You are on page 1of 5

FRATERNITY DAPAT BANG PASUKIN?

Isang popular na tanung ng mga kabataan mula noong dekada sisenta hangang sa
kasalukuyang bagong milenyo…

OKAY LANG BANG PASUKIN ANG FRAT?

May nagsasabing HINDI, mayroon naman nagsasabi ng OO

Marami ng debate ang itinayo may nanalo sa panig ng HINDI may nanalo narin sa panig ng
OO…

Pero ang katanungan ay wala paring diretsong kasagutan. Maaring sinasabi sa inyo sa TV o radio
na dapat huwag natin itong aniban ngunit sa totoong mundo na iyong ginagalawan, alam naman
nating nariyan ang malakas na impluwensyang kukumbinsi sa ating itoy salihan.

Kung tutuusin wala naman sanang issue ang FRATERNITY kung hindi lang naging
controversial ang tinatawag nilang HAZING isang uri ng pagsubok o initiation na dapat mong
pagdaanan upang maging official kang miyembro o kapatid ng organisasyon.

Naging issue ang HAZING nung nasangkot na ang BUHAY!

Hindi lingid sa ating kaalaman na may mga binawiaan na ng buhay dahil sa HAZING dito
naging controversial at marahil nabuo ang malaking tanung na dapat ba itong aniban.

Ang sagot sa tanung ng pamagat ng artikulong ito ay sa pamamagitan ng tanung na

BAKIT?

Oo yan ang sagot sa tanung na DAPAT BANG PASUKIN ANG FRAT?


Bakit ka sasali ano ang iyong layunin?
Alammin mong mabuti at maging malinaw sa iyong sarili ang sagot sa tanung na BAKIT???

Kung ang layunin mo ay dahil sa mga bagay na pang-laman or materialistikong intentsyon tulad
ng pagkakaroon ng oppurtunidad na makapang-babae, impluwensya sa ibat-ibang bagay o di
kaya ay kapangyarihan para katakutan ng ibang tao…Kung ito lang ang layuinin mo, ang
masasabi ko ay huwag mo na sanang tangkaing pasukin ang samahang binabalak mong salihan.
Labas na tayo kung malalampasan mo ang mga initiation, pagsubok o hazing ng may buhay ka
pa ang inaalala ko ay baka maging isang uri ka ng taong over-dependent sa kapangyarihan ng iba
at mawala ang iyong tiwala at pananalig sa sarili at sa itaas. Tandaan mo na ang taong laging
nanghihiram ng lakas sa kanyang posisyon o istado ay mahina, yun ang inaalala ko sa iyo baka
akala mo malakas ka dahil sa panlabas mukha kang maimpluwensya ngunit sa loob mo ikaw pala
ay mahina lalo na kung iwanan ka na ng iyong FRAT.

Kapag ang layunin mo naman kaya gusto mo sumali sa isang FRAT ay dahil alam mo na
magkapareho kayo ng hilig o layunin sa buhay, gustong mapaligiran ng taong may kaparehong
hilig o panniniwala halimbawa ang kapatirang sasalihan ay samahan upang labanan ang polution
at ang layuning ito ay iyong totoong isinasapuso at inaayunan, para sa akin wala akong
nakikitang masama para itoy iyong salihan.

May mga FRAT na nabuo dahil mayroon silang makabuluhang ibinubuhay o ipinaglalaban at
may FRAT namang sumibol lang dahil gustong bumuo ng pwersa upang gamitin sa pang-aabuso
at ang samahang ito para sa aking sariling opinion ay dapat iwasan. Hindi dahil masama ang
kapangyarihan kundi dahil imbis na gawin kang tunay na malakas ay gagawin kang mahina.

Tungkol sa pagsubok, initiation o HAZING na pinatutupad sa bawat samahan bago maging isang
tunay na kaanib ay sa inyo ko na iniiwan ang desisyon, tignan at suriin ninyo mabuti kung
makatuwiran ba ang pagsubok na iyon, ano ang idudulot o idadag-dag ng pagsubok na ito kung
iyong mapagtagumpayan o baka naman tuturuan ka lamang ng pagsubok na ito para mag-
higanti….

Tandaan ang salitang FRATERNITY O BROTHERHOOD sa salitang tagalog ay KAPATIRAN


o pwede ring sabihin kamag-anak at sa tingin mo ba ang pagsubok na ipapagawa sa iyo ay isang
makabuluhang gawain na maipapagawa mo sa iyong sariling kapatid o kamag-anak?
Kapatiran o Kamatayan
September 30, 2019 by PINAS

HANDANG dumanas ng hirap, sakit at kahihiyan ang marami sa ating mga kabataan
sa pamamagitan ng hazing sa pag-asang ito ang magiging susi para sa isang
magandang samahan, kapatiran ng fraternity, sorority at iba pang organisasyon.

Tradisyon na maituturing sa marami sa mga samahan dito man sa Pilipinas at ibang


bansa na bago pa mapabilang ang isang neophyte o bagong miyembro ay kailangan
dumaan muna sa hazing rites upang patunayan na karapat dapat ito.

Handa silang sumailalim sa ritual ng hazing lalo na kung ang kapalit nito ay ang
pagiging miyembro sa isang organisasyon, institusyon, fraternity at iba pang samahan
na makapagbibigay ng magandang kinabukasan at koneksiyon sa kanila sa hinaharap.

Kabilang na sa hazing ritual ang pisikal at psychological abuse.

Halimbawa dito ang paggamit ng paddle para paluin sa iba’t ibang bahagi ng katawan
ang isang neophyte na minsan ay nauuwi na sa torture.

May pagkakataon pa na nauuwi sa sexual abuse, nudity at iba pang paraan ng


nakapagpababa ng dangal ng pagkatao dahil naniniwala ang mga samahan na ang
hazing ay isang paraan upang mapalakas ang samahan ng grupo dahil sa mga hirap na
pinagdaraanan ng mga miyembro bago ito opisyal na mabapilang sa samahan.

Madali mang maghilum ang mga sugat mula sa hazing, ang psychological effects nito
pagkatapos ng mga hirap na naranasan ay dala-dala ng indibidwal buong buhay nito
aminin man nila o hindi.

Sa nakalipas na taon mas tumitindi ang mga paraan ng paghihirap sa hazing.

Gaya nga ng isang opisyal ng pamahalaan na nainterview noon sa telebisyon na noong


panahon niya kapag sila na ang magsasagawa ng hazing ay mas lalo nilang
pahihirapan ang mga baguhan para makabawi sa mga paghihirap na naranasan nila.
Pero kung nauuwi na sa aksidente at kamatayan ang mga hazing rituals, bakit
kailangan pa itong ipagpatuloy gayong malinaw na walang kabuluhan ang
ginagawang pasakit dito dahil hindi naman ito sukatan ng tunay na kapatiran sa
samahan.

Napaulat din na isa sa dahilan kung bakit mas lumalala ang mga ginagawa sa hazing
dahil sa gumagamit ang iba dito ng alcohol at ipinagbabawal na droga.

Dalawang taon na ang nakalilipas nang mapaulat ang walang katuturang kamatayan
ng 22 taong gulang na law student na si Horacio “Atio” Castillo III dahil sa hazing.

Dahil sa nangyari kay Castillo nagsagawa ng congressional hearing na nauwi sa


pagpasa sa Republic Act 11053 o the Anti-Hazing Act of 2018 para amyendahan ang
Republic Act 8049 na nagsasaad ng mas mabigat na kaparusahan sa mga nasasangkot
sa pagpatay dahil sa hazing.

Inakala ng maramai sa atin na si Castillo na ang huling buhay na masasayang nang


dahil sa walang kwentang rites of passage ng mga samahan pero muling nabuhay ang
usapin ng hazing dahil sa panibagong insidente.

Nangyari ang pinakabagong insidente ng pagkamatay dahil sa hazing sa loob ng


Philippine Military Academy.

Nasawi si Fourth-Class Cadet Darwin Dormitorio dahil sa matinding pagdurugo ng


kaniyang internal organ dulot ng hazing.

Tatlong kadete ng PMA ang itinuturing na person of interest na posibleng kasuhan ng


C at iba pang patong-patong na kaso.

Posible ring kasuhan ng administrative case ang iba pang kadete na may kinalaman sa
hazing at paalisin sa PMA.

Ilan pa bang buhay ng mga kabataan ang masasayang ng dahil sa walang kwentang
hazing?

Ano ba ang magandang magiging resulta nito?


Maghuhubog ba ito ng magandang karakter ng isang tao o magiging daan lamang
upang maging halang ang kaluluwa ng mga nakakalagpas dito sa pag-asang darating
ang panahon na makakabawi sila sa mga susunod na mga baguhang sila naman ang
magpapahirap?

Ang mga institusyon gaya ng PMA ay siyang humuhubog ng mga future leaders ng
bansa na magtatanggol sa kapakanan ng bayan at hindi mga kriminal at mamamatay
tao.

Naway si Dormitorio na ang huling biktima ng hazing at managot ang mga nasa likod
ng kaniyang pagkamatay.

You might also like