You are on page 1of 3

PANG-ARAW-ARAW NA TALA SA PAGTUTURO

Petsa: JUNE 27, 2019


Klase: ARALING PANLIPUNAN 5

I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman Naipamamalas ang mapanuring pag-unawa at kaalaman sa
kasanayang pangheograpiya, ang mga teorya sa pinagmulan ng
lahing Pilipino upang mapahahalagahan ang konteksto ng lipunan/
pamayanan ng mga sinaunang Pilipino at ang kanilang ambag sa
pagbuo ng kasaysayan ng Pilipinas
B. Pamantayang Pagganap Naipamamalas ang pagmamalaki sa nabuong kabihasnan ng mga
sinaunang Pilipino gamit ang kaalaman sa kasanayang
pangheograpikal at mahalagang konteksto ng kasaysayan ng lipunan
at bansa kabilang ang mga teorya ng pinagmulan at pagkabuo ng
kapuluan ng Pilipinas at ng lahing Pilipino
C. Kasanayang Pampagkatuto Naipapaliwanag ang katangian ng Pilipinas bilang bansang
archipelago (AP5PLPIc-3)
Layunin 1. Nasusuri ang mga katangiang pisikal ng Pilipinas tulad
ng lokasyon, hugis, anyo, sukat at lawak.
2. Naipapaliwanag ang pagiging archipelago ng Pilipinas
batay sa topograpiya nito.
II. NILALAMAN
Paksa: Katangian ng Pilipinas Bilang Bansang Arkipelago
III. KAGAMITANG PAMPAGKATUTO
A. Sanggunian
1. TG at LM Teksbuk TG pp.9-13, LM pp.26-37
2. LRMDC Portal
B. Iba pang Kagamitang Panturo mga larawan, mapa ng Pilipinas. graphic organizer, meta cards,
powerpoint presentation at batayang aklat
IV. PAMAMARAAN
A. Balitaan Tumawag ng mga mag-aaral na mag-uulat batay sa kanilang
napakinggan, napanood o nabasang balita.
B. Balik-Aral Sagutin ang mga sumusunod na tanong:
1. Ano ang tawag sa pag-ikot ng daigdig sa sarili nitong axis?
2. Anong imahinasyong guhit sa globo ang tumatagos mula
Hilagang Polo hanggang Timog Polo?
3. Ano ang tawag sa pag-ikot ng daigdig sa palibot ng araw?
4. Ilang araw tumatagal ang kumpletong rebolusyon ng daigdig
sa araw?
5. Ano ang epekto ng pag-ikot ng daigdig sa palibot ng araw?
C. Paghahabi sa Layunin Tanong:
Anong mga lugar sa Pilipinas ang inyong napuntahan?
Masasabi mo ba na mas maganda ang Pilipinas kaysa sa ibang
bansa? Bakit?
D. Pag-uugnay ng Halimbawa Magpakita ng mapa ng Pilipinas. Ipasabi ang mga katangian nito.
Isulat ang kanilang sagot sa pisara.
E. Pagtatalakay sa Konsepto at Talakayin ang katangiang pisikal ng Pilipinas sa pamamagitan
Kasanayan #1 ng Bubble map.
1. Lokasyon
2. Hugis
3. Anyo
4. Sukat
5. Lawak
F. Pagtatalakay sa Konsepto at Ipaliwanag ang pagiging archipelago ng Pilipinas batay sa
Kasanayan #2 topograpiya nito.
Arkipelago o Kapuluaan – ay tumutukoy sa pangkat ng mga
pulo na nasa bahagi ng isang anyong tubig tulad ng karagatan
o dagat.
Sa pangkalahatan ito ay mabundok kaya’t sagana sa mga
bundok, bulubundukin, at lambak ang Pilipinas
Topograpiya – ay tumutukoy sa paglalarawan ng anyo o hugis
ng isang lugar.
G. Paglinang sa Kabihasaan Kumuha ng kapareha. Itanong kung ano ang masasabi niya
tungkol sa teritoryo at lokasyon ng Pilipinas sa mundo. Isulat
ang kaniyang sagot sa sagutang papel.
H. Paglalapat ng Aralin 1. Ilarawan ang topograpiya ng bansa?
2. Bakit mahalagang malaman ang topograpiya ng sariling
bansa?
3. Kung ikaw ang ang papipiliin, saang bahagi o rehiyon sa
bansa mo nais manirahan?
I. Paglalahat ng Aralin  Ang Pilipinas ay bahagi ng Timog-silangang Asya.
Napapaligiran ito ng Bashi Channel sa hilaga, Karagatang
Pasipiko sa silangan, Dagat Celebes sa timog, at Dagat
Kanlurang Pilipinas sa kanluran.
 Humigit-kumulang sa 1,000 kilometro ang layo ng Pilipinas
mula sa kalakhang kontinente ng Asya. Napapaligiran ito ng
Taiwan, China, at Japan sa hilaga; Malaysia, Vietnam, Laos,
Cambodia, at Thailand sa kanluran; at Indonesia sa timog.
 Ang lawak ng bansa ay umaabot sa 300,000 kilometro
kuwadrado. May 1,851 kilometro ang haba nito mula sa
hilaga patimog, at umaabot naman sa 1,107 kilometro ang
lawak mula sa kanluran pasilangan.
J. Pagtataya ng Aralin Basahing mabuti ang bawat aytem. Isulat ang titik ng tamang sagot
sa mga patlang.
1. Ito ay ay tumutukoy sa pangkat ng mga pulo na nasa bahagi
ng isang anyong tubig tulad ng karagatan o dagat..
A. Arkipelago C. Bisinal
B. Insular D. Maritime
2. Ang Pilipinas ay matatagpuan sa ______________.
A. Timog Asya C. Silangang Asya
B. Timog-silangang Asya D. Kanlurang Asya
3. Kabuuang lawak ng Pilipinas.
A. 100,000 km2 C. 300,000 km2
B. 200,000 km2 D. 400,000 km2
4. Tumutukoy sa mga katubigang nakapaligid sa isang bansa
A. Insular C. Bisinal
B. Kapuluan D. Relatibong Lokasyon
5. Ito ay tumutukoy sa paglalarawan ng anyo o hugis ng isang
lugar.
A. Heograpiya C. Topograpiya
B. Maritime D. Imahinasyong guhit
K. Karagdagang Gawain Basahin at pag-aralan ang nasa LM pp.18-33. “Panahon at Klima ng
Pilipinas”
V. MGA TALA
PAGNINILAY
A.        Bilang ng mag-aaral na
nakakamit ng 80% sa pagtataya
(formative assessment)
B.        Bilang ng mag-aaral na
nangangailangan ng iba pang gawain
para sa remediation
C.       Nakatutulong ba ang remedial?
Bilang ng mag-aaral na nakaunawa sa
aralin
D.       Bilang ng mag-aaral na
magpapatuloy sa remediation.
E.        Alin sa mga istratehiyang
pagtuturo ang nakatulong nang lubos?
Paano ito nakatulong?
F.        Anong mga suliranin ang aking
naranasan na nasolusyunan sa tulong
ng aking punong-guro at superbisor?
G.       Anong kagamitang panturo ang
aking nadibuho na nais kong ibahagi sa
mga kapwa ko guro?
Inihanda ni: JOHNSON PAUL L. GAW
Guro sa Araling Panlipunan V

You might also like