You are on page 1of 2

YUNIT 2: Pagpipinta

Araling Bilang 5: Kaibuturan sa Larawang Ipininta

ALAMIN

Nagagawa ng mga pintor na maging malapit o malayo ang mga bagay sa kaniyang likhang
sining sa pamamagitan ng espasyo. Ang espasyo, bilang elemento ng sining, ay ang distansiya o
agwat sa pagitan ng bawat bagay sa isang likhang sining. Para sa isang pintor, ang anyong
mabubuo ng espasyo ay kasinghalaga rin ng hugis ng mga bagay na kaniyang iginuhit.

Ang tamang espasyo ng mga bagay sa isa’t isa ay naipakikita sa pamamagitan ng


paglalagay ng foreground, middle ground, at background. Ang mga bagay sa foreground ay
kadalasang malalaki at pinakamalapit sa tumitingin. Ang bagay naman na sa background ay
nasa likod at kadalasan na maliit. Ang middleground namay ay may katamtaman ang laki ng
mga bagay na nasa pagitan ng foreground at background.

Pag-aralan ang mga larawan sa ibaba.

Background
(tanawing likdo)

Middle ground
(tanawing gitna)

Foreground
(tanawing harap)

GAWIN

Pagguhit at Pagpinta ng larawan.

Kagamitan: lapis, papel, water container, water color at brush

1. Pumili ng larawan mula sa makasaysayang lugar sa ating bansa.


2. Iguhit sa pamamagitan ng lapis.Isaalang alang sa pagguhit ang gamit ng foreground,
middle ground at background.
3. Unahing iguhit ang hugit –tagpuan (horizon) at mga bagay na pinakamalaki at
nasa harapan (foreground).
4. Maglagay ng lumang dyaryo sa ilalim ng papel bilang sapin sa mesang paggagawaan.
5. Isawsaw ang brush sa water color at ipang-kulay.
6. Patuyuin

This study source was downloaded by 100000811127340 from CourseHero.com on 02-06-2022 00:20:56 GMT -06:00

https://www.coursehero.com/file/23852049/LM-A5PR-IIf/
7. LInisin ang mesa pagkatapos ng gawain.

TANDAAN

Naikikita sa pagguhit at pagpinta ng makasaysayang tanawin sa ating bansa ang


tamang espasyo ng mga bagay sa larawan sa pamamagitan ng paggamit ng foreground, middle
ground at background.

SURIIN

Magkaroon ng eksibit sa loob ng silid-aralan. Ipaskil ang iyong likhang sining.

Panuto: Suriin ang mga likhang sining ng kamag-aral.

1. Anong ang makikita sa sa tanawin harap (foreground) sa likhang sining ng iyong


kamag-aral?
2. Mayroon din ba siyang ginamit sa bahaging tanawing gitna (middle ground)?
3. Tukuyin ang tanawing likod (background) na ginamit sa bawat larawan.

This study source was downloaded by 100000811127340 from CourseHero.com on 02-06-2022 00:20:56 GMT -06:00

Powered by TCPDF (www.tcpdf.org)


https://www.coursehero.com/file/23852049/LM-A5PR-IIf/

You might also like