You are on page 1of 65

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan III

Ikalawang Markahan

Unang
Linggo
I. Layunin

Nailalarawan ang pagkakakilanlang kultural ng kinabibilangang komunidad


a. nakikilala ang mga katutubong kultura at sining ng mga Pilipino;
b. nailalarawan ang mga katutubong kultura at sining ng mga Pilipino;
c. nailalarawan ang pagkakaiba-iba ng kultura ng mga Pilipino sa kabila ng
pagkakapareho ng kapaligiran at pinagkukunang yaman; at
d. nahihinuha ang kahulugan ng pagkakakilanlang kultural angkop sa kanyang
kapaligiran (mans adaptation to his environment)

II. Paksang-Aralin:
A. Paksa:

Ang Kultura ng Aming Komunidad

B. Tema:

Ang Pagkakilalang Kultural ng Aking Kinabibilangang Komunidad

C. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide


D. Mga Kagamitan:
mga larawan

pentel pens

manila papers

cartolina

mini pocket charts

letters

E. Konsepto: Dapat nating maunawaan at mapahalagahan ang mga pagkakakilanlang


kultural ng kinabibilangang komunidad.
F. Pagpapahalaga: Paggalang ng kulturang Pilipino
III. Pamamaraan

Unang Araw
Layunin: nakikilala ang mga katutubong kultura at sining ng mga Pilipino
A. Panimula
1. Magpakita ng ibat-ibang larawan ng komunidad.
2. Itanong:
a. Paano natin mapangalagaan ang bawat komunidad?
b. Paano natin mapanatili ang kagandahan at kalinisan

nito?
3. Ilagay ang mga sumusunod na titik sa mini pocket charts at ipakita sa mga
mag-aaral.
kawi
sumkia
arol
hapananan
4. Sabihin:
Ayusin ang mga titik upang makabuo ng tamang salita.
5. Isulat ang mga tamang sagot sa pisara.
6. Sa tulong ng mga pamatnubay na tanong, Iugnay ang
mga kanilang sagot sa kabuuang salitang kultura.
7. Linangin kung ano ang kultura. Iuugnay ito sa bagong leksiyon.
B. Paglinang na Gawain:
1. Pangkatang Gawain:
a. Pangkat-pangkatin ang mga bata sa lima.
b. Bigyan ng larawan ang bawat pangkat.
k. Bigyan sila ng tamang oras upang matukoy
kung ano ang ipinahiwatig ng larawan.
2. Magkakaroon ng brainstorming ang bawat pangkat.
3. Magkakaroon ng pag-uulat ang bawat pangkat tungkol sa
kanilang larawan.
Unang Pangkat

Ikalawang Pangkat
larawang nagpapahiwatig ng
musika

Mga alpabeto

Ikatlong Pangkat

Ikaapat na Pangkat

Larawan ng mga kasuotang


Pilipino

Larawan ng mga panahanang


Pilipino

Ikalimang Pangkat
Mga Pilipinong laro

4. Tatalakayin ang mga ulat ng limang pangkat.


5. Ipabigay sa mga bata ang pagkakakilanlang kultural na ipinahiwatig ng bawat
larawan.
6. Ipabuo sa mga bata ang ideya tugkol sa mga
pagkakakilanlang kultural.
Itanong: Anu- ano ang mga pagkakakilanlang kultura ng
inyong komunidad?
7. Hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng iba pang mga
halimbawa ng mga pagkakakilanlang kultural ng mga Pilipino.
Pagtataya
Panuto: Sabihin kung itoy tama o mali. Magbigay ng maikling paliwanag.
1. Ang Pilipinas ay mayaman sa kultura.

2. Ang mga unang Pilipino ay may sariling wika.


3. Natuto ang mga unang Pilipio sa pagsulat mula sa Espanyol.

Ikalawang Araw
Layunin: nailalarawan ang mga katutubong kultura at sining ng mga Pilipino;
A. Panimula:
1. Balik-aralan ang mga pagkakakilanlang kultural.
Hikayatin ang mga bata na magbigay ng mga haliwbawa nito.
2. Magkaroon ng Picture Gallery ng mga sumusunod:
a. Mga Kasuotan
b. Mga Laro
c. Panahanan
Ipakilala kung alin sa bawat uri ng mga larawang ipinakita ang nagpapahiwatig
ng sariling atin.
3. Pag-usapan ang kani-kanilang mga sagot at iugnay sa bagong leksiyon.
B. Paglinang na Gawain
1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang talata.
Mayaman ang kultura at sining ng ating mga ninuno. Bago pa man dumating ang
mga dayuhang mananakop, mayroon ng umiiral na katutubong wika, musika, panitikan,
laro, panahanan at sistema ng edukasyon. Kaiba sa mga sinasabi ng mga dayuhang
mananakop, marunong bumasa at sumulat ang mga sinaunang Pilipino bago pa man
dumating sa bansa ang mga dayuhang ito.
2. Magpakita ng isang Web Diagram. Papunan ito sa mga mag-aaral ng kanilang
mga ideya sa tulong ng mga pamatnubay na tanong.
Itanong:
a. Ano ang pinag-usapan sa talata?
b. Anu-ano ang mga kultura at sining mayroon tayo bago pa man
dumating ang mga dayuhan?
c. Sa ating natutunan ngayon, ano ang dapat nating ipagmalaki bilang
mga Pilipino?
Inaasahang Kasagutan:

Paglalahat:
Anu-ano ang mga kultura at sining ng mga sinaunang Pilipino bago pa man
dumating ang mga dayuhan?
Pagpapahalaga:
Paano natin mapahalagahan ang ating kultura?
Takdang Aralin:
Itanong sa inyong mga magulang kung anu- ano pa ang mga kulturang mayroon
tayo

Ikatlong Araw
Layunin: nailalarawan ang pagkakaiba-iba ng kultura ng mga Pilipino sa kabila
ng pagkakapareho ng kapaligiran at pinagkukunang yaman; at
A. Panimula:
1. Balik-aralan ang mga natutunang kultura at sining ng mga Pilipino.
Ipabigay ito sa mga bata.
2. Magpakita ng mga larawan na nagpapahiwatig ng mga sumusunod:
a. wika

d. sining

b. edukasyon

e. panahanan

c. musika
3. Papagbigayin ang mga bata ng payak na paglalarawan o sitwasyong
maglalarawan ng bawat isa.
B. Paglinang na Gawain
1. Pangkat-pangkatin ang mga bata sa lima.

2. Bigyan ang bawat pangkat ng araling mapag-aralan sa loob ng limang


minuto.
3. Ipasagot ang mga tanong:
a. Anong kultura ang isinaad ng inyong paksa?
b. Paano ito inilarawan?
c. Magkatulad ba kayo ng kultura? Bakit magkapareho? Bakit
hindi?
Mga Paksa:
Wika
Ang wika ay binubuo ng mga grupo ng salitang ginagamit ng tao upang
silay magkakaintindihan. Itoy ginagamit sa pakikipagkomunikasyon. May sariling
alpabeto ang ating mga ninuno. May kahawig ito sa India pero napag-alamang sa
Timog Silangang Asya ang pinannggalingan nito.
Bukod sa komunikasyong pagbigkas, ginamit din ng ating mga ninuno ang mga
wikang ito sa pagsulat. Ang mga dagta ng mga puno at halaman ang ginamit nilang
tinta sa pagsulat.
Musika
Mahilig lumikha ng musika ang ating mga ninuno. Ang musika nila ay
nagpapahayag ng kanilang damdamin at saloobin sa mga pangyayaring
nagaganap sa kanilang buhay.
Gumawa sila ng mga instrumento mula sa puno, kawayan at dahon. Sa
instrumentong ito ay nakagawa sila ng mga tunog at awiting ginagamit sa ibatibang okasyon tulad ng panliligaw, pasasalamat, pakikidigma at pamamaalam sa
mga patay at iba pa.
Panitikan
Napakayaman ng panitikan ng sinaunang Pilipino. Ilan sa mga halimbawa
nito ay ang mga epiko, salawikain, tula, bugtong, at mga kwentong bayan. Maaring ang
mga ito ay nakasulat at binibigkas lamang.
Maunlad din ang mga literatura ng sinaunang Pilipino.
Marami silang nagawang tugmang nilapatan ng muska tulad ng kumintang o awit
pakikidigma, uyayi at hele o awit sa pagpapatulog ng bata.
Panahanan
Iba-iba ang tirahan ng nga sinaunang Pilipino. Naaayon ito sa kanilang
kapaligiran at paraan ng pamumuhay.
Ang ating mga ninuno ay naninirahan sa mga kweba, puno, bundok, at sa
kagubatan o sa mga lugar na may tubig sila at makakain.
Payak lamang ang tirahan ng mga sinaunang Pilipino. Ito ay karaniwang gawa
sa kahoy. Kawayan at pawid.
Edukasyon
Tinuturuan ang mga bata ng kanilang mga magulang sa sarili nilang mga bahay
o kung minsan sa bahay ng tagapagturo. Tinuturuan silang magsulat, magbasa at

magbilang. Bukod dito, sinasanay ang mga lalaki na maging mandirigma at matuto ng
ibat-ibang hanapbuhay tulad ng pangangaso, pangingisda, pagmimina at
pagpapanday.
Sa mga tahanan, ang mga ina ang nagtuturo sa mga anak na babae ng mga
gawaing-bahay tulad ng pagluluto at pananahi. Ito ay paghahanda sa kanila sa pagiging
mabuting asawa at ina kapag sila ay asawa.
Sining
Ang kasanayan ng mga Pilipino sa sining ay nasa pagdidisenyo at paggawa ng
mga kasangkapan, sandata, at palamuti. Sila ay naglililok, nag-uukit, nagpipinta at
nagpapanday. Lumikha sila ng nakakaibang disenyo na nakilalang tatak ng Pilipino.
Mga halimbawa ditto ang sarimanok ng mga Maranao.
4. Magkakaroon ng pag-uulat ng bawat pangkat.
Takdang Aralin
Isulat sa inyong kwaderno ang mga halimbawa ng bawat sining na tinatalakay
natin ngayon.

Ikaapat na Araw
Layunin: nahihinuha ang kahulugan ng pagkakakilanlang kultural angkop sa
kanyang kapaligiran (mans adaptation to his environment)
A. Panimula
1. Alamin ang mga kultura na tinalakay natin. Ayusin ang mga titik upang
makabuo ng tamang sagot.
a. Akdsuyone
d. ikaw
b. Nahapnnaa
e. kumisa
c. Ingisn
2. Ipakita ang mga larawan na nagpapahayag ng kaibahan ng mga Pilipino
katulad ng tirahan, hanapbuhay, kasuotan at mga produkto.
3. Itanong:
Bakit kaya magkaiba ang ating mga ninuno sa kanilang tirahan, hanapbuhay,
kasuotan, at mga produkto?
4. Linangin ang kaibahan ng materyal at di- materyal na
Kultura.
A. Panlinang na Gawain
1. Ipabasa sa mga mag-aaral ang maikling tula.
Pilipinong Kultura
(Ni Gng. Raquel Solis)
Napakagandang bansa ang aking nagisnan,
Pilipinas, tinaguriang Perlas ng Silanganan
Material at di-materyal na kulturay napakayaman,
Magandang pamumuhay namin itoy kumakatawan.
Tirahan, kasuotan at mga kagamitan,
Sining, musika, relihiyon at pamahalaan
Sa ating mga magagaling na ninuno sinimulan.
Nagkakaibat masaganang kultura dapat nating malaman.

Pangingisdat pagsasaka pangunahing pangkabuhayan


Pangangasot pagmimina sa ating mayamang kabundukan.
Pilipino, likas na malikhain at matalino, itoy ilang palatandaan
Namumuhay nang masayat maayos at angkop sa kapaligiran.
2. Tatalakayin sa klase ang tula.
3. Itanong:
a. Anong bansa ang tinututkoy sa tula?
b. Anoano ang mga uri ng kultura?
c. Bakit kaya magkaiba ang pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino?
d. Paano namumuhay ang mga Pilipino?
e. Ano ang masasabi mo sa kultura ng ating bansa? Bakit?
f. Paano mo malagaan an gating kultura?
4. Kilalanin ang mga kulturang materyal at di-materyal
Paglalahat:
Ano ang masasabi mo sa kultura ng ating bansa?

Paglalapat:
Kilalaning an gating mga pagkakakilanlang cultural n gating pamayanan.
Ano-ano ang mga halimbawa ng ating kultura?
IV. Pagtataya:
Panuto: Kumuha ng isang cartolina strip. Basahin sa klase at kilalanin kung anong
kultura ang ipinahiwatig ng bawat sitwasyon.
Hal:
a. May sariling alpabeto ang ating mga ninuno.
b. Gumawa ang mga sinaunang Pilipino ng mga instrumento mula
sa puno.
c. Maunlad din ang literatura ng bansa
d. Saya at kimona
e. Naniwala sila sa mga espiritung tinatawag na anito at diwata.
f. Paglala ng mga basket
V. Takdang Aralin
Pag-aralan ang leksiyon at maghanda para sa pagsusulit bukas.

Ikalimang Araw
Pagtataya:
A. Panimula:
1. Balik-aralan ang mga natalakay sa buong linggo.
2. Ihanda ang mga kagamitan para sa pagsusulit.
B. Pagtataya:

I.

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

1. Sa tabing-ilog tumira ang mga sinaunang Pilipino dahil ditoy


____________________.
A. malamig
C. ligtas
B. ruta ng paglalakbay
D. malapit s tubig
2. Alin sa mga sumusunod ang totoo tungkol sa kanilang tirahan?
A. gawa ng salamin
D. gawa ng bato
B. gawa ng kawayan
E. gawa ng metal
3. Alin sa mga sumusunod ang naiiba?
A. bugtong
B. salawikain

C. tula
D. alpabeto

4. Alin sa mga sumusunod ang nagsasabing di-materyal?


A. sining
C. tirahan
B. panitikan
D. pamahalaan
5. Ang mga sumusunod ay mga pangunahing pangkabuhayan ng mga sinaunang
Pilipino maliban sa isa. Alin ditto?
A. pagkompyuter
C. pangingisda
B. pagsasak
D. Pagmimina
II. Panuto: Basahinat unawain ang bawat pangungusap. Hanapin ang sagot sa kahon at
isulat sa papel.
anito

pangingisda

kanin at isda

di-materyal

materyal

edukasyon

sining

musika

tirahan

wika

panitikan

Bathala

1. Ang uri ng kultura na kinabibilangan ng mga kasuotan, gamit, at iba pa ay


_______________________.
2. Ang pangunahing pagkain ng mga sinaunang Pilipino ay _________________.
3. Ito ay binubuo ng mga grupong salita. __________
4. Ang tawag ng mga Tagalog sa pinakamakapangyarihang Diyos ay
_______________.
5. Ang epiko, bugtong, at salawikain ay ilan sa mga halimbawa ng
____________________.
6. Tinuturuan ng ina ang mga anak na babae ng mga gawaing bahay.
7. Makikita dito ang kasanayang pagdidisenyo.
8. Itoy pangunahing pangkabuhayan ng mga sinaung Pilipino.
9. Itoy nagpapahayag ng damdamin at saloobin ng mga nagaganap sa buhay.
10. Ang uri ng kultura na hindi nakikita o nahihipo at kinabibilangan ng sining,
panitikan, at tradisyon ay tinatawag na __________________________.
III. Panuto:
Magbigay ng tiglimang halimbawa ng material at di-materyal na kultura ng
sinaunang panahon.

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan III


Ikalawang Markahan

Ikalawang Linggo
Layunin
Naiuugnay ang kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng kinabibilangang komunidad
a. Naiisa-isa ang mga pangkat ng mga tao sa kinabibilangang komunidad batay sa
kanilang hanap-buhay
b. Naiisa-isa ang mga tungkulin na ginagampanan ng mga tao sa kinabibilangang
komunidad
c. Naiisa-isa ang mga produkto na matatagpuan sa kinabibilangang komunidad
d. Napapahalagahan ang mga produkto at kalakal na kinabibilangan ng komunidad
Paksang Aralin:
A. Paksa: Ang mga tao ng amimg Komunidad
B. Tema: Ang Pagkakilanlang Kultural ng Aking Kinabibilangang Komunidad
C. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide
D. Mga Kagamitan: mga larawan ng ibat-ibang pangkat ng mga tao batay sa kanilang
hanapbuhay; tsart; activity cards; pentel pens; manila papers; cartolina strips
E. Konsepto: Nakakatulong ang ibat-ibang pangkat ng mga tao sa komunidad batay na
kinabibilangan.
F. Pagpapahalaga:
Pagmamalaki sa uri ng hanapbuhay na kanilang kinabibilangan
Pamaraan
Unang Araw
Layunin: Naiisa-isa ang mga pangkat ng mga tao sa kinabibilangang komunidad
batay sa kanilang hanap-buhay
A. Panimula
1. Balik Tanaw:
Ipabasa sa mga bata ang cartolina strips na may inakasulat na bat-ibang
hanapbuhay. Ipahanap ang mga pangunahing hanapbuhay ng mga Pilipino.
Pangngisda
Pagtatahi

pagmimina
pagtotroso

pagsasaka
pagtitinda

Pagsasayaw

pagtuturo

Tagalinis ng mga daan

pagluluto
Tagakuha ng basura

Itanong: Anoano ang ginagawa nila?


2. Pangganyak:
Magkaroon ng Picture Gallery ng ibat-ibang hanapbuhay ng mga tao sa
komunidad.
a. Ipasuri ang mga larawan.
b. Subukang ipakikiklala ang mga hanapbuhay.
c. Ano kaya ang itawag natin sa kanila?
B. Panlinang na Gawain
1. Pangkatin ang mga bata sa lima.
2. Sabihin:
Kunin ang mga larawang angkop sa inyong pangkat. Kilalanin ang kani-kanilang
mga hanapbuhay. Ipakikilala ang kanilang ginagawa araw-araw.
Bigyan ng larawan ang bawat pangkat para mapag-aralan.
Unang pangkat:
Ikalawang Pangkat:

larawan ng mga mangingisda


larawan ng mga magsasaka

Ikatlong Pangkat:

larawan ng mga propesyonal

Ikaapat na Pangkat: larawan ng mga tagalinis ng daan


Ikalimang Pangkat:

larawan ng tagakuha ng basura

3. Ipasagot sa bawat pangkat ang mga nakasaad na tanong ng bawat larawan.


a. Anong hanapbuhay ang nakasaad sa larawan?
b. Ano ang tawag natin sa kanila?
c. Anu- ano ang ginagawa nila?
d. Nakatulong ba sila sa komunidad? Paano?
4. Magkakaroon ng pag-uulat sa bawat pangkat.
Paglalahat:
Anoano ang mga pangkat ng mga tao sa ating komunidad?
Takdang Aralin:
Mag-interview ng isang propesyonal sa inyong pamayanan. Itanong kung ano ang
tunkulin ginampanan niya. Itanong din kung paano niya ito ginawa.

Ikalawang Araw
Layunin: Naiisa-isa ang mga tungkulin na ginagampanan ng mga tao sa
kinabibilangang komunidad
A. Panimula
1. Gawain: Pick and Tell
Ipakitang muli ang mga larawan ng ibat-ibang hanapbuhay. Isa-isa itong ipakuha sa
mga bata at ipakiklala.
2. Itanong: Anu-ano kaya ang tungkulin ng bawat isa sa kanilang komunidad?
3. Iugnay ang kanilang mga sagot sa bagong leksiyon.
B. Panlinang na Gawain
1. Pangkatin ang mga bata sa lima. Gamitin ang nabuo nilang pangkat kahapon.
2. Magkaroon ng Brainstorming ang bawat pangkat tungkol sa mga tungkuling
ginagampanan ng bawat pangkat ng mga tao sa komunidad.
3. Bigyan sila ng tiglimang minuto upang makabuo sila ng mga ideya.
4. Pag-uulat ng bawat pangkat. Ipakilala ang pangkat ng mga tao sa komunidad at ang
tungkulin nito.
C. Paglalahat:
Itanong:
May mga tungkulin ba ang mga mamamayan ng komunidad? Dapat ba nating
gampanan an gating mga tungkulin? Bakit?
D. Pagpapahalaga:
Dapat ba nating ipagmalaki ang mga ganitong hanapbuhay? Bakit?

Ikatlong Araw
Layunin: Naiisa-isa ang mga produkto na matatagpuan sa kinabibilangang
komunidad
A. Panimula
1. Ipagawa sa mga bata:
Panuto: Punan ang talahanayan ng tamang sagot.
Mga Hanapbuhay

Mga Gawain at Tungkulin

2. Iparinig ang awiting Si Felimon


3. Maikling tatalakayin ang awitin. Itanong:
a. Ano ang hanapbuhay ni Felimon?
b. Anu-ano ang nakuha niya?
c. Ano ang ginawa niya sa mga produkto?
4. Iugnay ang sitwasyong ito sa bagong leksiyon.
B. Panlinang na Gawain
1. Lagyan ang bawat bilog ng mga salitang maiugnay sa kabuuang salitang ibinigay.

2. Ipakilala ang mga sumusunod. Ipatukoy ang kanilang pinanggalingan

3. Iugnay ang kanilang ginawa sa bagong leksiyon.


B. Panlinang na Gawain:
1. Pangkatin ang mga bata sa lima.
2. Bigyan ng activity card ang bawat pangkat.
3. Bigyan sila ng walong minuto makapagplano sa kanilang gawain. Ipabuo ang
talahanayan sa ibaba.
Kapaligiran/komunidad

I.
II.
III.
IV.
V.

hanapbuhay
I. pangingisda

produkto

Pangingisda
Pagsasaka
Pagmimina
Pagtotroso
Paghahabi

3. Pag-uulat ng bawat pangkat


Paglalahat:
Itanong: Magkatulad ba ang produkto ng bawat komunidad? Bakit
magkapareho? Bakit hindi?
Pagtataya:
Panuto: Sabihin kung tama o mali.
______ 1. Maraming kabibe at korales ang makukuha sa dagat.
______ 2. Ang Cebu ay kilala sa paggawa ng gitara.
______ 3. Galing sa sakahan ang produktong mais at palay.
Takdang Aralin
Gumupit ng mga larawan na nagpapakita ng mga produktong galling sa dagat.

Ikaapat na Araw
Layunin: Napapahalagahan ang mga produkto at kalakal na kinabibilangan ng
komunidad

A. Panimula
1. Ipakuha ang kani-kanilang takda. Ipakikilala ang mga produktong galling sa dagat.
Ipasabi kung paano ito nakakatulong sa atin.
2. Isulat ang mga produkto at kalakal sa mga sumusunod na komunidad:
dagat

kabundukan

sakahan

lungsod o bayan

3. Itanong: Dapat ba nating tangkilikin ang produktong atin? Bakit?


B. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang diorama ( mga larawan ng ibat-ibang produkto at kalakal ng komunidad)
2. Ipakikilala sa mga bata ang mga produkto at kalakal.
3. Pangkat-pangkatin ang mga bata sa apat.
4. Bigyan ng activity card ang bawat pangkat.
I. karagatan

III. minahan

II. kapatagan

IV. bukirin

5.Gawain: Gawin at sagutin gamit ang manila paper at pentel pen.


a. Magtala ng mga produkto.
b. Paano ito nakakatulong sa mga tao?
c. Paano ninyo mapangalagaan ang inyong komunidad?
6. Pag-uulat ng bawat pangkat. Gamitin ang isinulat sa manila papers.
7. Magkakaroon ng pagtatalakayan.
Paglalahat:
Itanong: Dapat ba nating alagaan ang ating mga pinagkukuknang-yaman? Bakit?
Paano natin ito gagamitin?

Pagtataya
Panuto: Pagtambalin ang hanay A sa hanay B.
A

____1. Niyog

A. dagat

____ 2. Tabla

B. mina

____3. Kbibe

C. punongkahoy

____ 4. Ginto at pilak

D. Kopra
E. tubo

Takdang Aralin: Bilang mag-aaral, paano ka makakatulong sa inyong komunidad?


Ikalimang Araw
A. Panimula
1. Balik-aralan ang mga kasanayang natalakay sa buong lingo.
2. Paghahanda ng mga kagamitan para sa pagsusulit.
3. Pagbibigay ng mga panuto.
B. Lingguhang Pagsususlit
I. Piliin ang titik ng angkop na hanapbuhay para sa sumusunod na kapaligiran o
komunidad. Isulat ang titik sa inyong papel.
1. kagubatan

A. magtotroso

2. kapatagan

B. minero

3. katubigan

C. empleyado

4. kabundukan

D. maninisid ng perlas

5. pamayanang urban

E. magsasaka
F. mangingisda

II. Sabihin kung tama o mali


_________ 1. Pagtotroso ang hanapbuhay ng mga tao sa pamayanang malapit sa
gubat.
_________ 2. Pagmimina ang hanapbuhay sa mga taong nakatira sa dagat.
_________ 3. Pangingisda ang hanapbuhay sa mga taong nakatira malapit sa gubat.
_________ 4. Ang ginto at brilyante ay ginawang singsing at hikaw.
_________ 5. Kumikita ng malaki ang bansa sa kalakalan ng pagmimina.

III. Magbigay ng tatlong paraan paano mo mapangalagaan ang inyong paaralan.


IV. Ano ang maaari mong gawin sa sitwasyon.
Tinatangay ng baha ang lupa sa inyong likod bahay
Takdang Aralin:
Gumuhit ng larawan na nagpapakita ng isang masayang komunidad.

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan III


Ikalawang Markahan

Ikatlong
I. Layunin

Naiuugnay ang kapaligiran sa uri ng pamumuhay ng kinabibilangang komunidad

a. Nailalarawan ang uri ng panahanan sa kinabibilangang komunidad


b. Nasusuri ang katangian ng mga panahanan sa pamumuhay ng mga Unang
Pilipino
c. Nakikilala ang mga gawi sa kinabibilangang komunidad bunga ng pakikiangkop sa
kanyang kapaligiran
d. Nailalarawan ang mga likas na katangian sa kinabibilangang komunidad bunga
ng pakikiangkop sa kanyang kapaligiran
II. Paksa Aralin
A. Paksa: Ang Panahanan, Paniniwala at Tradisyon ng Aming Komunidad
B. Tema:Ang Pagkakilanlang Kultural ng aking Kinabibilangang Komunidad
C. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide
D. Mga Kagamitan: mga larawan, manila papers, pentel pens, cartolina strips
E. Konsepto: May ibat-ibang uri ng panahanan sa kinabibilangang komunidad.
Magkakaiba ang mga gawi sa kinabibilangang kominidad.
F. Pagpapahalaga: Ipagmalaki ang sarili nating tahanan.
III. Pamaraan
Unang Araw
Layunin: nailalarawan ang uri ng panahanan sa kinabibilangang komunidad
A. Panimula:
1. Magkwentuhan sa Eskwelahan
Pumili ng kapareha at pag-usapan ang kaalaman/pag-unawa sa ibat-ibang
pangkat ng mga tao ng komunidad at ang kanilang tungkuling ginagampanan.
Ilahad sa klase ang inyong napag-usapan.
2. Tingnang mabuti ang mga larawan. Anu- ano ang ipinahiwatig sa bawat larawan?

B. Panlinang na Gawain
1. Pangkat-pangkatin ang mga bata sa apat.
2. Magkakaroon ng balitaan sa klase. Narito ang mga balita ng bawat pangkat.
Unang Pangkat:
Unang Tirahan
Ang panahanan ng ating mga ninuno noong unang panahon ay mga kweba.
Ang kanilang mga labi, kagamitan at hayop na kinatay ay natagpuan ng mga
arkeologo sa mga lugar na ito. Pinili nila ito marahil upang maging ligtas sa mga
malalakas na bagyo, mababangis na hayop at iba pang pangkat ng tao. Halimbawa
ng mga nakatira rito ay ang mga Homo Erectus na nakatira sa Kweba sa Lambak
ng Cagayan.
Ikalawang Pangkat

Ikalawang na Pangkat
Ikalawang Tirahan
Sa paglipat ng ating mga ninuno sa kapatagan, sila ay nagtayo ng yari sa
kahoy, kawayan, pawid, yantok, sawali at iba pang uri ng halaman. Parisukat ang
hugis ng mga sinaunang bahay. Ang mga ito ay may apat na dingding at may isa o
dalawang silid. Ang mga dingding nito ay yari sa kahoy at pawid o kawayan at
pawid. Ang haligi ay yari sa kahoy at ang bubong ay yari sa kahoy, kawayan at
pawid. Ang iba naman ay ginagamitan ng kogon sa halip na pawid. Ginamit nila
ang pawid, kahoy, at kawayan dahil ito ay angkop sa mainit na klima ng ating
bansa. Malalaki rin ang mga bintanang inilagay nila sa kanilang bahay upang
maging maliwanag at presko. Ang silong ng bahay ay nababakuran at nagsisilbing
lalagyan ng panggatong, imbakan ng palay o kulungan ng mga alagang hayop.
Ikatlongitong
Pangkat
Mayroong
sala, silid-tulugan, silid-kainan, kusina at batalan. Ang batalan ang
pinakabanyo, hugasan ng mga kagamitan at lalagyan ng tubig na tinatawag na
tapayan. Ang ibang bahay ay may maliit na bahagi sa bukana nito kung saan
matatagpuan ang hagdanan. Ito ay nagsisilbing tanggapan ng bisita bago
pumasok
ng
kabahayan.

Ikatlong Pangkat
Ang ibang bahay naman ay itinatayo sa taas ng malalaking punongkahoy. Ang
hagdan ay nahihila paitaas kung gabi at naibababa sa kinaumagahan. Ginawa nila ito
marahil upang hindi madaling masalakay ng mga kaaway. Ito ang uri ng panahanan
ng mga Kalingga at Ilonggot sa Hilagang Luzon at ng mga Bagobo at Mandaya sa
Mindanao.

Ikaapat na Pangkat
Ang ibang bahay naman ay itinayo sa may baybayin ng dagat. Ang mga ito ay
nakaangat sa tubig. Malalaking kahoy ang pinakaposte at may tulay na nagsisilbing
daanan papunta sa mga kabahayan. Ito ay may isang palapag at ang sahig ay hindi
magkakadikit upang maging madali ang paglilinis. Marami pa ring ganitong uri ng
tahanan ang makikita sa Sulu at Zamboanga. Ito ang uri ng tirahan ng mga Badjao.

Ikalawang Araw
Layunin: Nasusuri ang katangian ng mga panahanan sa pamumuhay ng mga Unang
Pilipino
A. Panimula
1. Pag-usapang muli ang ginawang balitaan kahapon.
Itanong: Ano ang laman ng balita ng bawat pangkat?
2. Ipakita ang mga larawan.

3. Itanong:
a. Anong uri ng tirahan mayroon ang bawat larawan?
b. Sino kaya ang nakatira rito?
c. Ano kaya ang kanilang hanapbuhay kaugnay sa komunidad na
kinabibilangan?
B. Panlinag na Gawain
1. Pangkating muli ang mga bata katulad sa pangkat nila kahapon.
Gawain: Batay sa inyong mga ulat kahapon, Lagyan ng mga tamang salita o pariralang
magpapakilala o maglalarawan ng mga sumusunod:

Ganito rin ang gagawin sa ikalawa hanggang apat na tirahan


Paglalahat:
Paano mo mailarawan ang mga tirahan ng mga Pilipino?
Iba-iba ang tirahan ng nga sinaunang Pilipino. Naaayon ito sa kanilang
kapaligiran at paraan ng pamumuhay.
Ang ating mga ninuno ay naninirahan sa mga kweba, puno, bundok, at sa
kagubatan o sa mga lugar na may tubig sila at makakain.
Payak lamang ang tirahan ng mga sinaunang Pilipino. Ito ay karaniwang
gawa sa kahoy. Kawayan at pawid .

Ikatlong Araw
Layunin: Nakikilala ang mga gawi sa kinabibilangang komunidad bunga ng
pakikiangkop sa kanyang kapaligiran
A. Panimulang Gawain
Balik-aral
Gawin Ito:
Panuto: Saan naninirahan ang mga Pillipino tinutukoy? Piliin ang sagot mula sa kahon.
Kweba
Puno
minahan

tabing dagat
bundok
lungsod

a. minero
b. mga Badjao
c. mangingisda

d. magsasaka
e.Bagobo at Mandaya
f.tagakolekta ng mga basura

Pangganyak:
1. Basahin ang maikling tula.
Kamiy Pilipino
( Ni Gng. Raquel Solis)
Kamiy mga Pilipino
Masiyahin sa trabaho
Matiyaga sa gawain,
Likas na malikhain.
Magagalang sa lahat ng kapwa
Po at opo gamitin lalot sa matatanda.
Sama-sama sa trabaho, magaang gawin,
Talagang masisipag at matutulungin.
2. Itanong:
Sinosino ang tinutukoy sa tula?

Anoano ang mga katangiang taglay ng mga Pilipino?


Mabubuti ba ang mga katangiang ito? Bakit?
Sa inyong palagay makakatulong ba ito sa pag-unlad ng ating bansa? Paano?
B. Panlinang na Gawain
Paglalahad at Pagtatalakayan
1. Pangkat-pangkatin ang mga mag-aaral sa lima. Pagbigyan ang bawat pangkat ng
Paksang Aralin.
Unang Pangkat: Pagkamatapat at Mapagkatiwalaan
Ikalawang Pangkat: Pagkamatulungin
Ikatlong Pangkat: Pagkamagalang
Ikaapat na Pangkat: Pananalig sa Panginoon
Ikalimang Pangkat: Pagkamasipag at Pagkamatiyaga
2. Bigyan ng sapat na oras ang bawat pangkat na makapag-aral sa kanilang paksa.
Kasunduan: Paghandaan ang pagsasadula ng bawat pangkat bukas.
Ikaapat na Araw:
Layunin: Nailalarawan ang mga likas na katangian sa kinabibilangang komunidad
bunga ng pakikiangkop sa kanyang kapaligiran
A. Panimulang Gawain
Itanong:
1. Anoanong kanais-nais na katangian ang pinag-uusapan natin kahapon?
2. Paano nakatulong ang mga katangiang ito?
Ipabasa ang isang situationer at papagbigayin ang mga mag-aaral ng mga
puna.
May isang dayuhang negosyante na sumakay ng taxi
papuntang Mactan Airport. Nagmamadali ang negosyante. Takot
siyang mahuli sa kanyang biyahe. Sa kanyang pagmamadali
naiwan niya ang kanyang laptop.
Nakita ito sa mamang drayber nang siyay pabalik sana sa
siyudad. Binalikan niya kaagad ang dayuhan at isinauli ang
laptop.
Itanong:
1. Kanino ang laptop na naiwan sa taxi?
2. Ano ang ginawa ng drayber ng taxi? Bakit kaya?
3. Anong katangiang ipinakita ng drayber?
B. Panlinang Gawain
Pagsasadula ng bawat pangkat. Kilalanin ng ibang pangkat kung anong
katangian ang ipinakita sa dula-dulaan. Sabihin kung paano ito nakatulong sa
pagpapaunlad ng bansa.
Unang Pangkat: Pagkamatapat at Mapagkatiwalaan
Ikalawang Pangkat: Pagkamatulungin
Ikatlong Pangkat: Pagkamagalang
Ikaapat na Pangkat: Pananalig sa Panginoon
Ikalimang Pangkat: Pagkamasipag at Pagkamatiyaga

Paglalahat
Magbigay ang guro ng mga pamatnubay na tanong upang makabuo ng
mahalagang ideya ang mga mag-aaral.
Inaasashang Ideya:
Maraming katangian ang mga Piipinong minana nila sa mga ninuno at
mga dayuhan.
May mga likas na kanais-nais na ugali ang mga Pilipino na nakakatulong
sa pag-unlad ng pamumuhay.
Paglalapat
Itanong: Para sa inyo, ano ang pinakamahalagang katangian? Ilarawan ito sa
pamamagitan ng pagdrawing.
Takdang Aralin
Pag-aralan ang natalakay na mga leksiyon. Ihanda ang sarili sa pagsusulit
bukas.
Ikalimang Araw
Lingguhang Pagsusulit
A. Panuto: Basahin ang mga pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang katangian ng
mga Pilipino na makikita sa bawat pangungusap.
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.

Kahit nahihirapan, nakangiti pa rin.


Inisa-isa ang pagtutuhog ng maliliit na sigay.
Ginawang duyan ang lumang gulong ng dyip.
Isinauli ang napulot ng pitaka.
Dumalo sa salu-salo ng angkan.
Naniniwalang gagaling siya sa kanyang sakit dahil may awa ang Panginoon.
Ipinagtanggol laban sa mga nananakit na kaklase ang kaibigang sinasaktan.

B. Panuto: Tukuyin kung anong ugaling Pilipino ang ipinakikita sa sumusunod na


sitwasyon.
1. Nagmamadali si atong na pumasok sa eskwela. Ayaw niyang mahuli sa klase.
2. Nakita niya sa daan ang kaklase niyang si Alma.Marami itong dalang aklat.
Mabagal ang paglakad ni Alma. Kahit na nagmamadali si Atong, tinulungan pa rin
siya ni Alma.
3. Nadaanan nila ang ilan pa nilang kaklase. Masaya silang naglalakad at
nagkukuwentuhan.
4. Sa paaralan, naghahanda ang mga bata para sa isang palatuntunan. Aawit ang
pangkat ng mga batang babae. Tutugtog naman ng rondalya ang mga batang
lalaki.
5. Maraming panauhin mula sa Department of Education ang manonood ng
palatuntunan. Naghahanda ang mga mag-aaral at guro sa pagdating ng mga ito.
Nais nilang masiyahan ang mga ito.
C. Panuto: Idrawing ang masayang mukha
malungkot na mukha
kung hindi.

kung ang pangungusap at totoo at

_______1. May katangiang pisikal ang mga Pilipino na minana sa mga ninuno at sa
ibang dumayong dayuhan.
_______2. Mahalagang tanggapin ng mga tao ang isat-isa kahit ano pa ang
pagkakaiba ng anyo nila.
_______3. Likas ng mga Pilipino ang pagkapabaya ng mga gawain sa tahanan.
_______4. Ang mga Pilipino ay hindi madasalin.
_______5. Masipag at matiyaga ang mga Pilipino.

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan III


Ikalawang Markahan

Ikaapat na
Layunin

Naihahambing ang katangian ng kinabibilangang komunidad sa iba pang


komunidad tulad ng likas na yaman, produkto, hanap-buhay at panahanan
Nabibigyang katwiran ang pang-aangkop na ginawa ng mga kasapi sa
kinabibilangang komunidad
Natatalakay ang mga paraan sa pangangalaga ng kapaligiran

Paksang Aralin
A. Paksa: Kapaligiran at Uri ng Komunidad
B. Tema:Ang Pagkakilanlang Kultural ng aking Kinabibilangang Komunidad
C. Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide
D. Mga Kagamitan: mga larawan, manila papers, pentel pens, cartolina strips
E. Konsepto: Ang ating komunidada ay may ibat-ibang kapaligiran
F. Pagpapahalaga: Pangangalaga ng mga likas na yaman Pamaraan

Unang Araw
Layunin: Nakikilala ang mga likas na yaman sa kinabibilangang komunidad
A. Panimula:
1. Pagbabalik tanaw sa nakaraang leksiyon. Itanong:
Ano ang mga mabubuting katangian ng mga Pilipino?

2. Ipakita sa mga bata ang mapa ng Pilipinas. Ipahanap ang tatlong malalaking pulo ng
bansa.
Itanong:
a. Magkatulad kaya ang panahanan ng mga tao sa tatlong pulo?
b. Ano kaya ang mga produkto ng bawat pulo?

B. Panlinang na Gawain
1. Pangkat-pangkatin ang mga bata sa tatlo. Bigyan ang bawat pangkat na gawain.
Unang Pangkat
Panuto: Itapat ang uri ng kapaligiran sa uri ng hanapbuhay sa Luzon.

A. mangingisda

B. empleyado

C. magsasaka

D. minero

E.magtotroso

Ikalawang Pangkat
Panuto: Pag-aralan ang talahanayan. Isulat ang napapansin ninyo
Pulo
Luzon
Visayas
Mindanao
Ikatlong pangkat

Panahanan
Sakahan
Sakahan
Sakahan

Produkto
Palay, tabako
Tubo, hibla
Pinya, palay

Panuto: Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba. Tukuyin ninyo kung saan nakikita ang
bawat isa.

2. Magkakaroon ng pag-uulat ng bawat pangkat.


3. Ipatalakay ang kanilang inuulat. Bigyang diin ang kaibahan ng panahanan at ang
ginawa ng mga tao angkop sa kanyang kapaligiran.
Takdang Aralin: Alamin ang mga pangunahing hanapbuhay sa Luzon, Visayas at
Mindanao.
Ikalawang Araw
Layunin: Naihahambing ang katangian ng kinabibilangang komunidad sa iba pang
komunidad tulad ng likas na yaman, produkto, hanap-buhay at panahanan
A. Panimula
1. Itanong: Ano ang hanapbuhay ng inyong mga magulang?
Isulat ang mga sagot sa pisara. Magkapareho ba ang mga hanapbuhay ng mga
magulang ninyo? Bakit magkapareho? Bakit hindi?
2. Iparinig sa mga bata ang awiting Masdan mo ang Kapaligiran
Itanong: Anoano ang mga katangiang pisikal ng ating pamayanan ang ibinahagi sa
awitin?
B. Panlinang na Gawain:
1. Igrupo ang mga bata sa tatlo.
2. Iparinig sa bawat pangkat ang kani-kanilang mga balita.

Balita 1
Sa pinakahuling tala ng National Disaster
Coordinating Council (NDCC), umabot na sa
dalawang daan at apatnapu na katao ang
nasawi bunsod sa pinsalang dala ng bagyong
Ondoy. Kalahati ng mga ito ay nagmula sa
Metro Manila at ang nalalabi ay sa mga
probinsya sa Rehiyon IV-A kabilang ang Cavite,
Laguna, Batangas, Rizal, at Quezon. Maraming
palay at ibang produkto mula sa sakahan ang
naapektuhan din.

Balita 2

Pagbuga ng abo Mayo 2013

Nagbuga ang Bulkang Mayon


ng abo dakong 8:00 ng umaga
noong Mayo 7, 2013 na
nagdulot ng pagkamatay at
pagkasugat ng ilang mga
dayuhang turista. Maraming
pananim ang naapektuhan.

Red Tide
Umaatake na naman ang red tide sa
mga dagat na nagdulot ng limang patay sa
Metro Manila sanhi sa pagkain ng mga
halamang dagat na apektado sa red tide. Ang

Balita 3

red tide ay dala ng polusyon.

3. Gawain ng bawat pangkat.


Isulat ang ipinahiwatig ng mga balita sa pamamagitan ng pagbuo ng talahanayan.
Likas na Yaman

Komunidad

hanapbuhay

Produkto

Pinsala

4. Tatalakayin ang kanilang gawain


Paglalahat:
Magkapareho ba ang uri ng ating kapaligiran?Anoano ang gagawin ng mga tao upang
mabuhay sa kapaligirang kanyang kinaroroonan?
Ikatlong Araw
Layunin: Nabibigyang katwiran ang pang-aangkop na ginawa ng mga kasapi sa
kinabibilangang komunidad
A. Panimula
1. Balikan ang balitang napakinggan kahapon.
Itanong:
Anu- anong pinsala ang narinig ninyo sa mga balita kahapon?

Anu-ano kaya ang maaari ninyong gagawin upang mahadlangan ang mga
pangyayaring ganoon?
2. Ipakita ang larawan.

3. Itanong:
a. Ano ang kalamidad na ipinakita sa larawan?
b. Anong klima ang ipinakita sa larawan?
c. Ibigay ang dalawang uri ng bansa
d. Anu- ano ang maidudulot sa ganitong kalamidad?
B. Panlinang na Gawain
1. Pangkatin ang mga bata sa tatlo. Bigyan ang bawat pangkat ng gawain.
Unang Pangkat:
Panuto: Sagutinang tanong at buuin ang smart chart
Anu- ano ang hanapbuhay ng mga tao sa ibat-ibang panahon?

KAPALIGIRAN
Klima

Hanapbuhay ng tao
a.

1.. tag-araw

b.
c.
a.

2. tag-ulan

b.
c.

Ikalawang Pangkat:
Angkop sa naturang panahon

KAPALIGIRAN
Panahon

tirahan ng tao
a.

1. madalas daanan ng bagyo

b.
c.
d.

2. maganda ang klima

a.
b.
c.
d.

3.lugar na kulang sa ulan

a.
b.
c.
d.

Ikatlong Pangkat:
Panuto: Sagutinang tanong at buuin ang smart chart
Anu- ano ang hanapbuhay ng mga tao sa ibat-ibang panahon?
.
KAPALIGIRAN
Klima

Kasuotan ng tao
a.

1.. tag-lamig

b.
c.
a.

2. tag-init

b.
c.

2. Hayaang ipaliwanag sa mga bata ang kani-kanilang pangkatang gawain.


Takdang Aralin:
Bilang mag-aaral, ano ang kaya mong gawin upang maiwasan ang bagyo?
Ikaapat na Araw
Layunin: Natatalakay ang mga paraan sa pangangalaga ng kapaligiran
A. Panimula:
1. Itanong: Paano gumawa ng sariling panahanan ang mga Pilipino?
2. Gawain: Gawin mo Ito

Ilarawan ang katangiang pisikal ng


pamayanang tinitirahan mo. Ilahad din ang
pang-angkop na ginagawa sa kapaligiran
upamg mabuhay

B. Panlinang na Gawain
1. Ipakita ang mga larawan na nagpapakita ng tamang gawain.
A

larawan ng bata na nagtapon ng basura sa ilog

batang lalaki na nagtanim ng mga puno

mangingisdang gumamit ng dinamita sa panghuli ng isda

ama ng nag-aayos ng bakod

Batang babaeng nagwawalis sa kalsada

F.

batang babae na nagdidilig ng mga halaman

2. Gawain: Think and Pair


Panuto: Maghanap ng kapareha. Mag-isip ng isang paraan paano mapangalagaan ang
kapaligiran. Idebuho ito sa buong papel.
3. Tumawag ng ilang kapareha upang magpaliwanag ng kanilang gawain.
4. Magkaroon ng talakayan sa klase.
Paglalahat:
Dapat ba nating alagaan ang ating kapaligiran? Bakit?
Anoano ang maaring gawin ng isang mag-aaral katulad mo upang alagaan ang ating
likas na yaman.
Kasunduan:
Palaging alagaan an gating kapaligiran.

Ikalimang Araw
A. Panimula:
1. Balik-aralan ang mga nakaraang leksiyon sa loob ng linggo.
2. Ihanda sa gabata ang mga gamit sa pagsusulit.
B. Pagsusulit : Lingguhang pagsusulit
I. Isulat ang titik ng angkop na hanapbuhay para sa sumusunod na kapaligiran. Isulat
ang sagot sa iyong papel.
1. Kagubatan

A. matotroso

2. kapatagan

B. minero

3. katubigan

C. empleyado

4. kabundokan

D. maninisid ng perlas

5. pamayanang urban

E. magsasak
F. mangingisda

II. Piliin ang bilang ng pangungusap na magagawa ng mamamayan upang


mapangalagaan ang ating kalupaan at katubigan. Isulat sa papek.
______1. Pagtapon ng mga basura kahit saan.
______2. Paglilinis ng mga daan.
______3. Paggawa ng hardin sa bakuran.
______4. Paggamit ng dinamita sa pangingisda.
______5. Pagtanim ng mga puno.

III. Ano ang maari mong gawin sa mga sitwasyon. Isulat sa papel.
1. Napansin mong dumurumi ang tabing dagat ng inyong lugar.
2. Nakita mong maraming mga pinutol na punongkahoy sa bundok na malapit sa inyong
lugar.

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan III


Ikalawang Markahan

Ikalimang
I. Layunin

Naiuugnay ang impluwensya ng kapaligiran sa paghubog ng kinabibilangang


komunidad
a. nakikilala ang ibat-ibang anyong lupa ng bansa
b. nailalarawan ang ibat-ibang anyong lupa
c. nakikilala ang ibat-ibang anyong tubig ng bansa
d. nailalarawan ang ibat-ibang anyong tubig
e. nakikilala ang ibat-ibang uri ng komunidad ayon sa kapaligiran nito
f. nasasabi ang mga paraan sa pangalaga ng kapaligiran

II. Paksang -Aralin:


Ang Kultura ng aming Komunidad
Sanggunian:
K to 12 Curriculum Guide
Kagamitan:

CD ng awiting Kapaligiran
mga larawan ng ibat-ibang anyong lupa
mga larawan ng ibat-ibang anyong tubig

mapa ng Pilipinas
manila papers at cartolina
pentel pens
Pagpapahalaga: Pangangalaga ng mga kalupaan at katubigan
ng bansa
III. Pamamaraan
Unang Araw
Layunin: nakikilala ang ibat-ibang anyong lupa ng bansa
A. Panimula
1. Ipakita ang mapa ng Pilipinas. Ipahanap sa mga bata ang ilan sa mga kilalang
lugar sa ating bansa.
2. Ipakita rin ang mga larawang ito. Isa-isa itong ipatukoy at ipalarawan.

Mayon Volcano

Palawan beach

Maria Cristina Falls

Hundred Islands

Chocolate Hills
Hot Spring
3. Itanong: Ano ang ipinagpapatunay sa mga larawang ito?
B. Paglinang na Gawain
1. Linangin ang mga salita sa tulong ng mga larawan.
Sabihin: Ilagay sa tamang larawan ang bawat sentence strip.
kapatagan
talampas

lambak
bulkan

bulubundukin
burol

2. Pangkat-pangkatin ang mga bata sa pito. Tig-iisang pag-aralan ng bawat


pangkat ang mga anyong lupa sa bansa.
3. Bigyan sila ng limang minuto.
Unang pangkat: Kapatagan
Ang kapatagan ay isang patag na lupaing malaki at malawak. Angkop ang
anyong lupang ito sa pagsasaka at sa paninirahan ng mga tao. Sa kapatagan din
madalas matatagpuan ang mga lungsod dahil mabilis ang paglalakbay rito.
Ang kapatagan ng gitnang Luzon ang itinuturing na pinakamalaking kapatagan
sa Pilipinas. Maraming palay ang inaani sa lugar na ito. Nakapagtatanim din dito ng
tubo, bungang kahoy, mais at iba pang halamang gulay.
Ikalawang Pangkat: Lambak
Ang lambak ay patag na lupa sa pagitan ng mga bundok. Marami ring tao ang
naninirahan sa lambak. Mataba ang lupa rito kayat magandang taniman ng mga
produktong agrikultural.
Ang mga halimbawa ng lambak ay ang Lambak ng Cagayan, Lambak Trinidad,
Lambak ng Marikina at Lambak ng Koronadal. Ang pinakamalaki sa mga ito ay ang
Lambak ng Cagayan.
Ikatlong Pangkat: Bundok
Mataas na anyong lupa ang bundok. Dito matagpuan ang mga kagubatan na
pinagkukunan ng mga troso, mina, halaman at mababangis na hayop. Kakaunti ang
naninirahan sa bundok dahil mahirap ang paglalakbay rito.
Ang mga kilalang bundok sa ating bansa ay ang Apo na siyang pinakamataas na
bundok sa Pilipinas at ang Pulog.
Ikaapat na Pangkat: Bulubundukin
Ang bulubundukin ay dalawa o higit pang mga bundok na pinagkawing-kawing.
Ang pinakamahabang bulubundukin ay ang sierra Madre. Kilala rin ang bulubundukin
ng Cordillera, Caraballo at Zambales. Nasa Luzon ang mga ito.
Ikalimang Pangkat: Burol
Mas mababa ang bundok kaysa burol. Tinutubuan ng makapal na damo at mga
halamang gubat ang burol. Mainam itong pastulan ng kalabaw, baka, at kambing.
Nakapagtatanim din ng mga bungang-kahoy, niyog at kape rito. Ang pinakatanyag na
burol ay ang chocolate Hills sa Bohol.
Ikaanim na Pangkat: Bulkan

Ang bulkan ay isang bundok na may bunganga. dito dumaraan ang kumukulong
putik at bato kapag itoy pumuputok. Halimbawa rito ay ang Bulkang Taal at Pinatubo.
Sa mga bulkan, ang Mayon ang may pinakamagandang hugis. Matatagpuan ito sa
Albay.
Ikapitong Pangkat: Talampas
Sa ibabaw ng bundok ay may patag at malawak na lupa na maaaring tirahan ng
mga tao na tinatawag na talampas. Malamig ang klima rito. Magandang tanian at
alagaan ng hayop ang ganitong lugar. Ang mga kilalang talampas ay ang Lungsod ng
Baguio at ang Lungsod ng Tagaytay.
4. Magkaroon ng pag-uulat ng bawat pangkat.
Takdan Aralin:
Alamin ang iba pang anyong lupa.

Ikalawang Araw
Layunin: nailalarawan ang ibat-ibang anyong lupa
A. Panimula
1. Sabihin kung tama o mali. Gawing tama ang mali.
_______a. Maraming anyong lupa ang matatagpuan sa bansang Pilipinas.
_______b. Nakahahadlang sa pag-uunlad ng bansa ang mga anyong lupa.
_______c. Ang kapatagan ay ginawang himpilan ng barko.
_______d. Ang mga baybayin ay nakakatulong sa pangangalakal.
_______e. Ang mga bulubundukin ay humaharang sa mga barko.
2. Buuin ang talahanayan.
Anyong lupa

Halimbawa

Saan matatagpuan

1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
3.Anoano ang mga anyong lupa ng bansa?
4. Maliban sa anyon lupa, anoano pa ang makikita sa ating kapaligiran?
B. Paglinang na Gawain
1. Ipakita ang mapa ng anyong tubig ng bansa. Ipasuri ito. Pag-aralan ang mga
simbolong ginagamit. Ipaturo sa mga bata sa mapa ang ilang kilalang anyong tubig.

2. Gamitin ang diorama sa pagpapakita ng mga ibat-ibang anyong tubig


samantalang ilarawan ito sa klase.
Larawan ng mga sumusunod:
I.
karagatan
II.
Dagat
III.
Look
IV.
Lawa
V.
Golpo
VI.
Kipot
VII.
Ilog
3. Pangkat-pangkatin ang mga bata sa pito batay sa larawang ipinakita. Bigyan sila
ng paksa tungkol sa kanilang larawan. Nakasulat na ito sa manila paper.
4. Bigyan sila ng tiglimang minuto na mapag-aralan ito.
5. Pag-uulat ng bawat pangkat.
Takdang Aralin:
Ipatala ang mga halimbawa ng bawat anyong tubig.

Ikatlong Araw
Layunin:
a. Nakikilala ang ibat-ibang anyong tubig ng bansa
b. Nailalarawan ang ibat-ibang anyong tubig
A. Panimula;
1. Kilalanin kung anong anyo ang mga sumusunod.
a. look
f. kapatagan
b. burol
g. bulkan
c. bundok
h. talampas
d. ilog
i. lambak
e. dagat
j. ilog
2. Magkaroon ng paligsahang pangkatan.
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang anyong lupa at tubig na inilarawan sa Hanay A
A
____1. Angyong lupa na sumusungaw
sa mga aktibong bulkan
____ 2. Mga bundok na magkakatabi
____ 3. Higit na makitid at mababaw
ito kaysa dagat
____ 4. ang patag at malawak na lupa
sa ibabaw ng bundok
____ 5. Mas mababa kaysa bundok
____ 6. Makitid at mahabang anyong tubig

B
A. look
B. bulkan
C.kipot
D. talampas
E. bulubundukin
F. burol

B. Paglinang na Gawain
1. Ipakita at ipakilala ang mga larawan ng ibat-ibang kapaligiran:

a. sakahan
b. pangisdaan
c. residensyal

d. minahan at kabundukan
e. industriyal

2. Pangkatin ang mga bata sa lima. Bigyan ang bawat pangkat ng tig-iisang
larawan at pag-aralan ito.
3. Itanong:
a. Anong uri ng komunidad ang ipinakita sa larawan?
b. Ano-ano kaya ang hanapbuhay ng mga tao sa ganitong komunidad?
4. Bigyan ang bawat pangkat ng pagkakataong makapag-ulat.
Paglalahat:
Anoano ang mga uri ng komunidad ayon sa kanyang kapaligiran?
Takdang Aralin:
Alamin ang ginagampanan ng mga tao sa bawat komunidad.
Ikaapat na Araw
Layunin:
a. Nakikilala ang ibat-ibang uri ng komunidad ayon sa kapaligiran nito
b. Nasasabi ang mga paraan sa pangalaga ng kapaligiran
A. Panimula
1. Kilalanin kung sino ang gumagawa ng mga sumusunod:
a. Nag-aalaga ng mga hayop
b. nangunguha ng mga ginto
c. gumagawa ng ating kasuotan
d. kumuha ng mga torso sa kabundikan
e. nanghuhuli ng mga isda
2. Ipakita ang mga larawan.
3. Itanong:
a. Sino kaya ang may gawa nito sa ating komunidad?
b. Anoano ang mga bunga nito?
c. May magagawa pa ba tayo para sa ating kapaligiran?
d. Anoano ang dapat nating gagawin upang mapangalagaan natin an gating
kapaligiran at komunidad?

Paglinang na Gawain
1. Iparinig sa klase ang awiting Kapaligiran
2. Tatalakayin ang mensahe ng awitin sa pamamagitan ng mga pamatnubay na tanong
ng guro.
3. Pangkat-pangkatin ang mga bata sa apat.
4. Magtala ang bawat pangkat ng mga paraan sa pangangalaga n gating kapaligiran.
5. Magkaroon ng pag-uulat ng bawat pangkat.

Paglalahat:
Paano natin mapangalagaan ang ating kapaligiran?
Paano natin mapanaitli ang magandang kaayusan ng ating
Pamayanan o komunidad?
Pagsasanay:
Bilang mag-aaral, ano ang maitulong mo upang mapangalagaan mo an gating
kapaligiran?
Kasunduan:
Panatilihing malinis ang ating kapaligiran.
Ikalimang Araw
Lingguhang Pagsusulit
I. Panuto: Ibigay ang wastong uri ng komunidad sa mga sumusunod na kapaligirang
inilarawan. Hanapin ito sa loob ng kahon.

Pamayanang residensyal

pamayanang industriyal

Pamayanang pangisdaan

pamayanang sakahan

Pamayanang minahan

pamayanang sakahan

Pamayanang kabundukan
1. Dito matatagpuan ang mga matitibay na punongkahoy.
2. Sa kapaligirang ito, matatagpuan ang pagawaan at pabrika.
3. Makikita sa pamayanang ito ang mga parke, simbahan at mga bahay.
4. Kukuha tayo ng ginto, tanso at nikel sa pamayanang ito.
5. Pamayanang malapit sa katubigan o mga ilog.
6. Magtatanim sila ng mga palay, niyog, prutas at iba pa.
II. Sabihin kung tama o mali.
______1. May malawak na kagubatan sa Mindanao.
______2. May taniman ng pinya sa Bukidnon.
______3. Nakakakuha ng mga torso sa kagubatan.
______4. Ang pagmimina ay gagawin sa kapatagan.
______5. Ang mga bahay-bahay ay makikita sa pamayanang residensyal.

III. Panuto.Lagyan ng tsek(/) ang tama at ekis (x) kapag mali.


______1. Pagtapon ng basura sa tamang tapunan.
______2. Paggawa ng harden sa bakuran.
______3. Paggamit ng dinamita sa panghuhuli ng isda.
______4. Pagpapatayo ng mga patubig sa mga lugar na walang tubig.
______5. Pag-aalis ng mga bara sa kanal.

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan III


Ikalawang Markahan

Ikaanim na
Unang Linggo
I.
II.

Layunin:
Nasusuri ang pinagmulan at pagbabago ng kultura at tradisyon ng
kinabibilangang komunidad
Paksang Aralin:
Pinagmulan ng mga Tradisyon o Kaugalian na Nagpapakita ng
Pagkakabuklod ng mga Tao sa Isang Komunidad.
Kagamitan:
larawan ng bayanihan, palusong at damayan
larawan ng mga pagdiriwang na panrelihiyon
larawan ng mga pagdiriwang na pansibiko
gawain na nakasulat sa activity card
tsart para sa gawain
Pagpapahalaga:
Pakikiisa at Pakikipagtulungan

III.

Pamamaraan:
Unang Araw
Layunin: Nakikilala ang mga kulturat tradisyon ng kinabibilangang komunidad
A. Panimulang Gawain:
1. Sabihin:
May alam ba kayong mga gawain sa pamayanan na
nagpapakita ng pagkakabuklod ng mga tao.
Ipasabi ang kahulugan ng pagkakabuklod ng mga tao.
B. Panlinang nga Gawain:
1. Linangin ang kaisipang tradisyon sa pamamagitan ng pagpapakita ng
mga halimbawang larawan.
2. Pangkatin ang mga bata sa apat. Magpili ng lider. Bigyan ang bawat
pangkat ng larawan.
Pangkat I:
Larawan ng bayanihan
Pangkat II: Larawan ng palusong
Pangkat III: Larawan ng pista ng bayan
Pangkat IV: Larawan ng Araw ng Kalayaan
3. Ipasuri sa mga bata ang mga larawan. Pag-usapan ang mga ito at
ipasabi ang kahulugan ng tradisyon o kaugalian. Ipasulat sa manila
paper ang kanilang mga kasagutan. Ipaulat ito sa lider.
4. Ipasuring mabuti ang larawan ng bayanihan.
Itanong ang mga sumusunod:
a. Ano ang ipinakikita sa larawan?
b. Ano ang bayanihan?

c. Nagging tradisyon na ba sa inyong komunidad


pagkakaroon ng bayanihan?
d. May kinalaman ba ito sa pagkakabuklod ng mga tao?

ang

5. Talakayin at pag-usapan ang mga kasagutan ng mga bata sa mga


tanong sa itaas.
6. Ganoon din ang paraan ng pagtatalakay ang gagawin sa iba pang mga
larawan.
7. Pangkatin sa apat ang klase. Pagbigyan ang bawat pangkat ng iba
pang traddisyong may kinalaman sa pagkakabuklod ng mga tao bukod
sa natalakay na.
8. Bigyang panahon (5 minuto) ang bawat pangkat na mapag-usapan
ang kanilang ginawa.
Matapos ang itinakdang minuto, pag-ulatin ang tagapag-ulat ng
pangkat.
9. Magpakita ng iba pang larawan tulad ng damayan, palusong, pista ng
bayan, Araw ng Paggawa at iba pa. talakayin at pag-usapan ang
bawat larawan.
Talakayin sa mga bata ang kahalagahan ng mga tradisyon sa isang
pamayanan, lugar o barangay para sa pagkakabuklod ng mga tao.
10. Alamin ang pagpapahalaga ng mga bata tungkol sa pakikipagtulungan
at pakikiisa.
Itanong:
Mahalaga ba para sa iyo ang makipagtulungan at makikiisa? Bakit?
Paano mo ipinakikita ang pakikipagtulungan at pakikiisa sa iyong
kapwa?
Paglalapat:
a. Pangkatin sa apat ang klase. Pag-isipin sila ng tradisyong
maaaring itanghal sa klase. Bigyan sila ng panahong mapagusapan kung paano maipakikita ang pagkakabuklod ng mga
Pilipino sa pamamagitan ng tradisyon.
b. Ituro ang awiting Magagawa Natin sa himig ng We Can Do
Everything Together
Takdang Aralin:
Itala sa kuwaderno kung anong tradisyon mayroon sa inyong pamayanan
o barangay. Ilarawan ito sa pamamagitan ng paglalahad ng kinalaman nito
sa pagkakabuklod.
Ikalawang Araw
Layunin: Nakikilala ang mga kultura at tradisyon ng kinabibilangang komunidad
A. Panimulang Gawain:
Balik Tanaw:
Balik aralan ang kahulugan ng kultura at tradisyon sa pamamagitan ng
mga larawan
Ipinakita kahapon at iba pa.
Pangganyak:
Ipaawait ang Magagawa NatinPagkatapos mag tanong:
Bakit kaya magagawa natin ang lahat ng gawain? Kalian natin magagawa
ang lahat ng gawain?(sagot:kung magtulungtulungan tayo)

B, Panlinanag na Gawain:
1. Ipakita ang mga larawan na nagpapakita ng ibat-ibang kultura at
tradisyon ng bansa.
Ano ano pang tradisyon o kaugaliang Pilipino ang alam ninyo o
natutunan ninyo? Ipakilala ang nasa mga larawan.
2. Isa isang tawagin ang mga bata at ipaulat ang mga tradisyon o
kultura sa pamilya nila.
K.Paglalahat:
Isalaysay at ipaliwanag ng guro ang pinagmulan ng ibat ibang
kultura at tradisyon.
Pagkatapos tumawag ng dalawang batang makapagpaliwanag ng
pinagmulan ng kultura at tradisyon ng mga Pilipino.
D.Paglalapat:
Pangkatin ang mga bata sa lima.
Sa loob ng 10 minuto ang bawat pangkat ay magtalakay ng
isang tradisyon o kultura na palaging nakita o isinagawa sa
sariling komunidad o tahanan nila.at mag isip sila ng paraan sa
pagtanghal nito,Maaring sa pagtula, pag awit, rap, pagsadula o
pagguhit.
Pagkatapos ng 10minuto tawagin ang baway pangkat sa
pagtanghal ng napiling kultura o tradisyon.
Pagkatapos ng pagtatanghal an glider sa bawat pangkat mag
ulat kung saan nagmula ang tradisyon o kulturang ipinakita nila
Pagtataya:
Kilalanin kung anong tradisyon o kultura ang tinutukoy
sa bawat larawan.
( Magpili ang guro ng 4 na larawan sa napaloob sa unang
araw o pag may iba pang larawan ang gurona gamitin)
Kasunduan:
Magtanong sa nakatatanda sa pamilya tungkol sa mga tradisyon
o kultura noon na nagbago na sa kasalukuyan. Isulat ito sa
inyong kwaderno.

Ikatlong Araw
Layunin: Nailalarawan ang ibat-ibang tradisyon ng kinabibilangang komunidad

A. Panlinang na Gawain:
a. Pangganyak:
Anu-ano ang ibat ibang kultura at tradisyon nating mga Pilipino?
Magbigay ng halimbawa.
b. Gawain:
Pangkatin sa apat ang mga bata. Ibigay ang kard ng
Gawain sa bawat pangkat. Ipabasang mabuti ang mga
panuto.
Ang laman ng kard ay ang mga sumusunod:
(Ipasadula)
a. Paghalik/Pagmamano sa mga nakatatanda.
b. Walang tatayo sa hapagkainan kong hindi pa natapos
sa pagkain ang lahat.
c. Pagsuot ng belo/bandana at nakadamit pambabae
(Sunday dress) sa tuwing magsisimba.
d. Lukob-bawal ang pagpapakasal ng dalawang
miyembro ng pamilya sa loob ng isang taon
Pagtatalakay
1. Ano ang nadarama ninyo sa pagsasadulo ng sitwasyon?
Bakit?
2. Anu- ano ba ang mga sinadula ninyo?
3. Ginagawa ba ninyo sa ngayon ang mga kaugaliang iyon?
Bakit?
Pagtalakay tungkol sa ipinakitang pagsasadula.ang pinagmulan at
pagbabago ng kultura at tradisyon
Paglalahat:
Itanong kung anu-ano ang mga naobserbahang pagbabago
sa mga nabanggit na tradisyon at kulturang ipinakita sa
apat na pangkat. (Talakayin ito ng guro)
Paglalapat:
Ibigay sa bawat pangkat ang manila paper na may
larawang nakadikit at ipasulat ang mga pagbabago sa tradisyon
na nasa larawan.
Pagtataya:
Basahing mabuti ang pangngungusap at isulat sa sagutang papel
ang N kung itoy nakasanayan na tradisyon at P kung pagbabago
ang nasa pangungusap.

1.
2.
3.
4.

Paghalik sa pisngi bilang pagbati.


Pagmamano sa mga nakatatanda.
Pagkatapos kumain ay tatayo kaagad.
Pagsuot ng maong na pantalon at maiiksing damit sa pagsimba.

Takdang-Aralin:
Itanong sa inyong mga magulang kung anu-ano ang kanilang
tradisyong namana sa kanilang mga nakakatanda. Isulat sa
isang buong papel.

Ikaapat na Araw
Layunin: Nasasabi ang mga pagbabago ng kultura at tradisyon sa kinabibilangang
komunidad
A. Panimulang Gawain:
Balik-aral:
Ipabigay sa mga bata ang mga napag-aralang kultura at tradisyon.
Pangganyak:
1. Hatiin ang klase sa tatlong pangkat at ipagawa ang mga sumusunod na duladulaan.
Pangkat I:
Ipakita ang pagiging matulungin panahon sa may ikakasal.
Pangkat II: Ipakita ang pagiging mabuting pagtanggap sa panauhin.
Pangkat III: Ipakita ang pagiging pagkamagalang sa mga matatanda.

Ano ang nadarama ninyo sa ginawang pagsasadula?


Ano anong mga kultur at tradisyon ang ipinakita sa bawat pangkat?
Saan nagmula angkultura at tradsyong ipinakita ninyo?
Iba pang tanong:
Kung may nasunugan tayong kapitbahay at tinutulungan ng mga kapitbahay
anong kaugalian ang ipinakita?
Kapag tayo ay may panauhin at pinakakain ng maayos, anong kaugalian ang
ipinakita?
Kapag may masalubong kang matatanda at humalik ka sa kanya, anong
kaugalian ang ipinakita?
Itanong kung paano ipinakita ng mga Pilipino ang pagiging matulungin?
Itanong kung paano ipinakita ng mga Pilipino ang pagiging
matulungin,magalang, at mabuting pagtanggap ng bisita.
B. Panlinang na Gawain:
Itanong: Paano natin ipinakita ang pagpapahalaga ng ating kultura?
Panuto: Buuin ang Venn Diagram. Lagyan ng tamang sagot ang bawat bahagi ng
diagram.

.
E. Paglalahat:
Bakit kailangang ipakita natin ang pagkamatulungin, pagkamagalang, at
mabuting pagtanggap ng bisita?
(Iniaasahang Kasagutan: Kailangang ipakita natin ang pagkamatulungin,
pagkamagalang at mabuting pagtanggap ng bisita dahil ito ay mga magagandang
kaugalian na namana natin sa mga ninuno at dito tayo nakikilala bilang isang Pilipino.)
Pagtataya:
1. Ipagawa muli sa bawat pangkat ang sumusunod na kaganapan:
Ang pagiging magalang
Dumaraan sa pagitan ng mga taong nag-uusap.Ipakita ang dapat gawin na
nagpapakita ng pagkamagalang.
Ang pagiging Matulungin
May nasunugan kayong kapitbahay. Ipakita kung paano ninyo tutulungan ang
inyong nasunugang kapitbahay.
May dumating na mga panauhin sa ating bahay. Ipakita kung paano tanggapin
ang mga bisita.
Takdang- Aralin :
Maguhit o maggupit ng isang larawan na pagpapakita ng kultura at tradisyon ng
mga Pilipino.
Ikalimang Araw
Balik-aral:
Itanong:
1.) Anu-ano ang mga sinaunang kulturang Pilipino na may kaugnayan sa
kaugalian? Sa anong paraan ito maipapakita?
2.) Anu-ano ang mga kulturang pagbabago sa ating bansa sa larangan ng
kaugalian? Sa anong paraan ito maipapakita?
3. Talakayin ang takdang Gawain ng mgabata.
Panlinang ng Gawain:
1. Maglalahad ng mga larawan
- Ipatukoy sa mga bata kung anong katangian ang ipinakikita bawat isa.
Halimbawa:
pagkamagalan
pagiging matulungin
mabuting pagtanggap sa panauhin
pagkahilig sa musika

Pagbubuo ng Hinuha:
Sa anong paraan natin mapapanatili at mapaunlad ang mga kulturang
nabanggit?
1. Ipangkat ang klase sa apat. Bawat pangkat ay bibigyan ng takdang
gawain tungkol sa kulturang may kaugnay sa ugali.
2. Pagpapakitang kilos.
3. Pagbuo ng kaisipan:
Dapat ba nating ipagmalaki at paunlarin ang kulturang Pilipino?
Bakit?
Paglalapat:
- Dahil ang mga ito ay pamana ng ating lahi at ito ay mga bagay ng
pagkakilanlan ng ating pagka Pilipino,
Paano natin maipapakita o maisasagawa ang pagmamalaki at
pangangalaga ng ating mga mabubuting kaugalian?
Ano naman ang gagawin natin sa kultura at tradisyon ng ibang
komunidad?
.
I. Pagtataya: (Pagpapakitang-Kilos ng Bawat Pangkat)
Pangkat 1: (Pagkahilig sa Musika)
Kalagayan: May isang batang humihingi ng pahintulot sa kanyang mga
magulang na sumali sa Ukulele Club.
Pangkat 2: (Pagiging Madasalin)
Kalagayan: Isang ina na nangangaral sa mga anak an palaging magdasal
sa panginoon. Bigyan pansin na gagawa nang mabuti sa kapwa.
Pangkat 3: (Pagiging Matulungin)
Kalagayan: May batang nadapa. Siya ay tinulungan ng kanyang mga
kamag-aral.
Pangkat 4: (Pagiging Masipag)
Kalagayan: May isang batang hinihikayat ng kanyang mga kaibigan na
pumunta sa computer center upang maglaro. Ngunit siyay tumanggi dahil nanaisin pa
niyang umuwi agad upang makatulong sa mga gawaing bahay.

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan III


Ikalawang Markahan

Ikapitong
I. Layunin
Naisaylaysay ang kwento ng mga makasaysayang pook na nagpapakilala sa
kinabibilangang komunidad
II. Paksang Aralin: Mga Makasaysayang Pook na Nagpapakilala sa Kinabibilangang
Komunidad
Sanggunian: K to 12 Curriculum Guide
Konsepto: Ang Pilipinas ay isang maliit na bahagi ng mundo tulad ng iba pang bansa na

makikita sa mapa. Naninirahan sa Pilipinas ang halos lahat ng mga Pilipino. Ang
Pilipina ay binubuo ng tatlong malalaking grupo ng mga pulo ang Luzon,
Visayas, at Mindanao. Likas na maganda ang Pilipinas. Maliban sa mga
magagandang tanawin na makikita dito, may maraming makasaysayang lugar
din na maaring pasyalan. Maraming turista ang pumupunta rito. Nais nilang
makita ang mga makasaysayang lugar natin. Nakapasyal ka na ba sa mga ligar
na ito?
Kagamitan: Mapa ng Pilipinas, Manila papers, larawan, potted plant,
audio player, cd tape, bondpapers, crayons,
Pagpapahalaga: Kailangan na pangangalagaan natin ang ating mga makasaysayang pook.
III. Pamamaraan

Unang Araw
Layunin: Nakikilala ang mga magagandang pook ng kinabibilangang komunidad
A. Panimulang Gawain
1. Pagbabalik-aral
a. Ipabigay ang ibat ibang kaugalian na nagpapakilala bilang Pilipino.
b. Ipatukoy ang ibat ibang tradisyon na ginagawa ng mga Pilipino noon hanggang
ngayon.
2. Pagganyak
Ipakita ang mga larawan sa mga lokal na makasaysayang pook na makikita sa
kinabibilangan komunidad.
Itanong:
Napuntahan na ba ninyo ang mga lugar na ito?
Anu-ano ang ginawa ninyo sa lugar na iyon?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
a. Sabihin: Likas na maganda ang Pilipinas. Maliban sa mga magagandang
tanawin na makikita dito may maraming makasaysayang lugar din na
maaaring pasyalan. Maraming turista ang pumupunta rito.
2. Pagtatalakay
a. Magkaroon ng Travel Show. Ipakita sa mga bata ang video clip, slide show
presentation o larawan ng mga magaganda at makasaysayang pook na
magpapakilala sa kanilang komunidad.
b. Itanong:
Tungkol ano ang video clip, slide show presentation o larawan na inyong
nakita?
Ano-anong mga lugar ang ipinakita sa video clip, slide show presentation o
larawan?
Bakit kaya ang mga lugar na iyon ang piniling ipinakita sa video clip, slide
show presentation o larawan?
(Inaasahang sagot: Dahil sa kagandahang taglay nito at dahil ito ay
makasaysayan at may pamanang kultural sa ating mga Pilipino)
Anong mensahe ang nais iparating ng video clip, slide show presentation o
larawan sa mga manonood?
Bakit ito naging makasaysayan? Ano ang kwento sa likod nito?
Maliban sa mga lugar na ipinakita sa video, anu-anong mga magaganda at
makasaysayang lugar pa kaya mayroon ang Pilipinas?
Saan matatagpuan ang mga ito?
3. Paglalahat

Bakit mo nasabi na ang Pilipinas ay isang maganda at makasaysayang


bansa?
4.

Pagpapahalaga
Paano natin mapanatili ang kagandahan ng mga magagandang tanawin at
makasaysayang lugar ng ating bansa?

C. Takdang Aralin
Iguhit ang lugar sa video clip, slide show presentation o larawan na gusto ninyo
at isalaysay kung akit ito naging makasaysayan.
Ikalawang Araw
Layunin: Nakikilala ang mga magagandang pook ng Luzon, Visayas at Mindanao
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
a. Magdikit ng mga larawan ng mga makasaysayang lugar sa Visayas at
Mindanao sa dingding ng silid-aralan.
b. Dalhin ang mga bata sa isang Carousel Walk paikot sa mga larawan na
nakadikit sa dingding.
c. Itanong:
Alin sa mga larawan ng mga makasaysayang lugar na nakadikit sa dingding ang
napuntahan na ninyo?
Bakit ninyo ito pinuntahan?
Alin sa mga makasaysayang lugar ang gusto ninyong mapuntahan? Bakit?
A. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
a. . Sabihin: Maliban sa Luzon, may mga makasaysayang lugar din sa Visayas
at Mindanao. Bilang mga Pilipino, mahalagang mapangalagaan natin ang mga
makasaysayang lugar ng ating bansa.
2. Pagtatalakay
a. Pangkatin ang mga bata sa walo. Ipasadula sa bawat pangkat ang
makasaysayang lugar sa Visayas at Mindanao na ibinigay sa kanila.
Pangkat 1: Sanduguan-Tagbilaran
Pangkat 2: Himagsikan sa Santa Barbara
Pangkat 3: Pulo ng Mactan
Pangkat 4: Balangiga
Pangkat 5: Kalye ng Kolon
Pangkat 6: Fort Pilar
Pangkat 7: Dambana ng Dapitan
Pangkat 8:Karim Ul-Makdum Mosque
a. Pagkatapos ng pagtatanghal ng bawat pangkat tanungin ang ibang mga
mag-aaral upang mapalawak ang talakayan:
Tungkol saan ang dula?
Saan naganap ang pangyayari na ipanakikita sa dula?
Sino-sino ang mga indibidwal na sangkot sa bawat makasaysayang
pangyayari na ipinakikita?
b. Gabayan ng guro ang mga mag-aaral sa talakayan upang masiguro na tama
ang paglalahad ng mga pangalan, petsa, at lugar sa bawat makasaysayang
lugar at upang maging makabuluhan ang kanilang pag-unawa sa paksang
pinag-aralan.
3. Paglalahat
a. Anu-ano ang mga makasaysayang lugar sa Visayas? Sa Mindanao?
a. Bilang mga Pilipino, ano ang kahalagahan ng bawat makasaysayang lugar sa
atin?

4. Pagpapahalaga
a. Paano natin mapangangalagaan ang mga makasaysayang lugar sa ating
bansa?
B. Takdang Aralin
Itanong sa kanilang mga magulang ang makasaysayang lugar na makikita sa
kanilang barangay/lungsog/lalawigan at ang makasaysayang pangyayari na
naganap dito.
Ikatlong Araw
Layunin: Natutukoy ang mga magagandang pook o pasyalan sa kinabibilangang komunidad
A. Panimulang Gawain
1. Pagbabalik-aral
a. Balik-aralan ang mga makasaysayang lugar na tinalakay sa nakaraang araw.
2. Pagganyak
a. Itanong:
Sa inyong palagay, nakakatuwa ba na ang ating bansa ay nagkaroon ng mga
makasaysayang lugar? Bakit?
Sa anong paraan nakakatulong ang mga ito sa pag-unlad ng ating bansa?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
a. Pangkatin ang mga mag-aaral sa apat (4) na pangkat.. Bigyan ang bawat
pangkat ng tsart na may talaan ng mga makasaysayang lugar sa bansa at mga
puwang ng kanilang kinalalagyan.
b. Hikayatin ang mga mag-aaral na punan ang mga puwang sa tamang lugar kung
saan matatagpuan ang bawat makasaysayang lugar sa bansa.
2. Pagtatalakay
a. Bigyan ng panahon ang bawat pangkat na maiulat ang nilalaman ng kanilang
tsart.
b. Itanong:
Nahirapan ba kayo sa pagtukoy sa tamang kinaroroonan ng bawat
makasaysayang lugar? Bakit?
c. Talakayin ang ibat ibang makasaysayang lugar sa bansa at ang mga
kinaroroonan nito.
3. Paglalahat
a. Itanong:
Batay sa inyong napag-aralan, saan-saang lugar matatagpuan ang mga
makasaysayang lugar sa bansa?
4. Pagpapahalaga
a. Itanong:
Bilang mga mamamayang Pilipino mahalaga bang malaman ang ibat ibang
makasaysayang lugar sa bansa at kung saan ito matatagpuan? Bakit?
C. Takdang Aralin
Magdala ng mapa ng Pilipinas
Ikaapat na Araw
Layunin: Nasasabi ang kahalagahan ng mga magagandang pook o pasyalan ng
kinabibilangang komunidad

A. Panimulang Gawain
1. Pagbabalik-aral
Mga makasaysayang lugar na napag-aralan
2. Pagganyak
Ipaawit uli ang :Biyahe Tayo.
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
a. Sabihin: Makikita sa mapa ang kinaroronan ng lahat ng makasaysayang lugar sa
Pilipinas. Sa tulong ng mapa mas madaling matunton ng mga turista ang
lokasyon ng bawat isa nito.
2. Pagtatalakay
a. Patingnan ang ilalim ng kanilang upuan kung may nakadikit na larawan dito sa
makasaysayang pook.
b. Kung merong larawan, hikayatin sila na idikit ito sa tamang lugar sa mapang
nakapaskil sa pisara at isalaysay kung bakit ito naging makasaysayan.
c. Itanong:
Anu-ano ang mga lugar na nahirapan kayong hanapin? Bakit?
Sa palagay ninyo, may mga paraan ba upang mas madaling matunton ang
kinaroronan ng mga makasaysayang lugar ng bansa?
d. Ipakuha sa mga bata ang mapa na dinala nila.
e. Pangkatin ang mga mag-aaral sa limang (5) pangkat at bigyan ang bawat
pangkat ng flaglets.
f. Sa hudyat ng guro sabay-sabay ang mga mag-aaral na hanapin ang mga lugar
na tinutukoy nito.
g. Itataas ng mga mag-aaral ang kanilang flaglets kung nakita nila ang lugar na
binigkas ng guro.
3. Paglalahat
a. Itanong:
Ano ang dapat gamitin upang ang isang lugar ay madaling matunton?
4. Pagpapahalaga
Bakit ba mahalaga na malaman natin ang kinaroronan ng mga makasaysayang
lugar sa bansa?
C. Takdang Aralin
Sabihin kung bakit mahalagang pangangalagaan ang makasaysayang pook?

Ikalimang Araw
Lingguhang Pagsusulit
A. Panimulang Gawain
1. Pagbabalik-aral
Mga paksang napag-aralan sa pamagitan ng larong Pinoy Henyo.
B. Pagsusulit
A. Tukuyin ang makasaysayang lugar na inilalarawan sa sumusunod na pangungusap.
Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
__________1. Dito idinaos ang pagpupulong ng Kongreso noong panahon
ng himagsikan.
__________2. Natatanging libingan sa Pilipinas na itinayo ng misyonerong
Pransiskano noong 1845.
__________3. Ito ang dambana bilang pag-alala sa mga sundalong Pilipino

at Amerikano na lumaban sa Hapones noong ikalawang


digmaang pandaigdig.
__________4. Dito unang lumaban ang mga Pilipino sa mga Espanol.
__________5. Dito itinapon si Dr.Jose Rizal ng mga Espanol.
__________6. Pinakamatandang kalye sa Pilipinas.
__________7. Dito nilitis si Andres Bonifacio at ang kaniyang kapatid na si
Procopio noong Abril 29, 1897.
__________8. Dito itinayo ang Pacific War Memorial.
__________9. Tirahan ng Pangulo ng Pilipinas.
__________10. Dito ikinulong si Dr. Jose Rizal.
Paalala: Maaring magkaiba ang tanong ayon sa tinalakay na mga kasaysayang pook
sa kinabibilangang komunidad.
C. Takdang Aralin
Gumupit ng mga larawan ng ibat ibang makasaysayang pook sa Luzon, Visayas, at
Mindanao at idikit ito isang drawing book.

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan III


Ikalawang Markahan

Ikawalong
I. Layunin

Nakabubuo ng mga panukala sa mga paraan at pagmamalaki ng kultura ng


kinabibilangang komunidad

II. Paksang Aralin


Paksa :
Panukala sa mga Paraan at Pagnmamalaki ng Kultura ng Kinabibilangang
Komunidad

Sanggunian:
Kagamitan: manila paper, meta strips, mga larawan
Pagpapahalaga:
Pagpapahalaga sa kultura at sining
Pamantayang Pangnilalaman:
Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa impluwensya ng
heograpiya sa pagbuo nga pagkakakilanlang kultural, mayamang
kultura at pamana ng lahing Pilipino
Pamantayan sa Pagganap:
Ang mag-aaral ay nakapagpamalas ng pagmamalaki sa sarili at
mayamang kultura at pamana sa lahing Pilipino at paggalang sa
kultura ng iba
III. Pamaraan
Unang Araw
Layunin: Natutukoy ang mga kultura ng kinabibilangang komunidad
A. Panimulang Gawain
1. Pagganyak
a. Ipabasa o ipaawit ang nakasulat sa tsart:
Kung may pista sa aming bayan
Nagdiriwang bawat tahanan
May letson sa hapag kainan
May gayak pati simbahan.
Paglabas ni Santa Mariang Mahal
Ang lahat ay nagdarasal.
Pista sa aming bayan
Galak nila ay sadyang ganyan
b. Itanong:
Anong tradisyon ang naging paksa sa awit/tula na binasa?
Anu-anong mga kaugalian ang ipinakita sa awit/tula?
Paano karaniwang ipinagdiriwang ang pista ayon sa awit/tula?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
a. Pangkatin ang mga bata sa apat o anim na pangkat. Bigyan ang bawat pangkat
ng tsart na may nakadikit na larawan ng pagdiriwang.
Halimbawa:
Mahal na Araw
Sinulog
Araw ng Kalayaan
United Nations Day
b. Magkaroon ng pangkatang pagsaliksik gamit ang larawang nakadikit sa tsart.
Gawing batayan ang mga nakasulat sa tsart:
Pangalan ng Pagdiriwang
:___________________
Kailan Ipinagdiriwang
:___________________
Bakit Ipinagdiriwang
:___________________
Paano Ipinagdiriwang
:___________________

c. Atasan ang bawat pangkat na pumili ng tagapag-ulat.


2. Pagtalakay
a. Tawagin ang tagapag-ulat ng bawat pangkat at ilahad ang nagawa nilang
pagsasaliksik.
b. Magkaroon ng talakayan sa naging resulta ng pangkatang paglalahad.
c. Talakayin at bigyang diin na ang pagdiriwang ng ibat ibang kaugalian at
tradisyon sa Pilipinas ay nahahati sa dalawa. Ito ay ang pagdiriwang na
panrelihiyon at pagdiriwang na pansibiko.
3. Paglalapat
Sabihin kung ang pagdiriwang na bibigkasin ng guro ay PANRELIHIYON o
PANSIBIKO.
1. Pista
2. Araw ng Kalayaan
3. Ash Wednesday
4. Ramadan
5. People power Revolution
4. Paglalahat
Anu-ano ang ibat ibang pagdiriwang na panrelihiyon at pansibiko ng bansa?
5. Pagpapahalaga
Dapat ba nating ipagmalaki ang ating ibat ibang kaugalian at tradisyon?
6. Pagtataya
Isulat ang tinutukoy na pagdiriwang na panrelihiyon at pansibiko na tinutukoy.
1. Pag-alala sa kaarawan ng patron o santo ng bayan.
2. Pagdiriwang na gaganapin sa Mayo 1.
3. Kaarawan ni Dr. Jose Rizal.
4. Pagdiriwang na ginganap sa Nobyembre 1.
C. Takdang Aralin
Gumupit o gumuhit ng tigdadalawang larawan ng pagdiriwang na panrelihiyon at
pansibiko. Idikit ito sa kuwaderno.
Ikalawang Araw
Layunin: Nakikilala ang mga kulturang panrelihiyon sa kinabibilangang komunidad
A. Panimulang Gawain
1. Pagbabalik-aral
Itanong: Anu-ano ang mga pagdiriwang na panrelihiyon at pansibiko na tinatalakay
natin kahapon?
2. Pagwawasto ng takdang-aralin
3. Pagganyak
a. Magpakita ng video o larawan ng Sinulog sa klase.
b. Itanong:
Sino ang pinahahalagahan sa pagdiriwang na ito?
Bakit ito naiiba sa iba pang pagdiriwang sa bansa?
Ang Sinulog ba ay pagdiriwang na panrelihiyon o pansibiko?
B. Panlinang na Gawain

1. Paglalahad
a. Itanong:
Ano-anong mga pagdiriwang na panrelihiyon pa ang ipinagdiriwang natin sa
bansa, kristiyano o hindi kristiyano?
2. Pagtatalakay
a. Talakayin ang ibat ibang pagdiriwang na panrelihiyon sa bansa.
Halimbawa:
1. Bagong Taon
2. Pasko
3. Pista ng bayan
4. Santacruzan
5. Ramadan
6. Hari-raya Puasa
7. Mahal na Araw
8. Araw ng mga Patay
9. Pista ng Quiapo
10. Ati-atihan
3. Paglalapat
a. Gumawa ng larawan ng isang pamayanan. Ipakita ang pagdiriwang ng isang
tradisyong panrelihiyon.
1. Bumuo ng limang pangkat. Pumili ng lider.
2. Gamit ang ginupit na mga larawan ng simbahan, bahay, plasa, tao, atbp.,
ilarawan/idikit sa manila paper ang isang tradisyong panrelihiyon.
3. Kulayan kung kailangan.
4. Lagyan ng pamagat.
b. Pag-usapan sa klase ang nabuong larawan ng bawat pangkat.
4. Paglalahat
Ano-ano ang ibat ibang pagdiriwang na panrelihiyon ng bansa?
5. Pagpapahalaga
Nakabubuti ba sa ating mga Pilipino ang ibat ibang pagdiriwang na panrelihiyon sa
bansa?

6. Pagtataya
Isulat ang TAMA o MALI sa patlang.
1. Malakas na ingay at pagpapaputok kung bagong taon. _______
2. Napakaraming handa kung pista. _______
3. Paghingi ng kapalit sa mga ibinigay. _______
4. Pangungutang upang makapaghanda sa pista
5. Pagsasakripisyo tuwing mahal na araw
C. Takdang Aralin
Gumupit ng tatlong larawan ng pagdiriwang na pansibiko at idikit ito sa kuwaderno.
Ikatlong Araw
Layunin: Nakabubuo ng mga panukala sa mga pamaraan at pagmamalaki ng kultura ng
kinabibilangang komunidad
A. Panimulang Gawain
1. Pagbabalik-aral

Itanong: Anu-ano ang mga pagdiriwang sa ating bansa? Nakabuti ba ito sa atin?
2. Pagwawasto ng takdang-aralin
3. Pagganyak
a. Itanong:
Ano ang iyong pinakahihintay na araw sa buong taon?
Anong mararamdaman mo kung walang nakaaalala sa araw na iyon?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
a. Magpakita ng larawan ni Dr. Jose Rizal.
b. Sabihin:
Siya ang may-akda sa aklat na Noli Me Tangere. Siya din may ang may
dambana sa Rizal Park.
Sino ang nasa larawan? Kilala nyo ba siya?
2. Pagtalakay
a. Talakayin ang ibat ibang pagdiriwang na pansibiko sa bansa.
Halimbawa:
1. Araw ng Kalayaan
2. Araw ni Jose Rizal
3. Araw ni Andres Bonifacion
4. Araw ng Paggawa
5. Araw ng Nagkakaisang Bansa
6. Araw ng pag-aalaala sa Rebolusyong Edsa
7. Kaarawan ni Manuel L. Quezon
8. Araw ng Kalayaan
9. Atbp.
b. Bigyang pokus sa talakayan ang petsa at mahahalagang pangyayari na naganap
sa bawat pagdiriwang.
3. Paglalapat
Anong pagdiriwang ang gusto mo? Paano mo ito maipagmamalaki?
4. Paglalahat
Anu-ano ang ibat-ibang pagdiriwang na panrelihiyon ng bansa?
5. Pagpapahalaga
Nakabubuti ba sa pag-unlad ng ating bansa ang ibat-ibang pagdiriwang na
pansibiko.
6. Pagtataya
Gumawa ng graphic organizer. Sa mga pagdiriwang, sa ano-anong paraan natin
ito maipagmamalaki.
C. Takdang Aralin
Pangkatin ang mga bata at atasan silang magdala ng mga kagamitan at kasuotan
para sa dula-dulaan.
Unang Pangkat
- pista
Ikalawang Pangkat
-santacruzan
Ikatlong pangkat
-people power revolution
Ikaapat na pangkat
-Araw ng Kalayaan

Ikaapat na Araw

Layunin: Nabibigyang halaga ang mga panukala ng mga pamaraan at pagmamalaki ng mga
kultura ng kinabibilangang komunidad
A. Panimulang Gawain
1. Pagbabalik-aral
2. Pagwawasto ng takdang-aralin
3. Pagganyak
a. Ipaawit sa mga bata ang awiting Ako ay Isang Pamayanan.
b. Itanong:
Ano ang mensaheng nais ipahiwatig ng awitin?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
a. Pangkatin ang mga bata ayon sa pangkat na ibinigay sa takdang aralin.
b. Bigyan ang bawat pangkat ng ilang minuto na mag-ensayo para sa dula-dulaan
na itatanghal nila:
Unang Pangkat
- pista
Ikalawang Pangkat
-santacruzan
Ikatlong pangkat
-people power revolution
Ikaapat na pangkat
-Araw ng Kalayaan
2. Pagtalakay
a. Pagtatanghal ng dula-dulaan.
b. Talakayin ang ibat ibang ipinakikitang kaganapansa dula-dulaan.
c. Bigyang pokus ang mahahalagang naidudulot ng bawat pagdiriwang kagaya ng
pagkakabuklod-buklod ng mga Pilipino at ang negatibong epekto ng mga ito sa
kaunlaran kagaya ng pangungutang ng pera para makapaghanda sa pista.
d. Bigyang halaga din ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino sa mga pagdiriwang na
ito. Sabihin ang paraan upang upang ito ay maipagmamalaki.
3. Paglalahat
Nakabubuti ba o nakakahadlang sa pamumuhay ng mga Pilipino ang
pagdiriwang? Dapat na ito ay ipagmamalaki?

mga

C. Takdang Aralin
Anu-anong tradisyon/pagdiriwang ang ipinagdiriwang ng inyong pamilya taon-taon?
Ikalimang Araw
Lingguhang Pagsusulit
A. Panimulang Gawain
1. Pagbabalik-aral
a. Balik-aralan ang mga leksiyon na napag-aralan sa nakalipas na apat na araw.
2. Pagganyak
a. Ipaawit ang awiting Kun Ikaw ay Masaya.

B. Pagsusulit
A. Isulat ang titik ng tamang sagot sa inyong sulatang papel.
1. Sino ang nakikiisa sa pagdiriwang ng pista?
a. Ang batang maghapong natutulog.
b. Ang batang nagdarasal sa simbahan.

c. Ang batang tumutulong sa paggawa ng banderitas.


2. Aling pagdiriwang ang may kaugnayan sa pag-alaala sa pagsilang kay
Hesukristo?
a. Pista ng Bayan
b. Santacruzan
c. Pasko
3. Bakit mahalagang alalahanin ang ipinagdiriwang tuwing ika-12 ng Hunyo taontaon?
a. Bilang pag-alaala sa Araw ni Rizal
b. Bilang pag-alaala sa Araw ng Kalayaan
c. Bilang pag-alaala sa araw ng Paggawa
4. Pinararangalan kung pista ang _____.
a. Reyna ng pagdiriwang ng pista
b. Mahal na patron ng bayan
c. Pinuno o alkalde ng bayan
5. Ang banal na buwan para sa mga muslim ay ang _____.
a. Hariraya Puasa
b. Mahal na Araw
c. Ramadan
6. Ginugunita natin tuwing ika-12 ng huno ang _____.
a. Kaarawan ni Jose Rizal.
b. Araw ng Kalayaan
c. Ang kaarawan ni Emilio Aguinaldo
7. Sa buwan ng Agosto naman natin ipinagdiriwang ang _____.
a. Kamatayan ni Ramon Magsaysay
b. Kapanganakan ng Birhen Maria
c. Buwan ng Wika
8. Pinakamasaya at pinakamahabang pagdiriwang sa mga Kristiyano ang _____.
a. Bagong Taon
b. Pasko
c. Mahal na Araw
B. Pumili ng isang padiriwang at at maisip kung paano o anong maaring gawin
upang ito ay maipagmamalaki.

C. Takdang Aralin
Gumawa ng album ng ibat ibang pagdiriwang na panrelihiyon at ibat ibang
pagdiriwang na pansibiko.

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan III


Ikalawang Markahan

Ikasiyam Linggo
Layunin

Naipapakita sa ibat-ibang sining ang pagmamalaki sa mga natatanging tradisyon ng


kinabibilangang komunidad
Nakagagawa ng tula, poster, rap o awit at advertisement/patalastas na
nagpapamalas ng pagmamalaki sa mga natatanging tradisyon ng kinabibilangang
komunidad
Nakaguguhit ng larawan na nagpapamalas ng pagmamalaki sa mga natatanging
tradisyon ng kinabibilangang komunidad

Paksang Aralin
A. Pagmamalaki sa mga Natatanging Tradisyon ng Kinabibilangang Komunidad
B. Sanggunian
:Katangiang Pilipino 2 ni Menardo O. Anda, Matapat na
Pilipino 1 ni Grace Estela C. Mateo, Ph. D, et. al
C. Kagamitan
:Puzzle ng mapa ng Pilipinas, Manila papers, larawan,
Audio player, cd tape, bondpapers, crayons
Pamamaraan

Unang Araw
Layunin: Nakikilala ang mga natatanging tradisyon ng kinabibilangang komunidad
A. Panimulang Gawain
1. Pagbabalik-aral
a. Pangkatin ang mga bata sa limang (5) pangkat.
b. Bigyan ang bawat pangkat ng puzzle ng mapa ng Pilipinas na bubuuin.
c. Sa hudyat ng guro, ang bawat pangkat ay mag-uunahan sa pagbuo ng puzzle.
Ang unang pangkat na matatapos sa gawain ang tatanghaling panalo.
d. Itanong:
Ano ang inyong nabuo?
Batay sa mapa anu-anong mga lugar ang makikita sa Luzon? Sa Visayas?
Mindanao?
2. Pagganyak
a. Idikit ang mga larawan sa pisara na nagpapakita sa ibat ibang tradisyon at kultura
ng mga tao sa kinabibilangang komunidad (Hal. Pagdiriwang ng pista, pagmamano
sa nakatatanda atbp.)
b. Itanong:
Anu-ano ang mga ipinakikita sa larawan?
Ito ba ay nakikita/ginawa ninyo sa inyong komunidad?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
b. Sabihin: Ang tradisyon at kultura ay nagsasabi sa ating lahi. Ito ay isa sa mga
batayan na tayo ay isang Pilipino.
Itanong: Masaya ba kayo bilang isang Pilipino?
2. Pagtalakay
c. Pangkatin ang mga bata sa sampu. Papipiliin ang bawat pangkat ng isang
tradisyon na gusto nilang isadula. Bigyan ng panahon upang makapagplano
sa kanilang gagawin. Gabayan ang mga mag-aaral sa kanilang mga
ginagawa.
c. Pagsasadula ng bawat pangkat sa naisip na tradisyon sa kinabibilang

komunidad.
3. Paglalahat
Anu-ano ang mga natataging tradisyon at kultura na ipinakikita sa bawat
Pangkat?
Anong kahalagahan ang naidulot sa ating lahi?
4. Pagpapahalaga
Dapat ba natin pahalagahan ang ating tradisyon at kultura?
C. Takdang Aralin
Gumawa ng album sa mga tradisyon at kultura ng mga Pilipino.
Ikalawang Araw

Layunin: Naipapakita sa ibat-ibang sining ang pagmamalaki sa mga natatanging tradisyon ng


kinabibilangang komunidad
A. Panimulang Gawain
1. Pagwawasto ng takdang aralin
2. Pangganyak
a. Magdikit ng mga larawan ng mga matataging tradisyon sa kina bibilangang
komunidad.
b. Dalhin ang mga bata sa isang Carousel Walk paikot sa mga larawan na
nakadikit sa dingding.
c. Itanong:
Alin sa mga larawan ng mga pamilyar sa inyo? Bakit?
Binigyan na ninyo ng halaga ang mga gawaing ito?
B. Panlinang na Gawain
5. Paglalahad
Bilang isang Pilipino, ipagmamalaki
kinabibilangang komunidad

natin

mga

natatanging

tradisyon

sa

6. Pagtatalakay
a. Pangkatin ang mga bata sa apat. Gawin ang mosunod sa bawat pangkat:
tula, poster, rap o awit at advertisement/patalastas na nagpapamalas ng
pagmamalaki sa mga natatanging tradisyon ng kinabibilangang komunidad
Pangkat 1: tula na nagpapamalas ng pagmamalaki sa mga natatanging
tradisyon ng kinabibilangang komunidad
Pangkat 2: posters na nagpapamalas ng pagmamalaki sa mga natatanging
tradisyon ng kinabibilangang komunidad
Pangkat 3: rap o awit na nagpapamalas ng pagmamalaki sa mga natatanging
tradisyon ng kinabibilangang komunidad
Pangkat 4: advertisement/patalastas na nagpapamalas ng pagmamalaki sa
mga natatanging tradisyon ng kinabibilangang komunidad
Gabayan ng guro ang mga mag-aaral upang masiguro na tama ang gagawin
sa bawat pangkat upang maging makabuluhan ang kanilang pag-unawa sa
paksang pinag-aralan.

b. Pagkatapos ng pagtatanghal ng bawat pangkat tanungin ang ibang mga


mag-aaral upang mapalawak ang talakayan:
Tungkol saan ang tula, poster, rap/awit at patalastas?
7. Paglalahat
a. Ano ang ipnahiwatig na mensahe sa tinatanghal ng bawat pangkat?
8. Pagpapahalaga
Mahalaga ba na ipagmamalaki natin ang mga natatanging tradisyon ng
kinabibilangang komunidad?
C. Takdang Aralin
1. Sa anong paraan mo maipagmalaki ang tradisyon ng mga Pilipino?

Ikatlong Araw
Layunin: Nakagagawa ng tula, poster, rap o awit at advertisement/patalastas na nagpapamalas
ng pagmamalaki sa mga natatanging tradisyon ng kinabibilangang komunidad
A. Panimulang Gawain
1. Pagbabalik-aral
a. Gawin ang Show and Tell sa klase. Maghanda ng isang kahon na may laman
na mga larawan ng tradisyon at kultura ng mga pilipino.
b. Tumawag ng bata upang bumunot ng larawan sa kahon.
2. Pagganyak
Basahin ang tula:

Akoy nagagalak
Akoy nagagalak
Sa mga palakpak
Na aking natanggap
Tuwing akoy nakiusap
Na dapat ipagmalaki
Ang mga tradisyon pinoy
Na isang batayan
At tatak ng ating lahi
a. Itanong:
Ano ang dapat ipagmalaki sa tula? Bakit?
B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
a. Gamit ang graphic organizer na nakadikit sa pisara, sabihin sa mga bata na
isulat sa meta strips ang mga paraan upang maipagmamalaki ang mga
tradisyon ng mga Pilipino.

2.

Pagtatalakay
a. Itanong:
Anong mga paraan ang naisip ninyo? Isa-isahin at mga ito.
Kakayanin ba ninyong gawin ang mga iyon?

3. Paglalahat
a. Itanong:
Anu-ano ang mga katangian ng ating mga makasaysayang lugar?
Bilang mga Pilipino, paano natin maipakikita na ating ipinagmamalaki ang mga
makasaysayang lugar ng ating bansa?
4. Pagpapahalaga
Itanong:
Dapat ba na ipagmamalaki natin ang mga natatanging tradisyon ng
kinabibilangang komunidad?
C. Takdang Aralin
Meron ba tayon tradisyon na hindi kanais-nais? Kung meron man, isalaysay sa
inyong kwaderno.
Ikaapat na Araw
Layunin: Nakaguguhit ng larawan na nagpapamalas ng pagmamalaki sa mga natatanging
tradisyon ng kinabibilangang komunidad
A. Panimulang Gawain:

1.
2.
a.
b.

Pagwawasto ng takdang aralin


Pagganyak
Magpakita ng isang patalastas.
Itanong:
Ano ang layunin ng isang patalastas?

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Sabihin: Mahalaga ba na ipagmamalaki natin ang mga natatanging tradisyon ng
kinabibilangang komunidad?
2. Pagtatalakay
a. Pangkatin ang mga bata sa limang (5) pangkat.
b. Sabihan ang bawat pangkat na iguhit ang larawan na nagpapamalas ng
pagmamalaki sa mga natatanging tradisyon ng kinabibilangang komunidad
c. Bigyan ang bawat pangkat ng sapat na oras na gawin ito.
d. Ipasalaysay sa klase ang mensahe ng kanilang ginagawa.
3. Paglalahat
Ano ang naramdaman ninyo habang ginagawa inyo ang gawain? Bakit?

4. Pagpapahalaga
Bakit hindi natin dapat ikahiya ang ating mga tradisyon at kultura?
C. Takdang Aralin
Humanda para sa pagsusulit bukas.

Ikalimang Araw
Layunin: Lingguhang Pagsusulit
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
Itanong: Ano ang mga paraan upang maipagmamalaki ang mga tradisyon sa
kinabibilangang komunidad?
2. Pagganyak
a. Basahin sabay-sabay ang tula: Akoy Nagagalak
B. Pagsusulit
a. Sabihin kung Tama o Mali ang bawat salaysay.
1. Maaring maipagmamalaki ang mga tradisyon sa ibat ibang paraan.
2. Dapat ipagmamalaki ang mga tradisyon na nagiging tatak sa ating lahi.
3. Maraming masamang naidulot sa atin ang ating mga tradisyon.
4. Simula ngayon kalimutan ko na ang mga tradisyon at kulturang pinoy at gagayahin
ang tradisyon ng ibang bansa.
b. Isulat ang mga paaran upang maipagmamalaki ang mga tradisyon ng mga Pilipino?
Isalaysay ito sa maikli at maliwanag na paraan
C. Takdang Aralin
Maghanda sa mahabang pasulit.

Banghay-Aralin sa Pagtuturo ng Araling Panlipunan III


Ikalawang Markahan

Ikasampung
Quarterly Test

You might also like