You are on page 1of 3

Pulitika sa Pilipinas

Tingnan natin ang ating mga lansangan, makakapaglakad ka ba sa gabi nang


walang panganib? Tingnan natin ang mga squatters na watak watak at kusang
nalulunod sa kahirapan. Kung ating bibilangin, ilang bata ang hindi nakapag-aral o
hindi man minsan nakahawak nang laruan. Ilang pamilya ang namamalimos sa mga
kalye dahil walang trabaho ang mga magulang at pagdating sa bahay ay kumakain
nang kanin at asin? Bakit patuloy at walang humpas ang pamumulubi sa mga
mamamayang Pilipino?
Totoong tayo ang maghuhusga sa ating kapalaran. Ngunit ang ating
kapaligiran ang mashuhusga sa ating dadaanan. Kung akoy isang miyembro nang
lipunan kung saan ipinalulunsad ang katotohanan, lumaki man akong suwail o
sinungaling, pero kung akoy sumasama sa lipunan ay obligado akong kumilos at
magsabi nang katotohanan.
Malaki ang dulot nang pulitika sa ating bansa. Ito ang nagkaisa sa nooy
basag na diwa nang Pilipino. Ito ang nagdala nang kahusayan at kaunlaran at
Pilipinas na nooy punung-puno nang labanan. Ito ang nagdadala nang iisang lider
para sa iisang pangarap. Ito ang naglulunsad ng mga programa at batas upang
mapag-isa ang napakaraming isla. Ito ang nagpapatakbo sa mga araw araw na
gawain. Tumutulong sa paglutas nang problema, nakikisalamuha sa ibang bansa, at
tumatanaw sa nakararami at nagdedesisyon para sa kaunlaran ng bansa.
Ngunit talaga bang ginagampanan ng pinuno sa pulitika ang obligasyong
ipataas ang pamumuhay nating mga Pilipino? Sa dami nang lideres na dumaan sa
ating bansa, ano kaya ang naidulot nito? Mas maraming solusyon? O Mas maraming
problema? Di man natin makita nang tuwiran pero unti unting bumababa ang
ekonomiya nang Pilipinas dahil unti unti tayong ninanakawan at inaalipin nang mga
taong inatasan nating umalaga sa atin at sa bayang ipinaglaban makuha.
Ang pulitika nang Pilipinas ay may sariling buhay. Itoy may sariling kaugalian,
itoy may batas na sinusunod, itoy may sariling intension o matibo, at minsan man,
nagagawa nito ang hindi kayang gawin nang isang tulad natin. Ang pulitika nang
Pilipinas ay kompleks. Itoy binubuo nang mga taong mabuti ang loob, ngunit ito rin
ay binubuo nang mga taong nais nakawan at gamitin ang pulitika sa sariling
intension. Kung malasin natin ang gating paligid, mga kabuhayang nalulugmok, mga
magsasaka ay naging biktima nag pananakot at pang-aapi. Kung ating iisipin, ang
mga magsasaka ang siyang respetado at mayaman sa ibang bansa, ngunit sa
Pilinas, ang magsasaka ang siyang lumalangoy sa putik at ikinakahiya.
Bakit nga ba kulang palagi ang badyet para sa kalinga o sa edukasyon? Bakit
araw araw nag-o-overtime pero ang suweldo ay kulang? Bakit walang tamang kalye
patungo sa mga maliliit na baryo? Kulang nga ba ang bilyong iniutang sa world bank?
Simple lang ang sagot, itoy dahil sa atin. Kasalanan natin ang walang humpas na
kahirapan nang Pilipinas.
Kilala na natin sila, ang sanat hindi karapat-dapat na mamuno sa ating
bansa. Pero, dahil sa ningning, tingting at nakasisilaw na salapi, naging marupok at
binulag tayo, upang hindi mapagwari ang buong katunayan, nagbibintatayo sa ating
banal na karapatan. Bawat patak ng barya sa mga palad natin ay may dalang sugat,
at sa pangangapa sa dilim sa kahirapan ng buhay, lubusang nawawala ang
mahigpitang paghahawak sa ating mga kamay kasama sa pagkawala sa tinunggaling
hinaharap na bukas.
Pati ang mga isyung kontorbersyal ay ating tinutulungan takpan. Tayoy
sumusuporta sa pagbigay hustisya sa mga taong hindi dapat! Tayo mismo ay
bumubuhay sa Pulitikang bulok, tayo mismo ay sumasamba sa mga pulitikongg
sabay sa walang katapusang korupson, mediocrity, pandaraya at panlilinlang. TAYO
MISMO ANG NAGNANAKAW SA ATING SARILI!
Dahil sa lala nang hindi makatarungan gawain ay pati sa sector nang mga
kabataan ay nabahiran na rin nang masamang gawi nang pulitika. Ang mga
Sangguniang Kabataan o SK ang siyang nagvo-vote buying. Pati ang pag-asa nang
Inang bayan ay siyang sumasabay sa pangungurakot. Sino na ang natitira na tutuwid
sa kahirapan na dinaranas nang Pilipinas?
Ako. Ikaw. Ang aking mga kaibigan. Tayo. Tayo ang iilaw sa gitna nang dilim.
Tayo na mamumuno sa susunod na generasyon ang maglilinis sa malansang pulitika
nang Pilipinas. Hindi man sa madaling panahon ngunit magagawa ito. Tayo ang
nagbibigay buhay sa Pulitika kung kaya tayo rin ang may karapatang magpalakad
nito.
Sana malulunasan ng taong bayan at silay magising sa katotohanan. Huwag
nating kalimutan, tanging ang ating paninindigan ang makapangyarihan. Sa sarili
tayo ay magbago, magwasto at sa sarili muli tayong mabuhay, uunlad para sa
kabutihan ng lahat. Ang kubang politika at mga tao sa likod nito, darating at muling
aalis, pero ang sambayanang Filipino mananatili magpakailan man.

You might also like