You are on page 1of 18

8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan–Modyul 5
(Week 7)
Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
at Kolonisasyon
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 5 (Week 7): Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at
Kolonisasyon
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Debisyon ng Lungsod ng Lapu-Lapu

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Reynold V. Cabaluna
Editor: Czarina Ritzko J. Sagarino Earl Adrian C. Cejas Janette T. Maluya
Tagasuri: Teresita A. Bandolon Marigold J. Cardente
Tagaguhit:
Tagalapat: Maria Teresita D. Amion Marieta R. Ferrer
Plagiarism Detector Software: PlagiarismDetector.com
Grammar Software: CitationMachine.com
Tagapamahala:
Schools Division Superintendent : Wilfreda D. Bongalos, PhD, CESO V
Assistant Schools Division Superintendent : Cartesa M. Perico, Ed.D
Curriculum Implementation Division Chief : Oliver M. Tuburan, Ed.D.
EPSVR- LRMDS : Teresita A. Bandolon
EPSVR- Araling Panlipunan : Marigold J. Cardente
ADM Coordinator : Jennifer S. Mirasol Marigold J. Cardente

Inilimbag sa Pilipinas
Kagawaran ng Edukasyon
Department of Education – Region VII
Division of Lapu-Lapu City
Address: B.M. Dimataga St., Poblacion, Lapu-Lapu City
Tel #: (032) 410-4525
Email: oliver.tuburan@deped.gov.ph.ph
8

Araling Panlipunan
Ikatlong Markahan–Modyul 5
(Week 7)

Ikalawang Yugto ng Imperyalismo


at Kolonisasyon

Ang modyul na ito ay magkatuwang na inihanda at sinuri ng mga


edukador mula sa mga pampublikong paaralan. Hinikayat namin ang mga
guro at ibang nasa larangan ng edukasyon na mag-email ng kanilang
puna at mungkahi sa Kagawaran ng Edukasyon sa
deped.lapulapu@deped.gov.ph.

Mahalaga sa amin ang inyong mga puna at mungkahi.


Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa aralin tungkol sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon.

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga edukador mula sa pambuliko at
pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang
pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at malayang pagkatuto na
mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang
makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan
at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong ito sa pinakakatawan ng
modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung paano gamitin ang
modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang
pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul
para sa aralin tungkol sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong matulungan ka sa iyong
pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na ang kaalaman mo sa aralin ng


modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%), maaari mong
Subukin laktawan ang bahaging ito ng modyul.

ii
Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang matulungan kang maiugnay ang
Balikan kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na suliranin, gawain o isang sitwasyon.
Tuklasin

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling pagtalakay sa aralin. Layunin nitong


matulungan kang maunawaan ang bagong konsepto at mga kasanayan.
Suriin

Binubuo ito ng mga gawaing para sa mapatnubay at malayang pagsasanay upang


mapagtibay ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari mong
Pagyamanin
iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay gamit ang susi sa pagwawasto sa huling
bahagi ng modyul.

Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan ang patlang ng pangungusap o


talata upang maproseso kung anong natutuhan mo mula sa aralin.
Isaisip

Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa iyo upang maisalin ang bagong


Isagawa
kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat ang antas ng pagkatuto sa


Tayahin
pagkamit ng natutuhang kompetensi.

Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong panibagong gawain upang pagyamanin ang
Karagdagang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang aralin.
Gawain
Susi sa
Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat ng mga gawain sa modyul.
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o paglinang ng modyul


na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o sulat ang anumang
bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa pagwawasto ng mga
kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang sagutin lahat ng
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag mag-aalinlangang
konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at


makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iii
Alamin
Isang maligayang pagtuntong sa Ikawalong Baitang!
Noong nasa Ikapitong Baitang ka ay napag-aralan mo ang tungkol sa
Imperyalismong Kanluranin sa Asya. Ngayon, mas mapalalawak pa ang iyong kaalaman
ukol sa Ikalawang Yugto ng Imperyalismong Kanluranin.
Ang modyul na ito ay makatutulong sa iyo para lubusan mong mauunawaan ang
mga dahilan, mahalagang pangyayari at epekto ng ikalawang yugto ng imperyalismo na
nangyari noong ika-19 na siglo. Mahalagang malaman mo ang mga pangyayaring humubog
sa pamumuhay ng mga tao lalong-lalo na sa mga bansang nasakop at sumakop ng gayon
ay mabigyan mo ito ng makabuluhang pag-unawa at opinyon.
Handa ka na ba? Tara na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!
Nakapaloob sa modyul na ito ang araling:

Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonyalismo

Sa modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:


1. Nasusuri ang dahilan, pangyayari at epekto ng Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
(MELC);
2. Natutukoy ang mga dahilan at mga mahahalagang pangyayari noong ikalawang yugto
ng imperyalismo;
3. Naipaliliwanag ang bunga ng ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon sa mga
bansang nasangkot at;
4. Naibibigay ang sariling opinyon o kuro-kuro tungkol sa mabuti at di- mabuting epekto ng
imperyalismo at kolonisasyon.

Subukin
Panuto: Basahin ang mga katanungan at piliin sa mga sumusunod na konsepto ang
hinihingi ng tanong. Isulat ang titik ng iyong mga napiling sagot sa isang hiwalay na papel.
1. Ang mga bansang Germany, Portugal, Italy at United States ay iilan sa mga bansa sa
kanluran na nagpalawig at nagpalakas ng kanilang mga kapangyarihan sa pamamagitan
ng pagsakop, pakikipagkalakalan at panggigipit. Anong konsepto ang ang naganap
noong ika-19 na siglo ang inilalarawan nito?
A. Humanismo C. Kapilalismo
B. Imperyalismo D. Merkantilismo

2. Isa sa mga dahilan kung bakit naganap ang pananakop ay dahil sa adhikaing
makakamakam ng mga mahahalagang likas na yaman na nakapagdadala ng
kayamanan para sa mga Europeo, Anong uri ng pananakop ang nagbiugay ng espesyal
na Karapatan ng pagnenegosyo sa mga Europeo sa lupaing kanilang nadatnan o
nadiskubre tulad ng mga lupain sa Asya?
A. Protectorate B. Sphere of Influence C. Concession D. Kolonya

4
3. Ang Estados Unidos ay isa rin sa mga bansang nakilahok sa pananakop noong ikalawang
Yugto ng Imperyalismo. Sila ay naniniwala na nag kanilang bansa ay binigyan ng
Karapatan ng Diyos na palawakin at angkinin ang buong kontenente ng Hilagang
Amerika. Anong doktrina sa tingin mo ang binabanggit o tinutukoy ng naunang
pangungusap?
A. Manifest Destiny C. Sphere of Influence
B. White Man’s Burden D. Protectorate

4. Anong paniniwala ang nagsasaad na tungkulin ng mga Europeo at ng kanilang mga inapo
na panaigin ang kanilang maunlad na kabihasnan sa mga katutubo ng mga kolonyang
kanilang sinakop?
A. Manifest Destiny C. Sphere of Influence
B. White Man’s Burden D. Protectorate

5. Sa hukbo ng Amerika ang nagsilbing tagapangalaga sa mga bansang Australia, New


Zealand at Central Amerika dahil sa kakulangan ng pagkakaisa ng mga naturang
teritoryo. Anong uri ng imperyalismo ang inilalarawan ng kondisyong ito?
A. Protectorate C. Concession
B. Sphere of Influence D. Kolonya

6. Hawak at kontrolado ng Great Britain ang pamahalaan at politika ng China noong ika-19
na siglo. Ano ang tawag sa konseptong ito na kung saan kontrolado ang pamahalaan at
politika ng isang makapangyarihang bansa?
A. Protectorate C. Concession
B. Sphere of Influence D. Kolonya

7. Ang panahon ng imperyalismo ay nagdulot ng Mabuti at hindi mabuting epekto sa mga


kolonyang nasakop ng mga Kanluranin. Alin sa mga sumusunod ang hindi mabuting
epekto?
A. Pagsasamantala ng mga kanluranin sa mga likas na yaman
B. Pagsasamantala ng mga kanluranin sa mga yamang-mineral
C. Pagkuha ng mga kanluranin sa mga yamang-mineral
D. Lahat ng mga nabanggit

8. Ang Pilipinas ay iilan lamang sa mga bansang nasakop ng mga kanluranin. Ano ang tawg
natin sa mga bansang nasakop ng mga dayuhang ang pakay ay magkaroon ng
kayamanan, kapangyarihan at mapalaganap ang kanilang paniniwala?
A. Kolonya C. Mananakop
B. Protectorate D. Concession

9. Maraming dahilan kung bakit naganap ang ikalawang yugto ng imperyalismo at


kolonisayon, alin sa mga sumusunod ang isa sa maituturing nating dahilan?
A. Paghahanap ng mga hilaw na materyales para sa industriya sa Europe.
B. Pagnanasang makakita ng mga magagandang tanawin sa ibang lugar.
C. Paghihigante mula sa matinding pagkatalo dulot ng digmaan.
D. Pagnanais na makamit ang isang sibilisadong lipunan.

10. Maraming uri ng panankop noong ikalawang yugto ng imperyalismo, alin sa sumusunod
ang hindi kabilang sa pangkat?
A. Sphere of Influence C. Protectorate
B. White Man’s Burden D. Concession

5
Aralin Ikalawang Yugto ng Imperyalismo
at Kolonyalismo
5
Isang masayang pagtuntong sa Ikawalong Baitang!

Sa naunang modyul, natutunan mo ang ugnayan ng Rebolusyong Pangkaisipan sa


Rebolusyong Politikal partikular ang Rebolusyong Pranses at Amerikano. Ngayon, mas
mapapalawak at mapapalalim pa ang iyong kaalaman tungkol sa mga dahilan, pangyayari
at epekto ng ikalawang yugto ng kolonisasyan at imperyalismo. Hindi maipagkakaila na may
mabuti at hindi mabuting epekto ang imperyalismo sa mga kolonyang nasakop ng mga
makakapangyarihang bansa. Gayunpaman, mahalagang malaman din natin ang mga
dahilan at uri ng pananakop para lubusan natin itong maunawaan. Marami din naman ang
naging mabuting epekto and impluwensiya ang naging kahinatnan ng panahong ito na
hanggang sa kasalukuyang ay bahagi pa rin at mahalagang aspekto ng kultura ng mga
bansang sinakop noon.
Ngayon, mas mapapalawak pa ang iyong kaalaman tungkol sa ikalawang yugto ng
imperyalismo at kolonisasyon. Napag- aralan mo na ang mga motibo at salik sa paggalugad
na siyang dahilan kung bakit nangganap ang kolonisasyon. Ang mga pangyayaring
naganap ay humubog sa pamumuhay ng mga tao at nagbigay-daan kung bakit napukaw
ang damdaming nasyonalismo. Lahat ng mga bansa sa modernong panahon ay may
kanya-kanyang pamamaraan ng kanilang pagkakaroon ng damdaming makabayan. Isang
mahalagang susi sa paglitaw nito sa maraming bansa ay ang kanilang karanasan na
masakop at pagiging kolonya.

Handa ka na ba? Tayo na at lakbayin ang daan patungo sa karunungan!

Balikan
Panuto: Basahin ang mga katanungan at piliin sa mga sumusunod na konsepto ang
hinihingi ng tanong. Isulat ang titik ng iyong mga napiling sagot sa isang hiwalay na papel.

1. Taga lalawigan si Henyo na kapitbahay ni Manang Rosa. Siya ay mahilig mag-ingay tulad
ng pagsasabi ng kanyang pilosopiya at karapatan sa buhay at madalas itong nagdudulot
ng pansamantalang kaguluhan lalo’t lalo na ang mga tao sa kanilang lugar ay nasanay
sa tahimik at konserbatibong pamumuhay sa probinsiya. Kinausap siya ng kanyang anak
tungkol dito dahil ito ay nabahala na rin sa epekto ng mga sinasabi ng ama. Ang sabi
naman ni Mang Henyo ginawa niya ito dahil ito daw ay isang mabisang paraan sa
mabilisang pagbabago sa isang institusyon o lipunan. Anong kosepto ang mabubuo mo
sa ganitong sitwasyon?
A. Rebolusyon C. Kapayapaan
B. Kaguluhan D. Pagalingan

6
2. Noong unang panahon ang mga bata ay hindi pinahintulutang sumasagot sa kanyang
magulang o sa mga nakakatanda kahit sila ay may dapat na ipaliwanag. Pero sa
kalagitnaan ng ika-18 na siglo, isang pangkat ng mga taong tintawag na Philosophes ang
nakilala sa France na nagbibigay sa atin ng ideya sa paggamit ng ating kaisipan. Alin sa
mga konsepto ang pinakawastong naglalarawan sa pahayag?
A. Pilosopiya C. Katatagan
B. Katwiran D. Karapatan

3. Hindi na nakayanan ng mga Amerikano ang pagbabayad ng buwis sa Paeliamentong


Ingles dahil saw ala silang kinatawan sa Parliamento upang sabihin ang kanilang mga
hinaing kaya tama lang na sila ay magrerebelde upang makamtan ang kanilang
Kalayaan. Alin sa mga konsepto ang pinakawastong naglalarawan sa pahayag?
A. Rebolusyong Pranses C. Rebolusyong Amerikano
B. Rebolusyong Pangkaisipan D. Rebolusyong Siyentipiko

4. Sa paglalakbay ni James sa France may nakausap siyang isang Pilosopo na kaibigan ni


Voltaire sa kanyang pagsasalaysay sa kanyang talmbuhay siya ay nakapagsulat nang
higit na 70 na aklat na may temang kasaysayan, pilisopiya, politika at maging drama.
Madalas siyang gumagamit ng satiriko laban sa kanyang mga katunggali tulad ng mga
pari, aristocrats. At maging sa pamahalaan. Anong kaisipan ang mahinuha mo sa
ganitong pahayag?
A. Kaisipang Politikal C. Kaisipang Pang-ekonomiya
B. Kaisipang Sosyal D. Kaisipang Liberal

5. Pinapalaganap ni Denis Dedorah ang ideyang pilosophes sa pamamagitan ng pagsulat


at pagtitipon ng 28 na volume na Encyclopedia na tumatalakay sa ibat’t-ibang paksa.
Naglalayong baguhin ang paraan ng pag-iisip ng mga tao sa pamamagitan ng pagbibigay
ng mga bagong kaisipan sa mga usaping pamamahala, pilosopiya at relihiyon. Anong
ang ipinahiwatig sa kaganapang ito?
A. Kaisipang Politikal C. Kaisipang Pang-ekonomiya
B. Kaisipang Sosyal D. Ideyang Liberal

Tuklasin
Gawain sa Pagkatuto Blg.1: KOMPLETUHIN MO
Panuto: Subukan mong punan ang nawawalang titik sa terminong tinutukoy sa ibaba.
1. Ito ang bahagi ng ating kasaysayan kung saan ang mga bansang Europeo ang lumitaw
na mga makakapangyarihang bansa at nangunguna sa paghahanap at pananakop ng mga
teritoryo bunsod na pag-unlad ng kagamitan at teknolohiya, pangangailangan sa mga
kalakal at kapangyarihan na nagsimula noong 1750 at nagtapos sa taong 1914.

7
Gawain sa Pagkatuto Blg.2: ALAMIN MO ANG TOTOO
A. Panuto: Basihin ang mga pahayag at pag-isipan kung ang mga ito ba ay naganap sa
Ikalawang Yugto ng Imperyalismo at Kolonisasyon. Markahan ng tsek ang hanay ng “FACT”
kung tama ang pahayag at “BLUFF” naman kung mali ito.

NAGANAP BA ITO SA
IKALAWANG YUGTO NG
PAHAYAG IMPERYALISMO AT
KOLONISASYON?

FACT BLUFF
1. Naging mas madali ang paglalakbay sa malalawak na
karagatan para sa mga Europeo dahil sa imbensyon sa
teknolihya at agham dulot ng Rebolusyon Siyentipiko at
Pangkaisipan kaya mas umigting ang pagnanais nila na
palawakin ang kanilang teritoryo at lupain gayundin ang
kanilang yaman sa pamamagitan ng pananakop.
2. Nagkaroon ng malaking pangangailang para sa
pamilihan at mga hilaw na materyales para sa mga
industriyang nabuo sa Europa na makikita o
matatagpuan sa ibang malalawak na lupain.
3. Nagkaroon ng mataas at malaking demand o
pangangailangan sa mga produkto na malilikom
lamang sa mga lugar ng Asya at Afrika tulad ng bulak,
goma, seda, vegetable, spices at mineral.
4. Naghanap ang mga Europeo ng mga estratihikong
daungan na magiging basing pandagat ng kanilang
puwersa at kapangyarihan.
5. Nagkaroon ng kompetisyon ang mga bansa sa Europa
sa pag-aagawan ng mga teritoryo upang mapalakas ang
kanilang kapangyarihan at katayuan sa Europa.
B. Panuto: Alamin ang mga bansang lumitaw na nangunguna noong ikalawang yugto ng
imperyalismo at kolonisasyon. Gawing gabay ang kanilang mga watawat upang makilala
mo ang bansang ito nang tumpak o tama.

Estados Unidos Hapon Tsina


Spain Portugal Netherlands
Korea Canada Australia
Great Britain France Germany

1. ________________________ 2. _____________________

8
3. ________________________ 4. ________________________

5. ________________________

Suriin
Gawain sa Pagkatuto Blg.3: HANAY NG KASAYSAYAN
Panuto: Basahin at unawain ang talahanayan, pagkatapos aypunan ang Data
Retrieval Chart atsagutin ang mgapamprosesongtanong.

MGA KAGANAPAN NG IKALAWANG YUGTO NG IMPERYALISMO AT


KOLINASASYON
Great Britain France Spain Protugal Netherlands
• Pinalawak ng • Nakarating sa • Ang Espanya • Ang Portugual ay • Kadalasang
Great Britain Africa at ang pangunahing ang tinatawag
ang kanilang Hilagang makapangyariha pinakamatandang ang Netherlands
kolonya sa America. n sa Europa sa estado sa Tangway na Olanda (mula
Africa at Asia. • Nasakop ang kabuuan ng ika- ng Iberia at isa sa
sa Holland),
• Naging Algeria, 16 na dantaon at mga pinakamatanda
sa malaking sa Europe na
ngunit ito ay may
kolonya ang Tunisia at
India sa ilalim Morocco at bahagi ng ika-17 patuloy na kamalian.
ng nag silbing dantaon pinagtirahan, Olanda ay
pamamahala magandangp • isang posisyong pinagsakupan, at nakakakuha ng
ng British East amilihan ng pinalakas pa ng pinaglabanan mula pagsasarili mula
India mga kalakalan at ng noong sinaunang sa Espanyol
Company. produktong yaman mula sa panahon. panuntunan sa
• Itinuring ang gawa ng mga pagmamay- • Ito ang naging 1648
India bilang France. ari ng mga pinakamabigat at • Pagkaraan ng
“Pinakamanini • Nagtayo ng kolonya at pinakamalakas na panahong Napol
ng nahiyas” pamayanan naging kalaban ng Espanya
eoniko, ang

9
dahil sa sa Quebec, pangunahing sa puwersang Olanda ay
malaking Hilagang makapangyariha pandagat. naging lalawigan
yaman at America. n sa daigdig sa lamang ng
karangalang • Nasakop ang larangan Kaharian at
dala nito sa lambak- ilog ng lakbay-dagat
nahati sa Hilaga
Great Britain. ng Mississipi o maritima
at Timog Olanda
• Ipinagmamala na tinawag • Sa pamamagitan
ki ng Great nilang New ng paglalakbay
noong 1840
Britain ang France at pagsakop o
India dahil sa mga alyansa ng
pakinabang na pagpapakasal ng
dala nito mga maharlika at
lalong- lalo na mga mana,
sa sistema ng lumawak
edukasyon, ang Imperyong
mga batas, Kastila upang
mga bagong isama ang
industriya at malalaking
pagpapaunlad bahagi ng lupain
ng Sistema ng ng Amerika, mga
transportasyon pulo sa bahaging
at Asya-Pasipiko,
komunikasyon mga lugar
na kanilang sa Italy, mga
isinagawa. lungsod sa
• Nasakop ang Hilagang Aprika,
Burma noong maging ang mga
1885 at na bahagi ng
pabilang sa Europa.
sakop ng
British India.
• Nasakop ang
Africa kabilang
ang Sierra
Leone, Liberia,
Nigeria, Egypt,
Sudan, Timog
Africa, Congo,
Tanzania.

DATA ANALYSIS CHART


NAGANAP BA ITO NOONG
IKALAWANG YUGTO NG
IMPERYALISMO AT
KOLONISASYON?
PAHAYAG Markahan ng tsek (/)
Oo Hindi
1. Ang Portugal ay naging pinakamabigat at pinakamalakas
na kalaban ng Espanya sa puwersang pandagat.
2. Naging kolonya ang India sa ilalim ng pamamahala ng
Holland East India Company. Ang Netherlands ang
pinakamatagal na mananakop sa India.

10
3. Nagtayo ng pamayanan sa Quebec, Hilagang
America.Nasakop ang lambak- ilog ng Mississipi na
tinawag nilang New France.
4. Nakamit ng Spain ang posisyong pinalakas pa ng
kalakalan at ng yaman mula sa mga pagmamay-ari ng
mga kolonya at naging pangunahing makapangyarihan
sa daigdig sa larangan ng lakbay-dagat o maritima.
5. Pagkaraan ng panahong Napoleoniko, ang Olanda ay
naging lalawigan lamang ng Kaharian at nahati sa Hilaga
at Timog Olanda noong 1840.
MGA PAMPROSESONG TANONG:

1. Ano ang iyong nararamdaman sa binasang hanay ng mga impormasyon?


2. Ano-ano ang ipinapahiwatig na mensahe nito?
3. Gaano kahalaga ang papel na ginagampanan ng mga bansang ito at panahong ito
ng ating kasaysayan para sa modernong lipunan?
4. Bakit mahalagang pag-aralan ang bahaging ito ng ating kasaysayan at sa lipunan?
5. Bilang isang mag-aaral, paano makakatulong ang mga konsepto na ito sa iyong
buhay? Ipaliwanag.

Pagyamanin
Gawain sa Pagkatuto Blg.4: ITALA MO NAUNAWAAN MO
Panuto: Sa tulong ng mga impormasyong natutuhan sa nakaraang gawain, sagutan ang
talahanayan sa ibaba. Gamitin ang halimbawa bilang gabay para maging maayos ang
pagsagot sa gawain. Nakatala ang limang bansang Europeo na nanguna noong ikalawang
yugto ng imperyalismo at kolonisasyonna at punan na lamang ng mga hinihinging
impormasyon ang mga natitirang hanay base sa halimbawang ibinigay. Sa ikawalang hanay
ay maaaring maglista lamang ng isang bansang nasakop at hindi na kailangan pang
pangalanan ang lahat.
Bunga ng
Bansang Bansang Pananakop
Nanakop Sinakop Sa bansang Sa bansan
nanakop gsinakop
Halimbawa India Nakinabang sa mga Nabago ang maraming
Great Britain hilaw ng materyales aspekto ng kultura at
ng India tradisyon ng India
1. Spain

2. Portugal
3. Great Britain

4. France
5. Netherlands

11
Isaisip

MGA PAMPROSESONG TANONG:


1. May mga bahagi ba ng buod ng paksa ang hindi mo nakuha sa mga nagdaang gawain
sa pagkatuto?
2. Bilang isang mag-aaral, bakit kailangan mong malaman at maintindihan ang paksa ng
araling ito?
3. Ano ang konklusiyon na mabubuo mo tungkol sa paksa ng araling ito?

12
Isagawa
Gawain sa Pagkatuto Blg.5: TIMBANGIN MO ANG EPEKTO NITO
Panuto: Ang ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisasyon ay may mabuti at di-
mabuting epekto sa mga bansang nasakop. Sa gawaing ito ay magibibigay ka na iyong
sariling punto sa mga naging epekto (mabuti at hindi mabuti) na mababasa mo sa “Isaisip”.
Isulat ang iyong mga reaksyon at timbangin ang magiging emosyon o saloobin mo sa iyong
mga isinulat na reaksyon.

Reaksyon sa Mabuting Epekto Reaksyon sa Di- Mabuti Epekto

TIMBANGAN NG REAKSYON

MGA PAMPROSESONG TANONG:


1. Ano ang iyong naramdaman sa mga isinulat na mga reaksyon?
2. Alin ang mas mabigat sa iyong timbangan? Bakit?
3. Makatutulong ba sa tingin mo ang gawaing ito upang mapahalagahan mo ang paksa ng
araling ito?

Tayahin
Panuto: Basahin ang mga katanungan at piliin sa mga sumusunod na katanungan at mga
ang hinihingi na bawat aytem. Isulat ang titik ng iyong mga napiling sagot sa isang hiwalay
na papel.
1. Ang India ay isa sa mga kolonya ng imperyong Great Britain at tinuturing na
“Pinakamaningning na Hiyas” ng imperyo. Bakit ito tinatawag na pinakamaningning na
hiyas ng imperyo ang India?
A. Dahil sa hugis puso ng India
B. Dahil matagpuan ito sa bahaging timog ng Asya
C. Dahil hiyas ang pangunahing produkto ng India
D. Dahil sa malaking yaman at karangalang dal anito sa Great Britain

13
2. Nagpatayo ng mga paaralan ang mga Amerikano sa Pilipinas dahil sa pagnanais na
maibahagi ang kanilang kultura sa mga Pilipino. Anong paniniwala sumasailalim ang
ideyang ito?
A. Manifest Destiny C. Concession
B. White Man’s Burden D. Sphere of Influence
3. Maraming pagbabagong politikal, kultural, at pangkabuhayan ang naganap sa mga
bansang sinakop, Alin sa sumusunod ang pagbabagong political ang naganap?
A. Naging sistemang ecomienda ang Pilipinas sa kamay ng mga Espanyol
B. Hindi ginalang ang Sistema ng paniniwala ng mga Hindu at Muslim kaya nangyari ang
rebelyong Sepoy
C. Pinagsamantalahan ang mga likas na yaman at lakas-paggawa ng mga bansang
sinakop
D. Lahat ng mga nabanggit
4. Sa ikalawang yugto ng imperyalismo at kolonisayon, ginamit na dahilan mh mga
Amerikano ang doktrinang Manifest Destiny upang bigyang katuwiran ang kanilang
pananakop. Alin sa mga pagpipilian ang tamang konsepto ng Manifest Destiny?
A. Paniniwalang mga puti ang superior ng lahi ng mundo
B. Paniniwalang tungkulin ng mga puti na panaigin ang kanilang kabihasnan na kanilang
sinsakop
C. Paniniwalang ang mga sinakop nilang kolonya ay dapat sumunod sa mga kagustuhan
ng mga Europeo
D. Paniniwalang binigyan ng Diyos ang United States na magpalawak at angkinin ang
buong kontinente ng Hilagang Amerika
5. Nagdudulot ng hindi mabuting epekto ang kolonisasyon sa mga bansang nasakop.
Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa pangkat?
A. Pinagsamantalahan ang likas na yaman at lakas-paggawa
B. Pinilit ang mga tao na tangkiliking ang produkto ng mga kanluranin
C. Inaabuso ang karapatang pantao ng mga mamamayan
D. Binigyan ng kalayaang mapapahala sa sariling bansa
6. Mahihina ang west Indies, Australia, New Zealand at mga bansa sa Central America at
walang pagkaka-isa ang mga ito upang ipagtanggol ang kanilang bansa. Ang hukbo ng
America ang nagsisilbing tagapangalaga sa mga pook na ito. Anong uri ng pananakop
ang sumasailalim sa kaganapang ito?
A. Protectorate C. Sphere of Influence
B. Concession D. Manifest Destiny
7. Ang Australia, Bahamas, Burma, Canada, Ceylon, Egypt, Honduras, Hongkong,
India, New Zealand at Nigeria ay mga bansa o lugar na nasakop ng Great Britain.
Ano ang tawag sa mga lugar o bans ana napasailalim sa pamamahala ng mananakop?
A. Concession C. Sphere of Influence
B. Kolonya D. Protectorate

8. Naganap ang Digmaang Opyo dahil ipinagbabawal ng pamahalang China ang


pagbebenta ng mga Briton ng Opyo sa Tsino. Bakit ipinagbabawal ang pagbebenta ng
Opyo?
A. Dahil nakasisira ito sa kapaligiran ng Tsina.
B. Dahil ito ay ipinagbabawal sa kanilang relihiyon
C. Dahil mabili lamang ito gamit ang ginto at pilak
D. Dahik nakakaadik ito at nakasisira sap ag-iisip sa mga gumagamit

14
9. Ang imperyalismo sa Africa at Asya ay nagging daan upang makaranas ng
pagsasamantala ang katutubong populasyon mula sa mga mapaniil na patakaran ng
mga dayuhan. Dagdag pa diyan, pinagsasamantalahan din ng mga Kanluranin ang likas
na yaman at likas-paggawa. Gayunpaman may mabuti paring naidulot ang
imperyalismo, alin sa mga sumusunod ang mabuting epekto ng eperyalismo?
A. Nabago ang pamumuhay ng mga tao sa kamay ng mga Kanluranin
B. Napukaw ang mga katutubo sa wika ng mga Kanluranin
C. Natuto ang mga katutubo sa wika ng mga Kanluranin
D. Wala sa mga nabanggit

10. Ang mga bansang Germany, Portugal, Italy at United States ay iilan lamang sa mga
bansang sa kanluran na nagpalawig at nagpalakas ng kanilang kapangyarihan sa
pamamagitan ng pagsakop, pakikipagkalakaran at panggigipit. Anong konsepto na
nangyari noong ika-19 sa siglo ang inilarawan nito?
A. Humanismo C. Kapitalismo
B. Imperyalismo D. Merkatilismo

Karagdagang Gawain
Panuto: Punan ang Flower Chart ng mga magagandang katangian na ipinakita nina dating
Pangulong Magsaysay at Garcia sa pagharap ng mga hamon at suliranin na dapat mong
tularan.

4
1
Natutunan ko
sa paksa ng
araling ito:

3
2

MGA PAMPROSESONG TANONG:


1. Ano ang masasabi mo sa mga ibinigay mong sagot?
2. Sang-ayon ka ba o hindi sa mga binanggit mong sagot?
3. Mula sa ibinigay mong sagot, paano ito makatutulong sa iyo bilang isang mag-aral at
mamamayan ng iyong lipunan?

15
Susi sa Pagwawasto

Sanggunian
Blando, Rosemarie C. et. al. Kasaysayan ng Daigdig: Araling Panlipunan- Modyul ng Mag- aaral.
Pasig City. Vibal Group Inc. 2014
Bustamante, Eliza D., and Avendaño, Fredie V.Sulyap sa Kasaysayan ng Daigdig. Quezon City:
Philippine Educational Publishers’ Association. 2014.

Cruz, Mark Alvin M., and Ramos, Dexter John V. Pagtanaw at Pag- unawa: Araling Asyano.Makati
City: Diwa Learning System Inc. 2014
Perry, Marvin et. al. A History of the World. Philippines . Boston , Massachusetts: Houghton Mifflin
Company. 1989
Source: Imperialism (2020. December 30). In Wikipedia. https://www.wikiwand.com/en/Imperialism

Source: The Declaration of the Rights of Man and the Citizen, 1789. (2016). In Warman C. (Ed.), Tolerance: The
Beacon of the Enlightenment (pp. 11-13). Cambridge, UK: Open Book. Retrieved December 30, 2020, from
http://www.jstor.org/stable/j.ctt19b9jvh.6

https://www.slideshare.net/noemiadaomarcera/ang-ikalawang-yugto-ng-imperyalismo-at-kolonyalismo

https://www.slideshare.net/SMAP_G8Orderliness/aralin-9-ikalawang-yugto-ng-imperyalismo-at-kolonisasyon

https://www.scribd.com/presentation/398359606/Aralin2-Ikalawang-Yugto-Ng-Imperyalismo-at-Kolonisasyon

16

You might also like