You are on page 1of 25

5

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Sosyo Kultural na Pamumuhay ng mga
Sinaunang Pilipino
Araling Panlipunan – Ikalimang Baitang
Alternative Delivery Mode
Unang Markahan – Modyul 6:Sosyo-Kultural na Pamumuhay ng mga Sinaunang
Pilipino
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala
at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito
ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Kalihim: Leonor Magtolis Briones
Pangalawang Kalihim: Diosdado M. San Antonio

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul

Manunulat: Franco T. Villaflores Jr.


Editor: Amalia C. Solis, EPS
Tagasuri: Myrna G. Soriano, PSDS
Olivia Corona, M.T. II
Tagaguhit:
Tagalapat: Franco T. Villaflores Jr.
Tagapamahala: Malcolm S. Garma, Regional Director
Genia V. Santos, CLMD Chief
Dennis M. Mendoza, Regional EPS In Charge of LRMS and
Regional ADM Coordinator
Maria Magdalena M. Lim, CESO V, Schools Division Superintendent
Aida H. Rondilla, CID Chief
Lucky S. Carpio, Division EPS In Charge of LRMS and
Division ADM Coordinator

Inilimbag sa Pilipinas ng ________________________

Department of Education – National Capital Region


Office Address: ____________________________________________
____________________________________________
Telefax: ____________________________________________
E-mail Address: ____________________________________________
5

Araling
Panlipunan
Unang Markahan – Modyul 6:
Sosyo-Kultural na Pamumuhay
ng mga Sinaunang Pilipino
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 5 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Edukasyon , Wika at Panitikan ng
mga Sinaunang Pilipino

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay at


malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan, bilis at oras.
Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga
kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang kahong


ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala,
panulong o estratehiyang magagamit sa
paggabay sa mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 5 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Edukasyon, Wika at Panitikan ng mga Sinaunang Pilipino

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong
laktawan ang bahaging ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas
na suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay
ang iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing


makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na

iii
sitwasyon o realidad ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Karagdagang Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Gawain panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa


lahat ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang


marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na
papel sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Sa modyul na ito ay mababatid ang tungkol sa kabihasnan ng mga sinaunang


Pilipino bago pa man dumating ang mga mananakop na Espanyol. Matutuhan
natin ang mga bagay tungkol sa edukasyon, wika at panitikan ng mga sinaunang
Pilipino. Matutuhan nating maipagmalaki na tayo bilang Pilipino ay may sariling
katutubong kultura na bumuo sa ating lipunan at pagkakakilanlan bilang isang
lahi.
Pinakamahalagang Kasanayan sa Pagkatuto:
Nasusuri ang sosyo-kultural na pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino.
Sa modyul na ito tatalakayin ang:
Aralin 1: Edukasyon, Wika at Panitikan, Pangkat sa Lipunan at
Katayuan ng mga Kababaihan sa Lipunan ng mga Sinaunang Pilipino

Sa pagtatapos ng modyul na ito, inaasahan na maisasagawa ang mga sumusunod:

1. Nailalarawan ang sistema ng edukasyon, wika at panitikan ng mga sinaunang


Pilipino.
2. Napahahalagahan ang sinaunang sistema ng edukasyon, wika at panitikan sa
pamamagitan ng pagmamalaki sa mga ito.
3. Nasusuri ang impluwensya ng sinaunang sistema ng edukasyon, wika at
panitikan sa kasalukuyan.
4. Nailalarawan ang pangkat sa lipunan ng mga sinaunang Pilipino.
5. Natutukoy ang karapatan ng mga kababaihan sa lipunan ng mga sinaunang
Pilipino

Sa simula kinakailangan na maisagawa ang Subukin . Huwag mag-alinlangan sa


sarili habang sumasagot. Tutulungan ka ng modyul na ito sa iyong paglalakbay
patungo sa wastong kasagutan.Oh! paano, tara na…..

Subukin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang titik ng wastong sagot.

1. Ilan ang titik ng alpabeto ng mga sinaunang Pilipino?


A. 14 B. 15 C. 16 D. 17

2. Ano ang tawag sa paraan ng pagsulat ng mga sinaunang Pilipino?


A. Alibata B. Baybayin C. Hiroglipiko D. Sanskrito

1
3. Anong pangkat ng tao sa lipunan ng sinaunang Pilipino ang pinakamataas?
A. Alipin B. Ayuey C. Maharlika D. Timawa

4. Sino ang nagsisilbing guro ng mga bata sa panahon ng mga sinaunang Pilipino?
A. Babaylan B. Katalonan C. Magulang D. Prayle

5. Ano ang tawag sa uri ng panitikan na tumatalakay sa kabayanihan ng isang tao


na naglalaman ng mga pangyayari ng kababalaghan?
A. Alamat B. Epiko C. Pabula D. Parabula

6. Bakit hindi pormal ang tawag sa sistema ng edukasyon ng mga sinaunang


Pilipino?
A. Mga magulang ang nagsisilbing guro sa kanilang mga anak
B. Mayroong tiyak na araw at oras ang pag-aaral ng mga mag-aaral
C. May mga paaralan kung saan pumapasok ang mga mag-aaral upang matuto
D. Mayroong mga pamantasan na siyang lugar kung saan itinuturo ang iba’t
ibang kasanayan

7. Sina Jay at Joey ay parehong alipin. Subalit si Jay ay mayroong sariling tirahan
na inuuwian at iba pang ari-arian. Si Joey naman ay walang kahit na anong
pagmamay-ari. Bakit mayroong pagmamay-ari si Jay sa kabila na pareho naman
silang alipin.
A. Si Jay ay masipag at matiyaga kaysa kay Joey
B. Si Jay ay nagsumikap upang magkaroon ng mga pagmamay-ari
C. Si Jay ay isang aliping namamahay na pinahihintulutang makapagmay-ari
D. Si Jay ay isang huwaran ng kagandahang asal sa kanilang pamayanan kaya
siya ay mayroong ari-arian

8. Bakit itinuturo ang mga kasanayan tulad ng pagsasaka, pangingisda at


pagmimina sa mga batang lalaki?
A. Upang ihanda sa pagiging isang datu
B. Upang maging huwaran sa kanyang pamayanan
C. Upang ihanda sa paglilingkod sa kanyang barangay
D. Upang ihanda sa pagiging mabuting tagapagtaguyod ng pamilya

9. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng epiko?


A. Biag ni Lam-ang C. Ang Pagong At Unggoy
B. Florante at Laura D. Malakas at Maganda

10. Paano ipinakita ng mga sinaunang Pilipino ang pagpapahalaga sa mga


kababaihan?
A. Tagasunod sa bawat utos at nais ng kaniyang asawa
B. Pinahihintulutang lumahok sa mga welga, protesta at pansibikong gawain
C. Maaaring makilahok sa halalan at manungkulan bilang pinuno ng
pamahalaan
D. Maaaring maging isang datu, makilahok sa kalakalan, mamuno sa mga
rituwal

2
Aralin Sosyo Kultural na Pamumuhay ng

6
mga Sinaunang Pilipino

Sa araling ito matutuhan na ang sinaunang Pilipino bago pa dumating ang


mga mananakop na Espanyol ay mayroon ng maunlad na kabihasnan. Ang
kabihasnang ito ng mga sinaunang Pilipino ay makikita sa kanilang sosyo-
kultural na pamumuhay. Ang modyul na ito ay pagpatuloy ng mga aspeto ng
sosyo kultural na pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino.

Balikan

Sa nakaraang modyul ay tinalakay ang ibang bahagi ng sosyo-kultural na


pamumuhay ng mga sinaunang Pilipino tulad ng pagsamba,
pagbabatok/pagbabatik , paglilibing, paggawa ng bangka, pagpapalamuti at
pagdaraos ng pagdiriwang. Muli nating balikan ang ilang detalye sa nakaraang
modyul tungkol sa sosyo kultural na pamumuhay na mga sinaunang Pilipino, sa
pamamagitan ng pagsagot ng gawain sa ibaba.
Panuto: Punan ang patlang ng wastong sagot upang mabuo ang kaisipang
ipinapahayag na hango sa binasa.

1. Pinamumunuan ng __________ ang mga ritwal at pag-aalay sa panahon ng unang


Pilipino.

2. Naniniwala ang mga sinaunang Pilipino sa isang makapangyarihang diyos na


tinatawag nilang __________.

3. Ang __________ ay paniniwala na ang lahat ng bagay sa kapaligiran ay mayroong


kaluluwa o espiritu.

4. Ang sining ng __________ ay bahagi ng kulturang Pilipino kung saan ang balat ay
minamarkahan ng iba’t ibang disenyo at simbolo, sa kalalakihan inilalagay ito
bilang simbolo ng tagumpay sa digmaan, sa kababaihan ito ay simbolo ng
kagandahan at kayamanan.

5. Inilalagay ng mga sinaunang Pilipino sa isang __________ ang mga yumao sa


paniniwalang ang mga ito ay maglalakbay papunta sa kabilang buhay.

3
Mga Tala para sa Guro
Pangunahing layunin ng modyul na ito na matutuhan at maunawaan ng
mga mag- aaral ang mahahalagang kasanayan sa pagkatututo . Binigyang
pansin din sa mga Gawain ang paglinang sa 5Cs na kasanayan:
pakikipagtalastasan (Communication);pagtutulungan(Collaboration);
malikhain(Creativity);mapanuring pag-iisip(Critical Thinking);at pagbuo ng
pagkatao(Character Building). Ito ay may katulad na aralin online.
Bilang tagapagpadaloy ng modyul na ito inaasahang :
1. Magsagawa nang masusing pagsubaybay sa progreso ng mga mag-
aaral sa bawat gawain.
2. Magbigay ng feedback sa bawat linggo sa gawa ng mag-aaral.
3. Magkaroon ng pakikipag-ugnayan sa magulang/guardian upang
matiyak na nagagawa ng mga mag-aaral ang mga gawaing itinakda sa
modyul.
4. Maisakatuparan nang maayos ang mga gawain sa pamamagitan ng
pagbibigay nang malinaw na instrukyon sa pagkatuto.

4
Tuklasin

Panuto: Suriin ang mga larawan. Ito ay mga bagay na may kaugnayan sa
kabihasnan ng mga sinaunang Pilipino. (Mapanuring Pag-iisip)

http://www.photo4design.com/stock-photo-lined-up-banana-leaves-
https://www.flickr.com/photos/dinesh_valke/533070367
2343#.XuYZLEUzbIU

https://en.m.wikipedia.org/wi
ki/File:Baybayin_alpha.jpg

https://baybayinfoundry.blogspot.co
m/2019/02/sipol-gamit-sa-pagsulat-
ng-baybayin.html

1. Ano-ano ang ipinapakita sa mga larawan?


______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
2. Ano ang kaugnayan ng mga larawan sa mga sinaunang Pilipino?
______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
3. Bakit kinailangan ng mga sinaunang Pilipino ang mga bagay na ito?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________
4. Paano naging mahalaga ang mga bagay na ito sa mga sinaunang Pilipino?

______________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________

5
Suriin

Ang mga Pilipino bago pa man dumating ang mga Espanyol ay namumuhay
na ng sama-sama sa isang pamayanan. Sa mga pamayanang ito namumuhay ng
tahimik at matiwasay ang mga sinaunang Pilipino. May mga pamayanan na
makikita sa kapatagan, sa kabundukan, sa mga baybaying dagat at ilog. Sa mga
pamayanan din na ito umusbong ang isang kabihasnang natatangi sa iba pang
nasyon sa mundo na may natatanging sosyo kultural na pamumuhay.

Edukasyon
Ang edukasyon ay lubhang mahalaga sa bawat tao, sa pamamagitan nito
natututuhan ang iba’t ibang kasanayan at kaalaman. Ito ang nagiging daan upang
ang isang mamamayan ay maging produktibo at maging kaagapay ng kanyang
pamayanan sa pagpapaunlad ng kabuhayan.
Ang mga sinaunang Pilipino ay kinakitaan ng mataas na pagpapahalaga sa
edukasyon. Ang mga mamamayan ay tinuturuang bumasa, sumulat, bumilang at
tungkol sa relihiyon. Hindi pormal ang edukasyon ng mga sinaunang Pilipino sa
kadahilanang walang mga paaralan kung saan nagtutungo ang mag-aaral upang
matuto at guro na magtuturo sa kanila ng iba’t ibang kaalaman at kasanayan.
Subalit may mga nakasulat na sa ibang panig ng Pilipinas partikular sa Panay ay
mayroong mga Bothoan kung saan ang mga bata ay tinuturuan na bumasa,
sumulat, bumilang, paghawak ng sandata at anting-anting o agimat sa ilalim ng
pagsasanay ng isang nakatatanda na nagsisilbing guro. Kadalasan ang pagkatuto
ay nagaganap sa loob ng kani-kanilang tahanan. Ang mga magulang ang
nagsisilbing guro sa kanilang mga anak. Ang batang lalaki ay tinuturuan ng
pagsasaka, pangingisda, pangangaso, pagmimina, paglalayag at paggamit ng
sandata upang kaniyang magampanan ang kanyang tungkulin sa kayang pamilya
at tribu sa hinaharap. Sa kabilang dako, ang batang babae ay tinuturuan ng
pagluluto, paghahabi, pananahi at paghahayupang upang maging isang mabuting
ina at asawa sa hinaharap.
Mayroon ding sariling pamamaraan ng pagbasa at pagsulat ang mga
sinaunang Pilipino, ito ang baybayin na binubuo ng tatlong patinig at labing-apat
na katinig. Ayon sa mga mananalaysay ang baybayin ay mayroong tuldok at kuwit
upang maipakita ang pagbabago sa pagbigkas, halimbawa kapag ang tuldok o
kuwit ay nasa ibabaw ng titik, ang bigkas ay nasa tunog na e o i (ke o ki) at kapag
ang tuldok o kuwit ay nasa ilalim ng titik ang tunog ng bigkas ay o o u (ko o ku).
Sa pamamagitan nito madaling nagkakaintindihan ang mga sinaunang Pilipino at
naipapahayag nila ang kanilang mga saloobin. Ang baybayin ay isang sistema ng
pagsulat na ginamit ng mga taga Timog-Silangang Asya. Ayon sa mga nakatala,
halos lahat ng mga katutubong Pilipino ay marunong bumasa at sumulat. Ang
paraan ng pagsulat ay mula sa itaas pababa at mula sa kaliwa ang kasunod na
linya ay kanan. Nagsisilbing sulatan ang malapad na dahon, malapad na balat ng

6
punongkahoy at buho, samantalang ang kanilang ginagamit na pansulat ay
pinatulis na patpat at bakal.

photo credit from Lahing Pilipino 5 textbook, copyright, 1998 Bookman,


Inc.

Panitikan

Ang panitikan ng sinaunang Pilipino ay mayroong dalawang uri; ang


nakasulat at hindi nakasulat o pagsasaling-bibig/dila. Ang mga nakasulat na uri
ng panitikan ay binubuo ng mga tula at dula. Ang mga sinaunang Pilipino ay
sinasabing mahuhusay sa pagsulat ng tula at mga dula na patula. Ang dula ay
ipinapalabas sa mga liwasan o sa mga lugar na may malawak na espasyo at sa
malalawak na bakuran ng datu at raha. Ang pagtatanghal ng dula ay mayroong
kasabay na musika at sayaw. Ang paksa ay tungkol sa pag-ibig, digmaan, alamat
at bilang pag-alala sa mga kapamilya na pumanaw na. Ang pagbati, karagatan,
tagayan, pananapatan, sabalan at tibaw ay ilan sa mga uri ng dula noon. Ang dula
na itinatanghal para sa pasiyam ng mga yumao ay tinatawag na tibaw.
Kabilang ang epiko sa mga nakasulat na panitikan, ito ay uri ng panitikan
na matatagpuan sa iba’t-ibang grupong etniko. Ito ay tumatalakay sa kabayanihan
at pakikipagtunggali ng isang tao o mga tao laban sa mga kaaway na halos hindi
mapaniwalaan dahil may mga kababalaghan na mga pangyayari sa kwento. Ang
ilan sa halimbawa ng epiko ay Biag ni Lam-ang ng Ilocos, Hinilawod ng Panay at
ang Darangan ng mga Maranao.
Ang mga hindi nakasulat o pasalita na uri ng panitikan ay karaniwang
patula at hango sa karanasan. Binubuo ito ng mga kuwentong bayan, alamat,
kasabihan o salawikain, at awitin.

Ang halimbawa ng awitin ay ang kumintang, tagumpay, ihiman, talindaw,


uyayi o hele at kutang-kutang. Ang kumintang ay isang uri ng sayaw at awit na
pandigma noong una subalit sa pagdaan ng panahon ito ay naging awit ng pag-
ibig. Ang tagumpay ay isang awit ng digmaan. Ang ihiman ay awit kapag mayroong
ikinakasal. Ang talindaw ay awit para sa pamamangka samantalang ang oyayi o
hele ay tugma at awit para sa pagpapatulog ng sanggol. Ang kutang-kutang ay
isang uri ng sayaw at awit na kung minsan ay nagpapatawa.
Ang kasabihan o salawikain ay binubuo ng mga salitang matalinghaga,
maigsi at patula at may nakatagong kahulugan (ay maigsi at patula, ito ay mula sa

7
karanasan ng bawat tao) Halimbawa nito ay “kapag maiksi (makitid) ang kumot,
matutong mamaluktot” na nangangahulugang kailangan magtiis. Samantala, ang
sawikain ay idyomatikong salita gaya ng :”nagsusunog ng kilay” na ang ibig sabihin
ay nag-aaral.
Ang bugtong ay may pagkakatulad sa isang palaisipan; halimbawa nito ay
“Isang balong malalim, punong-puno ng patalim”(sagot:bibig).

Ang kuwentong bayan ay tumutukoy sa uri ng panitikan ng ating mga


ninuno na nagpasalin-salin at kadalasan ay hindi na nakikilala ang orihinal na
may- akda nito. Nagpalipat-lipat sa bibig ng mga tao kung kaya’t sa paglipas ng
panahon, ito ay nagkaroon ng iba’t-ibang bersyon. Ang ilan sa halimbawa ng
kwentong bayan ay; Ang Punong Kawayan, Kung Bakit Kayumanggi ang mga
Pilipino at Ang Kalabasa at ang Duhat.

Ang alamat ay tumutukoy sa uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa


mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo. Kung minsan nagsasalaysay ito
ng mga pangyayari hinggil sa tunay na mga tao at lugar. Tumatalakay din ito sa
mga katutubong kultura, kaugalian at kapaligiran. Madalas, ito ay kathang-isip na
nagpasalin-salin buhat sa ating mga ninuno. Ang ilan sa halimbawa ng alamat ay;
Alamat ng Ampalaya, Alamat ng Butiki, Alamat ng Makahiya at Alamat ng Pilipinas.

Pangkat sa Lipunan
Ang pangkat ng tao sa lipunan ng sinaunang Pilipio ay inuuri batay sa
sumusunod; ang Maharlika, Timawa at ang Alipin. Ang mga maharlika ay
pangunahing mamamayan, kinabibilangan ito ng datu, raja at sultan, ang kanilang
asawa na tinatawag na dayang o dayang-dayang at lakambini, sampu ng kanilang
mga kapamilya at kamag-anak. Ang katawagang Gat o Lakan ay katibayan ng
paggalang at pagkilala sa kanila. Tinatamasa nila ang mga karapatan tulad ng;
hindi pagbabayad ng buwis, pagmamay-ari ng malalawak na lupain at
pagkakaroon ng mga alipin. Hanggang sa kasalukuyang panahon, mapapansin na
ang Gat o Lakan ay nakadikit sa mga apelyedo ng tao gaya halimbawa ng Gatdula,
Gatchalian, Lakandula at Lacanilao. Ang sumunod na pangkat ng tao sa lipunan
ay ang timawa o malalayang tao. Kinabibilangan sila ng mga mangangalakal,
mandirigma, malalayang tao at naging malayang tao mula sa pagkaalipin. Mayroon
silang kalayaan at karapatan. Hindi rin sila nagbabayad ng buwis ngunit katulong
sila ng datu sa digmaan at pamamahala sa mga lupain. Ang ikatlong pangkat at
pinakamababang antas ay ang alipin. Mayrong dalawang uri ng alipin; ang aliping
namamahay at aliping saguiguilid. Ang aliping namamahay ay mayrong sariling
lupa at iba pang pagmamay-ari, naglilingkod lamang sa panahon na ipatawag at
kailanganin ng kanyang pinaglilingkuran. Samantala, ang aliping saguiguilid ay
walang anumang pagmamay-ari at naninirahan sa kanyang pinaglilingkurang
panginoon. Sa kabisayaan ang alipin ay tinatawag na oripun, ito ay mayroong
tatlong uri; ang tumataban, tumarampuk at ayuey. Ang tumataban ay naglilingkod
sa panahon na mayroong pagtitipon sa tirahan ng datu. Ang tumarampuk ay
naglilingkod isang beses sa isang lingo at maaaring magbayad kapalit ng kanyang
paninilbihan. Ang pinakahuli sa uri ng oripun ay ang ayuey. Siya ay nagsisilbi sa
datu hangga’t kailangan. Nagiging alipin ang isang tao kung siya ay nabihag sa
digmaan, nagkasala sa batas, kung hindi nagawang magbayad sa kanyang
pinagkakautangan at kapag ipinanganak na alipin. Sa kabilang dako maaaring
lumaya sa pagiging alipin kapag binayaran niya ang kanyang panginoon upang

8
lumaya, magpamalas ng kabayanihan sa panahon ng digmaan at siya ay palayain
ng kanyang panginoon.

Maharlika Timawa Alipin

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/ https://upload.wikimedia.org/wikipedia/ https://upload.wikimedia.org/wikipedia/


commons/9/92/Naturales_4.png commons/d/db/Visayans_2.png commons/1/1a/Naturales 1.png

Katayuan ng mga Kababaihan


Sa lipunan ng mga sinaunang Pilipino ay mababakas ang mataas na
pagpapahalaga sa mga kababaihan. Ang mga lalaki ay nakahandang ipagtanggol
mula sa kapahamakan ang mga babae. Isang kalapastangan kapag ang isang
lalaki ay nauunang lumakad kaysa sa mga babae. Ang kanilang mga karapatan at
tungkulin ay kapantay ng mga lalaki. Sa tahanan, iginagalang ang ina bagama’t
naroroon ang haligi ng tahanan, ang ama. Ang kababaihan ay pinahihintulutang
makipagkalakalan at magkaroon ng ari-arian upang makatulong sa kanyang
asawa. Ang mga kababaihan ang nagsisilbing pinunong espirituwal ng mga
sinaunang Pilipino. Ang mga katalonan (sa mga tagalog) at babaylan (sa
Kabisayaan) ang namumuno sa mga rituwal at pagsamba. Sila ay nagsisilbing
tagapag-ugnay sa pagitan ng mga tao, diyos at diyosa. Idinadalangin nila ang lunas
mula sa iba’t ibang karamdaman. Kung walang anak na lalaki, maaaring maging
datu ang anak na babae. Isa pa sa kanilang natatanging karapatan ay ang
pagbibigay ng pangalan sa kaniyang anak.

9
Hindi mapapasubalian na napakaunlad ng sinaunang kabihasnang Pilipino
bago pa man dumating ang mga mananakop na Espanyol. Pinatunayan ito sa
pamamagitan ng kanilang sistema ng edukasyon, pagsulat at pagbasa at ang
napakayamang panitikan, na maging sa kasalukuyang panahon ay bahagi pa rin
sa pang-araw-araw na pamumuhay ng mga Pilipino.

Pagyamanin

Gawain 2: Tukuyin Mo!


Panuto: Punan ang patlang ng wastong sagot upang mabuo ang kaisipang
ipinapahayag na hango sa binasa.

1. Tinatawag na __________ ang sayaw at awit, na noong una ay awit pandigma


subalit sa pagdaan ng panahon ito ay naging awit ng pag-ibig.

2. Ang __________ ay tumutukoy sa paraan ng pagbasa at pagsulat ng mga


sinaunang Pilipino.

3. Ang __________ ay itinatanghal sa mga lugar na mayroong malalawak na


espasyo.

4. Sa panahon ng mga sinaunang Pilipino walang pormal na edukasyon kaya ang


nagsisilbing guro ng mga bata ay kanilang mga __________.

5. Ang sistema ng edukasyon sa panahon ng sinaunang Pilipino ay __________.

6. Ang __________ ay tumutukoy sa uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa


mga pinagmulan ng mga bagay-bagay sa mundo.
7. Itinatanghal ang __________ sa pasiyam ng mga yumao.

8. Isa sa halimbawa ng panitikang hindi nakasulat ang __________ na may


pagkakatulad sa palaisipan.

9. Binubuo ang __________ ng mga salitang matalinghaga, maigsi at patula na may


nakatagong kahulugan

10. Ang panitikan ng mga sinaunang Pilipino ay maaaring __________ at nakasulat.

10
Gawain 3: Ihambing Mo!

Panuto: Ihambing ang sistema ng edukasyon sa panahon ng mga sinaunang


Pilipino at sa kasalukuyan gamit ang Venn Diagram sa ibaba.

Gawain 4: Itala Mo!

Panuto: Punan ang talahanayan kung ano ang natutuhan mo tungkol sa


kabihasnan ng mga sinaunang Pilipino.

Kabihasnan ng mga Sinaunang Pilipino

Edukasyon

Panitikan

Sistema ng Pagbasa at pagsulat

Pangkat sa Lipunan

Kalagayan ng mga Kababaihan sa


Lipunan

11
Isaisip

Ang mga sinaunang Pilipino bago dumating ang mga Espanyol ay


mayroon ng maunlad na kabihasnan.

1. May mataas na pagpapahalaga sa edukasyon at sariling paraan ng


pagbasa at pagsulat na tinatawag na baybayin. Ang baybayin ay
binubuo ng tatlong patinig at labing-apat na katinig.

2. Mayroong maunlad na panitikan na nagpapakita ng kanilang


taglay na talino. Ang panitikan ng mga sinaunang Pilipino ay may
dalawang uri. Ito ay; nakasulat at hindi nakasulat o pagsasaling-
bibig/dila

3. Ang pangkat ng tao sa lipunan ay kinabibilangan maharlika,


timawa at alipin.

4. Ang mga sinaunang lipunang Pilipino ay may mataas na


pagpapahalaga sa kababaihan, sila ay itinuturing na kapantay ng
mga lalaki.

12
Isagawa

Gawain 5: Lumikha Ka!


(Pagtutulungan, Pagkamalikhain, Pakikipagtalastasan)
Panuto: Basahin at unawain ang bawat panuntunan, upang maisagawa ng mabuti
ang hinihingi sa bawat bilang. Isulat sa kahon sa ibaba ang mga kasagutan.
Maaaring humingi ng tulong sa magulang o nakatatanda sa pagsagot nito

Isulat ang iyong pangalan gamit ang baybayin. Isulat din ang pangalan ng iyong
magulang at kapatid.

2. Magbigay ng isang halimbawa ng bugtong.

3. Magbigay ng halimbawa ng salawikain at ipaliwanag ito.

13
4.Sumulat ng isang alamat. Gawin ito sa 7-10 pangungusap.

14
Tayahin

Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin ang titik ng tamang sagot.
1. Ilan ang patinig sa mga titik ng alpabeto ng mga sinaunang Pilipino?
A. 3 B. 4 C. 14 D. 17

2. Ano ang tawag sa paraan ng pagsulat at pagbasa ng mga unang Pilipino?


A. Alibata B. Baybayin C. Hiroglipiko D. Sanskrito

3. Sino ang nagsisilbing guro sa mga bata sa panahon ng mga sinaunang Pilipino?
A. Babaylan B. Magulang C. Pari D. Propesor

4. Ano ang uri ng panitikan na naglalaman ng tungkol sa mga pinagmulan ng mga


bagay-bagay sa mundo.
A. Alamat B. Epiko C. Pabula D. Parabula

5. Bakit hindi pormal ang tawag sa sistema ng edukasyon ng mga sinaunang


Pilipino?
A. Mayroong tiyak na araw at oras ang pag-aaral ng mga bata
B. Ang mga magulang ang nagsisilbing guro sa kanilang mga anak
C. May mga paaralan kung saan pumapasok ang mga mag-aaral upang matuto
D. Mayroong mga pamantasan na siyang lugar kung saan itinuturo ang iba’t
ibang kasanayan

6. Sina John at Michael ay parehong alipin. Subalit si John ay mayroong sariling


tirahan na inuuwian at lupang binubungkal. Sa kabilang dako, si Michael
naman ay walang kahit na anong pagmamay-ari. Bakit walang pagmamay-ari si
Michael sa kabila na pareho silang alipin ni John?
A. Si John ay mas masipag at matiyaga kaysa kay Michael
B. Si John ay nagsumikap upang magkaroon ng mga pagmamay-ari
C. Si Michael ay isang aliping saguiguilid na walang karapatang magmay-ari
D. Si John ay isang huwaran ng kagandahang asal sa kanilang pamayanan
kaya siya ay mayroong ari-arian

7. Bakit itinuturo ang mga kasanayan tulad ng pananahi, pagluluto at paghahabi


sa mga batang babae?
A. Upang ihanda sa pagiging isang datu
B. Upang maging huwaran sa kanyang pamayanan
C. Upang ihanda sa pagiging mabuting ina at asawa
D. Upang ihanda sa paglilingkod sa kanyang barangay

8. Paano nagkaiba ang panitikan ng mga sinaunang Pilipino sa kasalukuyan?


A. Nakasulat sa mga aklat
B. Binibigkas ng umaluhokan
C. Nakalathala ito sa mga pahayagan ang sinaunang panitikan
D. Maaring nakasulat at pagsasaling-bibig o hindi nakasulat ang sinaunang
panitikan

15
9. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagpapahalaga sa edukasyon?
A. Nag-aaral sa takot na mapagalitan ng mga magulang
B. Pumapasok sa paaralan upang magkaroon ng mga kalaro
C. Nagsusumikap sa pag-aaral sa kabila ng kahirapan sa buhay
D. Pumapasok sa paaralan araw-araw upang makita ang mga kaibigan

10. Paano pinahahalagahan ang mga kababaihan sa kasalukuyan?


A. Sila ay tagapagsilbi sa mga simbahan
B. Pinanatili sa kanilang tahanan upang mag-alaga sa kanilang mga anak
C. Hindi pinapayagang lumahok sa mga gawaing makakabuti sa pamayanan
D. Mayroong batas na ipinatupad upang pangalagaan ang kanilang karapatan at
kaligtasan mula sa karahasan

Karagdagang Gawain

Gawain 6: Ilathala Mo! (Pagbuo ng pagkatao / Pagkamalikhain


Pakikipagtalastasan)
Panuto: Sumulat ng isang sanaysay kung kung paano mo maipapakita ang iyong
pagpapahalaga sa kontribusyon ng sinaunang Pilipino sa edukasyon, wika at
panitikan, pagpapahalaga sa iba’t ibang antas ng tao sa lipunan, ganun din ang
pagpapahalaga sa mga kababaihan.

Gawain 7: Iguhit Mo!

16
Gawain 7: Iguhit Mo (Malikhain)

Panuto: Gumuhit ng larawan na maaaring magpakita ng pagkakatulad ng mga


kasanayan na itinuturo sa mga bata sa panahon ng mga sinaunang Pilipino at sa
kasalukuyan. Ipakita ang pagiging malikhain sa pagguhit ng larawan.

17
Sanggunian
-Bagong Lakbay ng Lahing Pilipino 5, Baisa-Julian, Ailene G. ,Lontoc, Nestor S. ,
PHOENIX Publishing House, Inc. 2016
-Kasaysayan ng Bayang Pilipino Ikaapat na Edisyon, Agoncillo, Teodoro A.,
GAROTECH Publishing, 1975, 1979. 1981, 1984
-Lahing Pilipino 5, Cacho, Filipinas O., Mejia, Rita Ravensky Ver,
Bookman, Inc.,1998
-Pamana 5, Hernandez, Vivian, Lobaton, CHRISTIAN PUBLISHING
-Yaman ng Lahing Pilipino 5 , Menor, Noel M., INSTRUCTIONAL COVERAGE
SYSTEM PUBLISHING, INC. 2014
Sources
- https://pinoycollection.com/alamat/
- https://pinoycollection.com/epiko/
- https://tl.wikipedia.org/wiki/Baybayin
- https://www.tagaloglang.com/kasabihan/
- https://pinoycollection.com/tag/kwentong-bayan/
- https://www.tagaloglang.com/mga-bugtong-at-sagot-tagalog-riddles-answers/
- https://www.kapitbisig.com/philippines/tagalog-version-of-folktales-mga-
kuwentong-bayan_841.html
-
https://books.google.com.ph/books?id=gUt5v8ET4QYC&pg=PA60&lpg=PA60&dq=
bothoan&source=bl&ots=gx8cPI4Xv&sig=ACfU3U0IxxF_cTez97dBuGP5ssgUzfBgMg
&hl=en&sa=X&ved=2ahUKEwiLvuKbzOzpAhX8y4sBHehnDZo4ChDoATAFegQIChA
B#v=onepage&q=bothoan&f=false
images’ sources
- https://www.flickr.com/photos/dinesh_valke/533070367
- https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/f/f0/Baybayin_alpha.jpg
- https://baybayinfoundry.blogspot.com/2019/02/sipol-gamit-sa-pagsulat-ng-
baybayin.html
- https://upaasvblog.wordpress.com/2017/09/11/6-guidelines-for-becoming-a-
filipino-shaman/
- http://www.photo4design.com/stock-photo-lined-up-banana-leaves-
2343#.XuYZLEUzbIU
-https://www.filipiknow.net/wp-content/uploads/2014/11/Women-in-the-
Precolonial-Philippines.jpg

Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education - Bureau of Learning Resources (DepEd-BLR)

Ground Floor, Bonifacio Bldg., DepEd Complex


Meralco Avenue, Pasig City, Philippines 1600

Telefax: (632) 8634-1072; 8634-1054; 8631-4985

Email Address: blr.lrqad@deped.gov.ph * blr.lrpd@deped.gov.ph

18

You might also like