You are on page 1of 4

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO (ESP) IV

IKATLONG MARKAHAN

Aralin 1 Kultura ng Ating Lahi, Ating Pahalagahan

I. Layunin: Nakapagpapakita ng kawilihan sa pakikinig o pagbabasa ng mga pamanang


kulturang material ( halimbawa: kuwentong-bayan, awit, laro o libangan,
pagkain, pananamit).

II. Paksa: Pagpapahalaga sa Kulturang Pilipino / EsP4 PPP-IIIa-b-19

Mga Kagamitan:

Pampagtuturo: Malaking mapa ng Pilipinas gawa sa manila paper, mga larawan


ng material na kuturang Pilipino.

Para sa brochure:bond paper, oslo paper o lumang folder na maari pang guhitan
at sulatan, mga gamit sa pagguhit tulad ng lapis, krayola, at ruler.

Para sa Poster: kartolina o lumang poster na maaring gamitin ang likurang


bahagi, pentel pen, mga gamit sa pagguhit tulad ng lapis, krayola at ruler.
Larawan o video na nagpapakita ng kulturang Pilipino, sagutang papel.

Integrasyon: Araling Panlipunan, Filipino, Sining, Edukasyon sa Pagpapalakas ng Katawan,


Edukasyong Pantahanan at Pangkabuhayan, Information and Communication
Technology (ICT).

Pagpapahalaga : Kawilihan sa pamanang kulturang material.


III. Pamamaraan:

Alamin Natin

1. Ganyakin ang mga mag-aaral na pagmasdan ang mapa ng Pilipinas na nasa pisara.

2. Sabihin: “ Pansinin natin ang mga larawan sa palibot ng mapa ng Pilipinas. Ano-ano ito?”

3.Pamantayan :Habang ang guro ay nagsasalita,ano ang dapat ninyong gawin?

4. Itanong:

a. “Ano ang kaugnayan ng mga larawang ito sa Pilipinas?”


b. “ Paano mo ilalarawan ang Pilipinas batay sa mga larawan?”

c. “ Sa paanong paraan pa nakikilala ang isang bansa?”


d. “Ano ang tawag natin sa pamumuhay, mga kaugalian at gawi na natatangi
lamang sa isang pangkat at siyang nagbibigay sa kanila ng pagkakakilanlan?”

Inaasahang sagot: Kultura


Ipaunawa sa mga mag-aaral na tayo ay nakikilala sa pamamagitan ng ating kultura. Sinasaklaw
ng kultura ang ating mga gawi (folkways), kaugalian at paniniwala, mga pagpapahalaga, mga bagay na
sumasagisag sa ating pamumuhay at pagkatao kasama na ang mga gawang-sining. Ang mga sangkap na
ito ang bumubuo sa ating kultura. Maaring magkalap pa mula sa mga mag-aaral ng mga halimbawa ng
gawing naglalarawan sa mga Filipino. Maari ding magpakita ng mga larawan o video na nagpapakita ng
kulturang Pilipino.

5. Pabuksan ang Kagamitan sa Mag-aaral sa pahina ng Aralin 1 Yunit III at ganyakin


ang mga mag-aaral na basahin nang tahimik ang mga talata.

6. Talakayin ang baybayin. Tanungin kung may alam sila tungkol ditto at hayaan
silang magbahagi ng nalalaman ( dulog konstruktibismo). Iproseso ang sagot ng
mga mag-aaral sa mga kaugnay na tanong. Bigyang-diin na ang pagkakaroon ng
maayos na sistema ng pagbasa at pagsulat ng ating mga ninuno ay
nangangahulugan lamang na may maunlad na tayong kabihasnan na hindi
nahuhuli sa mga katabing bansa ng Asya.

Ang baybayin ay binubuo ng labing apat na katinig at mga patinig na a, e/i, o/u na may
pagkakahawig sa mga sinaunang kabihasnan sa Asya. Karaniwang ginagamit ito sa mga ninuno
natin sa paggawa ng liham, tula, o mga awitin o sa pagtatala ukol sa kanilang mga pang-araw-
araw na Gawain. Inuukit nila ang mga baybayin sa kawayan.

Binabasa ang mga ito nang kaliwa papuntang kanan, mula sa unang hanay pababa. Katulad
ito ng paraan ng ating pagbabasa ngayon gamit ang ating alpabeto.

7. Tanungin ang mga mag-aaral kung may iba pa silang alam na patunay ng
pagkakaroon ng kultura at kabihasnan sa Pilipinas noong sinaunang panahon.

8. Pasagutan ang mga tanong at gawain sa Alamin Natin sa Kagamitan ng Mag-aaral


upang matukoy ang lawak ng kaalaman sa kanilang kultura bilang Pilipino.

9. Ipagawa ang pagbubuo ng web na makikita sa Kagamitan ng Mag-aaral. Alamin ang iskor
ng mga mag-aaral at kilalanin ang mga nakakuha ng mataas na iskor. Iproseso ang kanilang
sagot sa mga tanong na nasa Kagamitan ng Mag-aaral. Isa-isang tukuyin ang mga bilang sa
pamamagitan ng pagtatanong sa mga mag-aaral. Halimbawa: “Nakakain ka na ba ng kamatsile?
Alam mo ba ang awit na Sa Ugoy ng Duyan?” Maari ding ipalarawan ang mga salitang nasa
kahon. Kung may aytem na hindi pamilyar sa mag-aaral, halimbawa ang prutas na kamatsile,
maaring magpakita ng larawan nito. Maaari ding magbigay pa ng dagdag na mga salita ang
guro, (halimbawa: mansanitas, tawilis) at itanong kung alam ng mga mag-aaral kung ano ang
tinutukoy ng mga salitang ito.

Pagpapahalaga:

Ano ang nalalaman ninyo tungkol sa pamana ng ating ninuno na


hanggang ngayon ay ginagawa pa natin ?

Paglalapat :

Paano mo maipapakita ang kawilihan sa mga pamanang kultura ng


ating mga ninuno.
IV. Pagtataya Bago tumungo sa Isagawa Natin, tanungin ang mga mag-aaral kung bakit
mahalagang alam natin ang ating kultura. Bigyan ng pagkakataon ang mga mag-
aaral na mapag-isipang mabuti ang kanilang sagot.

 Kung hindi nila agad ito masagot, maaring tanungin ang mga mag-aaral
kung saan maaring maihambing ang kultura.
 Kung hindi ito makuha, maaring ang guro ang magbigay ng analohiya.
Sabihing maaring maihambing ang kultura sa isang mapa. Ito ay
nagsisilbing gabay sa pagpunta sa isang lugar. Gayundin naman, ang
kultura ay nagsisilbing gabay sa pagkilala sa mga Pilipino. Para sa mga
nagnanais na maging bahagi ng lipunang Pilipino, kailangan malaman nila
ang kultura nito.
 Sa huli, dalhin sila sa realisasyon na bilang mga Pilipino, tungkulin nilang
alamin, pagyamanin at palaganapin ang kulturang Pilipino.

V. Takdang Aralin

 Magbigay ng Litrato ng Kulturang ipinapakita ng iba’t-ibang rehiyon ng


Pilipinas at isalaysay sa likod ng litrato kung anong kultura ang ipnapakita
nito.

Inihanda ni:

JONAH E. ESPAÑA
TEACHER III

You might also like