You are on page 1of 12

Ikalawang markan Filipino

I.Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa


paglalarawan ng tao,lugar,bagay at
pangyayari sa sarili,sa ibang tao na
katulong sa pamayanan F4WG-IIa-c4
II.Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa
paglalarawan ng tao
 B. Sanggunian

 1.
Mga pahina sa Gabay ng Guro Curicculum
Guide p.106-107
 Textbook Hiyas ng Lahi p 82-85
 2.Iba pang kagamitang Panturo
 Laptop,tsart,pentel pen
III . Pamamaraan

 A. Panimulang gawain
 1. Pagbati ng guro sa mga mag-aral
 2. Pag-awit ng magandang umaga po
 3.Pagsasanay
 Panuto: Magbigay ng panganlang pantangi na angkop sa larawan
 4.Pagtsek /pag-uulat ng lider ng bawat pangkat
B. Paghahabi sa Layunin ng Aralin

 1. Pagtawag mag-aral upang tumayo sa harapan at ipalalarawan


sa kamag-aral.
 2. Ano –anong katangian niya ang hinahangan ninyo?
C . Pag-uugnay sa mga halimbawa sa bagong
Aralin
 “ Mga Pilipinong Natatangi”
 C. Pag-uugnay sa mga Halimbawa sa Bagong Aralin
 Mga Natatanging Pilipino
 mga Pilipino ay may angking katangian sa iba’t ibang laAng
rangan.Nararapat lamang na sila’y ating ipagmalaki at ipagbunyi.
 Sa pag-awit at pag-arte sa tanghalan,tanyag sa buong mundo si
Lea Salonga.Maliit na bata pa lamang siya ay sumasali na sa
maraming pagtatanghal.
 Si Dr. Felix Maramba ang nakatuklas ng biogas mula sa
mabahong dumi ng hayop.Maparaan at malikhain ang doctor na
ito;Malaki ang tulon ng imbensyon sa pagtitipid sa enerhiya.
 Mula sa maliit na puhunan ay nagagawa ng maganda at
matibay na dyip si Leonardo Sarao ng Las Pinas.
 Dahil sa husay ni Efren “ Bata” Reyes sa bilyar,tinagurian siyang
“The Magician” .Buhat sa mahirap na pamilya lamang siya.Taga-
ayos lamang siya ng bola sa bilyar subalit sa matiyagang pageensayo
ay tinanghal siyang kampiyon sa bilyar.Katulad ng isa pang sumikat
sa larangan ng bilyar na si Francisco “Django” Bustamante , si Efren
ay sikat subalit may mababang loob at simple ang pamumuhay.
 Si Ricky Reyes ay unang nagsilbi sa isang maliit na “beauty
parlor” Dahil sa kaniyang pagsisiskap;nakapagpatayo siya ng
sariling parlor.Noong 2011 mayroon na siyang 39 beauty parlor.
 Ang tanging sandata ni Genaro Gojo Cruz ay ang kanyang
panulat.Isa siyang malikhaing manunulat.Ang kuwento niyang
“”Ang Lumang Aparador “ ay nagwagi ng uang gantimpala sa
Timpalak Palanca.
 Ang iba pang imbensiyon ay ang video phone ni Gregorio
Zara ,Sing Along System ni Roberto Del Rosario,incubator ni Dr.Fe
DelMundo,at gamut sa kulugo ni Rolando dela Cruz
D.Pagtatalakay sa Bagong Konsepto at
Paglalahad ng Bagong Kasanayan # 1
 Tanong
 1. Ano-anong katangian ng mga natatanging Pilipino? Ilarawan
ang bawat isa.?
 2. Sino-sino pa ang mga Pilipinong natatanging na sa palagay
mo’y dapat din nating ikarangal at ipagmalaki?
 3.Mayroon din ba kayong katangiang tinataglay na tulad nila?
 4. Sa papaanong paraan mo mahahasa o mapagbubuti ang iyong
katangian?
Pagtalakay sa bagong konsepto at paglalahad
ng kasanayan # 2
 Pangkat I – Gumuhit ng larawan na natatanging tao sa buhay
ninyo at ilarawan.
 Pangkat II – Sumulat ng limang salita ( 5 ) na naglalarawan sa
inyong paboritong tao.
 Pangkat III – Buuin ang pira-pirasong bahagi ng larawan at
sumulat ng maikling tula .( larawan ng isang ina)
 Pangkat IV – Sumulat ng awit tungkol sa paglalarawan ng tao
E. Paglinang sa kabihasanan
Paano inilarawan ang mga natatanging
Pilipino ?
Ano ang tawag sa paglalarawan?
F. Paglalapat ng Aralin sa Pangaraw-araw na
buhay
Sa loob ng hugis puso sumula ng salitang
maglalarawan sayong katangian.
G .Paglalahat ng Aralin
Ano ang tawag sa mga salitang
naglalarawan?
H.Pagtataya
Panuto: Bilugan ang salitang naglalarawan
sa tao
1. Likas sa mga kabataang Pilipino ang
pagiging malikhain
2.Mahuhusay ang mga Pilipino sa larangan
ng pag-awit.
3. Ang mamahalin at magandang Parker
Pen ay imbensiyon ni Francisco
Quisumbing
4.Madaling humupa ang galit ni Aling
Maria
5. Bukas palad ang pagtulong sa mga
nasalanta ng bagyo ang mga mamamayan .
J. Karagdagang gawain para sa takdang aralin
at remediation
 Magdikit ng larawan ng inyong pamilya sa kwaderno at sumulat ng salitang
naglalarawan

You might also like