You are on page 1of 42

ESP

LOVILYN G.
ENCARNACION
Kultura ng Ating Lahi,
Ating Pahalagahan
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA


This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA

This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA


This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY-SA
Kultura ng Ating Lahi, Ating
Pahalagahan
Kultura ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng mga tao.
Ito ang nagbibigay sa isang bansa ng kaniyang sariling
pagkakakilanlan. Nakikilala tayo bilang isang lahi sa
pamamagitan ng ating pagkain, pananamit, mga laro,
kuwento, mga pambansang sagisag, kaugalian o mga gawi.
Paano pa maaaring makilala ang isang bansa?
Halina at ating tuklasin ang angking ganda at
yaman ng ating kultura.
Alam mo ba na bago pa man dumating
ang mga Espanyol ay may sarili nang sistema
ng pagbasa at pagsulat ang mga katutubong
Pilipino? Kilala ito sa tawag na baybayin.

Suriin natin ang tsart na ito: Ang


Baybayin.
This Photo by Unknown Author is licensed under CC BY
Ginagamit pa rin ang baybayin ng ilang
katutubong pangkat tulad ng mga Hanunuo
at Bujid. Gayon din naman, maraming
Pilipino ang kinakikitaan ng kawilihang
pag-aralan ito at gamitin. Nararapat lamang
sapagkat ito ay bahagi ng ating kultura.
Pinatutunayan nito na ang mga Pilipino ay
may kabihasnang hindi nahuhuli sa mga
katabing bansa sa Asya noong sinaunang
panahon pa man.
Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Ano ang tawag sa sinaunang sistema ng pagbasa at


pagsulat na sinasabing umiral na sa Pilipinas bago pa
man dumating ang mga Espanyol? Saan ito isinusulat at
paano ito binabasa?
Ano ang ipinahihiwatig ng pagkakaroon ng mga sinaunang
Pilipino ng sariling baybayin?

Paano mo mapahahalagahan ang mga katutubong Pilipino


na may mayamang kultura noon pa mang sinaunang
panahon?
2. Magbaybayin Tayo: Subuking isulat
ang mga salita sa ibaba gamit ang
baybayin. Gamitin bilang gabay ang tsart.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.
Katulong ang iyong katabing mag-
aaral, buuin ang web. Isulat sa
maliliit na hugis bilog ang angkop na
halimbawa ng mga materyal na
kulturang Pilipino. Isulat lamang ang
bilang ng halimbawa sa hugis bilog.
Idugtong ang maliliit na bilog sa
kinabibilangang malaking bilog.
Gawin ito sa iyong kuwaderno.
1. tumbang preso 9. Ang Pagong at Matsing
2. aratilis 10. Tinikling
3. Pandango sa Ilaw 11. maruya
4. sungka 12. patintero
5. Ang Alamat ng Lansones 13. Sa Ugoy ng Duyan
6. Cariňosa 14. Ibong Adarna
7. adobo 15. Anak
sayaw

laro Awit
Materyal na
Kultura

Kuwento Pagkain
a. Ano ang ipinahihiwatig ng
nabuong web tungkol sa
kulturang Pilipino?
b. Bilang mga Pilipino, bakit
mahalagang kilala natin ang
ating kultura?
c. Paano mo
mapahahalagahan ang ating
sariling kultura sa modernong
panahon?
Pangatwiranan.
Gaano ang alam mo sa kulturang Pilipino? Halina at gawin ang
sumusunod.

Gawain 1
Kahonay
Ang mga Pilipino ng Pagpapahalaga
kilala sa buong mundo sa kanilang
natatanging pagpapahalaga sa kultura. Alam mo ba kung ano-ano
ang mga pagpapahalagang ito?
1. Sa bawat sitwasyon na inilahad, anong pagpapahalaga ang
nararapat? Piliin sa Kahon ng Pagpapahalaga ang sagot sa bawat bilang.

Kahon ng Pagpapahalaga

* Pananalig sa Diyos * Kabaitan


* Pagkamatapat * Kawanggawa o Charity
* Pagkamaalalahanin * Pagmamahal sa Pamily
* Pagmamahal o Pag-aaruga sa Anak
Libo-libong tao ang nasawi nang
manalasa ang Bagyong Yolanda.
Maraming bahay at gusali ang
gumuho.. Sa kabila nito hindi
nangamba ang mga Pilipino na sila ay
pababayaan ng Diyos.

Ang awit na “Anak” ni Freddie Aguilar na


tumutukoy sa hindi mapapantayang
pagmamahal ng mga magulang sa anak ay
naisalin sa 26 na wika, narinig sa 56 na bansa
at bumenta ng 30 milyong kopya. Ano ang
ipinahahatid ng awit na ito?
________________________________
Para sa mga Pilipino, hindi kinakailangan maging
mayaman upang makatulong sa kapuwa. Sa mga
panahon ng kalamidad at nananawagan ang
mga estasyon ng radyo o telebisyon,
mapapansin mong bumabaha ng tulong mula sa
ating mga kababayan.
________________________

Hindi nagdalawang isip si Cherryl


Macaraeg, isang Pilipinong nakatira na
sa Canada, na ibalik ang halagang
$100,000 sa bangkong nagkamali na
ideposito ito sa kaniyang savings
account.
Kung mapansin ng iba na ikaw ay may
hinahanap na lugar, nag-aalok silang tulungan
ka. Kung may dala kang mabigat, hindi mo na
kailangan pang humingi ng tulong, may mga
nakahandang mag-alok nito sa iyo.
Likas ito sa ating mga Pilipino.
____________________________

2. May iba ka pa bang alam na pagpapahalagang Pilipino?


Paano ka makatutulong sa pagpapanatili nito?

3. Anong mabuting kaugalian ang iyong naipakita bilang


Pilipino?

4. Paano makaaapekto ang magandang ugaling ito sa


pandaigdigang pagkakaisa?

5. Bilang isang mag-aaral, paano mo maipamamalas ang


pagkakaroon ng sariling disiplina tungo sa progresibong
kultura?
Gawain 2

Pangkatang Gawain

1. Pagyamanin natin ang ating kultura. Katulong ang iyong pangkat,


gumawa ng word tree para sa paksa o bahagi ng kulturang maitatalaga sa
inyong pangkat. Maaaring gawing halimbawa ang word tree sa araling ito.
Gamitin ang inyong pagkamalikhain. Gawin ito sa isang manila paper.

Unang Pangkat - Mga Laro at Libangan

Ikalawang Pangkat - Mga Lugar at Tanawin sa Pilipinas Ikatlong Pangkat


- Mga Lutuing Pagkaing Pilipino Ikaapat na Pangkat - Mga Awiting
Pilipino
Ikalimang Pangkat - Mga Kuwento at Tula
Ikaanim na Pangkat - Mga Kasuotan

2. Ibahagi sa klase ang nagawa ng inyong


pangkat. Ilarawan o ipakita sa pamamagitan ng kilos
ang mga nabuong sagot.
3. Sabihin kung paano kayo makatutulong sa
pagpapayaman at pagpapanatili ng kulturang
Pilipino.
Sa pagdaan ng panahon, hindi
maiiwasang magkaroon ng
pagbabago sa isang kultura. Ano-
ano ang mga dahilan ng mga
pagbabagong ito? Dapat bang
gayahin o tanggapin ang anumang
nauuso?
1. Katulong ang iyong pangkat,
gumawa ng poster o collage na
nagpapakita ng yaman at ganda ng
kulturang Pilipino. Maaari itong magpakita
ng mga materyal at di materyal na salik ng
ating kultura. Sa ibaba ng poster ay
gumawa ng magsisilbing pamagat o paksa
ng inyong poster.
2. Ibahagi ang inyong ginawa sa klase.
Sabihin kung tungkol saan ang inyong ginawa
at paano ito makapaghihimok o
makagaganyak sa iba na mahalin at
ipagmalaki ang ating kultura.
Tandaan Natin
Kultura ang tawag sa paraan ng pamumuhay ng isang pangkat.
Napapaloob dito ang kanilang mga paniniwala, kaugalian, pagpapahalaga,
mga gawi, at mga bagay o sagisag na magpapakilala sa kanila bilang isang
natatanging pangkat. Upang magkaroon ng malalim na kaalaman tungkol sa
isang pangkat, kinakailangang malaman mo ang kultura ng pangkat na ito.

Ang kulturang Pilipino ang nagpapakita ng ating pagkakakilanlan


bilang isang bansa. Bilang isang Pilipino, tungkulin nating alamin, alagaan,
pagyamanin, at ipagpatuloy ang kultura natin.
. Masarap sa pakiramdam na alam mo ang iyong
pinagmulan, ang pamana ng iyong lahi. Dahil alam
mo na bahagi ito ng iyong pagka-Pilipino, pananatilihin
mong buhay ito. Sa iyong pagtanda, tanungin ka man
ng mga nakababata, masasagot mo ang anumang
may kinalaman sa kulturang Pilipino dahil kilala mo ito
at bahagi ka nito.
Napakaraming magagandang katangian ang kulturang
Pilipino. Bilang Pilipino, tungkulin nating palaganapin at pagyamanin
ang mga pamanang ito.

1. Nakakita ka na ba ng flyer o brochure? Karaniwan itong


ipinamimigay kung may produktong nais ipakilala sa mga
mamimili. Gumawa ng isang flyer o brochure na maglalarawan
ng isang aspekto ng kulturang Pilipino.

2. Lagyan din ng pamagat o tag line ang ginawang materyal.


Halimbawa: Pilipinas ang Ganda! Tayo Na!

3. Mga halimbawa ng maaaring gawin ay:

• Masasarap na pagkaing Pilipino


• Mga larong Pilipino
• Mga pambansang sagisag at kahalagahan
• Isang tanyag na Pilipino sa kaniyang larangan
• Isang tanawin o lugar sa Pilipinas na maaaring puntahan
• Mga natatanging kaugalian sa Pilipinas
• Isang popular na kuwentong Pilipino na alam mo
4. Para makagawa ng isang magandang brochure, maaaring
gamiting batayan ang mga ipakikitang brochure o flyer ng
guro. Gamitin ang iyong pagiging malikhain. Lagyan ito ng
makukulay na larawan. Maaaring gumupit sa mga lumang
magasin o maaari ding sariling guhit ang mga larawan.
Talakayin din ang paksa sa brochure. Gawing maikli ngunit
malaman ang pagtatalakay. Narito ang halimbawang
balangkas para sa isang brochure.

• Tupiin ang isang puting papel sa tatlong bahagi.


• Ang isang bahagi ay maaaring gawing front cover o
paunang pahina. Dito mo ilalagay ang pamagat o paksa
ng iyong brochure. (Halimbawa: "Paano Magluto ng
Sarap-Asim na Sinigang")
• Para sa susunod na pahina, habang tinatalakay ang
paksa, maglagay ng mga kaugnay na larawan upang
higit na maging kaakit-akit itong basahin.

5. Pagkatapos mo itong magawa, ipakita ang iyong nagawa sa


katabi. Ipaliwanag sa kaniya ang iyong nagawa.

6. Pagkatapos makapagbahagi, sa tulong ng guro, ilalatag ang


mga nagawang brochure sa isang mesa, ilalabas ito, upang
makita at mabasa ng ibang mag-aaral

Halimbawa ng brochure:
. Mga Halimbawa ng Brochure

CO
Source: https://www.flickr.com/ retrieved 08/15/2014

EPED
I. Tukuyin ang inilalarawan sa bawat pahayag. Isulat ang inyong
sagot sa inyong sagutang papel. Piliin ang sagot sa mga
salitang nasa kahon.

karapatan Lydia de Vega Rona Mahilum


bayanihan Emilio Advincula Jolibee
malasakit

1. Siya ang kauna-unahang Pilipinang naipadala sa Olympics


upang kumatawan sa ating bansa. Itinanghal bilang Asia’s
fastest woman noong 1980’s.

2. Isang natatanging kaugalian ng Pilipino ang kusang-loob


na pagtulong. Halimbawa: kung may nagbabayad na
pasahero, inaabot natin ang kaniyang bayad kahit hindi
natin siya kakilala; kung may nahulog na gamit ang isang
tao at alam mong marami siyang dala, pinupulot mo ito o
tinutulungan mo siyang ayusin ang gamit niya.

3. Noong Mayo 26, 1996, nasunog ang isang bahay sa Negros


Occidental. Isang batang babae ang nagtamo ng mga
lapnos sa kaniyang likod sa pagliligtas sa kaniyang limang
kapatid sa kasagsagan ng sunog. Noong 1997, kinilala
siya sa kaniyang katapangan at kabayanihan!

4. Noong 1996, naiwan ng isang balikbayan ang kaniyang


bag na naglalaman ng mga alahas na nagkakahalaga ng
P2 milyon at ilang libong dolyar. Ibinalik lahat ng bayaning
taxi drayber ang naiwan ng kaniyang pasahero.
5. Ito ang kauna-unahang food chain restaurant na nagtagumpay
na makipagsabayan sa ibang restawran sa ibang bansa. Kilala
ito sa linyang “Langhap Sarap.”

II. Pag-aralan ang sumusunod na sitwasyon. Piliin ang dapat


gawin para sa bawat sitwasyon. Isulat ang titik ng iyong sagot
sa iyong kuwaderno.

1. Napansin mo na hindi gumagamit ng po at opo ang iyong


nakababatang kapatid sa pagsagot sa inyong nanay. Ano
ang iyong gagawin?

a. Hahayaan ko na lamang siya sa kaniyang ginagawa.


b. Sisigawan at pagagalitan ko siya upang matuto siya.
c. Sasabihin ko sa kaniya na ang batang Pilipino ay
magalang kaya dapat na sumagot siya nang may po
at opo sa mga nakatatanda.
d. Sasabihan ko si Nanay na paluin siya.

2. May pinsan kang nagbalikbayan sa unang pagkakataon.


Nagbilin ang iyong tatay na turuan siya ng larong Pinoy.
Ano ang ituturo mo sa kaniya?

a. Isasama ko siya sa computer shop para maglaro ng


computer games.
b. Iimbitahan ko siyang magbasketbol.
c. Magkukunwari akong hindi narinig ang Tatay dahil
mahihirapan lang akong mag-Ingles kapag tinuruan
ko siya.
d. Iimbitahan at tuturuan ko siyang maglaro ng sungka.
3. Sinabihan kayo ng inyong guro na kayo ay magsasayaw
ng Tinikling sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ano ang
iyong gagawin?

a. Hindi ako sasali dahil mahirap ang sayaw na Tinikling.


b. Sasali ako at pagbubutihin ko ang pag-eensayo.
c. Sasali ako sa pag-eensayo pero hindi ako dadalo sa
araw ng pagtatanghal.
d. Makikiusap ako na Hiphop na lang ang isayaw namin
dahil iyon ang uso.

4. Sa kabila ng mabigat na suliraning idinulot ng bagyong


Yolanda, hindi natinag ang mga Pilipino. Nagtulong-tulong
ang bawat isa sa pamamagitan ng pagbibigay ng relief
goods, muling pagtatayo ng kanilang bahay at pagdarasal
para sa kanila.

Mahirap mang pumunta sa mga nasalantang lugar dahil


sira-sira ang mga daan, hindi ito inalintana ng mga
kababayan natin. Isa itong patunay na likas na sa bawat
Pilipino ang pagiging:
a. bayani
b. madasalin c.
matulungin d.
mapagbigay

5. Napansin mong nahihirapan ang iyong kaklase na unawain


ang inyong leksiyon sa Matematika. Laging mababa ang
kaniyang iskor sa mga pagsusulit. Samantala, matataas
lagi ang iyong nakukuha dahil naunawaan mo nang mabuti
ang itinuturo ng inyong guro.
a. Maaawa ako sa kaniya.
b. Lalapitan ko siya at aalukin kung nais niyang mag-aral
kami ng leksiyon namin sa Matematika.
c. Sasabihan ko siyang makinig nang mabuti sa guro.
d. Sasabihan ko siyang mag-aral nang mabuti.

III. Paano ka makatutulong sa pagpapayaman at pagpapalaganap


ng Kulturang Pilipino? Isulat ang iyong sagot sa iyong
kuwaderno.

1.

2.

Binabati kita sa pagtatapos mo sa araling ito! Ngayon ay


handa ka nang tumungo sa susunod na aralin. Lagi mong isapuso
ang pagmamahal sa bansang Pilipinas. Pagmalasakitan mo ito at
ipagmalaki mo na ikaw ay Pilipino.

You might also like