You are on page 1of 4

Gawaing Papel sa Pagkatuto

Filipino 10
ARALIN 4- UNANG MARKAHAN

Pangalan: ________________________________________________________________
Baitang at Seksyon: ________________________ Petsa: _______________________
Guro: ______________________________________ Marka:_______________________
MGA PAHAYAG SA PAGBIBIGAY NG
SARILING PANANAW

MELC: Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling


pananaw (F10WG-Ic-d-59)

Mga pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Pananaw

Mahalagang bahagi ng ating pang-araw-araw na pakikipagtalastasan


ang pahayag ng sariling pananaw o opinyon. Kailangang matutuhan mo
kung paano ang mabisang paraan ng pagsasagawa nito.
Mababasa sa ibaba ang ilang mga pahayag na ginagamit sa pagbibigay ng
sariling pananaw:
• Ang masasabi ko ay . . .
• Ang pagkakaalam ko ay . . .
• Ang paniniwala ko ay . . .
• Ayon sa nabasa kong datos/impormasyon/balita.
• Hindi ako sumasang-ayon sa sinabi mo dahil . . .
• Kung ako ang tatanungin . . .
• Maaari po bang magbigay ng aking mungkahi?
• Maaari po bang magdagdag sa sinabi ninyo?
• Mahusay ang sinabi mo at ako man ay . . .
Nasa iyo yan kung hindi ka sumasang-ayon sa aking pananaw subalit...
Para sa akin . . .
• Sa aking palagay . . .
• Sa tingin ko ay . . .
• Tutol ako sa sinabi mo dahil . . .

Naririto naman ang ilang paalalang dapat isaalang-alang sa Pagbibigay ng


sariling pananaw o opinion:

➢ Ilahad ang pananaw sa maayos at malumanay na paraan kahit pa hindi


sinasang-ayunan ang pananaw ng iba. Iwasang magtaas ng boses o maging
sarkastiko at makasakit sa damdamin ng kapwa. Laging tatandaan ang
isang kasabihang, Ingles na nagsasabing “You can disagree without being
disagreeable.”
➢ Makinig nang mabuti sa sinasabi ng kausap. Ipakita mo pa rin ang
interes at paggalang kahit hindi kayo pareho ng pananaw o opinyong
pinaniniwalaan. Maiiwasan din ang pagiging mapanghusga kung makikinig
muna tayo sa panig ng bawat isa

1
➢ Huwag pilitin ang kausap na sumang-ayon o pumanig sa iyong pananaw
o paninindigan kung may matibay siyang dahilan para maniwala sa
kasalungat ng iyong pananaw.
➢ Mas magiging matibay at makakukumbinsi sa iba kung ang pananaw o
paninindigang iyong ipinaglalaban ay nakabase sa katotohanan o kaya’y
sinusuportahan ng datos. Makabubuti ang pagiging palabasa at pag-alam
sa mga isyu upang magkaroon ng higit na laman ang iyong ipahahayag at
hindi
basta nakabase lang sa personal mong nararamdaman o iniisip.
➢ Gumamit ng mga pahayag na simple para madaling maintindihan ng mga
tagapakinig ang iyong opinyon o pananaw. Kung sakaling magpapahayag ka
sa isang pormal na okasyon, gumamit ka rin ng pormal na pananalita at
huwag mong kalilimutang gumamit ng katagang po at huwag mong
kalilimutang gumamit ng katagang po at opo.

Pinagkunan: E. Marasigan, et Al (2015). Pinagyamang Pluma 10

Gawain I
Panuto: Isulat mo ang iyong reaksiyon o sariling pananaw sa sumusunod na
mga pamahiin. Mababasa mo sa ibaba ang iilan sa mga pamahiing ito.

1. Para maging matalino ang isang tao, kailangang may librong


inilalagay sa ilalim ng unan.

2. May paparating na biyaya o malaking pera kapag may umaaligid na


kayumangging paru-paro.

3. Bawal magpakuha ng larawan ang tatlo dahil sinasabing mamamatay


ang nasa gitna.

2
Gawain II
Panuto: Dugtungan ang mga sinimulang mga pahayag upang makumpleto
mo ang natutuhan mo sa pagbibigay ng sariling pananaw.

1. Sa pagbibigay ng reaksiyon o pananaw, mahalagang gumamit ng mga


pahayag na _________________________________________________________
_____________________________________________________________________

2. Mahalaga ang pagiging magalang sa pagbibigay ng reaksiyon o


pananaw upang ____________________________________________________
_____________________________________________________________________

3. Mas matibay o mas makukumbinsi mo ang iba na maniwala sa iyong


pananaw kapag ____________________________________________________
____________________________________________________________________

Gawain III
Panuto: Ibigay ang sariling pananaw gamit ang angkop na mga pahayag.

“Same-Sex Marriage”

Pidbak:
Paano ka natulungan ng mga gawaing ito?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Inihanda ni:

ALEXIS VALERIE B. CALIMAG

3
Teacher I

You might also like