You are on page 1of 17

Ang mga pitch name sa mga linya ay G, B, D, F, at A.

Gamitin ang Good Boys Do Fine


Always bilang guide phrase. Samantala, ang mga titik A C E G naman ay para sa mga pitch
name na nasa puwang. at All Cows Eat Grass para sa guide phrase.Ang guhit na
napapagitnaan ng dalawang tuldok ay pitch name na F, kaya tinawag itong F Clef o Bass
Clef.
Kung nais ng mga musikero na tanggalin ang epekto ng simbolo sa sharp o
flat sa isang note, naglalagay sila ng simbolo na natural (♮) sa harap ng note na
ibabalik sa orihinal na tono. Halimbawa ay ang pagbalik ng tono mula sa C♮ pabalik
sa C.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.


1. Ano ang flat?

2. Ano ang natural symbol?

3. Ano ang sharp?

4. Ano ang iyong natutunan tungkol sa simbolo ng musika?

5. Ano ang mga ibig sabihin ng mga simbolong ito?

6. Bakit mahalaga ang paggamit ng mga simbolong sharp, flat at


natural sa musika?
Pangalan ng Mag-aaral:______________________Grado at Seksiyon:__________

Petsa: _____________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA MAPEH-5 (MUSIC)

Melodic Interval

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

1. Nakikilala ang melodic interval sa pamamagitan ng pakikinig at biswal.

(MU5ME-IIc-4)

II. Panimula

Ang melody ay binubuo ng mga nota na sunod-sunod at maayos na


pinagsama-sama upang makabuo ng kaaya-ayang tunog. Bahagi ng masusing pag-
aaral ng melody ang pagkilala sa relasyon ng bawat nota sa isang awit. Kapag ang
ayos ng mga nota ay pahalang na magkasunod-sunod, ang interval ay masasabi na
melodic. Sa ganitong ayos, ang bawat nota ay inaawit o tinutugtog nang isa-isa at
sunod-sunod. Ang melodic interval ay bumubuo ng melody. Ito ay matutukoy sa
pamamagitan ng hiwalay na pagtugtog ng mga nota.

Ang agwat o distansya ay naglalarawan ng isang mahalagang aspeto ng


melody na tumutukoy sa ugnayan o relasyon ng mga nota sa isang awit. Ito ay ang
pagitan ng tono o ang tinatawag ding interval. Mahalaga na matutunan natin ang
interval dahil nakikilala natin ang isang awitin o musika dahil sa iba’t ibang interval
ng mga nota na bumubuo rito.
1. Bakit mahalagang pag-aralan ang mga natatanging lugar sa
ating bansa tulad ng World Heritage Site o Pandaigdig na
Pamanang Pook?

2. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataon na mapasyalan


ang magandang tanawin dito sa ating bansa ano ang una
mong pupuntahan?
Ilan sa mga tanyag na tanawin na matatagpuan sa ating bansa ay ang mga
sumusunod.

Ang ating bansa ay biniyayaan ng magagandang tanawin na may natural


na likas na ganda na nakakaakit sa mga dumarayong turista. Ang mga ito ay
mas lalong napaganda sa tulong ng arkitektura na ipinakikita ng pagiging
malikhain ng mga Pilipino.
Ang teknik na pointillism ay ang paglalapat ng kulay sa pamamagitan ng
mga tuldok gamit ang dulong bahagi ng brush na isinasawsaw sa pintura.
Bilang Istilo ng mga Sikat na Pintor sa ating Bansa, ang mga tanyag na
pintor sa ating bansa ay may kanya-kanyang istilo kung paano nila
nabibigyan ng buhay ang larawan sa kanilang mga obra. Gumagamit sila ng
iba’t ibang istilo upang magkaroon ng sariling pagkakilanlan sa kanilang mga
iginuhit o ipininta. Ang mga tanyag na mga pintor ay may iba’t ibang istilo sa
pagpipinta upang magkaroon sila ng sariling pagkakilanlan. Ito rin ang
nagdadala sa kanilang mga ipininta upang mabigyan ng buhay ang mga
larawan sa kanilang mga obra
Ang ating bansa ay biniyayaan ng mgagandang tanawin na may natural
na likas na ganda na nakakaakit sa mga dumarayong turista. Ang mga ito ay
mas lalong napaganda sa tulong ng arkitektura na ipinakikita ng pagiging
malikhain ng mga Pilipino. Ang arkitektura o agbarugan ay ang proseso at
produkto bg pagplano, pagdisenyo,at pagtayo ng mga gusali at iba pang
pisikal na istruktura. Ang mga gawang arkitektura sa materyal na anyo ng
mga gusali ay madalas na kinikilala bilang simbolo ng kultura at gawa ng
sining. Ang mga makasaysayang sibilisasyon ay malimit na nakikilala dahil
sa kanilang mga arkitekturang nagawa na hanggang ngayon ay nakatayo
pa.
Ang mga tanyag na pintor ay may kanya-kanyang istilo sa pagpipinta. Kapansin pansin PAGPIPINTA NG KAKAIBANG LARAWAN
na katangi-tangi ang kanilang mga istilo, ito ang nagiging tatak nila o pagkakakilanlan ng Kagamitan: lumang pahayagan para ipang sapin sa lugar na pagpipintahan,
kanilang mga obra. Kilalanin natin ang mga sumusunod na tanyag na pintor dito sa ating lumang tasa o garapon para hugasan ang brush, papel na oslo at cartolina,
bansa.
basahang panlinis, mga iba’t-ibang uri ng brush, lapis, pambura, poster color o
water color. (ibigay ang likhang sining sa guro kasabay sa pagpasa ng
LAS o module sa takdang petsa).
Mga Hakbang sa Paggawa:

1. Ilatag ang lumang pahayagan sa lugar na pagpipintahan at ihanda


ang lahat ng kakailanganin sa pagpinta.

2. Simulang iguhit ang naisipang larawan.


3. Unang lagyan ng kulay ang bahagyang binibigyang pansin.
4. Kulayan ng mga kulay upang maging makatotohanan.
5. Gawing makatotohanan o kakaiba ang inyong larawan.

6. Bigyan ng pamagat kung ano ang naisipan ninyo na kahawig sa


larawang inyong ipininta.
Ang mga tanyag na pintor ay maaring may pagkakapareho sa tema ng
kanilang mga ipininta subalit may makikita tayong kaibahan dito sa
pamamagitan ng iba’t ibang istilo. Ang pagkakaiba iba nila ay naging daan
upang mas makilala sila at magkaron ng sariling tatak ang kanilang mga
ipininta. Isa sa mga balakid ng mga pintor ay kung paano magiging kakaiba
at naiiba sa lahat ang kanilang iguguhit at ipipinta. Kinakailangan nilang
makaisip ng istilo na hindi pa makikita sa iba pang obra upang mabigyan ng
pansin ang kanilang ipipinta. Maalala natin sa mga nakalipas na aralin ang
ilan sa mga estilong ginagamit ng mga tanyag na pintor. Karamihan sa
kanila ay gumagamit ng mga temang mula tanawin sa mga nayon o mga
bagay bagay na kakaiba na matatagpuan lamang sa kapaligiran. Subalit
ginagamitan nila ito ng ibang istilo upang magiging unique ang kanilang
obra. Hindi maipagkakailang napakadami nating magandang lugar noon na
hanggang ngayon ay nakatayo at napapasyalan pa natin ang mga ito. Ang
mga ito ay ang mga makasaysayang lugar dito sa ating bansa. Maari din
nating gawing modelo ang mga makasaysayang lugar dito sa ating bansa
sa pagpipinta.

1. Bakit kinakailangan ng kakaibang paraan sa pagpipinta ng


larawan?

2. Kailangan ba ng isang pintor na may konsepto ang


kaniyang likhang sining o obra? Bakit?
PAGPIPINTA NG TANAWIN SA KOMUNIDAD
Kagamitan: lapis, bondpaper, water color, basahan at water container
(Ipasa ang likhang sining sa petsa ng pagkuha ng module/LAS sa paaralan)
Mga Hakbang sa Paggawa:
1. Isipin ang larawan ng komunidad na iguguhit. Ito ay maaring sariling
komunidad na kinabibilangan o ayon sa imahinasyon. Planuhin ang
gawain ng mga tao, itsura ng bahay at tanawin sa kumunidad na
iguguhit.
2. Unahing iguhit ang tagpuan o (horizon) o mga bagay na pinakamalaki at
nasa harapan (foreground) tulad ng tao at nang kanilang ginawa.
3. Sumunod na iguhit ang middle ground o tanawing gitna tulad ng tahanan o
puno.
4. Pagkatapos, iguhit ang background o tanawing likod tulad ng bundok o
kapatagan at langit.
5. Kulayan mo ito ng water color at lagyan ng pamagat.
GAWAING PAMPAGKATUTO SA MAPEH-5 (P.E.)
Pagsasagawa nang Wasto sa Iba’t Ibang Kasanayan na Nakapaloob sa Laro
I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda
1. Naisasagawa nang wasto ang Iba’t ibang Kasanayan na nakapaloob sa laro.
(PE5GS-IIc-h-4)
2. Nakasusunod sa alintunin ng laro

Ang paglalaro ay isang natural at kinakailangang gawin para sa mga bata anumang
edad. Ito ay nakakatulong para sila ay lumaki, matuto at mabuo ng maayos ang
lahat ng aspeto sa kanilang buhay. Ang paglalaro ay magpapayaman ng
kalusugang pisikal at kaisipan pagpapaunlad ng aspetong sosyal at intelektuwal.
Kung ang mga bata ay naglalaro, natututunan nilang alamin ang kapaligiran.
Nagiging malikhain mag-isip at marunong tumanggap ng pagsubok at anumang
mga pagbabago sa buhay. Sinasabi sa pag-aaral na ang oras ng mga bata ay
nilalaan sa paglalaro. Kaya nga’t ang mga taong nagtuturo at taga pagsaliksik ay
nagtutukoy na ang laro ay isang gawain ng mga bata. Halos lahat ng bata ay
naglalaro. Depende sa edad, personalidad, kakayahan at mga karanasan, sila ay
naglalaro sa iba’t ibang paraan. Ang mga iba’t ibang uri ng laro habang nirerespeto
ang kani-kanilang gusto at pagpipilian. Habang ang bawa’t laro ng mga bata ay
kakaiba sa bawa’t isa, ang paglalaro ay may kanya kanyang yugto. Mahalaga sa
mga bata ang paglalaro upang magkaroon ng malusog na pangangatawan at
pagkakaroon ng kanilang kabuuang pag-unlad. Sa pamagitan ng paglalaro, marami Alamin. Tandaan ang mga kasanayang bumuo sa Target games:
ang natututunan ng mga bata na kasanayan tulad ng pagkakaroon ng lakas ng loob, Coordination/Koordinasyon - kakayahan ng ibat ibang parte ng katawan na
pagiging MALIKSI at MABILIS mayroong COORDINATION, BALANCE, kumilos ng sabay-sabay na parang iisa nang walang kalituhan.
REACTION TIME at POWER. Agility/liksi - kakayahang magpalit o mag-iba ng posisyon ng katawan ng mabilisan
at naaayon sa pagkilos.
Muscular endurance - ay kakayahan ng kalamnan na makagawa ng paulit-ulit na
galaw o gawain.
Reaction Time - kakayahan ng mga bahagi ng katawan sa mabilisang pagkilos
Ang pagbibinata o pagdadalaga ay ang proseso ng pagkakaroon ng mga
pisikal na pagbabago kung saan ang batang pangangatawan ay magiging ganap
na may kakayahang magparami nang sekswal. Ito ay pinasisimulan ng mga hudyat
ng hormones mula sa utak patungo sa gonad. ang mga obaryo para sa mga babae
at testes naman para sa mga lalaki. Bilang tugon sa mga hudyat, ang gonads ay
maglalabas ng hormones na mag udyok ng libido at ng paglaki, ang pagbabago ng
utak, mga buto, kalamnan, dugo, balat, buhok, dibdib, at ari. Ang pisikal na paglaki
—taas at timbang—ay bumibilis sa unang hati ng pagbibinata o pagdadalaga at
nabubuo lamang kung ang bata ay nagtataglay ng hustong katawan. Ang
pagbabago sa ugali ng mga nagbibinata at nagdadalaga ay kapansin-pansin.
Totoong napapahilig sila sa pakikipagkaibigan ngaunit ang pagiging mapag-isa
kung ninanais ay dapat pahalagahan dahil ito ang panahon upang makapag-isip ng
mga dapat at di dapat para sa sarili. Ang mga nagbibinata at nagdadalaga ay
nagiging mapili na rin sa gustong kagamitan. Hindi lamang sila nagiging maayos sa
sarili kundi gayundin sa mga damit at iba pang kagamitan. Mamamasid din sa
kanila ang kasipagan at paggawa nang may kusa. Ang pagiging matulungin at
mapagkalinga sa kapwa ay makikita sa kanilang pakikitungo sa mga kaibigan at
kapatid. Ang pagtanggap ng responsibilidad ay isang hudyat ng pagtitiwala sa sarili
na gusto rin nilang pahalagahan. Dahil sa mga pagbabagong pisikal ay
naapektuhan din ang damdamin ng isang nagdadalaga at nagbibinata.
Ang mga kabataang ito ay nagiging palaayos sa sarili ay normal na
bahagi at dahil dito ay nagiging palahanga sa mga taong mapag ayos at may
magandang tikas ng katawan na nagiging idolo nila sa paglaki. Maging sa sarili
ay mapaghanap sila ng pansin mula sa kapwa at mga magulang. Dito rin
maranasan ang pakikipagkaibigan at pakikipagtunggali kaya’t ang pakikisama
ay dapat nilang matutunan at pahalagahan. Sa panahong ito, ang pagtitiwala sa
sarili ay makatutulong sa pagiging matatag na siyang susi upang maging
maunlad at malawak ang pag-unawa sa buhay. Ang mga kasambahay at
kaibigan ay dapat namang magpakita ng pagunawa, pagkilala, at pagtitiwala na
siyang makatutulong sa pagpapaunlad ng mga nagbibinata at nagdadalaga.
GAWAING PAMPAGKATUTO SA MAPEH 5 (HEALTH)

Mga Paniniwalang Pangkalusugan na May Kinalaman sa


Pagbibinata/Pagdadalaga at Mga Maling Paniniwala Ukol Dito

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda


Nailalarawan ang mga paniniwalang pangkalusugan na may
kinalaman sa Pagbibinata/Pagdadalaga at Maling Paniniwala Ukol
Dito. (H5PH-Ic-11)

May mga tradisyunal na paniniwala ukol sa pagbibinata/pagdadalaga


at mga maling saloobin tulad ng mga sumusunod:

Sa Pagkakaroon ng Regla
1. Hindi pwedeng maligo
2. Hindi pwedeng magbuhat ng mabigat
Nocturnal Emissions (pagpapalabas ng tamod habang natutulog sa gabi)

Ang nocturnal emission o wet dreams (basang panaginip} ay ang


pagpapalabas ng semen habang natutulog. Maaring magkaroon ng nocturnal
emission kahit hindi naninigas ang ari at maaring magising o diretso ang
pagtulog habang nilalabasan. Kalimitan ay may kasamang panaginip na seksual
habang nilalabasan. Ang mga lalaki ay naniniwalang may mali sa kanila kapag
nagising na may malapot na tamod sa kanilang mga panloob.

Circumcision o Pagpapatuli

Kathang-Isip 1. Ang pagpapatuli ay panangga lang sa impeksiyon.

Katotohanan: Ang pagpapatuli ay hindi nakakapigil sa anumang impeksiyon


sa katawan kanser man, UTI, aids o std.Ang pagpapatuli sa isang sanggol
ayon sa “The American Academy of Pediatrics” ay hindi
nakakadulot ng anumang benepisyo medikal.
Ang mood swing o sumpong ay isang matindi at mabilis na pagbabago sa
lagay ng kalooban. Body odor o BO o pangangamoy ng katawan ay maaring
mapansin sa mga hayop at tao, at ang bahagdan nito ay maaapektuhan ng
maraming kadahilanan (behavioral patterns, survival strategies).
Oral health ay estado ng pagiging libre sa mga sakit sa bibig at mukha,
kanser sa bibig at sa lalamunan, oral sores, birth defects katulad ng cleft lip at
palate, periodontal (gum) disease, tooth decay, at tooth loss at iba pang mga sakit
na nakaapekto sa bibig at lalamunan.
Pimples are an inflammation of the skin in which the sebaceous glands (oil
glands) become infected with bacteria, swell up, and fill with pus.
ACNE- a disorder of the skin caused by inflammation of the skin glands and
hair follicles
Poor posture is the posture that results from certain muscles tightening up
or shortening while others lengthen and become weak which often occurs as a
result of one's daily activities.
Menstruation ( regla o buwanang dalaw), ay ang buwanang pagdurugo dahil
sa regular na pagpapalit ng lining o pang-ibabaw na patong ng matres .
Teenage pregnancy o pagbubuntis ng mga babae sa edad 12 hanggang 19
ay isang malawakang isyu hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo.Ayon sa
istadistika ng Save the Children, 13 milyon babae sa iba’t-ibang parte ng mundo ang
nabubuntis sa edad 20 pababa taun-taon. Dahil ditto malawakang kampanya ang
ginagawa ng gobyerno upang ibaba ang bilang ng kaso ng teenage pregnancy.
Unintended Pregnancies ay yaong pagbubuntis na wala sa panahon, hindi
napaplano at unwanted sa simula pa lamang ng pagbubuntis. Isa sa sampung
Pilipina ang dumadaan sa Unintended pregnancy.
Sexual harassment o seksual na panliligalig ay isang pananakot
(intimidasyon, pamumuwersa, pamimilit, koersyon) na may katangiang seksual o
pagtatalik na hindi kinagigiliwan o pinahihintulutan o hindi nararapat na pangako ng
pabuya bilang kapalit ng mga biyaya o pabor na seksual.

You might also like