You are on page 1of 11

FILIPINO 8

Ekspresyon sa
Pagpapahayag
ng Konsepto
ng Pananaw
Nagagamit ang mga angkop na
ekspresyon sa pagpapahayag ng konsepto
ng pananaw (ayon, batay, sang-ayon sa,
sa akala, iba pa).
(F8WG-IIId-e-31)
LAYUNIN
• Ang pananaw ay ang opinyon o paningin ng isang tao
tungkol sa isang bagay o paksa.
• Ito ay tumutukoy sa personal na pagkakaunawa o
perspektibo ng isang tao.
• Sa pagbuo ng pananaw, nasusuri ng isang tao ang
kanyang paningin at ang kanyang masasabi tungkol sa
isang bagay o isyu.
Ang mga ekspresyong nagpapahayag ng pananaw ay
ang mga ekspresyon o linyang madalas gamitin
kapag nagbibigay ng pananaw ang isang tao tungkol
sa isang isyu o bagay.
• Alinsunod sa … naniniwala ako na …
• Anupa’t ang pananaw ko sa bagay na iyan ay …
• Ayon sa …
• Batay sa …
• Kung ako ang tatanungin, nakikita kong …
• Lubos ang aking paniniwala sa …
• Palibhasa’y naranasan ko kaya masasabi kong …
• Para sa akin …
• Sa bagay na iyan masasabi kong …
• Sa ganang akin …
• Sang-ayon sa …
Sa pagpapahayag ng isang tagapamahayag sa
kaniyang programa, malimit na gumamit ng
makatotohanang pagpapahayag na kung saan ang
impormasyon ay may batayan dahil may
pinagbatayan, ito ang nagiging daan upang ang
isang tagapamahayag ay magkaroon ng integridad
sa pamamahayag.
GAWAIN 1
Panuto: Sa iyong sagutang-papel ay subukin mong
magamit sa pangungusap ang mga ekspresyon sa
pagpapahayag ng konsepto ng pananaw.

Halimbawa: Batay sa WHO patuloy na tumataas ang


bilang ng mga nagkakasakit ng Covid 19.
GAWAIN 2
Panuto: Gamitin ang sumusunod na salita sa ibaba sa
paglalahad ng iyong sariling pananaw tungkol sa isyung
nakasulat sa kahon.
GAWAIN 2
ayon sa sang-ayon sa
sa palagay ko naniniwala ako
sa tingin ko kung ako ang tatanungin
batay sa
sa ganang akin
para sa akin
Pananaw Pananaw
_________________________________ _________________________________
_________________________________ _________________________________
_________________________________ _________________________________
KAHIRAPAN KARAPATAN NG TAO

Pananaw Pananaw
_________________________________ _________________________________
_________________________________ _________________________________
_________________________________ _________________________________
EDUKASYON POLITIKA
ADIOS!

You might also like