You are on page 1of 26

6

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Resulta ng Pananakop ng
mga Amerikano

i
Araling Panlipunan – Ikaanim na Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 4: Resulta ng Pananakop ng mga Amerikano
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anumang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anumang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Nery O. Sabulao


Editor: Gervie S. Garces
Tagasuri: Nieves S. Asonio
Hope A. Jandomon
Tomas Raglin D.Partosa
Tagaguhit: Typesetter
Tagalapat: Aileen Rose N. Cruz
Tagapamahala: Senen Priscillo P. Paulin, CESO V Rosela R. Abiera
Fay C. Luarez, TM, Ed.D., Ph.D. Maricel S. Rasid
Nilita L. Ragay, Ed.D. Elmar L. Cabrera
Carmelita A. Alcala, Ed.D.

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education –Region VII Schools Division of Negros Oriental

Office Address: Kagawasan, Ave., Daro, Dumaguete City, Negros Oriental


Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117
E-mail Address: negros.oriental@deped.gov.ph

i
6

Araling
Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 4:
Resulta ng Pananakop ng mga
Amerikano

ii
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 6 ng
Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling “Resulta ng
Pananakop ng mga Amerikano’’.
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa pampubliko at pampribadong institusyon upang
gabayan ka, ang gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng
mag-aaral ang pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang
kanilang pinanagumpayan ang pansarili, panlipunan at pang-
ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang
kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itongmatulungan ang mag-aaral
upang makamit ang mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-
alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo
ang kahong ito sa pinakakatawan ng modyul.

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala, panulong o estratehiyang
magagamit sa paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-aaral kung


paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at itala ang pag-unlad nila
habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang sariling pagkatuto. Bukod dito,
inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa
ang mga gawaing nakapaloob sa modyul.

iiiii
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 6 Ang Alternative Delivery
Mode (ADM) Modyul ukol sa “Resulta ng Pananakop ng mga Amerikano’
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.
Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob
ng silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang
oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong
maunawaan.
Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga
dapat mong matutuhan sa modyul.
Alamin

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang
leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


Tuklasin ipakikilala sa iyo sa maraming paraan
tulad ng isang kuwento, awitin, tula,
pambukas na suliranin, gawain o isang
sitwasyon.

iii
iv
Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling
Suriin pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang
bagong konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


mapatnubay at malayang pagsasanay
Pagyamanin upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa.
Maaari mong iwasto ang mga sagot mo
sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
Isagawa bagong kaalaman o kasanayan sa tunay
na sitwasyon o realidad ng buhay.

Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
Tayahin pagkamit ng natutuhang kompetensi.

iv
v
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
panibagong gawain upang pagyamanin
Karagdagang ang iyong kaalaman o kasanayan sa
Gawain natutuhang aralin.

Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.
Susi sa
Pagwawasto

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Sanggunian Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa paglikha o


paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na


ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng
anumang marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit
ng hiwalay na papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang
gawaing napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat
pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga
gawain at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung
tapos nang sagutin lahat ng pagsasanay.

v
vi
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul
na ito, huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o
tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa
nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay
na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.
Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng
makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-
unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

vi
vii
Alamin

Sa mga nakaraang aralin ay napag-aralan mo ang tungkol sa pagpupunyagi ng


mga Pilipino para maging malaya sa mga mananakop.
Ang modyul na ito naman ay nagpapaliwanag sa naging resulta ng pananakop
ng mga Amerikano. Nagdulot ng maraming pagbabago ang mga patakarang
ipinatupad ng bagong pamahalaang Amerikano sa lipunang Pilipino. Ikinagalak ng
mga Pilipino ang pag-unlad na ito kaya naman malugod nilang tinanggap ang
anumang pagbabago na naganap sa bansa.
Handa ka na ba? Tara na at alamin natin ito!

Napapaloob sa modyul na ito ang araling;

Ang Resulta ng pananakop ng mga Amerikano

MELC: Naipapaliwanag ang resulta ng pananakop ng mga Amerikano

Pagkatapos pag-aralan ang modyul na ito inaasahan na:


1. Naipapaliwanag ang resulta ng pananakop ng mga Amerikano
2. Mapag-uugnay-ugnay ang mga pangyayari noong panahon ng pananakop ng
mga Amerikano
3. Napapahalagahan ang naging resulta sa pananakop ng mga Amerikano

1
1
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at piliin ang titik ng tamang sagot.
Isulat ang sagot sa iyong activity notebook.
1. Sino ang mga nakinabang sa mga pagbabago na nangyari sa panahon ng
pananakop ng mga Amerikano?
A. mga mamamayang Pilipino
B. mga Espanyol
C. mga Amerikano mismo
D. mga Thomasites

2. Ano ang dalang relihiyon ng mga Amerikano sa pagsakop nila sa Pilipinas?


A. Aglipay C. Kristiyanismo
B. Iglesia ni Kristo D. Protestantismo

3. Ano ang ibig sabihin ng Kasunduan sa Paris?


A. Kasulatan ng pakikipagkaibigan ng mga Amerikano sa Pilipinas.
B. Kasunduan kung saan ipinagkaloob ng Espanya sa Estados Unidos ang
pamamahala sa Pilipinas.
C. Kasunduan na nagbigay ng karapatan sa isang lupain.
D. Wala sa mga nabanggit sa itaas.

4. Kailan nilagdaan ang Kasunduan sa Paris?


A. Disyembre 10, 1898 C. Disyembre 21, 1898
B. Nobyembre 10, 1898 D. Disyembre 10, 1989

5. Nagpatupad ang Estados Unidos ng patakaran at programa sa mga larangang


ito MALIBAN sa isa. Alin ang hindi kasama?
A. Edukasyon C. Transportasyon
B. Komunikasyon D. Pananalapi

6. Alin sa mga nabangit sa ibaba ang HINDI batas na ipinatupad noong panahon ng
pananakop ng mga Amerikano?
A. Batas Hare-Hawes-Cutting
B. Batas Jones 1916
C. Batas Pambansa
D. Payne-Aldrich Act

12
7. Bakit gustong sakupin ng Estados Unidos ang Pilipinas?
A. upang maipagmalaki ang Pilipinas
B. upang ibigay ito sa ibang bansa
C. upang maging kaibigan ito
D. upang makilala bilang mapuwersang bansa sa pandaigdig

8. Paano nabunyag ang tunay na layunin ng mga Amerikano sa pagsakop sa


Pilipinas?
A. Paglitaw ng Kasunduan sa Paris.
B. Pinagtatrabaho ng matagal ang mga katutubo.
C. Binigyan ng regalo ang mga katutubo.
D. Itinalaga sa puwesto ang ilang Pilipino.

9. May tatlong layunin ang pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas


MALIBAN sa isa. Alin ang isa na hindi layunin?
A. Layuning Pulitikal
B. Layuning Pakikipagkaibigan
C. Layuning Pangrelihiyon
D. Layuning Pang-ekonomiko

10. Ito ang partido sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano na tumutol na


bigyan ng kasarinlan ang Pilipinas.
A. Partidong Republikano C. Partidong Demokratiko
B. Partidong Liberal D. Partidong Parliyamentaryo

23
Balikan

Panuto: Punan ang patlang ng pangalan ng batas o alituntuning ipinatupad sa panahon ng


komonwelt. Pumili ng sagot mula sa kahon at isulat lamang ito sa iyong kwaderno.

Surian ng Wikang Pambansa Women’s Suffrage Bill


National Defense Act Programang Homestead
Code of Citizenship and Ethics Court of Industrial Relations
Eight-hour Labor Law Philippine Independence Act
minimum wage Pamahalaang Commonwealth

1. Binuo ang ___________________ bilang tagapaglutas ng mga alitan sa


pagitan ng manggagawa at pangasiwaan.
2. Itinatag ni Quezon ang ___________________ na siyang mangangasiwa sa
pagtataguyod ng wikang Tagalog.
3. Ayon sa ____________________, dapat makatanggap ng karagdagang bayad
ang manggagawa kung siya ay nagbigay-serbisyo lampas ng itinakdang
paggawa.
4. Namahagi ng lupa ang pamahalaan sa mga magsasaka batay sa _______.
5. Upang makapaghanda sakali mang maapektuhan ng digmaan,
ipinatupad ang_________________________ upang magkaroon ng sibilyang
reserved personnel.
6. Walang manggagawa ang tatanggap ng mas mababa sa itinakdang ______.
7. Gabay para sa pagtataguyod ng mabuting asal ang _______________.
8. Ang batas na kilala rin bilang Tydings-McDuffie Act ay ang _____________.
9. Si Gng. Aurora Aragon-Quezon ay bumoto sa unang pagkakataon dahil sa
pagpapairal ng____________________.
10. Sa _________________________, binigyan ng karapatan at kapangyarihan
ang mga Pilipino na pamunuan ang kanilang mga sarili ngunit sa ilalim ng
paggabay at pakikialam ng mga Amerikano.

34
Tuklasin

➢ Ano-ano ang mga pagbabago sa buhay ng mga Pilipino sa ilalim ng


pamahalaang kolonyal ng mga Amerikano?

➢ Paano nakaapekto ang mga pagbabago sa lipunan sa panahon ng Amerikano


sa pamumuhay ng mga Pilipino?

45
Suriin

Resulta ng Pananakop ng mga Amerikano


Ang Amerika noong panahong ito ay nagsisimula na ring magpalawak
ng kanilang kolonya. Para maisakatuparan ang layunin nitong makilala bilang isang
puwersang pandaigdig, kailangan nitong magkaroon ng kolonya.
Noong una, akala ng mga Pilipino sa mga
http://projectinaralingpanlipuna.blogspot.com/2014/01/ang-
Amerikano ay mga kaibigan dahil tinutulungan pananakop-ng-united-states-sa.html

nila tayo na mapaalis ang mga Espanyol sa


ating bansa. Ngunit ito ay kunwari lang para
hindi mahalata ang pagsakop nila sa atin.
Nabunyag ang tunay na layunin ng mga
Amerikano sa Pilipinas nang lumitaw ang
Kasunduan sa Paris kung saan ibininta ng mga
Espanyol ang Pilipinas sa halagang 20 milyong
dolyar sa Amerika, ito ay sa pagitan ng Amerika
at Espanya na nilagdaan noong Disyembre 10, http://projectinaralingpanlipuna.blogspot.com/2014/01/ang-
pananakop-ng-united-states-sa.html
1898.

May tatlong naging pangunahing dahilan ang pananakop ng Amerikano sa


Pilipinas. Una ay ang layuning Pulitikal, ito ay upang mapalawak nila ang lupaing
sakop at magsimula ng bagong Pilipinas at makapagtatag ng Base-Militar dahil sa
estratehiyang lokasyon nito. Pangalawa ay layuning pang-ekonomiya, kung saan
makapagtatag ng mga pamilihang Amerikano at mapagkunan ng hilaw na sangkap at
gawing bagsakan ng tapos na produkto ang bansa. At ang pangatlo, ay layuning
pangrelihiyon upang mapalaganap ang Protestantismo sa kalakhang-Asya at
pahingahan din ng mga misyunero. Upang maisakatuparan ang hangaring ekonomiko
at pagtulong ng Estados Unidos sa Pilipinas, nagpatupad ito ng mga patakaran at
proyekto sa larangan ng edukasyon, komunikasyon at transportasyon, kalusugan at
kagalingan pampubliko at kalakalan at industriya
Tunay na umunlad at yumabong ang kulturang Pilipino sa panahon ng
pananakop ng mga Amerikano. Sa kabila ng magagandang naibahagi ng mga
larangang ito sa ating bansa, mayroong din hindi mabubuting naidulot sa buhay ng
mga Pilipino ang impluwensiyang hatid ng mga Amerikano sa bansa, naging sanhi din
ang mga ito ng mga negatibong impluwensya lalo na sa sistema, kaugalian, at pag-
iisip nating mga Pilipino.Sa kabila ng maraming hamon at suliraning kinakaharap ang
pamahalaan noong panahong iyon, masasabi ring naging matagumpay ang

56
pamahalaang ito. Nakita ng mga Pilipino ang malaking pagkakaiba ng paraan ng
pamamahala ng mga Amerikano sa paraan ng mga Espanyol. Ilan sa mga naipatupad
ng mga Amerikano ay ang paglalagay sa mga Pilipino sa puwesto, pagkakaroon ng
halalan at ang edukasyon. Dahil dito, maraming Pilipino ang nagpasyang makiisa sa
mga bagong dayuhan. Mabilis ang pag-unlad ng Pilipinas noong panahon ng
Amerikano. Naging totoo ang mga Amerikano sa kanilang pahayag na sasanayin nila
ang mga Pilipino sa demokratikong bansa hanggang kaya na nilang magsasarili.
Ngunit naapektuhan ang pagbabagong pampulitikal dahil sa pagtutol ng
partidong Republikano na bigyan ng kasarinlan ang Pilipinas na labis nating hinihintay.
Dahil sa pagbabagong ito nagpadala ng mga sugo ang mga kilusan sa Estados
Unidos upang itulak ang patakarang makatao. Maikling panahon lamang ang inilagi
ng partidong Republikano at nanumbalik ang mga partidong Demokratiko na siyang
nagpasimuno ng patakarang makatao sa bansa. Dito naisilang ang pamahalaang
komonwelt. Bagaman may taglay na empluwensiyang Amerikano ang pamahalaang
komonwelt ay hindi maikaila na ang malasariling pamahalaang ito ay may hatid na
pagbabago sa bansa na ang mga Pilipino mismo ang gagawa ng mga pagbabagong
ito at siya ring makikinabang dito.

Sagutin ang mga tanong:

1. Ano ang mahalagang papel ang ginampanan ng Kasunduan sa Paris sa


pananakop ng mga Amerikano?
2. Bakit nais ng Estados Unidos na sakupin ang Pilipinas?
3. Ano ang katangiang ipinamalas ng Partido Republikano sa kanilang patuloy na
hindi pagdinig sa hinihiling ng Pilipinas?

7
6
Pagyamanin

Gawain A
Panuto: Isulat sa patlang sa unahan ng bilang kung TAMA o MALI ang pangungusap.
Kung ang pangungusap ay mali, isulat sa bilang ang tamang sagot na tinutukoy ng
pangungusap. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
_______ 1. Ang dating payak at simpleng pamumuhay ng ating mga ninuno ay
naging makabago.

_______ 2. Dahil sa makabagong impluwensiya ay nagkaroon ng pagkakataon


ang mga artistang Pilipino na malinang ang kanilang talento.
_______ 3. Nasira ang wikang Pilipino nang madagdagan ng mga salitang
hinango sa salitang Ingles.

_______ 4. Marami sa mga Pilipino ang madaling tumanggap ng impluwensiyang


Amerikano kaysa sa impluwensiyang Espanyol.
_______ 5. Sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano ay hiwalay ang
pamamalakad ng estado at ng simbahan.

_______ 6. Nang dumating ang mga Amerikano sa Pilipinas ipinakilala nila ang
kaisipang “demokratiko”.

_______ 7. Nanumbalik ang Partido Republikano sa Kongreso ng Estados Unidos


kaya muling nagkaroon ng liwanag ang pagbibigay kasarinlan sa
Pilipinas.
_______ 8. Umunlad at yumabong ang kulturang Pilipino sa panahon ng
pananakop ng mga Amerikano.

_______ 9. Tinupad ng mga Amerikano ang kanilang pahayag na sasanayin ang


mga Pilipino sa demokratikong bansa hanggang kaya ng magsasarili.
_______ 10. Nagpadala ang Pilipinas ng mga misyong pangkalayaan sa Estados
Unidos upang ikampanya ang minimithi nitong kalayaan.

87
Gawain B

Panuto: Tukuyin ang isinasaad ng bawat pahayag sa Hanay A. Pillin ang sagot
sa Hanay B. Kopyahin sa kwaderno ang Hanay A lamang at

isulat ang letra ng iyong sagot sa patlang.


A B

____ 1. May impluwensiyang Amerikano A. Protestante


ang pamahalaang ito
B. hilaw
____ 2. Ang kasama ng Amerika sa
paglagda sa kasunduan C. Kasunduan sa Paris

____ 3. Relihiyon ng mga Amerikano D. Misyunero

____ 4. Uri ng sangkap na gustong makuha E. E Layuning Pulitikal


ng mga Amerikano sa Pilipinas
F. Demokratiko
____ 5. Kasunduan na nilagdaan noong
G. Makatao
Disyembre 10, 1898
H. Espanya
____ 6. Ang unang layunin ng Estados
Unidos sa pagsakop sa Pilipinas I. Republikano
____ 7. Partido na tumutol na bigyan ng J. Komonwelt
kasarinlan ang Pilipinas

____ 8. Patakarang itinulak ng mga kasapi


ng kilusan

____ 9. Tawag sa mga taong nagpalaganap


ng isang relihiyon

____ 10. Partidong nagpasimuno ng


patakarang makatao

9
8
Isaisip

https://tinyurl.com/yy2ky2r3

➢ Patuloy na ipinaglaban ng mga Pilipino ang kalayaan ng bansa


noong panahon ng mga Amerikano.
➢ Sa loob ng apatnapu’t walong taong pananakop ng mga Amerikano
malaking pagbabago ang nangyari sa pamumuhay ng mga Pilipino.
➢ Bukod sa edukasyon, naimpluwensiyahan din ng kulturang
Amerikano ang ating panitikan, relihiyon, pamahalaan,
transportasyon, komunikasyon, at higit sa lahat ang Sistema ng
ating pamumuhay.
➢ Dahil sa matinding impluwensiya ng mga Amerikano ang mga
Pilipino ay binansagang “little brown American.”
➢ May mabubuti at di mabubuting impluwensiya ang mga Amerikano
sa kulturang Pilipino.

10
9
Isagawa

Panuto: Bumuo ng isa o dalawang talata bilang paliwanag sa naunawaan mo tungkol sa


resulta ng pananakop ng mga Amerikano sa Pilipinas. Isulat ang gawa sa activity notebook.
May rubrics para sa pagbibigay ng puntos

Rubrics sa Pagtataya ng Talata/Sulatin

Mga
2 3 4 5
Krayterya

Organisasyon Hindi maayos May lohikal na Maayos ang Mahusay ang


ang organisasyon organisasyon pagkakasunod-
organisasyon ng ngunut hindi pagkakabuo ng sunod ng mga
mga ideya at masyadong talata na may ideya sa
walang panimula mabisa ang angkop na simula kabuuan ng
at kongklusyon panimula at at kongklusyon talata, mabisa
kongklusyon ang panimula at
malakas ang
konklusyon
batay sa
ebidensya

Presentasyon Mahirap basahin May kahirapang Malinis ngunit hindi Malinis at


dahil sa hindi unawain ang lahat ay maayos maayos ang
maayos at pagkakasulat ang pagkakasulat pagkakasulat ng
malinis na ng ng mga talata
pagkakasulat pangungusap pangungusap

Paggamit ng Kailangang Mga kahinaan Mahusay dahil Napakahusay


Wika at Mekaniks baguhin dahil dahil maraming kakaunti lamang dahil walang
halos lahat ng mali sa gramar, ang mali sa mali sa gramar,
pangungusap ay baybay at gamit gramar, baybay at baybay at gamit
may mali sa ng bantas gamit ng bantas ng bantas, may
gramar, baybay mayamang
at ganit ng bantas bokabularyo

10
11
Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan at piliin ang titik ng tamang
sagot. Isulat ang sagot sa iyong kwaderno.
1. Sila ang mga nakinabang sa mga pagbabago na nangyari sa panahon ng
pananakop ng mga Amerikano.
A. mga Espanyol C. mga Amerikano
B. mga Thomasites D. mga mamamayang Pilipino

2. Alin sa mga larangang ito ang HINDI kasama ng magpatupad ang mga Amerikano
ng patakaran at programa?
A. edukasyon C. kalusugan
B. pagkain D. komunikasyon

3. Anong partido sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano ang tumutol na


bigyan ng kasarinlan ang Pilipinas?
A. Partidong Demokratiko C. Partidong Republikano
B. Partidong Parliyamentaro D. Partidong Liberal
4. Ito ang relihiyong dala ng mga Amerikano ng sinakop nila ang Pilipinas.
A. Protestantismo C. Iglesya ni Kristo
B. Aglipay D. Kristiyanismo

5. Ang Kasunduan sa Paris na nilagdaan ng dalawang panig sa pagitan ng Espanya


at Amerika ay nangyari noong________.
A. Disyembre 10, 1898 C. Disyembre 21, 1898
B. Nobyembre 10, 1898 D. Disyembre 10, 1989

6. Ang mga sumusunod ay layunin ng mga Amerikano sa pagsakop sa Pilipinas


MALIBAN sa isa. Alin ang hindi layunin?
A. Layuning Pangrelihiyon C. Layuning Pang-ekonomiko
B. Layuning Pakikipagkaibigan D. Layuning Pulitikal

7. Ito ay kasunduan kung saan ipinagkaloob ng Espanya sa Estados Unidos ang


pamamahala sa Pilipinas.
A. Kasunduan sa Biak-na-Bato
B. Bill of Rights
C. Kasunduan sa Paris
D. Kasunduang Pangkapayapaan

11
12
8. Ito ang mga batas na ipinatupad noong panahon ng pananakop ng mga
Amerikano MALIBAN sa isa. Alin ang hindi kasama?
A. Payne-Aldrich Act
B. Batas Jones 1916
C. Batas Hare-Hawes-Cutting
D. Batas Pambansa

9. Paano nabunyag ang layunin ng mga Amerikano sa pagsakop sa Pilipinas?


A. Itinalaga sa puwesto
B. Paglitaw ng Kasunduan sa Paris
C. Pinagtatrabaho ang mga Pilipino
D. Tinutulungan ang mga katutubo

10. Bakit gustong sakupin ng Estados Unidos ang Pilipinas?


A. upang maging kaibigan
B. upang makilala bilang
C. upang makilala bilang mapuwersang bansa sa pandaigdig
D. upang ipagmalaki ang Pilipinas

13
12
Karagdagang Gawain

Panuto: Gamitin ang talahanayan sa ibaba upang ilista ang mga pagkakatulad at
pagkakaiba ng ugnayang Pilipinas-Estados Unidos noong panahon ng pananakop ng
Amerika sa bansa at sa kasalukuyang panahon.

Kopyahin ang talahanayan sa iyong kwaderno at sagutan ito.

Mga Nasuring Katangian

Pagkakatuald Pagkakaiba

1.______________________________ 1.______________________________
_______________________________ _______________________________
______________________________ ______________________________
2.______________________________ 2.______________________________
_______________________________ _______________________________
______________________________ ______________________________

3.______________________________ 3.______________________________
_______________________________ _______________________________
______________________________ ______________________________

4.______________________________ 4.______________________________
_______________________________ _______________________________
______________________________ ______________________________

13
14
Talahulugan

Demokratiko - isang uri ng pamahalaan kung saan tinatawag rin itong


pamahalaan ng mamamayan sapagkat mas higit na makapangyarihan
ang tinig ng nakararaming mamamayan kumpara sanamumuno rito
Hilaw - ito ay ang mga bagay na kailangan pang iproseso upang maging isang
produkto

Karapatan - ay isang kakayahan ng isang tao o mamamayan ng isang bansa na


magdesisyon at gumawa ng mga bagay na may kalayaan

Kasarinlan - kalimitang ginagamit na salita kung ang tinutukoy ay salitang


“Independence” na kasingkahulugan ng kalayaan
Kasunduan - ay ang pinag-usapan ng dalawang panig, na napagkasunduang
gagawin, o kaya ang bagay na napagdesisyunan

Komunikasyon - ay isang proseso ng pagpapalitan ng impormasyon o ideya na


kadalasang ginagawa sa pamamagitanng karaniwang sistema o mga
simbolo
Misyunero - ay ang tao o mga taong nagdadala o nagbabahagi ng salita ng Dios
sa iba’t-ibang panig ng mundo

Sugo - delegado, kinatawang inutusan, embahador


Transportasyon - tumutukoy sa paggamit ng sasakyang panglupa, pangdagat o
panghimpapawid upang makarating sa destinasyon o paroroonan

15
14
16
15
1. D
2. B
3. C
4. A
5. A
6. B
7. C
8. D
Maaaring magkaiba 9. B Maaaring magkaiba
ang kasagutan 10. C ang kasagutan
Karagdagang Gawain Tayahin Isagawa
1. Court of Industrial
Relations
Gawain B Gawain A 2. Surian ng Wikang
1. J 1. Tama Pambansa
2. H 2. Tama 3. Eight-hour Labor
3. A 3. Mali- Law 1. A
4. B yumabong 4. Programang Homestead 2. D
5. C 4. Tama 5. National Defense Act 3. B
6. E 5. Tama 6. Minimum wage 4. A
7. I 6. Tama 7. Code of Citizenship & 5. D
8. G 7. Mali- Ethics 6. C
9. D Demokratiko 8. Philippine Independence 7. D
10. F 8. Tama Act 8. A
9. Tama 9. Women;s suffrage Bill 9. B
10. Tama 10. Pamahalaang 10. A
Komonwelt
Pagyamanin Balikan Subukin
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian
Books:
Hernandez, Vivian L. Pamana 5. Quezon City: Christian Publishing, 1999
Oliveros, Reynaldo D. et al. Kasaysayan ng Mamamamyan ng Pilipinas: Mga Hamon
at Tugon sa Pagkabansa 6. Quezon City: IBON Foundation, Inc.,2015
Torcuator, Dolores Maria H.. At Gabuat, Maria Annalyn P. Isang Bansa Isang Lahi 6.
Quezon City: Vibal Group Inc., 2014
Internet Sources:
• https://brainly.ph/question/2394643#
• https://ipba6fidelity20162ndmidtermallainekevinmartina.wordpress.com/2016/
10/19/first-blog-post/
• https://www.slideshare.net/nagingxkitatandaanmoyan/ang-layunin-ng- mga-
amerikano
• http://projectinaralingpanlipuna.blogspot.com/2014/01/ang-pananakop-ng-
united-states-sa.html
• https://manilatoday.net/wp-content/uploads/2016/07/US-ARM.jpg
• https://xiaochua.files.wordpress.com/2012/10/01-ang-pakikibaka-ng-mga-
pilipino-at-moro.jpg?w=760
• https://sofrep.com/specialoperations/on-this-day-in-1942-gen-douglas-
macarthur-gives-the-i-shall-return-speech/

17
16
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Schools Division of Negros Oriental


Kagawasan, Avenue, Daro, Dumaguete City, Negros Oriental

Tel #: (035) 225 2376 / 541 1117


Email Address: negros.oriental@deped.gov.ph
Website: lrmds.depednodis.net

You might also like