You are on page 1of 20

6

Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Nabibigyang Halaga Ang Kalayaan Sa
Pamamahayag Na May Kaukulang
Pananagutan At Limitasyon

Kagawaran ng Edukasyon • Republika ng Pilipinas


Edukasyon sa Pagpapakatao (ESP) – Grade 6
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 1: Nabibigyang Halaga and Kalayaan sa Pamamahayag na
may Kaukulang Pananagutan at Limitasyon

First Edition, 2019

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any work of
the Government of the Philippines. However, prior approval of the government agency or office
wherein the work is created shall be necessary for exploitation of such work for profit. Such
agency or office may, among other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e., songs, stories, poems, pictures, photos, brand names,
trademarks, etc.) included in this book are owned by their respective copyright holders. Every
effort has been exerted to locate and seek permission to use these materials from their
respective copyright owners. The publisher and authors do not represent nor claim ownership
over them.

Published by the Department of Education


Secretary:
Undersecretary:
Assistant Secretary:

Development Team of the Module

Authors:
Editor:

Reviewers:
Illustrator:
Layout Artist:
Management Team:

Printed in the Philippines by ________________________

Department of Education – Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Office Address: Binirayan, San Jose, de Buenavista, Antique


Telefax: (036) 540-9837)
E-mail Address: antique@deped.gov.ph
6
Edukasyon sa
Pagpapakatao
Ikatlong Markahan – Modyul 1
Nabibigyang - Halaga ang Kalayaan sa
Pamamahayag na may Kaukulang
Pananagutan at Limitasyon

Ang kagamitang panturong ito ay pinagtulungang binuo at sinuri ng


mga tagapagturo mula sa publiko at pribadong paaralan, kolehiyo, at o
/pamantasan. Hinihikayat namin ang mga guro at iba pang stakeholder sa
edukasyon na mag-email ng inyong mga puna, komento at rekomendasyon
sa Kagawaran ng Edukasyon at action@deped.gov.ph.

Amin pong pinapahalagahan ang inyong mga puna at rekomendasyon.


Pambungad na Mensahe
Para sa mga guro/magulang/tagapag-alaga:

Kailangan mong ipaunawa sa mag-aaral na mahalaga ang pagsagot sa


modyul na ito. Matutulungan sila nito na mapag aralan at matutunan ang mga
kinakailangang pamantayan sa kinabibilangang antas lalung lalo na sa mga
nakaligtaan o hindi nakuhang leksyong dahil sa kanilang pagliban sa klase.
Ipaliwanag sa kanila ang mga benepisyong makukuha sa pagsagot sa bawat
bahagi ng modyul. Malaking epekto ang magagawa ng iyong tulong at gabay sa
kanila.

Katungkulan mo ding tiyakin na ang bawat mag-aaral ay mabibigyan ng


sapat na suporta at alalay mula sa kanilang magulang, nakatatandang kapatid
sa bahay o kahit na sa mga kamag-anak, kaibigan at kapitbahay.

Bukod pa rito, huwag kaligtaang ipaalala sa mag-aaral ang tamang


paggamit ng modyul na ito. Panatililihing malinis, maayos at huwag markahan
ang bawat pahina. Isulat sa hiwalay na papel ang mga sagot sa iba’t ibang
pagsasanay.

Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay maituturing mong matalik na kaibigan at guro.
Marami kang matutuhan dito dahil ito ay ginawa batay sa iyong
pangangailangan. Pag-aralang mabuti ang bawat bahagi. Magagawa mo ito sa
pamamagitan ng paghingi ng tulong sa mga guro, magulang, nakakatandang
kapatid o kaninuman na pinagkakatiwalaan mong makakatulong sa iyo.

Ang modyul na gagawin mo ay binubuo ng mga sumusunod na bahagi


kasama ang kaakibat na sagisag o simbolo:

Alamin
Ito ay naglalaman ng kasanayang matutunan mo sa bawat leksyon.

Subukin
Ang bahaging ito ay binubuo ng 10-item na panimulang pagsasanay
upang tantiyahin kung ano ang nalalaman.

1
Balikan
Sa bahaging ito binibigay ang pagsisiyasat na mga tanong.
Nakakatulong ito upang maiugnay mo ang mga nakaraang leksyon sa
kasalukuyan.

Tuklasin
Sa bahaging ito, ang bagong leksyon ay ipinapakilala sa iyo sa iba’t
ibang paraan: kuwento, awit, tula, palaisipan, gawain o sitwasyon.

Suriin
Ang bahaging ito ay magbibigay sa iyo ng mga hakbang kung paano mo
gawin ang leksyon. Dito mo makikita ang maikling diskusyon sa
gagawin/buuing konsepto.

Pagyamanin
Binubuo ito ng mga bagay o “items” para sa malayang pagsasanay
upang higit na maunawaan ang paksa.

Isaisip
Naglalakip ito ng mga katanungang magdadala sa iyo sa
pangkalahatan o kabuuang pag-unawa sa mga paksang pinakita. Ang
mga hakbang kung paano ito ginawa ay maaaring maisama dito.

Isagawa
Ang bahaging ito ay naglalaman ng mga gawaing makakatulong
sa pagsasalin ng kaalaman sa konkreto, praktikal o makatotohanang
sitwasyon.

Tayahin
Ito ay isa na namang pagsubok para malaman ang antas ng iyong
pagkaunawa sa mga kasanayang napagdaanan.

3
Karadagang Gawain

Sa bahaging ito, isa na namang gawain ang ibibigay sa iyo upang


mapalawak ang iyong kaalaman sa leksyong natutunan. Makakatulong ito sa
pagpapanatili sa isip ng mga kaalamang/kakayahang natutunan.

Ngayong may ideya ka na sa nilalaman ng modyul na ito, handa ka nang


harapin ang mga gawain at tanggapin ang mga pagsubok sa iyong
paglalakbay. Isaisip lagi na hindi ka nag-iisa. Marami kang kasama na
tutulong at gagabay sa iyo sa pagsagot sa anumang problemang haharapin.
Huwag kang matakot. Pwede kang tumawag sa kanila kung ikaw ay
nangangailangan ng tulong.

Isulat mo ang iyong mga sagot sa hiwalay na papel. Kung tapos ka nang
sumagot sa mga pagsasanay sa modyul, ibalik ito sa iyong guro upang
maiwasto at malaman ang antas ng iyong pang-unawa.

Pagpalain ka ng Maykapal!

4
Alamin

Ang bawat tao ay may tinatamasang kalayaan. Isa sa mga ito ay ang
kalayaan sa pamamahayag. Ang karapatang ito ay isinaad sa Artikulo 3
Bill of Rights ng Republika ng Pilipinas 1987. Ang pamamahayag ay
pakikipagtalastasang pasulat man o pasalita gamit ang ibat-ibang
pamamaraan tulad ng midyang elektronik at mga nailathalang materyal.

Ang kalayaan sa pamamahayag ay isang karapatan ngunit may


kaukulang pananagutan at limitasyon. Ang isang mamamahayag ay
nagpapahayag lamang kung ano ang totoong nakita. Dapat na maging
balanse ang pananaw at maging maingat sa paglalahad ng impormasyon
na hindi nakasasakit ng damdamin ng iba. Ang malayang pamamahayag
ay may paggalang sa opinyon ng iba. Ito ay nagbibigay pansin sa
pangangailangan ng ibang tao.

Ang kalayaan sa pamamahayag ay isang karapatan upang ipabatid


sa lahat ang katotohanan. Ito ay mahalaga upang tayo ay makapamili
kung ano ang tunay na mahalaga sa buhay, kung kalian o paano kikilos.
Ito ay paraan upang ipahayag ang sariling opinyon o pananaw sa isang
isyu o suliranin.
_________________________________________________________________________

Pagkatapos mapag-aralan ang modyul na ito, inaasahan na:

1. matutukoy mo ang pananagutang kaakibat ng malayang


pamamahayag
2. matutukoy mo ang mga alituntunin sa mabisang pakikipagtalastasan o
paglalathala.
3 maibibigay ang kahalagahan ng kalayaan sa pamamahayag
4. maipaliliwanag ang kalayaan sa pamamahayag

5
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sitwasyon. Piliin ang


pangungusap na nagpapaliwanag kung ano ang pamamahayag at iba
pang kaisipang kaugnay nito. Bilang lamang ang isulat.

1. Ang pamamahayag ay isang karapatan at responsibilidad.


2. Ang kalayaan sa pamamahayag ay may kaakibat na pananagutan.
3. Internet lamang ang maaaring mapagkunan ng mga datos sa paksang
isusulat.
4. Dapat mag-ulat ng mga balitang ikasisira ng tauhan ng
pamamahalaan.
5. Ang pananaw ng isang mamamahayag ay dapat balanse at walang
kinikilingan.
6. Ang pamamahayag ay isang karapatan na may kaakibat na
pananagutan at limitasyon.
7. Ang kalayaan sa pamamahayag ay hindi dapat nanghihimasok sa
karapatan ng iba.
8. Dahil sa makabagong teknolohiya, mas napadali ngayon ang
pagpapahayag.
9. Ang pagbabalita ay dapat makatotohanan, makatarungan, at walang
kinikilingan.
10. Ipinagkaloob sa lahat ang karapatan sa pamamahayag upang gamitin
sa wastong paraan.

Iskor: ________

100% wasto Laktawan ang pagsagot sa modyul.

50% - 99% Ipagpatuloy ang pagsagot sa modyul.

6
Balikan

* Magbigay ng mga halimbawa ng mga kabutihang naidudulot ng paggalang sa


suhestiyon ng ibang tao base sa mga naitalang kondisyon sa ibaba. Isulat ang
sagot sa iyong kwaderno.

1. para malutas ang isang suliranin o proyektong pinag-uusapan.


2. upang magkaroon ng pagkakaunawaan
3. upang mapanatili ang kapayapaan
4. upang maiwasan ang gulo

* Magbigay din ng mga halimbawa ng mga bagay na dapat tandaan sa


pagtanggap ng suhestiyon ng iba. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.

1. igalang ang suhestiyon


2. pag-usapan ang mga suhestiyon
3. timbangin ang mga suhestiyon bago maghusga

Tuklasin

Panuto: Basahin nang mabuti ang sanaysay tungkol sa mapanagutang


pamamahayag. Tandaan ang mahahalagang punto na nagsasaad ng
mabisang pakikipagtalastasan upang masagot ang mga tanong sa pagsusuri.

Ang Mapanagutang Pamamahayag

Ang pamamahayag gamit ang iba’t ibang kaparaanan ay komunikasyon,


subalit ang paglalathala, pagsusuri at paghahabi ng mga salita, maging
pasulat o pasalita ay kailangan pagtuunan ng pansin ng naglalathala. Ang
binibitawang salita ay maaaring makabuo o makasira ng sangkatauhan o
sandaigdigan. Magiging mabisa ang pakikipagtalastasan at paglalathala kung
alalahanin ang sumusunod:

7
1. Ang katotohanan ng impormasyon. Tiyaking totoo ang nakuhang
impormasyon. Magagawa ito sa pagsusuri ng sinulat at pagtatanong sa
kinauukulan.
2. Ang taong pinanggalingan ng impormasyon. Ang pinanggalingan ng
impormasyon ay dapat na may kinalaman sa mga pangyayari, may sapat na
kaalaman, o kaya’y may opisyal na katungkulan.
3. Pamantayan o antas ng wikang ginagamit. Upang madaling maunawaan,
ang impormasyon ay dapat ilalahad sa simpleng wika.
4. Daluyan/Channel ng komunikasyon. Ang impormasyon ay maaaring
iparating sa pamamagitan ng pasulat o pasalita, telebisyon, radyo, diyaryo, o
sa internet.
5. Layunin sa pakikipagtalastasan o paglalathala. Kung ang layunin mo ay
magbalita, tiyaking balita lamang ang iyong ihahatid at hindi pamumuna o
pagbibigay opinion.
Ang kalayaan ay kapangyarihan o kakayahang nakaugat sa katwiran at
pagpapasiya kung kikilos o hindi upang gawin kung ano ang nararapat ayon
sa pansariling pananagutan.
Ang pananagutan ay pagsasaalang-alang sa ibang tao at pagbibigay
pansin sa kanilang pangangailangan. Idinidiin nito ang positibong obligasyon
upang pangalagaan ang bawat isa.

Ang mga mamamahayag ay dapat sumunod sa Code of Ethics ng


propesyon nila. Ang paggalang sa opinyon ng iba at pagiging balanse sa
pagbibigay ng pananaw ay mga mahalagang katangian ng isang
mamamahayag. Dapat na maging bukas ang kanilang isipan sa mga suliraning
pambansa o pandaigdigan upang matiyak ang mga datos na isusulat.

Sanggunian: Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon p. 61

Suriin

Panuto: Sagutin ang mga tanong batay sa binasang sanaysay sa itaas.


Isulat ang sagot sa nakalaang patlang.
1. Tungkol sa ano ang sanaysay?
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

8
2. Ano ang pamamahayag ayon sa sanaysay? Ipaliwanag ang iyong
sagot.
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang pananagutang kaakibat ng kalayaan sa pamamahayag?


_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
4. Ano-ano ang mga alituntunin sa mabisang pakikipagtalatasan?
_________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________
5. Paano nakasisira ang binibitawang salita ng mamamahayag sa
sangkatauhan?
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

6. Bakit sa likod ng bawat pahayag ay may isang mabigat na pananagutan?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

8
7. Sa anong paraan mo maipakikita ang iyong kalayaan sa pamamahayag?
_________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
____________________________________________________________________

9
Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Basahin nang mabuti ang bawat pangungusap. Piliin ang mga
pangungusap na nagpapakita ng pananagutang kaakibat ng malayang
pamamahayag. Isulat ang bilang ng mga pangungusap.

Sagot: __________________________________________________________________

1. Ang paggalang sa opinion ng iba ay mahalagang katangian ng isang


mamamahayag.
2. Ang mga impormasyon na dapat ipapahayag ay tiyaking totoo. makukuha
ito sa pagtatanong sa kinauukulan.
3. Ang pananagutan ay pagsasaalang-alang sa damdamin ng ibang tao at
pagbibigay pansin sa kanilang pangangailangan.
4. Iwasan lamang ang mag-ulat sa mga nagbabanta sa iyong buhay.
5. Laging isaisip na dapat balanse lamang ang pananaw ng isang
mamamahayag.

Gawain B
Panuto: Piliin sa loob ng kahon ang mga alituntunin ng mabisang
pakikipagtalastasan. Isulat lamang ng mga titik ng pangungusap na
nagsasaad ng nga alituntunin ng mabisang pakikipagtalastasan.

A. Ang katotohanan ng impormasyon

B. Pamantayan o antas ng wikang ginamit

C. Ang taong pinanggalingan ng impormasyon

D. Daluyan o channel ng komunikasyon

E. Layunin sa pakikipagtalastasan o paglalathala

F. Ang damdamin ng ibang tao

10
Sagot:
__________________________________________________
Gawain C
Panuto: Ibigay ang kahalagahan ng kalayaan sa pamamahayag. Isulat ang
iyong sagot sa loob ng kahon upang makumpleto ang semantic web.

Kahalagahan ng Kalayaan sa
Pamamahayag

Gawain D 10
Panuto: Ipaliwanag sa limang pangungusap ang kalayaan sa
pamamahayag.

Sagot: ______________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

Rubrics
Sagot Puntos
Paliwanag ay may wastong ideya. 5
Wastong gramatika ang ginamit
Paliwanag ay may wastong ideya. 3
Maling gramatika ang ginamit.
Paliwanag ay may maling ideya at 0
may maling gramatika.

11
Isaisip

Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong:

Mga Tanong:
1. Ano ang kalayaan sa pamamahayag? Ipaliwanag ito.
_____________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

2. Ano-ano ang pananagutang kaakibat ng malayang pamamahayag?


_____________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________
________________________________________________________________________

3. Ano-ano ang mga alituntunin sa mabisang pakikipagtalastasan?


11
______________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

4. Ibigay ang kahalagahan ng kalayaan sa pamamahayag.


______________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________

12
Isagawa

Panuto: Ipaliwanag sa speech balloon ang dapat mong gawin kung ikaw ay
nasa sitwasyong ito.
1. Sumali si Ben sa welga ng grupo ng mga maralita

2. Ikaw ay inatasang mag-ulat tungkol sa idinaos na Oplan Linis sa inyong


Barangay.

3. Nakita mong kinuha ng kaibigan mo ang wallet na naiwan sa mesa ng


inyong guro.

13
4. May bago kang sapatos. Ito ay mura lang ngunit maganda. Tinanong ka
ng iyong kaklase kung magkano ang halaga nito.

5. Nag-aaway ang iyong kaklase na sina Carlo at Ken dahil sa nawawalang


lapis. Nakita mong itinago ito ni Ken sa bag.

14
Tayahin

Panuto: Suriin nang mabuti ang sitwasyon. Piliin ang mga pangungusap na
nagpapahayag ng pananagutan ng malayang pamamahayag at ang mga
alituntunin ng mabisang pakikipagtalastasan. Bilang lamang ang isulat.
1. Ang pagpapahayag ay dapat nakabase sa katotohanan o kaya’y
sinusuportahan ng datos.
2. Ilahad sa simpleng wika ang mga impormasyong nakalap.
3. Dapat na bigyang pansin ang pangangailangan ng ibang tao kung
nagbibigay ng sariling pahayag.
4. Dapat na igalang natin ang opinyon ng iba.
5. Dapat pagtawanan kung may maling naiulat sa radyo o diyaryo.
6. Dapat na sabihin lamang ang totoong nangyari sa pamamahayag.
7. Dapat na maging maingat sa paglalahad upang hindi makasakit ng
damdamin ng iba.
8. Kung ang layunin mo ay magbalita, tiyaking balita lamang ang iyong
ihahatid at hindi pamumuna.
9. Ang mga impormasyon ay mabisa kung ito ay nanggaling sa taong may
opisyal na katungkulan.
10.Ang mga impormasyon ay maaaring iparating sa pamamagitan ng
telebisyon, radyo, diyaryo o sa internet.

Gawin ang mga sumusunod:

1. Ibigay ang kahalagahan ng malayang pamamahayag.


Sagot: _____________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
2. Ipaliwanag ang kalayaan sa pamamahayag.
Sagot: ____________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________
_______________________________________________________________________

15
Rubrics

Sagot Puntos
Paliwanag ay may wastong ideya. Wastong 5
gramatika ang ginamit
Paliwanag ay may wastong ideya. Maling 3
gramatika ang ginamit.
Paliwanag ay may maling ideya at may maling 0
gramatika.

Karagdagang Gawain

Basahin nang mabuti ang sitwasyon. Tukuyin kung anong alituntunin ng


mabisang pakikipagtalastasan ang iyong gagamitin. Tukuyin ang
pananagutang kaakibat ng iyong kilos na dapat gawin. Isulat ang
kahalagahan ng iyong kilos na dapat gawin at ipaliwanag ito.

1. Nakita mong nabasag ng iyong kaklase ang plorera ng inyong guro.


* Mga alituntunin na gagamitin: _______________________________________ *
Pananagutang kaakibat ng aking kilos _______________________________
* Kahalagahan ng aking kilos: _________________________________________
* Paliwanag ng aking kilos: ____________________________________________

2. Naglilinis ka ng kwarto ng iyong magulang


15 at may nakita kang pera
sa loob ng cabinet.
* Alituntunin na gagamitin: __________________________________________
* Pananagutang kaakibat ng aking kilos _______________________________
* Kahalagahan ng aking kilos: _________________________________________
* Paliwanag ng aking kilos: ____________________________________________

3. Nakita mong nandaya sa paligsahan ang isang kasapi ng iyong


pangkat.
* Alituntunin na gagamitin: __________________________________________
* Pananagutang kaakibat ng aking kilos _______________________________
* Kahalagahan ng aking kilos: _________________________________________
* Paliwanag ng aking kilos: ____________________________________________
Pagyamanin Subukin
A. 1,2,3,5 1,2,5,6,7,8,9,10
B. A, B, C, D, E Isaisip
1. 1. Ang pamamahayag ay isang pakikipagtalastasan
C. pasulat man o pasalita gamit ang ibat-ibang
1.makapamili kung ano ang tunay na pamamaraan tulad ng midyang elektronik at mga
mahalaga sa buhay nailathalang materyal.
2. gabay kung kailan o paano kikilos.
3. paraan upang ipahayag ang sariling 2. 2. sabihin ang totoo, maingat na pagbabalita,
opinyon o pananaw sa isang isyu o suliranin. balanse ang pananaw sa isyu, maggalang na
D. Ito ay mahalaga upang tayo ay pagpapahayag at nagbibigay pansin sa
makapamili kung ano ang tunay na mahalaga pangangailangan ng iba
sa buhay, kung kalian o paano kikilos. Ito ay
paraan upang ipahayag ang sariling opinyon o
pananaw sa isang isyu o suliranin. 3.- Ang katotohanan ng impormasyon/ Ang taong
pinanggalingan ng impormasyon/ Pamantayan o
Tayahin antas ng wikang ginagamit/Daluyan/Channel ng
komunikasyon/ Layunin sa pakikipagtalastasan
1,2,3,4,6,7,8,9,10
opaglalathala.
Kahalagahan: 4. Ito ay mahalaga upang tayo ay makapamili kung
1.makapamili kung ano ang tunay na ano ang tunay na mahalaga sa buhay, kung kailan
mahalaga sa buhay o paano kikilos. Ito ay paraan upang ipahayag ang
2. gabay kung kailan o paano kikilos. sariling opinyon o pananaw sa isang isyu o
3. paraan upang ipahayag ang sariling suliranin.
opinyon o pananaw sa isang isyu o suliranin.
Isagawa
Paliwanag: 1. magwelga nang maayos
Ito ay mahalaga upang tayo ay makapamili 2. sabihin ang totoong pangyayari
kung ano ang tunay na mahalaga sa buhay, 3. sabihin kung sino ng kumuha ng wallet
kung kalian o paano kikilos. Ito ay paraan 4. sabihin ang tiyak na halaga
upang ipahayag ang sariling opinyon o 5. sabihin kung sino ang nagtago ng lapis
pananaw sa isang isyu o suliranin.
Susi ng Pagwawasto
Diamante Ext. Sta. Ana, Manila
VICARISH Publication and Trading Inc. 1946-A. Torres St., cor.
Karapatang Sipi 2016 ng Vival Group, Inc. Inilimbag sa Pilipinas ng
2. Ugaling Pilipino sa Makabagong Panahon p. 61, Zenaida R. Ylarde,
1. Banghay Aralin sa ESP 6 Ikatlong Markahan, Division of Neg. Occ.
Mga Sanggunian
Suriin
Karagdagang gawain
1.Ang Mapanagutang pamamahayag
- ang mag-aaral ay pwedeng pumili ng isa o 2. ay isang pakikipagtalastasan pasulat man
dalawang alituntunin na gagamitin o pasalita gamit ang iba’t-ibang midya.
- maaaring pumili ng pananagutan na 3. sabihin ang totoo, maingat na pagbabalita,
nabanggit sa leksyon balanse ang pananaw sa isyu, maggalang na
- maaaring pumili ng kahalagahan na pagpapahayag at nagbibigay pansin sa
nabanggit sa modyul pangangailangan ng iba
4.- Ang katotohanan ng impormasyon/ Ang
- iba-iba ang paliwanag. Gamitin ang taong pinanggalingan ng impormasyon/
rubrics sa pagbibigay ng iskor Pamantayan o antas ng wikang
ginagamit/Daluyan/Channel ng
komunikasyon/ Layunin sa
pakikipagtalastasan opaglalathala.
5. sa pamamagitan ng di-makatotohanang
pagbabalita
6. dahil ito ang paraan upang mapanatili
ang kapayapaan
7. pasulat o pasalita, sa pamamagitan ng
radyo, telebisyon, diyaryo at internet

You might also like