You are on page 1of 15

5

Araling Panlipunan
QUARTER 1 – WEEK 5.2
ANG PANG-EKONOMIKONG
PAMUMUHAY NG MGA PILIPINO SA
PANAHON NG PRE-KOLONYAL
Kumikitang Kabuhayan

Malaus ka king Pampanga

Guide Card

Alamin

Kumusta mga bata?


Ngayong Linggong ito ating pag-aaralan ang tungkol
sa kabuhayan ng ating mga ninuno.
Sagana ang bansa sa mga likas na yaman noong
unang panahon. Sa mga likas na yamang ito nagmula ang
ikinabuhay ng mga unang Pilipino. Batay din sa likas na
yaman ang kanilang hanapbuhay.
Umasa ang mga unang Pilipino sa pagsasaka,
pangingisda, pag-aalaga ng mga hayop, pagmimina, at
pangangalakal upang mabuhay. Ito ang mga industriyang
kanilang pinagkunan sa araw-araw na pangangailangan.

Halina’t sama-sama nating alamin ang


iba’t ibang hanapbuhay ng mga unang
Pilipino

Sa araling ito, pag-aaralan natin kung paano


iniangkop ng mga unang Pilipino ang kanilang
kabuhayan sa kanilang kapaligiran

Nasusuri ang pang-ekonomikong pamumuhay ng


mga Pilipino sa panahon ng Pre-kolonyal

Learning Objectives:
 Natatalakay ang kahalagahan ng
pinagkukunang yaman sa paghahanapbuhay
ng mga unang Pilipino kaugnay sa kapaligiran
 Nakapagtatala ng mga hanapbuhay kaugnay
sa kapaligiran ng mga sinaunang Pilipino
 Napahahalagahan ang kabuhayan sa
sinaunang panahon kaugnay sa kapaligiran

1
Subukin

Piliin Mo. Basahin at unawaing mabuti ang mga pangungusap. Piliin at isulat sa
sagutang papel ang titik ng tamang sagot.
1. Ang mga sumusunod ay mga naging hanapbuhay ng mga Pilipino. Alin sa
mga hanapbuhay ang luminang ng pakikipagkaibigan at pakikipag-
ugnayan ng mga sinaunang Pilipino sa mga dayuhan?
A. Paghahabi C. Pakikipagkalakalan
B. Pagsasaka D. Pangingisda
2. Ang mga sumusunod ay mga kagamitang panghanapbuhay ng mga
Pilipino. Alin sa mga sumusunod na kagamitan ang naging bunga ng
pagkamalikhain at ginamit sa paglalakbay ng mga unang Pilipino?
A. Bangka C. Pana
B. Bingwit D. Sibat
3. Ang mga sinaunang mangingisda ay gumamit ng mga kagamitang
makatutulong sa kanilang paghahanapbuhay . Alin sa mga sumusunod ang
kagamitang hindi nila ginamit?
A. Bingwit C. Lambat
B. Itak D. Salakab
4. Gumawa ng mga kagamitang yari sa bakal ang mga sinaunang Pilipino na
nakatulong upang maiangkop nila ang sarili sa kapaligiran at hanapbuhay.
Alin sa mga sumusunod ang ginamit ng ating mga ninuno sa pagkakaingin?
A. Bato C. Gulok
B. Balisong D. Sibat
5. Ang mga ninuno ay nakagawa ng mga palamuti sa katawan mula sa mga
karagatan. Anong bagay ang nalikha at naikalakal ng ating mga ninuno sa
mga dayuhan?
A. Hikaw C. Pulseras
B. Kuwintas yari sa perlas D. Singsing
6. Ang mga minero, magtotroso, at mangangaso ay tunay na nakikinabang sa
kapaligiran. Aling kapaligiran ang kanilang pinakikinabangan?
A. Dagat C. Kagubatan
B. Ilog D. Kapatagan
7. Ang mga Pilipino ay nag-ukit sa mga bangka tulad ng Vinta at nagkulay ng
tela upang maging kaakitakit. Anong katangian mayroon sila?
A. Magalang C. Masipag
B. Malikhain D. Matapat
8. Ang paninisid ng perlas at kabibe ay ginawa upang makalikha ng alahas o
palamuti sa katawan. Kaugnay ng kapaligiran, paano pinakinabangan ng
ating mga ninuno ang mga produktong ito?
A. Isinuot nila sa kanilang mga katawan.
B. Ipinamana nila sa kanilang mga anak.
C. Ipinamigay sa mga dayuhang kaibigan.
D. Ipinalit nila ng ibang produkto mula sa mga dayuhan.
9. Sa Gitnang Luzon ay pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay noon. Bakit
angkop ito sa kanilang lugar?
A. Sapagkat ito ay malapit sa kabundukan
B. Sapagkat may malawak itong kapatagan
C. Sapagkat ito ay may malawak na minahan
D. Sapagkat ito ay may malawak na katubigan
10. Noong unang panahon ay malawak ang kapatagan. Ano ang ginawang
pag-aangkop ng mga Pilipino upang sila ay makapagtanim?
A. Pinutol nila ang mga puno. C. Sininog nila ang kagubatan
B. Nilinis ang bahaging pwed D. Pinabayaan na lamang ang mga sunog
nilang pagtamnan. na bagay na galing sa kagubatan.

2
Balikan

Kumusta ka kaibigan?
Ako si Ana na tutulong sa iyo upang
maiugnay ang iyong kaalaman mula sa
nakaraan at bagong aralin.
Handa ka na ba?

A – NO ANG ALAM N – AIS MALAMAN A – NO ANG NATUTUHAN


Mga Likas na yaman ng Ano-ano ang mga
bansa hanapbuhay ng mga
a. yamang lupa sinaunang Pilipino na may
b. yamang tubig kaugnayan sa
c. yamang gubat kapaligirang kanilang
d. yamang mineral ginagalawan?

Tuklasin
ACTIVITY CARD

FACT OR BLUFF. Basahin at unawaing mabuti ang isinasaad ng mga


pangungusap. Isulat sa guhit ang FACT kung tama ang isinasaad at BLUFF
kung ito ay mali.
__________1. Naging mahalaga sa pamumuhay ng mga unang Pilipino ang
mga pinagkukunang yaman ng bansa. Ang mga yamang
natatagpuan sa kanilang kapaligiran ang naging batayan ng
uri ng kanilang hanapbuhay.
__________2. May dalawang paraan ng pagsasaka ang mga unang Pilipino-
ang pagkakaingin sa kabundukan at pagpapatubig sa
kapatagan.
__________3. Ang pagtotroso, pangangaso at pagmimina ay ang mga naging
hanapbuhay ng mga unang Pilipino na nakatira sa kapatagan.
__________4. Ang pangangaso, pagsasaka at pangingisda at mga panguna-
hing hanapbuhay ng mga unang Pilipino.
__________5. Pangingisda, pakikipagkalakalan, pagpapanday at pagpa-
palayok ay ilan lamang sa mga hanapbuhay ng mga nakatira
malapit sa mga ilog at dagat.

Pamprosesong Tanong
1. Ano ang naging kaugnayan ng kapaligiran sa hanapbuhay ng mga nani-
nirahan sa isang lugar?
2. Ano-ano ang kabuhayan ng mga unang Pilipino?
3. Ano-ano ang mga ginamit nilang kagamitan sa kanilang hanapbuhay?

3
Suriin

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang ipinapahayag sa bawat larawan?
2. Ano-anong hanapbuhay ang inilalarawan ng bawat
larawan?
3. Saan matatgpuan ang iba’t ibang hanapbuhay na
nakalarawan?

Noong unang panahon, sagana sa likas na yaman ang paligid. Sagana


ang mga dagat, ilog at lawa sa mga yamang-tubig. Sagana ang gubat sa
mga kahoy, bulaklak, hayop at buhay-ilang. Sagana rin ang lupa sa mga
halamang-ugat at iba pang pagkain. Upang mabuhay, umasa
ang mga unang Pilipino sa mga likas na yamang ito. Nilinang nila ang likas na
yaman sa kanilang panahanan at kapaligiran upang matugunan ang
kanilang mga pangangailangan.
Naging mahalaga sa pamumuhay ng mga unang Pilipino ang mga
pinagkukunang yaman ng bansa. Ang mga yamang natatagpuan sa
kanilang kapaligiran ang naging batayan ng uri ng kanilang hanapbuhay.

4
Pagpapalalim
ENRICHMENT CARD

Mga Hanapbuhay Noong Unang Panahon

Umasa ang mga unang Pilipino sa pagsasaka, pangingisda, pag-


aalaga ng mga hayop, pagmimina at pangangalakal upang mabuhay. Ito
ang mga industriyang kanilang pinagkunan sa araw-araw na panganga-
ilangan.

Pagsasaka
Bago pa matapos ang Panahon ng Bagong Bato nang magsimulang magsaka
ang mga sinaunang Pilipino. Ang pagsasaka ang isa sa kanilang naging pangunahing
hanapbuhay.
May dalawang paraan ng pagsasaka ang mga Pilipino, ang pagkakaingin
(slash-and-burn) at pagsasaka sa pamamagitan ng pagbubungkal ng lupa. palay, niyog,
tubo at saging ang ilan sa mga halimbawa ng kanilang mga itinatananim.
Samantala, sa paggamit ng irigasyon o patubig ay dumami ang produksyon ng
kanilang pagkain dahilan upang maging sedentaryo ang panahanan ng mga sinaunang
Pilipino at dumami ang kanilang populasyon.

Pangingisda
Naging kapaki-pakinabang din para sa mga sinaunang Pilipino ang pagiging
insular ng Pilipinas. Dahil sa katubigang nakapaligid sa kapuluan ay naging pangunahing
kabuhayan din nila ang pangingisda. Lambat, bingwit, basket at lason ang pangunahing
kagamitan nila sa pangingisda. Ang lason na kanilang ginamit ay mula sa katas ng ugat
at dahon ng halaman. Bukod sa pangingisda, nanisid din ang mga unang Pilipino ng mga
perlas.

Pangangaso
Nangaso rin ang mga unang Pilipino. Gumamit sila ng mga bihag o patibong
tulad ng mga hukay upang makahuli ng malalaking hayop.

Pagmimina
Ang pagmimina ay isa pang gawaing ekonomiko noong sinaunang panahon.
Ginto ang pangunahing minimina ng mga sinaunang Pilipino.

Iba pang Industriya


Hindi lumaon ay nakatuklas din ang mga sinaunang Pilipino ng iba pang mga
gawain, produkto at paraan upang higit na mapakinabangan ang mga nakukuha sa
kanilang kapaligiran. Nakatuklas sila ng iba’t ibang paraan ng paggamit sa mga hilaw
na materyal. Nabuhay ang iba’t ibang industriya gaya ng pagpapalayok, paghahabi,
paggawa ng sasakyang pandagat, at pagpapanday. Ang pagtotroso at paggawa ng
bangka ay mga pangunahing industriya rin ng mga unang Pilipino. Maraming mahuhusay
na kahoy sa kagubatan ang Pilipinas. Mahusay magdisenyo ang mga unang Pilipino ng
mga kagamitang gawa sa kahoy. Gumawa sila ng mga bangka tulad ng praw, lapis,
vinta virey at caracoa. Mahuhusay ang mga unang Pilipino na humabi ng telang gawa
sa bulak mula sa kapok, seda, himaymay ng dahon ng pinya, yantok at saging. Ilan sa
mga unang Pilipino ang mahusay ding gumawa ng mga sandata. Gumagawa sila ng
gulok, sibat, pana, balisong at kanyon na kung tawagin ay lantaka. Gumagamit sila ng
bakal, asero at bronse sa paggawa ng mga sandata. Sa sinaunang lipunan sa Visayas,
kababaihan ang nagpapalayok gamit ang tinatawag na anvil-and-paddle technique o
paggamit ng patpat at sangkalan sa paghubog ng luwad. Ang nabuong palayok ay
pinapatuyo sa araw at masusing niluluto o pinapaapuyan nang walang ginagamit na
hurno.

5
Pagyamanin

Magtalahanayan Tayo.Tingnan mo ang tsart sa ibaba.


Ilagay mo ang kahalagahan ng mga likas na yaman
sa hanapbuhay ng mga ninuno. Ang unang bilang ay
magsisilbing halimbawa.

Likas na Yaman Hanapbuhay


1. Ilog, dagat pangingisda
2.
3.

Gabay na Tayahin 1

Crossword Puzzle. Tukuyin ang hinihinging konsepto sa bawat bilang.

1.
2.
3.

4.

5.
7.

Pahalang
1. Pangunahing hanapbuhay ng mga unang Pilipino
3. Iniangkop ng mga unang Pilipino ang kanilang hanapbuhay
sa kanilang _________.
4. Sila ang gumawa ng Hagdan-hagdang Palayan sa Banaue.
6. Hanapbuhay ng mga nasa tabing ilog at dagat.

Pababa
1. Isang hanapbuhay na mga nakatira sa bundok at gubat
2. Isang paraan ng pagsasaka sa kabundukan.
5. Karaniwang hanapbuhay ng mga kababaihan.
7. Pangunahing itinatanim ng mga magsasaka.

6
Identipikasyon. Punan ng tamang sagot ang bawat
patlang

Anong uri ng hanapbuhay ang tinutukoy sa mga


sumusunod:

1. _______ panghuhuli ng mga mailap na hayop sa


kagubatan
2. _______ paghuhukay ng mga ginto, pilak at tanso
3. _______ pamumutol ng malalaking punongkahoy para
gawing bahay
4. _______ pangunguha ng mga lamang dagat
5. _______ pagkakaingin at pagtatanim

Gabay na Tayahin 2

A. Buuin ang talaan.

Likas na Yaman Hanapbuhay Produkto

B. Punan ng tamang sagot ang mga patlang.

1. May dalawang paraan ng pagsasaka ang mga unang Pilipino, Ang


__________ at ang pagsasaka sa pamamagitan ng pagbubungkal ng lupa.
2. Ang ________ ang pangunahing minimina noong unang panahon.
3. Sa sinaunang lipunan sa Visayas, kababaihan ang nagpapalayok gamit
ang tinatawag na ________________________o paggamit ng patpat at
sangkalan sa paghubog ng luwad.
4. Ang ______________ ay ang paggawa ng mga sandata tulad ng gulok, pana,
sibat at iba pa.
5. Natutong humabi ng tela ang mga kababaihan sa kapatagan. Gumamit sila ng
panghabing yari sa __________.

7
Malayang Gawain 1

Ano Gawa Mo? Suriing mabuti ang mga larawan. Isulat sa patlang kung
anong hanapbuhay ang ipinapakita ng bawat isa.

1. __________________ 2. __________________ 3. ________________

4. __________________ 5. _________________ 6. _________________

7. __________________ 8. _________________ 9. _________________

Malayang Tayahin 1

Pagtutugma. Hanapin sa Hanay B ang kaugnay sa mga salita na


na makikita sa Hanay A. Pagtapatin ang mga ito.

Hanay A Hanay B

1. Gumamit ng bingwit, lambat at lason a. pagpapanday


2. Humuhukay ng ginto b. paghahabi
3. Gumagawa ng gulok, sibat, pana c. pagmimina
balisong at kanyon d. pangingisda
4. Ang mga babae ang karaniwang e. Hagdan-hagdang
gumagawa nito Palayan
5. Ang mga palayang ito ang itinuturing
na isa sa mga hinahangaang tanawin
sa daigdig

8
Malayang Gawain 2

Pag-aralan mo ang graphic organizer. Ano-ano ang mga hanapbuhay


ng mga ninuno na ginamit ang likas na yaman?

Tabing
Ilog, dagat
at karagatan

Hanapbuhay ng
mga ninuno at
likas na yaman

bundok at
gubat kapatagan

Malayang Tayahin 2

Basahin at sagutin ang mga sumusunod na tanong:

1. Ano ang pangunahing hanapbuhay ng mga tao sa inyong


lugar?
2. Itala ang iba’t ibang hanapbuhay sa inyong lugar?
3. Ano-ano ang mga produkto mula sa mga hanapbuhay sa
inyong barangay?
4. May pagkakaiba ba ang mga hanapbuhay ng mga unang
Pilipino sa kasalukuyan? Pangatwiranan ang inyong sagot.
5. Alin sa mga kabuhayan ng mga Pilipino ang nakapipinsala sa
kabuhayan ng mga tao? Bakit?

9
RR

Isaisip REFLECTION CARD

Muli nating balikan si Ana. Maaari mong punan


ng sagot ang huling kolum. Batay sa mga impormasyon,
kaalaman at kaisipan na inilatag sa iyo mula sa simula ng
iyong pag-aaral ukol sa paksa, ano ang iyong natutuhan?

A – NO ANG ALAM N – AIS MALAMAN A – NO ANG


NATUTUHAN
Mga Likas na yaman Ano-ano ang mga
ng bansa hanapbuhay ng mga
a. yamang lupa sinaunang Pilipino na
b. yamang tubig may kaugnayan sa
c. yamang kapaligirang kanilang
gubat ginagalawan?
d. yamang
mineral

Isagawa

Ano ang masasabi mo sa uri ng kabuhayan ng mga unang Pilipino? Ilarawan


mo ito sa pamamagitan ng isang poster. Sundan ang rubrik sa paggawa ng
iyong poster.
MGA KRAYTERYA
4 3 2 1
Pagkamalikhain Lubos na Naging Hindi Walang ipinamalas na
nagpamalas ng malikhain sa gaanong pagkamalikhain sa
pagkamalikhain paghahanda. naging paghahanda.
sa malikhain sa
paghahanda. paghahanda.
Pamamahala Ginamit ang Ginamit ang Naisumite Hindi handa at hindi
ng Oras sapat na oras oras na dahil tapos.
sa paggawa ng itinakda sa binantayan
sariling disenyo paggawa at ng guro
sa gawain. naibigay sa
tamang oras.
Presentasyon Lubhang Naging Hindi Hindi naging malinaw
naging malinaw ang gaanong ang
malinaw ang pagbigkas at malinaw ang pagbigkas/paghahatid
pagbigkas at paghahatid pagbigkas at ng mensahe.
paghahatid ng ng mensahe. paghahatid
mensahe. ng mensahe.
Organisasyon Buo ang May kaishan Konsistent, Hindi ganap ang
kaisipan at may sapat may pagkakabuo, kulang
konsistent, na detalye at kaisahan, ang detalye at di-
kumpleto ang malinaw na kulang sa malinaw ang intensyon
detalye at intensyon. detalye at
napalinaw. hindi
gaanong
malinaw ang
intensyon
Kaangkupan sa Angkop na Angkop ang Hindi Hindi angkop ang mga
Paksa angkop ang mga salita o gaanong salita at larawan sa
mga salita islogan sa angkop ang paksa.
(islogan) at larawan ng mga salita at
larawan sa paksa. larawan sa
paksa. paksa

10
ASSESSMENT CARD

Tayahin
Binabati ko kayo!
Natapos na ang ating aralin tungkol sa uri ng
hanapbuhay ng ating mga ninuno. Nawa’y naging
malinaw sa inyo kung paano iniangkop ng mga
unang Pilipino ang kanilang hanapbuhay sa
kanilang kapaligiran. Isa pang pagsusulit ang
naghihintay sa iyo bago tayo magtapos.

Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin at isulat ang tamang sagot sa
inyong sagutang papel.
1. Kung sa Gitnang Luzon ay pagsasaka ang pangunahing hanapbuhay noon. Bakit
angkop ito sa kanilang lugar?
A. Sapagkat ito ay may malawak na minahan
B. Sapagkat ito ay may malawak na kapatagan
C. Sapagkat ito ay may malawak na katubigan
D. Sapagkat ito ay may malawak na kabundukan
2. Noong unang panahon ay may malawak na kagubatan. Ano ang ginawang pag-
aangkop ng mga Pilipino upang sila ay makapagtanim?
A. Pinutol nila ang mga puno.
B. Sinunog nila ang kagubatan.
C. Nilinis ang mga bahaging pwede nilang pagtamnan.
D. Pinabayaan na lamang ang mga sunog na bagay na galing sa kagubatan.
3. Ang mag-asawang sina Mang Mario at Aling Ely ay nakatira malapit sa tabing
dagat. Ano ang kanilang hanapbuhay?
A. Pagkakaingin C. Pagsasaka
B. Pagmimina D. Pangingisda
4. Marami ang naninirahan sa kabundukan ng Camarines Sur, Masbate, Mindoro at
lalawigang bulubundukin. Ano kayang hanapbuhay ang pwede sa mga lugar na
ito?
A. Paghahabi C. Pagsasaka
B. Pagmimina D. Pangingisda
5. Iniangkop ng mga unang Pilipino ang kanilang hanapbuhay sa kanilang
kapaligiran. Tumira sila sa kapatagan. Ano ang kanilang naging hanapbuhay?
A. Paghahabi C. Pagsasaka
B. Paggawa ng palayok D. Lahat ay tama
6. Ang pagpapalayok ay isang industriya ng mga sinaunang Pilipino. Sa sinaunang
lipunan sa Visayas, sino ang gumagawa ng mga palayok?
A. Kababaihan C. Matatanda sa barangay
B. Kalalakihan D. Namumuno sa barangay
7. Si Mang Karyo ay isang mangingisda. Gumagamit siya ng dinamita sa kanyang
pangingisda. Tama ba ang kanyang pamamaraan?
A. Opo, upang marami siyang makuhang isda.
B. Opo, upang mapadali ang kanyang pangingisda.
C. Hindi po, dahil makakaapekto ito sa mga isda at iba pang yamang tubig.
D. Hindi po, dahil baka masabugan ang kanyang sinasakyang bangka.
8. Ang mga sumusunod ay mga hanapbuhay ng mga nasa kabundukan MALIBAN sa
isa. Alin ito?
A. Paghahabi C. Pangangaso
B. Pagmimina D. Slash-and-burn
9. Ang pagtotroso ay isa ring hanapbuhay ng ating mga ninuno. Saan nila ginamit
ang malalaking troso?
A. Sa paggawa ng bahay C. Sa paggawa ng mga kasangkapan
B. Sa paggawa ng mga bangk D. Sa pagluluto
10. Ang sibat at pana ang pangunahing sandata ng mga sinaunang Pilipino. Ano ang
tawag sa taong gumagawa nito?
A. Doktor C. Minero
B. Karpintero D. Panday

11
B. Gumupit ng mga larawan ng iba’t ibang hanapbuhay . Idikit ito sa Coupon bond at
pangalanan ang mga ito

Susi sa Pagwawasto

Totoo Ba?

1. C 6. C
2. A 7. B
3. B 8. D
4. C 9. B
5. B 10. B

Magtalahanayan Tyo

Likas na yaman Hanapbuhay


1. ilog, dagat pangingisda
2. bundok, gubat Pagmimina, pangangaso,
pagtotroso, pagkakaingin
3. kapatagan pagsasaka, paghahabi, pag-
aalaga ng mga hayop,
pagpapanday, paggawa ng
palayok

Crossword Puzzle

1.p a g s a s a k a
2.p a
3.k a p a l i g i r a n
g m
5.p k 4. I f u g a o
a a m
g k i
h a n 7.p
a i a a
h n l
6.p a n g i n g i s d a
b i y
i n

Identipikasyon

1. pangangaso 3.pagtotroso
2. pagmimina 4. pangingisda
5. pagsasaka

12
Kabuhayan Natin

Sa mga Ilog at Dagat Sa mga Bundok at Gubat Sa kapatagan


Pangingisda Pagtotroso Pagsasaka
Nagsilbing daungan Pagkakaingin Paghahabi
Pagmimina Pag-aalaga ng
mga hayop
Pangangaso Paggawa ng
palayok

Ano Gawa Mo?

1. Pangingisda 6. pangangalakal
2. Pagsasaka 7. pagmimina
3. Pangangaso 8. pagpapanday
4. Pagkakaingin 9. paghahabi
5. Paggawa ng palayok

Pagtutugma

Hanay A Hanay B

1. Gumamit ng bingwit, lambat at lason a. pagpapanday


2. Humuhukay ng ginto b. paghahabi
3. Gumagawa ng gulok, sibat, pana c. pagmimina
balisong at kanyon d. pangingisda
4. Ang mga babae ang karaniwang e. Hagdan-hagdang
gumagawa nito Palayan
5. Ang mga palayang ito ang itinuturing
na isa sa mga hinahangaang tanawin
sa daigdig

13
Graphic Organizer

pangingisda
paninisid ng pakikipag-
perlas kalakalan

Tabing ilog,
dagat at
karagatan

Hanapbuhay ng
mga ninuno at mga
likas na yaman

bundok at kapatagan
gubat

pagmimina pangangaso pagkaka- pagsasaka paghahabi pagaalaga


ingin ng hayop

Basahin at Sagutin

Sariling sagot ng bata

ASSESSMENT CARD

A.
1. B 6. A
2. C 7. C
3. D 8. A
4. B 9. B
5. D 10. D

B. Mga ginupit na larawan

14

You might also like