You are on page 1of 4

ACT 1 • UNANG EKSENA

Sa kahariang Matutubina, may naninirahang isang prinsesang tutubi. Ito'y si Prinsesa Tutubi, ang
bugtong na anak nina Haring Tubino at Reynang Tubina. Mahal na mahal nila ito sa puntong
ipaglalaban ng buong kaharian ang prinsesa kung aapihin ito.

Ang Prinsesa ay mahilig mamasyal at magpalipad-lipad sa papawirin habang kasa-kasama ang


mga piling dama at tagasubaybay na pawang tutubi rin.

Isang araw, naisipan niyang tumakas. Ibig niyang alamin ang daigdig sa labas ng kanilang
kaharian.

Maligayang-maligaya at umaawit-awit pa siya sa kaniyang paglalakbay. Sa kanyang pagkawili,


hindi na niya napansin ang pamumuo ng maitim na ulap sa papawirin. Huli na nang mapuna niya
ito.

[Papasok sa entablado ang pamilya kasama ang kawal, mga dama't tagapagsubaybay. Hihimas-
himasin ng ina't ama ang anak at magngingitian sila. Pagdating nila sa gitna ay patuloy na
maglalakad ang hari't reyna palabas ng tanghalan, maiiwan ang prinsesa, dama't
tagapagsubaybay. Maglalakad nanaman sila pabalik sa kung saan sila nagmula. Tuloy-tuloy ito
hanggang sa ang prinsesa na lang ang maiiwan.]

[Lilipad nang mabilis]

PT: Ah--Bilis pa, bilis pa!

PT: Nakakainis! Titigil na nga lang ako sa punongkahoy na ito.

Ngunit...

[Pagdapo niya sa isang sanga, yuyugyugin at pagtatawanan nila ang Prinsesa.]

M1: Ih-ih-ih! Ha-ha-ha-ha!

PT: Ah!

M2: Uh-uh! Ah-ah!

PT: Ano ba!?

M3: Kra-kra-kra! Nakakatawa. Malaki pa sa kaniyang tuhod ang kaniyang mga mata!

PT: Mga kumakain ng kuto!

M123: Ha-ha-ha-ha-ha!
[Galit na galit]

PT: Magbabayad kayo sa ginawa niyong 'to!

[At lilipad siya palabas ng entablado. Itataas ang tela]

ACT 1 • IKALAWANG EKSENA

[Ibababa ang tela at papasok ang basang-basa na prinsesa. Ang amang hari ay nakaupo sa
kanyang trono. Agad-agad siyang lalapit at bebeso sana dito ngunit aatras ang hari habang
nanglalaki ang mga matang nagmamasaid sa kabuuan ng prinsesa. Uupo na lamang sa kalapit na
upuan ang dalaga.]

AH: Bakit ka nagkaganyan? Paano--?

PT: Mahal kong ama! Patawad po kung tumakas ako!

AH: Anong--!?

PT: Pero narito na ang pinakamaganda niyong prinsesa ama!

PT: Ama!

AH: Ano!?

PT: Nung naabutan po ako ng ulan, binalak ko po na tumigil sa isang punong kahoy [Ibabaling
ang ulo sa kabilang banda, sisimangot] pero yung mga matsing!

AH: Matsing? Inano ka nila!?

PT: Ama, niyuyugyog nila ang bawat sanga na dinadapuan ko kaya heto, basang-basa tuloy ako!

AH: Aba't--!

PT: Opo tsaka pinagtatawanan pa nila ako. Sabi pa nung isa na mas malaki pa ang aking mga
mata kaysa sa aking mga tuhod. Pero maganda naman po ako diba, ama?

[Tatango ang ama at ilang sandali pa ay magagalit muli]

AH: Ipatawag ang pinaka-nakatataas na kawal ngayon din!

[Bahagyang mabibigla ang prinsesa. Pagdating ng kawal, lalabas naman ng entablado ang
prinsesa habang nangangati't nagpapagpag.]

K: Ipinatawag niyo daw po ako, mahal na hari?


AH: Oo, sapagkat ang aking pinakamamahal na prinsesa'y inapi ng mga walang modong
unggoy!

K: [Kagyat na magagalit] Po?

AH: Oo kaya pumunta ka ngayon din sa kaharian ng mga matsing at sabihin mong dahil sa
ginawa nila sa aking anak na prinsesa, gusto ko silang hamunin sa isang labanan!

[Itataas ang tela]

ACT 1 • IKATLONG EKSENA

[Ibababa ang tela. Makikitang nakatayo ang kawal sa harapan ng apat na matsing na pawang
nakaupo. Sila'y may iba't ibang gawi. Ang isa'y kumakain ng saging. Ang dalawa nama'y
naguunguy-unggoyan. Ang malaking haring matsing naman ay tuwid na tuwid kung makatayo,
tila ba punong-puno ng kanyang sarili. Ang kawal, di nagpapadaig.]

HM: Mga tutubi laban sa mga matsing! Ha-ha-ha-ha!

[Magtatawanan ang lahat maliban sa kawal]

HM: Nakakatawa ngunit sige, pagbibigyan namin ang inyong hari!

[Titingnan muli ang mga kasamahan]

HM: Mga matsing laban sa mga tutubi!

[At maghahalaklakan silang muli. Itataas ang tela]

Nakatadhanang ganapin ang kanilang labanan ng sumunod na araw sa gitna ng parang.

Kinabukasan, naroroon na ang bawat panig. Anong daming matsing sa bandang kanan, waring
naroroon na ang buong kamatsingan. Sa kabila naman ay ang makapal na hukbo ng mga
manlilipad, mga tutubi.

Nagbigay na ng utos ang bawat hari.

HM: Kailangan pukpukin ninyo ang bawat makitang tutubi!

Sa kabilang dako naman...

AH: Dapat nating ipaghiganti ang kaapihan ni Prinsesa Tubina. Kailangang magbayad ang mga
matsing. Dumapo sa ulo ng mga matsing. Kapag may panganib ay dagling lumipad!
Maya-maya ay nagsalubong sa gitna ang dalawang sandatahan. Kumpiyansang-kumpiyansa ang
mga matsing sa kanilang estratehiya ngunit pagsimula ng laban, dumapo ang mga tutubi sa ulo
ng mga matsing. Hindi ito inaasahan ng Haring Matsing! Nagkamali pala siya ng utos.
Babaguhin sana niya ang kanyang utos, subalit huli na ang lahat.

Sa huli, nakabulagtang lahat ang mga matsing at walang sinumang tutubi ang tinamaan. Sa
wakas, naipaghiganti nila ang pagkaapi ng kanilang arinsesa at ang buong kahariang Matutubina.

You might also like