Professional Documents
Culture Documents
Department of Education
Region IV-A Calabarzon
City Schools Division of Tanauan
Boot National High School
Boot, Tanauan City, Batangas
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2. Basahin at unawaing mabuti ang buod ng mga kabanata ng Noli Me
Tangere na itinatampok ang tauhang si Maria Clara. Pagkatapos, sagutin ang mga gabay na tanong.
Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.
Kabanata 7: Suyuan sa Asotea
Si Tiya Isabel ay isang debotong Katoliko. Nakagawian niyang magsimba tuwing umaga kasama ang
pamangkin na si Maria Clara. Pagkatapos ng misa na iyon ay nagmamadali na umuwi si Maria Clara
na ikinagalit ng kanyang tiyahin.Mula sa balkonahe ng kanilang bahay ay hindi mapakali at aligaga
ang dalaga. Hinihintay niya ang pagdating ng kanyang kasintahang si Ibarra. Halos pitong taon ding
lumipas na hindi nagkita ang dalawang magkasintahan.Dumating si Ibarra at ginugol ng dalawa ang
kanilang oras sa pag-alaala sa kanilang mga nakaraan mula noong sila ay mga musmos pa lamang.
Nagbalik tanaw si Maria mula sa kanyang buhay sa Beaterio habang si Ibarra naman ay sa kanyang
pag-aaral at pakikipagsapalaran sa Europa.Isinumbat ni Maria ang paglayo ni Ibarra para mag-aral,
pero dagli naman itong sinagot ng binata. Lumayo raw siya para gawin ang mga higit na mahalagang
bagay, ang pag-aaral para sa kabutihan ng hinaharap ng bayan. Naputol ang kanilang usapan nang
biglang maalala ng binata ang kanyang mga yumaong magulang. dali-dali siyang nagpaalam at
umuwi para makahabol sa nalalapit na undas.
Gawain sa Pagkatuto Bilang 2: Sa iyong palagay, ano-ano ang tungkulin ng ina at ng anak na dapat
nilang gampanan? Isulat ang mga ito sa loob ng kahon. Ipaliwanag ang kahalagan ng paggampan sa
mga tungkuling ito.
TUNGKULIN NG INA TUNGKULIN NG ANAK
Mga Tanong:
1. Bakit inaresto si Ibarra?