You are on page 1of 31

8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Kabihasnang Klasiko ng Greece
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 1: Kabihasnang Klasiko ng Greece
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Kent A. Ramirez

Editor: Dr. Tito Benedict R. Suyo, Florenda V. Zerna, Arnulfo M. Girasol,


Glenda T. Catacutan, John Sedrick Tabio, Ria Omania

Tagasuri: Arnulfo M. Girasol, Dr. Tito Benedict R. Suyo, Florenda V. Zerna,


Glenda T.Catacutan, John Sedrick Tabio, Ria Omania

Tagaguhit: Nellen B. Coronado

Tagalapat: Roanna Angelica C. Tubog

Tagapamahala: Ma. Theresa V. Avanzado, CESO VI – SDS


Samuel J. Malayo – ASDS
Milagros S. Mananquil – Chief, CID
Milagros G. Suyo – Chief, SGOD
Glenda T. Catacutan – EPS, LRMS
Arnulfo M. Girasol – EsP/ADM Coordinator
Dr.Tito Benedict R. Suyo – EPS, AP

Inilimbag sa Pilipinas ng Division of Tanjay City


Department of Education – Division of Tanjay City, Negros Oriental, Region VII
Office Address: Brgy. 9, Opao, Tanjay City, Negros Oriental, Philippines
E-mail Address: depedtanjaycity@yahoo.com
8
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 1:
Kabihasnang Klasiko ng Greece
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan sa Ikawalong Baitang ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Kabihasnang Klasiko ng Greece!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa
pambulikong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang
makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang
pinagtatagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang


pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong
matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayang ika-21 siglo habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa
pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro

Ang modyul na ito ay nagsisilbing gabay sa mga guro sa pagtuturo ng araling


ito. Hinihikayat po namin kayo na gamitin ito ng buong puso upang maihatid
natin sa ating mag-aaral ang wastong kaalaman na nararapat sa kanila.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang ng Alternative Delivery


Mode (ADM) Modyul ukol sa Kabihasnang Klasiko ng Greece!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong
mabigyan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

ii
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat
Alamin mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


Subukin ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


Balikan matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala


Tuklasin sa iyo sa maraming paraan tulad ng isang
kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin,
gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong matulungan
kang maunawaan ang bagong konsepto at mga
kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


Pagyamanin mapatnubay at malayang pagsasanay upang
mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga
kasanayan sa paksa. Maaari mong iwasto ang
mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


Isaisip ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


Isagawa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


Tayahin ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

iii
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng


mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian - Ito ang talaan ng lahat ng


pinagkuhanan sa paglikha o
paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat
ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga
pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin
lahat ng pagsasanay.

Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-
aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong
kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa
bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi.
Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay sadyang inihanda upang matulungan ka na maunawaan


ang mga kabihasnang klasiko ng Minoan, Mycenaean, Sparta at Athens sa Greece.
Ang mga paksa na nakapaloob sa modyul na itoay sistematikong inayos
upang mas madaling maunawaan ang daloy ng iyong pag-aaral.
May mga angkop na gawaing inihanda para sa iyo upang maging makabuluhan
ang iyong pag-aaral. Kailangan mong gawin o sagutan ang lahat ng mga gawain sa
modyul na ito.
Ang modyul na ito ay nakapokus sa pagtatalakay sa mga mahahalagang
pangyayari tungkol sa pag-usbong, pag-unlad at pagbagsak ng mga kabihasnang
klasiko sa Greece.

Pinakamahalagang Kasanayang Pampagkatuto:

Nasusuri ang kabihasnang Minoan, Mycenaean at kabihasnang klasiko ng Greece.


(MELC1)

Pagkatapos mong mapag-aralan ang modyul, inaasahang iyong:

1. natatalakay ang mga kabihasnang klasiko sa Greece;

2. naipapakita sa isang venn diagram ang pagkakatulad at pagkakaiba ng Sparta at


Athens bilang mga lungsod-estado ng sinaunang Greece;

3. napupunan ang graphic organizer ng kinakailangang impormasyon tungkol sa mga


digmaang kinasangkutan ng sinaunang Greece; at

4. nailalahad ang kahalagahan ng mga natatanging ambag ng Greece sa iba’t ibang


larangan

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng tamng sagot
sa sagutang papel/Activity Sheet.
1. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa polis bilang isang lungsod-estado?
A. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang polis.
B. Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at nakasentro sa isang
lungsod.
C. Ang polis ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan binibigyang-diin
ang demokrasya.
D. May iba’t ibang uring panlipunan ang isang polis at nahahati ito sa iba-ibang
yunit ng pamahalaan.
2. Umusbong ang Kabihasnang Minoan sa isla ng Crete. Alin sa sumusunod na
pahayag ang nagpapakita ng ugnayan ng heograpikal na lokasyon sa pag-unlad
ng kabihasnan sa islang ito?
I. Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong-tubig upang maging ligtas ang isla
sa mga mananakop
II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe, Africa at Asya ang
isla ng Crete.
III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan dahil
nakahiwalay ito sa Europe
IV. Naimpluwensiyahan ng mga sinaunang kabihasnan ng Africa at Asya ang
Kabihasnang Minoan

A. I at II
B. II at III
C. II at IV
D. I, II at III
3. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa Crete. Ito ay yumaman sa
pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito?
A. Napakalakas ng puwersang pangmilitar ng Minoan.
B. Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.
C. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
D. Napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang kokasyon nito.
4. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng iba’t ibang lungsod-estado na ang bawat isa
ay malaya at may sariling pamahalaan. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng hiwa-
hiwalay na lungsod-estado?
A. Iba’t iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece.
B. Iba’t iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya iba’t ibang kabihasnan ang
umusbong dito.
C. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan ng Europe
na isang mabundok na lugar.
D. Mahaba ang mga daungan ng Greece kaya nagkaroon ng maraming
mangangalakal sa bawat lungsod-estado.

2
5. Naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ang magkaroon ng
kalalakihan at kababaihang walang kinatatakutan at may malakas na
pangangatawan. Kailan nagsimula ang pagsasanay ng mga lalaking Spartan sa
mga kampo-militar?
A. 7 taong gulang C. 15 taong gulang
B. 10 taong gulang D. 20 taong gulang
6. May apat na pangkat ng tao sa pamayanang Minoan. Alin sa mga sumusunod ang
HINDI
kabilang?
A. magsasaka C. mangangalakal
B. maharlika D.mangingisda
7. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa phalanx?
A. Pinakamahuhusay na mandirigma sa Greece.
B. Mga pinakamagigitang na mandirigma sa Greece.
C. Mga bayarang mandirigma na tagapagtanggol ng polis.
D. Hindi mga bayarang mandirigma, tagapagtanggol lamang sila ng kanilang polis.

8. Ang salitang tyrant sa kasalukuyan ay nangangahulugang malupit na pinuno. Ano


ang kahulugan nito sa sinaunang panahon ng Athens?
A. Ang pinakamagaling na pinuno sa Athens.
B. Ang pinakamahusay na pinuno sa Athens.
C. Pinunong nagtataguyod sa pansariling interes.
D. Pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao.
9. Upang mapanatili ang kalayaan ng mga mamamayan, binigyan ng pagkakataon ni
Cleisthenes ang mga mamamayan na ituro ang taong nagsisilbing panganib sa
Athens. Ano ang tawag sa sistemang ito?
A. ostracism C. ostrafon
B. ostrafism D. ostrakon
10. Siya ang pinakamahusay na mag-aaral ni Plato na kinilala bilang “Ama ng
Biyolohiya”. Sino ang Greek na ito na tanyag din sa kanyang akdang “Politics”?
A. Aristotle C. Plato
B. Phidias D. Socrates
11. Kinikalala ang kontribusyon ng mga Greek sa larangan ng kasaysayan. Sino ang
tinaguriang “Ama ng Kasaysayan” na sumulat sa Kasaysayan ng Digmaang
Persian?
A. Herodotus C. Thales
B. Hippocrates D. Thucydides
12. Ang dalawampu’t pitong taong digmaan na naganap sa Greece ay isang malaking
trahedya. Ano ang tawag sa digmaan ito na kinasangkutan ng Athens at ibang
lungsod-estado sa Greece sa pamumuno ng Sparta?
A. Delian C. Graeco-Persia
B. Peloponnesian D. Athenian-Spartan
13. Hangarin ng Persia na palawakin ang imperyo nito sa kanluran. Ang unang
pagsalakay ng Persia sa Greece ay naganp noong 490 BCE sa ilalim ni Darius.
Sino ang anak ni Darius na nagpatuloy sa tangkang pagpapabagsak ng Persia sa
Athens?
A. Cyrus C. Themistocles
B. Leonidas D. Xerxes

3
14. Sa simula ang Athens ay pinamunuan ng hari na inihalal ng asembleya ng
mamamayan at pinapayuhan ng mga konseho ng mga maharlika. Nabago ito nang
pinamunuan ang Athens ng mga lider na nagpatupad ng mga repormang
pampolitika at pangkabuhayan. Ano ang pinakamahalagang naganap sa Athens
dahil sa mga repormang ito?
A. Pagsilang ng demokrasya.
B. Pagyaman ng mga karaniwang tao.
C. Pagiging pinakamakapangyarihan ng Athens sa Greece.
D. Pagbagsak ng mga mayayaman na may malaking kapangyarihan.

15. Mula sa madilim na panahon ng pagbagsak ng Kabihasnang Mycenaean sa


Greece, unti-unting umusbong sa Ionia ang isang bagong sibilisasyon. Kinilala ito
sa kasaysayan bilang ____________ na tumagal mula 800 BCE hanggang 400
BCE.
A. Kabihasnang Ionic C. Kabihasnang Hellenes
B. Kabihasnang Hellas D. Kabihasnang Hellenic

Aralin
Mga Kabihasnang Klasiko sa Greece
1

Balikan

Naaalala mo pa ba ang nakaraang aralin patungkol sa mga pamana ng mga


sinaunang kabihasnan sa daigdig? Subukan mong sagutin ang gawaing ito. Pag-
ugnayin ang mga bagay sa Hanay A sa kabihasnang nakatuklas o gumawa nito sa
Hanay B. Isulat sa sagutang papel/Activity Sheet ang iyong sagot.

Hanay A Hanay B

1. Taj Mahal A. Mesopotamia

2. Great Wall B. Mesomaerica


3. cuneiform C. Tsino
4. pyramid D. Indus

5. obsidian E. Egypt

4
Tuklasin

Gawain: Mapa- Suri


Panuto: Suriin ang mapa upang makita ang kaugnayan ng lokasyon ng Greece sa pag-unlad
ng kabihasnan nito.

PAMPROSESONG MGA TANONG:

1. Ano ang mga anyong-tubig na malapit sa Greece?


2. Saang direksiyon ng Greece makikita ang isla ng Crete?
3. Paano nakaimpluwenisya ang lokasyon ng Greece sa pag-usbong ng
Kabihasnang Greek?

5
Suriin

Hinahangad sa bahaging ito na maunawaan mo ang mahahalagang


pangyayari tungkol sa pag-usbong, pag-unlad at pagbagsak ng Kabihasnang Minoan
at Mycenaean sa Greece. Upang higit na umunlad ang iyong kabatiran, magbasa at
intindihin ang paksa.

Naging sentro ng sinaunang Greece ang mabundok na bahagi ng tangway ng


Balkan sa timog at ilang mga pulo sa karagatan ng Aegean. Samantala, ang karagatan
ng Mediterranean ang naging tagapag-ugnay ng Greece sa ibang lugar.
Ang karagatan ang pinakamainam na daanan sa paglalakbay para sa mga
Greek. Dahil dito, karamihan sa mga pamayanan nila ay matatagpuan 60 kilometro
lamang mula sa baybay-dagat
Ang lupain ng Greece ay mabato at bulubundukin na naging pangunahing
sagabal sa mabilis na daloy ng komunikasyon sa mga pamayanan at pagbagal ng
paglago ng mga kaisipan at teknolohiya. Suablit ito rin ang naging dahilan upang ang
bawat lungsod-estado ay magkaroon ng kani-kanilang natatanging katangian na
nagpayaman sa kanilang kultura.
Ang mainam na daungan na nakapaligid sa Greece ay nagbigay-daan sa
maunlad na kalakalang pandagat na naging dahilan ng kanilang maunlad na
kabuhayan. Dahil dito, nagkaroon din sila ng ugnayan sa iba’t ibang uri ng tao na
nakatulong upang mapayaman nila ang kanilang kultura at maibahagi ang kanilang mga
naging tagumpay sa iba’t ibang larangan.

Ang Mga Minoans


Ayon sa mga arkeologo, ang kauna-unahang sibilisasyong Aegean ay
nagsimula sa Crete mga 3100 BCE. Tinawag itong Kabihasnang Minoan batay sa
pangalan ni Haring Minos, ang maalamat na haring sinasabing nagtatag nito. Kilala
ang mga Minoan bilang mahuhusay gumamit ng metal at iba pang teknolohiya.
Nakatira sila sa mga bahay na yari sa laryo o bricks at may sistema sila ng pagsulat.
Magagaling din silang mandaragat.
Kinilala ang Knossos bilang isang makapangyarihang lungsod at sinakop nito
ang kabuuan ng Crete kung saan matatagpuan ang napakatayog na palasyo na
nakatayo sa dalawang ektarya ng lupa at napapaligiran ng mga bahay na bato. Nasira
ito bunsod ng sunod-sunod na sunog at iba pang kalamidad.
Tinatayang 1600-1100 BCE, narating ng Crete ang kanyang tugatog. Umunlad
ng husto ang pakikipagkalakalan ng mga Minoan sa Silangan at sa paligid ng Aegean.
May apat na pangkat ng tao sa pamayanang Minoan: ang mga maharlika, mga
mangangalakal, mga magsasaka at mga alipin. Sila ay masayahing mga tao at
mahiligin sa magagandang bagay at kagamitan. Magaling din sila sa palakasan at

6
sinasabing sila ang unang nakagawa ng arena sa daigdig kung saan ginaganap ang
mag labanan sa boksing.

Tumagal ang Kabihasnang Minoan hanggang 1400 BCE. Nagwakas ito ng


salakayin ang Knossos ng mga di nakikilalang mga mananalakay na sumira at
nagwasak sa buong pamayanan.

Ang Mga Mycenaean

Ang Mycenaea na matatagpuan 16 kilometro ang layo sa aplaya ng karagatang


Aegean ang naging sentro ng Kabihasnang Mycenaean. Ang mga lungsod dito ay
pinag-ugnay ng maayos na daanan at tulay. Napapaligiran ng makapal na pader ang
lungsod upang magsilbing pananggalang sa mga mananalakay. Noong 1400 BCE,
naging napakalakas na mandaragat ng mga Mycenaean kung saan naiugnay nila ang
Crete sa lumalagong kabihasnan sa Greece.
Ang pagsasalin-salin ng mga kuwento ng mga hari at bayaning Mycenaean ay
nag-ugnay sa mga tao at sa mga diyos-diyosan at sinasabing naging batayan ng
mitolohiyang Greek. Hindi nailigtas ng mga pader ng ginawa ng mga Mycenaean ang
kanilang teritoryo sa paglusob ng mga mananalakay.
Noong 1100 BCE, isang pangkat ng tao mula sa hilaga ang pumasok sa
Greece at iginupo ang mga Mycenaean. Sila ay kinilalang mga Dorian. Samantala,
isang pangkat ng tao ang tumungo sa timog ng Greece sa may lupain sa Asia Minor
ang nagtatag ng pamayanan sa Ionia na nakilala bilang mga Ionian.
Ang mga pangyayaring ito ay tinaguriang dark age na tumagal nang halos 300
taon. Naging palasak ang digmaan. Nahinto ang kalakalan, pagsasaka, iba pang
gawaing pangkabuhayan, sining at pagsulat. Unti-unting umusbong sa Ionia ang isang
bagong sibilisasyon na mabilis lumaganap sa kabuuan ng Greece kung saan naging
bahagi nito ang ilang pamayanan sa baybayin ng Greece na tinatawag ang kanilang
mga sarili na Hellenes o Greeks. Kinilala ito sa kasaysayan bilang Kabihasnang
Hellenic mula sa kanilang tawag sa Greece na Hellas. Ito ay tumagal mula 800 BCE
hanggang 400 BCE at naging isa sa pinakadakilang sibilisasyong naganap sa
kasaysayan ng daigdig.

7
Pagyamanin

Gawain A

Basahin at unawain ang mga impormasyon na ilalahad sa teksto.

Ang mga Polis

Dahil sa mga digmaan bago pa ang Panahong Hellenic, nagtayo ng mga kuta ang
mga Greek sa mga lugar sa may gilid ng mga burol at sa mga taluktok ng bundok upang
maprotektahan ang kanilang mga sarili sa pagsalakay ng iba’t ibang pangkat. Ang mga
pook na ito ay naging pamayanan na tinatawag na polis.
Ang pinakahuwarang bilang na dapat bumuo ng isang polis ay 5000 na kalalakihan
dahil noon ay sila lamang ang nailalagay sa opisyal na talaan ng populasyon ng lungsod-
estado. Ang mga pamayanang matatagpuan sa mataas na lugar ay tinatawag na acropolis
o mataas na lungsod na naging takbuhan ng mga Greek para sa kanilang proteksyon.
Samantala, ang ibabang bahagi ay tinatawag na agora o pamilihang bayan.
Ang mga lehitimong mamamayan ay binigyan ng karapatang bomoto, magkaroon
ng ari-arian, humawak ng posisyon sa pamahalaan at ipagtanggol ang sarili sa korte.
Bilang kapalit, sila ay dapat makilahok sa pamahalaan at tumulong sa pagtatanggol sa
mga polis sa panahon ng digmaan. Ang lahat ng mga ito, dagdag pa ang paglago ng mga
kalakalan, ay nagbigay-daan sa pag-unlad ng mga lungsod-estado. Mula sa
pakikipagkalakalan, natutuhan ng mga Greek ang mga bagong ideya at teknik. Sa mga
Phoenician, nakuha nila ang ideya ng alpabeto at teknik sa paggawa ng mas malalaki at
mabibilis na barko. Sa mga Sumerian naman ay namana nila ang sistema ng panukat.
Mula sa mga Lydian ay natutuhan nila ang paggamit ng sinsilyo at barya na tinatawag na
plota sa pakikipagkalakalan.

Sparta, ang Pamayanan ng mga Mandirigma


Ang polis ng Sparta ay itinatag ng mga Dorian sa Peloponnesus na nasa timog
na bahagi ng tangway ng Greece. Hindi ito umaasa sa kalakalan dahil sa pagkakaroon
nito ng magandang klima, sapat na patubig at matabang lupa na angkop sa
pagsasaka. Pinalawak nila ang kanilang lupain sa pamamagitan ng pananakop ng
mga karatig na lupang sakahan. Ang mga magsasaka mula sa nasakop na lugar ay
dinala nila sa Sparta upang maging mga helot o tagasaka sa malawak nilang lupang
sakahan. Maraming pagkakataon na nag-alsa ang mga helot laban sa mga Spartan
ngunit hindi itong naging matagumpay. Dahil dito, nagdesisyon ang mga Spartan na
palakasin ang kanilang hukbong militar at nagtatag ng isang pamayanan ng mga
mandirigma.
Ang naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ay magkaroon
ng kalalakihan at kababaihang walang kinatatakutan at may malakas na
pangangatawan. Ang mga bagong silang na sanggol ay sinusuri. Kapag nakitang

8
mukhang mahina at sakitin, dinadala ito sa paanan ng kabundukan at hinahayaang
mamatay doon. Samantala, ang malulusog na sanggol ay hinahayaang lumaki at
maglaro hanggang sumapit ang ikapitong taon nila. Pagsapit ng pitong taon, ang mga
batang lalaki ay dinadala sa mga kampo-militar upang sumailalim sa mahigpit na
disiplina at sanayin sa serbisyo militar. Pinapayagan lamang sila na makita ang
kanilang pamilya sa panahon ng bakasyon. Sa gulang na 20, sila ay magiging
sundalong mamamayan at ipinapadala sa mga hangganan ng labanan. Sa edad na
30, sila ay inaasahang mag-aasawa na ngunit dapat na kumain at manirahan pa rin
sa kampo, kung saan hahati na sila sa gastos. Sa edad na 60, sila ay maaari ng
magretiro sa hukbo.
Ang mga kababaihang Spartan naman ay sinasanay na maging matatag. Sila
ay nag-aasikaso ng lupain ng kanilang mga asawa, nagunguna sa mga palakasan at
malayang nakikipaghalubilo sa mga kaibigan ng kani-kanilang mga asawa habang
masayang nanonood ng mga palaro tulad ng wrestling at boksing.
Ang Sparta ang responsable sa pagkakaroon ng pinakamahusay na
sandatahang lakas sa daigdig. Sa halip na lumusob ng isa-isa sa mga kalaban, sila
ay nanantiling sama-sama, hawak ang pananggalang sa kaliwang kamay at espada
naman sa kanan. Ang hukbong ito ay tinaguriang phalanx na karaniwang binubuo ng
hanggang 16 na hanay ng mga mandirigma. Sila ay hindi bayarang mga mandirigma,
sila ay tagapagtanggol ng kanilang polis.

Ang Athens at ang Pag-unlad Nito


Ang Athens ay isang maliit na bayan sa gitnang tangway ng Greece na
tinatawag na Attica. Ang buong rehiyon ay hindi angkop sa pagsasaka kaya
nagtatrabaho ang karamihan sa mga minahan o naging mga mangangalakal o
mandaragat.
Sa sinaunang kasaysayan, ang Athens ay pinamumunuan ng mga tyrant na
noon ay nangangahulugang mga pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang
tao at maayos na pamahalaan. Ngunit, ang ilan sa kanila ay umabuso sa
kapangyarihan na nagbigay ng bagong kahulugan sa katawagang tyrant bilang
malupit na pinuno sa kasalukuyan.
Sa simula, ang Athens ay pinamunuan ng hari at inihalal ng asembleya ng
mamamayan at pinapayuhan ng mga konseho ng mga maharlika. Ang asembleya ay
binubuo ng mga mayayaman na may malaking kapangyarihan. Ang pinuno nito ay
tinatawag na Archon na pinapaburan naman ang may kaya sa lipunan.
Noong 594 BCE, kinilala ang pinunong si Solon sa pagiging matalino at patas.
Inalis niya ang mga pagkakautang ng mahihirap at ginawang illegal ang pagkakaalipin
dahil sa utang. Gumawa siya ng sistemang legal kung saan lahat ng malayang
kalalakihang ipinanganak mula sa mga magulang na Athenian ay maaaring maging
hurado sa korte. Nagsagawa rin siya ng mga repormang pangkabuhayan upang
maisulong ang dayuhang kalakalan at mapabuti ang pamumuhay ng mga mahihirap.
Sa kasalukuyan, ang salitang solon ay nagangahulugang kinatawan ng pambansang
pamahalaan na umuugit sa batas.

9
Noong 546 BCE, ang politikong si Pisistratus ang namuno sa pamahalaan ng
Athens. Mas radikal ang mga pagbabagong ipinatupad niya tulad ng pamamahagi ng
lupang sakahan sa mga magsasakang walang lupa. Nagbigay siya ng pautang at
nagbukas ng malawakang trabaho sa malalaking proyektong pampubliko at pinagbuti
niya ang sitema ng patubig.
Noong 510 BCE, naganap muli ang pagbabago sa sistemang politikal ng
Athens sa pamumuno ni Cleisthenes. Hinati niya ang Athens sa sampung distrito.
Limampung kalalakihan ang magmumula sa bawat distrito at maglilingkod sa konseho
ng tagapayo upang magpasimula ng batas sa Asembleya ang tagagawa ng mga
pinaiiral na batas.
Ipinatupad ni Cleisthenes ang isang sistema kung saan bawat taon ay
binibigyan ng pagkakataon ang mga mamamayan na ituro ang taong nagsisilbing
panganib sa Athens. Kapag ang isang tao ay nakakuha ng mahigit 6 ooo boto, siya
ay palalayasin sa Athens ng 10 taon. Dahil sa ang pangalan ay isinulat sa pira-
pirasong palayok na tinatawag na ostrakon, ang sistema ng pagpapatapon sa isang
tao ay tinawag na ostracism.
Sa pagsapit ng 500 BCE, ang pinakamahalagang naganap sa Athens ay ang
pagsilang ng demokrasya kung saan nagkaroon ng malaking bahagi ang mga
mamamayan sa pamahalaan.
___________________________________________________________________

Pagtataya A: Anong Pagkakaiba?


Sa pamamagitan ng venn diagram, isulat ang pagkakatulad at pagkakaiba ng
Sparta at Athens bilang mga lungsod-estado ng sinaunang Greece. Kopyahin at gawin
sa sagutang papel/Activity Sheet.

Athens
Sparta

10
Gawain B
Pag-aralan ang mga impormasyon at datos sa ibaba tungkol sa dalawang
digmaang kinasangkutan ng Greece.

Ang Banta ng Persia

Hangarin ng Persia na palawakin ang imperyo nito sa kanluran. Noong 546 BCE,
sinalakay ni Cyrus the Great ang Lydia sa Asia Minor. Ipinagpatuloy ito ni Darius I noong
499 BCE nang sinalakay niya ang mga kalapit na kolonyang Greek. Nagpadala ng
tulong ang Athens ngunit natalo ang mga kolonyang Greek sa labanang pandagat sa
Miletus noong 494 BCE. Bagamat natalo ang puwersa ng Athens, nais ni Darius na
parusahan ito dahil sa ginawang pagtulong at gawin itong hakbang sa pagsakop ng
Greece. Bilang paghahanda, sinimulan ng Athens ang paggawa ng isang plota o fleet
na pandigma.

Ang Digmaang Graeco-Persia (499-479 BCE)


Naganap ang unang pagsalakay ng Persia sa Greece noong 490 BCE sa ilalim
ni Darius. Tinalo ng 10, 000 puwersa ng Athens ang humigit-kumulang 25,000 pwersa
ng Persia.
Ipinagpatuloy ni Xerxes, anak ni Darius ang tangkang pagpapabagsak sa
Athens. Noong 480 BCE, isang madugong labanan ang naganap sa Thermopylae
kung saan 7000 Greek, 300 sa mga ito ay taga-Sparta sa ilalim ni Leonidas ang
nakipaglaban sa puwersa ni Xerxes. Sa loob ng tatlong araw, dumanak ang dugo ng
mga Persian. Subalit ipinagkanulo (betrayed) ng isang Greek ang lihim na daanan
patungo sa kampo ng mga Greek. Pinayuhan ni Leonidas ang mga Greek na lumikas.
Sa harap ng higit na maraming puwersa ni Xerxes, namatay si Leonidas sampu ng
kanyang mga kasama.
Sinalakay at sinakop ni Xerxes ang Athens. Subalit dinala ni Themistocles ang
labanan sa dalampasigan ng pulo ng Salamis kung saan ang dagat ay lubhang
makipot. Binangga ng maliliit na barko ng Athens ang malalaking barko ni Xerxes
hanggang mabutas at lumubog.

Digmaang Peloponnesian
Sa pahanon ng Delian League, lumawak ang kapangyarihan ng Athens sa
pakikipagkalakalan dahilan kung bakit ito ay naging isang imperyo. Ngunit hindi lahat
ng lungsod-estado ay nasiyahan sa pagkontrol ng Athens sa Delian League. Kayat
nagtatag ang ibang lungsod-estado ng sariling alyansa sa pamumuno ng Sparta at
tinawag itong Peloponnesian League.
Noong 431 BCE, nilusob ng Sparta ang mga karatig-pook ng Athens na naging
simula ng Digmaang Pelopnnesian. Dahil sa magagaling na mandirigma sa lupa ang
mga Spartan, iniutos ni Pericles ang panantili ng mga Athenian sa pinaderang lungsod
at inatasan ang sandatahang lakas ng Athens na lusubin sa karagatan ang mga

11
Spartan. Ngunit sinawing-palad na may lumaganap na sakit na ikinamatay ng libo-
libong tao, kasama si Pericles, noong 429 BCE.
Lahat ng pumalit kay Pericles ay hindi nagtagumpay dahil sa mali nilang
desisyon. Isa na rito si Alcibiades na inakusahan ng mga Athenian na lumalabag sa
paniniwalang panrelihiyon kaya’t tumakas siya patungong Sparta at naglingkod dito.
Di naglaon, bumalik din siya sa Athens, pinatawad at binigyan muli ng pagkakataong
pamunuan ang sandatahang lakas ng Athens. Ngunit lubhang malakas ang mga
Spartan kaya noong 404 BCE, sumuko na ang mga Athenian at ipinapatay ng mga
Spartan si Alcibiades.
Ang dalawampu’t pitong taong Digmaang Peloponnesian ay nagdulot ng
malawakang pagkawask ng ar-arian at pagkamatay ng mga tao, paglala ng suliranin
sa kawalan ng hanapbuhay, pagtaas ng presyo ng mga biliin at kakulangan sa
pagkain.
___________________________________________________________________

Pagtataya B: A-K-B Chart!


Punan ang diyagram ng kinakailangang impormasyon batay sa binasang
teksto.

Digmaang Kinasangkutan ng Sinaunang Greece

Aktor (Sino ang


magkalaban?)

Kaganapan
(Ano-ano ang -
mga
mahahalagang
pangyayari?)

Bunga (Ano ang


resulta ng -
digmaan?

12
Gawain C
Suriin ang mga impormasyon sa teksto tungkol sa mga natatanging ambag ng
Greece sa iba’t ibang larangan sa panahong naging lubos na maunlad ng Athens.
Ginintuang Panahon ng Athens
Noong 461 BCE, si Pericles, isang strategos o heneral na inihalal ng mga
kalalakihang mamamayan ang namuno sa Athens. Taon-taon siya nahahalal
hanggang sumapit ang kanyang kamatayan noong 429 BCE. Marami siyang pinairal
na programang pampubliko na naglalayong gawing pinakamarangyang estado ang
Athens.

Nais ni Pericles na lumawak pa ang umiiral na demokrasya kung kaya’t


dinagdagan niya ang bilang ng mga manggagawa sa pamahalaan at sinuwelduhan
ang mga ito. Hindi nagtagal, ikatlong bahagi (1/3) ng populasyon ng Athens ay bahagi
na ng gawain ng pamahalaan. Ngunit hindi lahat nasiyahan sa ginawang reporma ni
Pericles dahil para sa mayayaman, magdudulot ito ng pagkalugi sa pamahalaan at
maghihikayat ng katamaran sa mga ordinaryong mamamayan. Ipianagtanggol niya
ang ginawang pagbabago sa pagbibigay ng pahayag na naitala naman ni Thucydides.
Ayon sa kanya, “Ang ating konstitusyon ay isang demokrasya sapagkat ito ay nasa
mga kamay ng nakararami at hindi ng iilan.”
Mahalaga ang edukasyon para sa mga Athenian. Ang mga lalaki ay pinag-aaral
sa mga pribadong paaralan kung saan natuto ng pagbabasa, matematika, musika,
palakasan at mga obra ni Homer na Iliad at Odyssey. Tinatalakay din nila ang sining,
poltika at iba pang usapin.
Sa edad na 18, ang mga lalaki ay nagsasanay sa militar ng 2 taon at
pagkatapos ay maaari nang maging mamamayan ng Athens at makibahagi sa
pamahalaan nito. Ang mga kababaihan ay itinuturing na mas mababa sa mga
kalalakihan. Hindi sila nabigyan ng pagkamamamayan at hindi maaaring makibahagi
sa pamahalaan at magmay-ari. Sa edad na 14-16 sila ay ipinapakasal sa mga lalaking
napili ng kanilang mga magulang.
Pagsasaka ang karaniwang ikinabubuhay ng mga Athenian. Ang mga tahanan
nila ay simple lamang, maging sa mayaman o karaniwang tao.

Mga Kontribusyon ng Greece sa iba’t ibang larangan:


 Politika - akda na “The Republic” ni Plato at “Politics” ni Aristotle
- pagsilang ng demokrasya
 Arkitektura - tatlong estilo ng arkitektura na tinatawag na Ionian, Doric at Corinthian
- Isang marmol na templo sa Acropolis sa Athens na tinatawag na Parthenon.
Itinayo ito nina Ictinus at Calicrates at inihandog kay Athena, ang diyosa ng
karunungan at patrona ng Athens
 Iskultura - Estatwa ni Athena sa Parthenon at Zeus sa Olympia na gawa ng
pinakadakilang Greek na iskultor na si Phidias.
- Collossus of Rhodes ni Chares at Scopas ni Praxiteles na parehong
itinanghal na Seven Wonders of the Ancient World.

13
 Kasaysayan - Kasaysayan ng Digmaang Persian ni Herodotus na tinaguriang “Ama ng
Kasaysayan”
- “Anabis”, isang kuwento ng sikat na martsa ng mga Greek
mula Babylonia hanggang Black Sea at “Memorabilia”,
kalipunan ng mga kuwento ni Socrates na isinulat ni
Thucydides
 Medisina - Pagtaas sa larangan ng medisina bilang agham ni Hippocrates na kinikilala
bilang “Ama ng Medisina”
 Agham at Pilosopiya - Ang kauna-uanhang pilosopiya ni Thales ng Miletus na ang
sandaigdigan ay nagmula sa tubig
- Ang doktrina ng numero ni Pythagoras na nagsasaad na ang
bilang ng tatlo, lima at pito ay masuswerteng mga numero.

Matapos ang Digmaang Persian, ang mga gurong tinatawag na Sophist ay nagpakilala
ng mga pagbabago sa pilosopiya. Ayon sa kanila, maaaring turuan ang tao na
gumawa ng magagandang batas, makapagsalita at makipagdebate sa Asembleya.
Tumutol ang karamihan dito isa na si Socrates. Ayon sa kanya, mahalaga na kilalanin
mo ang iyong sarili (know thyself) at dapat patuloy na magtanong ang mga tao hinggil
sa mga bagay-bagay. Ang pamamaraang ito ay kinikilala ngayon na Socratic Method.
Ngunit di nagustuhan ng mga Athenian ang pagtatanong ni Socrates tungkol sa mga
diyos-diyosan at ilang patakaran ng Athens dahilan upang siya ay makulong at
mahatulan ng kamatayan. Ngunit bago siya
maparusahan, nagpakamatay siya sa pamamagitan ng paglason sa sarili.. Ang lahat
ng mga ideya ni Socrates ay hindi niya naisulat.
Si Plato, ang kanyang pinakasikat na mag-aaral, ang nagsumikap na maitala
ang lahat ng diyalogo sa pagitan ng dalawa o mas higit pang tauhan. Ang
pinakatanyag ay ang “The Republic”, isang talakayan tungkol sa katangi-tanging polis
at uri ng pamahalaan na makapagbibigay ng kaligayahan sa mga mamamayan nito.
Samantala, si Aristotle, ang pinakamahusay na mag-aaral ni Plato, ay
nagpakadalubahasa sa pag-aaral ng halaman at hayop, astronomiya at pisika. Ayon
sa kanya, ang alinmang teorya ay maaari lamang tanggapin kung ito ay batay sa
masusing pagmamasid ng mga katotohanan. Kinilala siya bilang “Ama ng Biyolohiya”.
Ang pinakatanyag niyang aklat ay ang “Politics” kung saan tinalakay ng mga
mamamayan ang iba’t ibang uri ng pamahalaan.
_________________________________________________________________________

14
Pagtataya C: Talahanayan, Punan Mo!
Mula sa binasang teksto, buuin ang talahanayan ng mga ambag ng Greece sa
iba’t ibang larangan.(Pumili lamang ng tatlo)
Larangan Ambag Kahalagahan

Isaisip

Panuto: Bilang paglalahat sa paksa, sagutin ang mga sumusunod na katanungan:

1. Ilahad ang mga katangian ng Kabihasnang Minoan at Mycenaean.


___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
2. Bakit mahalaga ang mga lungsod-estado ng Sparta at Athens sa pag-unlad
ng Kabihasnang Greek?
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
3. Malaki ang naging ambag ng Kabihasnang Greek sa daigdig. Sa iyong
palagay, anong kontribusyon ang may pinakamalawak na epekto sa
pamumuhay ng mga Pilipino?
_____________________________________________________________ _____
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
________________________________________________________

15
Isagawa

Gawain: Trip Down Memory Lane!


Isulat ang mga mahahalagag pangyayari sa kasaysayan ng sibilisasyong
Minoan at Mycenaean.

-
-
-
Minoan

-
-
-
Mycenaean

16
. Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa sagutang papel.
1. Ang dalawampu’t pitong taong digmaan na naganap sa Greece ay isang malaking
trahedya. Ano ang tawag sa digmaan ito na kinasangkutan Athens at ibang
lungsod-estado sa Greece sa pamumuno ng Sparta?
A. Delian C. Graeco-Persia
B. Peloponnesian D. Athenian-Spartan

2. Ang salitang tyrant sa kasalukuyan ay nangangahulugang malupit na pinuno. Ano


ang kahulugan nito sa sinaunang panahon ng Athens?
A. Ang pinakamagaling na pinuno sa Athens.
B. Ang pinakamahusay na pinuno sa Athens.
C. Pinunong nagtataguyod sa pansariling interes.
D. Pinunong nagsusulong ng karapatan ng karaniwang tao.

3. May apat na pangkat ng tao sa pamayanang Minoan. Alin sa mga sumusunod ang
HINDI kabilang?
A. magsasaka C. mangangalakal
B. maharlika D.mangingisda

4. Mula sa madilim na panahon ng pagbagsak ng Kabihasnang Mycenaean sa


Greece, unti-unting umusbong sa Ionia ang isang bagong sibilisasyon. Kinilala ito
sa kasaysayan bilang na tumagal mula 800 BCE hanggang 400 BCE.
A. Kabihasnang Ionic C. Kabihasnang Hellenes
B. Kabihasnang Hellas D. Kabihasnang Hellenic

5. Upang mapanatili ang kalayaan ng mga mamamayan, binigyan ng pagkakataon ni


Cleisthenes ang mga mamamayan na ituro ang taong nagsisilbing panganib sa
Athens. Ano ang tawag sa sistemang ito?
A. ostracism C. ostrafon
B. ostrafism D. ostracon

6. Alin sa sumusunod ang naglalarawan sa polis bilang isang lungsod-estado?


A. Ang bawat mamamayan ay may bahaging ginagampanan sa isang polis.
B. Ito ay binubuo ng isang lipunang malaya at nagsasarili at nakasentro sa isang
lungsod.
C. Ang polis ay isang uri ng pamahalaan ng mga Greeks kung saan binibigynag-diin
ang demokrasya.
D. May iba’t ibang uring panlipunan ang isang polis at nahahati ito sa iba-ibang yunit
ng pamahalaan.

17
7. Sa simula ang Athens ay pinamunuan ng hari na inihalal ng asembleya ng
mamamayan at pinapayuhan ng mga konseho ng mga maharlika. Nabago ito nang
pinamunuan ang Athens ng mga lider na nagpatupad ng mga repormang
pampolitika at pangkabuhayan. Ano ang pinakamahalagang naganap sa Athens
dahil sa mga repormang ito?
A. Pagsilang ng demokrasya.
B. Pagyaman ng mga karaniwang tao.
C. Pagiging pinakamakapangyarihan ng Athens sa Greece.
D. Pagbagsak ng mga mayayaman na may malaking kapangyarihan.

8. Tinawag na Minoan ang unang kabihasnang nabuo sa Crete. Ito ay yumaman sa


pakikipagkalakalan sa ibayong dagat. Ano ang pangunahing dahilan nito?
A. Napakalakas ng puwersang pangmilitar ng Minoan.
B. Napalilibutan ng mga kabundukan ang isla ng Crete.
C. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang mga produktong mula sa Crete.
D. Napalilibutan ng anyong tubig ang Crete at istratehiko ang kokasyon nito.

9. Hangarin ng Persia na palawakin ang imperyo nito sa kanluran. Ang unang


pagsalakay ng Persia sa Greece ay naganap noong 490 BCE sa ilalim ni Darius.
Sino ang anak ni Darius na nagpatuloy sa tangkang pagpapabagsak ng Persia sa
Athens?
A. Cyrus C. Themistocles
B. Leonidas D. Xerxes

10. Naging pangunahing mithiin ng lungsod-estado ng Sparta ang magkaroon ng


kalalakihan at kababaihang walang kinatatakutan at may malakas na
pangangatawan. Kailan nagsimula ang pagsasanay ng mga lalaking Spartan sa
mga kampo-militar?
A. 7 taong gulang C. 15 taong gulang
B. 10 taong gulang D. 20 taong gulang

11. Umusbong ang Kabihasnang Minoan sa isla ng Crete. Alin sa sumusunod na


pahayag ang nagpapakita ng ugnayan ng heograpikal na lokasyon sa pag-unlad
ng kabihasnan sa islang ito?
I. Nakatulong ang mga nakapalibot na anyong-tubig upang maging ligtas ang isla
sa mga mananakop
II. Nagsilbing daanan ng mga mangangalakal mula sa Europe, Africa at Asya ang
isla ng Crete.
III. Naitatag ng mga mamamayan ng Crete ang sariling kabihasnan dahil
nakahiwalay ito sa Europe
IV. Naimpluwensiyahan ng mga sinaunang kabihasnan ng Africa at Asya ang
Kabihasnang Minoan

A. I at II
B. II at III
C. II at IV
D. I, II at III

18
12. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan sa phalanx?
A. Pinakamahuhusay na mandirigma sa Greece.
B. Mga pinakamagigitang na mandirigma sa Greece.
C. Mga bayarang mandirigma na tagapagtanggol ng polis.
D. Hindi mga bayarang mandirigma, tagapagtanggol lamang sila ng kanilang polis.

13. Ang sinaunang Greece ay binubuo ng iba’t ibang lungsod-estado na ang bawat
isa ay malaya at may sariling pamahalaan. Ano ang dahilan ng pagkakatatag ng
hiwa-hiwalay na lungsod-estado?

A. Iba’t iba ang pinagmulan ng mga sinaunang mamamayan ng Greece.


B. Iba’t iba ang kulturang nabuo sa Greece kaya iba’t ibang kabihasnan ang
umusbong dito.
C. Ang Greece ay nasa timog na dulo ng Balkan Peninsula sa Silangan ng
Europe na isang mabundok na lugar.
D. Mahaba ang mga daungan ng Greece kaya nagkaroon ng maraming
mangangalakal sa bawat lungsod-estado.

14. Kinikalala ang kontribusyon ng mga Greek sa larangan ng kasaysayan. Sino ang
tinaguriang “Ama ng Kasaysayan” na sumulat sa Kasaysayan ng Digmaang
Persian?
A. Herodotus C. Thales
B. Hippocrates D. Thucydides

15. Siya ang pinakamahusay na mag-aaral ni Plato na kinilala bilang “Ama ng


Biyolohiya”. Sino ang Greek na ito na tanyag din sa kanyang akdang “Politics”?
A. Aristotle C. Plato
B. Phidias D. Socrates

Karagdagang Gawain
17

Gawain: Greece…Sa Isang Tingin


Sa isang 5-7 pangungusap, sagutin ang tanong sa loob ng kahon.

Bakit itinuturing na isang Kabihasnang Klasikal ang Kabihasnang Greek?

___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

19
20
TUKLASIN:
1. Aegean Sea, Ionian Sea, Mediterranean Sea
2. timog na bahagi
3. Istratehiko ang lokasyon nito at nagsilbing daanan ng mga mangangalakal sa iba’t ibang panig ng
daigdig
BALIKAN:
1. D
2. C
3. A
4. E
5. B
SUBUKIN:
1. B 6. D 11. A
2. A 7. D 12. B
3. D 8. D 13. D
4. C 9. A 14. A
5. A 10. A 15. D
Susi sa Pagwawasto:
21
- Isang trahedya ang digmaang
dahil sa malawakang - - Tinalo ng magkaka- Bunga (Ano ang
pagkawasak ng ari-arian at alyansang lungsod-estado
ng Greece ang mga Persian resulta ng digmaan?
pagkamatay ng mga tao
- Noong 431 BCE, nilusob - Tinawid ni Darius ang
ng mga Spartan ang Aegean Sea kasama ang
karatig-pook ng Athens 25,000 na sundalo
- Ipinag-utos ni Pericles sa - Ipinagpatuloy ni Xerxes ang
mga Athenian ang pagsunod sa Athens. Naging Kaganapan (Ano-ano
pananatili sa lungsod madugo ang labanan sa
- Lumaganap ang sakit sa
ang mga
Thermopylae
Athens at marami ang - Pinamunuan ni Leonidas mahahalagang
namatay ang 300 Spartan uang pangyayari?)
- Nagtaksil si Alcibiades sa harangin ang mga Persian
mga Athenian - Nagwagi ang mga Athenian
- Nagwagi ang Sparta sa labanan sa Salamis sa
pamumuno ni Themistocles
Delian League laban sa Greek laban sa mga Persian Aktor (Sino ang
Peloponnesian League magkalaban?)
Digmaang Peloponnesian Digmaang Graeco-Persia
Digmaang Kinasangkutan ng Sinaunang Greece
Pagtataya B:
-mga lungsod-estado sa Greece
- nakabuo ng mataas na antas ng kabihasnan
-nakaimpluwenisya sa pag-unlad ng
Kabihasnang Klasikal ng Greece
-binigyang-diin ang pilosopiya at - Binigyang-diin ang
edukasyon pagpapalakas ng katawan
- Nakatuon sa
-nakatuon sa pagpapanday ng pagpapaunlad ng
kaisipan at talion istratehiyang pang-militar
- Mahuhusay ang mga
-itinuturing na mga mamamayan o mandirigma
citizen ang mga lalaki - Oligarkiya ang
pamahalaan
-Demokrasya ang pamahalaan - Ang pinuno ay kadalasang
pinakamahusay na
- nagdedesisyon ang pamahalaan mandirigma
batay sa kagustuhan ng nakararami
Athens Sparta
Pagtataya A:
PAGYAMANIN:
22
Kabihasnang
Minoan
Nakilala ang Knossos
bilang
Sinalakay ang pinakamakapangyariha
Knossos ng mga di ng lungsod na
nakilalalng sumakop sa kabuuan
mananalakay na ng Crete.
sumira at nagwasak
-
sa buong
pamayanan.
-
3100 BCE-
Itinatag ang
Kabihasnang
Minoan ni
-
Haring Minos,
1600-1100 isang
BCE- maalamat na
Narating ng hari
1400 BCE-
Tuluyang bumagsak Crete ang
ang Kabihasnang tugatog ng
Minoan tagumpay
ISAGAWA:
ISAISIP:
Ang sagot sa mga tanong ay batay sa natutuhan ng mag-aaral tungkol sa aralin.
Pagtataya C:
Paalala: Ang mga sagot sa talahanayan ay batay sa natutuhan ng mga mag-aaral.
Halimbawa:
Larangan Ambag Kahalagahan
Pamahalaan/Politika Demokrasya Nagbigay ng pagkakataon sa
mga mamamayan na
makibahagi sa pagdedesisyon
para sa kanilang lungsod-
estado, siyudad, probinsiya at
bansa.
23
KARAGDAGANG GAWAIN:
Ang sagot sa tanong ay batay sa natutuhan ng mag-aaral tungkol sa aralin.
TAYAHIN:
1. B 6. B 11. A
2. D 7. A 12. A
3. D 8. D 13. C
4. D 9. D 14. A
5. A 10. A 15. A
Kabihasnang
Mycenaean
1400 BCE-Naging
makapangyarihan
1100 BCE-Sinakop ng ang Kabihasnang
mga Dorian ang Mycenaea. Sinakop
Mycenaea. Ito ang nila ang isla ng
-
nagging dahilan ng Crete.
pagbagsak ng
Kabihasnang
-
Mycenaea.
Nagsilbing
sentro ng
-
Kabihasnang
Mycenaea ang
Patuloy na pinaunlad isang lugar na
ng mga Mycenaean malapit sa
ang kanilang Aegean Sea.
Naging palasak kabihasnan.
ang digmaan. Naimpluwensiyahan
Nahinto ang ito ng Kabihasnang
kalakalan at pag- Minoan dahil sa
unlad ng sining. pagsakop nila sa
Crete.
Sanggunian
Mga Aklat:

Blando, Rosemarie C. et.al. (2014) Kasaysayan ng Daigdig, Kagamitan ng Mag-aaral,


pahina 133-156

Mga Website:

Villanueva, Irene, Kabihasnang Klasikong Greece, 2014, JPEG, 700x523 px


http://irenevillanueva12.blogspot.com/2014/09/kabihasnang-klasikal-ng-
greece.html

24
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:
Department of Education – Tanjay City Division-CID, Negros Oriental

Brgy. 9, Opao, Tanjay City, Negros Oriental, Philippines

Telephone No: (035) 415 - 9360

E-mail Address: depedtanjaycity@yahoo.com

You might also like