You are on page 1of 7

Pangalan ng Mag-aaral: Baitang/Pangkat:

________________________________________ _________________________________

Guro: Petsa ng Pagpasa:

________________________________________ _________________________________

Susing Konsepto:
Ang paglalahad ay isang anyo ng pagpapahayag na naglalayong mabigyang - linaw
ang isang konsepto o kaisipan, bagay o paninindigan upang lubos na maunawaan ng
nakikinig o magbabasa.
Itinuturing din itong isang uri ng pagpapaliwanag ng tao ukol sa mga bagay-bagay na
may kaugnayan sa kanyang mga gawaing pangkomunikasyon. Sa pamamagitan ng
paglalahad, mas lalo rin na naipahahayag ang ating saloobin lalo pa’t may kinalaman
sa sarili, katulad ng pagdedesisyon sa buhay sa isyung panlipunan na nagaganap
sa panahon ng krisis. Sa mga pangyayari o kaganapan na ito, hindi natin maiwasan
ang hindi magbigay ng reaksyon. Nariyan ang pagsang-ayon at pagsalungat natin
sa mga nasasaksihan o naririnig natin. Sa paglalahad o pagpapahayag ng pagsang -
ayon at pagsalungat may mga salita o parirala na ginagamit upang mas lalong
maipahayag nang maayos ang mga saloobin.
Ang pagsang-ayon ay nangangahulugan ng pagtanggap, pagpayag, pakikiisa o
pakikibagay sa isang pahayag o idea. Ang ilang hudyat na salita o pariralang
ginagamit sa pagsang-ayon ay kabilang sa pang-abay na panang-ayon gaya ng Oo,
totoo, sang-ayon ako, at iba pa.
Halimbawa: Totoong kailangan ng pagbabago kaya’t gawin natin ito
sa tamang paraan.
Ang pagsalungat naman ay nangangahulugan ng pagtanggi, pagtaliwas, pagtutol,
pagkontra sa isang pahayag o ideya. Ang mga pang-abay na pananggi ay ginagamit sa
pagpapahayag na ito. Sa pagsalungat nang lubusan ginagamit ang mga sumusunod:
hindi ako sang-ayon, hindi totoong, maling-mali talaga, hindi ako naniniwala at
marami pang iba.
Halimbawa: Maling-mali ang kanyang tinuran. Walang katotohanan
ang pahayag na iyan.
1
ROV_Filipino_Baitang8_K2_LP3
Kasanayang Pampagkatuto:
Sa gawaing pagkatutong ito, inaasahan
na:
1. Nakapaglalahad sa paraang pasulat
ng pagsang – ayon at pagsalungat sa
isang argumento.
2. Nagagamit ang mga hudyat ng
pagsang-ayon at pagsalungat sa
pagpapahayag ng opinyon.

  Mga Gawain sa Pagkatuto:


 

GAWAIN 1
A- Panuto: Isulat ang iyong pagsang-ayon at pagsalungat sa mga sumusunod na sitwasyon .

Pagbabawal sa mga kabataan na gumala -gala sa labas ngayong panahon ng


pandemya. Sang - ayon ka ba o salungat?
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Pabor ka ba na ipagpaliban ang klase ngayong taong 2021-2022?


__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________

Mahusay! Nailahad mo na ang pagsang-ayon


at pagsalungat sa paraang pasulat. Maaari mo
ng ipagpatuloy ang sunod na gawain.

2
ROV_Filipino_Baitang8_K2_LP3
B. Panuto: Basahin mong mabuti ang argumento hinggil sa isyu pagkatapos ay
ilahad mo ang sariling reaksyon, pagsang-ayon man o pagsalungat.
Ibalita Mo na yan!

Paksa: Pagpapatupad ng Programang K-12 Bilang Sistema ng


Edukasyon sa Pilipinas.

Pabor sa K-12
Dapat lamang na ipatupad ang programang K-12 dahil ang Pilipinas na lang ang tanging
bansa sa Asya na may 10 taon ang pag-aaral sa basic-education: Dito, magkakaroon ng
pagkakataon ang mahihirap na pumili kung magpapatuloy sa kolehiyo o magsisimula nang
magtrabaho matapos sumailalim sa K-12 sakaling wala na silang pera gagastusin upang
tumuloy sap ag-aaral. Kung hindi sila nakapagkolehiyo, mabibigyan pa rin sila ng sertipiko na
puwede nilang magamit sa paghahanap ng trabaho.

Hindi Pabor sa K-12


Sa kabila ng pagiging praktikal ng programang K-12, hindi pa rin ito dapat ipatupad dahil
kulang ang pamahalaan sa paghahanda. Walang ginanap na pag-aaral kung magiging
mabisa ito para sa mga Pilipinong mag-aaral. Ito ay ipinatupad kahit kulang sa pagsasanay
ang mga guro para sa dagdag na dalawang taon sa pag-aaral.

Pagsang- ayon:____________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
__________________________________________________________________________________________

Pagsalungat:______________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
______________________________________________________________________________________

GAWAIN 2
3
Panuto: Basahin
ROV_Filipino_Baitang8_K2_LP3 at unawaing mabuti. Pagkatapos, ilahad mo ang iyong
pagsang -ayon o pagsalungat sa mga pahayag sa ibaba.
Paksa 1:
Pabor ba kayo sa pagpapatupad ng
batas ukol sa “No Vaccine, No Entry”
sa lahat ng mga establisyemento?

Paksa 2:
Pabor ba kayo sa panukalang
kailangang mabakunahan ang lahat ng
tao upang maiwasan ang pagkalat ng
virus?

Bago ka magpatuloy sa susunod na gawain, makipag-usap


ka muna sa kasama sa bahay at ibahagi mo ang iyong
natutuhan mula sa ating aralin ngayon.

Kumusta ang usapan ninyo ng kasama mo sa bahay? Sigurado ako na


4
ito ay masaya tulad ng gawain natin dito. Kaya alam ko handa ka na
ROV_Filipino_Baitang8_K2_LP3
upang ipagpatuloy ang ating gawain!
Wow! Magaling. Ngayong napaunlad mo na ang iyong kakayanan sa
pagpapahayag ng sariling reaksyon sa mga bagay-bagay, binabati kita. At bilang
pagsukat sa kabuoan ng iyong natutunan, nais kong tapusin mo ito sa pamamagitan
ng pagsagot sa panapos na gawain. Balikan mo lang ang mga ginawa sa mga
nauna mong napagdaanang pagsasanay. Gagawa ka ng argumento sa
pamamagitan ng paglalahad ng pagsang-ayon o pagsalungat sa paksa na
nakasulat sa ibaba.

GAWAIN 3

Panuto: Ilahad ang iyong pagsang-ayon o pagsalungat na may kinalaman sa


paksa katulad ng halimbawa sa Gawain 2.

Paksa: “Pagpapatupad ng National ID System sa Pilipinas, pabor ka ba?”

(Isulat mo ang iyong sariling pagsang-ayon at pagsalungat tungkol sa binasa mong


isang argumento.)

Pabor sa Pagpapatupad ng National ID System

Malaki ang maitutulong ng National ID System sa Pilipinas dahil magkakaroon na ng


indibidwal na pagkakakilanlan ang bawat Pilipino. Ayon kay Congresswoman Sol
Aragones, “Mas mapapadali nito ang anumang transaksyon, mapagobyerno o
pribadong sector man ito.” Higit sa lahat malaki ang maitutulong nito sa security
issue ng ating bansa. Pinapaalala niya na ang National ID ay libre at walang dapat
bayaran. Pero kung sakaling mawala ito, sa pangalawang pagkakataon ay kailangan
na itong bayaran. Wala rin dapat tayong ipangamba dahil ang mga lamang
impormasyon sa Phil. ID na ito ay basic information lamang.

Hindi Pabor sa Pagpapatupad ng National ID System

Ang National ID ay naglalaman ng mga personal na impormasyon ng isang tao.


Kaya naman may ilang nangangamba na maaari raw magamit ng iba ang kanilang
personal na detalye sa paniniktik ng pamahalaan lalo na sa mga kaaway nito sa
pulitika. May agam-agam din ang Foundation for Media Alternatives ng iDEFEND sa
implementasyon ng batas na ito. Lalo na’t sensitibong impormasyon ng mga Pilipino
ang panghahawakan ng gobyerno.

5
ROV_Filipino_Baitang8_K2_LP3
Pagsang- ayon:____________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

Pagsalungat:______________________________________________
________________________________________________________
________________________________________________________
____________________________________________________________________________________________________

__________________________________________________________________________________________

Bilib ako sa iyo! Nagawa mo ang lahat ng gawain,


kaya Smile naman diyan , ayan bilang pangwakas
punan mo ang patlang sa ibaba upang mabuo ang
kaisipan ng natutuhan mo sa ngayon 

Sa paglalahad ng kaisipan o opinion sa mga


bagay-bagay o mga pangyayari sa kasalukuyan,
nakatutulong ang pagpapahayag ng _______________
at ________________ upang mabigyang linaw at
mailahad nang maayos ang ating saloobin.

Natutuhan ko rin na ang paglalahad ay


________________________________________________
________________________________________________

Mahalaga na matutuhan ko ito sapagkat


________________________________________________
_______________________________________________.

Pamantayan sa Pagmamarka 6
ROV_Filipino_Baitang8_K2_LP3
Para sa Gawain 1-A, 1-B at Gawain 2 Para sa Gawain 3

Pamantayan Puntos Pamantayan Puntos


1. Nilalaman 1. Nilalaman (may kaugnayan 10
4 sa paksa)
2. Malinaw at maayos na 2. Malinaw at maayos ang 10
Arpoceple,
paglalahadVanessa C. Kwarter 2 Modyul
ng pagsang- 3 4 sa Filipino 8.
pagkakalahad ng mga ideya.
ayon at pagsalungat.
https://brainly.ph/question/1206245#readmorevv 3. Maayos na paggamit ng mga 5
3. Maayos na paggamit ng salita sa pangungusap.
https://brainly.ph/question/1206245
mga salita at 3
https://brainly.ph/question/468072#readmore
4. Binubuo ng dalawang talata 5
ang paglalahad ng pagsang-
pangungusap.
: brainly.ph/qu/468072
ayon at pagsalungat.
brainly.ph/question/494107
Kabuoan ( k-12)
10 Kabuoan 30 puntos
slideshare.net/mobile/kathy_mac/pagsang-ayon-at-pagsalungat-sa-
pagapapahayag-ng-opinyon)
Sanggunian
http://www.gmanews.tv/24Oras)
http://mamsha.tripod.com/id36.html

Mga Bumuo ng Learner’s Packet

Manunulat: ARNIE B. BARCELONA T-II, TNHS


Editor/Tumiyak sa Kalidad: Zita R. Bogñalbal MT-II, TNHS
Roger B. Bañal HT-VI, TNHS
Punong Editor: Emilia B. Boboyo EPS-I, FILIPINO
Tagalapat: Melodie C. Bueno MT-I, TSCES

7
ROV_Filipino_Baitang8_K2_LP3

You might also like