You are on page 1of 1

Sanaysay tungkol sa panitikang pangkasarian

Mula noon hanggang sa kasalukuyan hindi alintana ang pagpuna mula sa pagkakapantay pantay
ng tao ayon sa kanilang kasarian. Noon pa man pilit na ipinaglalaban ng mga kababaihan ang
Karapatan nilang maging Malaya sa bawat paningin ng tao na hindi lamang sila babae. Hindi
nagtagal ay naisulong nila ang kanilang nais hanggang sa kasalukuyan. At ngayon naman ay ang
miyembro ng LGBTQIA Community ang humihingi at sumisigaw ng pansin sa pagkakapantay
pantay na ayon sa kanilang kasarian.Hanggang sa kasalukuyan hindi parin nakukuha ang buong
pusong respeto ng mga tao sa mga naiibang kasarian. Dahil para sa ilan hindi katanggap
tanggap ang pagsusuot ng hindi naayon sa pisikal nilang kaanyuan.

Kadalasang sinasabi ng mga tao na labag daw ito sa nakasulat sa bibliya at sa salita ng diyos at
kasalanan ang pagkunsinte, ngunit ang hinahangad lamang nila ay ang pag tanggap ng bawat isa
dahil tulad ng iba isa lamang din silang normal na nilalang sa mundong ito. Dapat lang natin na
lalawakan ang ating isip, hindi ang panghuhusga ng tan batay sa kaniyang kasarian. Ang
pagiging makatao ay walang pinipiling kasarian ang mahalaga ay naipapakita ang
pagiging desiplina at may respeto sa bawat isa sa loob ang komunidad.Huwag natin
ipalaganap ang pagiging bulag bulagan batay sa naiiba nilang kasariaan kunng
bubuksan ang bawat mga mata sa pagtanggap sa knila makikita natin kung ano ang
mga nagawa at mabuting naidulot ng mga katulad nila dahil alam natin na kadalasan
ang mga kasama sa ikatlong lahi ang mas higit na madaming nagagawa upang
makatulong sa bawat isa hindi tulad ng may mga normal ang piniling landas pagdating
sa kasarian ngunit tila wala namang pakinabang sa kanilang kapuwa at nagiging salot
pa sa lipunan.

You might also like