You are on page 1of 6

BANGHAY-ARALIN SA MAPEH – ART V

FEBRUARY 11, 2022

Gurong Magtuturo: SHARYN G. INDING, T-I

Gurong Tagamasid: GEORGINA G. CIELO, ESP-III


JUDITH G. NIEVES, HT-I
JOSEPHINE F. BAGARINAO, MT-I

Petsa/Oras: FEBRUARY 9, 2022


9:00-9:40 AM

I. Layunin:
Pagkatapos ng aralin ang mga mag-aaral ay inaasahang;
 Nakikilala ang foreground, middle ground at background ng likhang-sining
 Naipagmamalaki ang isang tanawin na mahalaga sa ating lugar o kasaysayan

II. Paksang Aralin: Pagpipinta


Sanggunian: ART 5 Ikalawang Markahan
MELCS – (A5PR-IIf)
Kagamitan: PowerPoint Presentation, Video Clip, Tsart, Art Materials

Pagpapahalaga: Pagmamalaki sa tanawin ng ating bansa


III. Pamamaraan:

A. Paghahanda
 Pagkakaroon ng energizer bilang paghahanda sa Aralin
 Ipaalala sa mga bata ang mga pamantayan sa pakikinig.

B. Balik-Aral:

Tingnang mabuti ang bawat larawan at piliin ang inyong sagot sa loob ng kahon.

Bantayan sa Hari sa Mandaue Chocolate Hills sa Bohol


Lighthouse sa Batanes Walking Street sa Vigan
Bahay na Bato sa Batanes Banaue Rice Terraces
C. Pagganyak

Ipaawit ang Wala ka Bang Napapansin By ASIN, habang ipinapakita ang mga larawan)
(Video LINK)https://www.youtube.com/watch?v=lW52w6bGEeA)
Naipakikita sa pagpipinta ng tanawin ng komunidad ang tamang espasyo ng mga
bagay sa larawan sa pamamagitan ng pagguhit ng Foreground, Middle Ground at Background.
Ilan sa mga likhang sining ay ang mga sumusunod.

D. Paglalahad/Pagtatalakay

Nagagawa ng mga pintor na maging malapit o malayo ang mga bagay sa kaniyang likhang
sining sa pamamagitan ng espasyo. Ang espasyo, bilang elemento ng sining, ay ang
distansiya o agwat sa pagitan ng bawat bagay sa isang likhang sining. Para sa isang pintor,
ang anyong mabubuo ng espasyo ay kasinghalaga rin ng hugis ng mga bagay na kaniyang
iginuhit.

Ilusyon ng Espasyo.
Ang mga bagay na makikita sa foreground ay malalaki at pinakamalapit sa
tumitingin. Ang mga bagay na makikita naman sa middle ground ay mayroong
katamtamang laki. Samantalang ang mga bagay na makikita sa background ay nasa
likod at kalimitang maliit ang pagkaguhit.

background

middle ground

foreground
E. Paglalapat

Gawain 1
Pagmasdang mabuti ang larawan ng Alvenda Resort ng Lalawigan ng Mutya,
Zamboanga Del Norte. Lagyan ng linya ang wastong tawag sa lalim ng itinuturong detalye
ng larawan.

Background

Middle ground

Foreground

Gawain 2
Tukuyin ang mga bagay na nasa foreground, middle ground at background.
Isulat ito sa wastong hanay ng talahanayan. (Dipolog Boulevard)

Foreground

Middle ground

Background

Pangkatang Gawain
Hatiin ang klase sa dalawang pangkat. Kulayan at pagandahin ang ibinigay
na tanawing landscape na maikukumpara mo sa inyong lugar. Gamitin ang krayola o oil
pastel para kulayan ang mga detalye at lagyan ng etiketa ang bahaging nagpapakita ng
background, middle ground, at foreground.
Ang rubric na ito ang magiging basehan sa pagbibigay ng iskor sa iyong nabuong
sining.
Mga Mga Nakalaang Iskor
Pamantayan/Sukatan 5 3 1
Kahalintulad ng Hindi gaanong Hindi
Pagkahalintulad landscape ang magkahalintulad magkahalintulad
naiguhit. sa landscape ang sa landscape ang
iginuhit. iginuhit.
Kaaya-aya sa Hindi gaanong Hindi nabuo sa
Masining na Pamamaraan paningin ang nabigyang-diin ang obrang/sining na
mahusay na mga detalye sa natapos ang
paggamit ng kulay background, inaasahang
upang mabigyang middle ground, at pagbigay diin sa
diin ang mga foreground dulot detalye ng
detalye sa ng hindi gaanong background.
background, maayos na Middle fround, at
middle ground, at paggamit ng kulay. foreground.
foreground.
Maganda malinis Hindi gaanong Hindi kaayang-
Kalabasan ang nabuong kaayaayang ayang tingnan ang
sining. tingnan ang nabuong sining.
nabuong sining. Malinaw na hindi
May mga bahagi ng binigyang halaga
nabuong sining na ang binuong sining
marumi at mga dahil sa labis na
mantsa. dami ng mga
maruruming
bahagi nito.

PAGYAMANIN
Panuto: Pagtugmain ang Hanay A sa Hanay B. Isulat ang titik ng inyong sagot sa
kahon.

Mga detalye sa iba’t ibang bahagi ng landscape.

Sagot A B

1.Bulkang Mayon a. Middle Ground

2.Ulap b. Foreground

3.Lumang
Simbahan c. Background

Panuto: Tumayo kung ang pahayag ay nagpapakita ng


pagmamalaki ng ang ating magagandang tanawin sa bansa
at Umupo naman kung hindi.

1. Pagmamahal sa sariling bayan o lugar.

2. Ikahiya sa mga dayuhan ang ating mga magagandang tanawin o lugar.

3. Pagpapanatili ng kalinisan sa ating kapaligiran.

4. Paghihikayat sa mga dayuhan na bumisita sa ating bansa.

5. Pagtatapon ng basura kahit saan lalong lalo na sa mga ilog o karagatan.


F. Paglalahat

 Ano-ano ang tatlong elemento ng likhang-sining?


 Paano mo mapapahalagahan ang sinaunang gusali, tahanan, likas at
makasaysayang lugar?
 Ano ang bagay na makikita sa foreground?
 Ano ang bagay na makikita sa middle ground?
 Ano ang bagay na makikita sa background?

IV. Ebalwasyon:

Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Bilugan ang titik ng tamang
sagot. Maaari ding gamitin ang link sa Google Form. (https://forms.gle/ZiXGamxJgxuv6gCNA)
1. Ano ang tawag sa likhang-sining na nagpapakita ng likas na tanawin?
a. portrait b. landscape c. harmony d. architecture

2. Pagmasdan ang larawan ng Chocolate Hills. Alin sa mga detalye nito ang
tumutukoy o nagpapakilala sa foreground?

a. Mga Ulap b. Mga Puno c. Mga Damo d. Mga Burol

3. Sa likhang-sining na landscape, ano ang tawag sa bahagi ng larawan na may


asul na linya?

a. underground b. middle ground c. foreground d. background

4. Ito ang gitnang bahagi ng larawan o landscape.


a. Background
b. Foreground
a. High ground
b. Middle ground

5. Bakit ang foreground ay may mas malinaw na detalye sa pagpipinta?


a. Dahil ang bahaging ito ay nasa gitna
b. Dahil ang bahaging ito ay malapit sa tumitingin (viewer)
c. Dahil ang bahaging ito ay nasa malayo
d. Dahil ang bahaging ito ay pangmalapitan
V. Takdang Aralin:

Magkaroon ng eksibit sa loob ng silid-aralan. Ipaskil ang iyong likhang sining.


Panuto: Suriin ang mga likhang sining ng kamag-aral.
 Anong ang makikita sa sa tanawin harap (foreground) sa likhang sining ng iyong
kamag-aral?
 Mayroon din ba siyang ginamit sa bahaging tanawing gitna (middle ground)?
 Tukuyin ang tanawing likod (background) na ginamit sa bawat larawan.

Inihanda ni:

SHARYN G. INDING
Teacher I

Gurong Tagamasid:

GEORGINA G. CIELO
School Principal-IV

JUDITH G. NIEVES
Head Teacher-II

JOSEPHINE F. BAGARINAO
Master Teacher-I

You might also like