You are on page 1of 23

8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5 (Week 6 and 7)
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
Araling Panlipunan – IkawalongBaitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 5: Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna ang
pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan.
Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot
sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-
aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Reynold V. Cabaluna
Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Cejas
Normalyn G. Alonso Stella Maris A. Belardo
Tagasuri: Teresa A. Bandolon Marigold J. Cardente Dr. Bryant C. Acar
Tagaguhit:
Tagalapat: Maria Teresa D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent: Marcelita S. Dignos, Ed.D, CESE
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR-LRMDS : Teresita A. Bandolon
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold J. Cardente

Inilimbag sa Pilipinas sa Kagawaran nga Edukasyon


Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph
8

Araling Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 5 (Week 6 and 7)
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga edukador mula


sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga guro at ibang nasa
larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang puna at mungkahi sa
Kagawaran ng Edukasyon sa deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignatura ng Araling Panlipunan 8 ng Alternative
Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Mga Sinaunang Kabihasnan sa
Daigdig!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador


mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong
tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan
at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at
malayang pagkatuto na mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang
pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito
sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral


kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang
pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling
pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang
mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode
(ADM) Modyul ukol sa Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

ii
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong
Alamin matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang


Subukin
kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung nakuhamo ang
lahat ng tamang sagot (100%), maaarimong laktawan ang
bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan


Balikan
kang maiugnay ang kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa


Tuklasin maraming paraan tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa


Suriin
aralin. Layunin nitong matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at


Pagyamanin
malayang pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto
ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang
Isaisip ng pangungusap o talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang


Isagawa maisalin ang bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas


Tayahin
ng pagkatuto sa pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain


Gawain upang pagyamanin ang iyong kaalaman o kasanayan sa
natutuhang aralin.

Susi sa Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga


Pagwawasto Gawain sa modyul.

iii
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka
o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin
Isang maligayang bati sa iyo!
Noong nasa Ikapitongbaitang ka, napag-aralan mo ang tungkol sa mga
sinaunang kabihasnan na sumibol sa kontinente ng Asya. Ngayon, mas
mapalalawak pa ang iyong kaalaman ukol sa mga sinaunang kabihasnan na sumibol
hindi lamang sa Asya kundi sa buong daigdig. Ito ay binubuo ng kabihas nang
Mesopotamia, Egypt, Indus at China.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo para lubusan mong mauunawaan
ang mga katangian ng mga nabanggit na kabihasnan lalong- lalo na sa aspekto ng
politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at lipunan. Mahalagang
malaman mo ang mga aspektong humubog at nakaimpluwensya sa pamumuhay
ng mga sinaunang tao nang sagayon ay mabibigyan mo ito ng makabuluhang
paunawa at reaksyon.
Handa ka naba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!
Nakapaloob sa modyuln aito ang araling:

Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahanna:


1. nasusuri ang mga sinaunang kabihasnan ng Egypt, Mesopotamia, India, at
China batay sa politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at
lipunan (MELC 5);
2. natutukoy ang katangian ng mga sinaunang kabihasnan ng Egypt,
Mesopotamia, India, at China sa aspekto ng politika, kultura, relihiyon,
paniniwala at lipunan;
3. naihahambing ang mga sinaunang kabihasnan sa kasalukuyang panahon
sa aspekto ng politika, ekonomiya, kultura, relihiyon, paniniwala at
lipunan;
4. nakasusulat ng talataan na naglalaman ng reaksyon tungkol sa sinaunang
kabihasnan sa iba’t- ibang aspekto.

1
Subukin
Panuto: Basahing mabuti ang bawat bilang at piliin ang wastong sagot mula sa mga
pagpipilian. Isulat ang letra ng tamang sagot sa isang sagutang papel.
1. Ang pamumuno ni Hammurabi ang nagbigay- daan para makamtan ng Babylonia
ang rurok ng kanilang kabihasnan. Alin kaya sasumusunod ang pinakamaha-lagang
naiambag niya sa aspektong politika?
A. Hanging Gardern of Babylon C. Epic of Gilgamesh
B. Code of Hammurabi D. Cuneiform
2. Kung ikaw ay isinilang sa panahon ng kabihasnang Mesopotamia, saan ka pupunta
kung nais mong magdarasal sa iyong patron o diyos?
A. Simbahan B. Chinampas C. Ziggurat D. Hanging Garden
3. Ang kabihasnang Mesopotamia ay sumibol sa malapit sailog ng Tigris at Euphrates.
Pagsasaka, pagpapastol at pangangalakal ang pangunahing pangkabuhayan ng
mga tao. Sa anong aspekto ito napabilang?
A. Politika B. Ekonomiya C. Relihiyon D. Kultura
4. Simula pa noong panahon ng sinaunang kabihasnan hanggang sa kasalukuyan, ang
agrikultura ay isa sa mga pangunahing sector na dapat maayos at produktibo dahil
ito ang susi para matugunan ang mga pangangailangan ng tao tulad ng pagkain at
kagamitan. Sa anong aspekto naglalarawan ang pahayag na ito?
A. Politika B. Ekonomiya C. Relihiyon D. Kultura
5. Ang pagkakaroon ng isang organisadong pamamahala ay nakatutulong sa maayos
na pamamalakad sa isang kaharian o dinastiya. Sa anong aspekto ito sumasalamin?
A. Politika B. Ekonomiya C. Relihiyon D. Kultura
6. Ang Bagong kaharian ay ang panahon ng pagyabong ng sining, paglakas ng hukbong
sandatahan, kasaganaan at katanyagan sa Egypt. Batay sa pahayag, alin ang
pinakaangkop na paglalarawan sa Bagong Kaharian ng sinaunang Egypt?
A. Panahon ng mga Hyksos C. Panahon ng mga Pharaoh
B. Panahon ng mga Piramide D. Ginituang Panahon ng Egypt

7. Ipinamalas ni Ashoka ang kanyang kahusayan sa pamumuno. Naitagayod niya ang


kadakilaan ng imperyong Maurya. Sa anong aspekto na pabilang ang pahayag?
A. Politika B. Ekonomiya C. Relihiyon D. Kultura
8. Anong pilosopiya ang may layuning magkaroon ng isang tahimik at organisadong
lipunan?
A. Confucianism B. Taoism C. Legalism D. Polythiesm
9. Ano ang tawag sa mga estrukturang nagsil bing mga monumento ng kapangyarihan
ng mga pharaoh at huling hantungan ng kanilang pagpanaw?
A. Ziggurat B. Pyramid C. Great Wall D. Taj Mahal
10. Ang sapilitang pagbebenta ng Opyo ng mga British sa dinastiyang Ching ay mahigpit
na tinutulan ng pamahalaan dahil ito ay nakasisira sa moralidad ng tao at
kaayusan ng lipunan. Sa anong aspekto sumasalamin ang kaganapang ito.
A. Politika B. Relihiyon C. Lipunan D. A at C

2
Aralin
Mga Sinaunang Kabihasnan sa Daigdig
3
Aking malugod na pagbati sa iyo dahil napagtagumpayan mo ng mabuti ang mga
naunang modyul sa asignatural ito.
Sa naunang modyul, natutunan mo ang ugnayan ng heograpiya sa pag- unlad at
paghubog ng mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Ngayon, mas mapapalawak at
mapapalalim pa ang iyong kaalaman tungkol sa mga katangian ng mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig sa aspekto ng politika, relihiyon, ekonomiya, kultura, paniniwala
at lipunan. Hindi maipagkakaila na ang bawat kabihasnan ay may kanya- kanyang
katangian gayun paman, bawat kabihasnan ay nagbigay ng aral at kontribusyon hindi
lamang sa kanilang panahon kundi sakasalukuyan.
Ngayon, mas mapapalawak pa ang iyong kaalaman tungkol sa mga sinaunang
kabihasnan sa daigdig. Napag- aralan mo na kadalasan sa mga kabihasnan ay
umusbong sa lambak- ilog. Halimbawa, ang Mesopotamia ay sumibol malapit sa ilog
Tigris at Euphrates, ang kabihasnang Egypt sa ilog Nile, ang Kabihasnang India sa ilog
Indus at ang kabihasnang China sailog Huang He at Yangtze. Ang mga nabanggit na
ilog ay may papel na ginagampanan para sa pang – araw- araw na pangangailangan ng
mga sinaunang tao.
Mula sa mga permanenting tirahan, nagsimulang magkaroon ng mga lungsod na
bumuo sa mga kabihasnan. Bawat kabihasnan ay may katangian na sumasalamin sa
kanilang pamumuhay. May mga paraan ng pamumuhay na ginagamit parin o di kaya’y
nagging batayan ng mga tao sa kasalukuyan. Pero bakit nga ba mahalagang pag- aralan
ang nakaraan? Mahalagang malaman ang mga ito sapagkat:
1. Mauunawaan nang lubusan ang mga nangyari sa nakaraan;
2. Mauunawaan ang mga nangyayari sa kasalukuyan.
3. Mapapahalagahan ang ating cultural heritage.
4. Mapapalawak ang kritikal na pag- iisip.

Balikan
Gawain 1. Bahay- Kaalaman
Panuto: Gawing matibay ang bahay- kaalaman sa pamamagitan ng pagsagot sa mga
tanong. Isulat ang sagot sa loob nito.

3
HEOGRAPIYA NG MGA SINAUNANG
KABIHASNAN

Bakit tinawag Bakit Bakit Ano- ano ang


na Fertile nakaapekto ang umusbong hindi mabuting
Crescent ang heograpiyang malapit sa ilog naidulot ng ilog
lupaing bahagi lokasyon ng ang mga sa mga
sa kasalukuyan isang lugar sa sinaunang sinaunang
ng Syria, Israel, pagtataguyod at kabihasnan? kabihasnan?
Lebanon at paghubog ng
Iraq? kabihasnan?

Para sa iyo, gaano kahalaga ang katangiang heograpikal ng mga sinaunang


kabihasnan? Ipaliwanag ang sagot.

Tuklasin
Gawain 2. Titik Ko, Alam ko
Panuto: Pumili ng isa o dalawang letra sa alpabeto at gamitin ito upang mailarawan
o maipahayag ang iyong nalalaman patungkol sa modyul.

A B C D E F G H I J

K L M N O P Q R S T

U V W X Y Z

Mga Letrang Pinili: _______


Paglalahad o paliwanag:

Gawain 3. Tukuyin Mo ang Titik ko!


Panuto: Lagyan ang bawat pangungusap ng P kung ito ay naglalarawan/ napabilang sa
aspekto ng politika ng isang kabihasnan, E kung ekonomiya, R kung relihiyon, P kung
paniniwala, K kung kultura at L kung lipunan. Isulat ang sagot sa patlang bago ang
bilang.

4
1. Nagsilbingsentro ng kalakalan ang mgalungsod- estado.
2. Ang Hinduismo ay napabilangsapolytheismongpaniniwala.
3. Ang footbinding ay isinasagawa sa mga kababaihan sa sinaunang China.
4. Si Ashurbanipal ay kinikitaan ng maayos na pamamahala sa kaniyang
panahon.
5. Nagkaroon ng pag- aantas ng mga tao lipunan sa kabihasnang Indus
natinawag na Caste System.
6. Naniniwala ang mga tao sa kabihasnangTsina sa Mandate of Heaven at
_____ 7. Maari itong mawala kapag nagging mapag- abuso ang isang emperador.

Gawain 4. Ang Word Puzzle ng AkingBuhay


Panuto: Gawin ang Word Puzzle sa pamamagitan ng pagbuo ng mga salita mula sa mga
pahayag na makikita sa ibaba nito.

Pahalang: Patayo:
2. Ito ang Sistema ng pagsusulat ng 1. Ito ay estrukturang nagsilbing tahanan at
kabihasnang Mesopotamia. templo ng mga patron o diyos na makikita
3. Tinaguriang unang imperyong itinatag sa bawat lungsod ng kabihasnang Sumer.
sa daigdig. 4. Ang terminong ito ay hango sa salitang
6. Itinuturing ang kanyang sarili bilang casta na nangangahulugang “lahi” o “angkan”.
unang Emperador ng China. 5. Ito ay nangangahulugang “marangal” sa
7. Ang estrukturang ito ay nagsilbing wikang Sanskrit.
tanggulan laban sa mga tribong 8. Ito ang tawag sa tumayong pinuno at hari
nomadiko sa hilagang China. ng sinaunang Egypt at itinuring ding isang
9. Ito ang tawag Sistema ng pagsusulat diyos.
ng sinaunang kabihasnan ng Egypt. 10. Isa sa mga pinakaunang pharaoh sa
panahon ng Unang Dinastiya ng Egypt.

PamprosesongTanong:
1. Ano- ano ang iyong na buong mga salita
___________________________________

2. Paanomonabuo ang mgakonsepto o salita?

5
Suriin
Gawain 5. Ang Timeline ng AkingBuhay!
Panuto: Suriin ang mga mahahalagang pangyayari sa apat na kabihasnan.
Pagkatapos ay punan ang talahanayan at sagutin ang mga pamprosesong tanong
na nasa ibaba.

MESOPOTAMIA TIMELINE EGYPT

Pagsasaka, Pagsasaka,
pagpapastol at pagpapastol at
pangangalaka ang Napag-isa ni pangangalaka ang
hanapbuhay Naitatag ang 3500 Haring Menes hanapbuhay
lungsod- ang buong Panahon ng
estado ng Egypt. pagpapatayo ng
Nagpatayo ng mga Sumeria mga piramide
simbahan o ziggurat. bilang simbolo ng
Polytheismo ang tawag sa 3 000 Nabuo ang mga kapangyarihan
paniniwala. dinastiya sa
Matandang Pag- aantas ng tao sa
Pag- aantas ng tao
Kaharian lipunang Egypt na
sa lipunan
2 500 pinamunoan ng isang
Nabuo ang pharaoh
mga dinastiya Pamumuno ng
Katipunan ng mga batas sa Gitnang mga Hyksos mula
na may marahas na 2 000 Kaharian. sa Asya.
. parusa Code of
Hammurabi
Nabuo ang
mga dinastiya
1 500 sa Bagong
Paglaya ng Kaharian.
Sinakop ang rutang
pangkalakalan para Simula ng mga Hudyo
makatanggap ng Imperyong 1 000 mula sa Ehipto
tributo Assyria o Exodus
Ipinatupad ni
Amehotep IV ang
monotheismong
Pagdating ng mga paniniwala
Persiano sa 500
pamumuno ni Cyrus
the Great at Darius
Hinati Ni Darius ang the Great B.C.E
teritoryo sa mga
satrapy na may satrap C.E
na namamahala. Itinayo ni
Nebuchadnezzar ng
imperyong Chaldean 500
ang Hanging Garden.

6
INDUS TIMELINE CHINA

Malalapad at Umusbong ang


planado ang Harappa at 3500 Pagsasaka,
pagkabuo ng mga Mohenjo- Daron a pagpapastol at
lungsod binuo ng mga pagkikipagkalakalan
Simula ng ang ikinabubuhay.
Dravidians kabihasnang
3 000 Tsina

Pagsasaka, Simula ang Sinasamba ang mga


pagpapastol at Kabihasnang 2 500 ninuno sa
pagkikipagkalakalan Indus pamamagitan ng ang
ang ikinabubuhay.
oracle bone.

2 000
Binuo ang caste
system o pag-aantas Naniniwala sa
Dumating ang mga Mandate of Heaven
ng tao sa lipunan
Aryan sa India Shang at mga pilosopiyang
1 500 Dynasty COnfucianismo,
Vedas ang tawag sa Legalismo at
sagradong aklat. Pagsibol ng Taoismo.
Napabilang sa relihiyong Zhou Dynasty
politheismong Hinduismo
paniniwala. 1 000 Nagawang pag-isahin
Q’in o Ch’in ni Shih Huang Ti ang
Pamumuno ni Dynasty mga estado Ipinatayo
Simula ng mga 500 ang Great Wall of
turo ng Asoka
China bilang
Buddhismo Pinakamahusay ng pananggalang.
pinuno ng Maurya
Itinuro ang 4 Noble B.C.E
Truth at 8-Fold Path
C.E Buddhismo ang
Ginintuang naging dominanteng
Pagsibol ng sining, Panahon ng relihiyon
panitikan at Imperyong T’ang Dynasty
literatura Gupta 500

Ipinagbawal ni Shah Pag- usbong ng Ipinagbawal ang


Jahan ang sugal, Imperyong 1 500 pagbenta ng opyo
alak, prostitusyon at Mogul Qin o Ching dulot ng masamang
suttee o pagsunog ng Dynasty epekto nito sa
buhay sa mga biyuda. lipunan. Naganap
ang Digmaang Opyo
dahil dito

2 000

7
DATA RETRIEVAL MATRIX
ASPEKTO
KABIHASNAN POLITIKA EKONOMIYA RELIHIYON o KULTURA o
PANINIWALA LIPUNAN

Halimbawa: Sa pamumuno
ng mga Pagsasaka, Nagpatayo ng mga Nagpatupad ng
Persiano, hinati pagpapastol at simbahan o batas para
MESOPOTAMIA pangangalaka ziggurat. Polythesm maiayos at
Ni Darius ang ang ang tawag sa makontrol ang
teritoryo sa mga hanapbuhay paniniwala. mga tao sa
satrapy na may lipunan
satrap
nanamamahala

EGYPT

INDUS

CHINA

Pamprosesong Tanong:
1. Tungkol saan ang timeline naiyong sinuri?
2. Anong masasabi mo sa mga pangyayaring naganap sa mga sinaunang kabihasnan?
3. Batay sa timeline, may pagkakatulad ba ang mga sinaunang kabihasnan sa isa’t-
isa? Sa anong aspekto naman sila magkakatulad? Ipaliwanag ang sagot.
4. Paano mo mapapahalagahan ang mga turo na ibinigay sa atin ng sinaunang
kabihasnan?
5. Anong kongklusyon ang iyong mabubuo sa mga sinaunang kabihasnan?

8
Pagyamanin

Gawain 6. E- Check Mo angTalahanayan Ko!


Panuto: Ang sumusunod ay mga impormasyon tungkol sa mga sinaunan
kabihasnan. Tukuyin kung saang aspekto ito napabilang sa pamamagitan ng
paglagay ng tsek sa kolum nito. Pagkatapos ay sagutin ang pamprosesong tanong.

ASPEKTO
MgaImpormasyon Politika Ekonomiya Relihiyon Kultura
o o
Paniniwala Lipunan
A. Kabihasnang China
1. Ang Mandate of Heaven ay ang
paniniwalana ang emperador ay may
pahintulot ng kalangitan para mamuno.
Ang kalamidad at pagbagsak ng dinastiya
ay palatandaanna Nawala na ang basbas
ng langit.
2.Tinutulan ng China ang pagbebenta ng
Opyo dahil sa masamang epekto nito sa
mga tao.
3. Nagkaroon ng reporma sa agrikultura sa
Dinastiyang Ming para mapalaki ang
produksyon ng bigas.
4. Pinalakas ng Dinastiyang T’ang ang isang
sentralisadong pamahalaan.
B. Kabihasnang Mesopotamia
5. Naniniwala ang mga Sumerian sa
maraming diyos o diyosa at nagpatayo ng
Ziggurat bilang simbahan.
6. Ang Batas ni Hammurabi ay tungkol sa
krimen, kalakalan, at relasyong
pampamilya na may marahas na parusa.
7. Hinati ni Darius the Great ang kanyang
imperyo sa mga lalawigan o satrapy
napinamunuan ng isang gobernadora o
satrap.
8. Pinalawak ni Tiglath- Pileser I ang
kanilang teritoryo para ma kontrol ang
mga ruta ng kalakalan
C. Kabihasnang Indus
9. Ang mga tao sa kabihasnang ito ay
pinag- uuri sa apat na pangkat na
tinatawag ng Caste System.
9
10. Ang Hinduismo at Buddhismo ay
unang sumibol sa kabihasnang ito.
11. Nakipagkalakalan ang mga Dravidian
sa ibang lugar para matugunan ang mga
kinakailangang suplay.
12. Nagpatupad si Akbar ng Kalayaan sa
pananampalataya at makatarungang
pangangasiwa.
D. Kabihasnang Egypt
13. Ang mga piramide/ pyramid ay
nagsilbing bantayog ng kapangyarihan ng
mga pharaoh at nagging libingan ng mga
ito.
14. Pinaunlad ng mga pharaoh ng Gitnang
Panahon ang kalakalan sa pamamagitan
ng pagpapatayo ng mga irigasyon at kanal.
15. Sa pamumuno ni Amenhotep IV,
ipinatupad ang pagbabago sa relihiyon at
ginawang diyos si Aton bilangd iyos ng
Araw.

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang iyong nagging basehan/ batayan sa pagsagot?

2. Naging kahang- hanga ba ang ginawa ng mga sinaunang tao sa pagbuo ng kanilang
kabihasnan? Ipaliwanag ang sagot.

3. Anong aral ang iyong nakuha mula sa mga pamumuhay ng mga sinaunang tao?
Ipaliwanag ang sagot?

Isaisip

Gawain7. Basahin at Unawain Mo Naman Ako.


Panuto: Basahingmabuti ang mgaideyangnasa organizational chart. Pagkatapos ay
sagutin ang sumunodnagawain.

10
MGA SINAUNANG KABIHASNAN

MESOPOTAMIA INDUS

Bawat lungsod- estado ay may magaling na May tatlong imperyo ang sumibol sa
pinuno na siyang dahilan para lalong umunlad kabihasnang ito (Blando et. al,2014). Pero
ang kanilang nasasakop pero may mga lungsod- katulad na ibang kabihasnan ang mga
POLITIKA estado rin na pinamahalaan ng isang mahinang imperyong ito ay nawasak dahil narin sa
pinuno na isa sa mga dahilan at bakit madali maling pamamahala ng mga pinuno na siyang
itong mapabagsak at masakop (Bustamante el.al, dahilan at bakit madali silang nasakop.
2014).

Pagsasaka at pag- aalaga ng mga hayop tulad Pagsasakat at pagpapastol ng hayop ang
ng mga baka, tupa, kambing at baboy ang ikinabubuhay ng mga tao. Maliban diyan,
EKONOMIYA kanilang ikinabubuhay. Pinagtibay din nila ang nakipagkalakalan rin ang mga tao para
kalakalan sa ibang lugar dahil sa kakulangan sa matugunan ang mga pangangailangan na
likas na yaman (Blando et. al,2014).. wala sa kanilang lugar(Blando et. al,2014)..

Polytheism ang mga tao sa panahong ito dahil Ang Hinduism at Buddhism ay ang dalawang
sila ay naniniwala sa maraming diyos o diyosa dakilang relihiyon na sumibol sa kabihasnang
RELIHIYON ito(Perry et. al,1989).. Ang Hinduism at
AT
na anthropomorphic o may katangian at pag-
Buddhism ay parehong naniniwala sa muling
PANINIWALA uugaling tao(Blando et. al,2014).. Nagpatayo pagkabuhay ng tao o reincarnation at karma.
din sila ng simbahan na tinatawag na Ziggurat. Pero polytheism ang Hinduism samantalang
monotheism ang Buddihsm

Nahati sa 3 pangkat ang lipunan(Blando et.


Mayroong antas ng lipunan ang kabihasnang
al,2014): Maharlika na binubuo ng pamahalaan
PANLIPUNAN
ito na tinatawag na Caste system ito ay
at pari; mangangalakal at artisano; magsasakat
AT KULTURA binubuo ng Brahmin, Ksatriya, Vaisya,
at alipin. Ang mga babae ay pweding
Sudra(Blando et. al,2014).. Hindi kabilang sa
makilahok sa kalakalan, maging testigo sa pangkat ang tinatawag na Pariah o mga taong
paglilitis at magkaroon ng ari- arian. criminal at may kasalanan. Ipinagbabawal ang
pakikihalubilo at pagpapakasal sa hindikauri
(Bustamante et. al,2014)..

11
MGA SINAUNANG KABIHASNAN

CHINA EGYPT

Maraming dinastiya ang sumibol sa kabihasnang Bawat pharaoh ay nagpatayo ng mga


ito. May dinastiyang tumagal ng maraming taon, pyramid na sumisimbol ng
mayroon ding hindi. Ang tamang pagpapatakbo kapangyarihan(Blando et. al,2014)..
POLITIKA ng pamahalaan at pangangasiwa sa nasasakupan Maraming dinastiya ang sumibol pero ito ay
ay pangunahing dahilan kung bakit nagtanggal bumagsak din dahil sa maling pamamalakad
ang ibang dinastiya(Cruzand Ramos,2014).. ng mga pharaoh at inggitan at agawan ng
kapangyarihan.

Umaasa ang mga tao sa pagsasaka at Masagana ang mga pananim sa


pagpapastol kagaya ng ibang kabihasnan. kabihasnang ito dahil sa ilog Nile. Nag-
EKONOMIYA
Mayroon ding patunay na nakipagkalakalan aalaga rin ng mga hayop ang tao at
ang mga Tsino sa karatig lugar (Bustamante et. nakipagkalakalan sa mga karatig
al,2014).. Sa kabihasnang ito nagsimula ang lugar(Blando et. al,2014)..
paglilimbag.

Sinasamba ng mga sinaunang tsino ang kanilang Polytheism ang mga sinaunang Egyptian
mga ninuno para magbibigay gabay sa kanilang subalit nang naging pharaoh si Amenhotep
RELIHIYON pamumuhay (Bustamante et. al,2014).. IV ay binago niya ang paniniwala at ginawa
AT GUmagamit sila ng mga buto ng hayop o pawikan itong monotheism na kung saan si Aton ang
PANINIWALA para kumunsulta sa kanilang ninuno na tinawag pinakadakilang diyos ng lahat at sumasagisag
na oracle bone reading (Blando et. al,2014).. sa Araw(Blando et. al,2014)..

Mayroong tatlong pilosopiya ang sumibol sa Mayroong antas ng lipunan sa kabihasnang


kabihasnang ito(Blando et. al,2014).. Ang Egypt na binubuo ng Pharaoh, mga pari at
PANLIPUNAN Confucianism, Taoism at Legalism. Ang bugong- bughaw, mangangalakal at
AT KULTURA
layunin ng Confucianism ay magkaroon ng artisan, magsasaka at mga alipin. Sa
organisadong lipunan. Ang Taosim ay balance kabihasnang ito binibigyan respeto ang
at pakikiayon ng tao sa kalikasan. mga kababaihan (Bustamante et. al,2014;
Samantalang ang legalism ay tungkol sa Perry, 1989)..
pagpapatupad na batas

Pamprosesong Tanong
1. Tungkol saan ang dayagram?
2. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba ng mga sinaunang kabihasnan sa isa’t-isa?

12
Isagawa
Gawain 8. KKK (Kaugnayan ng Kabihasnan sa Kasalukuyan)
Panuto:Paghambingin ang pamumuhay ng mga tao sa sinaunang kabihasnan sa
kasalukuyang panahon sa Pilipinas. Tukuyin ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
dalawang panahon sa aspekto ng politika, ekonomiya, relihiyon, paniniwala, kultura at
lipunan. Isulat ang sagot sa loob ng talahanayan.

ASPEKTO SINAUNANG KASALUKUYANG PAGKAKATULAD


KABIHASNAN PANAHON

Politika

Ekonomiya

Relihiyon at
Paniniwala

Kultura at
Lipunan

Pamprosesong Tanong

1. Ano ang iyong nagging batayan sa pagsagot?


2. Sa anong aspekto may malaking pagkakatulad ang sinaunang kabihasnan sa
kasalukuyang panahon?
3. Bilangisang mag- aaral, paano mo mapapahalagahan ang mga turo at aral ng
sinaunang kabihasnan?

Tayahin
Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Bilugan ang letra ng tamangsagot.

1. Ang Mandate of Heaven ay ang paniniwala ng mga sinaunang Tsino na ang pinuno
ay pinili ng langit para mamuno. Alin sa sumusunod ang palatandaan na Nawala na
ang Mandate of Heaven sa isang pinuno?
A. Dumanas ng matinding kalamidad at kaguluhan ang kanyang nasasakupan.
B. Pinalitan siya ng kanyang anak o pamilya.
C. Pinatay siya ng kanyang mga kaaway.
D. Balisa at nawala sa sarili.

13
2. Naatasan kang lumikha ng isang power point presentation tungkol sa mga dakilang
relihiyon na sumibol sa kabihasnang India. Ano- ano ang gagawin mong pamantayan
sa pagbuo ng nilalaman ng iyong presentasyon?
A. Kasaysayan ng relihiyon at saan ito unang umusbong.
B. Kasaysayan ng relihiyon at mga mahahalagang turo nito.
C. Kasaysayan ng relihiyon at mga bansang yumakap nito.
D. Kasaysayan ng relihiyon, mahalagang aral, impluwensiya sa bansa at
kalagayan nito sa kasalukuyang panahon.

3. Alin sasumusunod na pahayag ang nag papaliwanag sa kahalagahan ng batas sa


lipunan?
A. Ang batas ay nagbibigay- linaw sa ugnayan ng tao sa isa’tisa.
B. Ang batas ay nagbibigay pagkakakilanlan ng isang tao bilang bahagi ng lipunan.
C. Ang batas ang dahilan kung bakit nais na isang tao na mamuhay na puno ng
karangalan at katanyagan.
D. Ang batas ang dahilan kung bakit nagkaroon ng maayos na relasyon o pagka-
kasundoan ang mga tao sa isang lipunan.

4. Ano ang epekto ng kabihasnang Mesopotamia sa kasalukuyang panahon.


A. Namulat ang mga tao sa kahalagahan ng pakikipagkalan.
B. Nagkaroon ng dalawang dakilang relihiyon na pwedeng yakapin ng mgatao.
C. Nagbigay ng mga pilosopiyang gumagabay sa pang araw- araw na pamumuhay
tulad ng Confucianism at Taoism.
D. Nagbigay ideya sa kahalagahan ng batas para sa maayos at organisadong
lipunan.

5. Ang mga dinastiya sa kabihas nang China ay bumagsak dahil sa maling


pamamalakad ng mga pinuno nito. Bakit mahalaga ang pagpili ng isang pinuno?
A. Upang mapabilis ang pag- unlad ng nasasakupan.
B. Upang maging matagumpay sa pamamahal ng kanyang nasasakupan.
C. Upang matiyak ang bawat kapakanan ng bawat miyembro sa lipunan.
D. Upang matiyak ang pagkakapantay- pantay, kaayusan, kapakanan at
kaunlaran sa nasasakupan.

6. Sumibol ang iba’tibang lungsod- estado sa bawat kabihasnan sa daidig subalit ang
Mohenjo- daro at Harappa na umusbong sa kabihasnang Indus ay naiiba sa iba pang
lungsod sa sinaunang panahon. Paano naiiba ang Mohenjo-daro at Harappa?
A. Dahil mayroon itong sopistikadong pagpapaplano.
B. Dahil sa sentralisadong pamumuno nito.
C. Dahil mayroon itong sewerage system.
D. A at C.
7. Ipagpalagay natin na ikaw ay isang paraon/ pharaoh sa panahon ng kabihasnang
Egyptian. Ano kaya ang pangunahing dahilan at bakit nais mong magpatayo ng isang
piramide?
A. Nagsilbi itong mga depensa mula sa mga mananakop.
B. Nagsilbi itong sentro ng kalakalan at palasyo ng pharaoh.
C. Dito matatagpuan ang mga iniimbak na pagkain para sa pharaoh.
D. Nagsilbing mga bantayog ng kapangyarihan ng mga pharaoh ang mga ito.
8. Alin sa sumusunod napahayag ang naglalarawan sa pilosopiyang Confucianism?
A. Ginawa ang mga batas upang isaayos ang ugnayan sapagitan ng mga tao.
14
B. Mahalagang maging mapanuri bago humiram ng kaalaman o kasanayan mula
sa kultura ng iba.
C. Nagdudulot ng paghihirap at pagdurusa ang paghahangad o pagnanasa sa mga
material na bagay.
D. Mahalaga ang pagkakaroon ng maayos na relasyon o pagkakasundo ng mga
tao sa isang pangkat o pamayanan upang mapanatili ang kaayusan at
kapayapaan.
9. Ang sistemang caste ng kabihasnang Indus ay nagpapakita nang pagpapangkat ng
mga tao sa lipunan. Kung ikaw ay napabilang sa antas ng mga Sudra, alin sa
sumusunod ang hindi mo dapat gawin.
A. Gawin ang mga tungkulin ng isang sudra katulad ng pagsasaka sa ibang
lupain.
B. Magkaroon ng isang relasyon sa ibang antas sa lipunan.
C. Makipaghalubilo sa kapwa sudra.
D. Makipag pakasal sa isang sudra.
10. Malaki ang papel na ginagampanan ng ilog sa paghubog sa mga sinaunang
kabihasnan. Alin sa sumusunod ang naiambag ng ilog sa aspekto ng ekonomiya?
A. Dito kumukuha ng tubig ang mga tao para sa pang araw-araw na
pangangailangan.
B. Napadali nito ang transportasyon ng mga kalakal mula at palabas ng kanilang
lugar.
C. Nagbigay ito ng matabang lupa para sa mga lupang sakahan.
D. Nagsilbi itong likas depensa mula sa mga mananakop.

Karagdagang Gawain
Gawain 9. Reaksyon ko, Isulat ko!
Panuto: Gamit ang mga impormasyon na nalikom mula sa mga naunang gawain, ikaw
ay naatasang sumulat ng isang talatang sanaysay namay 3-5 pangungusap a
agbibigay sa iyong reaksyon tungkol sa pamumuhay ng mga sinaunang tao sa iba’t
ibang aspekto. Isulat ito sa ibaba.

Ang aking reaksyon ay

____.
Para sa akin, may malaking epekto ang pag- aaral sa mga sinaunang kabihasnan
lalong- lalo na

15
16
Pagtataya Rubriks para sa Pagyamanin
mga Prosesong Gawain 10: E- Check mo ang
Tanong Talahanayan ko
1. A 1. Relihiyon/ Paniniwala
2. D • Nilalaman o 2. Lipunan
3. Ekonomiya
3. D Ideyang 4. Politika
4. D Nakapaloob: 5. Relihiyon/ Paniniwala
5 puntos 6. Politika
5. D 7. Politika
• Organisasyon
6. D 8. Ekonomiya
ng mga ideya:
9. Lipunan
7. D 5 puntos 10. Relihiyon
8. D • Kabuuan: 10 11. Ekonomiya
12. Politika
9. B puntos 13. Relihiyon/ Paniniwala
10.B 14. Ekonomiya
15. Relihiyon
Gawain 4: Ang Word Tuklasin Balikan Subukin
Puzzle ng Buhay ko Gawain 3:
1. Ziggurat Gawain 1: Bahay- 1. B
Tukuyin mo Kaalaman 2. C
2. Cuneiform
3. Akkad ang Titik Ko Maaring iba’t- iba ang 3. B
4. Caste 1. E sagot ngunit may 4. B
5. Aryan 2. R pamantayan sa 5. A
6. Shi Huangdi pagbibigay ng marka. 6. D
3. K
7. Great Wall Nilalaman: 3 7. A
4. P Organisasyon ng mga 8. A
8. Pharaoh
9. Hieroglyphics 5. L Ideya: 2 9. B
10. Menes 6. P Kabuuan: 5 10. D
Susi sa Pagwawasto
25 Kabuuan
5 Maayos at malinis ang pagkakasulat. Anyo o Disenyo
ang mgabahagi ng talata.
baybay ng mgasalita at organisado
8 Tama ang paggamit ng mgabantas, Teknikal na Pagbuo ng Talata
iba’t- ibang aspekto.
pamumuhay ng mga tao batay sa
ideya/ reaksyon tungkol sa sinaunang
12 Mahusay na naipapaliwanag ang mga Nilalaman
Puntos Paglalarawan Pamantayan
Rubrik sa Pagmamarka ng Talata
Sanggunian
Blando, Rosemarie C. et. al. Kasaysayan ng Daigdig: AralingPanlipunan- Modyul ng Mag-
aaral. Pasig City. Vibal Group Inc. 2014
Bustamante, Eliza D., and Avendaño, Fredie V.SulyapsaKasaysayan ng Daigdig. Quezon
City: Philippine Educational Publishers’ Association. 2014.
Cruz, Mark Alvin M., and Ramos, Dexter John V. Pagtanaw at Pag- unawa:
AralingAsyano.Makati City: Diwa Learning System Inc. 2014
Perry, Marvin et. al. A History of the World. Philippines .Boston , Massachusetts: Houghton
Mifflin Company. 1989
https://www.slideshare.net/andymancotrani1/araling-panlipunan-grade-8-week-1
https://www.academia.edu/33649851/MODYUL_1_Heograpiya_at_mga_Sinaunang_Kabihasna
n_sa_Daigdig
https://lrmds.deped.gov.ph/detail/15681

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education

Division of Lapu-Lapu City


Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph

17

You might also like