagsolo ka naman brod eh, bwiset! Waisted tuloy ako kanina. Buti
na lang, may karga si Tuklaw na tobats, naka-jam ako kahit
konti.‖
BINATILYO 3: ―Dapat makadiskarte tayo ng tsibog ngayon. Tomguts nako eh.‖
BINATILYO 1: (Bumulong sa binatilyo 2. Nanlilisik ang mga mata. Inginuso ang
naglalakad na estudyante. Maya-maya‘y biglang naglaho ang
tatlong binatilyo sa dilim. Narinig niya ang impit na tili ng
dalagitang estudyante.
Tinangkang saklolohan ito ni Boyet subalit pinigilan siya ng

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 15
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

kaniyang tiyuhin.
TIYO: ―Huwag kang makialam Boyet. Mapapahamak lang tayo. Hayaan mona
sila.‖
BOYET: Bakit tiyo? Nangangailangan ng saklolo ang babae. Kailangan niya tayo.
TIYO: ―Huwag na! Masanay ka na sa Maynila.‖
Nagpatuloy sila sa paglalakad, may sumalubong sa kanilang mga
babae. Nakapustura at puno ng kolorete ang mga mukha nito.
BABAE 1: ―Boss, short time? 500 lang.‖
TIYO: (Umiling ang tiyo ni Boyet) ―Hindi, ipinapasyal ko lamang ang
pamangkin ko.‖
BOYET: ―Anong sinasabi ng babae tiyo? Bakit ganoon ang ayos ng kanilang
pananamit?‖
TIYO: ―Malalaman mo rin Boyet pagdating ng panahon kung bakit sila nasadlak sa
ganoong buhay. Mauunawaan mo rin ang lahat dito sa Maynila.‖ Labis na
naguguluhan si Boyet sa mga nangyayari sa kaniyang paligid. Marami
siyang katanungan sa kaniyang isip.
Hanggang sa marating na nila ang eskinita patungo sa bahay ng
kaniyang tiyuhin. Makipot at tila bituka ng manok ang kanilang
binabagtas nang may marinig silang putok. Pinadapa siya ng kaniyang
tiyuhin. Kumubli sila sa isang lugar na napaliligiran ng pader. Sunod-
sunod na putok. Maya-maya, narinig niya ang sirena ng pulis. Tumayo
na sila. Paroo‘t paritong nagtatakbuhan ang mga tao. Sa wakas, narating
na nila ang bahay ng kaniyang tiyuhin.
Bumungad agad sa kaniya ang lima niyang pamangkin na kasalukuyang
himbing na natutulog sa lapag ng bahay. Maliit, masikip at may kung
anong nakasusulasok na amoy ang nalanghap ni Boyet.
BOYET: Tiyo, paano ninyo natitiis na tumira sa ganitong lugar? Hindi na ba kayo
babalik sa probinsiya? Wala ba kayong balak na doon palakihin ang mga
pinsan ko?
TIYO: Matagal ko nang binabalak na umuwi subalit naririto ang trabaho ko,
wala akong magawa Boyet, wala.

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 16
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

Gawain 2A. Panuto: Pangkatin ang klase. Ilahad nang maayos at mabisa ang mga
nalikom mong datos mula sa binasang balita ―Isang Gabi sa Piling ng Maynila‖. Suriin
ang mga ito ayon sa paksa, layon, tono, at paraan ng pagkakasulat. Gamitan ito ng
mga salita sa impormal na komunikasyon (balbal, kolokyal, banyaga). Gayahin ang
pormat sa ibaba. Gawin ito sa hiwalay na papel.

Pamagat ng Balita: ___________________________________________________


Paksa: _____________________________________________________________
Layon:_____________________________________________________________
Tono:______________________________________________________________
Paraan ng Pagkakasulat:______________________________________________
Paglalahad ng Balita:__________________________________________________
Mga salitang balbal: __________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Mga salitang Kolokyal: _________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________
Mga salitang Banyaga: _________________________________________________
____________________________________________________________________
____________________________________________________________________

Gawain 2B. Panuto: Bumuo ng tiktok sa sumusunod na mga sitwasyong ibinigay


gamit ang mga di-pormal na komunikasyon (balbal, kolokyal o banyaga. Ilahad sa
klase ang nabuong tiktok ng pangkat. (Brown)

A. Sitwasyon: Kausap mo sa cellphone ang iyong pinsan na mas matanda sa iyo ng


dalawang taon. Iniimbita mo sya sa inyong tahanan dahil kadarating lang ng iyong
ama mula sa abroad.
(Gumamit ng mga salitang halimbawa ng di-pormal na komunikasyong Banyaga.
Itala sa ibabang kahon)

B. Sitwasyon: Nagkita- kita kayo ng dati mong mga kaklase sa Vikings sa SM City
Mandurriao dahil kaarawan ng iyong matalik mong kaibigan.(Sikaping gumamit ng
mga balbal na salita Itala sa ibabang kahon)

C.Sitwasyon: Nag-usap –usap ang inyong grupo sa pangkatang proyektong gagawin


sa Filipino sa loob ng silid-aralan.(Gumamit ng kolokyal na mga salita sa usapan.
Itala sa ibabang kahon)

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 17
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

Gawain 2C. Panuto: Bumuo ng tig-iisang pangungusap na nagpapakita ng


Katotohanan, Hinuha, Opinyon at Personal na Interpretasyon.
Katotohanan
Hinuha
Opinyon
Personal na
Interpretasyon

Gawain 2D. Panuto: Manood ng isang balitang lokal at iugnay ito sa balitang iyong
napakinggan batay sa mga sumusunod.

Balitang Balitang Narinig


Napanood
Pamagat
Paksa
Impormasyong nagpapakita ng
Katotohanan
Impormasyong nagpapakita ng
Opinyon

Gawain 2E. Panuto: Buoin ang diyalogo sa bawat sitwasyong inilahad. Sikaping
makagagamit ka ng mga salitang ginagamit sa impormal na komunikasyon. Nakalagay sa
panaklong ( ) ang iyong gabay.

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 18
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

Ikatlong Markahan – Ikatlong Linggo

Pagkatapos ng aralin, ako bilang isang mag-aaral ay inaasahang:

F8PD-IIId-e-30 1. Naiuugnay ang balitang napanood sa balitang napakinggan


F8PT-IIId-e-30 2. Nabibigyang-kahulugan ang mga salitang ginagamit sa radio
broadcasting
F8PU-IIId-e-31 3. Naisusulat nang wasto ang isang dokumentaryong panradyo.
F8 WG –IIId-e-31 4. Nagagamit ang mga ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto ng
pananawa(ayon sa , sang-ayon sa , sa akala, iba pa.

Konsepto/Kaalaman:
Radio Broadcasting-ay isang uri ng pagsasahimpapawid ng impormasyon o
balita, lokal man o internasyonal sa pamamagitan ng radio waves.
Dulaang panradyo-isang klase ng pagtatanghal na ginagamit lamang ang boses at
iba‘t ibang tunog katulad ng yabag ng mga tauhan, kalansing o tunog ng mga
kagamitang kanilang hinahawakan, at iba pa. Ginigising nito ang ating panlasa,
pang-amoy at pandama sapagkat nahuhubog nito ang malikhaing kamalayan sa
ating naririnig

Dokumentaryong panradyo-isang programang naglalahad ng katotohanan at


impormasyon, maaaring isyu tungkol sa lipunan, politikal o historikal. Maaaring
gawin din ang paglalahad sa pamamagitan ng dulaang panradyo.

Iskrip-mahalaga ang iskrip sa pagsasahimpapawid ng mga naririnig natin sa


radyo. Ito ang dahilan kung bakit organisado ang pagpapahayag ng balita.

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 19
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

Ang komentaryong panradyo ayon kay Elena Botkin – Levy, Koordineytor,


ZUMIX Radio; ay ang pagbibigay ng oportunidad sa kabataan na maipahayag ang
kanilang mga opinyon at saloobin kaugnay sa isang napapanahong isyu, o sa isang
isyung kanilang napiling talakayan at pagtuunan ng pansin. Ang pagbibigay opinyon
ayon kay Levy ay makatutulong nang malaki upang ang kabataan ay higit na maging
epektibong tagapagsalita. Ayon pa rin sa kaniya, ang unang hakbang upang
makagawa ng isang mahusay at epektibong komentaryong panradyo ay ang
pagkakaroon ng malawak na kaalaman sa pagsulat ng isang sanaysay na naglalahad
ng opinyon o pananaw.

Pagbibigay ng Sariling Opinyon sa Balitang Napanood at Pag-uunay Nito sa


Balitang Napakinggan
Sa kasalukuyan, isa sa mga itinuturing na pinakamalakas makahikayat at makaimpluwensiya
sa isip at damdamin ng mga tao ay ang mass media. Nakapaloob sa mass media ang
larangan ng broadcast na kinabibilangan ng radyo at telebisyon,print na binubuo naman ng
pahayagan at limbagan,advertising tulad ng commercial ads at patalastas, posters,
billboards, streamers, pelikula at maging video technology.

Narito ang isang bahagi ng pagtatalakayan sa radyo

KOMENTARYONG PANRADYO KAUGNAY NG


FREEDOM OF INFORMATION BILL (FOI)

Announcer: Mula sa Bulwagang Pambalitaan ng DZYX, narito ang inyong


pinagkakatiwalaang mamamahayag sina Roel Magpantay at

Macky Francia at ito ang Kaboses Mo.

Roel: Magandang umaga sa inyong lahat!


Macky: Magandang umaga partner!
Roel: Partner, talaga namang mainit na isyu ngayon yang Freedom of Information
Bill na hindi maipasa-pasa sa Senado.
Macky: Oo nga partner. Naku, sabi nga ng iba, kung ang FOI ay Freedom Of
Income eh malamang nagkukumahog pa ang mga politiko na ipasa iyan kahit pa
nakapikit !
Roel: Sinabi mo pa, partner!
Macky: Ano ba talaga yang FOI na ‗yan partner?
Roel: Sang-ayon sa seksyon 6 ng Panukalang batas na ito eh bibigyan ng kalayaan
ang publiko na makita at masuri ang mga opisyal na transaksiyon ng mga ahensya
ng gobyerno.
Macky: Naku! Delikado naman pala ‗yan! Eh di magdiriwang na ang mga tsismosa
at pakialamero sa Pilipinas. Isyu dito, isyu doon na naman yan! Demanda dito,
demanda doon!
Roel: Eh ano naman ang masama, partner? Sa ganang akin, hindi ba‘t dapat naman
talaga na walang itinatago ‗yang mga politikong ‗yan dahil sila ay ibinoto at nagsisilbi

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 20
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

sa bayan.
Macky: Sa isang banda kasi partner maaring maging ―threat‖ daw yan sa
mahahalagang desisyon ng lahat ng ahensya ng pamahalaan.
Roel: Sa tingin ko partner eh makatutulong pa nga yan dahil magiging mas maingat
sila sa pagdedesisyon at matatakot ang
mga corrupt na opisyal.
Macky:Eh pano yan partner? Ayon kay Quezon Representative
LorenzoTañada III, ‗pag hindi pa naipasa ang FOI bago mag- Pasko eh mukhang
tuluyan na itong maibabasura.
Roel: Naku! Naloko na!

Hinalaw at isinulat nina Cyrus Magpantay at Maricar Francia mula sa:


http://politikangpinoy.wordpress.com/2012/09/

Mga Konsepto ng Pananaw


May mga ekspresiyong nagpapahayag ng konsepto ng pananaw. Kabilang dito ang
ayon/batay/para/sang-ayon sa/kay, ganoon din sa paniniwala/pananaw/akala
ko/ni/ng, at iba pa. Inihuhudyat ng mga ekspresyong ito ang iniisip, sinasabi o
paniniwalaan ng isang tao. Tulad nito:

Ayon/ Batay/ Sang-ayon sa 1987 Konstitusyon ng Pilipinas, ang Filipino


ang pambansang wika at isa sa mga opisyal na wika ng komunikasyon at
sistema ng edukasyon.

Sa paniniwala/ akala/ pananaw/ paningin/ tingin/ palagay ni/ ng


Pangulong Quezon, mas mabuti ang mala-impiyernong bansa na
pinamamahalaan ng mga Pilipino kaysa makalangit na Pilipinas na
pinamumunuan ng mga dayuhan.

Inaakala/ Pinaniniwalaan/ Iniisip kong hindi makabubuti kanino man ang


kanilang plano.

Sa ganang akin/ Sa tingin/ akala/palagay ko, wala nang gaganda pa sa


lugar na ito.

May mga ekspresiyong nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa at/ o


pananaw, tulad ng sumusunod na halimbawa. Gayon man, mapapansing di tulad ng
naunang mga halimbawa na tumitiyak kung sino ang pinagmumulan ng pananaw,
nagpapahiwatig lamang ng pangkalahatang pananaw ang sumusunod na
halimbawa:

Sa isang banda/ Sa kabilang dako, mabuti na rin sigurong nangyari iyon


upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan.
Samantala, makabubuti sigurong magpahinga ka muna para makapg-isip

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 21
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

ka nang husto.

Tandaan: Ang panitikang popular ay may malaking kaugnayan sa kulturang popular


na ang mga bagay ay pawang gumagamit ng mga bagong kasangkapan, imahe,
diwa, at iba pang kaugnay na paksa, upang maitanghal ang isang uri ng kulturang
kakaiba sa dating nakagisnan ng mga Pilipino.

Gawain 3A. Panuto: Mula sa Komentaryong Panradyo Kaugnay ng Freedom of


Information Bill(FOI), magtala ng limang(5) salita na ginamit sa komentaryo na may
kinalaman sa radio broadcasting . Pagkatapos ay gamitin ito sa sariling
pangungusap.
1. _______________________
Pangungusap:________________________________________________________
2. _______________________
Pangungusap:________________________________________________________
3. _______________________
Pangungusap:________________________________________________________
4. _______________________
Pangungusap:________________________________________________________
5. _______________________
Pangungusap:________________________________________________________
Gawain 3B. Panuto: Bilugan ang angkop na konsepto ng pananaw sa
pangungusap upang mabuo ang diwa nito.
1. Ang kinikita mula sa turismo ay (para sa, ayon sa) kapakanan ng bansa.
2. (Ayon kay, Tungkol kay) Pang Marcos siya ay maglalakbay upang makipag-
unawaan at makipagtalastasan (para sa, batay sa) ikauunlad ng bansa.
3. May balak silang maglunsad ng proyekto (ayon sa, hinggil sa) drug addiction.
4. (Laban sa, Alinsunod sa) batas ang manloko sa kapwa.
5. (Para kay, Ukol kay) bantay ang pagkaing ito.
Gawain 3C Panuto: Sa graphic organizer sa ibaba, bigyang kahulugan ang mga
salitang ginagamit sa radio broadcasting.

Broadcast media

Mga Salitang
Ginagamit sa Audio-visual material
Radio
Broadcasting

SFX

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 22
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

Gawain 3D. Panuto: Hatiin ang klase sa limang grupo. Gamit ang mga
ekspresyong nasa ibaba ay ipahayag ang iyong konsepto at pananaw tungkol sa
mga paksang nakatala sa bawat bilang.
1. Gamit ang ekspresyong alinsunod sa… ay ipahayag ang iyong pananaw
hinggil sa turo ng iyong magulang.

2. Sabihin ang pananaw ng iyong idolo sa kanyang buhay na nais mong


tularan gamit ang ekspresyong ayon kay/sa…

3. Sa pamamagitan ng ekspresyong batay sa… ay ipahayag ang pananaw


ng paborito mong kandidato na tumakbo sa pagka-Presidente tungkol sa
kanyang plataporma noong nakaraang eleksyon.

4.Magbigay ng iyong sariling pananaw gamit ang ekspresyong Lubos ang


aking paniniwala sa… bilang gabay sa buhay.

5. Sabihin ang iyong pananaw tungkol sa mga pagsubok sa buhay na iyong


nalampasan gamit ang ekspresyong Palibhasa’y naranasan ko kaya
masasabi kong…

Gawain 3E. Pangkatang Gawain (Live Presentation ng Dokyumentaryong Panradyo,


5 miyembro bawat grupo)
Panuto: May lokal na estasyon ng radyong magbubukas sa inyong rehiyon.
Nangangailangan sila ng manunulat para sa kanilang programa. Isa ka sa mga
aplikanteng napiling sumubok para rito ngunit kailangan mong patunayang karapat-
dapat ka sa nasabing trabaho. Ikaw ay nahilingang sumulat ng dokyumentaryong
panradyo tungkol sa isa sa mga napapanahong balita sa Iloilo. Maghanda para sa
pagpapakita nito sa klase sa susunod na linggo.
Laang Aking
Pamantayan
Puntos Puntos
Akma sa paksa ang nabuo at nakaiimpluwensya sa isip at damdamin ng
25
sinumang makarinig.
Komprehensibo, mapanuri, at masusing pinag-aralan at sumasalamin sa
25
katotohanan ng buhay ang dokumentaryo.

Nakapaghatid ng tiyak at totoong impormasyon sa nakikinig. 25

Nakagamit ng ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto o pananaw. 25

Kabuoang Puntos 100

Ikatlong Markahan – Ikaapat na Linggo

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 23
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

F8PT-IIIe-f-31 1. Natutukoy ang mga tamang salita sa pagbuo ng isang


puzzle na may kaugnayan sa paksa
F8PD-IIIe-f-31 2. Nasusuri ang isang programang napanood sa telebisyon
ayon sa itinakdang mga pamantayan
F8PS-IIIe-f-32 3. Naipapahayag sa lohikal na paraan ang mga pananaw at
katuwiran
F8WG-IIIe-f-32 4. Nagagamit nang wasto ang mga ekspresyong hudyat ng
kaugnayang lohikal (dahilan-bunga, paraan-resulta)
F8PN-IIIg-h-31 5. Nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes
at pananaw ng nagsasalita
Konsepto / Kaalaman:

Pagbibigay ng Sariling Opinyon sa Balitang Napanood at Pag-uugnay nito


sa Balitang Napakinggan
Sa kasalukuyan,isa sa mga itinuturing na pinakamalakas makahikayat at
makaimpluwensiya sa isip at damdamin ng mga tao ay ang mass media. Nakapaloob
sa mass media ang larangan ng broadcast na kinabibilangan ng radyo at
telebisyon,print na binubuo naman ng pahayagan at limbagan,advertising tulad ng
commercial ads at patalastas, posters, billboards, streamers, pelikula at maging
video technology.

Ekspresyong Hudyat ng Kaugnayang Lohikal

1. Sanhi at Bunga – Ang lohikal na ugnayan ng sanhi at bunga ay dapat na


maliwanag na makita ng mga mambabasa o tagapakinig. Ang mga pangatnig na
sapagkat, pagkat,palibhasa, dahil, kasi, kaya, bunga, at iba pa ay madalas na
gamitin sa ganitong pahayag.
 Nagsikap siyang mabuti sa kanyang pag-aaral kaya gumanda ang kanyang
buhay.
 Bunga ng kahirapan ang maaga niyang pag-aasawa.

2. Paraan at Resulta – Nagsasaad kung paano nakuha ang resulta. Ang pang-
ugnay na sa ay karaniwang ginagamit sa ganitong pahayag. Halimbawa:
 Nagbago ang kanyang buhay sa tulong ng kanyang kaibigan.
 Sa sipag niyang magtrabaho, nagustuhan siya ng kanyang amo.

3. Kondisyon at Resulta – Sa ugnayang ito ipinakikitang maaaring maganap o


sumalungat ang pangyayari kung isasagawa ang kondisyon. Ang pang-ugnay na
kung, kapag, sana, sakali ay maaaring gamitin sa pahayag na ito.
 Kung magsisikap ka sa buhay, hindi ka mananatiling mahirap.
 Kung nakinig ka sana sa iyong magulang, hindi magiging ganyan ang iyong
buhay.

4. Paraan at Layunin – Isinasaad ng ugnayang ito kung paano makakamit ang


layunin gamit ang paraan. Ang mga pang-ugnay na upang, para, nang, at iba pa

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 24
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

ay gamitin sa ganitong pahayag.


 Nagsikap siyang mabuti sa pag-aaral upang mabago ang kanyang buhay.
 Para makatulong sa magulang, nagsikap siya nang husto sa pag-aaral.

5. Pag-aalinlangan at Pag-aatubili – Ito ay magkaugnay sapagkat ang


nag-aalinlangan o nagdududa ay nag-aatubili o hindi kaagad isinasakatuparan
o pinaniniwalaan ang isang bagay. Gayundin, ang isang nag-aatubili ay bunga
ng pag-aalinlangan. Ang mga salitang hindi sigurado, yata, tila, baka ,
marahil, at iba pa ay maaaring gamitin sa ganitong pahayag kasama ang
pang-ugnay na kaya, samakatwid, kung gayon.
 Tila mahirap ang sinasabi mo kaya baka hindi ko magawa ang bagay na iyan.

6. Pagtitiyak at Pagpapasidhi – Ito ay ugnayang nagsasaad ng katiyakan o


kasidhian. Ilan sa mga salitang ginagamit dito ay ang siyang tunay, walang
duda, sa katotohan, talaga, tunay, siyempre kasama ang pang-ugnay na
na at nang.
 Talagang hindi hadlang ang kahirapan sa buhay at walang dudang
napatunayan ko to.

Gaya ng pelikula ang mga programang pantelebisyon ay maituturing ding


isang uri ng sining na nagsisilbing libangan at gumigising sa isip at damdamin ng
isang tao. Ito‘y mahalaga at mabisang sangay ng kabatirang panlipunan, pang-
espirituwal, pangkultura, pangmoralidad, pang-edukasyon at iba pa. Malaki ang
nagagawang impluwensiya nito sa katauhan ng isang nilalang. Ang mga kaisipan,
ugali, kabuluhan at pananaw ng isang nilikha ay maaaring maimpluwensiyahan ng
pinanonood na mga programa sa telebisyon.

Dokumentaryong Pantelebisyon – Mga palabas na naglalayong maghatid


ng komprehensibo at estratehikong proyekto na sumasalamin sa katotohanan ng
buhay at tumatalakay sa kultura at pamumuhay sa isang lipunan.

Kung mayroon kang kompyuter at konesksyon sa internet, panoorin ang


dokumentaryong ―PAGPAG FOR SALE‖ SineTotoo ni Howie Severino na matatagpuan
sa youtube. http://www.youtube.com/watch?v=5ERcIh2nJx0&feature=related. Kung
wala nama‘y basahin mo ang blog para sa isang dokumentaryong pantelebisyon.

“Sa Gitna ng Dilim”


ni MiL Adonis

Kasalukuyan akong nasa high-school nang una kong mapanood ang


maituturing kong isa sa pinakamaimpluwensiyang bagay sa aking buhay. Ang

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 25
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

dokumentaryo ni Kara David na ―Gamu- gamo sa dilim‖ ang nagbukas sa


mura kong pag-iisip sa kahalagahan ng edukasyon at sa kung paanong dapat ito‘y
pinahahalagahan.

Humanga ako sa dedikasyon ng mga guro at higit sa lahat sa mga kabataan


ng mga taga Little Baguio dahil bagama‘t kulong sila sa rehas ng
kahirapan at bulag sa dilim ng kanilang mga landas ay patuloy silang
nagsusumikap, nangangarap at lumalaban upang maging mas maliwanag ang
kanilang kinabukasan.

Dahil sa inspirasyong idinulot sa aking puso ng dokumentaryong ito, nabago


ang aking naunang mga pangarap sa buhay.

Una kong hinangad na maging isang mahusay na inhenyero upang tuparin


ang naunsiyaming pangarap ng aking ama para sa kanyang sarili subalit, napalitan
ito ng higit na mataas na pangarap, pangarap na makatulong sa ibang tao at maging
boses at mata ng mga taong dapat pakinggan at dapat paglaanan ng higit na
atensyon.
Nang tumuntong ako sa kolehiyo, kinuha ko ang kursong hindi inasahan ng
lahat na aking kukunin. Tangan-tangan ang pangarap at paniniwalang ibinigay sa
akin ng dokumentaryong ―Gamu-gamo sa dilim‖, kinuha ko ang kursong AB Mass
Communication.

Gusto kong sumilip sa lente ng camera, baka sakali, makita ko ang mga
bagay na hindi nakikita ng iba. Baka sakali, ang lipunang aking ginagalawan ay higit
kong makilala. Nais kong humawak ng panulat, baka sakali, sa mga letrang iguguhit
ko sa papel at mga kuwentong aking isusulat ay higit na maunawaan atmakikilala ng
mga tao ang kanilang mga sarili gayun din ang mga tao sa kanilang paligid. Gusto
ko, dumami ang mga katulad ni Myra, na sa gitna ng kahirapan, sa gitna ng walang
kasiguraduhang buhay at sa gitna ng kadiliman ng paligid ay pilit niyang nilampasan
ang lahat at naging isang ganap na tanglaw at liwanag.

Mga Gabay na tanong:


1. Ano-ano ang pumukaw sa iyong damdamin habang pinanonood ang
dokumentaryo?
2. Bilang kabataan, anong masasabi mo sa mga pangyayaring ito sa iyong lipunan?
3. Anong gampanin ng telebisyon ang ipinakita sa dokumentaryong ito?

Gawain 4A. Panuto: Sagutin ang mga sumusunod.


1. Para sa iyo, maituturing bang positibo ang pangyayaring nabasa sa buhay ng
may-akda? Paliwanag.

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 26
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

2. Kung ikaw si Mil Adonis, batay sa iyong napanuod, babaguhin mo rin ba ang
kursong kukunin mo sa kolehiyo? Bakit?

3. Sa tulong ng concept mapping, ibigay ang iyong hinuha. Isulat ang iyong sagot sa
loob ng kahon.

Paksa

Layon:__________________________________________________________

Tono:__________________________________________________________

Mensahe:______________________________________________________

Gawain 4B. Panuto: Sagutin ang mga tinutukoy na salita batay sa mga larawang
makikita sa bawat bilang.

_________________ _________________ __________________

Gawain 4C.Panuto: Ang radyo ay itinuturing na ―Go-Anywhere Medium‖ ng


pamamahayag sapagkat ito ay naririnig ng mga tao kahit habang sila ay naglalakad,
nagbibiyahe, nagmamaneho, nagtatrabaho, o namimili.Maghanap ng isang
komentaryong panradyo at pantelebisyon. Suriin kung ano ang pagkakaiba at
pagkakapareho batay sa katangian ng dalawang lunsarang pang-media.

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 27
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

Gawain 4D. Panuto: Sumulat ng pangungusap ayon sa hinihingi ng bawat bilang


gamit ang mga ekspresyong hudyat ng kaugnayang lohikal.

1.Ibigay ang sanhi at bunga ng pagtigil sa pag-aaral ng malaking bahagdan ng mga


kabataang mag-aaral sa bansa.
Pangungusap:______________________________________________________

2.Magbigay ng ilang paraan at resulta ng isang proyektong pangkabataan sa inyong


lugar.
Pangungusap:______________________________________________________
3. Sabihin ang isang bagay na atubili kang gawin dahil sa iyong pag-aalinlangan.
Pangungusap:_________________________________________________________________

4. Ipahayag ang isang bagay na natitiyak mong tama at nais mong pasidhiin upang
makatulong sa iba.
Pangungusap:________________________________________________________

5. Magbigay ng isang kondisyon at resulta kapag gumawa ng isang hakbang na hindi


pinag-isipan.
Pangungusap:___________________________________________________

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 28
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

Gawain 4E. Panuto: Isa namang lokal na estasyong pantelebisyon ang bubuksan
sa inyong rehiyon. Ikaw ay naatasang maging kabataang manunulat / taga-ulat ng
isang dokumentaryong pantelebisyon tungkol sa batang may magandang karanasan
sa buhay na maaaring maging inspirasyon ng mga katulad mo.Kung nais ay maaari
kang pumili ng paksang nais mo bastat ito‘y tungkol sa magandang bagay sa buhay
ng mga bata sa inyong lugar. Gagawin mo ito upang maipakitang ang buhay ay
hindi laging puno ng kahirapan o pagsubok gaya ng mga dokumentaryo at balitang
naiulat sa araling ito. Gumamit ng short bondpaper sa gawaing ito. Magsisilbing
gabay sa pagbuo ng dokumentaryong pantelebisyon ang rubrik na nasa ilalim.

Ikatlong Markahan – Ikalimang Linggo


Pagkatapos ng aralin, ako bilang mag-aaral ay inaasahang:

F8PN-IIIg-h-31 1. Nailalahad ang sariling bayas o pagkiling tungkol sa interes at


pananaw ng nagsasalita.
F8PB-IIIg-h-32 2. Nasusuri ang napanood na pelikula batay sa: paksa/tema, layon, at
gamit ng mga salita.

F8PD –IIIg-h-32:Nailalahad ang sariling pananaw tungkol sa mahahalagang isyung


mahihinuha sa napanood na pelikula.

Konsepto/Kaalaman:
Paglalahad ng Interes at Pananaw ng Nagsasalita
ANAK
(Isang Rebyu o Pagsusuri)

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 29
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

I. Tauhan:
Mga Pangunahing Tauhan:
 Vilma Santos - Josie
 Claudine Barretto – Carla
 Baron Giesler - Michael
 Joel Torre – Rudy
 Amy Austria - Lyn
 Sheila Junsay - Daday
 Cherry Pie Picache - Mercy
Iba Pang Tauhan:
 Leandro Munoz - Brian
 Gino Paul Guzman - Don-Don
 Tess Dumpit - Norma
 Jodi Sta. Maria - Bernadette
 Cris Michelena - Arnel
 Hazel Ann Mendoza – young Carla
 Daniel Morial – young Michael
 Odette Khan – Mrs. Madrid

II. Buod:
Ang istorya ay tungkol kay Josie (Vilma Santos), isang ina na
nagtatrabaho sa Hong Kong bilang domestic worker. Ginawa niya ito upang
makapagpadala ng pera sa mga anak niya upang matustusan ang kanilang
pangangailangan. Binangggit niya na ginagawa niya ito para mabigyan ng
magandang kinabukasan ang kanyang mga anak. Bagama't siya ay malayo sa kanila,
tiniis niya ang mga pasakit ng kanyang amo at ang kanyang pagnanais na
makasama ang kanyang mga anak sa kanilang paglaki.

Pagkaraan ng ilang taon ay nakauwi na rin siya dahil sa pagpapasyang


hindi na magtatrabaho sa Hong Kong at siya ay magnenegosyo na lamang. Sa
kanyang pagbabalik, hinarap niya ang matabang na pagsalubong ng mga anak. Si
Daday (Sheila Mae Alvero), ang bunso, ay hindi siya kilala, si Michael (Baron Geisler)
ay mahiyain at walang kimi at si Carla (Claudine Barretto), na hindi man lang siya
ginagalang at iniitsa-pwera lamang. Lahat ng hirap ay tiniis niya upang makuha man
lamang ang atensiyon ng mga anak at sa mga araw na lumilipas ay nakikilala niya
ang kanyang mga anak. Nakita niya ang mga bisyo at karanasan ni Carla ang pag-
aaral, paninigarilyo, paglalagay ng tattoo, paghihithit ng rugby, panlalalake at
paglalaglag ng bata. At marami pang problema ang kanyang kinaharap, ang
pagkawala ng iskolarship ni Michael na siya pa namang pinakamatalino sa kanyang
mga anak, nabangga pa ang taksing pinundar niya at iniwan siya ng isa sa mga
kasosyo niya dahil nagastos nito ang perang ibabahagi sana niya.

Si Josie ay nagkaroon ng maraming pagkukulang. Isa siyang masamang


ehemplo katulad ng anak niyang si Carla. Ang kanyang paglaki ng walang inang
gumagabay sa kanyang tabi ang nagtaboy sa kaniya para magrebelde, ngunit sa

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 30
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

kanilang alitang iyon, naintindihan rin ni Carla ang pagmamahal ni Josie sa kanila
bagama't malayo siya sa kanilang tabi. At mula sa pangyayaring iyon ay nagbalik-
loob si Carla sa kanyang ina at nagpakatino na siya bilang anak at nakatatandang
kapatid na siyang gagabay sa mga bata niyang kapatid sa muling pag-alis ng ina.

III. Paksa/Tema
Ang pelikulang ito ay nagtatalakay sa ugnayan ng Anak at ng Isang Ina. Kung pipiliin
ng Ina ang trabaho kaysa sa kanyang pamilya

IV. Cinematograpiya:
Ang kanilang pananalita ay maganda naman. Ngunit nasira ito nang naglaban-laban
na ang mga karakter. Sa kanilang pag-aaway, minsan ay sila gumamit ng mga di
magandang mga salita. . Simple lang din ang kanilang mga kasuotan. Noong
panahon pa na paggawa ng Anak ay hindi pa hightech ang mga kagamitan, pero
ang lahat ng kuha sa movie ay malilinaw dahil nailagay nila sa tama ang mga ilaw na
gamit nila.

V. Mensahe:
Masasabing simple at pangkaraniwan lang ang istorya, ngunit ito ay naging
extraordinary dahil sa mga artistang nagsipagganap at matitinding dialogues na
nakapukaw ng atensyon at nagdala sa emosyon ng mga manunuod upang
maramdaman ang mga mensaheng nais iparating ng mga karakter.
Ipinakita rin nito ang pagbabago ng estado ng babae‘t lalake pagdating sa tingin sa
mga responsibilidad. Mga babae na ang gumagawa ng dapat sana‘y sa lalake. Ang
dating mababang pagtingin sa mga kakayahan ng babae ay napalitan na ng
pagtinging kaya na rin ng mga babae, at higit sa lahat kaya pang higitan.
Tamang-tama din ang theme song ng pelikula, ito ang nag.set ng mood sa mga
manunuod. Nag.iwan at patuloy na nagpaalala ng mga aral sa buhay ang pelikulang
ito.

http://daveferropogee.blogspot.com/2014/11/suring-pelikula-sa-filipino.html
Pagsasagawa ng Suring-Pelikula
1. Kuwento-Tumutukoy ito sa istorya o sa mga pangyayari kung saan umiikot ang
pelikula.
2. Tema-Ito ang paksa ng pelikula.Ito ang diwa,kaisipan,at pinakapuso ng pelikula.
3. Pamagat-Ang pamagat ng pelikula ay naghahatid ng pinakamensahe nito.Ito ay
nagsisilbi ring panghatak ng pelikula.
4. Tauhan-Ang mga karakter na gumaganap at nagbibigay-buhay sa kuwento ng
pelikula.
5. Diyalogo-Ito ang mga linyang binabanggit ng mga tauhan sa kuwento.
6. Cinematography-Ito ay ang matapat na paglalarawan sa buhay ng pelikula.
7. Iba pang Aspektong Teknikal

Gawain 5A. Panuto: Sa ginawang pagsusuri ng pelikulang anak ay kapansin-pansin


ang ilang isyung binigyang-pansin ng nagsagawa ng pagsusuri. Bilang pagpapatibay o
pagsang-ayon sa mga ito ay ilahad ang iyong sariling pagkiling tungkol sa interes at
pananaw ng nagsasalita.

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 31
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

1. Binigyang-pansin sa pelikula ang makabagong responsibilidad ng babae at


lalaki sa kasalukuyan kung saan tanggap na ang babae ang nagtatrabaho at
ang tatayang naiiwan sa bahay.
_____________________________________________________________
____________________________________________________________
2. Mahalagang matutong magrebyu ng pelikula ang mga manunuod dahil
malakiang impluwensiya nito sa buhay ng tao.
___________________________________________________________
___________________________________________________________
3. Ang magandang pelikula ay nakapupukaw ng interes ng mga manonood.
_________________________________________________________________
________________________________________________________________
4. Sa pagsusuri, kailangang panoorin ang pelikula simula umpisa hanggang
wakasupang mabigyang-katwiran ang lahat ng mga aspekto nito.
____________________________________________________________
____________________________________________________________
5. Ang pananalita o diyalogo ng mga karakter sa pelikula ay dapat na
magingangkop sa target na manonood.
______________________________________________________________
______________________________________________________________
Gawain 5B. Panuto: Hatiin ang klase sa tatlong pangkat. Magsaliksik ng pelikulang
Pilipino na may isyung panlipunan na may kinalaman sa problemang kinaharap ng mga
kabataan sa kasalukuyan. Bumuo ng isang pagsusuri sa napanood na pelikula at isaalang-
alang ang paksa/tema, layon at gamit ng mga salita sa gagawing pagsusuri. Ilahad sa klase
ang nabuong pagsusuri.

RUBRIK sa Pagrebyu o Pagsuri ng Pelikula:

Pamantayan: Puntos:

5
Ang sinuring pelikula ay batay sa paksang hinihingi.

Makatotohanan at kumpleto sa aspektong teknikal ang sinuring 5


pelikula.

5
Naipapahayag nang malinaw ang kaisipan, pananaw,at saloobin
tungkol sa kabuoan ng pelikula.

5
Naipakita ang kahusayan at kalinisan sa paggawa ng awtput.

Kabuoang Puntos: 20
5 --- Napakahusay 2---Di- mahusay
4 --- Mahusay 1--- Sadyang Di- mahusay
3---Katamtaman
Ikatlong Markahan – Ikaanim na Linggo
Pagkatapos ng aralin, ako bilang mag-aaral ay inaasahang:

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 32
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

F8PB-IIIi-j-33 Nasusuri ang mga hakbang sa pagbuo ng isang kampanyang


panlipunan ayon sa binasang mga impormasyon
F8WG-IIIg-h-33 Nagagamit ang kahusayang gramatikal (may tamang bantas, baybay,
magkaka-ugnay na pangungusap/talata sa pagsulat ng isang suring pelikula).
F8PT-IIIi-j-33 Naipaliliwanag ang mga salitang angkop na gamitin sa pagbuo ng isang
kamanyang panlipunan

Isa pang mahalagang aspeto ng dokumentaryong pampelikula ay ang


Komunikatibong Paggamit ng mga Pahayag o Mga Uri ng Pagpapahayag. Sa pamamagitan
nito, higit nating naipauunawa ang mga ibig ipahiwatig ng tauhan sa paraan ng kaniyang
mga pananalita.
Lalo na sa wikang Filipino, ang bawat pahayag na ating sinasabi ay tumutugon sa
anumang layunin at pangkomunikatibong pahayag gamit ang wika upang epektibo nating
maiparating ang ninanais na mensahe o reaksyon. Pansinin mo ang sumusunod na
pangungusap.

A. Pagpapahayag at pag-alam sa kaisipan at saloobin

a) ―Taos-puso kong tinatanggap ang iyong mga ipinayo.‖


(pagtanggap)

b) ―Maaari kayang mangyari ang kaniyang mga hinala?‖ (pag- aalinlangan)


c) ―Nakalulungkot isipin, ngunit hindi ko kailanman sinabi ang mga pananalitang
yaon.‖ (pagtanggi)

d) ―Talagang sumasang-ayon ako sa iyong mga suhestiyon.‖ (pagsang-ayon)

e) ―Ikinalulungkot ko, tahasan akong sumasalungat sa iyong mga pahayag.‖


(pagsalungat)

B. Pagpapahayag at pag-alam sa angkop na ginagawi, ipinakita at ipinadarama

1. Pagbibigay-babala
―Mag-ingat ka sa lahat ng iyong mga lakad.‖ (pagbibigay- babala)
―Huwag kang magpabigla-bigla sa iyong mga desisyon.‖

2. Panghihinayang
―Sayang, tama sana ang aking kasagutan.‖
―Kung naipagtapat ko lamang sa kaniya ang lahat, hindi sana nangyari yaon.‖

3. Hindi Pagpayag
―Hindi yata sapat kung ganoon lamang ang inyong gagawin.‖
― Bahala na kayo sa anumang hakbang na nais n‘yong isagawa.‖

Daigdig
Jet Oria Gellecanao

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 33
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

―Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon. Ang bawat araw ay nagiging mga
oras, ang bawat oras ay nagiging minuto, ang bawat minuto ay nagiging mga
segundo na lamang. Kaya naman, maging ang pintig ng bawat sandali, ng bawat
puso, ng bawat bagay at nilalang sa mundo ay sumasabay rin sa isang maligalig na
daigdig.‖
Sa umpukan ng mga nakatatanda ay madalas marinig ang mga usapang ito
―Talagang sang-ayon ako sa mga pahayag na ito,‖ wika ng isang
lola. ―Kakaiba na ang panahon sa ngayon, mas higit na mapanganib!‖ Mas
matigas na rin ang ulo ng mga kabataan!‖ sambit naman ng isa. Sumagot naman
itong si lolo: ―Hindi ako sang-ayon riyan, mas marurunong at mas maabilidad na ang
mga bata sa ngayon.‖ Kaya, kabataan, sino ka sa mga nabanggit nila? Paano mo
pinatunayan sa iyong sarili ang taglay mong mga talento at taglay na kaalaman?
Madalas rin silang magpayo sa atin: ―Mag-ingat ka sa iyong paglakad, at baka
ika‘y madapa, mas malalim ang sugat.‖ Dapat lamang na pakinggan natin ang mga
payong ito sabay sambitin ang mga katagang ―Taos-puso po naming tinatanggap
ang inyong mahalagang mga paalaala at mga gintong kaisipan.‖ Kaisipang
nagpapaalala sa atin na nawa‘y tahakin natin ang tama at tuwid na landas.
Sa kabilang panig, tanggapin natin ang katotohanan na may mga
pagbabagong nagaganap sa kasalukuyang panahon. Tunay ngang kakaiba na talaga
sa ngayon ang takbo ng buhay. Makikita ito sa uri at istilo ng pamumuhay ng bawat
isa. Sa paraan ng kanilang mga pananalita at gawi at lalo na sa kanilang mga
pananaw, paniniwala at paninindigan sa buhay. Isa sa mga higit na
nakakaimpluwensiya sa mga tao ngayon ay ang pag-usbong ng modernong
teknolohiya. Idiniriin sa atin ang konsepto ng ―Globalisasyon‖ at ang paglitaw ng
teoryang ―Global Village‖ kung saan ang mundo, ang bawat bansa at bayan na
naririto ay wala nang anumang mga hadlang o tagapamagitan lalo na sa larangan ng
pakikipagtalastasan. Nariyan ang Internet, Facebook, Twitter, Youtube, Skype at iba
pa upang mas higit na mapadali at mapabilis ang komunikasyon.
Kasabay ng pag-unlad ng teknolohiya, ay ang paniniwala ng karamihan na
dahil sa labis na ang kasamaan ng tao,sandali na lamang at magugunaw na ang
mundo. Maaari kayang mangyari ang iba‘t ibang mga hula ng mga tao tungkol dito?
Tandaan natin, nilikha ng Diyos ang tao at ang daigdig hindi upang gunawin at sirain
lamang ito. Sa halip, ang mga bagay na hindi karapat-dapat manirahan dito ang siya
lamang niyang aalisin. Tanging siya lamang at wala nang iba pa ang nakaaalam
kung kailan niya mangyayari ang pagpuksa sa mga masasama at sa sumisira ng
kanyang mga nilikha.
Kaya mga kapwa ko kabataan, panahon na upang ikaw ay magbulay-
bulay. Ano na ang nagawa ko para sa aking sarili? Para sa aking kapwa? Higit sa
lahat, ay ang iyong magandang kaugnayan sa Diyos. Kaya‘t ito ang tamang panahon
upang harapin ang mga bagong hamon sa buhay. Magpatuloy ka, upang minsan sa
isang araw ng iyong buhay ay hindi mo masambit ang mga katagang ―Sayang, kung
ginawa ko lamang sana iyon.‖
Sadyang mabilis ang paglipas ng panahon, ang bawat araw...nagiging oras,
nagiging minuto hanggang maging segundo. Ang bawat pintig, pintig...at pintig
sadyang may ligalig sa ating daigdig... Kabataan! Panahon na upang tanggapin mo
ang hamon sa iyo!

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 34
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

Gawain 6A Panuto: Lagyan ng wastong bantas ang sumusunod na mga


pangungusap.Isulat ang sagot sa sagutang papel.

1. Ika 500 ng hapon ang labas ng mga mag-aaral mula sa paaralan

_____________________________________________________________

2. Ang tanging hiling ni Ina na maging magalang sa kapwa

3. Ang mga kakailanganin mo sa asignaturang Arts ay lapis krayola papel at bolpen

4. Magandang umaga po Gng Saragena

____________________________________________________________________

5. Ang nobelang Noli Me Tangere ay sinulat ni Dr Jose P Rizal

________________________________________________________________

6. Naku po nakalimutan ko ang aking proyekto sa Filipino

Gawain 6B Panuto: Isulat ang tamang salin o baybay ng ng mga hiram na salita
sa Filipino.

1. repollo 6. Barco

2. truck 7. Cilla

3. liquid 8. Wholesale

4. West 9. Rule

5. cementerio 10. Radikal

Gawain 6C Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang mga pahayag. Suriing


mabuti kung saang hakbang sa pagbuo ng Kampanya Tungo sa Kamalayang
Panlipunan ang sumusunod.Isulat ang tamang sagot sa sagutang papel.

1. Komunikasyon

2. e-mails

3.Sino ang sinusuportahan ng kampanya?

4. publisidad

5.Gumawa ng campaign strapline

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 35
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

Gawain 6D Panuto:Hanapin mula sa textong ‗Pintig,Ligalig at Daigdig ang pitong


komunikatibong gamit ng mga pahayag o mga Uri ng papapahayag Itala sa loon ng
talahanayan.

1.______________________________________________________________

2___________________________________________________________

4_______________________________________________________________

5 __________________________________________________________________

6________________________________________________________________

7______________________________________________________________-

Ikatlong Markahan – Ikapitong Linggo


F8PU-IIIi-j-34 3. Nabubuo ang isang malinaw na social awareness campaign
tungkol sa isang paksa na maisasagawa sa tulong ng multimedia.

Konsepto/Kaalaman:

Social Awareness o kamalayang panlipunan ay tumutukoy sa aktibong


proseso sa pangangalap ng impormasyon tungkol sa mga pangyayari sa
komunidad na ating kinabibilangan . Ang mataas na antas ng kamalayan na
kung saan ang mga panlipunang suliranin ay maaaring matugunan sa
pamamagitan ng sama-samang pagkilos ng mga mamamayan at pagbuo ng
kampanya na siyang makalulutas nito.(Gantimpala Baitang 8 ni Carolina Dizon-
Manlapaz et al.)

Mga Hakbang sa Pagsulat ng Social Awareness Campaign

Sa pagbuo ng isang social awareness campaign, mahalaga na isaalang-alang ang


sumusunod na mga hakbang:

1. Pumili ng isang napapanahong isyung nais mong gawan ng isang social


awareness campaign.
2. Tukuyin kung sino ang grupo o pangkat ng mga tao ang nais mong
makabasa, makarinig, makakita, makapanood, ng kampanya ng
iyong gagawin.
3. Magsaliksik ng mahahalagang datos o impormasyon hinggil sa isyu o
paksang iyong nais bigyang-pansin upang magkaroon ng sapat at malawak
na kaalaman hinggil dito.
4. Alamin kung anong pamamaraan ang iyong gagamitin sa pagsasagawa ng
iyong kampanya. Maaaring gumamit ng broadcast media, print media, video
technology, at iba pa. Sa kasalukuyang panahon, tiyak na papatok sa masa
lalo na sa kabataan kung gagamitan ito ng social network media tulad ng
Facebook, Twitter, YouTube, at iba pa.
5. Magsagawa ng mahusay na pagpaplano kung paano isasakatuparan ang
pagbuo ng kampanya.

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 36
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

Malaking bahagi ng pagsasagawa nito ay ang pagbuo ng balangkas ng isasagawang


campaign material. Sa bahaging ito, mahalagang makalikha ng sequence at
dialogue script na siya ninyong magiging batayan para sa pangkalahatang
proyekto. Narito ang ilang mahahalagang paalala at hakbang sa pagbuo nito:

1. Tandaan na ang iyong bubuoing iskrip ay kailangang maging


makatotohanan upang higit itong maging kapani-paniwala.
2. Magbigay ng mga kongkreto o tiyak na halimbawa para higit itong
makahimok ng interes ng taong makakikita, makakabasa, o makaririnig
nito.
3. Maging malikhain sa pagbuo nito.
4. Maging tiyak sa puntong bigyang-diin sa isasagawang mga diyalogo.
Iwasan ang maging maligoy sa pananalita.
5. Maging tiyak kung sino ang partikular na tao o grupo ng taong iyong
pinatutungkulan sa pagsulat ng diyalogo.
6. Gawing magkakaugnay ang bawat diyalogo o eksena upang higit na
maging mabisa ang iskrip.

PRODUCT PERFORMANCE(Markahang Awtput)


GOAL: Makagawa ng isang ―Likhang Iskrip ng Komentaryong Panradyo‖ na
naglalayong maglunsad ng social awareness tungkol sa isang napapanahong
isyung dapat pansinin ng mga kabataang isasagawa sa tulong ng multimedia
(social media- facebook,messenger,gmail o tiktok)

ROLE: Isa ka sa mga kabataang may adbokasiyang mailahad ang napapanahong


isyu o paksang dapat mabigyang-pansin ng mga mamamayang Pilipino sa
kasalukuyan

AUDIENCE: Lahat ng mamamayang Pilipino lalong lalo na ang mga Netizen


SITUATION: Ikaw ay kasapi ng Supreme Student Government ng Iloilo National
High School at naatasan ng buong hukbo na maglulunsad ng awareness
campaign sa mga mag- aaral tungkol sa programang ―Bakuna Kontra Covid 19‖
sa mga kabataan /mag-aaral.

PRODUCT/PERFORMANCE: Iskrip sa Komentaryong Panradyo


STANDARD : Pamantayan sa Pagmamarka
Pamantayan sa iyong mabubuong campaign
material
Orihinalidad at Pagkamalikhain 40%
Pagkakaugnay ng Diwa 20%
Linaw ng Kaisipan at Mensahe 15%
Epektibong Gamit ng Wika 15%
Aplikasyong Teknikal 10%
Kabuoan 100%

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 37
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

Mga Sanggunian sa Filipino Baitang 8


Ikatlong Markahan (Linggo 1-7)
Unang Linggo

Baisa-Julian A. et al. (2017). Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma 8. Phoenix Publishing House, Inc. 927 Quezon
Ave., Quezon City

www.ederic.net/tag/social-media-ethics/

DepEd K to 12 - Filipino Learners Module - Slideshare

Ikalawang Linggo

https://m.youtube.com/watch?v=cY54A4jOB-I

Baisa-Julian A. et al. (2017). Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma 8. Phoenix Publishing House, Inc. 927 Quezon
Ave., Quezon City
Ikatlong Linggo

Baisa-Julian A. et al. (2017). Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma 8. Phoenix Publishing House, Inc. 927 Quezon
Ave., Quezon City

Pananakit sa Bata Bilang Pagdidisiplina,Dapat Bang Ipagbawal?

Oktubre 5,2011,Balitanghali,GMA NEWS TV,Channel 11

www.youtube.com/watch?v=19o7CvBNLmO

Ikaapat na Linggo

Baisa-Julian A. et al. (2017). Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma 8. Phoenix Publishing House, Inc. 927 Quezon
Ave., Quezon City

Pelikulang “Anak”(Isang Rebyu o Pagsusuri)Star Cinema Productions

www.youtube.com

Ikalimang Linggo

Baisa-Julian A. et al. (2017). Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma 8. Phoenix Publishing House, Inc. 927 Quezon
Ave., Quezon City

Pelikulang “Anak”(Isang Rebyu o Pagsusuri)Star Cinema Productions

www.youtube.com

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 38
ILOILO NATIONAL HIGH SCHOOL
Luna Street, La Paz, Iloilo City
(for INHS classroom use only- SY 2022-2023) Filipino 8

Ikaanim na Linggo

Baisa-Julian A. et al. (2017). Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma 8. Phoenix Publishing House, Inc. 927 Quezon
Ave., Quezon City

Pananakit sa Bata Bilang Pagdidisiplina,Dapat Bang Ipagbawal?

Oktubre 5,2011,Balitanghali,GMA NEWS TV,Channel 11

www.youtube.com/watch?v=19o7CvBNLmO

Ikapitong Linggo

Baisa-Julian A. et al. (2017). Ikalawang Edisyon: Pinagyamang Pluma 8. Phoenix Publishing House, Inc. 927 Quezon
Ave., Quezon City

http://wwwyoutubecom/watch?v=ghfirMLNfNA

http://wwwyoutubecom/watch?v=zEicXdgtOvM

Taga-edit/ validator:

BEATRIZ S. SARAGENA 11/28/2022


Master Teacher I

SARAGENA, BS/ VIGO, GMC/ LOSBANES, MAA/ ALBAY, AT/ PARDORLA, CQ/ LIM KS 11-28-2022 Page 39

You might also like