Professional Documents
Culture Documents
10 Star
I. Buong Pangalan:
Jos Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda
UNIVERSITY OF HEIDELBERG:
VI. Paglalakbay
Hindi siya nasiyahan sa kanyang pag-aaral sa Pamantasan ng Santo Tomas
-sa kanyang palagay, ang kanyang propesor ng Dominiko ay galit sa kanya, may
mababang tingin sa mga Pilipino at ang kanilang tinuturo ay masamaat
makaluma Dahil sa mga ito, siya ay pinayuhan ning Antonio Rivera, Paciano at
Saturnina na mag-aral ng medisina sa ibang bansa. MGA PINUNTAHANG BANSA:
Mayo 8, 1882- Singgapor dinalaw ang mga makasayasayang pook, ang hardin
botaniko, mga templo atmga tanghalan ng sining Hunyo 15, 1882- Barcelona
hindi nasiyahan dahil siyay sanay sa malalaki at magagandang otel at
magalang na pakikitungo sa mga panauhin sinulat niya ang Amor Patrio o
Pag-ibig sa Tinubuang Lupa Setyembre- Madrid Universidad Central de
Madrid (Medisina, Pilosopiya at Panitikan) Academia de San Fernando (pagpinta
at eskultura) Umibig siya dito kay Consuelo na anak ni Don Pablo Ortega y Rey
na nagging alkalde ng Maynila Isinulat ang A La Senorita C. O. y R. o Kay
Binibining C. O. at R. Natamo niya ang lisensya sa panggagamot sa
Pamantasang Sentral ng Madrid (Hunyo 21, 1884) Nagwagi si Rizal sa isang
paligsahan sa wikang Griyego (Hunyo 25, 1884) Pumunta siya sa handaan
handog kina Juan Luna at Resurreccion Hidalgo para magbigay ng isang
talumpati. Pagkatapos ng handaan ay hinanda ni Rizal ang kanyang pagsulat ng
unang kabanata ng Noli Me Tangere. Natapos niya ang kanyang pag-aaral sa
Pamantasang Sentral ng Madrid sa Pilosopiya, Medisina at Panitikan ngunit hindi
niya nakuha ang kanyang diploma sa pagkadoktor. Oktubre 1885- Paris Naging
katulong at mag-aaral sa klinika ni Dr. Loius de Wicker na isang Pranses at
magaling na manggagamot sa mata Pebrero 3, 1886- Heidelberg (lungsod ng
mga mag-aaral at ng industriya) Pamantasan ng Heidelberg Nagtrabaho sa
klinika ni Dr. Javier Galezonsky, taga- Poland at isa ring doktor sa mata Nag-
aral din kay Dr. Otto Becker, isang Aleman na tanyag din sa paggamot ng mga
karamdaman sa mata Oktubre 29, 1886- Berlin Naging katulong sa klinika ni
Dr. R. Schulzer, isang Alemang manggagamot sa mata Nag-aral dito tungkol sa
panggagamot ng mga karamdaman sa mata, agham at wika Nakisalamuha sa
mga siyentipiko at iskolar na mga Aleman Tinapos niya dito ang Noli Me
Tangere Mayo 13, 1887- Austriya Pebrero 8, 1888- Hong Kong Natuwa sa mga
sa panonoos ng mga palabas-dulaan ng mga Intsik Pebrero 22- 1888- Hapon
Nalaman ang kulutura ng mga Hapon lalo na ang wika ng mga ito Umibig kay
O Sei Keio Abril 28, 1888- San Francisco Mayo 6, 1888- Oakland Mayo 24, 1888-
Liverpool Mayo 25, 1888- Londres Inanyayahan ni Dr. Rost na sumulat sa
Trubners Record Nag-aral tungkol sa kasayasayan ng Pilipinas lalo na ang
dahilan kung bakit mababa ang tingin ng mga Kastila sa mga Pilipino Setyembre
1888- Paris Hinanap ang Bibliothique Nationale Disyembre 11, 1888- Espanya
Kinamusta ang mga kababayan Disyembre 23, 1888- Londres Naakit kay
Gertrude, anak ng may-ari ng kanyang inuupahang bahay Nililok ang tatlong ulo
ng magkakapatid na Beckett Marso 1889- Paris Nagsasaliksik pa rin tungkol sa
kasaysayan ng Pilipinas Nag-iskrima sa isang himnasyo Nagplano na magtayo ng
eskwelahan para sa mga lalaking Pilipino.
1) Si Julia
Nakilala ni Rizal ang labing-apat na taong gulang na si Julia sa isang ilog
sa Los Baos noong siyay labinlimang taong gulang pa lamang. Sabay silang
nanguha noon ng paru-paro sa tabing-ilog at dooy pinagsaluhan nila ang
kaunting panahon ng saya at tuwa. Ang pakiramdam na itoy naging
panandalian lamang; isa lamang matamis na pagtatangi ng isang binatilyo sa
isang dalagita ang naganap sa kanilang pagsasama. Ayon sa tala, hindi pa
tuluyang nahulog ang puso ni Pepe kay Julia nang mga panahong ito. Sa wikang
Ingles, maaaring itoy infatuation pa lamang.
2) Segunda Katigbak
Mula naman sa Lipa, Batangas si Segunda Katigbak na noon ay labing-
apat na taong gulang nang makilala ni Rizal. Tuwing Huwebes at Linggo
bumibisita noon si Rizal sa Colegio de la Concordia kung saan namamalagi ang
kapatid niyang si Olympia at si Segunda. Sa panahong ito, tuluyan nang
nahulog ang loob ni Rizal kay Segunda. Ngunit sa kabila nito, pagkasawi muli sa
pag-ibig ang naranasan ni Rizal. Si Segunda ay nakatakda nang ikasal kay
Manuel Luz kahit na hindi ito nais ni Segunda. Hindi nagawang ipagtapat ni Rizal
ang kanyang pag-ibig para kay Segunda. Tila baga siyay nawalan ng tapang at
lakas ng loob noong mga panahong iyon, hanggang sa tuluyan nang mawala si
Segunda Katigbak.
3) Binibining L.
Isang misteryosang dilag naman itong si Binibining L. Hindi malaman ng
mga historyador kung ano ang ibig sabihin ng L sa pangalan ng dilag na ito.
Pagkatapos ng pagkasawi kay Segunda, ibinaling ni Rizal ang kanyang atensyon
sa dalagang ito. Dalawang magkasunod na gabi bumisita itong si Rizal kay Bb. L.
dahil na rin sa nadama niyang sakit sa piling ni Segunda. Ngunit maagang
natapos ang pagbisitang ito ni Rizal sa pagtutol na rin ng kanyang ama.
4) Leonor Valenzuela
Nakilala naman ni Rizal itong si Leonor o Orang Valenzuela noong siyay
nag-aaral pa sa Unibersidad ng Santo Tomas. Katabi ng tinutuluyan ni Rizal ang
bahay ng mga Valenzuela at palagi silang namamalagi ng kanyang mga kaibigan
doon. Unti-unting nahulog ang loob ni Orang kay Rizal dahil sa angking talino ni
Jose. Binibigyan ni Rizal si Orang noon ng mga liham na nakasulat sa tintang
maaaninag lamang kung itatapat sa lampara. Ngunit para kay Rizal, higit na
mainam kung ituring niya lamang na kaibigan si Orang kaysa ituring niya itong
kasintahan. Ang desisyong ito ay bunsod na rin ng espesiyal na pagtangi ni Rizal
sa isa pang Leonor, si Leonor Rivera.
5) Leonor Rivera
May mga nagsasabing kababata ni Rizal itong si Leonor. May mga
nagsasabi ring sila ay malayong magpinsan. Magkagayunman, noong mga bata
pa sila ay hindi gaanong napapansin ni Rizal si Leonor. Ngunit nang magdalaga
ang dilag, napansin ni Rizal na unti-unti nang bumubulaklak ang datiy tila
kampupot lamang na si Leonor. Nang nagkakamabutihan na ang dalawa,
napagpasiyahan nila na Taimis ang itawag kay Leonor Rivera upang makatakas
sa mga matang maaaring kumondena sa kanilang dalawa. Nang mga panahong
ito, unti-unting umusbong si Rizal bilang manunulat at nasyonalista. At noong
1882, inilihim ni Rizal kay Leonor ang kanyang pag-alis patungong Europa, na
lubha namang ikinasakit ng damdamin ng dalaga. Kung noong unay suportado
ng mga magulang ni Leonor ang pag-iibigan ng dalawa, bigla nila itong tinutulan
dahil sa pagiging kilalang pilibustero ng binata ng mga panahong iyon. Marami
pa ang naganap na nagbunsod sa masakit na paghihiwalay ng dalawa. Dahil sa
pagharang ng mga magulang ni Leonor sa mga sulat ni Rizal para sa dalaga,
ipinagpalagay ni Leonor na kinalimutan na siya ni Rizal na siyang nagtulak kay
Leonor upang magpakasal sa isang Ingles na pinili ng kanyang mga magulang, si
Henry Kipping. Tumagal ang relasyon nina Rizal at Leonor Rivera nang 11 taon.
8) Usui Seiko
Sa pagdaan ni Rizal sa bansang Hapon patungong Europa noong
1888, kanyang nakilala si Usui Seiko, 23 taong gulang. O-Sei-San ang tawag ni
Rizal sa kanya. Mula si O-Sei-San sa pamilya ng mga samurai. Muntik nang
pakasalan ni Rizal si O-Sei-San dahil sa magandang trabahong inilaan sa kanya
roon. Ngunit nanaig ang damdaming makabayan ni Rizal kayat hindi na ito
naisakatuparan.
9) Gertrude Beckett
Nang makarating si Rizal sa London, namalagi siya sa tahanan ni Charles
Beckett. Si Gertrude o Gettie ang panganay na anak ni Charles. Tuwing umaga,
bilang kaugalian na ng mga Ingles, hinahatiran ni Gettie si Rizal ng kanyang
almusal. At dahil nga sa angking kakaibang karisma ni Rizal, nahulog ang loob ni
Gettie kay Rizal. Ngunit kagaya ng nangyari sa kanilang ugnayan ni Consuelo,
higit na pinili ni Rizal ang sariling bayan at si Leonor.
10) Nelly Boustead
Tulad ng kanyang mga naunang dilag mula sa Europa, hindi rin nagtagal
ang relasyon ni Rizal kay Nelly Boustead, isang Pranses. Hindi pumayag si Rizal
sa pakiusap ni Nelly na maging isang Protestante. Hindi rin nais ng ina ni Nelly
na magkaroon ng manugang na doktor na hindi binabayaran ng sapat ng
kanyang mga kliyente. Naghiwalay ang dalawa ngunit nanatili pa rin ang
kanilang pagkakaibigan.
11) Suzanne Jacoby
Nagtungong Brussels sa Belgium si Rizal noong 1889 dahil sa maluhong
pamumuhay sa Paris. Namalagi siya sa tahanan ng dalawang magkapatid na
sina Marie at Suzanne Jacoby. At katulad dati, nahulog ang loob ni Suzanne sa
kanya. Ngunit noong Hulyo 1890, umalis si Rizal patungong Madrid at naiwan si
Suzanne na nagdadalamhati.
12) Josephine Bracken
Nagkakilala sina Josephine at Rizal nang dalhin ng una ang kinilalang
ama kay Rizal upang ipagamot noong Pebrero 1895. Dito na nagsimula ang
kanilang malalim na pagtitinginan. Bagaman tutol ang kinilalang ama, hindi
nagawang pigilan ng tadhana ang pag-iibigan nina Josephine at Rizal. Marami
ang nagduda sa katapatan ni Josephine kay Rizal. May mga nagsasabing
kasabwat siya ng mga prayleng noon ay kalaban ni Rizal. Hindi rin naging
maluwat para sa ibang kapatid ni Rizal ang kanilang relasyon dahil hindi raw
kapantay ni Josephine ang katalinuhan ni Rizal. Isang hindi magandang
pangyayari ang naganap noong katapusan ng 1895 - nalaglag ang dinadalang
anak ni Josephine. Bunsod nito, nagpasya na lamang sina Rizal at Josephine na
mag-ampon ng batang babaeng nagngangalang Maria Luisa, na kaagad naman
nilang ibinalik sa mga tunay nitong magulang. Si Josephine ang naging kahuli-
hulihang babae sa buhay ni Rizal bago ang kanyang pagkamatay sa
Bagumbayan.
X. Mga Kaso
a. Pag-aalsa o rebelyon
b. Sedisyon
c. Konspirasyon
XI.Kamatayan ni Rizal
DISYEMBRE 29, 1896
Ang naturang abogado ni Rizal as si Tinyente Luis Taviel de Andrade
Sa ganap na alas 6:00 ng umaga- Binasa ni Kapitan Rafael Dominguez ang
kapasiyahan na siya ay bitayin, sa Bagumbayan sa Disyembre 30, 1896 sa ganap
na ika-7 ng umaga.
Alas 9:00 ng umaga- Dumating si Padre Federico Faura at sinabi ni Rizal na tama
ang sinabi ng pari na mapuputulan siya ng ulo sa pagsulat ng Noli Me Tangere.
Alas 10:00 ng umaga- Dumating si Santiago Mataix at kinapanayam si Rizal para sa
pahayagang El Heraldo de Madrid.
Alas 12:00 ng tanghali- Pagkatapos mananghalian, ipinagpatuloy niya ang kanyang
pagsusulat. Natapos na niya ang Mi Ultimo Adios at itinago na lamang sa lutuang
alkohol at ginawa na rin ni Rizal ang kanyang hulang sulat kay Ferdinand
Blumentritt.
DISYEMBRE 30, 1896
Alas 5:30 ng umaga- Sinulat niya ang dalawang sulat para sa kanyang kasambahay
at sa kapatid na si Paciano. Dumating si Josephine Bracken at ipinagkaloob ni Rizal
ang isang aklat ni Kempis na may pamagat na Imitacion de Cristo. Sa nasabing
aklat, mayroong dedikasyon si Rizal kay Josephine na: To my dear and unhappy
wife, Josephine.
Alas 6:00 ng umaga- Inihanda ni Rizal ang kanyang huling sulat para sa kanyang
ama at ina.
Alas 6:30 ng umaga- Umalis sila patungong Bagumbayan. Nagpaalam si Rizal kay
Luis Taviel de Andrade. Pinulsuhan siya ni Dr. Castillo at humanga sa normal na
tibok ng pulso nito.
Alas 7:00 ng umaga- Binaril si Rizal sa Bagumbayan. Pagkatapos na barilin ng firing
squad isang opisyal ng hukbo ang lumapit sa kanyang katawan at binaril na
malapitan sa puso upang tiyakin na patay na ito.