You are on page 1of 8

Suring Pelikula

Mongol: The Rise of Genghis Khan


Sergei Bodrov

Ipinasa ni: Tristan Antonio L. Sapno


Ipanasa kay: Gng. Alice P. Lozano
Tagpuan
 Mongolia
 1172-1196
Tauhan
 Temujin, Borte, Jamukha, Yesugei, Targutai
Banghay
Noong si Temujin ay 9 taong gulang, papunta siya kasama ang
kanyang tatay na si Yesugei(Khan ng kanilang tribo) sa mga Merkit
upang pumili siya ng mapapangasawa, ngunit habang
ngapapahinga sa isang tribo, nakilala niya si Borte, at siya ang pinili
niya. Noong sila ay pauwi na, si Yesugei ay nilason g kalabang tribo at
namatay. Si Targutai, miyembro ng tribo, ay diniklara ang sarili
bilang Khan at sinubukang patayin si Temujin, ngunit pinigilan siya ng
nanay ni Temujin. Nangako siyang babalikan niya si Temujin.
Pagkatapos ng ilang buwan, naglalakbay si Temujin nang nahuli siya
ni targutai. Nakatakas siya. Nakilala niya si Jamukha, at itinuring nila
ang isa’y isa bilang kapatid. Nahuli ulit siya. Nakatakas siya. Ilang
taon ang nakalipas, nahuli ulit siya ni Targutai, nakataas ulit siya.
Pinuntahan niya si Borte at naikasal sila. Bumalik sila sa nayon ni
Temujin. Isang araw nahuli sila Temujin at Borte ng mga Merkit,
ngunit nagpahuli si Borte upang maligtas si Temujin.
Pinuntahan ni Temujin si Jamukha(na Khan na ngayon ng kanyang
tribo) upang humingi ng tulong. Sa susunod na taon, si Temujin,
Jamukha, at ang mga sundalo ni Jamukha ay nakipagdigma sa mga
Merkit. Nagtagumpay sila at nailigtas nila si Borte. Noong gabing iyon,
ipinakita ni Temujin ang kanyang kabaitan at pagiging mapagbigay
nang ibinigay niya lahat ng nakuha mula sa mga Merkit sa mga
sundalong tumulong. Natuwa dito ang mga sundalo, at ang dalawa
sa kanila ay nagpasyang sumama kay Temujin sa susunod na araw.
Nang paalis na sila, sinubukan silang pigilan ni jamukha ngunit
sumama sila kay Temujin. Nagalit si Jamukha dahil ditto, at lalo pang
lumaki ang galit niya nang napatay ng isang sundalo ni Temujin ang
kapatid ni Jamukha.
Si Jamukha, kasama si Targutai, ay nakipagdigma kina Temujin. Sila
ay nagwagi at ibinenta niya si Temujin bilang alipin. Nakita siya ng
isang mayaman, ngunit sinabi ng monghe na nakita niya sa propesiya
na wawasakin ni Temujin ang nayon ng mayaman, kaya siya ay
ikinulong. Isang araw, nakiusap siya sa Monghe na ibigay kay Borte
ang isang buto na nangangahulugang buhay pa siya, at pumayag
ang monghe sa kapalit na mangangako siyang hindi niya sisirain ang
monasteryo ng monghe. Natanggap ni Borte ang buto ngunit
namatay ang monghe dahil sa pagod sa paglalakbay. Nagpanggap si
Borte at naglakbay, at pinakawalan niya si Temujin.
Pinagkaisa ni Temujin ang mga tribong mongol, at gumawa ng
tatlong batas: huwag pumatay ng mga babae at mga bata, huwag
kakalimutan ang mga pangako at mga pagkakautang, at huwag
pagtaksilan ang iyong Khan. Tinipon niya ang kanyang mga sundalo,
at nakipagdigma muli sa kanila Jamukha, na mas malakas na ang
pwersa ngayon. Habang nagdidigma, bilang nagkaroon ng pagkidlat,
at dahil dito ay natakot ang mga sundalo ni Temujin at Jamukha.
Ngunit si Temujin ay hindi natakot, at buong tapang na lumusob.
Nakita ito ng kanyang mga sundalo, at sila rin ay nagkaroon ng
tapang, at lumusob at napasuko ang mga sundalo ni Jamukha.
Hinayaan ni Temujin na mabuhay si Jamukha at sinakop niya ang
mga sundalo. Si Targutai ay pinatay ng kanyang sariling sundalo
upang ialay kay Temujin ngunit pinarusahan sila dahil sa hindi
pagsunod sa batas.
Noong 1206, si Temujin ay tinaguriang Genghis Khan, pinuno ng
buong Mongolia. Noong 1227, sinakop niya ang kaharian ng Tangut,
ngunit hinayaan niya ang monasteryo, bilang pag-alala sa kanyang
pangako sa monghe.
Script
Maayos at kaaya-aya ang script ng pelikula. Naipakita nito
ng malinaw ang pag-uusap ng mga tauhan, at maayos na
naiintindihan ang mga linya ng mga karakter sa kwento.

Tanghalan
Akma ang tanghalan sa pelikula. Ang bawat tagpuan sa
pelikula ay naaangkop sa mga pangyayari sa kwento. Mas
kapanipaniwala ang mga eksena dahil dito.

Tauhan
Mahusay ang pagpapakita ng pelikula sa mga tauhan.
Mahusay ang pagkakaganap ng iba’t ibang karakter, at
naibigay nila ang mga angkop na damdamin na dapat
maramdaman ng mga manonood sa bawat tauhan ng
kwento.

Manonood
Ang mga manonood ay nasiyahan sa pelikula, dahil maganda
nag pagkakagawa sa pelikula. Mayroong ilang eksena sa
pelikula na medyo kinainipan ng mga manonood, ngunit
madalas ay talagang nasisiyahan sila sa kwento, hindi sila
nadismaya, at akma ang kanilang reaksyon sa iba’t ibang
bahagi ng pelikula.
Talasalitaan
1. Khan
Isang katawagan na ibinigay sa mga namumuno o iba
pang mahahalagang tao sa mga bansang Asyano
Si Temujin ay naging Khan ng kanilang tribo.
2. Sasadyain
Bumisita sa isang lugar
Sasadyain nila Temujin ang tribo.
3. Karima-rimarim
Nakakadiri
Karima-rimarim ang kulungan ni Temujin.
4. Makipot
Makitid
Makipot ang daan papunta roon.
5. Nayon
Isang komunidad na mas malaki sa isang baryo
Siya ay nakatira sa nayon.
6. Nakatunghay
Nakatilaga, nakatingin o nagbabasa
Nakatunghay sila sa mga ulap.
7. Kawangis
Kapareho
Kawangis niya ang kanyang tatay.
8. Arugain
Alagaan
Ang mga bata ay gusto niyang arugain.
9. Dampa
Kubo
Nakaupo siya sa tabi ng dampa.
10. Nag-aalangan
Bantulot o alanganin
Nag-aalangan pa sa simula sa Jamukha.
Ang pelikulang ito ay isang magandang pelikula. Sa
mga unang bahagi nito ay nahikayat akong
iapgpatuloy ang panonood.
Maayos ang pagkakaayos ng mga eksena ng pelikula,
at ang mga eksena ay nakakapanbik na mapanood
ang mga susunod na magganap sa kwento. Mahusay
na naipapaliwanag ang mga pangyayari sa kwento.
Mahusay rin ang pagpapakita ng iba’t ibang tauhan ng
kwento. Naipapakita ng damdamin at kaugalian ng
bawat karakter.
Isa pang dahilan kung bakit ito ay isang magandang
pelikula, ay dahil naipakita nito ang mga tradisyon,
kultura at buhay ng mga Mongol. Sa unang bahagi ng
pelikula, nagkaroon ako ng interes upang malaman
ang sistema ng pamumuhay ng mga sinaunang Mongol.
Nagkaroon ako ng interes na malaman ang kanilang
kasaysayan, at kung sino si Genghis Khan at kung ano
ang kanyang mga ginawa. At ang pelikulang ito ay
mahusay na naipakita ang lahat ng ito.
Naipakita nito ang pamumuhay ng mga sinaunang
tribo ng mga Mongol. Naipakita nito ang mga kultura
at tradisyon ng mga Mongol. Naipakita nito ang
kasaysayan ng Mongolia at ni Genghis Khan sa hindi
nakakainip na paraan.
Ang kwentong ito ay kahawig ng kwento
ni Haring Arthur ng England. Magkatulad
silang dalawa dahil pareho silang
namatayan ng ama na pinuno ng
kanilang lugar, at binalak patayin ng
ibang tao na gustong maging pinuno.
Ngunit pareho silang lumaban sa mga
taong ito at pinatunayan na sila ay
karapat-dapat sa trono. Ninais nilang
mapabuti ang kalagayan ng kanilang
nasasakupan.

Magkatulad din sila dahil pareho nilang


nagging kalaban ang itinuring nilang
kapatid at kakampi (si Jamukha at
Lancelot).
Ang kwentong ito ay nais ipahayag
ang damdamin na dapat maging
matapang kahit may mga pagsubok.
Dapat patuloy pa ring lumaban at
hindi umatras o sumuko.

Nais din ipahayag na maaaring


magtiwala sa ating mga mahal sa
buhay dahil sila ang tutulong sa atin
kapag tayo ay nangangailangan.

You might also like