You are on page 1of 28

8

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Kontribusyon ng Kabihasnang
Romano
AralingPanlipunan–Baitang 8
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan– Modyul 2: Kontribusyon ng Kabihasnang Romano
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon
ng karapatang-sipi sa ano mang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayon pa man,
kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng
akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o
tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikap na matunton
ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng
mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang ano mang gamit
maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-
akda ng mga ito.

Walang ano mang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
ano mang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat : Cleofa Roperos-Suganob
Tagasuri : Cleofa R. Suganob at Alberto, Jr. S. Quibol
Tagaguhit : Jean Clarisse R. Suganob
Tagapamahala: Reynaldo M. Guillena
Jinky B. Firman
Marilyn V. Deduyo
Chief Alma C. Cifra
Aris B. Juanillo
Amelia S. Lacerna

Inilimbag sa Pilipinas ng

Department of Education – Region XI, Davao City Division


Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Philippines
Telephone 082) 224 0100/228 3670

E-mail Address: info@deped-davaocity.ph/lrmds.davaocity@deped.gov.ph


8
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2:
Kontribusyon ng Kabihasnang
Romano
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Kasaysayan Ng Daigdig, Baitang 8 ng


Alternative Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling na Kontribusyon ng
Kabihasnang Romano!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upangmatulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasa ng makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga Gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan sila ng pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Isang masayang pagbati sa iyo sa ngalan ng edukasyon! Tanggapin mo ng


malugod ang modyul na ito at matuto tungkol sa Kontribusyon ng Kabihasnang
Romano sa pamamagitan ng Alternative Delivery Mode (ADM).

Makikita mo ang kamay na icon sa pahinang ito. Ang kamay ay madalas


gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin. Sa pamamagitan ng ating mga
kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at magsakatuparan ng gawain. Ang
kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na ikaw, bilang isang mag-aaral, ay
may angking kakayahang matutuhan ang mga kaugnay na kompetensi at
kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay nakasalalay sa iyong sarili
o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyo ng
Gawain panibagong Gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi saPagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang Gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirap ang sagutin ang mga Gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o
sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging
itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa. Umaasa kami, sa pamamagitan ng
modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng
malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga kompetensi. Kaya moito!

iv
Alamin

Magandang araw mga mag-aaral. Handa ka na ba para sa panibagong aralin


na iyong sasanayin sa bahaging ito?

Ang modyul na ito ay naglalaman ng mga aralin na naglalayong mapalawak


ang iyong kaalaman tungkol sa kasaysayan ng sibilisasyong Romano at ang
kanyang impluwensya bilang isa sa mga kilalang kabihasnan sa Europa.
Nakasentro dito ang pag-aaral ng kasayasayan at mga impluwensya sa
pandaigdigang kultura, politika at iba pang kontribusyon na may kinalaman sa
pagsulong at pag-unlad nito. Naglalaman din ito ng mga mahahalagang pangyayari
sa kabihasnang klasikal ng Roma hanggang pagbagsak ng imperyong ito.

Ang mga gawain sa modyul na ito ay inaasahang makakatulong sa iyo


upang mapalawak ang iyong kaalaman tungkol sa paksang aaralin. Inaasahan na
ito ay maghahatid sa iyo ng makabuluhang pagpapahalaga ng kasaysayan na
tutulong sa iyo upang magkaroon ng mas malalim na pang-unawa sa mga
nagaganap sa kasalukuyan.

Ang araling ito ay may layuning nakabatay sa Most Essential Learning


Competency para sa Baitang 8 na: Naipapaliwanag ang kontribusyon ng
Kabihasnang Romano (AP8 DKT-IIc-3)

Mula sa mga nabanggit na kasanayan ay pag-aaralin mo ang kaukulang paksa na


ito:
• Kasaysayan at mga Kontribusyon ng Kabihasnang Roma

Pagkatapos mong napag-aralan ang mga nabangit na aralin, ikaw ay inaasahang:


 naisa-isa ang mga naging kontribusyon ng kabihasnang Romano;
 nailalahad ang kasaysayan at iba pang mga pangyayaring nagbigay daan
sa paglawak ng Imperyong Romano.
 nakakahinuha mula sa mga katibayang nagpapatunay tungkol sa mga
kontribusyon ng kabihasnang Romano sa kasalukuyang panahon.

1
Subukin

Isang mapagpalang araw mga mag-aaral. Ang bahaging ito ng modyul ay


susubukin ang iyong mga nalalaman tungkol sa mga nabanggit na aralin. Ito ay
magtatakda ng antas ng iyong kaalaman tungkol sa mga naging kontribusyon ng
kabihasnang Romano sa kasaysayan ng daigdig. Handa ka na ba?

I. Panuto: Piliin ang titik na sa palagay mo ay tamang sagot sa tanong. Isulat ang
iyong sagot sa isang hiwalay na papel. Simulan mo na ang pagsagot.

1. Anong kabihasnan sa Europa ang namayani sa Italyanong Peninsula bilang


pinakamalawak na imperyo ng sinaunang panahon sa Dagat Mediteraneo?
A. Klasikong Greece C. Kabihasnang Myceneans
B. Kabihasnang Minoans D. Kabihasnang Romano

2. Ayon sa isang matandang alamat, sino ang pinaniniwalang kambal na nagtatag


ng Imperyomg Romano?
A. Allan at Alain C. Romulus at Remus
B. Augustus at Caesar D. Zach at Zachie

3. Alin sa sumusunod ang naging pinuno ng imperyong Romano, na kung saan


ipinangalan ang bayan ng Roma, sapagkat siya ang nanalo sa labanan ng
pamununo sa pagitan ng kaniyang kapatid?
A. Augustus B. Lepidus C. Ceasar D. Rumulus

4. Sino ang naghati sa Imperyong Roma noong 293 AD dahil masyado itong malaki
at malawak?
A. Augustus B. Diocletian C. Constantine D. Julius Ceasar

5. Alin sa sumusunod na uri ng pamamahala ang pinairal ng Kabihasnang


Romano bilang pinakamalakas na imperyo sa Italya?
A. Aristokrasya B. Oligarkiya Republika C. Demokrasya D. Monarkiya

6. Ano ang tawag sa batas ng Roma na hinango batay sa prinsipyo ng katwiran at


hustisya at dapat na mangalaga sa mga mamamayan at sa kanilang ari-arian?
A. Kasunduan sa Paris C. Thirteen Tables
B. Kasunduan sa Verdum D. Twelve Tables

7. Alin sa sumusunod na mga bansa ang komopya sa Twelve Tables na Batas ng


Romano?
A. Greece, France, Portugal, China
B. Espanya, Portugal, Greece, at Turkey
C. China, Bangladesh, Mongolia, at Taiwan
D. Italya, Espanya, Pransiya at Latin Amerika

2
8. Alin sa sumusunod ang pangunahing salitang ginamit ng mga unang Romano?
A. English B. French C. Espanyol D.Latin

9. Ito ang kasuotang pambahay ng lalaking Roman?


A. Palla B. Stola C. Toga D. Tunic

10. Bakit tinatawag na Greaco- Romano ang kultura na mayroon ang Kabihasnang
Romano?
A. Pinahiram ng Gresya ang kanilang kultura sa Roma.
B. Kinuha ng mg Romano ang lahat ng kaalamang Griyego.
C. Nagsanib nang husto ang mga kulturang Griyego at Romano.
D. Ipinadala sa Athens ng kanilang mga magulang upang mag-aral.

11. Paano ipinakita ng mga Romano na mataas ang kanilang kaalaman sa


inhenyera sa patubig?
A. Nagtayo sila ng mga gusali na marami ang makikitang fountains.
B. Gumawa sila ng makulay sa “Fountains” sa mga daanan at tulay.
C. Gumawa ri sila ng mga aqueduct upang dalhin ang tubig sa lungsod.
D. Nagkaroon sila ng paligsahan sa paggawa ng gusaling maraming tubig.

12. Sino ang tumalo sa mga Roman na kalapit nitong tribo sa hilaga?
A. Athens B. Etruscan C. Sparta D. Plebian

13. Alin sa sumusunod na pahayag na maaaring maituturing na naituro ng mga


Griyego sa mga Romano na tumalo sa kanila?
A. Tinuruan sa pagpapatayo ng mga gusaling may arko
B. Tinuruan ng mga aqueduct at iba pang sistema ng patubig.
C. Tinuruan sa paggawa ng barko at paggamit ng tanso at bakal.
D. Tinuruan sa paggawa ng gusali, aqueduct, barko, at paggamit ng tanso.

14. Alin sa sumusunod ang magpapatunay na magaling sa paggawa ng mga tulay


at daan ang mga Romano?
A. Mahilig sila sa pagbabasa ng panitikan.
B. Magaling sila sa kaalamang arkitektura.
C. Malawak ang kanilang kaalamang inhenyeriya.
D. Marami silang damit na magbibigay proteksyon sa paggawa.

15. Sa iyong pananaw, paano nakakatulong ang mga Griyego sa pagsulong at


pag-unlad ng Imperyong Romano?
A. Ang pananakop ng Roma sa Greece ay nagbigay-diin sa malawakang
kaalaman sa mga Romano at dinala ito pabalik sa Roma.
B. Ang pagkalat ng kabihasnang Greece sa Roma ay nagdulot malawakang
migrasyon ng tao mula Roma patungong Athens para mag-aral.
C. Naimpluwensihayan ang kabihasnan sa Roma dahil sa pagsakop nila sa
Greece at pagtangay ng mga kagamitang Griyego pabalik sa Roma.
D. May sariling katangian ang kabihasnang Romano. Pangunahin na rito ang
kaalaman sa panitikan, arkitektura, inhenyeriya, batas, at pananamit.

3
Aralin Kontribusyon ng Kabihasnang
2 Romano

Mag-aaral, sa lipunang ginagalawan mo sa kasalukuyan, marami ang mga


kamangha-manghang gawa ng tao na may kinalaman sa edukasyon, medisina,
arkitektura, inhenyera, at ang katalihunan ipinamalas sa larangan ng teknolohiya.
Tulad na lamang ng mga gusali, sistema ng patubig, malalawak nga daan,
magarbong tulay, makabagong sistema sa pagsasaka, maging sa lakas sandatahan,
pamahalang pampulitika, at ang paniniwalang Katoliko Romano.

Alam mo ba na malaki ang impluwensya dito ng Kabihasnang Romano?


Marami pang kaganapan na nagbibigay-diin sa kaunlaran ng kasalukuyang buhay
at kontribusyon nila sa kasalukuyan at maari pang paunlarin ng susunod na
henerasyon. Sa tingin mo mag-aaral, ano-ano kaya ang mga pangyayaring
nagbibigay daan sa mga pagbabagong ito?

Ang Imperyong Romano ay isa sa mga pinakamalawak sa kasaysayan na


may teritoryo sa Europa, Hilagang Africa, at Gitnang Silangan. Sa pamamagitan ng
araling ito, makararanas ka ng makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng
malalim na pang-unawa kaugnay sa mga pang-araw-araw na karanasan sa iyong
buhay. Ito ay nagbibigay-aral sa mga tao ng bawat henerasyon na isa sa mga
tanging pumukaw sa damdamin nito.

Ang mga kaalaman sa mga pangyayaring naganap noon ay maaring hindi


maintindihan ng mga tao sa kasalukuyang lipunang kanilang ginagalawan. Ngunit,
ang bawat yugto ng kasaysayan ay nagbigay-ilaw sa masalimuot na mga
kaganapan. Sa araling ito, mapahalagahan mo kung paano mananatiling buhay sa
isipan ng mga tao ang bawat pahina ng kasaysayan ng Imeryong Romano na maari
nating maipagmalaki, maipagbunyi, at magsilbing inspirasyon

4
Balikan

Sa nakaraan aralin, natutunan mo na ang kasaysayan ng daigdig na


nakasentro sa pag-aaral ng mga kabihasnang umusbong at umunlad sa Greece na
nagbibigay sa iyo ng kaalaman tungkol sa mga pangyayari at kontribusyon ng
bawat kabihasnan.

Bilang paghahanda sa susunod na aralin, sagutin mo ang gawain sa ibaba


na magbibigay sa iyo ng kaalaman bilang pagbabalik-aral sa nakaraang leksyon at
koneksyon sa makabagong aralin. Ang iyong kaalamang naitala ay nakabatay sa
RUBRIK na makikita sa ibaba. Gumamit ng “Long size coupon bond bilang
sagutang papel. Handa ka na ba mag-aaral?

Gawain 1: Ideya Mo, Itala Mo!

Magbigay ng mga konsepto o ideyang natutunan mo tungkol sa paksang nasa


kahon. Isulat ang iyong sagot sa loob ng kahon gamit ang sagutang papel.

5
RUBRIK SA PAGMAMARKA

Puntos 10 7 4 2
Ang saloobin o Ang saloobin o Ang saloobin o Walang
paliwanag ay paliwanag ay paliwanag ay tamang
naglalaman ng naglalaman ng naglalaman ideyang
malalim, sapat sapat at ng simpleng inilahad
KRAYTERYA at makabuluhang patunay o
makabuluhang patunay o ideya na
ideya na ideya na ginagabayan
ginagabayan ginagabayan ng matalinong
ng matalinong ng matalinong pananaw
pananaw pananaw

Mga Tala para saGuro


Maaring mong balikan ang leksyon tungkol sa primarya at
sekundaryang sanggunian sa pag-aaral ng kasaysayan upang
mas mapahalagahan ng mag-aaral ang ipapakita ng mga larawan
sa bahaging ito ng modyul.

6
Tuklasin

Isang mapagpalang araw sa iyo aking mag-aaral. Sa modyul na ito, mas


madaragdagan ang iyong kaalaman sa kasaysayan ng mga sinaunang
kahibahasnan. Mamangha ka sa kasaysayan at kaluwalhatian ng kabihasnang
Romano na makikita sa kanilang mga naging kontribusyon at katangiang taglay.
Gawain 2. Ideya Mo, Ilahad Mo!
Suriing mabuti ang larawan sa ibaba at magbigay ng ideya mula dito ayon
sa mga katanungan na mababasa sa ibaba nito.

Pamprosesong Tanong.

Panuto: Magbigay ng mga ideyang na hindi kukulang sa dalawang pangungusap.


Isulat ang iyong ideya sa sagutang papel.

1. Ano ang masasabi mo tungkol sa larawan?

2. Sa iyong sariling pananaw, ano ang kinalaman nito sa susunod na aralin?

Pagkatapos mong saguting ang mga katanungan sa itaas, ipagpatuloy mo


ang iyong pagbabasa ng aralin sa susunod na pahina at alaming mabuti ang mga
isinasaad dito. Ipagpatuloy mo na mag-aaral.

7
Suriin

Sa bahaging ito, matutunan mo ang kasaysayan ng Kabihasnang Romano at


ang mga naging kontribusyon nila sa pagsulong at pag-unlad ng daigdig.

ANG KABIHASNANG ROMANO

Ang Roma ay isang sinaunang kabihasnan sa kontinenteng Europa na


matatagpuan sa Italy, isang Peninsula na napapaligiran ng Dagat Ionian sa timog,
Dagat Tyrrhenian sa kaliwa, at Adriatic naman sa kanan. Ang lungsod-estado nito
ay nakatayo sa pitong burol malapit sa Ilog Tiber. Ang maliit na agrikultural na
lungsod ay lumaki at naging isa sa mga pinakamalawak na imperyo ng sinaunang
panahon sa Dagat Mediteraneo.
Ang mga Latino ang unang naininirahan sa sinunang distritong tinatawag
na “Latium” noong 750 BCE. Sila ang nagbigay sa Rome ng mga simulain sa
pamamagitan ng panitikan. May mga naninirahan naman sa hilaga at timog ng
Roma na tinatawag na mga Etruscan galing sa Asia Minor na sumakop sa Roma.
Sila ay may kapangyarihang pangmilitar na naging dahilan sa paglawak ng
kapangyarihan.
Ang lipunang Roma ay nahahati sa dalawa; ang mga patrician at mga
plebeian. Ang mga Patrician ay mga mayayamang may-ari ng lupa na maaaring
manungkulan sa pamahalaan at ang mga Plebeian naman ay mga karaniwang tao
na binubuo ng mga magsasaka, mangangalakal at mga banyaga na nagtatamasa
lamang ng iilang karapatan. Ang mga sinaunang Romano na nakatira sa kapatagan
at lambak ay nabubuhay sa pamamagitan ng pagsasaka. Samantala,

8
nangangalakal naman ang mga nasa tabing dagat at nagpapastol naman ang mga
nasa burol.
Ang mga Romano ay magsisimulang mag-aral pagsapit ng taong 6-7 sa
anumang edad. Sa edad na 12 ay marunong na silang magsalita ng Latino at
Griyego. Ngunit, hindi lahat ay may karapatang magkaroon ng edukasyon dahil
iilang alipin lang ang napagbibigyan ng pagkakataong makapag-aral pansamantala.
Sa mga siglo ng pag-iral, ang Romanong kabihasnan ay isang malakas na
imperyo na pinamumunuan ng hari. Ito ay naging malawak na kaharian na may
pamahalaang tinatawag na isang oligarkiyang republika. Nang daan-daang taon
kinontrol ng mga Romano ang kabuuan ng kanlurang Europa, pati na rin ang
buong kasakupang pumapalibot sa Dagat Mediteraneo at Dagat na Itim.
Bumagsak ang Kanlurang Imperyo Romano noong 476 AD sa mga barbaro
habang ang Silangang Imperyo Romano ay tumagal hanggang 1453 AD bago
bumagsak ang kabisera nito sa mga Turkong Ottoman.
Malaalamat na Kasaysayan ng Roma
Ayon sa alamat, ang
lungsod ng Roma ay itinatag
ng dalawang kambal na sila
Romulus at Remus. Diumanoy
ipinatapon ang magkambal
noong sila ay mga sanggol pa
lamang at iniwan malapit sa
Ilog ng Tiber. Inalagaan sila ng
mga lobo pero noong lumaki
na sila, natagpuan sila ng
isang pastol at inalagaan din
sila ng pastol. Itinatag nila ang
bayan ng Roma pero nag-away
sila kung sino ang
mamumuno dito pero sabi ng mga ilang historyan, ang pangalan lang ng lungsod
ang pinag awayan nila. Nanalo si Romulus at namatay naman si Remus at
ipinangalan kay Romulus ang bayan ng Roma.
Naging kaharian ang Roma, pero ang huling naging hari ng Roma, si
Tarquin na ay pinabagsak. Itinatag ang Republika ng Roma noong 509 BC at
pinamumunuan ng mga senador, subali namuno si Julius Caesar sa lahat at
sinakop niya ang karamihan ng mga lugar sa Gitnang Europa. Pinatay siya noong
44 BC ng ilang mga senador at pagkayari may tatlong taong namuno na sila
Lepidus, Octavius at si Mark Anthony, pero nag-away silang lahat para sa
pamumuno ng Roma. Tinalo ni Octavius sila Lepidus at tinalo rin niya sila Mark
Anthony at si Cleopatra sa Digmaan sa Actium noong 31 BC at kinuha niya ang
pangalang Augustus Caesar at siya ang naging unang Emperador ng Imperyo ng
Roma.
Hinati ni Emperador Diocletian ang Imperyo ng Roma noong 293 AD dahil
masyado itong malaki at malawak. Hinati niya ito sa dalawang imperyo - ang
Silangang Imperyo Romano at ang Kanlurang Imperyo Romano. Si Emperador
Constantine ang namuno sa Silangang Imperyo Romano. Sinakop ng mga Vandal

9
ang Kanlurang Imperyo Romano noong 476 AD. Subalit ang Silangang Imperyo
Romano o ang Imperyong Bizantino na ay natira pero sinakop din ito ng mga
Turkong Ottoman sa pamumuno ni Mehmed II noong 1453 AD.
Sa pagsakop ng Romano sa lungsod-estado ng Greece, libo-libong Greek ang
tumungo sa Italy. Tinangay din ng mga heneral ng Romano ang mga gawang sining
at aklat ng Greece sa pababalik nila sa Romano. Kumalat ang kabihasnang Greece
sa Roma at maraming Romano ang tumungo sa Athens para mag-aral.
Naimpluwensihayan ng kabihasang Greece ang kabihasnang nabuo sa Roma.

Gayunpaman, may sariling katangian taglay ang kabihasnang Romano.


Pangunahin na rito ang kaalaman sa larangan ng panitikan, arkitektura,
inhenyeriya, batas, at pananamit.

MGA NATATANGING KONTRIBUSYON NG IMPERYONG ROMANO

Matapos masakop ng Roma ang Silangang Meditteranean noong ikalawang


siglo, naragdagan ang kulturang Romano ng kulturang Griyego. Dinala ng mga
Romanong heneral ang ilang mga aklat at gawaing sining mula sa Gresya
patungong Roma. Ilang griyegong guro, manunula, at pilosopo ang nagtungo at
nagtrabaho sa Roma, samantala ang ibang Romano naman ay ipinadala sa Athens
ng kanilang mga magulang upang mag-aral. Nagsanib nang husto ang mga
kulturang Griyego at Romano at nabuo ang tinatawag na kulturang Greaco-
Romano.

Mga Batas

Ang mga Roman ay kinikilala bilang pinakadakilang mambabatas ng


sinaunang panahon. Ipinakilala nila ang Twelve Tables na batas para sa lahat
maging ano man ang nasyonalidad. Ang katotohanan na wala itong tinatanging uri
ng lipunan. Ito ang ginamit upang alamin ang mga krimen at tantiyahin ang
kaukulang parusa. Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga mamamayan at ang
pamamaraan ayon sa batas. Naniwala ang mga Romano na ang batas ay dapat na
hinango batay sa prinsipyo ng katwiran, hustisya at dapat na mangalaga sa mga
mamamayan at sa kanilang ari-arian.

Ang sistema ng hustisya at pagbabatas na ito ang pinakamalaking naging


kontribusyon ng mga Romano sa kanluraning sibilisasyon. Isa sa natatanging
batas ay ang “Law of Nations” ito ay nagsasabing walang Briton, Kastila, Italtyano
o Griyego, bagkus ang lahat ay Romano.Maraming mga ideya tungkol sa naging
batas ng ilang pangunahing bansa sa kasalukuyan tulad ng Italya, Espanya,
Pransiya at Latin Amerika ay hinango sa Batas ng Romano.Ito ang pangunahing
kontribusyon sa sibilisasyon ng Imperyong Romano.

Literatura

Nakilala ang mga Romano sa pagpapahayag ng kanilang damdamin maging


kathang-isip o hindi kathang-isip. Sa pamamagitan ng nobela, maikling kwento,
dula, alamat, tula, at iba pa. Sa panahon ni Augustus, namulaklak ang Greaco-
Romanong literatura. Ang panitikan ng Romano ay nagsimula noong kalagitnaan
ng ikatlong siglo BCE. Subalit ang mga ito ay salin lamang ng mga tula at dula ng

10
Greece. Ang halimbawa ay sila Terence at Marcus Plautus ito ay ang mga unang
manunulat ng comedy. Si Cicero naman ay isang manunulat at orador na
nagpapahalaga sa batas. Ayon sa kanya, ang batas ay hindi dapat
maimpluwensiyahan ng kapangyarihan o sirain ng pera kailanman.

Arkitektura

Ang mga Roman ang


tumuklas ng semento.
Marunong na rin silang
gumamit ng stucco, isang
plaster na pampahid at
pantakip sa labas ng pader.
Umaangkat sila ng marmol
mula sa Greece. Ang arch
na natutuhan ng mga
Roman mula sa mga
Etruscan ay ginagamit sa
mga templo, aqueduct, at
iba pang gusali.

Ang gusali na
ipinakilala ng mga Roman
ay ang basilica, isang
bulwagan na nagsisilbing korte at pinagpupulungan ng assemblya. Mayroon din
silang pampublikong paliguan at pamilihan na nagsisilbing tagpuan para sa mga
negosyo at pag-uusap. Ito ay nasa forum, sentro ng lungsod. May iba pang gusaling
pinatayo na hanggang ngayon ay makikita pa rin sa Romano. Pinakatanyag ang
Coliseum, isang bukas na arena na may upuan para sa 50000 katao. Ito ay isang
ampitheater para sa mga labanan ng mga gladiator.

Inhenyeriya

Ipinakita ng mga Romano ang kanilang galing sa inhenyeriya. Nagtayo sila


ng mga daan at tulay upang pag-ugnayin ang buong imperyo kabilang ang
malalayong lugar. Marami sa mga daan na ginawa nila noon ay ginagamit pa
hangang ngayon. Isang halimbawa ang Appian Way na nag-uugnay sa Romano at
Timog Italy. Gumawa ri sila ng mga aqueduct upang dalhin ang tubig sa lungsod.

Pananamit

Ang kasuotan sa sinaunang Roma ay nakadepende sa katayuan o estado


nito sa lipunan. Ang mga Patrician o mayayamang tao sa lipunan ay nakasuot ng
kulay puting damit na hanggang tuhod at pulang sapatos. Samantala, ang mga
Plebeian o mga karaninwang tao ay nakasuot ng malabnaw na kulay ng damit.
Dalawa ang kasuotan ng mga lalaking Roman.

Ang tunic ay kasuotang pambahay na hanggang tuhod. Ang toga ay


isinusuot sa ibabaw ng tunic kung sila ay lumalabas ng bahay. Ang mga babaing

11
Roman ay dalawa rin ang kasuotan. Ang stola ay kasuotang pambahay at palla ay
isinusuot sa ibabaw ng stola.

Agham
Dalawa sa mga natatanging siyentipiko sa panahon ng kulturang Greaco-
Romano ay sina Galen at Ptolemy. Si Galen ay isang Griyego, ngunit ang mga
teorya niya ay hango sa medisinang Romano. Upang mapag-aralan ang katawan ng
mga tao, pinag-aralan at sinuri niya ang katawan ng mga hayop.
Bagamat hindi naging perpekto ang kaniyang mga nakita, naging basehan
ito ng mga makabagongkaalaman sa medisina sa kanluran. Si Ptolemy ay isang
mahusay na matematisyan, heograper at astronomer na kilala sa kaalamang “Ang
mundo o Earth ay sentro ng mundo (Geocentric Theory)”. Tanyag din sya unang
kaalaman tungkol sa “Trigonmetric Table”.
Ang iba pang mga naging kontribusyon
ng sinaunang imperyong Romano ay ang
Roman numerals na nagmula sa sinaunang
kabihasnan nito. Unang naging kilala ang mga
pangunahing simbolo na I, V, X, L, C, D at M.
Ginagamit ang mga ito bilang karaniwang
pamamaraan sa pagbibilang at sa pakikipag-
ugnayan lalo na sa larangan ng kalakalan.

Ang Simbahan ng Katoliko


Romano ay isang matandang
paniniwala ng sinaunang Roma. Ito
ay lumaganap sa ibat-ibang bahagi
ng daigdig at isa na dito ay ang
ating bansang Pilipinas. Ang
paniniwalang ito ay mga
pinakamaraming tagasunod na
mga kababayang Pilipino. Ang mga
naglalakihang struktura ng
simbahang Katoliko sa ating bansa
ay isa sa mga patunay na
naimpluwensiyahan tayo ng
sinaunang kabihasnang Romano.

Mag-aaral, maging mas makabuluhan ang iyong pag-aaral ng araling ito sa


pamamagitan ng pagpatuloy ng pagbabasa o pagsasaliksik ng iba pang
kontribusyon na nagbibigay-diin sa pagsulong at pag-unlad ng iba pang
kabihasnan.

12
Pagyamanin

Batay sa iyong napag-aralan mula sa modyul na ito, ibinahagi mo nang


malaya ang iyong mga natutunan patungkol sa kontribusyon ng Kabihasnang
Romano. Ito ay katibayan na iyong naunawaan ang mga kasanayan sa paksa.
GAWAIN 3: Punan Mo, Ilarawan Mo!
Batay sa rubrik na makikita sa ibaba, magbigay ng isa o higit pang
mahalagang kontribusyon ng Kabihasnang Romano. Isulat sa loob ng kahon ang
iyong mga sagot. Gawin ito gamit ang “Long size coupon bond”.

Panitikan Arkitektura

__________________________ _______________________________
__________________________ _______________________________
__________________________ _______________________________

ANG KONTRIBUSYON NG MGA ROMANO

Inhenyeriya Batas
___________________________ ______________________________
___________________________ ______________________________
___________________________ ______________________________
___

Pananamit
______________________________
______________________________
______________________________

RUBRIK SA PAGMAMARKA
Puntos 10 7 4 2
Ang saloobin o Ang saloobin o Ang saloobin o Walang
paliwanag ay paliwanag ay paliwanag ay tamang
naglalaman ng naglalaman ng naglalaman ng ideyang
malalim, sapat at sapat at simpleng inilahad
KRAYTERYA makabuluhang makabuluhang patunay o
ideya na patunay o ideya ideya na
ginagabayan ng na ginagabayan ginagabayan
matalinong ng matalinong ng matalinong
pananaw pananaw pananaw

13
Isaisip

Ang bawat isa ay may pinapahalagahang bagay o pangyayari sa kaniyang


buhay. Sa mga araling napag-aralan mo sa modyul na ito ipinapahiwatig dito kung
gaano kahalaga sa mga Romano ang kanilang kontribusyon. Kaya bilang mag-aaral
patuloy mong pahalagahan ang mga ambag na ibinahagi ng mga Roman sa
panahong ating kinagisnan ngayon.
Gawain 4. Kuwento Mo, Ilahad Mo!
Ngayon buuin mo ang kwento ng Imperyong Romano sa pamamgitan ng
pagpupuno nito. Pumili ng salita o mga salita sa loob ng kahon upang mabuo ang
kuwento tungkol sa imperyong Roma. Isulat ang iyong sagot sa hiwalay na papel.
Italy Roma Balkan Kanlurang Imperyo
Dagat Tyrrhenian Dagat Ionian Adriatic Turkong Ottoman
lungsod-estado Oligarkiyang republika Latino Hari
Patrician Plebeian Asia Minor Byzantine

ANG IMPERYONG ROMA

Ang 1.___________ ay isang sinaunang kabihasnan sa kontinenteng Europa


na matatagpuan sa isang Peninsula ng 2._________ na napapaligiran ng
3.______________ sa timog, 4._______________ sa kaliwa, at 5.______________ naman
sa kanan. Ang 6.__________________ nito ay nakatayo sa pitong burol malapit sa Ilog
Tiber. Ang maliit na 7._______________ na lungsod ay lumaki at naging isa sa mga
pinakamalawak na imperyo ng sinaunang panahon sa Dagat Mediteraneo.

Ang mga 8.______________ ang unang naininirahan sa sinunang distritong


tinatawag na “Latium” noong 750 BCE. Sila ang nagbigay sa Rome ng mga
simulain sa pamamagitan ng panitikan. May mga naninirahan naman sa hilaga at
timog ng Roma na tinatawag na mga 9. ____________ galing sa Asia Minor na
sumakop sa Roma. Sila ay may kapangyarihang pangmilitar na nagging dahilan sa
paglawak ng kapangyarihan.

Ang lipunang Roma ay nahahati sa dalawang uri na kinikilalang


10.__________ ang mga mayayamang may-ari ng lupa na maaaring manungkulan
sa pamahalaan at ang mga 11.___________ naman ay mga karaniwang tao na
binubuo ng mga magsasaka, mangangalakal at mga banyaga na nagtatamasa
lamang ng iilang karapatan.

Ang Romanong kabihasnan ay isang malakas na imperyo na


pinamumunuan ng 12._______. Ito ay naging malawak na kaharian na may
pamahalaang tinatawag na isang 13._____________. Bumagsak ang
14.____________Romano noong 476 AD sa mga barbaro habang ang Silangang
Imperyo Romano ay tumagal hanggang 1453 AD bago bumagsak ang kabisera nito
sa mga 15.________________.

14
Isagawa

Kumusta kana mag-araal? Ngayon batay sa iyong napag-aralan marami


kang natutunan sa pamamagitan ng iyong pagbabasa at dito marami kang napag-
alamang bagay na ibinahagi ng modyul patungkol sa kontribusyon ng
Kabihasnang Romano.
GAWAIN 1: E-Postcard
Panuto: Pumili ng isang mahalagang naging kontribusyon ng mga Romano ng
kabihasnan sa Europa. Lumikha ng E-postcard tungkol dito. Maaaring gumupit ng
larawan at idikit ito sa sagutang papel o iguhit ang larawan na ninais mo. Ang
kasunod na rubriks sa ibaba ay magsisilbing gabay mo sa gawaing ito. Gumamit
ng Long size coupon bond.

Larawan
Impormasyon
Larawan Impormasyon
______________________________

______________________________

______________________________

Kahalagahan sa Kasalukuyan
______________________________
Kahalagahan sa kasalukuyan
______________________________

______________________________

RUBRIKS SA PAGMAMARKA
Pamantayan Deskripsiyon Puntos Nakuha na
Puntos
Naipakita ang relatibong impormasyon
Nilalaman tungkol sa paksa. 30
Naglalaman ng detalye na angkop sa
gawain.
Malinis at maayos ang pagkakaguhit o
Presentasyon presentasyon. 10
Angkop ang disenyo at kulay ng larawan o
Pagkamalikhain guhit. 10
Gumamit ng larawang angkop sa pagbuo
ng gawain.
Kabuuan 50

15
Tayahin

Magaling at binabati kita na malapit mo nang matapos ang modyul na ito.


Sa bahaging ito susukatin ang iyong mga kaalamang may kaugnayan sa araling
natalakay. Pag-igihin mo ang pagsagot sa mga katanungan. Kampante akong sa
mga natutunan mo magiging madali na sayo ang bahaging ito.

Sa Tayahin, susubukin ngayon ang iyong natutunan sa aralin na ito.


Pakatandaan na ito ay isang Summative Assessment ikaw ay inaasahang
makakakuha ng mataas na puntos.
Panuto: Piliin ang titik na sa palagay mo ay ang tamang sagot sa mga tanong.
Isulat ang iyong sagot sa isang hiwalay na papel. Simulan mo na ang pagsagot.

1. Ano ang pinakaangkop na pagsasalarawan sa kinanaroronan ng Imperyong


Roma?
A. Ito ay pinakamalawak na imperyo sa hilagang Italya, bahagi ng Dagat
Meditereneo.
B. Isang pinakamalawak na imperyo sa bahagi ng kanlurang Europa na
napaliligiran ng mga matatag na imperyo.
C. Ang Roma ay makikita sa kanlurang Gresya na napapaligiran ng Dagat Ionian
sa timog, Dagat Tyrrhenian sa kaliwa, at Adriatic sa kanan.
D. Ang lungsod-estado ng Imperyong Roma ay nakatayo sa pinakamalawak na
kapatagan malapit sa Ilog Tiber malapit sa Iberian Peninsula.

2. Ano ang nahinuha mo sa sitwasyong ito? Ang magkapatid na kapwa pinasuso


at pinalaki ng lobo ay pinaniwalaang nagtatagng Imperyong Roma. Ngunit
pinatay ni Rumulos si Remus at ipinangalan kay Romulus ang bayan ng Roma.
A. Walang kapatid kapag kapangyarihan ang inaasam.
B. Masayang mabuhay kapag maraming kapatid ang nagtulungan.
C. Kinakailangan ang maraming kapatid sa pagtahak ng mabuting landas.
D. Hindi mahalaga ang magkaroon ng mga kapatid bilang kaagapay sa buhay.

3. Ano ang pinakaunang pangkat na naninirahan sa Roma?


A. Etruscan B. Griyego C. Hittites D. Latino

4. Saan itinayo ng mga Roman ang kanilang sakahang pamayanan na nasa


gitnang Italy?
A. Latium Plain B. Milan C. Naplin D. Rome

16
5. Hinati ang Roma sa dalawang imperyo - ang Silangang Imperyo Romano at ang
Kanlurang Imperyo Romano dahil sa lawak nito. Sino ang kinilalang namuno sa
Silanganga Imperyong Romano?
A. Constantine B. Lepidus C. Octavious D. Mark Anthony

6. Ano ang tanging dahilan sa pagkakahati ng kaharian ng Roma?


A. Binigyang-halaga ang madaliang pagpapatupad ng mga batas.
B. Dahil sa lawak ng imperyo at marami ang nasasakupang mga tao.
C. Kabayaran ng hari ang lupain pinamamahalaan resulta sa pagkatalo.
D. Upang mabigyang solusyon ang hidwaan ng bawat pinuno sa ibang imperyo.

7. Ano ang pangunahing isinasaad sa batas ng “Twelve Tables” ng Roma?


A. Dito isinasad ang karapatan ng mga Griyego bilang mananakop.
B. Ito ang ginamit na batayan ng mga krimen at ang mga kaukulang parusa.
C. Nakabatay dito ang ang prinsipyo ng hustisya na mangalaga sa mga dayuhan.
D. Nakasaad dito ang mga karapatan ng mga mayayamang mamamayan sa
Roma.

8. Sino ang manunulat at orador na nagpapahalaga sa batas na hindi dapat


maimpluwensiyahan ng kapangyarihan o sirain ng pera kailanman.
A. Augustus B. Cicero C. Marcus Plautus D. Terence

9. Ito ay tumutukoy sa kahusayang ipinakita ng mga Romano sa paagtayo ng mga


daan at tulay upang pag-ugnayin ang buong imperyo.
A. Arkitektura B. Inhenyeriya C. Pananamit D. Panitikan

10.Anong ang mahalagang natuklasan ng mga Romano na maaring gamitin sa


pagpapatayo ng gusali, tulay at daan?
A. Bakal B. Metal C. Semento D. Stucco

11.Paano mo mailalarawan ang pinakatanyag na Coliseum ng Roma?


A. Ang arena na sumisimbolo sa kaalamang arkitektura ng mga Romano.
B. Isang lugar sa Roma na may malawakang palaruan tuwing ika-apat na taon.
C.Ito ay isang ampitheater para sa labanan ng mga manlalaro kasali ang kabayo.
D.Sinasabi nito ang kabuuang larawan ng mga paligsahan pandaigdigan sa
Italya.

12.Paano mo maipaliwanag ang kulturang Greaco- Romano?


A. Pagdadagdag ng kulturang Romano sa kulturang Griyego.
B. Pagdala ng mga Romanong heneral ang ilang mga aklat ng Gresya.
C. Pangyayari matapos sakupin ng Roma ang Silangang Meditteranean.
D. Pagsanib ng mga kulturang Griyego at Romano pagkatapos ng digmaan.

13. Ang kasuotan sa sinaunang Roma ay nakadepende sa kalagayan nito sa


lipunan. Ano ang ipinahiwatig nito?
A. Ang mga Patrician nakasuot ng kulay puting damit.
B. Hindi maaring magkakulay ng damit ang mga mamamayang Romano.
C. Ipinakita dito ang malaking pagitan ng mga mayayaman at karaniwang tao.
D. Magkakaiba ang kulay ng damit ng mga mayayaman at mga mahihirap na tao.

17
14. Bilang isang mag-aaral sa makabagong henerasyon, naniniwala ka ba sa mga
alamat bilang batayan ng kasayasan?
A. Oo, dahil nakakakuha ito ng interes sa mga mambabasa o nakikinig.
B. Oo, dahil ito ay mabisang mapagkukunan ng katotohanan sa buhay.
C. Hindi, walang katotohanan ang lahat ng mga pangyayaring nagaganap.
D. Hindi, dahil ito ay nangangailangan ng mga patunay buhat sa mga pag-aaral.

15. Ipalagay na ikaw ay isa sa mga aktibong mamamayan sa kasalukuyang


henerasyon, sa paanong paraan mo maipapakita ang pagpapahalaga sa
impluwensya o kontribusyon ng mga sinaunang Kabihasnang Romano?
A. Maging lider sa mga gawaing pambayan na may impluwensiya ang Roma
bilang pagpapahalaga sa mga natatanging kontribusyon.
B. Igalang ang mga impluwensyang Roman na natutunan at ituro ito sa kapwa
upang mapulutan ng aral at maging ilaw sa pagtahak ng landas.
C. Hikayatin ang mga kabataan sa pagbabasa ng aklat tungkol sa kasaysayan
ng Roma at subukang magsagawa ng makatutuhanang programa.
D. Gumawa ng makatutuhanang gawain na nagbibigay-diin sa mga
impluwensya ng Kabihasnang Romano at magkaroon ng programa sa mga
kabataan.

Mahusay! Malapit mo ng matapos ang araling ito. Ipagpatuloy mo


lamang ang ipinapakitang kahusayan at tiyak na magagantimpalaan ka sa
iyong kahusayan. Lubos akong nalulugod at ikaw ay nagpakita ng interes at
pakikilahok sa mga gawain.

18
Karagdagang Gawain

Madayaw! Tapos mo na bang sagutan ang ibang mga gawain? Kung oo,
maaari kanang magsimula sa panibagong gawain na susubok sa iyong kakayahan.
Handa ka na ba? Simulan na natin!
GAWAIN 4: COLLAGE MAKING!
Panuto: Sa pagtatapos ng modyul na ito, ikaw ay inaasahang nakagagawa ng isang
collage na naglalaman ng mga kontribusyon o ambag ng kabihasnang Romano sa
larangan ng panitikan, arkitektura, inhenyeriya, batas, at pananamit. Upang mas
lalo mo itong mapaganda maaari kang tumingin ng mga imahe sa aklat o internet.
Nasa sa iyo kung papaano mo ito gagawin, sa pamamagitan ba ng pagguhit o
pagugupit ng larawan at pagtatagpiin ito at ilagay sa buong papel o short bond
paper. Tingnan ang rubrik sa ibaba upang maging gabay mo sa gawaing ito.

RUBRIK SA PAGMAMARKA NG COLLAGE


Pamantayan MAGALING KATAMTAMAN NANGANGAILANGAN NG
(5) (3) PAGSISIKAP
(1)
Naipakita ang lahat ng Naipakita ang ilang Hindi naipakita ang mga
Nilalaman impormasyon tungkol sa impormasyon tungkol impormasyon tungkol sa
mga kontribusyong sa mga mga kontribusyong
nabanggit. kontribusyong nabanggit.
nabanggit.
Kaangkuoan ng Lubhang angkop ang Angkop ang Hindi angkop ang
Konsepto konseptong ginamit. konseptong ginamit. konseptong ginamit.

Ang kabuuang Ang kabuuang Ang kabuuang


Kabuuang presentasyon ay presentasyon ay presentasyon ay hindi
Presentasyon maliwanag at organisado bahagyang maliwanag at organisado
at may kabuluhan. maliwanag at at walang kabuluhan.
organisado at may
kabuluhan.
Gumamit ng tamang Gumamit ng Hindi gumamit ng
kombinasyon ng mga bahagyang bahagyang kombinasyon
Pagkamalikhain kulay upang ipahayag kombinasyon ng mga ng mga kulay upang
ang nilalaman at kulay upang ipahayag ang nilalaman
mensahe. ipahayag ang at mensahe.
nilalaman at
mensahe.

19
Susi sa Pagwawasto

Tayahin Isaisip Subukin


1. C 1. Roma 1. D
2. A 2. Italy 2. C
3. D 3. Ionian 3. D
4. A 4. Tyrrhenian 4. B
5. A 5. Adriatic 5. B
6. B 6. Estadong Lungsod 6. D
7. B 7. Agrikultural 7. D
8. B 8. Latino 8. D
9. B 9. Etruscan 9. D
10.C 10.Patrician 10.C
11.A 11.Plebian 11.C
12.D 12.Hari 12.B
13.C 13.Oligarkiyang 13.B
14.D Republika 14.C
15.D 14.Kanlurang 15.C
Imperyal
15. Turkong Ottoman

1.

20
Sanggunian

Blando R., Mercado M., et.al. (2013). Kasaysayan ng Daigdig, Department of


Education – Instructional Materials Council Secretariat (DepEd-IMCS), 2nd
floor Dorm G, PSC Complex, Meralco Avenue, Pasig City Philippines.
Mateo, G.E., et.al (2010). Kabihasnan ng Daigdig: kasaysayan at Kultura. Vibal
Publishing House, Inc.1253 Gregorio Araneta Avenue, Quezon City,

Vibar, T.L., Discipulo., et.al (2000). Kasaysayan ng Daigdig. SD Publication, Inc. G.


Araneta Avenue, cor. Ma. Clara St. 1107 Quezon,
Kagawaran ng Edukasyon, Republika ng Pilipinas (2014). Kasaysayan ng
Daigdig.DepEd Complex Meralco Avenue, Pasig City, Vibal Group Inc.

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Region XI Davao City Division

Elpidio Quirino Avenue, Davao City, Philippines

Telephone: (082) 224 0100/228 3970

Email Address: info@deped-davaocity.ph


Lrmds.davaocity@deped.gov.ph

22

You might also like