You are on page 1of 3

Aaron Maglanque 10 - C

Martin Lontoc

Spoken Poetry

M. Karapatang pantao, ay tumutukoy sa kalayaan


Sa pagsasalita sa kalayaang mamuhay ng payapa.
Ngunit, ito ba ay nararanasan ng lahat,
o tayo lang mga tao na may kaya sa mata nila ang nararapat.

A. Tayo ay kanilang binubulang sa katotohanan,


katotohang di lahat ng tao ay nararanasan,
na minsan buhay na kapalit.
Dahil sa matinding pananakit.

M. Daan daang tao ang nawalan ng kalayaan.


Animo’y magsasaka na nag aani ng kanyang palayan.
Buhay ay nahihiwatig sa halaman na hinugot sa paso
Sa aki’y palaisipin, ipinanganak ba sila na walang puso

Ang kapangyarihan na ipinagkaloob sa kanila.


Ay di na nagagamit sa tama.
Na di lahat ay nabibigyan ng chansa magsalita.
Sa takot na kanilang buhay, at kalayaan ay mawala

A. Patay doon huli dito sila ba’y binigyang pag asang maipagtanggol.
O Sinsabi lang nila yun upang mapanatiliin silang tawaging tol.
Parang visual effect lang yan, nang victor magtanggol.
Pinipilit ang bagay na di nagtutugma sa katotohanan.
O ito’y pamamaraan lamang upang mapakita sa mamayanan na sila ay nagawa.
Parang sa media minsan ay mema.
Mema ma post mema sabi lang na may nangyayaring tama.
Ngunit ano nga ba nangyayari sa bayan.
Nalason na ba tayo mga kababayan?
Sawang sawa na ako sa inyong mga sinasabi paulit ulit nalang ang istorya.
Ngunit ano ba ang magagawa kung ito ay tapos na.

M. Hahayaan nalang ba natin sila na gawin ito paulit ulit.


Tila mga pangarap nang iba’y nawawala na’t napupunit.
Na parang papel, parang papel na ginto.
Na nagsisimbulo nang pawis at dugo.

A. Di ba nila nakita kung saan ng galing si tol.


Baka naglaro lang naman siya basketball.
O kumain lang siya sa karindira ni aling nena.
Teka teka, isa na naman ba itong mema.

A/M. Buksan mo ang iyong bibig


lumaban ka.
Dahil ikaw/, ikaw lamang.
Ang makakapagbago sa iyong bayan
na puno ng kabalastugan,
na sumisira sa buhay nang nakararamihan

M. Ikaw lamang ang magiging simula,


sa tunay na pagbababago na pariguradong.
Simoy ng hangin ng pagasa.
Ay makakamit nang bawat isa.

A. Ikaw lamang ang magiging wakas,


wakas sa problema nang ating bayan.
Problemang ng pangkahalatan.
Kaya’t Halika na’t tayo ay lumaban,
para sa ating kalayaan
A. Isang puso.
M. Isang pangako.
A. Isang buhay.
M. Kaya’t sama sama na tayo,
Patungo sa kalayaan nang ating buhay

M. Kaya’t wag kang matatakot.


Dahil ang iyong ipinglalaban, ay ang katotohanan.
Katotohanan, na magsisilbing patunay na
tayo ay may karapatan

Na tayo ay may boses na nagsisilbing.


Susi sa kinabukasang inaasam.
Susi na magiging daan.
Sa pag asa nang bayan.

A. Kaya’t wag kang mang hinayang


at patuloy na lumaban.
Dahil ang karapatan mong mabuhay,
ay karapatan na dapat meron ang lahat.

Ngunit may isang tanong na paulit ulit na dumadaloy saking isip.


At kun sasagutin mo ito ay sana hindi ka nananaginip.
At napapakanta nang kathang isip.
Pasensya ka na sa mga kathang isip kung ito.

Pasensya puro na pasesenya, di na ba sila nag sasawa?


O sadyang wala lang silang awa.
Teka, oo nga pala ang tanong ko’y.
Ipaglalaban mo ba talaga?

You might also like