You are on page 1of 8

COMPOSTELA VALLEY STATE COLLEGE

Montevista Branch
Purok 4, San Jose, Montevista, Davao de Oro
School Year 2019-2020
MASUSING BANGHAY ARALIN SA EDUKASYONG PANGKATAWAN IV
First Quarter
April 10, 2021

I. LAYUNIN: Sa pagtatapos ng talakayan ang mga bata ay inaasahang:


1. Nakilala ang kahulugan ng Cardiovascular Endurance sa
pamamagitan ng pagraranas ng larong Batuhang bola.
2. Napapahalagahan ang pakikiisa ng bawat pangkat sa pamamagitan ng
paglalaro ng batuhang bola.
3. Naisasagawa ang mga gawaing nakalilinang ng Cardiovascular
Endurance tulad ng Batuhang bola.
II. PAKSANG ARALIN:
A. Paksa : Batuhang Bola
B. Kagamitan : Powerpoint, Ginusot na papel, chalk,
scotchtape
C. Kowd : PE4PF-1b-h-18
D. Pagpapahalaga : Determinasyon

III. PAMAMARAAN
Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
Mga bata, tayo’y magsitayo para
sa pagdarasal.

____, pumunta ka sa harapan at 1.1) Sa ngalan ng ama, ng anak, at


pangunahan mo ang pagdarasal. ng Espiritu Santo, Amen.

2. Pagbati
2.1) Magandang Umaga mga
2.1) Magandang umaga po ma’am!
Bata!
Magandang umaga classmates!
2.2) Pwede na kayong lahat
Mabuhay!
umupo.
2.2) Salamat ma’am!
3. Pagtala ng liban 3.1) Si ____ po lamang ang
3.1) Kalihim, May lumiban ba lumiban ngayong araw na ito.
sa ating klase ngayong
araw? 3.2) Maliwanag po!
3.2) Sa susunod kung kayo’y
liliban sa klase, sa pag balik
ninyo, dapat may dala
kayong excuse letter.
Maliwanag ba mga bata?

4. Pagsasanay
Ngayon, pumunta kayo sa inyong
mga dating kasama at suriin ninyo
ang pulso ng bawat isa.
4.1) (sinusuri ang pulso)
4.1)Ngayon, suriin ninyo ang
inyong mga pulso.
4.2) (depende ang pagsagot)
4.2)Mabilis ba ang inyong pulso?
4.3)Bakit mabilis?mabagal?
4.3) (depende ang pagsagot)
4.4)Ano ang maitutulong ng mga
4.4) (depende ang pagsagot)
gawaing pisikal para
mapaunlad ang pulso?

5. Balik-aral
5.1) Aerobics
5.1) Ano nga ba ang tinalakay
natin kahapon?
5.2)
5.2) Ano ba ang aerobics?

5.3) Sige nga gumawa kayo ng


Aerobics at pagkatapos i-
check muli ang inyong
pulso.
5.4) Bumilis ba ang tibok ng
iyong pulso pagkatapos ng 5.4) (depende ang pagsagot)
aerobics?
5.5) Ano ang iyong
nararamdaman pagkatapos
ng aerobics?
5.5) – Hinihingal
- Pinagpawisan
5.6) Ano ang ibig sabihin kapag - Bumilis ang tibok ng puso
bumilis ang tibok ng iyong
puso? 5.6) (Depende ang pagsagot)
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
1.1) Mga bata may ipapakita ako sa 1.1) Soccer ball
inyo na mga litrato Basketball
- Litrato ng iba’t ibang bola Baseball
- Softballs Water ball
Soft balls na ginagamit sa mga
magicians

2. Paghahawan ng Balakid
2.1) Determinasyon – ang paggawa
sa isang bagay nang matagumpay
na walang halong pag aalinlangan.
Ito ay ang pagkakaroon ng tiwala
sa sarili na magagawang
malampasan ang kahit na ano. 
2.2) Diskarte – binubuo ng isang serye
ng taktika na kung saan ay mas
tiyak na mga hakbang upang
makamit ang isa o higit pang mga
layunin.

3. Presentasyon
3.1) Ang larong batuhang bola ay
isang larong pinoy na hango sa
Amerikanong laro na Dodgeball.
3.2) Ito ay nangangailangan ng
dalawang grupo kung saan ang
isang grupo ang tagataya at ang isa
naman ay ang tagaiwas o target ng
bolang ibabato ng mga tagataya. Sa
paglalaro ng batuhang bola,
nangangailangan ng diskarte at
pagkakaisa ng pangkat.

3.3) Ang pakikilahok sa mga larong


Pinoy tulad ng batuhang bola ay
mainam na paraan upang
mapaunlad ang tatag ng kalamnan
(cardiovascular endurance) at
power. Ang target na ito ay
makatutulong nang malaki sa
pagpapaunlad ng mga nabanggit na
sangkap (component) ng physical
fitness. Ang pagtakbo at pag-iwas
sa bola ay nangangailangan ng
tatag ng kalamnan (cardiovascular
endurance) habang ang pagbato
pati na ang pagtakbo ay
nangangailangan ng power. Dahil
ang parehong posisyon (tagataya at
tagaiwas) ay gagampanan ng bawat
pangkat, makabubuti ang larong
batuhang bola para sa
pagpapaunlad ng tatag ng iyong
kalamnan (cardiovascular
endurance) at power.

Paraan ng paglalaro:
1. Gumawa ng dalawang guhit na may
kalayuan sa isa’t isa. Magmanuhan ang
lider ng bawat pangkat. Ang nanalo ay
pipili kung magiging unang tagataya o
tagaiwas.
2. Hatiin sa dalawa ang grupong tagataya
na siyang babato sa tagaiwas. Ang
tagaiwas ay tatayo sa gitna ng palaruan
sa pagitan ng dalawang guhit.
3. Ang bawat tamaan ng bola ay “out”
na. Maaaring buhayin ulit ang isang
tagaiwas upang makabalik sa laro at
magkakaroon ng isang puntos kung
masasalo ng ka-miyembro ang bolang
binato.
4. Kapag isa na lamang ang natitira sa
gitna, kailangang tamaan ito sa loob ng
tatlo hanggang limang direktang pagbato.
Kung hindi ito nagawa, mabubuhay ang
lahat ng kamiyembro na “out.” Kung
nataya naman, magpapalit ng posisyon
ang magkabilang pangkat at uulitin ang
paraan ng paglalaro.
5. Ang bawat yugto ng laro ay
magtatagal ng apat hanggang limang
minuto.
6. Kung sa loob ng apat hanggang
limang minuto ay hindi lang isang
tagaiwas ang natitira, ang bilang ng
natamaang miyembro ang bibilangin. Ang
pangkat na may pinakamaraming
miyembro ang napatamaan sa loob ng
apat hanggang limang minuto ang
siyang panalo.

Ito ang mga kagamitan:


Malambot na bola o ginusot na
papel na binilog/lumang medyas na
pinagsama-sama at ang chalk. 4.1) -Pagkaroon ng pagkakaisa
-Walang dayaan
4. Pamantayan ng pagtatakda -Walang awayan
4.1) Ano ba ang gagawin kapag -Batiin ng masayang pagbati
tayo ay maglalaro? ang nanalo at hindi magagalit
kapag hindi nanalo
-Sumubok muli sa susunod na
laro.

5. Gawain
Panuto: Sumulat kayo ng isang
laro na may kaugnayan sa
pagpalakas ng inyong puso at
baga. Ilagay din ang mekaniko ng
inyong laro sa pamamagitan ng
pangungusap. Bibigyan ko kayo
ng 10 minuto para ito’y matapos.

Gramatika at mekaniko – 5 pts.


Kumpletong impormasyon – 5 pts.

6.1) Batuhang bola!


6. Pagsusuri
6.1) Ano nga ba ang tawag sa laro na
hinango sa Amerikanong laro na 6.2) Dalawa
dodge ball?
6.2) Ilang grupo ang kailangan sa 6.3) Tagaiwas at tagataya
larong batuhang bola?
6.3) Anong tawag sa dalawang grupo 6.4) Sa paglalaro ng batuhang
na lumahok sa batuhang bola? bola, nangangailangan ng
6.4) Sino ang makapagpaliwanag diskarte at pagkakaisa ng
kung paano laruin ang batuhang pangkat.
bola?

7. Pagtatalakay
7.1)

8. Paglalapat

8.1) Hatiin ko kayo sa dalawang


pangkat. Ang bawat lider ng grupo
ay magmanuhan.
8.2) Ang unang pangkat ang
nanalo sa manuhan. Anong gusto
ninyo, maging tagaiwas o
tagataya?
8.3) Ang unang pangkat ang
maging tagataya at ang ikalawang
pangkat naman ang maging 8.4) Handa na!
tagaiwas.
8.4) Handa na ba kayo?
8.5) Simulan na ninyo ang
paglalaro.
8.6) Ang grupo na mananalo ay
bibigyan ko ng 20pts.
8.7) Ang nanalo ay ang Unang
pangkat! Bigyan natin ng
masigarbong palakpak ------------

--------------------
7.2)Ano-anong mga bahagi ng iyong 7.2) Paa
katawan ang higit na nagagamit sa
paglalaro ng batuhang bola? Kamay
7.3)Ano ang pakiramdam mo habang
naglalaro at pagkatapos maglaro?
7.3) Nasisiyahan
Napagod
ExciteD
7.4)Bumilis ba ang pintig o tibok ng 7.4) Oo
iyong puso?
7.5)Kung madalas mo ba itong 7.5) ____: Ano po ang
lalaruin, mapapaunlad mo ba ang Cardiovascular Endurance
iyong Cardiovascular Endurance? ma’am?
7.6) Ang cardiovascular
exercise ay mga ehersisyo na
nagpapatibay sa ating puso.
Nakakapagbawas din ito ng
timbang. Ang mga ehersisyong
ito ay tinatawag din na aerobic
exercise dahil and  mga eto ay
nagpapabilis ng tibok ng ating
puso at tumutulong upang mas
maging epektibo ang daloy ang
ating dugo sa katawan. Ilan sa
mga halimbawa nito ay ang
paglalakad, pagjojogging,
pagbibisseklita at
pagtakbo. Mas maigi kung
ang ehersisyo ay ginagawa
ng 30 minutos sa isang araw.

7.7)Sa kabila ng Cardiovascular 7.7) _____: Nakakatulong po ang


Endurance, ano ba ang naitutulong batuhang bola sa aking mental
ng Batuhang bola sa inyong mental na kalusugan sa pamamagitan
na kalusugan? ng pagtanggal ng pagot at
nakakawala ng antok.

Kumuha na kayo ng isang sangkapat na papel na pahaba.


Panuto: Basahin ng mabuti ang mga tanong. Isulat sa patlang ang mga tamang
sagot. May sampung minuto kayo para matapos ang gawain

__________1. Ang pagtakbo at pag-iwas sa bola ay nangangailangan ng


________.
__________2. Ito ay mainam na paraan upang mapaunlad ang tatag ng kalamnan
(cardiovascular endurance) at power.
__________3. Sila ang tatama ng bola sa kanilang mga katunggali.
__________4. Sila ang tinatamaan ng bila sa kanilang mga katunggali.
__________5. Pinatatag ng batohang bola sa pamamagitan ng pagtakbo at pag-
iwas ang _____________.
__________6. Kinakailangan ang __________ upang makahagis at makatakbo ng
mabilis ang isang manlalaro.
__________7. Ito ay ginagamit na pangguhit upang may kalayuan ang bawat isa.
__________8. Ang larong batuhang bola ay hango sa Amerikanong laro na
_______.
__________9. Ilang grupo ang kailangan sa larong batuhang bola?
__________10. Ito ay kinakailangan para mas madaling matamaan ang katunggali o
makaiwas sa bola.

Tapos na? sige ipasa ang papel sa harapan.

IV. Takdang Aralin


Panuto: Gumawa kayo ng video na naglalaro ng kahit anong laro na nakaugnay sa
cardiovascular Endurance kasama ang inyong pamilya.

Inihanda ni:
Joan M. Mariblanca
Pre-service Teacher

Iniwasto ni:
Niño Jan G. Olaivar
Cooperating Teacher

You might also like