You are on page 1of 3

TERORISMO

Angela Nicole O. Nobleta

Sa kabuuan ng ating kasaysayan, isa sa masasabing suliranin ng ating lipunan ang


Terorismo. Bagamat nasa kalingkingan lamang ng kabuuang problema natin, nariyan ang
kaguluhan, himagsikan, Pilipino laban sa kapwa Pilipino ̶ mga epektong dulot nito na
tiyak na humahadalang sa ating kaunlaran. Ano nga ba ang dapat nating gawin? Humayo
kayo at makinig at aking ibabahagi ang sa-isipan ko ukol sa paksang ito na maaaring
maging kontribusyon sa pag-unlad.

Una sa lahat, ang puno’t dulo nito ay ang kawalan ng kabuhayan. Ang taong
walang maipakain sa kanyang pamilya ay gagawin ang lahat nang sa gayo’y guminhawa
ang kanilang buhay. Abu Sayaff, NPA, Maute, CPP, NDA, NDF, Ang kawalan ng
hanapbuhay at oportunidad ay maaaring nag-udyok sa kanila upang kumapit sa patalim
dahil hindi masikmura na nakikita ang kanyang mahal sa buhay na umiiyak dahil sa
gutom, walang maipabaon kaya’t tumitigil sa pag-aaral. Edukasyon panlahat ay dapat
isulong. Sapat na edukasyon ang kailangan upang mabigyan ng sapat na galing at talino
upang magkaroon ng magandang trabaho. Libreng edukasyon mula primarya hanggang
tersyarya handog ng RA 10931 o Universal Access to Quality Tertiary Education sa
pamamagitan ng pagbibigay ng libreng matrikula sa mga SUCs ngunit masasabing may
kakulangan pa din ̶ kaguruan, silid-aralan, pasilidad, at iba pa. Mayroon ngang mga
scholarship at tulong pampinansyal tulad ng 4ps tila napupunta naman sa mga may kaya
sa buhay. Tungkulin din ng gobyerno na bigyang oportunidad na makapagtrabaho ang
mga mamamayan sa pamamagitan ng paghikayat sa mga negosyante Pilipino man o
dayuhan na mamuhunan upang makapagpalaganap ng trabaho. Pagsulong sa produktong
Pilipino upang makipagsabayan sa mga bansang tulad ng China, Japan, at Korea.
Kaakibat din ng pag-unlad ay ang pag-unlad sa siyensya, paglikha o pag-imbento.
Kinakailangang tustusan ang mga siyentipiko upang maipakita ang galing sa mundo
(isigaw mo #galingnatinito). Kanilang likha ay ipa-patent nang sa gayo’y di manakaw at
pagkakitaan ng dayuhan. Ang pagkakaiba ̶ Kristyano at Muslim ay hindi rin hadlang. Iba
man ang paniniwala, hindi ito dahilan ng hindi pagkakaunawaan at pagkakaisa. Iisa lang
ang ating lahi, iisa lang ating lipi, bakit di pagmamahal ang ialay mo sabi nga ni Regine
Velasquez-Alcasid. Kooperasyon at pagtutulunan ang siyang kailangan, sino pa nga ba
ang magtutulungan kundi tayo. Trabaho rin nilang aksyunan ang pag-recruit sa mga
kolehiyo ng mga rebelde sapagkat maaaring maimpluwensiyahan ng mga ito ang
kanilang pag-iisip tungo sa mali na maaaring magdulot ng pag-aaklas o kudeta. Mayroon
namang tamang paraan o due process kung mayroon mang hinaing laban sa gobyerno.
Upang makamit itong lahat, kailangan natin ng mga lider na mataas ang integridad,
malakas ang determinasyon, matapang at hindi takot na lumangoy laban sa agos ng
kasamaan at katiwali-an.

Nasa sa ating mga kamay at hindi lamang sa mga namumuno ang pagiging
progresibo ng bansa. Tayong lahat ay kinakailangang magtulungan upang masugpo ang
Terorismo. At sa aking pangwakas, ibig kong ipaabot sa inyo na ang problema ay hindi
ang terorismo, kung hindi pala ay ang kawalan pag-iintindihan, pagtutulungan,
pagmamalasakit sa bawat isa ̶ #FamilyIsLove. Pag-ibig, pag-asa, iisang pamilya tayo
tungo sa landas ng maunlad na Pilipinas.
Sanggunian
(2015, July 20). Retrieved 11 27, 2019, from saamingkapinyahan.wordpress.com:
https://saamingkapinyahan.wordpress.com/2015/07/20/isang-talumpati-tungkol-
sa-terorismo/

You might also like