You are on page 1of 6

Republic of the Philippines

Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
JAMES L. GORDON INTEGRATED SCHOOL
FOSTER STREET, NEW KABABAE, Olongapo City, Zambales, 2200

JAMES L. GORDON INTEGRATED


LESSON EXEMPLAR Paaralan: SCHOOL Antas: 6
IN AP 6 ARALING
PANLIPUNA
Guro: PINKY JOY DELOS SANTOS Asignatura: N
DECEMBER 7, 2023 WEEK 4
Araw at Oras: Markahan:
HUWEBES 7:30-8:20a.m. Quarter 2

HUWEBES
I. PAMANTAYAN
A. Pamantayang Pangnilalaman Sa araling ito, ang mga mag-aaral ay inaasahang:

- Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa sa pamamahala at mga


pagbabago sa lipunang Pilipino sa panahon ng kolonyalismong
Amerikano at ng pananakop ng mga Hapon at ang pagpupunyagi ng
mga Pilipino na makamtan ang kalayaan tungo sa pagkabuo ng
kamalayang pagsasarili at pagkakakilanlang malayang nasyon at
estado
B. Pamantayan sa Pagganap Nakapagpapahayag ng kritikal na pagsusuri at pagpapahalaga sa
konteksto,dahilan, epekto at pagbabago sa lipunan ng kolonyalismong
Amerikano at ng pananakop ng mga Hapon at ang pagmamalaki sa kontribusyon
ng pagpupunyagi ng mga Pilipino namakamit ang ganap na kalayaan tungo sa
pagkabuo ng kamalayang pagsasarili at pagkakakilanlang malayang nasyon at
estado
C. Pamantayan sa Pagkatuto MELCS: Naipapaliwag ang resulta ng pananakop ng mga Amerikano

AP6KDP-IIa1

Learning Competencies:
• Maunawaan ang pangunahing layunin at implementasyon ng sistema ng edukasyon
na ipinatupad ng mga Amerikano sa Pilipinas.
• Maipaliwanag ang mga pangunahing pagbabago sa sistema ng edukasyon sa
panahon ng Amerikano, kasama ang implementasyon nito at ang epekto sa mga
mamamayan

II. NILALAMAN
A. Paksa Ang Sistema ng Edukasyon sa Panahon ng Amerikano
Sub-Paksa
B. Kagamitang Panturo/ PowerPoint presentation, TV, laptop
Sanggunian: MELCs, AP Module 4 Quarter 2

Address: Foster St., New Kababae, Olongapo City, Zambales


Email Address: 500027@deped.gov.ph
Official Website: fb.com/depedtayojameslgordonintegratedschool/
“SDO Olongapo City: Towards a Culture of Excellence”
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
JAMES L. GORDON INTEGRATED SCHOOL
FOSTER STREET, NEW KABABAE, Olongapo City, Zambales, 2200

C. Values: Nabibigyang halaga ang mga pagbabago sa edukasyon

III. Pamamaraan:
A. Panimulang Gawain Module 4 Quarter 2

a. Pagbati
b. Panalangin
c. Kumustahan
d. Pagbanggit ng mga munting paalala
B. Balik-aral Panuto: Ayusin ang mga pinaghalong titik upang makabuo ng salita. Isulat ito sa
sagutang papel.
1.K A P A O R Y L: unang paaralan na naitatag sa panahon ng Español.

2.Y E R O M I S N O: unang guro sa panahon ng Espanyol.

3.R O N E S K A D A Y: ikalawang antas ng pag-aaral.

4.L A D A S: itinuro ng mga Español.

5.K A T I M E A T A M: asignatura sa pagbilang at pagkwenta.

Sagot:
1. Parokyal 2. Misyonero 3. Sekondarya 4. Dasal 5. Matematika

C. Pagganyak na Gawain Pagpapakita ng mga larawan na nagpapakita tungkol sa edukasyon sa Panahon ng


Amerikano at edukasyon ngayon.

1. Ano ang mga


pagkakaiba sa pagitan ng mga larawan ng edukasyon noong Panahon ng Amerikano
at ang kasalukuyang sistema ng edukasyon?
2. Ano ang iyong masasabi sa mga pasilidad, kasangkapan, at anyo ng edukasyon
noon kumpara sa ngayon?
D. Pagtatalakay 1. Layunin ng Pamahalaang Amerikano sa Edukasyon sa Pilipinas:
- Turuan ang lahat na maging mabuting mamamayan ng isang demokratikong
bansa.
- Bigyan ng ganap na edukasyong pang-elementarya ang lahat ng may wastong
gulang.

Address: Foster St., New Kababae, Olongapo City, Zambales


Email Address: 500027@deped.gov.ph
Official Website: fb.com/depedtayojameslgordonintegratedschool/
“SDO Olongapo City: Towards a Culture of Excellence”
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
JAMES L. GORDON INTEGRATED SCHOOL
FOSTER STREET, NEW KABABAE, Olongapo City, Zambales, 2200

- Ituro ang wikang Ingles at ang kulturang Amerikano.


- Turuan ang mga Pilipino na paunlarin ang kanilang pamumuhay.
- Malinang sa mga Pilipino ang damdaming makabayan.
- Magkaroon ng lupang sakahan ang mahihirap na magsasaka.

2. Implementasyon ng Edukasyon:
- Mga sundalong Amerikano ang nagsisilbing guro sa mga paaralan sa simula.
- Batas Blg. 74: Nagtakda ng libreng pag-aaral sa mga paaralang bayan.
- Libre ang pag-aaral at ang mga aklat, lapis, at kwaderno.
- Pagpapadala ng mahuhusay na gurong Amerikano mula sa Estados Unidos.

3. Pagdating ng Thomasites:
- Dumating noong Agosto 21, 1901, ang mga Thomasites sakay ng barkong USS
Thomas.
- Sila ang pumalit sa mga sundalo bilang guro.
- Itinalaga sa iba't ibang pambublikong paaralan upang magturo sa mga mag-aaral
sa pagbabasa, pagsulat, at aritmetika.

4. Pagtatayo ng Paaralan para sa Gurong Pilipino:


- Batas Blg. 74: Ipinatayo ang mga paaralan para sa mga gustong maging guro.
- Tinatawag na paaralang normal, tulad ng Philippine Normal School.
- Nagtugon sa kakulangan ng mga guro sa paaralan.

5. Espesyal na Paaralan at Pamantasan:


- Itinayo ang mga espesyal na paaralan tulad ng bokasyonal, pang-agrikultura, at
pangkalakal.
- May mga paaralang pangkolehiyo, kabilang na ang Pamantasan ng Pilipinas na
itinatag noong Hunyo 18, 1908.

6. Gamit ng Amerikanong Aklat sa Pagtuturo:


- Ang mga aklat na isinulat at nilimbag sa Amerika ang ginamit sa mga paaralan.
- Binigyan diin ang pagtuturo ng demokratikong paraan ng pamumuhay.

7. Edukasyon Bilang Simbolo ng Pananakop:


- Habang ang simbahan Katoliko ay simbolo ng Espanya, ang paaralan naman ay
simbolo ng pananakop ng Amerikano.

Gawain

Ang mga mag-aaral ay maglalaro ng "Space Race" kung saan ang mga patakaran ay
ang isang team ay ang 'Rocket' at ang isa ay ang 'Alien Ship'. Ang mga team ay
magpapalitan ng pagpili ng isang numero pagkatapos magpaunahan ng pagsabi ng
kanilang “super clap” at pagkatapos ay sasagutin ang tanong. Pagkatapos sagutin
ang tanong, ang guro ay magki-click sa ship ng team na tamang sumagot. Ang unang
team na makarating sa Mars ang panalo.

Address: Foster St., New Kababae, Olongapo City, Zambales


Email Address: 500027@deped.gov.ph
Official Website: fb.com/depedtayojameslgordonintegratedschool/
“SDO Olongapo City: Towards a Culture of Excellence”
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
JAMES L. GORDON INTEGRATED SCHOOL
FOSTER STREET, NEW KABABAE, Olongapo City, Zambales, 2200

E. Paglalahat/ Pagpapahalaga Anu-ano mga pagbabagong naganap sa sistema ng Edukasyon sa bansa noong
panahon ng Amerikano at mga naging epekto nito sa atin?
F. Paglalapat Mula pa noong panahon ng Amerikano hanggang sa ngayon ay libre ang pagpasok
sa mga paaralang pambayan ng mga mag-aaral. Itinataguyod din ng mga magulang
ang pag-aaral ng mga anak.
1. Bilang mag-aaral ay may bahagi ka na dapat gampanan. Gumuhit ka sa isang
malinis na papel ng puso at dito mo isulat ang mga dapat mong gampanan
bilang mag-aaral.
IV. Pagtataya A. Panuto: Pagtambalin ang hanay A sa hanay B. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel:
Hanay A Hanay B
1. mga gurong Amerikano A. Ingles
2. wikang panturo B. paaralan
3. simbolo ng pananakop Amerikano C. relihiyon
4. paaralan para sa gustong maging guro D. pambayan
5. paaralang itinatag E. Thomasites
F. Paaralang Normal
B. Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot sa bawat tanong at isulat sa sagutang
papel.

1. Alin ang pangunahing layunin ng edukasyon sa panahon ng Amerikano?


A. ituro ang wikang Español
B. ipalaganap ang Kristyanismo
C. pagiging mabuting Kristiyano
D. pagiging mabuting mamamayan

2. Bakit tinawag na Thomasites ang mga gurong Amerikano?


A. dahil sila ay mga sundalo
B. dahil nagturo sila sa Unibersidad ng Sto. Tomas
C. dahil marami sa kanila ang pangalan ay Thomas
D. dahil sakay sila sa barkong USS Thomas

3. Alin sa sumusunod ang simbolo ng pananakop Amerikano?


A. krus
B. espada
C. paaralan
D. simbahan

Address: Foster St., New Kababae, Olongapo City, Zambales


Email Address: 500027@deped.gov.ph
Official Website: fb.com/depedtayojameslgordonintegratedschool/
“SDO Olongapo City: Towards a Culture of Excellence”
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
JAMES L. GORDON INTEGRATED SCHOOL
FOSTER STREET, NEW KABABAE, Olongapo City, Zambales, 2200

4. Kailan dumating ang may 600 tunay na mga gurong Amerikano na kilala sa
katawagang Thomasites?
A. Agosto 21, 1901
B. Agosto 23, 1908
C. Hunyo 18, 1908
D. Hunyo 12, 1901

5. Ang sumusunod ay ipinapatupad sa panahon ng Amerikano maliban sa isa.


A. Itinuro ang relihiyon at wikang tagalog.
B. Libre ang pag-aaral sa mga paaralang pambayan.
C. Ipinagamit ang mga aklat na isinulat sa Amerika.
D. Ipinagamit ang wikang Ingles bilang wikang panturo.

V. Takdang-Aralin Ang demokratikong paraan ng pamumuhay ay minana natin sa mga Amerikano. Sa


ilalim ng demokrasya matatamo natin ang iba’t-ibang karapatan. Isulat sa “balloon
web” ang mga karapatang tinatamasa ng isang batang tulad mo sa ilalim ng
demokrasyangnatamo natin mula sa mga Amerikano.

Prepared by:

PINKY JOY DELOS SANTOS


Student Teacher Reviewed by:

JOYCE MAE A. ABITAN


Cooperating Teacher

Address: Foster St., New Kababae, Olongapo City, Zambales


Email Address: 500027@deped.gov.ph
Official Website: fb.com/depedtayojameslgordonintegratedschool/
“SDO Olongapo City: Towards a Culture of Excellence”
Republic of the Philippines
Department of Education
Region III
SCHOOLS DIVISION OFFICE OF OLONGAPO CITY
JAMES L. GORDON INTEGRATED SCHOOL
FOSTER STREET, NEW KABABAE, Olongapo City, Zambales, 2200

Address: Foster St., New Kababae, Olongapo City, Zambales


Email Address: 500027@deped.gov.ph
Official Website: fb.com/depedtayojameslgordonintegratedschool/
“SDO Olongapo City: Towards a Culture of Excellence”

You might also like