You are on page 1of 19

-

MGA GAWAING
PAMPAGKATUTO NG
MGA MAG-AARAL
(Learner’s Activity Sheet )

Filipino 9
Kuwarter 3- Unang Linggo

Kasanayang Pampagkatuto:
Napatutunayang ang mga pangyayari sa binasang parabula ay
maaaring maganap sa tunay na buhay sa kasalukuyan
Sanggunian:
RO 10, S,2020 - Guidelines On The Implementation of MELC Pivot4A Budget
of Work (BOW) in all Learning Areas For Key Stages 1-4 p.

RM 306,S 2020- Corrigendum to The Enclosures in Regional Order


No.10,S.2020

Panitikang Asyano 9 pahina 205

Pinagyamang Pluma 9 pahina 290-293, 298, 311-313, 325

Bulwagan 9 pahina 179-181, 188

Pintig 9 pahina 349 - 351

Filipino-9-SLMs-3rd-Quarter-Module-2.pdf

1
Aralin
3.1
Ang Parabula ng Alibughang Anak

1 (Parabula-Israel)

Panimula (Introduksyon)
Alam mo ba na...

Ang Israel ay matatagpuan sa Kanlurang Asya. Republika ang kanilang


pamahalaan. Bago magdeklara ng kalayaan ang Israrel noong Mayo 14, 1948 ay
maraming pinagdaanang mapapait na karanasan ang mga Israelita. May mataas na
pagpapahalaga ang Israel sap ag-aaral kaya ang unang batas na itinakda ng
bansang ito ay ang libreng pag-aaral para sa lahat at sapilitang pagpapapasok sa
mga paaraan ng mga batang 5 hanggang 16 na taon. Libre ang pag-aaral hanggang
18 taon.

Dalawang uri ng edukasyon ang nakatatanggap ng pondo mula sa pamahalaan ng


Israel. Ang paaralang pang-Hudyo na Hebreo ang wikang ginagamit at ang
paaralang pang-Arabe na wikang Arabe ang ginagamit. Jerusalem ang kabisera ng
Israel, ito ang tinatawag na promised land. Bagamat ang relihiyon ng karamihan
ng tao sa Israel ay Judaismo, mapapansin ding marami sa mga pangyayari sa
Bibliya ay nangyari sa bansang Israel. Sa araling ito ay mababasa mo ang isang
parabulang hango sa Bibliya.

Ano ang Alam Ko?


Gawain 1

Panuto: Marahil ay naitanong mo na sa iyong sarili kung ikaw ay isang mabuting


anak O kaya ay kapatid? Ano-ano ang iyong mga katangian o ginagawang
makapagpapatunay na ikaw ay isang mabuting kapatid at anak?
Isulat ang mga ito sa kahon. Maaaring magdagdag ng kahon kung kinakailangan.

2
Mga Patunay sa iyong
pagiging mabuting
anak at kapatid

Tara na! Magsuri Tayo!

Gawain 2

Panuto: Basahin ang parabula mula sa Israel upang malaman mo kung ang mga
pangyayari sa parabulang ito ay maaaring maganap sa tunay na buhay sa
kasalukuyan.

Teksto:

Parabula ng Alibughang Anak

May isang mayamang ama ang may dalawang anak na lalaki. Ang wika ng bunso,
“Ama, ibigay na po ninyo sa akin ang mamanahin ko.” At ibinahagi sa kanila ng ama
ang kanyang ari-arian. Pagkalipas ng ilan araw, ipinagbili ng bunso ang kanyang ari-
arian at nagtungo sa malayong lupain, taglay ang buo niyang kayamanan, at doo’y
nilustay na lahat sa hindi wastong pamumuhay. Nang malustay na niya ang kanyang
kayamanan, nagkaroon ng matinding taggutom sa lupaing iyon, at naghirap siya.
Kaya’t namasukan siya sa isang mamamayan ng lupaing iyong. Siya’y pinapunta nito
sa bukid upang mag-alaga ng baboy. Ibig sana niyang punan ang kanyang pagkain
kahit na ang bungang-kahoy na ipinakakain sa mga baboy ngunit walang magbigay
sa kanya.

3
Nang mapag-isip-isip niyaang kanyang ginawa, nasabi niya sa sarili, “Ang mga alila
ng aking ama ay may sapat na pagkain at lumalabispa samantalang ako’y
namamatay ng gutom dito! Babalik ako sa kanya, at sasabihin ko, “Ama nagkasala
po ako sa Diyos at sainyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin ninyong anak;
ibilang na lamang ninyo akong isa sa inyong mga alila.” Tumindig siya at tumungo
sa kanyang ama.

Malayo pa’y natanaw na siya ng kanyang ama at ito’y labis na nahabag sa kanya,
kaya’t patakbo siyang sinalubong, niyakap, at hinalikan. Sinabi ng anak, “Ama,
nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat na tawagin
ninyong anak.” Ngunit tinawag ng ama ang kanyang mga alila, “Madali! Dalhin ninyo
ang pinakamahusay na damit at isuot sa kanya. Suutan siya ng singsing at
panyapak. Kunin ang pinatabang guya at patayin; kumain tayo at magsaya!
Sapagkat namatay na ang anak kung ito, ngunit muling nabuhay; nawala ngunit
nasumpungan.” At sila’y nagsaya.

Nasa bukid noon ang anak na panganay. Umuwi siya, at nang malapit na sa bahay
ay narinig niya ang tugtugan at sayawan. Tinawag niya ang isa sa mga alila at
tinanong: “Bakit? Anong kaganapan?” “Dumating po ang inyong kapatid!” tugon ng
alila. “Ipinapatay ng inyong ama ang pinatabang guya, sapagkat nagbalik siyang
buhay at walang sakit.” Nagalit ang panganay at ayaw itong pumasok sa bahay.
Kaya’t lumabas ang kanyang ama at inamu-amo siya.

Ngunit sinabi nito,”Pinaglingkuran ko po kayo sa loob ng maraming taon, at


kailanma’y hindi ko kayo sinuway. Ngunit ni minsa’y hindi ninyo ako binigyan ng
kahit isang bisirong kambing para magkatuwaan kami ng aking mga kaibigan.
Subalit ng dumating ang anak ninyong lumustay ng inyong kabuhayan sa
masasamang babae, ipinagpatay pa ninyo ng pinatabang guya!”

Sumagot ang ama, “Anak , lagi kitang kapiling. Ang lahat ng ari-arian ko’y sa iyo.
Ngunit dapat tayong magsaya at magalak, sapagkat namatay na ang kapatid mo,
ngunit muling nabuhay; Nawala ngunit muling nasumpungan.”

- Pinagyamang Pluma

4
Suriin ang sumusunod na tanong.

a. Anong uri ng ama ang ama sa akdang binasa?

b. Kung ikaw ang ama sa parabula ibibigay mo ba ang iyong ipamamana sa


iyong anak kahit ikaw ay buhay pa? Bakit?
c. Nakabuti ba sa bunsong anak ang pagkuha agad ng kanyang mana? Bakit
at bakit hindi?
d. Paano nilustay ng bunsong anak ang nakuha niyang mana?

e. Makatarungan ba ang ginawa ng amang pagtanggap sa kanyang anak na


muling nagbalik? Kung ikaw ang nasa katayuan ng ama, ganoon din kaya
ang iyong gagawin?
f. Masisisi mo ba ang anak na panganay na maghihinakit sa kanyang ama?
Kung ikaw ang nasa kanyang kalagayan, ganoon din kaya ang iyong
gagawin? Ipaliwanag.

Iugnay Natin!
Panuto: Ang mga sumusunod na pangyayaring naganap sa parabulang
binasa ay maaaring ring maganap sa kasalukuyan at sa tunay na buhay.
Sumulat ng naiisip mong kaparehong pangyayaring naganap o nagaganap sa
kasalukuyan kaugnay ng bawat sitwasyon. Maaaring ito ay personal mong
karanasan/nasaksihan o isang pangyayaring iyong nabalitaan, nabasa o napanood.

1.Hiningi ng anak ang kanyang mamanahin kahit buhay pa ang magulang niya.
Kaparehas na Pangyayari: __________________________________

2. Nilustay ng anak ang kanyang minana sa hindi wastong pamumuhay.


Kaparehas na Pangyayari: __________________________________

3. Nang maghirap ang anak, namasukan ito bilang alila.


Kaparehas na Pangyayari: __________________________________

4. Dahil sa paghihirap, nagsisi ang anak sa kanyang ginawa at naalala ang


magulang.

5
Kaparehas na Pangyayari: __________________________________

5. Bumalik ang anak at humingi ng tawad sa magulang. Pinatawad at pinatuloy muli


sa bahay.
Kaparehas na Pangyayari: __________________________________

Kasanayang Pampagkatuto:
Nakasusulat ng isang anektoda o liham na nangangaral ; isang halimbawa ng elehiya

Panimula ( Introduksyon)
Alam mo ba na...

Ang elehiya ay isang tulang liriko na naglalarawan ng pagbubulay-bulay o guniguni


na nagpapakita ng masighind damdamin patungkol sa alaal ng isang mahal sa buhay

May katangian ang elehiya. Ito ay tula ng pananangis, pag-alaala at pagpaparangal


sa mahal sa buhay na nag himig ay matimpi at mapagmuni-muni at di-masintahin

-Panitikang Asyano

Magsuri Tayo!

Gawain 1 Panuto: Basahin at unawain ang teksto na nasa loob ng


kahon pagkatapos ay suriin ang isturktura nito upang makasulat ng
sariling elehiya.

Elehiya: India

Mahatma Gandhi ni Amado V. Hernandez

Ang paglilider mo’y namumukod-tangi


pulos halimbawa’t walang talumpati;
iyong inaakay ang buo mong lahi
sa paghihimagsik na may ibang uri.

Wala kayong armas na gamit sa laban


kundi boykoteo ng dayong kalakal;

6
kung wala nang damo’y lilipad ang balang,
kung wala nang ginto’y lalayas ang dayuhan!

Ika’y pasimuno sa ulirang gawa,


unang tumutupad sa sinasalita,
naghubad ng telang sa Londres nilikha,
naghabi ng kanya at nagbuhay-dukha.

Walang automobil, walang sula’t hiyas,


wala kang palasyo’t salaping inimbak,
walang katungkulang ang sahog ay limpak
pagka-makabaya’y sakripisyong lahat.

Namulat ang India… daling iwinaksi


ang diwang alipin… nais magsarili…
Ang Britanya’y tila di makatanggi…
tiyak na lalaya ang bayang may Gandhi!

Mapalad ang India’t may Mahatma…


Ikaw, Pilipinas, saan ka pupunta?
Dito ang banyaga’y siyang sinasamba
at ang katutubo’y kuskusan ng paa!

Pinagyamang Pluma

Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Bakit sinabi ng may-akda na ang pamumuno ni Gandhi ay namumukod-tangi?

2. Anong pamamaraan ang ginamit ni Gandhi sa pakikipaglaban sa mga

dayuhan? Naging epektibo ba ang paraang ito? Bakit?

3. Sumasang-ayon ka ba sa may-akdang higit na mapalad ang India kaysa sa

Pilipinas dahil ito ay nagkaroon ng pinunong kagaya ni Gandhi? Bakit?

7
4. Kung ikaw ay mabibigyan ng pagkakataong maging lider, paano ka

mamumuno upang maging maayos din ang iyong pinamumunuan?

5. Sa anong aspekto ng iyong pagkatao nagdulot ng malaking pagbabago ang

mga gintong aral na iyong natutuhan sa araling ito?

Isulat Natin!
Panuto: Nagkaroon muli ng paligsahan sa inyong paarala hinggil sa
pagsulat ng tula. Ikaw ay isa sa napiling maging kalahok ng inyong klase.
Ang bawat isa sa inyo ay pinasusulat ng sariling elehiya o awit bilang pag-alala sa
isang mahal sa buhay na yumao na. Gamitin mo ang iyong natutuhan sa araling ito
upang makabuo ng awit o elehiya.

Kailangang ang bubuoin mong awit o elehiya ay malalapatan mo rin ng


himig at maaawit mo sa harap ng iyong mga kamag-aral sa paaralan. Galingan mo
ang paggawa dahil bukod sa panalo mo na maaari mong maging premyo sa pagbuo
ng tula ay mabibigyan mo pa ng magagandang alaala at pagkilala ang yumaong
mahal sa buhay sa pamamagitan ng tulang bubuoin para sa kanya/kanila.

Gamitin ang rubrik sa ibaba para magabayan ka ng mga pamantayan sa iyong


bubuoin.

Mga Pamantayan Puntos Iskor


May orihinalidad at akma sa paksa ang elehiya o awit na 5
bubuoin
Gumamit ng tamang pahayag sa pagpapasidhi ng damdamin 5
kaya’t luting na luting ang damdaming nais ipahiwatig
Nalapatan ng akma at kaaya-ayang himig ang nabuong tula 5
Naging kawili-wili at nahikayat ang lahat na making 5
Kabuoan 20

5-Napakahusay 3-Katamtaman 1-Nangangailangan ng improvement


4-Mahusay 2-Hindi gaanong mahusay

8
Kasanayang Pampagkatuto:
Nagagamit nang wasto sa pangungusap ang matatalinhagang pahayag

Panimula ( Introduksyon)

Alam mo ba na...

Kung minsan sa ating pagsasalita, may mga pagkakataong hindi natin masabi ng
tahas ang ating saloobin kaya’t sa halip ay gumagamit tayo ng mga mabulaklak na
salita upang mabigyang-kasiningan ang pagpapahayag. Sa madaling salita,
gumagamit tayo ng matatalinhagang pananalita tulad ng mga tayutay.

Ipaliwanag Natin!
Gawain 1
Panuto: Sa hindi hihigit sa tatlong pangungusap ay ipaliwanag kung ano
ang ibig sabihin ng sumusunod na pahayag.

1. Ama, nagkasala po ako sa Diyos at sa inyo. Hindi na po ako karapat-dapat


na tawagin ninyong anak.
Paliwanag: ______________________________________________
______________________________________________________

2. Dapat tayong magsaya at magalak, sapagkat namatay na ang kapatid mo,


ngunit muling nabuhay; Nawala ngunit muling nasumpungan.”
Paliwanag: ______________________________________________

Talakayin Natin!

9
TAYUTAY – Mga Uri At Halimbawa Nito

Sa paksang ito, tutuklasin natin ngayon ang mga iba’ ibang uri ng mga tayutay at
mga halimbawa ng mga uri nito.

Kahulugan
Ang tayutay ay isang sinadyang paglayo sa karaniwang paggamit ng mga salita
upang gawing mabisa, matalinghaga, makulay at kaakit-akit ang pagpapahayag.

Mga Uri Ng Tayutay


1. Pagtutulad (Ingles: Simile)
Ito ay isang paghahambing sa dalawang magkaibang tao, bagay, pangyayari atbp.
Gumagamit ang pagtutulad ng mga salitang tulad ng, katulad ng, parang, kawangis
ng, animo, kagaya ng atbp.
 Ikaw ay kagaya ng ibong lumilipad
 Ang kagandahan mo ay tulad ng isang anghel.

2. Pagwawangis (Ingles: Metaphor)


Ito ay katulad ng pagtutulad, maliban sa hindi ginagamit ang mga salitang tulad
ng, katulad ng, parang, kawangis ng, animo, kagaya ng atbp.
 Si Jon ay lumalakad na babae.
 Malakas na lalaki si Ken.

3. Pagtatao (Ingles: Personification)


Ito ay pagsasalin ng talino, gawi at katangian ng tao sa bagay.
 Ang mga damo ay sumasayaw.
 Tumatawa ng malakas ang mga puno.

4. Eksaherasyon (Ingles: Hyperbole)


Ito ay lubhang pinalalabis o pinakukulang ang katunayan at kalagayan ng tao,
bagay, pangyayari atbp.
 Ang pagmamahal ko sa iyo ay singlayo ng buwan.
 Parang nabiyak ang aking ulo sa kaiisip sa ginawa mo.

5. Paguyam(Ingles: Sarcasm/Irony)

10
Isang tayutay na kung saan ito ay pangungutya o pangaasar ito sa tao o bagay.
 Ang sipag mo naman, Juan. Makikita ko ang sipag mo sa madumi mong
kwarto.
 Sa kagandahan mo, nakikita ko ang mga butas-butas at mga
tagihawat ng mukha mo.

6. Paglipat-wika
Ito ay paggamit ng pang-uri upang ipaglalarawan ang mga bagay.
 Ang masayang larawan ni Pedro ay nagpapakita nga kanyang emosyon
ngayon.
 Ang ulilang bag na iyan ay galing kay Celia.

7. Paglilipat-saklaw (Ingles: Synecdoche)


Pagbanggit ito sa bahagi nga isang bagay o ideya bilang katapat ng kabuuan.
 Tatlong kamay ang tumutulong sa kawawang ulila
 Si Santiago ay humingi ng kamay ng dalaga.

8. Pagtawag (Ingles: Apostrophe)


Ito ay pagtawag sa mga bagay na parang ikinausap sila.
 O Pag-ibig, nasaan ka na?
 Galit, layuan mo ako magpakailanman.

9. Tanong Retorikal (Ingles: Rhetorical Question)


Mga tanong ito na hindi nangangailangan nga sagot.
 Kailangan ko bang tangappin na hindi niya ko mapapansin at
mamahailin?
 Wala na bang pag-asa na makaahon tayo sa kahirapan nang dahil sa mga
sunud-sunod na mga problema natin?

10. Pagpapalit- tawag (Ingles: Metonymy)


Ito ay pansamantalang pagpapalit ng mga pangalan ng bagay na magkaugnay.
 Igalang dapat ang mga maputing buhok.
 Mas magiting ang panulat kaysa espada.

11. Panaramdam (Ingles: Exclamatory)


Ito ay naglalarawan sa mga karaniwang damdamin
 Noon, kapag nakikita kita, punung-puno ako ng kaligayahan at kilig per
ngayon, sa tuwing nakikita kita na may ibang kasama, dumilim ang
mundo ko at punung-puno ng pighati at kirot.

12. Tambisan(Ingles: Antithesis)

11
Ito ay pagtatabi ng mga hagap na nagkakahidwaan sa kahulugan upang lalong
mapatingkad na lalo ang mga salita.
 Ang pag-ibig ay ideyal ngunit ang kasal ay tunay na bagay.
 Marami ang tinawag pero kaunti ang napili.

13. Paghihimig (Ingles: Onomatopoeia)


Ito ay pagpahiwatig ng kahulugan sa pamamagitan ng tunog o himig ng mga salita.
 Maririnig ko ang tiktok ng orasan.
 Mainga ang aw-aw ng aso kong si Iggy.

14. Pag-uulit(Ingles: Alliteration)


Ginagamit nito ang magkatulad na titik o pantig sa simula ng dalawa o mahigpit
pang salitang ginagamit sa isang pangungusap.
 Si Sam ay sumasayaw sa silid-aralan.
 Masipag maglaba ang mga magulang ko.

15. Pagtanggi (Ingles: Litotes)


Ito ay ginagamit ang salitang “hindi” sa unahan ng pangungusap.
 Hindi niyo ako maloloko
 Hindi siya sumama sa outing ng kanilang barkada.

16. Salantunay(Ingles: Paradox)


Ito ay ang pagpapahayag ng isang katotohanan sa pamamagitan ng paggamit ng
sangkap na animo’y di totoo sa biglang basa o dinig.
 Ang mga palaging talo sa buhay ang nagtagumpay.
 Ang mayaman ay mahirap sa kaligayahan.

17. Pangitain(Ingles: Vision imagery)


Ito ay nagpapahayag ng mga laman ng isip na animo’y tunay na kaharap o nakikita
sa nagsasalita.
 Naiisip ko na maging mapayapa ang lahat.
 Nakikita kong mananalo ako sa kompetisyon.

18. Paghahalintulad(Analogy)
Ito ay pagtutulad ng dalawang bagay, lugar, o ideya na magkatumbas.
 Ang dalaga ay parang isang bulaklak, at ang binata ay parang
isang bubuyog.
 Ako ay isang buwan na sumisikat sa gabi, at ikaw ay isang araw na
sumisikat sa umaga.

SAGUTIN NATIN!

12
Panuto: Suriin ang mga pangungusap sa ibaba. Isulat ang uri ng ginamit na
tayutay at pagkatapos ay gamitin sa sariling pangungusap.

1. Lalaki tila hari kung mag-utos


Tayutay: _________________________
Pangungusap: ___________________________________________

2. Ipo-ipong sasakyan
Tayutay: _________________________
Pangungusap: ___________________________________________

3. Naghahabulang tiktak ng orasan


Tayutay: _________________________
Pangungusap: ___________________________________________

4. Kandilang unti-unting nauupos


Tayutay: _________________________
Pangungusap: ___________________________________________

5. Ibong humahanap ng kalayaan


Tayutay: _________________________
Pangungusap: ___________________________________________

Kasanayang Pampagkatuto:
Nasusuri ang mga elemento ng elehiya batay sa tema, mga tauhan, tagpuan, mga
mahihiwatigang kaugalian o tradisyon, wikang ginamit, pahiwatig o simbolo at
damdamin

Panimula (Introduksyon)

Alam mo ba..?

Ang mga elemento ng tradisyunal na elehiya ay nasasalamin sa tatlong yugto ng


kawalan. Sa simula, mayroon itong panaghoy na puno ng pighati at kalungkutan,

   
na susundan ng papuri at paghanga sa sumakabilang-buhat at sa huli ay may
13
kasiyahan at kaaliwan
Simulan Natin!
Panimulang Pagtataya

Panuto:Basahin at unawain ang mga pahayag. Piliin ang letra ng tamang


sagot at isulat sa hiwalay na papel.

1. Ito ay akdang pampanitikang naglalarawan ng pagbubulay-bulay o


guniguning nagpapakita ng masidhing damdamin tungkol sa alaala ng
isang mahal sa buhay.
A. elehiya C. parabula
B. pabula D. sanaysay

2. Ito ang elemento ng elehiyang tumutukoy sa mga paniniwala, gawi o


mga nakasanayang lumutang sa pagbuo nito.
A. damdamin C. simbolo
B. kaugalian o tradisyon D. wikang ginamit

3. Ito ang dalawang antas ng wikang ginagamit sa pagsulat ng mga


akdang pampanitikan partikular na ang elehiya.
A. patinig at katinig C. tiyak at ‘di tiyak
B. pamaraan at panlunan D. pormal at ‘di pormal

4. Ito ay mga elemento ng elehiya maliban sa isa.


A. damdamin C. tema
B. kabanata D. wikang ginamit

5. Ito ang ginagamit na kasangkapan upang magpahiwatig ng mga ideya


o kaisipang nakapaloob sa akda.

14
A. damdamin C. simbolo
B. kaugalian o tradisyon D. wikang ginamit

Malungkot na lumisan ang tag-araw


Kasama ang pagmamahal na inialay;
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap.

6. Ito ang damdaming nangibabaw sa bahagi ng tulang nasa itaas.


A. pagkagalit C. pagkalungkot
B. pagkainis D. pagpapakasakit

7. Ito ang personang nagsasalita sa akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya.”


A. kuya C. nakababatang kapatid
B. manunulat D. nanay

8. Ito ang kabuuang kaisipan sa elehiya. Kadalasan, ito ay kongkretong


kaisipan o batay sa karanasan.
A. damdamin C. tagpuan
B. simbolo D. tema

9. Ang mga sumusunod ay mga gabay sa pagsulat ng elehiya maliban sa isa.


A. Marapat na simbolo ang palutangin sa elehiya.
B. Alamin ang magiging kabuuang daloy ng pagsulat.
C. Emphasis ang kailangan sa pagdama at pagdanas sa buhay ng taong pag-aalayan
nito.
D. Yariing mapagparanas ang elehiya upang mag-iwan ng mapagnilay na mensahe
sa mga mambabasa.

10. Ang mga pangungusap ay nagpapahayag ng katangiang tinataglay ng elehiya


maliban sa isa.
A. Mapagmuni-muni ang himig ng elehiya.
B. Kadalasang simbolo ang naghahari sa akdang ito.
C. Nakatuon ito sa pagpapahayag ng personal na damdamin.
D. Pag-alaala at pagpaparangal sa namayapang mahal sa buhay

15
Talakayin Natin!

Mga Elemento ng Elehiya

1. Tema - Ito ang kabuuang kaisipan sa elehiya.


Kadalasan ito ay kongkretong kaisipan o batay sa karanasan.

2. Tauhan - Tauhang pinapaksa na nakapaloob sa elehiya.7

3. Tagpuan - Lugar at panahon kung saan at kailan naganap ang elehiya.

4. Kaugalian o Tradisyon - Mga paniniwala, gawi o mga nakasanayan na lumutang


sa elehiya.

5. Damdamin - Pagpapahayag ng saloobin o emosyon ng manunulat sa akda.

6. Simbolo - Ginagamit upang magpahiwatig ng mga ideya o kaisipang


nakapaloob sa akda.

7. Wikang Ginamit - Paggamit ng mga salita sa elehiya batay sa


dalawang antas:

a. Pormal - Ito ang wikang istandard na kinikilala at tinatanggap ng mga


nakapag-aral ng wika.

16
b. ‘Di Pormal - Wikang kadalasang ginagamit sa pang-arawaraw na
pakikipagtalastasan. Filipino-9-SLMs-3rd-Quarter-Module-2.pdf

Suriin Natin!
Panuto: Basahin at unawain ang akdang, “Elehiya sa Kamatayan ni Kuya”
na isinalin sa Filipino ni Patrocinio “Pat” V. Villafuerte at suriin ang
elehiya ayon sa mga elemento ng sumusunod na graffiti placemat diagram. Isulat
sa dayagram ang pagsusuri.

Elehiya sa Kamatayan ni Kuya


(Elehiya ng Bhutan)
Isinalin sa Filipino ni Patrocinio V. Villafuerte

Hindi napapanahon!
Sa edad na dalawampu’t isa, isinugo ang buhay
Ang kaniyang malungkot na paglalakbay na hindi na matanaw
Una sa dami ng aking kilala taglay ang di-mabigkas na pangarap
Di maipakitang pagmamahal
At kahit pagkaraan ng maraming pagsubok
Sa gitna ng nagaganap na usok sa umaga
Maniwala’t dili panghihina at pagbagsak!
Ano ang naiwan! Mga naikuwadrong larawang guhit,
poster, at larawan,
aklat, talaarawan, at iba pa.
Wala nang dapat ipagbunyi
Ang masaklap na pangyayari, nagwakas na
Sa pamamagitan ng luha naglandas ang hangganan, gaya ng paggunita
Ang maamong mukha, ang matamis na tinig, ang halakhak

17
at ang ligayang di-malilimutan.
Walang katapusang pagdarasal
Kasama ng lungkot, luha, at pighati bilang
paggalang sa kaniyang kinahinatnan
Mula sa maraming taon ng paghihirap
Sa pag-aaral at paghahanap ng magpapaaral
Mga mata’y nawalan ng luha, ang lakas ay nawala
O’ ano ang naganap, Ang buhay ay saglit na nawala
Pema, ang immortal na pangalan
Mula sa nilisang tahanan
Walang imahe, walang anino, at walang katawan
Ang lahat ay nagluksa, ang burol ay bumaba,
Ang bukid ay nadaanan ng unos
Malungkot na lumisan ang tag-araw
Kasama ang pagmamahal na inialay
Ang isang anak ng aking ina ay hindi na makikita
Ang masayang panahon ng pangarap

Tema Tagpuan

Mga Tauhan Mga Tradisyon o


Kaugalian Ipinahiwatig

Elehiya
sa Kamatayan
ni Kuya
Wikang Ginamit Damdaming Namayani

18
19

You might also like