You are on page 1of 1

3rd Restroom

Ano nga ba ang 3 rd Restroom,ang 3rd Restroom ay para sa mga parte ng


LGBTQ na patuloy nilang hinihiling sa gobyerno na magkaroon ng sariling
palikuran para sa kanila,sa pilipinas hindi pa inaprubahan ang pagkakaroon ng
palikuran para sa LGBT,ngunit mainit itong pinag uusapan ng mga gobyerno ang
pagkakaroon ng rights para sa mga LGBT gaya ng pag apruba sa SOGIE Bill at
iba pa.May nabasa ako sa internet patungkol sa isang transwoman na si Custodio
Diez ay hindi pinagamit ng restroom para sa mga babae,pinosasan siya ng
security guard ng mall makaraang makipagtalo sa janitress nang ayaw siyang
pagamitin ng restroom na para sa babae.

Ako ay sumasang ayon sa pagkakaroon ng 3 rd Restroom para sa mga LGBT


una,malaki ang respeto ko sa kanilang sariling pribado at dignidad. pangalawa,ito
ay kailangan ng mga LGBT lalong lalo na sa mga trans dahil sila ay hindi
trinatrato ng maayos at hindi tinatanggap ng marami na gumamit ng palikuran
para sa lalaki at babae, pangatlo,ito ang solusyon upang tayo ay magkapantay
pantay at magkaisa.

Sa aking kongklusiyon,ang solusyon dito upang malutas ang ganitong


problema ay ang pagpapatayo ng ikatlong palikuran para sa mga LGBT dahil ang
magandang maidudulot nito sa ating komunidad ay maiiwasan ang insidente kung
saan may nagkakasakitan o nagbubunga ng karahasan.

You might also like