You are on page 1of 2

Osmeña Colleges

ELEMENTARY DEPARTMENT
City of Masbate, 5400, Philippines
Tel./Fax. (056) 333-2778

Petsa: Nobyembre 20-21


120 minutos

BANGHAY ARALIN SA ARALIN PANLIPUNAN 4


I. Layunin

1. Nalalaman ang ibat-ibang katangian ng mga Pilipino


2. Natutukoy ang ibat-ibang at tradisyon ng mga pilipino
II. Paksang Aralin

Paksa: Ang kultura at pagbubuo ng pagkakakilanlang Pilipino.


Ibat-ibang katangian ng mga Pilipino.
Tradisyon.
Kagamitan: larawan,laptop,manila paper,speakers at metacards
Sanggunian: LM, Aralin 15,pp.204-211
k-12- AP 4 LKE
III. Pamamaraan
A. Panimula
1. Balik-aral- Paano nagsumikap ang mga Pilipino upang mapaunlad at maisulong ang
ating kultura.
2. Pagpapakita ng mga larawan ng mga katangian at tradisyon ng mga Pilipino.
Anong tradisyon ng Pilipino ang ipinapakita sa larawan?
Ano ang nais ipahiwatig ng mga larawan?
3. Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga katangian at tradisyon ng mga Pilipino.
B. Paglinang
1. Pagpapangkat-pangkat sa mga mag-aaral sa tatlo.
2. Ipahanap at pabilugan ang mga katangian na mikikita sa hanap salita sa pp.205 ng
LM.
Talakayin sa mga mag-aaral ang mga katangian at tradison ng mga pilipino .
1. Malapit na ugnayan ng pamilya
2. Unawa
3. Pakikisama
4. Pamilya
5. Padrino
6. Bahala na
7. Ningas cogon
8. Mentalidad ng bandwagon.
9. Amor propio
10. pamamanhikan

Tatalakayin ang aralin habang ipapakita ang mga larawan.

C. Paglalapat
Hatiin sa tatlong pangkat ang mga mag aaral at ipasuri ang ibat-ibang katangian at
tradisyon ng mga Pilipino.magbigay ng mga sitwasyon kung paano gawin ang mga
nabanggit na tradisyon at katangian.

D. Paglalahat
Bigyang diin ang kaisipan sa TANDAAN MO pp. 210.
 Mayaman at makulay ang kulturang Pilipino
 Mahalagang bahagi ng ating kultura ang ibat-ibang tradisyong Pilipino.
 Ang mga tradisyong ipinamana ay katibayan ng yaman ng kultutang Pilipino.
IV. Pagtataya
Isulat sa papel ang T kung ang pahayg ay tama at M kung pahayag ay mali.
1. May malapit na ugnayan ang mga pamilyang Pilipino.
2. Sa isang pamilyang Pilipino ang ina ang namumuno.
3. Lubhang maawain at mapagbigay ang mga Pilipino, lalo na sa pagtulong sa mga
taong nawalan ng mahal sa buhay.
4. Ang pakikiaway sa kaibigan at pananakit ng damdamin ang kahulugan ng pakikisama.
5. Ang sistemang padrino ay ang paggamit ng taga pamagitan kung may hindi
nagkakasundo.
6. “Bahala Na” ang ginagamit sa ekspresyon kapag ang tao’y naniniwal na ang kanyang
tagumpay at pagkabigo ay nakasalalay sa suwerte o kapalaran.
7. Ang ugali ng mga Pilipino na tapusin ang mga gawain sa takdang oras ay tintawag na
manana habit.
8. Ang amor propio ay tumutukoy sa pagpuna sa sarili.
9. Ang pangagaya ay isang katangian ng mga Pilipino.
10. Taglay ng Pilipino ang mga kanais-nais at di kanis-nais na katangian.
V. Takdang Aralin
Gumawa ng isang liham na nagpapamalas sa paghanga sa mga katangian at tradisyon ng mga
Pilipino.

Inihanda ni: MR. EMMANUEL L. MASAMOC


GURO

You might also like