You are on page 1of 25

PAGGANYAK

MAGBIGAY NG IBA’T IBANG


KATANGIAN NG INYONG INA.
TALASALITAAN
Panuto: Basahin at unawain ang bawat
pangungusap. Piliin sa kahon ang
kahulugan ng salitang may salungguhit
sa bawat bilang.
kasiya-siya makikita inubos

inaaninag masama tumahimik

labis na kagutuman sumisiksik

kaakit-akit ginamit maibigay


1. Sa simula pa lamang ng kanilang pagsasama,
nilustay na ng asawa ang mga pera ni Sisa
kasama ang napagbilhan ng mga alahas.
Sagot: inubos
2. Nang wala na siyang maitustos sa bisyo ng
asawa, si Sisa’y sinimulan nang saktan nito.
Sagot: maibigay
3. Hayagan nang ipinakita ng asawa kay Sisa
ang kaniyang makahayop na ugali’t asal.
Sagot: masama
4. Ang hapunang inihanda ni Sisa para sa mga
anak ay buong pagkahayok na kinain ng
kaniyang asawa.
Sagot: labis na kagutuman
5. Kahit sa pagdarasal, pilit na gumigiit sa
isipan ni Sisa ang kaniyang mga anak.
Sagot: sumisiksik
6. Mababakas sa kaniyang mukha ang
pagdurusang dinaranas.
Sagot: makikita
7. Kabigha-bighani ang kaniyang angking
kagandahan.
Sagot: kaaya-aya
8. Wala siyang nagawa kundi magsawalang-
kibo na lang sa inasal ng asawa.
Sagot: tumahimik
9. Saglit na tumigil si Sisa sa pagdarasal at pilit
na inaaninaw sa kadiliman kung may mga
dumarating.
Sagot: inaaninag
10. Si Sisa ay may labing kaaya-aya ang hugis.
Sagot: kaakit-akit
• Pagbasa sa Kabanata XVI ng Noli Me Tangere.
Madilim ang gabi. Mahimbing nang natutulog ang mga taga-San
Diego matapos ang paggunita sa kani-ang mga patay.
Sina Crispin at Basilio ay nakatira sa labas ng bayan. Ang ina nilang si
Sisa ay nakapag-asawa ng isang lalaking iresponsable, palaboy, at sugarol.
Sa simula pa lamang ng kanilang pagsasama, nilustay na nito ang mga alahas
ni Sisa dahil sa kaniyang bisyo at nang wala nang maitustos dito, sinimulan
nang pagbuhatan ng kamay ng asawa. Dahil sa kahinaan ng loob at
pamamayani ng puso kaysa pag-iisip, walang ginawa si Sisa kundi ang
umiyak. Para sa kaniya, ang asawa ang kaniyang Bathala at ang mga anak
ang kaniyang mga anghel. Sinamantala ng lalaki ang takot at labis na
pagmamahal ni Sisa sa kaniya. Lalo niya itong pinakitaan ng makahayop na
asal.
•Sino sino ang mga tauhan sa kabanata?
•Ilarawan si Sisa bilang asawa, bilang ina,
gayundin ang pisikal na anyo niya.
•Kung si Sisa ay mabait na asawa, ano ang mga
katangian niya ukol sa mga bagay na ito?
•Ilarawan ang asawa ni Sisa bilang asawa at
ama.
•Naging maligaya ba si Sisa sa kanyang pag-
aasawa? Bakit?
•Tama ba ang ginagawang pagtitiis ni Sisa sa
kaniyang asawa? Pangatuwiranan.
•May nilabag bang karapatan kay Sisa bilang
babae, ina, at asawa? Patunayan.
•Anong mga bagay ang ginawa ni Sisa upang
maipakita niya ang pagmamahal sa mga anak?
•Sa iyong palagay, bakit kinilabutan si Sisa nang
marinig ang tawag ni Basilio?
RUBRIK SA PANGKATANG GAWAIN
BATAYAN Napakahusay Mahusay Di-gaanong Nangangailangan
Mahusay ng Pagpapabuti
Nilalaman at Lubos na Naipahatid ang Di-gaanong Di naiparating ang
Organisasyon ng mga naipahatid ang nilalaman o naiparating nilalaman o
Kaisipan o Mensahe nilalaman o kaisipan na ang nilalaman kaisipan na nais
(10) kaisipan na nais iparating o kaisipan na iparating sa
nais sa manonood nais iparating manonood (3)
iparating sa (7) sa manonood
manonood (5)
(10)
Istilo/Pagkamalikhain Lubos na Kinakitaan ng Di-gaanong Di kinakitaan ng
(10) kinakitaan ng kasiningan ang kinakitaan ng kasiningan ang
kasiningan ang pamamaraang kasiningan ang pamamaraang
pamamaraang ginamit ng pamamaraang ginamit ng
ginamit ng pangkat sa ginamit ng pangkat sa
pangkat sa presentasyon pangkat sa presentasyon (3)
presentasyon (7) presentasyon
(10) (5)
Kaisahan ng Pangkat Lubos na Nagpamalas Di-gaanong Di nagpamalas ng
o Kooperasyon (10) nagpamalas ng ng nagpamalas pagkakaisa ang
pagkakaisa pagkakaisa ng pagkakaisa bawat miyembro
ang ang ang bawat sa
bawat bawat miyembro sa kanilang gawain
miyembro sa miyembro sa kanilang (3)
kanilang kanilang gawain (5)
gawain (10) gawain (7)

KABUUAN 30 Puntos
•Pangkat 1
Ipaliwanag ang mga kaisipan sa akda sa
pamamagitan ng pag-uulat.
•Pangkat 2
Ipakita ang kahalagahan ng tungkulin ng isang
ina sa kanyang mga anak sa pamamamagitan
ng role play.
•Pangkat 3
Sa pamamagitan ng T-chart, ilahad ang
pagkakaiba ng kababaihang Pilipino noon at
ngayon.
• Pangkat 4
Magkaroon ng maikling opinyon tungkol sa
paksang, “Dapat Bang Magkaroon ng Pantay
na Karapatan ang Babae at Lalaki?
Panuto: Unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
1.Ang asawa ni Sisa ay isang ______.
A. Magsasaka B. mangingisda C. Sabungero D. Magnanakaw
2.Ang iniihaw na tuyong tawilis ni Sisa ay para sa ______ katao lamang.
A.Dalawa B. Tatlo C. apat D. lima
3.Ang tapang baboy ramo at hita ng patong bundok ay bigay ni _______.
A.Kapitan Tiyago B.Tandang Tasyo C. Padre Damaso D. Padre Salvi
4.Malas na gabi iyon para kay SIsa sapagkat dumating ang _____.
A.Kura B. asawa C. alperes D. guwardiya sibil
5.Nangalisag ang mga balahibo ni Sisa nang marinig niya si ____ na
katok nang katok ng pinto.
A.Crispin B. Basilio C. Donya Consolacion D. Donya Victorina
G. TAKDANG ARALIN/KASUNDUAN
Gumawa ng isang kard na may lamang
mensahe para sa inyong nanay para sa nalalapit
na Araw ng mga Puso.

You might also like